Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO:  Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Makakasama ninyo po kaming muli upang maghatid sa inyong ng mga napapanahong balita mula sa iba’t ibang dako ng bansa. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Para sa ating unang balita: Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order # 123 ay hindi tataas ang taripa ng mga mechanically deboned meat upang hindi makadagdag pa sa kahirapang nararanasan ng bansa ngayong may pandemya. Alamin ang buong detalye sa report na ito:

[VTR]

Samantala, namahagi ng tulong ang mga ahensiya ng pamahalaan katuwang ang opisina ni Senator Bong Go sa mga tripolante ng pampasaherong bangka sa Guimaras na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya; mga pastor sa Northern Mindanao nabigyan din nila ng ayuda. Panoorin natin ito:

[VTR]

Samantala, hinimok naman ni Senator Bong Go si Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na isapubliko ang presyo ng mga bibilhing bakuna kontra COVID-19. Sinabi rin ni Senator Go na may tiwala siyang uunahin ni Secretary Galvez ang interes ng mga Pilipino tungkol sa pagbili ng bakuna.

[VTR]

Kaugnay po sa usaping bakuna na iyan, makakasama natin ngayong umaga ang hepe ng Food and Drug Administration upang bigyan tayo ng update sa aplikasyon ng mga COVID-19 vaccine sa bansa. Magandang araw po sa inyo, FDA Director General Eric Domingo. Usec., good morning.

FDA USEC. DOMINGO: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kamakailan po ay inaprubahan na iyong Emergency Use Authorization ng Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine at pagkatapos ng ilang araw ay lumabas naman ang balita po, iyong pagkamatay ng ilang nakakatanda sa Norway na nagtamo raw ng malalang side effects sa nasabing brand ng bakuna. Ano po iyong nakitang side effects sa mga matatanda sa Norway?

FDA USEC. DOMINGO: Well, sa ngayon po sa Norway, nagkaroon sila ng konting revision doon sa kanila pong patakaran sa pagbabakuna dahil ginamit po nila ito doon sa talagang matatandang-matatanda na na maraming sakit at nanghihina, including some terminally ill individuals. So parang ang mangyayari lamang naman po ay mag-iingat na doon sa mga very elderly lalo na po iyong mga more than 85, 90 years old at saka iyong very frail na, iyon po talagang marami ng sakit at mahinang-mahina na po ang katawan.

USEC. IGNACIO: Usec., may pagkilos po bang gagawin ang FDA dito lalo na’t nagdududa po – hindi natin maaalis po iyon ano – ang mga tao sa efficacy ng mga bagong tuklas na bakuna?

USEC. DOMINGO: Well, kami naman po ay nakipag-ugnayan na sa Pfizer para nga po kapag mayroon nang lumabas na po ang resulta ng mga pag-aaral ay ma-update po tayo. Ito naman po ang maganda na hindi tayo iyong pinaka-unang gumamit. As of this time, pitong milyon na po ang nabakunahan ng Pfizer at ang una pong naging pagbabago ay unang-una, doon sa mga may severe allergies, ‘no, magiging maingat tayo at hindi babakunahan iyong talagang may history ng severe allergies at ito nga po ngayon iyong pangalawa na iyon nga pong masyado nang matatanda at mahihina iyong katawan ay mukhang hindi po maaaring bigyan ng bakunang ito. Pero aside from that, ang maganda naman po at least naiiwasan na po natin ang mga problema na ito kapag nagkaroon na ng roll-out dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dumating na po ba daw iyong resulta noong Phase 3 clinical trials ng Sinovac at kung may EUA na rin ba ang China sa kanila for public use and exportation?

USEC. DOMINGO: Usec. Rocky, as of now wala pa. Ang sabi naman nila sumulat sila sa amin at sinabi na magku-comply sila sa requirement at isa-submit nila iyong kanilang dokumento. So, as of this time hindi pa po nila ibinibigay sa FDA pati iyon pong EUA for general use ay hindi pa rin po naman nila ibinibigay sa amin.

