Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas, a-tres na po ng Hulyo ay tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay natin ng mahahalagang impormasyon sa taong bayan na may kaugnayan sa ating seguridad at kalusugan. Sa ngalan po ni Sec. Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Simulan na po natin ang isang oras na talakayan dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po makakasama natin sina PNP Chief Guillermo Eleazar, Dinagat Islands Provincial Health Officer Dr. Jillian Lee, at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kung may tanong o mensahe po kayo sa ating mga panauhin mag-comment po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube accounts.

Samantala, nakatutok pa rin po ang puwersa ng PTV News sa sitwasyon ng Bulkang Taal. Sa huling update ng PHIVOLCS, patuloy ang upwelling ng volcanic fluids sa main crater lake bandang alas siyete hanggang alas otso kaninang umaga. Umabot naman sa 2,400 meters ang ibinugang plumes ng crater ng bulkan kung kaya’t makikita ninyo ngayon ang vogs o smogs sa caldera region nito. Nananatiling alert level 3 po ang Bulkang Taal, pinaalalahanan ang lahat na maging alisto sa lahat ng pagkakataon.

Sa iba pang balita, Senator Bong Go, iginiit na nasa tamang direction ang COVID-19 response sa bansa. Suporta do rin ng Senador ang Bayanihan 3 na layong ituloy ang pag-ayuda sa mga Pilipinong apektado ng pandemya.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Pinagdebatehan nitong mga nakaraang araw ang naging pahayag ng ating otoridad na armasan ang mga civilian, ikinatakot ng marami na baka maging susi lang ito upang lumaganap ang karahasan sa ating lipunan. Ang ating himayin, ang konteksto ng pahayag na ito mula sa ating kasama na si PNP Chief Guillermo Eleazar. Good morning po!

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Magandang umaga sa iyo Usec. Rocky, ganoon din sa mga nakikinig at nanunood sa iyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo sir, ano po ba ang tinutukoy ni Pangulong Duterte sa pag-aarmas sa mga civilian at ito po ba ay posible?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Well, unang-una, hindi naman po natin talaga aarmasan iyan at iyan ay malinaw naman na mayroon tayong patakaran. Alam mo Usec. Rocky, mayroon naman tayong batas na ang ating mga civilian, for that matter any citizen can avail of that privilege na mag-apply para makakuha ng baril pero subject doon sa mga protocols.

So, iyon po itong mga civilian na ito na tumutulong sa atin, ika-klaro po natin ah, hindi po natin sila aarmasan pero kung sila po ay qualified at mag-a-apply just like any other individual kagaya po ng mga members ng mga media or iyong ibang guns enthusiasms or even itong mga business sector or even mga government officials puwede po silang mag-apply pero nasa pulis po iyan para payagan o hindi base na rin po doon sa protocol na mismong nakasaad sa batas.

USEC. IGNACIO: Opo General, sa nauna ninyong pahayag, nabanggit ninyo na ang pag-a-armas po ay to encourage voluntarism and definitely not vigilantism. Ano po ang ibig sabihin ninyo na voluntarism, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Well, ika-klaro po natin, hindi po natin sila aarmasan para sa nga doon sa voluntarism. Pero ito pong mga advocacy supports groups and force multipliers just like anybody else iyan po ay on voluntary basis. Meaning to say, sinasabi nga po natin na ito pong ating peace and order is a shared responsibility.

Ang police po natin ay law enforcers pero ang ating mga civilians sila po ang magbibigay sa atin ng mga tulong, magbibigay ng mga impormasyon para iyon po ang basehan natin sa ating pagsasagawa ng ating mga action regarding these.

So, kinakaharap po natin lahat pong ito ay volunteerism at kung sakali man na just like anybody else sinasabi nga po natin na sila ay gustong mag-apply kumuha ng baril at maliwanag naman sa ating batas na any citizens of the Philippines as long it he is qualified na magkaroon ng baril ay bibili po sila niyan at base sa protocol ay iyon kung mayroon sila but just like anybody else, just like the police personnel we are subject on the laws sa paggamit ng ating baril at kung mayroon paglabag diyan everybody including this volunteers just like anybody else will be treated as common criminal kung mayroon silang violations sa paggamit nito or for that matter any laws na na-violate natin.

USEC. IGNACIO: Opo. General, may tanong din si Vanz Fernandez ng Police Files tungkol diyan: With idea po of arming civilian militias to augment the PNP’s force as proposed by the President. Has the PNP considered the alternative solution of potential PNP recruitment expansion? Kapag mas marami na po ang PNP personnel daw po kasi ay hindi na kailangan armasan ang mga civilian or at least dito puwede silang pormal na mag-apply at ma-train.

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Usec. Rocky, gusto kong liwanagin kasi parang naging premise na aarmasan natin eh, ako na nga po ang nagsasabi na PNP Chief, hindi po namin sila aarmasan at iyong ay kung gusto lang nila na magkaroon sila ng baril kagaya ninyo po, kagaya ng iba pa na ating mga kababayan na gustong magbaril at puwede po silang mag-apply.

Pero, liliwanagin ko po – kasi iyon ang nagiging premise eh, hindi po namin sila aarmasan at hindi namin sila bibilhan ng baril. Kung sakali man na mag-qualify sila, bumili sila ng baril nila based doon sa ating mga protocol at uulitin ko ang police po natin, kami po ay law enforcers at patuloy ang aming pag-recruit ng ating mga police.

