Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio and Mr. Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Muli, isang araw na naman ng makabuluhang diskusyon kaugnay sa mga hakbangin ng pamahalaan laban sa COVID-19 ang aming ihahatid sa inyo ngayong araw ng Sabado.

BENDIJO: Good morning, Usec. Isang oras na naman na siksik sa mga mahalagang impormasyon ang amin pong ibibigay kaisa pa rin ang mga resource persons mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, sasagutin at bibigyan ng linaw ang inyo pong mga katanungan lalung-lalo na ng ating mga kababayan. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: At mula naman po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, Aljo, maya-maya lamang makakasama natin sa programa sina Assistant Secretary Joseph ‘Joy’ Encabo, ang Lead Convenor of Hatid Tulong Project and Presidential Management Staff; ang Department of the Interior and Local Government Usec. Jonathan Malaya; Philippine National Police Spokesperson Brigadier General Bernard Banac; at si Mr. Frank Lloyd Gonzaga, ang Senior Vice President, Planning and Advocacy ng Small Business Corporation.

BENDIJO: At makakasama rin natin sa paghahatid ng mga balita ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang PBS, Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: Para naman sa ating pinakaunang balita: “Enough is enough,” ito po ang naging tugon ni Senator Bong Go sa mga isyu ng anomalya na nagaganap sa PhilHealth. Nanawagan din ang Senador sa mga leader ng ahensiya na itigil po ang ganitong uri ng issue sa gitna ng public health emergency na kinakaharap ng bansa. Aniya, mas lalong hindi dapat palampasin ang ganitong problema. Bilang Senate Committee on Health and as a Co-Chair of Congressional Oversight Committee on the Implementation of the Universal Healthcare Law, dapat bantayan ang bawat sentimong ginagamit sa PhilHealth fund at siguraduhin na ang lahat ng Pilipino ay makakatanggap nang maayos, mura at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan. [VTR of Sen. Go]

Samantala, naniniwala si Senator Bong Go na ang 5th State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte sa darating na Lunes ay magbibigay ng pag-asa sa magandang kinabukasan para sa mga Pilipino sa kabila ng kinakaharap na mga hamon ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic. Dagdag pa niya na ang goal ngayon ay hindi lamang i-adopt ang new normal kundi i-lead ang bansa patungo sa better normal and better quality of life.

Malaki po ang responsibilidad, Aljo, na ginagawa ng mga LGUs para sa pagiging epektibo ng mga ipinatutupad na quarantine protocols sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kaya naman po upang alamin ang pinakahuling update tungkol diyan, makakausap natin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Usec., good morning po.

USEC. MALAYA: Yes. Good morning Usec. Rocky at Aljo at good morning po sa lahat ng tagapanood natin sa umagang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. alam kong napaka-busy’ng-busy ninyo Usec. Unahin ko na lang po iyong tanong ng ating kasamang si Pia Rañada ng Rappler. Ito po tanong niya para sa inyo, Usec.: “What is the reasoning behind banning rallies for SONA if the concern is safety against the virus? Can’t the police just monitor the rally to ensure social distancing on mask-wearing especially since this is what happened with the Anti-Terror protest in UP?

USEC. MALAYA: Opo. Iyong pinalabas po na advisory ng DILG kahapon ay simply to cascade the decision or resolution of the IATF ‘no. Kasi nga po since we are in the middle of a pandemic, any form of mass gathering is prohibited, kasama na rin po diyan ang mga rallies and demonstration. So we are simply cascading this resolution of the IATF, it’s a collective decision of the IATF at ito pong ginawa natin is because of the health measures ‘no. Ito naman pong ban na ito ay with relation to the quarantine ‘no, with relation to the health protocols being implemented by government because of the pandemic. Sa gitna po ng pandemya, ang mga mass gathering po talaga ay ating ipinagbabawal and the advisory issued by the DILG is simply cascading that directive of the IATF to all local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., aprubado na ng National Task Force ang final extension noong deadline para po sa pagko-comply ng mga motorcycle riders sa barrier na required po sa back riding. So, ano na po ang inyong paalala sa ating mga motorista na lalo na sa mga hindi nagko-comply? So far, gaano na po ba karami ang mga nagkaroon ng violations?

USEC. MALAYA: Opo. Madami-dami na po ang nagkaroon ng violations dito, around 13,665 na po ang mga nahuli natin na nagba-violate dito sa polisiya natin. At ang lumalabas po sa datos na kahit iyong mga may barrier ‘no, naglagay sila ng barrier ngunit hindi naman pala mag-asawa or hindi naman pala sila live-in partner ‘no. So ito pong mga may barrier nga ngunit hindi sila mag-asawa ay 1,283 na po ang ating nahuli. So talaga pong ang dami po talagang nagpapalusot ‘no, nagkakabit sila ng barrier ngunit hindi naman pala sila live-in partner or mag-asawa.

So binigyan po natin ang ating publiko ng hanggang July 31 para mag-install ng mga barrier na ito at sa ngayon po ay wina-warning-an na namin ang ating mga kababayan na sumunod sana po tayo dahil pagkatapos po ng July 31 ay magiging mas mahigpit na po, mahigpit na po ang ating paninita dahil nga po gusto po sana nating masunod itong mga pamantayang ito dahil ito naman po ay para sa ikabubuti ng ating publiko.

USEC. IGNACIO: Opo. naging usapan din iyong safety ng mga motorista Usec., iyong sa mga back riders sa paggamit ng barrier. So ano po ang masasabi ninyo o nais liwanagin kaugnay sa kamakailan po ay naire-report na aksidente naman po bukod sa nagkakaroon ng violation pero nagkakaroon daw po ng aksidente?

USEC. MALAYA: Opo. Inimbestigahan po namin iyong mga reports ng mga aksidenteng iyan at lumalabas po na faulty po iyong ginamit na barrier noong ating mga kababayan—o ilan sa ating mga kababayan. Kasi nga po may nagba-viral po tayo sa social media ngayon na diumano may mga aksidente dahil sa barrier at ipinagtaka po namin ito dahil mga ilang linggo—almost 1 month na pong ginagamit ang mga barrier na ito sa Bohol. Kung maalala po natin, ito pong mga unang barrier na ating inaprubahan ay prinopose (propose) ng Gobernador ng Bohol, si Gov. Yap, at itong disenyo nga po ang ating inaprubahan.

So noong tiningnan po namin iyong mga nagba-viral na mga photos, lumalabas po doon na—for example iyong isa ay gumamit ng salamin. Hindi po iyan aprubadong disenyo ng IATF or ng NTF. Kailangan po ang gamitin natin ay acrylic plastic or something similar, hindi pupuwedeng salamin. So itong pong mga aksidenteng ito ay hindi dahil doon sa mismong barrier but because of the faulty construction at maling materyales na ginagamit.

So nakikiusap po kami sa ating mga kababayan na sundin po sana natin ang mga pamantayang inilabas ng National Task Force on COVID-19. At kung mayroon pa po tayong mga kababayan ngayon na nagsasabi na mayroon pa silang ibang disenyo na gusto nilang imungkahi sa NTF, mangyari lamang po na ibigay ninyo itong mga disenyong ito before July 31. The government, the IATF and the NTF, is open to other designs na mayroon po kayo. Isumite ninyo po ito sa amin sa NTF, at pag-aaralan po natin para po ma-announce natin kung mayroon pang ibang disenyo before July 31.