USEC. IGNACIO: Opo. May mailalabas kaya na EUA nila bago dumating daw po iyong unang batch na kanilang bakuna na inaasahan ngayong February? At kung hindi aabot puwede po ba daw itong harangin ang pagpasok ng bakuna nila sa ating bansa?

USEC. DOMINGO: Well, iyong EUA nila talagang depende kung gaano kabilis nila maipadadala iyong kanilang mga datos at kapag naman sila ay tinanong natin halimbawa ng mga qualification, kung gaano kabilis din sila sasagot at kung gaano rin kabilis maku-complete lahat ng requirements.

So, hindi ko po mabibigyan ng petsa iyan dahil sa ngayon nga po, kulang pa at hindi pa namin ma-evaluate. Pero kung mabilisan naman po silang sumagot eh maaari naman po tayong umabot. Kung sakali naman po na mayroon ng bakuna pero hindi pa po lumalabas ang EUA eh, hindi pa po maaaring gamitin. Kailangan po hintayin iyong EUA.

USEC. IGNACIO: Usec., may ilan ring nagsasabi na dahil sa donasyon ng China na kalahating milyong doses ng bakuna ay tila daw po mapi-pressure ang FDA na i-approve ang EUA ng mga China-made vaccine lalo na daw po iyong Sinovac. Ano po ang masasabi ninyo dito?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Hindi po. Hindi po kasi related iyong donation at saka ang EUA. Halimbawa po, nag-donate ang isang kompanya ng bakuna na approve sa kanilang bansa maaari po iyong tanggapin ng Department of Health at maaari nilang gamitin at iyong Department of Health po bibigyan natin ng pahintulot na tanggapin iyong donation na iyon and they take responsibility for use. Pero hindi pa rin po tayo mag-i-issue ng EUA hanggang hindi po ito completely natapos po iyong proseso.

So, kung mayroon mang makakapasok, iyong donation na gagamitin at tatanggapin po ng Department of Health. Pero iyon pong mga oorderin, bibilhin, babayaran, hindi po maaari iyon hangga’t hindi lumabas ang EUA. Hindi po equal iyong pagtanggap ng donation sa pag-approve po ng Emergency Use Authorization.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., naniniwala rin si Senator Grace Poe na puwede daw pong bumilis sa 21 days ang application stage ng isang bakuna. Posible po ba ito?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well, puwedeng bumilis na less than 21 days kung talagang marami na siyang EUA galing sa mga stringent regulatory authority – ibig sabihin, iyong mga WHO, US FDA, UK, Canada, Singapore, ganiyan, Korea – eh mapapabilis at kung mabilis din silang mag-submit, kumpleto agad at sasagot sila. Talagang iyon lamang naman po, iyon lang ang nagiging delay eh, kapag mabagal silang sumagot at mabagal silang makapagsumite.

So far naman po, itong mga kompanyang nag-a-apply sa atin wala naman pong nagrireklamo na napakabagal ng proseso ng FDAs dahil alam naman nila na basta po nag-submit sila eh nai-evaluate po natin agad ito sa tamang oras.

USEC. IGNACIO: Opo. May panukala po si Department of Health Undersecretary Cabotaje na gamitin daw po iyong mga pharmacist at maging ang mga midwife po sa gagawing mas vaccination against COVID-19 and ayon din po kay Usec. Cabotaje, pag-uusapan daw po ito kasama ang inyong ahensiya. Maaari po ba itong panukalang ito, Usec.?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Oo, Usec. Rocky. Unang-una, talagang mga doktor, ang mga nurse, ang mga pharmacists, allowed iyan by law na mag-administer ng mga vaccination dahil talaga pong trained iyan at saka mga lisensyado po iyan.