At sa aming recruitment, kaya nga po namin ini-implement iyong maayos na recruitment kasi ayaw namin na ang magiging police ay hindi kuwalipikado. So, kasama po din iyong tamang pag-iisip, tamang asal para pag binigyan sila ng baril, iyong ating mga police, iyon po ay gagamitin nila na nauukol sa kanilang mandato at any violations of this ay siyempre mayroon tayong batas na magiging basehan ng kanilang sanctions na ibibigay sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo, General sa tingin ninyo nagkukulang po ba ang bansa sa bilang ng mga police para kailangan pa po natin itong mga ganitong uri ng mungkahi?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Alam mo Usec. Rocky, ang ating police naman siyempre hinahabol natin iyong ideal police operation ratio and taun-taon napakarami sa ating nagri-retire, iyong iba nga nadi-dismiss pa diyan. So, patuloy ang ating recruitment natin pero ang sinasabi nga natin kahit saan bansa at sa atin, sa ating policing kailangan natin ang tulong ng ating mga kababayan.

Kaya’t lagi kong sinasabi na hindi sapat ang ating police dahil kailangan natin shared responsibility, hindi po namin kayang bantayan ang lahat ng sulok at kanto ng ating komunidad pero ang ating mga kababayan lagi natin hinihimok nga na dapat lagi tayong mapagmatyag, nag-oobserba. At through the E-Sumbong or other platform available to us, iparating ninyo po sa amin ang inyong sumbong, ang mga impormasyon, ang inyong suggestion para po tayo magkatulungan. No amount ng mga suporta sa atin po ng ating national government, local government units if we don’t have the support and cooperation of the people that we serve, hindi po kami magiging epektibo sa gusto naming trabaho.

Kaya’t inuulit natin, this is a shared responsibility at kailangan natin ang tulong ng ating mga kababayan. Hindi natin kailangan ang tulong ng kababayan na mayroong armas. Pero sinasabi nga natin dahil karapatan ng sinumang Pilipino na mag-apply na magkaroon ng baril pero dadaan sila doon sa butas ng karayom na tinatawag natin bago sila magkaroon ng lisensya to own and possess firearms para magkaroon ng lisensiya lalo na para po magdala nito outside of their residence.

USEC. IGNACIO: Opo. General iyan po, talagang malinaw iyang sinabi ninyo – talagang dadaan sa butas ng karayom dahil mahigpit ang PNP pagdating sa ganiyan ano po, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Yes, tama iyon. Kaya nga inuulit natin po, ito kasi ang sinabi ng ating Pangulo, these are volunteers na kung tutuusin kailangan din nila ng proteksiyon. Eh anong pagkakaiba nila sa mga businessman na nag-a-apply ng baril? Anong pagkakaiba nila sa mga kaibigan natin sa media or for that matter government officials? Kami po, ang PNP, kung gusto namin na magkaroon kami ng personal na baril, nag-a-apply din po kami noon dahil ang puwede naming dalhin lang eh iyon pong, [kung] tutuusin, iyong issued sa amin. But for personal firearm, we have to apply. At bakit hindi natin bibigyan ng karapatan itong mga volunteers na ito na dumaan din sa ganoong proseso?

Pero uulitin natin at paulit-ulit nating sinasabi, hindi po namin sila aarmasan pero puwede silang magkaroon ng baril base sa existing batas na mismong mga lawmakers din naman po ang gumawa niya. Kung gusto nating mas higpitan, gusto nating paluwagan iyan eh ‘di magkakaroon po ng amendment. Ang sa amin lang, ipinatutupad lang po namin ang mga existing na batas na base na rin sa pahayag ng ating Pangulo ay puwede pong i-avail iyan ng kahit sino provided dadaan sila doon sa mga guidelines and protocols set dito sa ating mga batas na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. At, General, linawin din natin. Sakali po itong mga nabigyan ng lisensya para magkaroon ng armas, eh kung magkakaroon po ng pagkakamali or insidente ay hindi naman po talaga itu-tolerate iyan ng PNP ano po?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: They will be treated as common criminals just like anybody else. Wala pong pinagkaiba iyan sa isang businessman na may baril – kapag nag-violate siya sa provision noon ay huhulihin natin sila so wala pong pagkakaiba iyon. Sana po ay maintindihan ng lahat itong ating pinag-uusapan na ito kasi parang sinasabi natin na itong mga volunteers is wala silang karapatan kagaya ng karapatan ng ibang nating mga kababayan na puwedeng mag-avail nito subject to the existing provisions ng ating mga batas.

USEC. IGNACIO: Opo. General, matagal na ring problema ng PNP itong loose firearms ano po, na maaaring mapasakamay ng maling indibidwal. Eh nalalapit na rin po iyong eleksiyon kung kaya’t talamak na rin po iyong sinasabi nating private armed groups. Ano po ang ginagawa ng PNP dito, General?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Usec. Rocky, patuloy ang ating pagsagawa ng operasyon. Hindi lang naman ngayon iyan kung hindi all throughout sa buong taon – kahit after election, before and during the election. At ang katunayan niyan ay nakakahuli naman tayo ng mga those involved in these illegal activities and the confiscation of these firearms. It so happened that during this time eh base na rin sa guidance ng ating SILG, Secretary Año, ay lalo natin pong pinaiigting itong ating operasyon.

Kahapon nga we presented the arrest of one individual involved in gun running as well as illegal drugs operation. Nakakuha tayo ng 13 high powered firearms including 11 kilograms of marijuana. So kasabay niyan, ang atin pong—not only the CIDG but also the other territorial police units are conducting a police operation para po dito sa mga sinasabi nating posibleng maging miyembro ng mga private armed groups na puwedeng gamitin sa karahasan sa darating na eleksiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. General, talagang nakita rin namin, ng publiko iyong nagiging galit mo kapag ang pulis ay nasasangkot sa mga ganitong uri ng krimen laban sa ating mga sibilyan. Pero hindi talaga natin masasabi kung ano iyong puwedeng gawin sa hawak na baril kahit nga po mismong mga pulis ay minsang nakakagawa na talaga nang hindi maganda kagaya ng nangyari po sa pag-aamok na rin kamakailan sa presinto ng MPD. Ano na po ba ang estado na ginagawa ninyong cleansing sa hanay ng pulis para po matiyak na sila ay mentally, physically at morally fit sa kanila pong duty bilang pulis?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Yes, Usec. Rocky. Sa ngayon po kasi ang aming procedure ngayon, ito pong neuropsychiatric test ay sinasagawa natin doon sa mga papasok na pulis. Kaya nga gusto natin na talagang hindi dapat malulusutan tayo noong mga aplikante, kaya nga inaayos po natin iyan.