Ang ibig lang pong sabihin nito, ang gusto po ng ating pamahalaan ay magkaroon nang mas madaming options ang ating mga kababayan para po makasunod sila sa ating pamantayan on the back-riding policy.

ALJO BENDIJO: Opo. Usec., magandang umaga po. Pinag-aaralan po itong mungkahing ito, Usec., ito pong paglalagay po ng barrier. Kasi may mga nagtatanong, na suggest or naipatupad ba ito ng pamahalaan na wala pong kaukulang mga pag-aaral? Klaruhin lang natin na dumaan po ito sa masusing pag-aaral.

USEC. MALAYA: Yes, dumaan po ito sa masusing pag-aaral. May technical working group po tayong binuo dito. At gaya nga po nang sinabi ko, Aljo, bukas pa rin tayo sa ibang mga disenyo. Kung hindi sila sang-ayon doon sa mga naunang disenyo, mangyari lamang na magsumite sila ng mga disenyo nila para mapag-aralan natin.

Ngunit naninindigan po ang NTF na kailangan po talaga ng barrier dahil nga po ang physical distancing ay isa sa mga pinakaimportanteng measures laban sa COVID-19. At lumalabas po na kahit may barrier, madaming mga tao ang hindi naman sumusunod; nagpapalusot pa rin. Naglalagay sila ng barrier, ngunit hindi naman pala sila mag-asawa or hindi naman pala sila magkasama sa isang bahay or isang household. Ibig pong sabihin nito, kailangang-kailangan talaga natin ng barrier dahil kung magkakadikit ang mga tao sa motor ‘no at nagpapalusot nga ang iba, ito ay isa sa mga magiging dahilan sa pagkalat ng COVID-19.

So ang polisiya po ng ating pamahalaan, kahit anong klaseng transportasyon, maging bus man iyan, pribadong sasakyan, jeepney, lahat po iyan ay kailangan may barrier.

ALJO BENDIJO: Opo. Usec., kumustahin na rin po natin iyong ongoing efforts ng Department of Interior and Local Government kaugnay naman sa decongestion sa mga BJMP jails. Kumusta po itong programa ninyo; at gaano ba kalaki ang maitutulong nito sa kaligtasan ng mga detainees lalo na sa pagpapatupad ng mga panuntunan kontra COVID-19 sa mga pasilidad?

USEC. MALAYA: Opo, may magandang balita po tayo diyan dahil humigit-kumulang 21,858 na po ng ating mga kababayan ang nakakulong sa mga jails ng BJMP ang nai-release na – na-release na po natin iyan sa mainstream society at around 15,102 of these ay nailabas natin through bail or mas mababang piyansa, plea bargaining, parole or probation.

At nagpapasalamat po tayo sa Supreme Court sa kanilang inilabas na mga bagong pamantayan or guidelines para nga po mapabilis ang pagri-release natin sa mga nakakulong. Alam naman po natin ang congestions sa ating mga kulungan kaya po nakatutok ang DILG at BJMP sa lahat ng aming district jails sa buong bansa para nga po maibsan ang congestion sa loob ng ating mga kulungan.

Lumalabas po sa datos na isinumite sa amin ng BJMP na marami rito ay ang mga may sakit ‘no – 621; iyong 409 naman ay mga matatanda na or elderly, while iyong 24 naman po ay pregnant.

At ang maganda pa pong balita rin sa BJMP, kahit mayroon po silang 180 na active COVID cases ngayon, ang recovery rate naman po nila ay 82% para sa mga may COVID at 69% naman po para sa BJMP personnel. At lumalabas din po sa datos na ang death rate sa mga nagkaka-COVID ay only one percent para sa PDL, at .56% naman para sa mga BJMP personnel. Ito pong mga measures na ito, kasama na ng contact tracing, iyong madaliang pag-isolate sa mga kahit suspected pa lang na mga kaso ‘no, mayroon na kaagad ubo or may lagnat, ina-isolate na po natin iyan kaagad-agad. Nagbibigay po tayo ng proper medical attention. Matagal na po tayong may “electronic dalaw”; may mga hand washing area at mga regular disinfection ang ating mga jails. Ito pong lahat ay nakakatulong at ito po iyong mga measures na ginagawa natin para po maibsan ang congestion sa ating mga kulungan as a result of COVID-19.

ALJO BENDIJO: Opo. Ngayong araw hanggang bukas ay inaasahang makakauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya, Usec., ang nasa mahigit 8,000 mga LSIs, itong mga locally stranded individuals na mga benepisyaryo na naman sa ilalim ng Hatid Tulong Program.

Ano po iyong detalye sa magiging sistema para po sa kanilang pag-uwi at kumusta na rin po iyong pakikipag-ugnayan natin with LGUs? May mga mayors, mga local chief executives pa rin ang hindi pumapayag na tumanggap po ng mga LSIs.

USEC. MALAYA: Totoo po iyan, Aljo, pero konti na lang po sila ngayon, mga mayors na iyan, kasi nga po iyong moratorium natin sa Region VIII ay lifted na. Iyong moratorium natin sa Region VI ay lifted na rin, at ilan na lang po ang mga LGUs natin na hindi tumatanggap, na may moratorium pa rin.

Ang atin pong mga DILG field offices, ang ating mga regional task force ay isa-isa pong nakikipag-usap sa ating mga mayors na tanggapin nila ang mga LSIs as directed by the President.

At ako po ay natutuwa naman na pangkalahatan, lahat naman po sila ay tumatanggap na ngayon ng LSIs, maliban na lang po kapag napuno na iyong kanilang mga quarantine facilities o kaya naman ay mayroon silang mga problema sa pagtanggap dito sa mga LSIs na ito, ngunit ito po ay nabibilang na lamang sa kamay.

So as you said nga po, Aljo, ngayong araw po ay lampas 8,000 ang ating mga kababayan na matutulungan sa Hatid Tulong Program ng ating pamahalaan. Gagamit po tayo sa araw na ito at bukas ng lampas 120 bus na ipinahiram sa atin ng League of Municipalities of the Philippines sa pangunguna ni Mayor Chavit Singson, lima pong mga barko, mga tren ng PNR. At ito pong lahat ng mga sasakyang ito ay sasakay po ang ating mga LSIs, i-eskortan po sila ng ating kapulisan. At pagdating naman po doon sa mga LGUs ay mayroon na rin po tayong reception party na inihanda doon dahil nga nakipag-ugnayan na po tayo sa mga local government units.

At doon naman po sa probinsiya, kung sakali man pong mayroong health protocols na gustong i-impose ang ating mga LGUs, iginagalang po natin iyan. So mayroon din pong mga iba na they conduct PCR testing doon sa mga parating; mga rapid testing din po, ginagawa din po natin iyan. So ang iba po diyan ay maka-quarantine ng ilang araw habang inaantay nila iyong resulta ng kanilang test.

So ang iba pong detalye niyan, I’m sure will be shared to you by Asec. Encabo ng Presidential Management Staff dahil sila nga po ang coordinating body dito sa Hatid Tulong Program na, as you said, ay will benefit some 8,000 locally stranded individuals today and tomorrow.

USEC. IGNACIO: Usec., so rapid test po ang ibibigay doon sa mga LSIs. Pero paano naman po iyong mga LGUs na ang niri-require po na pagdating ng mga LSIs ay iyong swab test result. Papaano po iyong ibinibigay ninyong tulong sa mga LSIs na ganito ang dapat na pangangailangan po?

