Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan ngayong Lunes ng umaga para po sa panibagong talakayan at balitaan tungkol sa pinakamahahalagang isyu sa bansa. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Muling idiniin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng pagsasaayos ng pension system ng mga retirado at aktibo pang military at uniformed personnel sa pamamagitan ng isinusulong niyang batas noong nakaraang taon na Pension Reform Law. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Muli naman pong nag-ikot ang outreach team ni Senator Bong Go para mamahagi ng tulong sa mga nangangailangan. Libu-libong mga nasunugan, market vendors, TODA members, seniors at PWDs mula sa iba’t ibang bayan sa Samar at Leyte ang muling hinatiran ng ayuda ng Senador kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Bukod sa mga biktima ng sunog, prayoridad ding mabigyan ng ayuda ng team ni Senato Bong Go ang mga nawalang ng hanapbuhay dahil sa pandemya kaya naman kamakailan libu-libo ring mga apektado ang pinagkakakitaan ang hinatiran ng tulong ng ilang ahensiya ng pamahalaan at ni Senador Go sa Bataan at sa Negros Occidental. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, tiniyak ng OWWA-Cordillera na patuloy ang kanilang pagtugon sa pangangailangan ng mga returning OFWs sa pamamagitan ng Uwian na Program. Kaugnay niyan, may ulat si Breves Bulsao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Breves Busao ng PTV-Cordillera.

Kamakailan po ay isinagawa na ang vaccination rollout na nasa A4 priority group sa Monkayo, Davao de Oro. Ang buong detalye hatid ni Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot mula sa PTV-Davao.

Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng ating Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan, ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.

Sa punto pong ito ay makakausap po natin si Department of Energy Undersecretary Felix ‘Wimpy’ Fuentebella. Magandang umaga po, Usec.!

DOE USEC. FUENTEBELLA: Hi good morning, Usec. Rocky; good morning po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Usec, ano po iyong dahilan ng sinabing yellow alert na nakataas ngayon sa Luzon grid, tama po ba ito; at may mga power plants pa rin po ba na nagkakaroon ng maintenance ngayon?

DOE USEC. FUENTEBELLA: Yes. Mayroon tayong yellow alert kapag nagkakaroon ng manipis, hindi naman siya kulang pero manipis iyong supply, nagkakaroon ng kakulangan kapag umaabot sa red alert.

So, yellow alert means, wala tayong aasahan na rotational brownout or power interruption, nagkaroon lang ng problema iyong isang planta na pabalik na naman ngayon. So, we are expecting anytime soon kung wala ng madadagdag pang aberya sa ibang planta, kung all things go well as planned ay mali-lift na po iyong yellow alert; so, wala po tayong masyadong dapat ipangamba.

So pangalawa, mayroon po bang nagpa-preventive maintenance? Mayroon tayong polisiya na bawal mag-preventive maintenance o tinatawag nating paalam ‘no parang vacation leave muna ako, kasi magre-repair ako or magre-recreation para sa mga empleyado, ito naman iyong mga  planta ay humihingi ng preventive maintenance schedule. Sabi natin bawal po iyon sa April, May at June at kung nagpipilit due to any reason, we will have to go after them. Ibig sabihin pong going after them is know  why  they are refusing to follow the policy and number two they  have to face also the consequences because at the end of the day, we are not talking to plants ‘no. Hindi natin kausap ang makina dito, ang kausap po natin dito ay iyong mga consumer; ibig sabihin, we have to respond to the needs of the consumer at kaya bawal ang preventive maintenance sa April, May at June ay dahil po medyo mainit ang panahon at nangangailangan tayo ng dagdag na supply.

Pero sa ngayon din, tungkol naman sa demand, pababa na po ang demand natin, ibig sabihin po niyan eh nagkakaroon ng mas malamig na panahon, medyo cloudy nga ngayon, so bumababa din iyong paggamit natin ng kuryente, so dahil po diyan, eh we anticipate a better scenario for our country and for the power system.

USEC. IGNACIO: Sa sinasabi po ninyong iyan, itong pagpasok na ng tag-ulan ay sinasabi ninyo na hindi na tayo masyadong makakaranas nitong sinasabing pagnipis ng supply ng kuryente? Kasi, Usec, alam po natin napakahalaga po ng kuryente sa ngayon lalo pa nasabi po ng National Task Force ang pagdating ng ating maraming bakuna.