Now regarding doon sa ating mga kasamahan naman na nasa serbisyo na, eh ngayon po kasi itong ating neuropsychiatric test is a requirement kung ikaw ay mag-a-apply ng promotion as well as mandatory schooling. Pero ngayon po hinihintay na lang natin na ma-finalize na iyong recommendation ng Health Service dahil gusto natin every 3 years, ang ating mga pulis ay mag-a-undergo ng neuropsychiatric test. Bukod pa doon sa mga pulis natin na nagma-manifest ng mga emotional or mental challenges na dapat responsibilidad ng ating mga commander na malaman iyon para iyon ay magkaroon agad tayo nang appropriate intervention.

At bukod din through our preventing approach, ito pong—mayroon kasi tayong mga squadding na may nakatutok sa bawat squad na ito and through our ‘My Brother’s Keeper’ and other preventive intervention assisted by our live coaches coming from volunteer na mga religious sector representatives, eh iyon po at natututukan at inaalam itong mga kapulisan natin para po agad na magkaroon nang tamang intervention at i-refer sa appropriate agencies partikular sa ating Health Service at maiwasan pa itong ganitong mga sitwasyon na kung saan alam naman natin na tayo po ay exposed sa mga iba’t ibang situation na kung saan nagkakaroon tayo ng stress and depression. So iyon nga, Usec. Rocky, ang ating ginagawa para ma-improve iyong ating present situation.

USEC. IGNACIO: Opo. General, mapunta naman tayo sa issue ng iligal na droga. Ang tanong po ng marami ngayon ay paano nakatakas daw po ang isang high profile drug lord na gaya ni Peter Lim sa mata ng otoridad? Sinasabi po na since March 2019 ay nasa red notice na ang nasabing businessman.

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Wala pa naman pong confirmation na siya ay nakatakas na at patuloy na nagsasagawa ng beripikasyon ang ating mga authorities. Alam ninyo po eh hindi naman perpekto ang ating sistema at hindi lang naman sa ganiyang pagkakataon na talagang may mga nakakalusot. Kasi iyong sinasabing pangalan na ‘Peter Lim’ ay talagang daan-daan or posibleng baka libo pa nga ang mga pangalan na ganiyan.

Pero the point is, ay mayroon tayong mga koordinasyon na ginagawa na. At hindi man ibig sabihin nakatakas siya, assuming na talagang nakatakas siya na iyon naman ay bini-verify pa, mayroon naman tayo pong mga remedies para po makipag-ugnayan sa kung saan siya pupunta at muli ay makuha natin siya at panagutin doon sa mga kasalanan or krimen na kaniyang ginawa.

USEC. IGNACIO: Opo. General, pero kumusta na raw po iyong ginagawang imbestigasyon ng PNP para mahanap itong si Peter Lim na sinasabing allegedly po, nasa ibang bansa? May lead na po ba ang inyong tanggapan?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Ang atin pong mga concerned units like the CIDG, the PNP Drug Enforcement Group, iyan po ay nangunguna para po makipag-coordinate sa ating mga concerned agencies ng ating gobyerno pati na rin po sa ating foreign counterparts ukol dito. At asahan ninyo po na hindi tayo titigil diyan sa pagtunton kung sakali man talaga na siya ay nakalabas na. Pero nililinaw po natin, wala pa po talagang klarong impormasyon or, that needs to be validated kung talagang siya ay nakalabas na ng bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. General Eleazar, sa muli pong pag-aalburoto ng Bulkang Taal, ano po iyong ginagawa naman ng inyong hanay para po naman makatulong sa sitwasyon doon sa ating mga kababayan?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Yes. A few days ago pa, Rocky, ay nagbigay na tayo ng direktiba sa Police Regional Office IV sa pangunguna ng kanilang Regional Director, Police Brigadier General Ely Cruz para po mangasiwa sa pagtulong/pag-assist sa ating LGU para po sa ating mga kababayan kasi mayroon tayong paglilikas na ginagawa. At nagbigay rin po ako kahapon ng instruction para magkaroon, mag-establish po ng mga police assistance desk dito po sa Batangas at sa mga katabing lugar para po sa pagtulong.

Pati na rin po iyong pag-a-assign ng ating COVID-19 na protocol officers dahil ang gusto nating maiwasan, hindi lamang iyong paglikas, pero to see to it na itong gagawing ito is in observance pa rin ng ating minimum public standard, health standard. Kasi nasa pandemya pa rin tayo at alam natin na hindi natin puwedeng pabayaan iyan ngayon at mayroon tayong paglilikas pero nararapat lamang na inu-observe pa rin natin itong minimum public health protocols.

USEC. IGNACIO: Pero General, kumusta daw po iyong mga residenteng inilikas na nagpupumilit pong bumalik sa kanilang mga lugar, ano pong ginagawa ng mga pulis sa kanila?

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Nagkaroon tayo ng mga checkpoint operations and other presence of our police personnel on the areas na sa tingin natin is puwedeng magkaroon ng ganiyang sitwasyon. Hindi naman ito bago, Usec. Rocky, at nasaksihan natin iyan last year noong pumutok nang una itong Taal Volcano ay ngayon nga na naulit ito but on different level ay in-anticipate na natin itong mga ganitong sitwasyon ay nakahanda ang ating mga pulis augmented by other police personnel in adjacent provinces and the presence also of the Armed Forces of the Philippines.

USEC. IGNACIO: General, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, PNP Chief Guillermo Eleazar. Mabuhay po kayo, General!