USEC. MALAYA: Opo, ganito po ang ating protocols: So dito po sa Metro Manila ay nira-rapid test natin sila, at kapag sila po ay nag-negatibo, iisyuhan po sila ng medical certificate na iyon din po ang magiging basis ng Philippine National Police para sila naman ay isyuhan ng travel authority. At kapag mayroon na po silang medical clearance at travel authority ay isasakay na po natin sila sa mga transportasyon na ating inihanda.

At pagdating naman   po nila doon sa probinsiya ay bahala na po ang mga LGU kung gusto pa nilang ulitin iy0ng rapid test or magpi-PCR test naman sila doon o magka-quarantine procedures po sila – we leave it now to them. Ito naman pong mga LSI natin ay naiintindihan naman po nila ang ganiyang klaseng sistema at mas gugustuhin po nilang makauwi na at ma-quarantine doon sa kanilang mga bayan kaysa po stranded pa rin sila dito sa Metro Manila. Kasi nga po ang sabi nila kapag nandoon daw sila sa mga LGU nila ay at least mabibisita sila ng kanilang mga kamag-anak kahit sila ay nasa quarantine.

USEC. IGNACIO:  Opo, Usec, napag-uusapan din po ba sa National Task Force, in case po, katulad po ng mga nasa government workers na nagiging frontliners din, kapag po kailangan na magpagamot or kailangan na magpa-swab test. Ito po ba ay napag-uusapan na, sino po ang pupuwedeng sumagot dito sa kanilang mga pangangailangan na ganito?

USEC. MALAYA:  Opo, sa mga government employees po ba, Usec?

USEC. IGNACIO:  Opo at saka sa mga frontliners na rin po.

USEC. MALAYA:  Opo. Ang mga frontliners po ay priority po iyan sa COVID testing natin, sa mga PCR test. Sa akin pong experience, kasi nga po tayo ay frontliner din. Noong ako po ay nagpa-PCR test ay sinagot naman po ng government hospital iyong aking PCR test. So, I would assume, Usec. na lahat ng mga frontliners, particularly iyong ating mga government frontliners ay matutulungan ng ating pamahalaan para iyong kanilang COVID test ay covered na ng kanilang government service.

USEC. IGNACIO:  Opo, pati rin po mga empleyado ng gobyerno?

USEC. MALAYA:  Opo, so long as po, na frontliner sila.

USEC. IGNACIO:  Usec, para mas mapalawig pa ang impormasyon at kaalaman sa pag-iingat po sa COVID-19 ay nag-launch po ang DILG, siyempre kaisa po ang Department of Health, ang PCOO at ang Philippine Information Agency ng programang ‘Bida ang may disiplina, Solusyon sa COVID-19’ – so, ano po ba talaga iyong layunin ng programang ito at ano iyong nakikita ninyong magiging tulong nito para malabanan ang COVID-19?

USEC. MALAYA: Ito nga po iyong programa ng Department of Health na-ni-launch nila kahapon iyong ‘Bida solusyon sa COVID-19’. At ang atin nga pong principal ambassador ng BIDA ay si Mr. Alden Richards. At kahapon nga po ay nagkaroon tayo ng launching diyan at naimbitahan po kami sa DILG.

At noong kami po ay naimbitahan, nag-usap po kami ng DOH na iyong aming sarili namang programa, iyong ‘Disiplina Muna’ ay maisama na rin sa kampanya ng DOH. So, ang nangyari po, mayroon po tayong inilunsad din kahapon na tinatawag na ‘Bida ang may disiplina, solusyon sa COVID-19’. Ito po ay collaboration ng DOH and DILG para nga po manawagan sa ating mga kababayan for behavioral change.

Kasi nga po, madalas naman pong ang atin pong approach ay negative reinforcement, meaning kapag kayo po ay hindi sumunod sa mga pamantayan ng ating pamahalaan, kayo ay mapa-fine o kaya naman ay makukulong. Gusto naman po namin na ang iba naman pong approach complementary of that approach. Of course, hindi po natin iyan aalisin dahil may mga ordinansa na pong naipasa sa iba’t-ibang mga LGU natin, ngunit complementary to that, ay ito pong programang ito naman. Ito naman iyong soft approach, ito po iyong panawagan natin at tayo po ay kumakatok sa mga puso naman ng ating mga kababayan and appealing to their sense of nationalism.

Dahil nga po ang ginagamit po natin dito sa programang ito ay mga national heroes naman natin – sila Rizal, sila Emilio Aguinaldo, Bonifacio, sila po ay nakalagay at mayroon po silang facemask. So, through this program, ito pong soft approach ay ginagamitan po natin ng mga sistema ng behavioral change para po makiusap at umapila sa ating mga kababayan na ang pagpuksa sa COVID-19 ay nakasalalay sa bawat tao – napakaimportante po iyong individual discipline, napakaimportante po iyong individual responsibility.

And through this program, ipinapaliwanag po ng ating pamahalaan sa ating mga kababayan na ang kanilang ginagawa pang-araw-araw ay napaka-importante sa laban sa COVID-19.  Dahil ang COVID, ang sakit ay hindi naman naglalakad ng mag-isa, ito po ay kumakalat dahil sa mga ginagawa ng tao. So, bawat Pilipino, lahat po tayo, more than 100 million, we are responsible for the success of this program. At ito ang layunin ng ‘Bida ang may disiplina, solusyon sa COVID-19’ campaign na humikayat ng suporta sa ating mga kababayan para po matalo po natin ang COVID-19.

BENDIJO:  Opo, dahil po sa pinaigting na kampanya ng ating pamahalaan laban doon sa mga quarantine violators, mayroon kayong mungkahing uniform implementation, itong tinatawag na uniformed jail time, 10 to 30 days, doon sa mga lumalabag sa physical distancing. Ano po ito at ano ang masasabi ninyo sa mga kumukuwestiyon tungkol sa constitutionality ng mungkahing iyan ng DILG?

USEC. MALAYA:  Opo, we do not see any constitutional problems dito po, dahil nasa public health emergency po tayo.  Tungkulin po ng pamahalaan, tungkulin po ng lahat ng level ng pamahalaan, whether the national government or the local government to ensure the general welfare and ensure the public health of all citizens.

Dahil nga po dito ay mayroon pong mga local government units, ang nagpasa ng mga ordinansa sa buong bansa na po ito, na implementing iyong mga health measures na that was identified by the Department of Health. Basic lang po iyan, nandoon po iyan sa ‘Bida ang may Disiplina, Bida solusyon’, iyong bawal po ang walang facemask, iyong ating pong regular hand washing, dumistansya po ng isang metro at iyong alamin ang tamang impormasyon, iyan nga po iyong Bida.

So, iyong iba pong LGUs ay kaniya-kaniyang pasa ng mga ordinansa, ngunit nagkakaiba po kasi sa penalties. So, napag-isipan po ni Secretary Eduardo Año na mas maganda kung uniform ang penalty sa buong bansa. Kaya mayroon po kaming naging mungkahi sa mga local government units. At ito naman pong mga local government units, may kaniya-kaniya naman po silang Sanggunian at mayroon po iyang prosesong pinagdadaanan bago ang ordinansa ay maipasa, may public hearing, may mga diskusyon po iyan. So, ibig pong sabihin, nako-konsulta ang publiko sa pagpasa ng mga ordinansang ito. Dahil nga dumadaan po ito sa proseso, maliwanag po sa Local Government Code kung ano po ang prosesong pinagdadaanan bago maipasa ang isang ordinansa.