DOE USEC. FUENTEBELLA: That’s right, in fact, nagko-coordinate tayo sa IATF, mayroon tayong triple back up system. Sabi natin gagamitin ang:

  • Back up number one, ancillary services from NGCP. So iyon ay sabi ng NGCP, tutupad na sila sa kanilang obligasyon.
  • Back up number 2 ay iyong distribution utilities, dapat alam ng Meralco or ng electric cooperatives kung nasaan iyong mga bakuna dahil kung nagkakaroon ng aberya, bagyo man iyan, eh dapat ito iyong mas protektado iyong second back up iyon ‘no. So kung may genset ang DU puwedeng i-provide doon sa grupong iyon.
  • Pangatlo, ay iyong mismong saan iyong facility, saan iyong bakuna ay nandoon din dapat iyong mga back up genset at ito po ay binigay na nating abiso sa ating mga kaibigan sa iba’t ibang ahensiya simula pa lamang noong taon.

USEC. IGNACIO: So ano na po ba iyong pinal na utos or direktiba ng DOE sa National Grid Corporation of the Philippines tungkol po sa pagkakaroon ng reserbang kuryente?

DOE USEC. FUENTEBELLA: Hindi po nagbago ang direktiba ng DOE, dahil ito po ay kailangan lamang tupadin. Ibig sabihin po eh, kapag tumupad at sabi nila ay tutupad sila, we will now focus on the other areas on how we can improve the situation tulad ng pagsisiguro na mayroon talagang replacement power na binili ang mga distribution utilities at iyong pagsunod ng mga generators sa tamang pag-schedule ng kanilang preventive maintenance. So we expect better scenario, mas maganda po ang kinabukasan natin dahil sa commitment na lahat po ay tutupad, susunod at we will have better team work.

USEC. IGNACIO: USec. May tanong lang po si Celerina Monte ng Manila Shimbun sa inyo: Iyon pong during the recent rotating brownouts kumusta na po ang naging imbestigasyon, may probable cause po ba to charge anyone or company because of what happened?

DOE USEC. FUENTEBELLA: We have coordinated to the enforcement agencies. So we have reported to the Cabinet Assistance System since last week of March. We have reported this to the Joint Congressional Energy Commission as early as April, last week of April and so we leave it to the enforcement agencies considering that they also have to comply with the due process requirements, but nonetheless the coordination of the Department of Energy has been done and we are closely coordinating with our enforcement agencies.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Naomi Tiburcio, may follow-up lang po siya doon sa inasabi ninyong yellow at red alert pero sabi ninyo nga po, yellow alert posibleng ma-lift na. Pero ano daw po ang naging improvements simula nang nagkaroon ng rotational brownout?

DOE USEC. FUENTEBELLA: Well, the improvement is coming from the demand side. Ibig sabihin, lumalamig ang panahon, so, bumaba iyong paggamit natin ng kuryente. Also iyong paggalaw ng ibang mga planta ng kanilang preventive maintenance schedule. So, iyong pag-comply nila sa ating mga policies.

Sabi nga ng DOE, 2018 policy is ‘distribution utilities should contract in accordance with their forecast with replacement power’. So, that’s policy number one.

Policy number two, 2019 inilabas ng DOE: NGCP should contract sufficient ancillary services on a firm basis. So, ibig sabihin nandiyan nakaabang iyong mga reserba.

Policy number three, sumunod sa preventive maintenance schedule at tamang pagsunod sa grid operations and maintenance program. Iyan po ay inilabas ng DOE 2020.

So, kung lahat po ay sumusunod at lahat susunod, we would definitely have a better power system to support our economy; ang pagbangon natin sa COVID, pagbangon po ng ating bayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang siste lang daw po dito, Usec., ay baka ipasa lang ng NGCP sa taumbayan iyong cost ng reserve power sa supply nito. Allowed po ba sila at paano daw po sila babantayan ng Department of Energy tungkol dito?