PNP CHIEF PGEN. ELEAZAR: Mabuhay din kayo, Usec. Rocky! Magandang umaga po! Maraming salamat din po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Samantala, daan-daang mga biktima ng sunog naman sa Navotas City ang pinuntahan ng team ni Senator Bong Go upang magpaabot ng tulong. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nito pong nakaraang buwan ay naging problema ng Dinagat Islands ang biglaang pagtaas ng COVID-19 cases sa kanilang lugar kaya naman agad nagpatupad ng stricter protocols ang kanilang lokal na pamahalaan. Ngunit ngayong Hulyo sa kabila ng MECQ status, kakayanin nga ba nga lalawigan na magluwag ng ilang protocols? Iyan po ang ating aalamin ngayong umaga kasama si Dr. Jillian Lee mula po sa Provincial Health Office ng Dinagat Islands. Magandang araw po, Doc!

  1. LEE: Hi! Magandang umaga sa inyo at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa ating ngayon at nanunood pala kasi ako lang pala ang naka-phone patch, kayo pala ay nasa television din.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumustahin po muna namin ang sitwasyon ngayon sa Dinagat Islands pagdating po sa COVID-19 cases?

  1. LEE: So, as of today, July 3, 2021, mayroon tayong 80 na active cases ng COVID-19. Since naitala namin ang una naming mga kaso noong COVID-19 noong August 2020, mayroon na kaming total na 1,094 cases ng COVID. So, sa ngayon 80 ang active; 964 po ang nag-recover na. And nalulungkot din kaming ibalita na mayroon na kaming 50 na cases ng COVID-19 na namatay.

USEC. IGNACIO: Doc, kailan po ba iyong pinaka-peak ng surge ninyo sa lugar at ano po iyong na-pinpoint ninyong dahilan sa mabilis na pagkalat ng virus?

  1. LEE: So, as of today, increasing pa rin iyong cases namin ng COVID-19 pero mas mabagal na compared sa peak namin na naitala noong May at June. Actually, nag-start na mag-increase ang cases namin noong first week of April 2021 after naming mag-open ng border.

Prior to that time kasi nagre-require kasi ang province ng mandatory quarantine para sa lahat ng mga taong papasok sa probinsiya ng Dinagat Islands. So, since alam namin na limited lang ang aming capabilities, kami ay isang island province, 127,000 ang population sa buong probinsiya, wala kaming ospital. Ngayon lang kami nagkaroon ng x-ray, ini-install pa lang. 20 lang ang doktor sa buong probinsiya. Last year, mas kaunti iyan 15 lang sila last year. So, very limited ang capability ng health system ng Province of Dinagat Islands mag-deal sa isang surge ng cases ng COVID-19.

So, kahit ngayon nararamdaman din siya sa ibang munisipyo at sa ibang lalawigan siguro ang 80 cases kayang-kaya na nila i-handle pero sa province namin, crisis level na siya. So, ang strategy namin kasi doon sa una ay mag-implement talaga ng prevention, hindi natin papapasukin ang virus. Lahat ng taong papasok sa province ay mag-undergo ng mandatory quarantine. Pero nag-release ang National Task Force ng memorandum in late February na bawal nang mag-require ng quarantine sa mga taong pumapasok sa isang province or sa isang city.

And since then—tapos nag-open kami ng border, hindi na nag-require ng quarantine, nag-increase ang cases namin. Nag-start siya sa mga tao sa workplaces na either galing sa labas or may history or may contact na galing sa labas ng province, nagkakalat ng COVID sa workplace and ang mga katrabaho sa workplace inuuwi nila sa kani-kanilang mga bahay, sa kani-kanilang mga household and from the household nag-spread na sa buong community.

So, after seven months ng zero cases of COVID-19 in 2020 and three months na walang local transmission, naka-record na kami ng community transmission sa lahat ng seven municipalities namin in [unclear] So, doon din iyong peak namin na highest record number namin ng active cases, 254 ay nangyari sa last week of May 2021.

USEC. IGNACIO: Okay. Doc, nagpatupad nga kayo ng no entry sa Dinagat Islands, sinabi ninyo nga po June 7 hanggang June 21, ibig sabihin nito talaga pong taga-labas iyong nagdala ng virus sa inyong lalawigan; at humupa na po ba iyong transmission ng virus matapos na magpatupad kayo ng mas mahigpit na protocols or lockdown?

  1. LEE: Well, i-remind ko lang din na siyempre sa ating lahat, taga-labas talaga ang nagdala ng virus kasi ang COVID-19, hindi naman siya endemic sa Pilipinas. Novel siya, nag-emerge siya galing sa isang lugar bago siya noong lumabas siya. So iyong pinaka-concern kasi namin sa una ay ma-prevent na dumating siya sa loob na hindi natin nalalaman at makakalat siya. Although iyon nga, with the abolition ng quarantine protocols ay inevitable na mangyari iyon.

So since ang pag-restrict namin ng entry, hindi lang siya pag-restrict ng entry sa mga taong pumapasok, mayroon ding kaakibat na restrictions on movement sa loob tulad ng pagbawal nang mass gatherings, pag-implement ng alternative work arrangements tulad ng skeleton workforce and of course pag-[unclear] ng disease surveillance and contact tracing and quarantine ng close contact.

So simula noong ma-implement ang mga measures na ito since the start of June, medyo nagdi-decrease na ang attack rate bale ng province namin. So may increase pa rin ng cases ng COVID-19 pero hindi kasing lala nang una, hindi ganoon kabilis ang increase as compared sa surge noong May, pero increasing pa din.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kaugnay naman po doon sa variants of concern. After noong anim na katao ay napabalitang nagkaroon ng B.1.351 variant diyan, may naitala pa po bang bago?