Ang gusto lang po sana ng DILG ay maging uniform ito sa buong bansa para hindi naman napakahigpit sa isang lugar at napakaluwag naman sa isang lugar. Ang amin pong idea ay maging consistent tayo sa buong bansa, para isang bansa tayo na lumalaban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Okay maraming salamat po, Usec. Malaya. Kunin na lang po namin ang inyong mensahe para sa ating manunuod.

USEC. MALAYA:  Kagaya nga po ng sinabi ko kanina, tayo po ay nananawagan ng suporta sa ating ‘Disiplina Muna’ campaign na atin pong inilalim na sa malawakang kampanya ng Department of Health. Nandiyan na po ang ‘Bida ang may Disiplina’. Naghahanap po tayo ng mga Bida champions, hindi lamang   po sa national kung hindi sa lokal. At sana po ay araw-araw tayo ay maging ‘Bida’ para matalo natin ang COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong oras at sa pagbabahagi ng impormasyon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Mabuhay po kayo, stay safe, Usec.!

USEC. MALAYA:  Maraming salamat din po at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO:  Ngayong araw ay nakatakdang simulan ang grand send-off ng mga ‘locally stranded individuals’ hanggang bukas, kaya naman po upang magbigay ng detalye ukol ito makakausap po natin si Presidential Management Staff and Lead Convener ng Hatid Tulong Project, si Assistant Secretary Joseph “Joy” Encabo. Asec. Good morning   po.

SEC. ENCABO:   Magandang umaga po Usec. Rocky at sa inyong kasama, si Sir Aljo.

USEC. IGNACIO:  Asec. Joy, maaari mo ba kaming bigyan o kunin namin iyong reaksiyon ninyo patungkol doon sa mga tao po sa Rizal Memorial Sports Complex, kasi may kumalat pong video, pictures na ang dami pong tao at wala pong physical distancing ang ating mga LSI?

ASEC. ENCABO: Well unang-una Usec. Rocky, naintindihan ko po iyong mga concerns ng ating mga kababayan, iyong nagkalat na mga photos at saka videos sa issue ng social distancing dahil napuno po iyong baseball field ng Rizal Memorial Sports Complex. Gusto ko lang ipaabot sa lahat at ipaliwanag na noong mga nakaraang araw, lahat ng mga taong iyon ay nasa kalsada; inulan po sila ng dalawang gabi, babad po sa init at kailangan na po naming magdesisyon upang mabigyan nang maayos na shelter ang mga kababayan natin na mga LSIs lalung-lalo na ang mga senior citizen, ang mga buntis, ang mga bata.

Kung titimbangin po, alam po namin kung nag-violate man po kami sa issue ng social distancing eh kailangan din po natin ipakita ang simpatiya at ang pag-unawa at pag-aruga ng ating mga kababayan at sila’y magkaroon ng komportableng pag-aantay habang sila ay naghihintay sa kanilang biyahe ngayong araw at saka bukas. Kaya po sana’y maunawaan po ng publiko na ang ginawa ho ng Hatid Tulong Technical Working Group ay isang desisyon, isang collective decision na kung maari lang po ay mabigyan ng kaayusan at magkaroon ng maayos na temporary shelter habang sila’y nag-aantay sa kanilang pag-uwi.

USEC. IGNACIO: Opo, Asec., naintindihan po natin. Alam naman natin na hindi naman pupuwedeng mabasa rin ng ulan at dahil magkakasakit din po itong mga ito at siyempre kailangan ding bigyan talaga ng maiinom/makakain iyong ating mga LSI habang naghihintay po ng biyahe. Naiintindihan po natin iyon at naintindihan po namin iyong hirap na ginagawa ninyong pagtiyak po dito sa seguridad ng ating LSI.

So Asec., gaano po karami iyong inaasahang uuwi ngayon at ano pong oras ito nakatakdang ihatid sa kani-kanilang mga probinsya?

ASEC. ENCABO: Ang mga LSIs ngayon, ang Region X at ang mga probinsya ng Agusan del Norte, Agusan Sur at Butuan City ay dahan-dahan na pong na-dispatch at naihatid sa barko ‘no, at sila’y aalis sa takdang ala singko ng hapon ngayong araw. Ngayong darating na ala una, uumpisahan na rin ang pag-dispatch ng Region XI at saka Region XII.

So kada tanggap namin ng text confirmed messages na mga LSIs ay umabot na po sa 7,500 at hindi pa po kasama ang mga walk-ins na kung saan dumating po sila ng madaling araw kanina. Kaya po hindi po mapipigilan, sa sobrang dami ng LSIs, kahit gaano po kalaki ang ating venue kung saan ginamit na po natin ang football field at saka baseball field ng Rizal Memorial Sports Complex ay ganoon din po dahil talagang—they’re really hoping na talagang sila’y makauwi ngayong araw na ‘to at saka bukas.

Kaya ginagampanan po ng Technical Working Group na habang sila’y nag-aantay, binibigyan po natin sila ng maiinom, ng mga pagkain at tulong galing sa DSWD at galing po sa opisina ng Office of the President, kay President Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, paano po natin titiyakin na—o masisiguro na masusunod na rin po iyong [garbled] health and safety protocols? At mayroon din pong tanong dito si Leila Salaverria ng Inquirer, i-clarify lang daw po iyong 8,000 pa na uuwi na rapid test, sa lahat po ba daw ito? Iyong walk-in din ba, kasama dito?

ASEC. ENCABO: Iyong makakauwi sa araw na ito at bukas, kung aabot man sila ng 8,000 ay nakakasiguro po kami at ginagarantiya po namin na lahat po sila ay dadaan sa isang medical protocol. Bago sila bibigyan ng rapid test, dadaan sila sa mga doktor ng DOH para bigyan ng isang checkup, prosesong checkup, medical triage at iko-conduct na po iyong rapid test at kung sila ay negatibo, itutuloy po ang kanilang pagproseso sa travel authority.

‘Pag naman ang isang LSI ay naging positibo sa rapid test, ilalagay po namin sila sa isolation center at magkakaroon po ng confirmatory test na iko-conduct din po ng DOH, iyon po ay swab test na. At pagdating ng resulta, kapag sila ay negatibo sa swab test ay maaari na rin po natin silang palalakbayin o pauuwiin sa kanilang mga probinsya. At kung nag-positive man sa swab test o confirmatory test ay mayroon po tayong nakalaan na facility or quarantine facility, naka-standby po iyan at doon po natin iki-cater ang mga tao na iyon, ang mga LSIs.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec. Joy, kunin ko na lang iyong mensahe ninyo partikular din po iyong sa pamilya nitong mga LSI na hinihintay nila iyong pagdating na kani-kanilang mga pamilya na na-stranded sa Metro Manila. Kunin ko po iyong mensahe ninyo para sa kanila.

ASEC. ENCABO: Opo. Ang gusto ko lang ipaabot sa ating mga kababayan na ang gawain po ng ating gobyerno ay tulungan iyong mga vulnerable at saka mga humihingi ng assistance gaya po ng ating mga Locally Stranded Individuals. Sana po maintindihan po ng ating publiko na ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya na sundin ang mga patakaran ng IATF guidelines na mayroon po silang mask, mayroon pong sanitizing na protocol at social distancing.