Ngayon, ang DOH puwede naman pong mag-designate pa ng ibang health workers na tumulong sa pagbabakuna kaso po, siyempre, mayroon silang supervision tapos po mayroong responsible person at kailangan din po sila ay iti-train po doon sa tamang pagbabakuna at pag-administer po ng mga [inaudible].

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bigyan daan lang natin iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media, ano po, mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: With several pharmaceutical companies applying  for EUA, when can we expect to have the vaccines, specifically, ano daw pong buwan?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well, ang tinatrabaho po talaga ng Secretary Galvez diyan is as early as possible by February or March. So, iyon pong EUA kasi first step lamang naman po iyon, requirement lang para magamit dito. ‘no. Marami pa po kasing ibang factors like iyong procurement, iyong preparation po ng ating mga storage facilities and rollout, at siyempre po iyong supply sa merkado. Pero ang ginagawa po ng pamahalaan ang lahat na magawa nila para by next month o hanggang Marso ay dumating na po at mag-umpisa na ang bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Red Mendoza ng Manila Times: If ever po na natuklasan ang isang bakuna ay may adverse reaction sa ibang bansa pero naaprubahan na daw po iyong EUA dito sa Pilipinas, may instance po ba na maaaring bawiin ang EUA?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: At anytime po maaaring bawiin ang EUA. Ang kainaman lang po dahil hindi naman po ito talaga registration, so anytime po that we get new data katulad nga po ng sinabi ko itong sa allergy or elderly, we can always incorporate it in the EUA and revise the conditions for use. Pagkatapos po noon at kapag mayroon po talaga tayong safety concern na makikita sa ibang bansa or dito lang sa tin, the FDA can revoke the EUA at anytime.

USEC. IGNACIO: Pero Usec., iyon pong Pfizer nabigyan natin ng EUA at may report po sa Norway, so papaano po ang mangyayari dito, Usec.?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: So, magkakaroon po ng guidance, ‘no. Halimbawa, bago po mag-rollout, sa ngayon kasama na po sa guidance natin iyong sa allergies. Kapag magbabakuna kailangan sa lugar na kayang manggamot at mag-care for patients kung mayroong magkaroon ng severe allergy.

So, kapag napatunayan na po iyong factors na naging kasama doon sa pagkamatay nga ng ibang pasyente doon sa Norway then magiging kasama po iyon sa advisory. Maaaring ipagbawal natin ang paggamit nito sa mga sobrang matatanda at doon sa mga frail or marami pong sakit.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Red Mendoza ng Manila Times: May iba po bang mga vaccine manufacturer ang nag-a-apply ng EUA o napasahan na ng application for trials?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well, iyong trials po, lahat po ng nag-apply ng clinical trials sa FDA na-approve na po iyan, so I would presume nag-uumpisa na po iyan. Iyan pong si Janssen ng Johnson & Johnson; iyong pong Clover Pharmaceutical; at saka iyon pong Sinovac, mayroon din po silang clinical trial dito.

Iyong mga EUA, wala pa pong nadagdag na mga application pero marami na po ang nagtanong, after po kasi ng Sinovac wala pang nag-apply na bago. Pero nagtanong na rin po sa atin ang Moderna, iyong pong mga [unclear] Institute at saka iyong Serum Institute of India at mukha naman pong interesado na rin silang mag-file ng application pending completion po nang kanilang requirements.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: May mga nagpasa na rin po ba sa FDA ng mga applications sa mga alternative COVID test tulad po ng re-agents para sa saliva test at mga home testing kits for evaluation?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Iyon pong home testing kit hindi ko lang po alam kung mayroon ng nag-submit sa amin, ‘no. Alam ko po iyong isang company na naggawa ng RT-PCR test kit ay nag-apply na po for the expansion, ‘no, iyong isama po iyong saliva pero parang, ang alam ko po kahapon mayroon lamang sa kanilang mga application form na kailangan i-fill-up at i-submit and it will be evaluated.