  1. LEE: So last May 2021, nai-forward din sa amin ang balita na mayroon kaming anim na residents galing doon sa part noong surge in April na nagkaroon nang tinatawag na natin siya ngayon na Beta variant ng COVID-19, iyong B.1.351 na variant or otherwise known as the South African variant. So as of now, iyong anim pa lang na cases na iyon ang naitalang may any of the variants of concern. So iyong variants of concern natin para sa mga nakikinig na hindi pa sila familiar – iyong Alpha, iyong tinatawag na UK variant; iyong Beta, iyong tinatawag na South African variant; ang Gamma iyong sa Brazil; and ang Delta ang Indian variant ‘no.

So sa ngayon ay wala pang bagong cases ng any of those variants pero limited na rin kasi ang pag-conduct ng genomic sequencing – ang testing na kinakailangan na ginagawa ng Philippine Genome Center para malaman kung ang isang case ng COVID-19 ay nagki-carry ng isang variant of concern.

As of two weeks ago, ang Philippine Genome Center ay hindi na tumatanggap ng karagdagang specimen para sa testing. So as of now, wala kaming way of knowing kung mayroon kaming other cases ng any other variants of concern since ang Philippine Genome Center ang iisang laboratory lang sa Pilipinas na kayang gawin ang testing na ito and mahaba na ang kanilang backlogs, madami na silang kailangang i-test na hindi pa nati-test. So wala pa silang bagong specimens na tinatanggap.

And either way, ang prevention din naman ng variants of concern natin ay ang same na prevention measures na kailangan din natin gawin for COVID-19 na kahit na hindi siya variant of concern ay isang emerging health concern na malaki din ang impact sa ating mga communities.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, MECQ ang status ninyo ngayon. Hindi ninyo naman po ito inapela? Dahil ito po ba ay sa healthcare utilization rate ninyo pa rin? Kumusta po ito ngayon?

  1. LEE: Actually sa totoo lang iyong healthcare utilization rate, iyong hospital bed utilization rate ng province namin ay hindi nari-reflect sa stats ng DOH since sa buong probinsya namin ay wala kaming accredited na hospital, ang tatlo naming district hospitals dahil sa limitations ng personnel and limitations ng equipment na available, accredited lang sila bilang infirmaries – 10 beds lang ang official na capacity nito and walang available na intensive care, walang available na mechanical ventilation. Noong surge ng cases namin, ang mga district hospitals namin na 10 beds lang iyong capacity ay umaabot nang hanggang 30 ang patients at any given time. I mean 30 per hospital at any given time.

So mataas ang utilization rate ng aming referral facilities within the province ng aming tatlong district hospitals. Pero aside from that din, mataas pa din ang spread sa mga communities. Madami ding close contacts na nadi-detect na posibleng carrier sila ng virus. And actually before pa kami na mai-declare na MECQ ng National Task Force on COVID-19 ay nag-i-implement na kami ng measures na similar na din sa MECQ – ang pag-restrict ng inter-municipal travel, ang pag-limit ng number of persons sa bahay na puwedeng lumabas, ang pag-restrict ng mass gathering.

So iyong pag-declare ng MECQ ay parang confirmation lang na, oo, isa nang high risk area ang lugar namin and kinakailangan ng restriction sa movement ng tao para hindi lalong kumalat ang virus.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kumusta naman po iyong vaccination rollout sa inyong probinsiya? Napadalhan na po ba kayo ng dagdag na supply at marami-rami na po ba tayong nabakunahan diyan?

  1. LEE: So as of last week, dalawang klase ng vaccines iyong pinapadala sa amin from DOH – mayroon kaming AstraZeneca and mayroon kaming Sinovac. As of last week, more than 6,700 na tao ang nakakuha na ng at least one dose ng bakuna, more than 2,700 na na tao ang nakakuha ng two doses. So two weeks after their second dose sila ay considered na fully vaccinated na. Pero isa pa rin ito na napakaliit na bahagi ng population namin, hindi pa kami umaabot ng 3% ng population na fully vaccinated – 2.2% lang ng aming population ang fully vaccinated.

So sa ngayon ay may additional na supply ng vaccines na pinadala from DOH and umaapela din kami sa DOH na payagan na kami na mag-start sa pag-vaccinate ng A4 na priority population. Sa ngayon ongoing ang simultaneous vaccination, sabay-sabay na pagpapabakuna sa A1, A2 and A3 – ang mga frontline workers, ang mga senior citizens and ang mga taong may comorbidities. Pero since high risk na iyong area namin and kinakailangan na madaming—may mga tao na kailangan mag-work na hindi lang sa agencies pero kundi ang ibang ahensiya na nagsisigurado na.

Ang mga Dinagatnon ay habang sila ay naka-quarantine, habang hindi sila puwedeng lumabas ng kanilang mga probinsya, ng kanilang mga munisipyo ay makakain, may other essential sectors na kinakailangan din na maka-receive ng bakuna. So naghihintay lang kami ng go signal galing sa Department of Health na magsimula na sa vaccination ng A4 priority population.

USEC. IGNACIO: Okay. kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Jillian Lee, Dinagat Island’s Provincial Health Officer. Stay safe po.

  1. LEE: Okay. Maraming salamat at ingat din po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, para sa huling sitwasyon sa Batangas, makakasama natin si Cleizl Pardilla. Cleizl, kumusta na diyan ang ating mga kababayan?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Cleizl Pardilla. Cleizl, mag-ingat kayo huh.

Para naman sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, July 2, 2021:

  • Umabot na sa 1,424,518 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 6,192 na mga bagong kaso.
  • 177 katao naman ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 24,973 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay nasa 1,344,063 matapos madagdagan ng 2,212 new recoveries kahapon.
  • 55,482 naman ang total active cases sa kasalukuyan.

Samantala, base po sa naitalang two-week growth rate at average daily attack rate, ang Pilipinas ay masasabing low risk area na for COVID-19 ayon sa Department of Health. Ibig sabihin na nito ay gumana ang naging paghihigpit sa isinasagawa sa mga nakalipas na buwan? Iyan po at iba pang isyu na may kinalaman sa ating pagresponde kontra COVID-19 ang ating pag-uusapan kasama po si Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Magandang araw po, Doc!