Sa issue pa lang po ng social distancing ay kami po ay humihingi ng pang-unawa dahil hindi po kaya ng puso ng ating Technical Working Group na makikita ang ating mga kababayan, mga LSIs nasa labas ng kalsada, walang masisilungan, nauulanan at naiinitan. Ito po ang aming kakayahan na maibigay at tulong na maibigay sa mga LSIs at sana maintindihan po nila iyon.

At iyong mga pamilyang nag-aantay, ang tanging panalangin po namin ay maiuwi ang ating mga kababayan safe and sound. At pagdating po ng LGUs, sa lahat ng mga LGUs na tumanggap, maraming salamat po kasi po sa inyong pagtanggap ay nakakasigurado po ang inyong mga kababayan, ang inyong mga constituents na sila’y pangangalagaan ninyo sa pagdating nila diyan. Kung susundin nila—kung mayroon man tayong protocol sa medical, sa pag-quarantine sa kanila, susundin po nila iyon dahil na-orient na po sila; at kung may karagdagan pong medical protocol gaya ng swab test, susundin po nila iyon.

Ang importante po ay makapiling na po nila ang kanilang pamilya, secured na po sila at hindi na po sila maghihirap dito sa Kamaynilaan dahil karamihan po sa kanila o halos po sa kanilang lahat ay walang-wala na po lalung-lalo na po ang pinag-usapan ay pinansiyal. Kaya po malaki po ang suporta ni Pangulong Duterte sa mga LSIs natin dahil sa kanilang paglakbay ay mayroon din silang ayudang natatanggap o financial assistance natatanggap through DSWD.

At nagpapasalamat din po ako sa tanggapan ni Senator Bong Go dahil tumulong din po siya sa pagbigay ng mga assistance sa ating mga LSIs. And sa lahat po ng mga ahensya ng gobyerno, maraming salamat po dahil ang ating layunin ay tulungan natin ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po Asec. Joy, ang Presidential Management Staff and Lead Convenor ng Hatid Tulong Project. Ingat din po kayo, Asec. Joy.

ASEC. ENCABO: Maraming salamat po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po, mag-ingat po kayo. Samantala, upang alamin ang pinakabagong update kaugnay sa walang humpay naman na serbisyo ng ating mga pulis at mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 quarantine protocols, makakausap po natin sa programa si Philippine National Police Spokesperson, Brigadier General Bernard Banac. Sir, magandang araw po.

Aayusin lang po natin ang linya ng ating komunikasyon kay Gen. Banac at marami rin po tayong mga katanungan para sa ating mga pulis ngayon kasi kailangan din natin Aljo malaman, ilan na ba iyong mga gumaling/nagpositibo kasi hindi sila nakaligtas din maging sa COVID-19.

BENDIJO: Oo, iyan na nga ‘no at nakakalungkot dahil again, ang COVID-19 ay kasa-kasama na natin araw-araw hangga’t walang pang gamot, wala pang bakuna. So ang mga vulnerable niyan siyempre ang ating mga frontliners at ilan diyan siyempre Usec. ang ating mga pulis. Hopefully ay nabawasan na at gumaling ang mga nahawahan sa hanay naman ng pulisya.

USEC. IGNACIO: Wala pa si Gen. Banac. Kanina noong kausap natin si Asec. Joy ng Hatid Tulong, Aljo, na nararamdaman din natin iyong talagang… siyempre iyong kagustuhan niya na sumunod sa safety protocols pero kung nakikita mo nga iyong kanilang—katulad ng nasa labas, nagugutom ay kailangan nilang bigyan ng masisilungan. So, naintindihan naman natin iyong ginawa na iyon.

ALJO BENDIJO: Usec., as of, ito lang, July 24 ay mahigit 1,700 na mga PNP personnel ang tinatamaan na ng COVID-19. So hopefully ay okay na ang linya ng komunikasyon ni General Banac para malaman natin kung ilan. Importante dito, Usec., iyong mga gumagaling at nababawasan iyong namamatay sa COVID-19. Hindi natin maiwasan talaga, may mga nahawaan araw-araw. Nakaka-stress talaga, Usec., kapag nakikinig ka sa balita at nagbibigay ng update ang Department of Health na maraming nahawaan. Pero tinitingnan ko na lang iyong recovery at saka mababang mortality.

Anyway, Usec., sa puntong ito ay dako muna tayo sa pinakahuling mga balita mula sa iba’t ibang lalawigan ng buong kapuluan. Makakasama natin si Ched Oliva mula sa Philippine Broadcasting Service – Ched?

[NEWS REPORTING]

ALJO BENDIJO: Maraming salamat, Ched Oliva.

[VTR]

USEC. IGNACIO: At para naman po alamin ang ipinaabot na tulong upang makabangon ang mga maliliit na negosyong apektado nang ipinatutupad na community quarantine, sa puntong ito ay makakasama po natin si Mr. Frank Lloyd Gonzaga, ang Senior Vice President for Planning Advocacy ng small business corporation – Sir, magandang araw po.

SVP GONZAGA: Magandang araw po, Usec. Rocky. Magandang araw po sa inyong lahat at sa lahat ng mga nanunood ng programa po ninyo.

USEC. IGNACIO: Sir, alam ninyo napakalaking tulong po itong COVID-19 assistance para doon sa pagsisimula ng enterprises o CARES Program para po maka-survive iyong ating maliliit na negosyo. Alam naman po natin na talagang napakalupit ng epekto ng COVID-19 sa kanila. So far po, gaano po ba karami na iyong natulungan ninyo, at kumusta naman po iyong mga negosyo, nitong mga beneficiaries?

SVP GONZAGA: Usec. Rocky, maraming salamat po. Iyon pong ating CARES Program, ang updates po na ito ay nilalagay po natin or pinu-post po natin sa ating website at sa atin pong social media page. Nandoon po, nakatala po doon kung ilan po ang total at kabuuan ng mga nag-apply. Siguro po kami ay nakatanggap mula po noong in-open natin ito ng mga mahigit-kumulang na dalawampu’t tatlong libong aplikasyon na may kahalagahan po na around 3.4 billion, if I’m not mistaken po ‘no.

Sa ngayon po ay nakapag-aprubahan na po kami ng, siguro po, mga 5,000 application na po ang ating naaprubahan kaya nagkakahalaga ng mga around 500 million already. So, Usec. Rocky, ito pong mga beneficiaries natin ay mayroon po tayong mga kinonduct [conducted] na signing ceremonies with them, at kumbaga po ay binigyan na po natin sila ng paalala na sana ay makatulong ito sa kanilang pagbangon, muling pagbangon, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo.

ALJO BENDIJO: … this is Aljo Bendijo. Para lamang doon sa mga hindi pa nakakaalam ng programang ito na interesado pong mag-apply, hanggang kailan po tatagal itong loan program na ito? At sinu-sino ba iyong mga qualified, iyong mga requirements at iyong application process?

SVP GONZAGA: Opo, maraming salamat po. Sir Aljo, ang ano po natin dito ay right now, what we have is actually we have temporarily suspended the acceptance of loan application, pero muli po namin itong bubuksan, siguro po, by mid-August po ay muli natin itong bubuksan. Ang atin po namang—kumbaga, ang ating pamantayan dito ay lahat po ng micro and small enterprises ay maaaring mag-access po nito, ang tanging kuwalipikasyon po lamang ay dapat po ang kanilang negosyo ay tumatakbo nang mahigit isang taon na.