DOE USEC. FUENTEBELLA: Ang policy ng DOE is transparent. Ibig sabihin po niyan, lahat ng nangyayari sa ating bills ay dapat ilabas. Pangalawa, mas malaki po ang problema tulad noong ipinakita ni Secretary Cusi sa Senado na kapag wala po tayong supisyenteng reserba, puwede pong sumipa iyong presyo sa merkado at iyon po iyong nararamdaman natin kapag nagkakaroon ng yellow and red alerts. Ibig sabihin, sumisipa iyong presyo from around P3.00/kwh sa merkado, sumisipa ng seven, eight, nine pesos ‘no.

So, sabi natin we should have everyone comply para mapigilan itong mga pagsipa ng presyo. So, if there will be enough cost na sa tingin naman natin is hindi ganoon kataas tulad noong pagsipa noon sa market prices eh mas maganda po iyan sa ekonomiya dahil mas mahal po ang walang kuryente kaysa sa nagkakaroon ng magandang reserba at magandang power system.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Wimpy Fuentebella ng Department of Energy.

DOE USEC. FUENTEBELLA: Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Ang Iloilo City ay nananatiling nasa Modified Enhanced Community Quarantine hanggang sa katapusan ng Hunyo dahil na rin sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar at maging ng hospital bed utilization rate nito. Sampung ospital sa lungsod ang ngayon’y puno na kaya ang mga health-care workers sa lungsod lalo na ang mga nurse ay nagkukulang na rin. Kukumustahin po natin ang sitwasyon doon sa Lungsod ng Iloilo. Kasama po natin si Mayor Geronimo ‘Gerry’ Treñas.

Good morning po, Mayor!

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Good morning. Good morning and from Iloilo City, I would like to greet everyone a pleasant morning.

USEC. IGNACIO: Mayor, ayon sa latest report ng OCTA Research ay umabot na daw po sa 90% ang hospital bed utilization rate ng inyong lungsod at 100% ang ICU, tama po ba? At kumusta po ang lagay ng mga pasyente at ng mga health-care workers natin ngayon diyan? Totoo po ba na nagkukulang sila ngayon?

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Actually, matagal na. Ang OCTA ngayon lang nila nakita ‘no, pero matagal na. I have been informing the DOH, I have been informing Secretary Galvez: We need first, personnel, medical health personnel, nurses, nursing aide, utility workers, and doctors.

Second, we need equipments, ventilators, high-flow oxygen cannula, we need COVID meds like Remdisivir and the like. We need vaccines ‘no because ultimately what will give protection to our constituents will be the vaccines.

OCTA had recommended that vaccines, 90% of these vaccines will be allocated to NCR+8 and now this is the result of their recommendation. There are several cities outside the NCR+8 which are critical already because of the recommendation of OCTA to allocate 90% of the vaccines only to NCR+8.

So really, it’s about time that we should listen also to the local leaders. It’s the local leaders who understand what is happening to us, it’s not OCTA who understand what’s happening to our constituents. We know how many people are being infected every day, we know the situation in the hospitals because people from our place have been asking us to help them look for hospital beds and it’s very, very difficult. I do not know how OCTA can look at this and then look at the situation now that the government has listened to them and allocated more than 90% of the vaccines only to NCR+8.

You know, we have only vaccinated 40,000, that’s not even 10% of our population. I have read in one of the newspapers that Quezon City has vaccinated already almost 600,000. The disparity is so huge and LGUs outside the NCR are very much affected because of this recommendation of OCTA to allocate 90% of the vaccines only to NCR+8.

Secretary Galvez has promised to bring 20,000 Sinovac vaccines and 11,700 Sinovac vaccines. We hope that they will be coming soon because I just finished meeting the hospital. The hospitals will help us vaccinate other constituents so that we can vaccinate more people every day.

We need vaccines. We need help here in Iloilo City.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, nagkaroon po ba ng tugon na ang DOH Region VI sa naging request ninyo na rin na augmentation ng hospital personnel at additional bed capacity?

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Alam mo, ang hingi ng mga hospital is 125 personnel/nurses, nagbigay ang DOH sixty nurses but they have informed already the hospitals that these nurses will only be up to June because wala na silang pera daw. So, I will be writing Secretary Duque na kung puwede, sana naman pagbigyan naman ang Iloilo. Kailangan namin talaga ng nurses para sa mga hospital.