USEC. IGNACIO: Opo. So, kailan po inaasahan daw po lalabas iyong resulta noong pag-aaral ng FDA dito sa pag-test po using saliva?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Usually naman po a few days lamang po ang ano ‘no, sa mga test kit po natin, a few days lamang. So kung ma-file po nila iyong official application today, I would think po mga dalawa/tatlong araw ay madidesisyunan na iyan ng atin pong Center for Medical Devices.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: Nakapagpasa na ba ng dagdag dokumento po iyong Gamaleya at Sinovac? Nagsimula na ba iyong opisyal na review sa kanilang applications?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Iyong Gamaleya po, napakapag-submit na po sila noong kanilang Phase 3 result, so nag-umpisa na po iyong review ng kanilang application. Kapag naman po may kulang pang mga dokumento pertaining for example to the product and the manufacturing, kailangan po iyon makumpleto before maglabas ng desisyon ang FDA. Pero ang evaluation po officially nag-umpisa na po iyan. Iyong sa Sinovac hindi pa po nila na-submit iyong kanilang phase 3 trial results so hindi pa po nag-umpisa officially iyong kanila pong evaluation.

USEC. IGNACIO: Opo. May iba pa bang kumpanya daw po ang nag-a-apply para sa EUA?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well sa ngayon po wala pa pero ang ini-expect nga po natin ito pong mga ibang kumpanya katulad ng Moderna, ito pong sa Serum Institute of India, Bharat Technologies, palagay po natin malapit na rin po silang mag-apply dahil nagtatanong na rin po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up question si Jam Punzalan maging si Mark Fetalco ng PTV tungkol doon sa Pfizer pa rin: Ano daw po ang sabi ng Pfizer patungkol sa report mula sa Norway? Magpapasa ba sila ng report sa FDA tulad ng sinabi ng Department of Health?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Opo. Required po silang mag-pass ng any information… any new information on the product regularly to FDA. So far ang alam po natin is doon po sa Norway dati ang namamatay po kasi talaga every week is mga 400 na very elderly. Kaya ang ginawa po noong bansa nila talaga pong pinagsasaksakan ‘no ng bakuna itong matatandang-matatanda po na mga nakatira sa mga nursing homes; some of them are very ill, very frail at iyong iba terminally ill. So ang tinitingnan po baka po talagang mahihina iyong katawan at iyong mga mild adverse events po eh hindi kayanin nang masyadong matatanda.

So ito po ang nakikita nating direksiyon na possibly magkakaroon po tayo ng guidelines that will limit the use of the vaccine in very old and very sickly or very frail.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Joseph Morong ng GMA News: Are there any preferential treatment to Sinovac’s application for EUA?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well sa amin po wala ‘no, we don’t even start officially our evaluation until the clinical trial phase 3 results are seen ‘no. Kasi dito po talaga iyong interim reform ng phase 3, ito talaga iyong pinagbabasehan natin doon sa parte ng safety and efficacy and without it talaga pong hindi natin siya kayang i-evaluate. So hihintayin po natin iyan katulad po ng lahat ng iba na nag-a-apply sa atin saka lang po inuumpisahan kapag nandiyan na iyong datos na maaaring talaga nating i-evaluate.

USEC. IGNACIO: Opo. What data daw po do we have as far as Sinopharm, Sinovac, CanSino applications are concerned if there are and what’s going to happen if they cannot meet FDA standards?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well iyong Sinovac po iyon nga po sabi ko, ang pinadala sa atin phase 1 at phase 2 trials pa lamang nila at wala pa po iyong phase 3. Pero talaga pong sila nag-file na ng application kasama po noong ibang papeles, may kulang na lang.