So ang kailangan pong isumite dito ay kung ang kanilang application, or rather, ang nais po nilang hiramin ay mula 10,000 hanggang 50,000, kailangan lang po ang isumite dito ay application form, ang ID po o government-issued ID, at isa pa pong pagpapatunay ay iyong business address at saka po sertipikasyon ng barangay na kayo po ay talagang namuhunan or nagnenegosyo na nang mahigit isang taon doon sa inyong lugar.

Kapag po lumagpas na ng 50,000 ang inyong gustong hiramin, nandito na po iyong pagsumite ng kaukulang mga DTI permit, DTI registration. At habang pong lumalaki ang inyong gustong hiramin, mas dumarami po iyong kailangan ninyong isumite na mga dokumento.

ALJO BENDIJO: Opo. Sir Frank, ano po iyong mensahe na lang ninyo, panawagan para doon sa mga naghihintay na maaprubahan iyong kanilang aplikasyon at saan ba sila maaaring mag-follow up?

SVP GONZAGA: Opo. Iyon pong application natin, mayroon po doon—lahat po ng komunikasyon natin patungkol po dito sa programa na ito ay naka-post po sa ating website. We want to be as transparent as possible kasi po alam po natin na talagang ito ay lifeline na, kumbaga, talagang maraming tulong ang kailangan ng ating mga micro and small enterprises sa ngayon. Kaya po nakatala po doon at nandoon din po ang kanilang mga dapat nai-e-mail o kaya po tawagan. Depende po kasi, Sir Aljo, kung ano po ang reason kung bakit po kayo nagpa-follow up ‘no, kung ito po ay para sa isang proseso, kasi po mayroon po itong interview so mayroon din pong kaukulang e-mail para doon.

USEC. IGNACIO: Sir, dahil po bukod sa mga small enterprises, naglaan din po ang SB Corporation ng tinatayang 100 million loan facility para sa mga repatriated OFWs na naapektuhan ng COVID-19, iyan po ay sa ilalim ng programang HEROES or Helping the Economy Recover through OFW Enterprise Start-ups, so papaano ito? Ano po ang layunin nito at ilan pong OFWs ang inaasahang makikinabang po sa programang ito?

SVP GONZAGA:  Tama po kayo, Usec. Rocky. Ang halaga po ng 100 million, dahil po ang programa po na ito ay maaring magpahiram ng mula P10,000 hanggang P100,000 sa bawat isang OFW po na repatriated po. Siguro po if we are to grant the maximum loan amount, we can probably be of assistance and be of help to 1,000 OFWs. So, kung mas maliit naman po ang kailangan ng isang OFW para magsimula ng negosyo, siguro kung mas madagdagan po ng bilang ng OFW na matutulungan po natin.

Ang kagandahan po dito. Usec. Rocky, dito sa programa na ito ay may kaakibat po itong training na kumbaga na ibibigay ang Philippine Trade Training Center ng Department of Trade and Industry sa ating mga OFW to equip them, to properly equip them with the necessary skill set to run their business.

So una muna po, ang gagawin po ng ating mga kababayan na OFW na repatriated ay pumunta po sa website ng Small Business Corporation, that’s www.sbgfc.org.ph at mayroon doon po silang makikitang HEROES Program kung saan po nakalagay iyong link papunta po doon sa registration form.

Doon po sa registration form, nandoon po iyong pi-fill-up-an po nila para po sila ay makontak ng PTTC, para po ma-schedule naman sila sa training. Ang training po ay magtatagal ng siguro po mga 22 oras na libreng training at ito po ay remote training, meaning through online platforms po ang gagamitin para maihatid ang training na ito. Pagkatapos ng training, ang gagawin po ng ating mga kababayan ay magsumite ng application form at saka po ng video na nag-i-explain o nagpapaliwanag ng kanilang negosyo at kung ano ang nais nilang gawin sa kanilang mahihiram na puhunan. So, para po itong selfie video na ilalahad po ninyo ang inyong mga layunin kung anong klaseng negosyo ang inyong papasukin na matututunan din naman po nila doon sa training na ibibigay ng PTTC.

BENDIJO:  Opo. Frank, samantala kamakailan ay nanawagan ang inyong tanggapan kaugnay sa mga gumagamit ng logo at pangalan ng Small Business Corporation upang magpakalat ng mga pekeng balita tungkol sa guidelines at mga lending policies. Ano iyong dapat ninyong iparating na paalala sa taumbayan kung saan sila puwedeng magreklamo ng mga napansin nilang mga kahina-hinala?

SVP GONZAGA:   Maari po ninyong ipagbigay alam ito sa amin, sa pagmensahe po sa amin. Nais po sana namin kayong kumbaga bigyan ng babala na may mga ilang unscrupulous na individual na gumagamit ng T3 at DTI na logo as well as SB Corp. na logo para po mag-package ng loan, iyon pong kumbaga, parang sila ang maglalakad ng inyong application sa amin at sila po ay sisingil ng kaukulang parang komisyon po ano. Ito po ay batid namin at kaya po ipinagbibigay-alam po namin sa inyo na hindi po kami nakikipag-ugnayan sa ganitong mga klaseng mga individual.

Maari po ninyong idiretso sa amin ang inyong application, dahil ang nais po ng SB Corp. dito ay maihatid po sa inyo ang pinakamababang kumbaga product ng pagpapautang, katulad nga po nito ang CARES Program at ang HEROES Program po ay zero interest at wala pong collateral.

Huwag po sana kayong makipag-ugnayan sa mga unscrupulous na individuals na gumagamit ng aming logo at gumagamit po ng kumbaga parang padrino na ilalakad namin kayo, wala pong ganoon.        

BENDIJO:  Hindi po natin alam, Frank, kung hanggang kailan tatagal itong pandemyang nararanasan ng buong mundo lalo na ang Pilipinas. Ano ba ang inaasahan nating tulong na mga programang ito sa ating ekonomiya, lalung-lalo na dito sa ating bansa sa mga susunod na buwan?

SVP GONZAGA:   Kaya po ang programa ng SB Corp. ay may mahabang grace period, iyon po doon sa CARES ang grace period po natin dito ay anim na buwan at iyong HEROES Program ay 12 buwan na grace period.

So kumbaga po wala po kaming inaasahan munang pagbabayad sa loob ng 12 buwan kung ito po ay sa HEROES Program at wala rin po kaming aasahan bayad muna sa unang anim na buwan kung ito po ay nasa CARES Program. Kasi batid po namin na ito pong pandemya ay kakaiba at talaga pong malaki ang naging epekto sa ating Micro and Small Enterprises.

Sa panahon po na ito, umaasa po kami na sana po manumbalik ng konti ang sigla ng ating pamumuhunan. Kaya po kami po ay talagang umaasa talaga na sana manumbalik tayo sa mas bagong normal na mas maayos para sa lahat.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir, kunin ko na lang iyong mensahe ninyo o payo sa lahat ng small business owners sa bansa, dahil sa kanilang patuloy na pagsisikap na makabangon sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.

SVP GONZAGA:   Sana po ay mapanatili po natin na sumunod sa mga protocol na inilahad po ng Department of Trade and Industry, ito po ay para po sa ating kaligtasan, kalusugan, ganoon na rin po ang mga mamimili sa atin. At nais pong ipabatid ng Small Business Corporation na nandito po kami para umagapay po sa inyo at sana po ay patuloy kaming makapaglingkod at maghatid ng magagandang programa para po sa ating micro and small businesses.