USEC. IGNACIO: Mayor, mag-iisang buwan na rin pong nasa MECQ ang Iloilo City simula po noong May 23. So, sa palagay ninyo ay bakit tila patuloy pa rin po iyong pagtaas ng kaso sa inyong lugar sa kabila ng mahigpit na restriction? Sa tingin ninyo po ba dapat pa ring magpatupad ng talagang ECQ o mas mahigpit na pong restriction sa lugar ninyo para po ma-prevent iyong pagtaas pa ng kaso?

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Alam mo, palagay ko matanong kita, ano ba ginawa ninyo diyan sa NCR+8 bakit bumaba ang kaso? Kasi binuhusan ninyo ng mga vaccine ang NCR+8! That’s the only way. You know, you cannot stop people from getting out now. People are out of jobs, they need money to buy food for their family.

The only way we can really stop the surge is for the national government to add more vaccines in the same way that you lower the cases in the NCR+8 by flooding the LGUs in NCR+8 with vaccines by flooding the LGUs in NCR+8 with vaccines, I think you should do the same thing. Sometimes I would like to say that we are from Region VI, we are from Iloilo, Aklan, Antique, Capiz, Negros but we are also Filipinos and we are also as affected like the people in NCR+8.

The only way we can really stop the surge or flatten the surge is if we flood also LGUs outside Metro Manila or NCR+8 with vaccines – that’s the only way. You did it in NCR+8 perhaps you should also do it here.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay umaasa talaga na agad kayong madadalhan ng bakuna diyan sa lugar ninyo, ano po, Mayor. Pero kumusta po ang mga apektadong sektor na isang buwan nang MECQ lalo na po iyong mga manggagawang hindi talaga makabalik sa trabaho? Ano po iyong sitwasyon nila diyan; at mayroon po ba silang tulong na natatanggap?

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Gutom na. May tulong ang LGU pero alam mo naman hindi naman talaga sapat iyan eh. Ang isang hingi ko lang sa DOH, mga Pilipino rin kami, hindi kami kasama sa NCR+8 pero Pilipino rin kami, sana marinig ninyo rin ang tawag namin, marinig ninyo rin ang aming hinihingi at saka matulungan rin kami kasi Pilipino rin kami eh.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kunin ko na lang po iyong inyong mensahe sa inyong mga kababayan diyan sa patuloy ninyo pong ginagawang pagkilos para mapababa ang kaso ng COVID, Mayor?

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Ang kailangan namin [ay] tulong. Anong tulong ang kailangan namin? Kailangan namin ng medical frontliners; kailangan namin mabayaran ang mga ospital ng PhilHealth; kailangan namin ng mga equipment like ventilators ang high-flow oxygen cannula; kailangan namin ng vaccines; kailangan namin ng additional personnel and huwag naman sanang kunin. Ngayon na kailangan namin ang mga doktor at saka mga nurses sa mga ospital, huwag naman sana sabihin sa amin na wala na kaming pera. Sana hanapan din ng DOH para makatulong din sila rito sa Region VI.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kami po ay nagpapasalamat, ano po, sa inyong panahon na ibinigay sa amin. Ingat po kayo at sana po, kami po ay umaasa talaga na mabilis na mapaabot kaagad ang tulong para sa inyo po. Ingat po kayo, Mayor Jerry Treñas ng Iloilo City!

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS: Thank you, sana naman.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa bansa:

  • Kahapon ay nadagdagan ng 5,803 ang mga bagong nahawaan ng COVID-19 sa bansa kaya umabot na sa 1,359,015 ang kabuuang bilang nito.
  • One million two hundred seventy-seven thousand seven hundred-fifty naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa sakit matapos itong madagdagan ng 7,652.
  • Walumpu’t apat naman ang mga namatay kaya umabot na sa 23,621 ang lahat ng mga nasawi dahil sa virus.
  • Sa kasalukuyan ay nasa 57,679 pa rin ang mga nananatiling may COVID-19 sa bansa.

Patuloy po tayong mag-ingat na mahawaan ng sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standard gaya po ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, at pagpapanatili ng distansiya mula sa iba. Mas mainam rin po na magpabakuna na sa inyong mga lokal na pamahalaan para masigurong ligtas mula sa mapanganib na epekto ng COVID-19.

Sa report na inilabas kamakailan ng internet speed monitoring firm na Ookla speed test, lumabas na bumilis ang internet connection sa bansa nitong nagdaang buwan ng Mayo. Magandang balita iyan para sa mga nag-o-online class at mga naka-work from home. Pero magtutuluy-tuloy nga ba ito? Kaugnay niyan ay makakausap po natin si DICT Undersecretary Manny Caintic. Usec., good morning po.