DOH USEC. VERGEIRE: Good po morning, Usec. Rocky! Magandang umaga po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin ko na po itong tanong ni Crissy Dimatulac ng CNN Philippines: The DOH recently announced that the Philippines is a low risk country despite breaching 25,000 mark in number of deaths and positive rate of 11.4%. How did the Department of Health arrive at decision to say country is now low risk?

DOH USEC. VERGEIRE: Alam ninyo, Usec. Rocky, gusto ho naming ipaliwanag nang maayos ito dahil mayroon ho tayo talagang ginagawang mga pag-a-analyze every month about the risk classification at kasama po dito ang national picture. The national picture yes, will show us that nasa low risk tayo based on the two-week growth rate and the average daily attack rate pero kapag tiningnan ho natin ang bawat rehiyon sa ating bansa, makikita ho natin na may mga rehiyon talaga ngayon na may mga pagtaas ng kaso.

So, this low risk classification should not really be advertised or hindi dapat ma-encourage ang ating mga kababayan para maging complacent tayo. Ibig sabihin lang po, nama-manage natin ang ating mga kaso ngunit mayroong mga angking pagtaas sa ibang lugar kaya kailangan po patuloy pa rin po ang ating pag-iingat.

USEC. IGNACIO: Opo. May kaugnayan po iyong sunod na tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Reaction po ng Department of Health sa pahayag ng OCTA na masyado pong maaga para ideklara ang Pilipinas na low risk dahil nasa 5.7 pa rin daw po ang ADAR (Average Daily Attack Rate) ng bansa at ang recommended na ADAR sa low risk ay one or below.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. So, unang-una, gusto nating klaruhin hindi ho natin ipinapahayag o idinideklara na low-risk na tayo. Ito po ay isang bagay na nasabi lang na ito iyong factual na figure natin that we are at that low risk because of our parameters pero katulad ng sinasabi nga ho natin, patuloy po tayong nagpapaalala sa ating mga kababayan na tama naman po ang sinasabi ng OCTA ‘no that our situation is very fragile at this point, kailangan pa rin nating ituluy-ituloy ang mga isinasagawa natin na pag-iingat para po tuloy-tuloy na bumaba ang mga kaso sa ating bansa.

We have to remember even here in NCR although we are seeing a decline in cases, nakikita ho natin iyong pag-decline ng mga kasong ito ay medyo bumabagal for these past weeks at gusto ho nating bantayan nating maigi ito. So, it is really important for all of us na ituloy-tuloy pa rin po natin ang pag-iingat natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Base po sa huling pag-aaral din ng OCTA Research, katulad din ng nabanggit ninyo, may kaunting pag-akyat sa mga kaso sa Metro Manila last week. So, ano daw po iyong nakikita ninyong dahilan dito, Usec., at maaari po ba itong tumaas given na tayo po ay GCQ with some restrictions pa rin ngayon?

DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, kailangan maintindihan ng ating mga kababayan, bagama’t slowly we are trying to ease up on the restrictions, nagbubukas tayo ng mga iba’t ibang industriya at saka sector to balance health and economy, pero may mga safeguards po tayong inilalagay. The safeguards would be the safety protocols that we have and the PDITR response. Ngayon, kailangan po balansehin natin iyan. We should be able to continue to comply with the safety protocols para kahit nagbubukas tayo hindi po tataas ang mga kaso at mama-manage natin.

So, with this, pagkita ho natin dito sa medyo unti-unting pagbaba nito ‘no, nag-i-slow decline po tayo sa NCR. We can attribute this to a multitude of factors:

  1. Unang-una, na iyong mobility. Of course, alam po natin iyan na talagang lumalabas na para magtrabaho ang ating mga kababayan;
  2. Pangalawa, nandiyan pa rin po iyong compliance natin dito safety protocols. Nakikita ho natin that we are having clustering of cases not just in the community but also in workplaces. So, kailangan ho paigtingin natin lahat iyan.
  3. And the third, kailangan po siguro talagang itaas pa natin iyong antas ng pagbabakuna although here in NCR ay magaling po at nag-ii-speed up po tayo talaga but in other areas of the country we should be able to do that as well.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Michael Delizo naman ng ABS-CBN News: Kumusta daw po ang trend ng COVID cases sa nakalipas na linggo; anong mga lugar ang dapat bantayan?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, katulad po ng aming naisaad noong isang linggo, for this past week we have flagged 22 areas at ito po iyong mga areas na dati ay 30 plus po. So, may mga slow decline naman po doon sa mga ibang lugar na nakasama before. So, binabantayan po natin hanggang sa ngayon ang Visayas at Mindanao areas.

Specific sa Visayas ang:

  1. Region VI, Region VII,
  2. ang Region VIII.

For Mindanao, we have:

  1. Region XI,
  2. we have Region XII,
  3. we have CARAGA,
  4. we also are looking at the issues or factors na ngayon ay nakikita natin sa BARMM at saka po sa Region IX
  5. and Region X.

So, ito pong lahat ay binabantayan sa ngayon aside from the Luzon areas na hanggang sa ngayon ay binabantayan po natin specifically in Region IV-A – we have Lucena and also in Region I, II, and in CAR binabantayan ho natin dahil may mga pagtaas po ng kanilang health care utilization rate.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasunod pong tanong niya: Ayon daw po sa ABS-CBN data analytics, posibleng sa mga susunod na linggo ay makakabalik ang bilang ng mga kaso sa Kamaynilaan sa bilang bago maranasan ang surge. Ano po ang analysis ng DOH?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, may mga forecast po tayo na ginagawa ng ating mga eksperto and may mga estimates po silang naibigay sa atin na kung magtutuloy-tuloy tayo dito po sa ginagawa nating magandang pagbabakuna here in NCR and also kung maipatutupad nga natin ang safeguard, we will be able to manage ‘no at iyong surge na tinatawag ay hindi mangyayari.