Ang Sinopharm po wala pa po talagang application sa atin ‘no so there’s nothing for us to evaluate. At nagbigay na rin naman po tayo sa DFA para sa mga embassy natin ng mga requirements para kung mayroon pong mag-apply. Pero so far hindi pa rin naman po sila nag-a-apply sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. May clarification po si Joseph Morong ng GMA-7 tungkol doon sa donation. Tatanggapin ba daw po ng Department of Health and DOH can use without FDA approval?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Ang Department of Health po maaari po siyang tumanggap ‘no ng mga gamot na hindi pa po rehistrado dito sa atin. Sa Bayanihan Act din po nakalagay iyon eh na puwede tayong tumanggap ng mga gamot na registered sa home country tapos kahit hindi registered dito sa atin but of course it will be used under the supervision of the Department of Health. Pero desisyon po nila iyong kung tatanggapin nila at gagamitin nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Eric ngayong linggo po marami po kayong ipinalabas na notice sa publiko tungkol sa mga hindi otorisadong face masks. Ano pong brand ito at may nadagdag pa ba sa mga pinagbawal ninyo at bakit hindi ito dapat tangkilikin?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well, halos araw-araw po may nadadagdag doon sa ating listahan ano. Kung titingnan po ninyo iyong mga mask na nakasama doon sa aming mga advisory, ito po iyong mga mask na nagki-claim na medical grade sila or mayroon pa po makikita ninyo magki-claim na N95 sila or may 99% filtration rate sila.

Kapag po kasi medical grade or for medical use ang mask, kailangan po iyan irehistro sa FDA as a medical device at kailangan pumasa po iyan sa standards na dumaan siya sa tamang testing.

Iyong mga mask po na mga for everyday use, hindi po iyan nirirehistro sa FDA. So iyong mga iyon po hindi naman namin po iyan naman pinakikialaman at hindi naman po natin iyan sinasama sa mga advisory. Pero once it’s a medical grade and medical use masks, it has to be registered. So kung mayroon po kayong ospital, mayroon kayong clinic – kaya nga’t required po ang mga ganito – tingnan ninyo po muna iyong ating mga advisory bago po kayo bumili ng ospital na supplies para sa inyong mga facilities dahil maaari pong hindi tested ang mga ito at hindi po sumusunod sa mga standards natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., papaano po iyong mga homemade cloth-based face masks? Papaano po ang gagawin dito at ano po iyong maipapayo ninyo sa mga—kasi siguro wala silang… sabihin na natin na ayaw nila na lagi na lang bumibili ng face mask, gusto nila na sila na iyong gumawa para puwedeng labhan. So ano po iyong maipapayo ninyo dito? Ito po ba’y dapat pa dumaan sa inyong pagsusuri lalo na may mga nagbibenta rin po kasi nito ano po?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Maaari talagang gamitin iyon sa pang-araw-araw na gawain ano lalo na kung hindi naman tayo healthcare worker, hindi naman tayo nag-aalaga ng may COVID so hindi po kailangan dumaan iyan sa FDA. Ang advice natin dapat multilayer iyong mask lalo na kung cloth, mga tatlong layers at lalabhan ninyo po regularly ‘no.

So for masks for everyday use do not have to be registered with the FDA and they are very useful and they are very useful at makakatulong po sa inyo iyan sa araw-araw na gawain ninyo lalo na kung multilayered siya.

Ang niri-regulate lamang po namin iyong mga mask na ginagamit po sa ospital, sa mga nag-aalaga ng may sakit at lalung-lalo na po kung iyong kahon mismo o iyong labeling ng mask eh nagki-claim po sila ‘no na medical grade sila at hindi naman po ito napatunayan at hindi naman po na-test.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang na tanong si Joseph Morong ng GMA-7. Kung puwedeng gamitin ng DOH ang donated vaccine na walang FDA approval; hindi ba delikado ito?

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Well hindi po walang FDA approval kundi dadalhin nila—ang gagamitin nila para din pong approval ng home country.

Kaya po very careful din naman ang DOH sa pagtanggap ng ganitong mga produkto kasi unregistered po ito, tinatanggap lang nila as donation and they take full responsibility of course for the product. So hindi naman po lahat ng donation tinatanggap ng Department of Health. But yes, they have to be very careful and they have to study it very closely kung tatanggapin po nila at gagamitin nila dahil mapupunta po talaga sa kanila ang responsibilidad.