DICT USEC. CAINTIC: Hello! Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., good news po itong balita nabalita na recently na tumaas na sa global ranking ang Pilipinas pagdating sa internet speed sa buong mundo. So gaano na po ba expectedly kabilis ang internet speed sa Pilipinas sa ngayon?

DICT USEC. CAINTIC: Naku, Rocky, I don’t have the exact figures pero pataas lang nang pataas iyan for as long mapapatuloy natin iyong mga pagdagdag ng mga kable at nga tore ng ating mga telco provider. Sa kasalukuyan, tinutulungan natin sila na hindi sila maantala sa pagkalat ng kanilang mga fiber at mga tore para sa pamamagitan ng tulong natin sa kanila sa mga LGU at mga …at sa pakikipagtulungan natin sa DILG at ARTA on that.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., expected naman po ba na monthly ay bibilis pa iyong internet speed sa bansa?

DICT USEC. CAINTIC: Yes, ma’am. Basta tuluy-tuloy lang ang kanilang pagkalat ng kanilang mga tore po.

USEC. IGNACIO: Opo. So ito pong development na ito ay good news para sa mga kababayan nating heavily reliant o umaasa talaga sa internet. Usec., pero may ilan mga narireklamo pa rin dito sa intermittent connection o iyong paputul-putol na internet connection ng ilang service providers. Ito po ba ay tinitingnan din ng DICT at ng NTC?

DICT USEC. CAINTIC: Yes po, ma’am. Iyong intermittent po ng halimbawa mobile signal, dulot nga po iyan ng laktaw-laktaw pa rin ang mga tore sa ibang mga lugar. So halimbawa gagalaw ka from one tower spot to another, nagkakaroon ng intermittence. Pero dahil nga dito sa pagpapadagdag natin sa kanila ng kanilang mga towers ay mas mababawasan iyong ating mga dead spots.

Doon naman sa mga naka-fix landline, kung bakit nagbabagal minsan, sabay-sabay din kasi ngayon ang pag-rollout nila ng mga fibers. So konting tiis lang iyan dahil nga din sa kanilang pag-increase ng kanilang mga coverage is lalong malapit na panahon ay mararamdaman.

Ganito iyan, ma’am, ang analogy parang sa Skyway, iyong binubuo ang Skyway, medyo may traffic. Pero kapag nabuo na, ramdam mo iyong bilis. Ganoon po iyong analogy diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., hanggang ngayon po ba ay nagpapatuloy pa rin itong free WiFi project ng DICT; at totoo po ba na 6,000 sites na ang pagkakabitan nito ay wala pang isanlibo ang may koneksyon sa kasalukuyan? Ano raw po ang dahilan?

DICT USEC. CAINTIC: Ang ating planong bago diyan, ma’am, is ang ating mga bagong plano sa free WiFi ay ganito: Tinutuhog na natin sa ating national broadband program. Ang ating plano, instead na magpasindi lang tayo agad-agad ng mga any points or few WiFi sites, ilalatag muna natin iyong tinatawag nating digital infrastructure. Iyong digital infrastructure, iyan iyong mga cable at mga fiber optic cables na ipapakalat natin sa buong kapuluan para doon natin mapapadaloy ang internet.

Ang maganda kasi diyan is that instead mas mapapamahal tayo, makakatipid tayo sa cost of the internet na dinadaan natin. ‘Di ba mayroon tayong internet na mabibili galing sa Facebook? So kapag ganiyan, ma’am, kapag tayo na mismo ang nagpapadaloy ng ating internet dito sa buong kalawakan ng Pilipinas, eh mas mapaparami tuloy ang ating maibibigay na mga free Wi-Fi sites.

USEC. IGNACIO: Usec., kumustahin na rin po namin itong immunization registry at vaccination administration system na binuo ng DICT para sa pagbabakuna? Sa ngayon po ay ilang LGU na ang gumagamit ng sistemang ito?

DICT USEC. CAINTIC: Ang immunization registry o iyong tinatawag na master listing dati, tuluy-tuloy pa rin naman po pero hindi na siya ganoon ka-important ngayon kasi we’re opening it up na to the A4s and A5. So ang strategy na po ngayong ng vaccination is turok na nang turok habang may bakunang dumarating.