USEC. IGNACIO:  Okay, maraming salamat po sa paglalaan ng inyong panahon, Mr. Frank Lloyd Gonzaga ng Small Business Corporation. Salamat po sa inyong panahon.

SVP GONZAGA:   Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO:  Samantala, balikan na po natin si Brigadier General Bernard Banac at kumustahin iyong lagay ng ating mga pulis. General?

B/GEN. BANAC:  Yes, magandang tanghali, Usec. Rocky at Aljo at mga tagasubaybay ng ating programang Laging Handa Public Briefing.

USEC. IGNACIO:  Opo. Isa kayo sa mga naunang laging panauhin ng ating Laging Handa noong nagsimula tayo noong March, General.

General. as of July 24, umabot na po sa mahigit 1,700 PNP personnel iyon pong tinamaan ng COVID-19. Sa ngayon ano na po iyong update sa kanilang kalagayan at sa kabila ng patuloy na nadadagdag na kaso ng conformed cases, paano po ninyo tinitiyak iyong kaligtasan ng ating mga kapulisan, hindi lamang po iyong mga pulis, kasi humaharap po iyan sa mga tao, General?

B/GEN. BANAC:  Yes, tama iyan, Usec. Rocky. Umabot na nga ng 1,796 ang confirmed cases sa ating hanay, subalit patuloy din na nakaka-recover ang mga ito na mayroon ng naitalang 689 at patuloy din natin na ipinapatupad ang ating mga bio-safety measures, napakahalaga po nito para hindi po dumami ang bilang ng ating mg police frontliners na nagkakasakit.

So, tayo man din ay gumagawa o gumaganap noong physical distancing at patuloy din ang ating mga disinfection sa mga opisina at napakahigpit natin sa paggamit din ng facemask. Subalit naroon talaga ang panganib sa ating pagganap ng tungkulin, hindi maiwasan ang ating exposure ng ating mga police frontliners dahil tayo po ang umaagapay sa mga LGUs sa lahat ng kanilang mga programa ng pagpigil o paglaban sa COVID-19. So, wala naman ibang makakatuwang ang mga LGUs kung hindi kasama na riyan ang ating mga kapulisan, so talagang nariyan ang panganib na kinakaharap nila at lalo na kapag sila ay uuwi sa kanilang pamilya, naroon din iyong posibilidad na madadala nila ang virus.

Kaya gumagawa din tayo ng mga tuluy-tuloy na rotation of personnel para ma-minimize iyong exposure ng ating mga police; kahit man lang every 14 days ay maiiwas natin sila sa exposure sa COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Pero General, ito pong kaso ng confirmed cases ng COVID-19 sa PNP magkakaroon po ba ng epekto sa operasyon ninyo o nabanggit nga po ninyo kanina iyong ilang adjustment, pero iyong talagang operasyon po ba nakita po ba ninyo na posibleng magkaroon ng epekto?

B/GEN. BANAC:  Well, sa ngayon, Usec. Rocky, wala pa naman tayong nakikita na naging epekto nito sa ating pagganap ng ating mga tungkulin. Tuluy-tuloy naman ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at pagpigil sa mga krimen. Ang PNP ay may sapat naman na bilang, mahigit 209,000 tayo. So, itong bilang ng mga kumpirmado ng COVID-19, mahigit 1,796 ay maliit na porsiyento lamang, wala pang kalahati sa isang porsiyento.

So, tuluy-tuloy lamang tayo at wala pong dapat ipangamba ang ating publiko.

BENDIJO: General Banac, magandang tanghali po, this is Aljo Bendijo.

P/BGEN. BANAC:   Yes, Aljo. Magandang tanghali po.

BENDIJO:   Opo. Sa darating na buwan ng Agosto inaasahan ang pagtatapos ng construction ng COVID-19 testing facility diyan sa Cebu para sa mga pulis natin. Ano po iyong update tungkol diyan at gaano po kalaki ang maitutulong nito sa atin pong mga pulis sa kanilang paglaban sa COVID-19 lalung-lalo na diyan sa Cebu na may mataas na bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19?

P/BGEN. BANAC:   Yes, tama iyan, Aljo, malaki ang maitutulong nito sa monitoring ng COVID cases sa hanay ng PNP diyan sa Central Visayas. At sa ngayon ay ongoing ang construction ng nasabing testing laboratory at kapag ito ay natapos kaagad ay hihingan natin ito ng kaukulang license to operate sa Department of Health upang ito ay agarang makapagsimula na ng operation at inaasahan na ito ay magkaroon ng capacity na 150 tests per day at malaki ang maitutulong nito sa ating hanay.

Mula diyan sa Central Visayas mayroong apat tayong namatay noon sa COVID-19, so malaking porsiyento rin ito sa kabuuang bilang ng mga namatay sa PNP na sampu. So, apat nanggaling diyan sa Central Visayas, anim dito sa Luzon. So, malaking bagay talaga na magkaroon tayo nitong karagdagang testing laboratory.

BENDIJO:    Opo. General, napakalaking halaga na parte po ng contact tracing na ginagawa po ng PNP natin at kaugnay diyan ay naging mainit nga po ang usapin tungkol sa planong paggamit sa mga tsismoso at mga tsismosa para po sa contact tracing, ano po ang masasabi ninyo tungkol diyan?

P/BGEN. BANAC:   Yes, ito namang activity na ito ay basic lamang na pagtatanong iyan sa barangay at alam ninyo naman ang mga pangyayari sa barangay ay alam iyan ng mga nakatira lalo na ang mga umpuk-umpukan diyan sa kanto o kaya naman sa barberya o sa palengke. Magtanong ka lamang ng isa diyan, iyong nagtitinda ng taho o kaya naman iyong nagtitinda ng sorbetes eh malalaman mo kung sino iyong mga posibleng nagpositibo o may sakit ng COVID-19.

So, from there on ay kaagad naman itong ipapasa natin sa ating mga contact tracers sa pangunguna ng ating mga health workers upang kumpirmahin kung talagang validated iyong mga ganitong tsismis. So, itong mga nakukuha nating impormasyon na ito ay bahagi lamang ng ating trabaho sa ating mga barangay lalo sa pag-maintain ng peace and order lalo na kung may mga nanggugulo o kaya naman may mga street crimes na nangyayari.

BENDIJO:  Opo. At talagang kinakailangan po natin ng mga karagdagang mga contact tracers sa bansa. Ano ba talaga, General iyong qualification na kinakailangan para maging contact tracer?

P/BGEN. BANAC:  Well, mahalaga po na makipag-ugnayan kaagad ang ating ma kababayan na nais mag-avail ng programang ito, iyon ngang contact tracing at iyon namang ating contact tracing czar ay nag-anunsiyo na nga po na kukuha pa ng mas marami pang bilang ng contact tracers.

At ang mahalaga po dito ay iyong commitment na talagang tutulong sa paghahanap at mayroong puso at malasakit sa kapwa nang sa ganoon—kasi kailangan nakikipag-usap tayo, nakikipagdayalago, maipadama natin na tayo po ay kumakalinga at nagmamalasakit sa ating mga kapwa at ninanais lang natin na sila ay matulungan na hindi na kumalat pa ang COVID-19.

