Press Briefing

Virtual Presser with Presidential Spokesperson Harry Roque

Event Virtual Press Briefing

Magandang Linggo ng hapon, Pilipinas!

Inaprubahan po ngayong araw ng ating Presidente ang rekomendasyon ng inyong IATF na ilagay ang mga lugar na ito sa corresponding the community quarantine:

Under Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, kasama po ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite; under MECQ din po ang City of Santiago, Quirino at ang Abra.

So uulitin ko po: Under MECQ and NCR plus, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite; ang City of Santiago, Quirino at Abra.

Mapapasailalim naman po sa General Community Quarantine (GCQ) mula April 12 to 30:
• ang CAR,
• sa Region II, ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya,
• sa Region VI-A ang probinsya ng Batangas,
• sa Region VIII, Tacloban City,
• sa Region X, Iligan City,
• sa Region XI ang Davao City,
• sa BARMM, Lanao Del Sur
• at ang Quezon.

Ang lahat po ng parte ng Pilipinas na hindi nabanggit ay mapapasailalim po MGCQ.

Now, inaprubahan po ng inyong IATF ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority na gamitin ang automatic contact tracing sa pamamagitan ng Smart Messaging System, mapapalakas at mai-improve nito ang paggamit ng StaySafe.ph.

Para matiyak ang inter-operability at integration ng lahat ng contact tracing applications integrations ng StaySafe.ph, magkakaroon ng initial beta testing kasama ang proposed messaging ng Smart Messaging System sa Pasig City sa a-uno ng Mayo 2021. Ang beta testing consortium ng Antipolo at mga Lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Valenzuela sa a-uno rin ng Mayo 2021 with access to COVID-19 Document Repository System or CDRS.

In-adopt din ng IATF ang rekomendasyon para sa immediate completion ng paglilipat ng pagmamay-ari or transfer of ownership sa Department of Health ng CDRS at immediate integration ng CDRS sa StaySafe.ph. system at iba pang lokal contact tracing systems at applications.

Ang Department of Interior and Local Government ang inatasan na maging overall sa implementasyon. Samantala ang Department of Information and Communication Technology ang mangunguna sa National Inter-Operability at ang DOH ay inatasan na tiyakin ang integration of StaySafe.ph.sa CDRS.

Ang DILG ang itinalaga na bumuo ng action plan na may specific timelines and targets kasama ang DICT at DOH.

Kasama rin sa naratipikahan kahapon sa IATF ay ang panukala na i-endorso ng Department of Tourism na magtayo ng libre at temporary public walk in at drive thru vaccination centers na nasa bakanteng lote ng Nayong Pilipino sa Parañaque City.

Dahil sa direktiba ng Pangulo sa PhilHealth na magbayad sa mga ospital na mayroong mga unpaid COVID-19 claims, marami sa ating mga private, national government at LGU hospitals ang nag-commit na dadagdagan ang mga COVID-19 beds lalo ang mga ICU beds sa NCR plus. Ito ang isa sa naging kritikal na basehan ng IATF para magrekomenda sa ating Presidente na magluwag ng kaunti at gawing MECQ ang klasipikasyon sa NCR plus.

Ang mga commitment mula sa mga pribadong at pampublikong ospital, ito po ay 104 hospitals sa NCR Plus, as of 11:00 AM, April 11, 2021 ay ang sumusunod:

• Additional 164 critical ICU beds at 1,157 COVID-19 regular beds for moderate ang severe.

Ang iba pang mga dagdag na capacity na handa na ay ang mga sumusunod:
• 110 bed sa Quezon Institute para sa mga moderate and severe COVID-19,
• 960 beds sa National Center for Mental Health para sa moderate COVID-19 patients,
• 300 beds sa Manila Times College sa Subic para sa mild and asymptomatic,
• 165 beds New Clark City, Tarlac para sa mild and symptomatic,
• 200 beds, Eva Macapagal Terminal in Manila, mild and symptomatic
• and 100 beds sa Orion, Bataan Port Terminal para sa mga mild and asymptomatic.

Ito naman po ang suma total na nadagdag na healthcare capacity habang tayo ay nasa ECQ:
• COVID ICU beds 164,
• COVID regular beds for moderate and severe, 2,227,
• COVID isolation beds 765.

Ang suma total po ay 3,156 beds in NCR plus.

Now, makikita ninyo sa table ang utilization rate kasama na ang mga bagong kama. So makikita po ninyo sa COVID-ICU beds ang ating utilization rate ngayon ay 74.34%; ang ating COVID ward beds ay 46.04%; at ang COVID isolation beds ay 59.56.

Ang naaprubahan nga pala po ng ating Presidente na rekomendasyon ng IATF na MECQ sa Metro Manila Plus ay magtatagal hanggang katapusan na po ang Abril.

Iyan lang po sa ngayon at bukas po sa ating regular press briefing, pag-uusapan po natin muli ang pagkakaiba ng ECQ at ng MECQ. Magandang hapon po sa inyong lahat and enjoy your Sunday. Ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing babangon tayong muli laban dito sa COVID-19. Goodbye po and see you tomorrow.

##