Ngunit doon din sa kanilang forecast nakalagay po diyan na kung tayo ay magtutuloy-tuloy na hindi natin maipatupad nang maayos ito pong mga safety protocols, mobility is there and then vaccination, also, hindi po tataas pa sa mayro0n tayo sa ngayon, maaari pong tumaas muli ang kaso dito sa National Capital Region.

That’s why we always say the situation is very fragile, maraming factors na puwedeng makaapekto at po at puwedeng makapagpataas muli ng mga kaso dito. And another thing would be iyong mga kaso po sa ibang lugar ay maaaring makaapekto sa NCR because our borders are very porous kaya kailangan po nating lahat mag-ingat talaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang huling tanong po ni Michael Delizo: Ano naman po ang update sa healthcare utilization natin? Saang lugar nakakaranas ng mataas na utilization rate?

DOH USEC VERGEIRE: Well, katulad ho ng sabi natin ano, ang health-care utilization rate natin will be our means of determining kung ang health system capacity natin ay manageable sa isang lugar. So, sa ngayon po nakakakita tayo ng pagtaas talaga sa Region XI at Region VI, iyan po talaga iyong dalawang regions that we can see that there is this high utilization for health-care and sa Region II.

Pero kapag tiningnan ho natin kasi, we try to analyze specific area in these regions ang isang factor na nakakapagpataas talaga ng utilization ng health-care would be iyong maliit na numero ng kama para sa COVID. So, ito po ang pinagtatrabahuhan ngayon ng DOH with other agencies and regional officials para ma-expand po natin iyong number of beds for COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman daw po itong ‘green countries’ na may ipinatutupad tayong mas maikling quarantine period para sa incoming passengers? Ibig sabihin po ba nito ay kikilalanin ng bansa ang fully vaccinated individuals sa ibang bansa?

DOH USEC VERGEIRE: Yes Ma’am. So, itong ‘green countries’ na sinabi natin, this is a part of that protocol na green lanes. Kung matatandaan po natin, ang ating mga kababayan na nabakunahan dito sa Pilipinas at nagpunta sa ibang bansa, pagbalik nila dito papasok sila diyan sa protocol ng green lane. Pitong araw lang ang quarantine and then magti-test po tayo ng ika-5 araw and when they are negative they can be sent home and they will be monitored by the local government.

In-expand na ho natin ito para sakupin iyon iba pang individuals who are fully vaccinated and coming from these ‘green countries’. Ito po ‘green countries’ na ito we adopted the list of countries na low risk sa CDC na naipalabas po nila na document and then we try to streamline a little bit by looking at the incidence rate of these countries.

So, nakapili po tayo nitong initial natin na ‘green countries’ or the green list kung saan lahat po na manggagaling na travelers from these countries, kapag pumunta sa ating bansa ay masa-subject na lang dito sa protocol natin na 7-days quarantine and 5th day testing.

USEC. IGNACIO: Opo. May mga initial na pong pag-aaral sa bisa ng pagmi-mix and match ng bakuna. Tanong pa rin po ni Crissy Dimatulac, ng CNN Philippines ganito rin po ang tanong ni Rida Reyes, ng GMA News: Germany has issue the world’s strongest recommendation on mixing COVID vaccines.

The Germans study Committee on Vaccination said that people who received a first dose of the Oxford AstraZeneca vaccines should get an mRNA vaccine as their second dose regardless of their age at ang dagdag naman po ni Red Mendoza diyan: Ang Indonesia daw po ay nagsisimula na ring bakunahan ang mga batang edad 12 to 17 ng Sinovac. Ano daw po ang masasabi ng DOH?

DOH USEC VERGEIRE: Yes ma’am. So, kami po ay nakipagpulong sa ating mga lahat ng eksperto. We have are all experts’ group kung saan ang sabi po nila it is prudent for our government to delay ito pong mixing and matching kasi ito pong mga ebidensiyang lumalabas around the globe, hindi naman na-include iyong mga bakunang available dito sa ating country.

Ang kanila pong rekomendasyon, kung saka-sakaling pupunta tayo diyan sa direction ng magmi-mix and match tayo unang-una it will be most safe kung parehong platform ang gagamitin natin. So, alam po natin na iba’t-iba ang platform ng ating mga bakuna halimbawa there are mRNA vaccines, there are viral vector vaccines at iyong iba pa po.

So, ‘ayun po ang una nilang rekomendasyon. Pangalawa, gusto ho nilang hintayin dahil according to our vaccine expert panel there is this big study that is being done and results will be coming out this 3rd quarter na maaaring makapagbigay sa atin ng additional evidence para makita natin if it’s really going to be safe and the efficacy will be the same kapag nag-mix and match po tayo.

So again, gusto ho natin ipaalala na iyong Emergency Use Authority po natin, iyan po ang pinanghahawakan natin sa ngayon at sa ngayon iyong EUA po natin with these different vaccines that we have, wala pa pong sinasabi that we can go mix and match. If ever the evidence will be strong, the EUA has to be revised also. Same goes with the vaccination for children 12 to 17 for the other types of vaccine.

Katulad niyang sa Indonesia po, iyong Sinovac hihintayin po natin iyong mga pag-aaral na makakapagpakita na talagang maaari nating ibigay itong bakunang ito para sa ating mga kabataan – this Sinovac vaccine. Ngunit sa ngayon nga po ang punto ng ating mga eksperto hintayin natin ang sufficient evidence since children has the least risk of getting the infection.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol din po si Rida Reyes: Ginagawa na iyong vaccine mixing sa ibang bansa kagaya po ng Germany at Canada. Kung papayagan din ba daw ang vaccine mixing sa Pilipinas, pero nasagot na rin ninyo po iyan kanina na kailangan pa ring pag-aralang mabuti. May bago rin po ba tayo na patakaran ipatutupad sa mga vaccination centers para makatiyak po ang publiko na totoong naiturok sa kanila ang COVID-19 vaccine?