USEC. IGNACIO:   General, ngayon pong ramdam na iyong mas pinahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocol sa bansa kung saan kabilang na diyan iyong paghuli ng hindi pagsusuot ng face mask. Para po sa kaliwanagan ng ating mga kababayan, maaari ninyo bang idetalye kung anu-ano po iyong mga instances na maaaring mapatawan ng violation ang isang tao ay ano po iyong maaaring maging parusa?

P/BGEN. BANAC:   Yes, tama iyan, Usec. Rocky, napakahigpit natin ngayon sa pagpapatupad ng mga quarantine protocols, ganoon na rin iyong mga minimum health standards, iyong paggamit ng face mask, ang social distancing.

At ganoon na rin sa mga motorista, sinisita na rin natin iyan. Kapag nagmamaneho ng single at bukas iyong kaniyang cabin, bukas itong bintana, free air o open air at wala pong gamit na face mask, kabilang po iyan sa masisita at maaaresto.

So, kapag open po ang sasakyan katulad po ng mga passenger jeepney, iyong mga delivery truck, wala pong ipinag-iba iyan sa tricycle na bukas, open air, so kaya po nasisita iyong mga ganoong drivers.

Kung doon naman sa mga pribadong sasakyan at nag-iisa lamang po siya sa loob ng sasakyan, well, maaari naman po na hindi gumamit basta sarado po iyong kaniyang sasakyan pero kapag may kasama na po sa loob, mayroon siyang passenger, mandatory po na kailangan talaga na may gamit na face mask.

Pero pangkalahatang rule po kapag lumabas tayo ng ating bahay, gumamit na lamang po talaga ng face mask whether nasa loob ng sasakyan o nasa labas, gumamit po tayo para iyon naman po ay para sa kabutihan natin.

So, iyon pong nasa labas at iyong iba namang nasisita eh may mga alibi na katatapos lang uminom, katatapos lang kumain, well, tayo naman ay nagbibigay ng leeway. Isuot kaagad pagkatapos kumain, pagkatapos uminom ng tubig isuot kaagad ang face mask nang sa ganoon kapag nadaanan ng ating mga pulis o ng barangay ay hindi na tayo nasisita.

So, mahalaga po na 100% by this time ang ating compliance sa mga minimum health standards and protocols dahil maglilimang buwan na rin tayong nasa community quarantine, so by this time dapat talaga 100% na ang ating compliance.

USEC. IGNACIO:   At saka General nakakatakot lumabas nang hindi naka-face mask, hindi ba? Kaugnay pa rin nga po ng mga quarantine violations, kamakailan naman napabalita daw po iyong paggawa, pagbebenta ng fake COVID-19 test result. Ano na po iyong update niyan? May iba pa po bang mga gumagawa niyan, General? Natukoy na ninyo po ba na baka mas marami ba itong mga ito?

P/BGEN. BANAC:   Oo nga, tama iyan, Usec. Rocky at nalulungkot tayo na may ilan tayong mga kababayan na gumagawa nitong fake COVID test result at may ilan na naaresto at nalulungkot tayo na umabot na sa ganito.

So, mahalaga po na patuloy nating isaisip na ang mga ganitong bagay, mga document ay bawal po peke-in. Huwag po tayong mag-avail ng mga ganitong fake COVID test result nang makalusot. Kapag tayo po ay nahuli nito, well, mayroon na naman po tayong kakaharapin na kaso.

Doon naman sa mga gumagawa nito, may kaso pa rin na kakaharapin, iyong falsification of documents at tampering of documents. Marami pong—dalawang batas ang nakapaloob dito – iyong Article 171 ng Revised Penal Code at iyong Republic Act 11332 o iyong Mandatory Reporting of Health Disease and Pandemic.

So, ang paalala natin sa ating publiko, tayo po ay maging bida, maging disiplinado. Huwag po tayong mag-avail ng mga fake COVID test results at huwag din tayong gumawa nito.

USEC. IGNACIO:   Sir, ilang araw na lang ay gaganapin na po iyong ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Anu-ano po iyong mga paghahandang ginagawa ng PNP para po matiyak iyong kaayusan at kaligtasan para sa nalalapit na SONA?

P/BGEN. BANAC:   Yes, USec. Rocky, kasado na po ang security preparations for the SONA this coming Monday at definitely po – no rally. No rally is allowed sa Commonwealth Avenue leading sa Batasan.

At ang lahat po ng hindi magpapapigil na dadalo sa kilos-protesta ay doon lang po magtungo sa UP Campus na kung saan ay pinapayagan naman po sila. Basta pagdating po doon sa UP Campus, panatilihin po ninyo ang pagtugon, pagtupad sa mga minimum health standards – ang paggamit ng face mask at ang social distancing at individual responsibility na po natin ito na huwag po tayong magkasakit sa COVID-19.

Pero kung maaari po sana, ang pakiusap po natin ay stay at home na lamang po. Gawin na lamang po ang ating protest through online at naipapahayag pa rin naman ang ating mga boses, ang ating protesta, ang ating mga opinyon through online at hindi na ngayon na malagay sa panganib ang ating sarili, ang ating pamilya.

Well, doon naman sa iba pang mga lugar, kailangan po talaga mayroon po tayong otorisasyon. Mananatili po iyong ‘no permit no rally’ at kapag wala po noon, mapipilitan po na sila po ay buwagin ng ating PNP. Pakikiusapan po natin sila by practicing exercising maximum tolerance; kapag wala po tayong makita na any indication ng compliance o pagtugon, mapipilitan po ang PNP na arestuhin sila at panagutin sa mga lokal na ordinansa na umiiral sa mga LGUs.

So, iyon pong presensya ng ating PNP, huwag pong ipangamba, huwag pong ikatakot. Iyan po ay nagnanais lang tayo na kalingain at pagmalasakitan ang ating publiko na huwag pong magkasakit sa COVID-19. Dahil alam natin, USec. Rocky, napakakritikal na, napakadelikado na ang situation ngayon ang situation ng ating mga hospitals lalo na sa Kalakhang Maynila at kritikal na ang kalagayan ng mga hospital beds. Huwag po tayong dumagdag pa rito. Hangga’t maaari, stay at home po tayo.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng oras sa aming programa, Philippine National Police Spokesperson Brigadier General Bernard Banac. Mabuhay kayo, sir! Stay safe!

PBGEN. BANAC:   Maraming salamat po! Magandang tanghali!

USEC. IGNACIO:   Samantala, upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi po ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine ay pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program.

Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito.

[VTR]

BENDIJO:    Puntahan naman natin si Clodet Loreto mula sa PTV Davao. Clodet, maayong udto!

BENDIJO:    Daghang salamat, Clodet Loreto!

USEC. IGNACIO:   Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base sa tala ng Department of Health as of July 24, 4P.M., umabot na po sa 76,444 ang dami ng tinamaan ng COVID-19 kung saan 50,063 po riyan ang total active cases. Kahapon, nadagdagan ng 15, ang mga nasawi kaya umabot na sa 1,879 ang total number of deaths.

Sa kabila niyan, patuloy naman po ang dami ng mga naka-recover. Kahapon, naitala ang karagdagang 144 recoveries kaya naman po umakyat na sa 24,502 ang mga gumaling mula sa COVID-19.

Kaya naman po hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask, at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan, sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan, makakatulong ka upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19.

Bahay muna, buhay muna.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

BENDIJO:    Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19.

Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

Sa ngalan ni Sec. Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo. USec, daghang salamat!

USEC. IGNACIO:   Salamat din sa iyo, Aljo. At mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayo muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)