Ang importante po na iyong mga LGUs, magpadala ng kanilang line list. Ang line list po, ibig sabihin, kung sinong nabakunahan nang sa ganoon magkaroon ng record ang National Vaccine Center para sa inyong vaccination event. Ang maganda diyan is iyan iyong magiging basehan sa ating tinatawag na vaccine certificate, source of truth talaga na ikaw ay nabakunahan ng dalawang beses, saka itong unang beses pa lang. Iyan iyong magiging basehan para mailabas natin iyong vaccine certificate.

Doon naman sa vaccine administration system, iyong gamit sa bakuna center, niru-rule out po natin iyan lalo na sa mga LGU na walang information system on the grounds. Bakit naman important iyon, iyong vaccination administration system, makakatulong para makauwi agad iyong mga vaccinators at mga stringers, instead na pagkatapos ng buong vaccination for the day, eh nag-i-encode pa sila. Mas maganda din iyong magiging list, kuha natin iyong datos noon, kasi agad-agaran, kapag gumagamit ka ng vaccination administration system, didiretso na po sa national vaccines’ database iyong inyong datos.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, kalian po daw inaashaang magiging nationwide ang paggamit dito, dahil kailangang-kailangan ngayon iyong digitalization ng mga vaccine cards para sa travel purpose at saka po sa incentives na binibigay ng mga negosyo?

DICT USEC. MANY CAINTIC: Hindi po inilulunsad ang vaccination certificate request portal. [unclear] report portal muna habang kinukumpleto natin ang high tech na vaccination certificate na ang taning sa amin is end of July. Ang gagawin muna natin is magkakaroon muna ng vaccination certificate request portal doon sa maglalagay ng inyong request para makakuha ng vaccine certificate. Doon sa portal po na iyan na ilulunsad today, makikita ninyo sa facebook at wherever.

Ang mangyayari po diyan, magri-research ka ng vaccine certificate, kung nandoon sa record ng vaccine immunization [unclear] agad-agaran kang makakakuha, in 24 hours ng certificate mo. Pero drop off, I mean hindi pa na-upload iyong datos mo ng LGU mo, mapa-prompt po natin ang LGU mo. Pumunta kayo sa LGU ninyo, ipakita ninyo iyong vaccination card ninyo, tapos ilo-load muna sa aming system ang datos mo, para pagbalik mo ulit sa vaccination request portal ay matatanggap ninyo na rin po.

Nakuha po ba ninyo iyon, Usec. Rocky? So kung nandoon ka na sa system, kung na-upload ka ng bakuna data mo ng LGU mo, makakakuha ka kaagad ng certificate. Pero kung halimbawa, huwag mag-alala, kasi puwede naman remedyuhan kasi ang vaccination LGU mo, ipapadala  pa rin nila iyong datos.

USEC. IGNACIO: Usec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahong binigay sa amin. Usec. Manny Caintic ng DICT. Mabuhay   po kayo at stay safe.

Samantala, isang public service po mula sa DSWD: Panawagan po sa biological mother, ama at  mga kaanak ng isang batang lalaki na ipinanganak noong March 8, 2009 sa isang tahanan Naserijay Sharjah, United Arab Emirates, pagkasilang po ng sanggol ay ibinigay siya ng kayang ina sa mag-asawang Filipino-Muslim na sina Usman Sagal Amin at Nuriya Magindalat Pangansayan.

Ngayon po 12 taong gulang na ang bata at kasalukuyan pa rin pong nanatili sa UAE. Hindi po mapauwi ang bata sa Pilipinas hangga’t hindi napapatunayang siya po ay isang Pilipino. Sa kanya pong mga kamag-anak magtungo o makipag-ugnayan po kayo sa International Social Service Office o Program Management Bureau ng DSWD o sa pinakamalapit na regional office ng ahensiya. Maaari din po kayong tumawag sa DSWD-PMB office sa numerong 8931-91-41 o kaya po ay mag-email sa sectoralprogram@dswd.gov. ph.

Maraming salamat po sa ating mga partner agencies sa kanila pong patuloy na suporta sa ating programa. Ganoon din po sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Maraming salamat din po sa inyong pagtutok. Muli ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)