DOH USEC VERGEIRE: Well, we have existing protocols already, Usec. Rocky, kailangan lang talaga paigtingin natin and what we have done since the report of these hindi mga naiturok na bakuna, unang-una nagkaroon po tayo ng mga re-orientation sessions with our vaccinators.

Ngayong araw po mayroon tayong isang malakihang re-orientation of protocols kung saan ay inimbitahan po namin ang mga puwedeng maka-attend na vaccinators. This will be done in a series para matapos po natin lahat ng bakunador sa buong bansa. Ito po ay para ma-repress sila and so that they can be always aware of our existing protocol in vaccinations. Aside from that we had recommended na kailangan talagang mayroon isang supervisor within a vaccination site checking on all the stations doon sa bakunahan na iyon para makita po natin na maayos ang naisasagawa nating mga proseso.

Pangalawa, iyon pong ating inventories at the end of each vaccination day para makita natin kung may nagkukulang, nakakapag-imbentaryo – 1:1 – isang hiringgilya sa isang tao at iyong mga doses na naibigay po natin sa kanila. And pangatlo, we are reminding all of our vaccination sites, let’s try to consider the plight of our health care workers, let us limit their work to just eight hours and have that rotation within the staff that you have, so that wala po tayong masasabing exhausted sila and we can minimize errors.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ulit mula kay Rida Reyes from GMA News: Sa Sydney, Australia po it was found out that the Delta variants spread easily by air after CCTV revealed two people walking past each other transmitted the virus. May stricter measures po bang dapat gawin ang WHO na nagsasabing maaaring airborne ang pagkalat ng COVID-19?

DOH USEC VERGEIRE: Well, kailangan ho nating balikan, whatever we are doing right now as a protocol, tayo naman po ay nakahanda for that. So we are asking people to wear face mask and face shields both indoors and outdoors; we are limiting crowding. May mga restrictions pa rin po tayo doon sa mga lugar na sa tingin natin ay makakapagdulot ng mass gathering. So, ito pong mga safety protocols natin ay nandiyan at kailangan lang pong maipatupad at sundin ng ating mga kababayan.

With regards to this Delta variant being airborne, we still need to get sufficient evidence and confirmation from WHO. Although it has been shown on different studies na napakabilis na makapanghawa nitong Delta variant, in just seconds lang, nakakapanghawa na siya agad. So, kailangan lang po nating laging isaisip iyan para tayo ay very cautious kapag po tayo ay lumalabas ng bahay or di kaya ay we are interacting with other people.

USEC. IGNACIO: Opo. Lumalabas po ngayon na mga report na illegal, Usec., na pagbebenta ng COVID-19 vaccine kagaya ng Sinovac. Sa pauna daw pong imbestigasyon ninyo, saan nila nakuha iyong naturang bakuna at ano po ang measures na ginagawa ng Department of Health para matiyak na walang maipupuslit na doses sa inyong imbentaryo?

DOH USEC VERGEIRE: Actually Ma’am, ang imbentaryo namin ay every day. So, our local government submits to the vaccine cluster regionally and nationally after, ito pong mga imbentaryo ng mga bakuna na nagagamit versus iyong bakuna na mayroon sila. Mayroon din po tayong mga tao na nagmu-monitor ng ating mga logistic.

Nagpalabas na po si Mayor Isko, kahapon ng kanilang statement na hindi daw po sa kanila nanggaling ang mga bakunang ito at mahigpit ang kanilang talagang logistics management sa City of Manila. Ito po ay iniimbestigahan na ngayon ng National Bureau of Investigation at ayaw po namin i-preempt whatever their findings would be.

Ang tanging paalala lang po natin sa ating mga kababayan na unang-una huwag po kayong mag-i-entertain ng mga nagbebenta sa inyo. It’s just the national government through your local governments na maaaring makapagbigay sa inyo ng bakunang ito. Lahat po ng bakuna na mayroon tayo ngayon sa bansa ay libre, hindi ninyo po kailangang magbayad at pangatlo doon naman ho sa mga taong nagkakaroon ng mga ganitong ginagawa sana po iwasan po natin ito, intindihin po natin na marami pa ho sa ating mga kababayan ang hindi pa nababakunahan at hindi po ito ang panahon para pagkakitaan natin ang isang bagay na napakaimportante para sa bawat Pilipino.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Department of Health Spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Salamat po, Usec!

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang PBS Radyo Pilipinas para sa pinakahuling balita mula sa mga lalawigan kasama natin si Aaron Bayato. Aaron…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Aaron Bayato mula sa PBS Radyo Pilipinas. Dumako naman tayo sa pinakahuling sitwasyon sa katimugang bahagi ng bansa. Magbabalita si Clodet Loreto mula sa PTV Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto ng PTV Davao.

Samantala, libu-libong market vendors at TODA members naman ang inabutan ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go sa lalawigan ng Zambales. Hinimok din ng Senador ang mga nasabing benepisyaryo na makiisa sa pagbabakuna ng pamahalaan. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Tuluy-tuloy din po ang isinasagawang AHON o Aid and Humanitarian Operations Nationwide Convergence Program sa Surigao Del Norte. Tinungo nga po nila PCOO Secretary Martin Andanar at ilan pang ahensya ng gobyerno ang bayan ng Sta. Monica upang mamahagi ng financial grants sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Ito ay ang Enhanced KADIWA ni Ani Program ng Department of Agriculture at livelihood seeding programs, Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa ng DTI. Ang agarang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang tatak Duterte administration ayon kay Secretary Martin Andanar.

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo sa Lunes dito lamang po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

 


News and Information Bureau-Data Processing Center