USEC. IGNACIO: Okay. Mensahe na lamang po sa publiko, Usec. Eric Domingo.

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Kami naman po ano, alam ko po inip na inip na kayo pero talagang ginagawa naman po natin lahat ng pagsusuri at lahat po nang tamang proseso bago po tayo magpayag na gumamit po ng bakuna dito sa atin at maiturok sa milyong-milyong Pilipino ‘no. Lahat po ng expert natin sinisilip iyan at ‘pag naman po na-approve na natin at binigyan natin authorization, continuous pa rin po ang monitoring natin sa Pilipinas at sa buong mundo para po ‘pag magkaroon tayo ng impormasyon at mga pagbabago sa guidelines sa paggamit ng mga bakuna eh mabilis din po tayong makaresponde at magawa rin po natin agad para po ma-maximize po talaga natin iyong safety at saka efficacy ng mga bakunang ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon FDA Director General Eric Domingo. Mabuhay po kayo!

FDA DIRECTOR GENERAL DOMINGO: Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Diyan lamang po kayo dahil magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO:  Sa patuloy po na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City sa Cagayan province, pinag-uusapan na po ang pagbabalik sa siyudad sa ilalim ng Enhanced  Community Quarantine sa loob ng sampung araw. Para mag-usapan iyan, makakausap po natin si Cagayan Governor Manuel Mamba. Magandang umaga po, governor?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Magandang umaga rin po.

USEC. IGNACIO:  Opo. Governor, nag-submit po ng proposal ang City LGU ng Tuguegarao para po isailalim sa 10-day ECQ ang siyudad dahil sa tumataas pong COVID-19 cases. Most likely ba aaprubahan ito ng regional IATF ng Cagayan?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Yeah, I think so, dahil I endorsed the same. Prior to this kasi, Usec. Rocky, noong dumadami na noong December nagsasabi na ako ng MECQ, pero ang inayunan pa rin nila is iyong MGCQ. But this time, mas lalong dumami kasi and our local transmission, especially community transmission ay almost 4o% of the cases. So nakikita ko that this time, siguro aayunan na ng R-IATF and I want to endorsed the same but I feel that iyong ten days is quite short. But I am still praying po na in 10 days na ECQ nila ay they will have control sa COVID. At noon ko pa naman sinasabi sa kanila, that they have to study iyong kanilang community quarantine status, because ang hirap i-control kung ang community quarantine status mo ay mas masyadong maluwag.

USEC. IGNACIO:  Pero, Governor, base po  sa monitoring  ninyo ay posible ngang holiday  season po ba ang naging sanhi ng surge na ito sa COVID cases o iyong epekto po ng mga pagbaha sa Cagayan?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Lahat iyon, kasi hindi na bumaba since bumaha. And then, after the Christmas season, may upsurge na naman po ito. So, I think, it’s a summation ng lahat ng mga ito na nagku-cause ng iyong maraming–almost 60%, almost 65% of the 373 cases ng Province of Cagayan is nakalap lahat sa Tuguegarao, 236 lahat na iyon. And iyon nga, ang nakikita namin. So, we anticipated this din naman, Usec. Rocky, kaya kahit papaano, noon pa namin sinasabi na tataas at tataas ito at ito na nga.

USEC. IGNACIO:   Pero, Governor, kung sakali pong ituloy iyong 10 day lockdown nakahanda ba ang Provincial government, siyempre po mag-supply ulit ng relief packs sa mga maapektuhang pamilya?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Opo, iyon po iyong pinaghahandaan ngayon, including sa kaunting cash assistance po and of course assistance din po sa mga bara-barangay ‘no para iyong mga isolation centers din po nila ay mami-maintain nila, because ito po iyong isang problema namin. Maraming naka-home quarantine sa mga positive na asymptomatic and we felt na kailangan talaga  is ilagay sa isolation centers  itong mga ito para we have control over them. Kasi nagkakaroon ng transmission even from the entire family. As far as food packs po, nagpadala na rin po ako ng 500 bags of rice and kung ano pa iyong mga puwede naming maitulong at saka iyong mga financial assistance sa mga bara-barangay na mayroon din pong mga positive. Because 31 of the 49 barangays ay may mga cases po diyan sa Tuguegarao ngayon.

And we have another town din po na under MECQ, iyong Baggao in Cagayan has about 65 cases. And sa tingin ko, iyon din ang problema po dito, because of the season. Marami kasi silang ginawang Christmas season and some of our local chief executives, siguro eager sila, because this is their first term na gumawa ng mga activities nila eh nag-result po sa ganito, in spite the fact that we were forewarning them, that this could be super spreaders po.

USEC. IGNACIO:  So, ang sinasabi po ninyo, Governor, aside from Tuguegarao at iyong isang nabanggit ninyong bayan ay talagang nagmu-monitor pa rin po kayo sa mga bawat bayan na posible pong magkaroon pa rin ng pagtaas ng kaso, Governor?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Opo, Usec. Rocky, especially the suburbs of Tuguegarao, although naku-control naman nila ‘no. In Solana we have 22, in Peñablanca we have 15 and we have 5 in Enrile – these are the suburb towns of Tuguegarao, kaya nakabantay din po kami dito, dahil ito po ay nakikita namin na mas lalong magpapalala kung hindi natin tutukan itong mga ito.

USEC. IGNACIO:  Opo. Bukod po sa inirirekomendang lockdown, ano pa pong measures ang gagawin ng provincial government para po pigilan pa iyong pagtaas pa ng COVID cases sa Cagayan?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Well, magkakaroon din po kami ng mass testing ‘no together with DOH. Noon pa namin sinasabi ito para ma-identify namin dahil marami nga kaming community transmission. And pinaghahanda ko rin po na bawat barangay magtulung-tulungan para iyong asymptomatic case mailagay din sa mga isolation rooms ng mga naka-prepare sa barangay. Kasi in other towns, iyon naman ay ginagawa namin, tutal asymptomatic naman, so ilalagay namin sa barangay, para mas maganda iyong control po. At the same time, nababantayan at nadi-distribute namin kung dumadami.

So, all barangays dapat, kahit papaano eh nakakapaghanda rin sila ng isolation centers nila for the asymptomatic na COVID and only those with symptoms ang maidadala sa mga ospital natin. We have 12 district hospitals dito operated by the province, tumutulong din po in the quarantine of symptomatic patients. Kaya nga sabi ko, everybody should be involved including the Barangay officials, kaya nga po nagbababa rin po kami ng pondo sa kanila. Mayroon tayong program na no barangay left behind, mag-aano tayo ng mga pondo sa kanila. Because, since the start po ay nagbibigay po ako ng 500,000 every year sa bawat barangay in the province, so niri-reserve po namin part of this, para matutukan po namin ang COVID kung sakaling dumami nang dumami.

USEC. IGNACIO:  Opo, nabanggit po ninyo iyong mga ospital. So, may kakayahan pa po ang Cagayan Province kung sakali pong ang ating mga ospital diyan, kung sakali po talagang patuloy na tumaas ang kaso ng COVID-19 diyan?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Well, overwhelmed na po iyong Cagayan Valley Medical Center ngayon, kaya pinagpi-prepare din po namin sa Tuguegarao ngayon dahil marami po tayong private hospitals diyan, kinausap na rin sila ng DOH, kinausap na rin po namin para maghanda rin sila ng mga COVID kuwan nila, at least 20% of their capacity should be for COVID, kasi we did not use this noon pa. Nasa CVMC po lahat – iyong Cagayan Valley Medical Center – lahat! Pero this time, pinagri-reserve po namin sila para makasigurado lang tayo na we could have a reserve hospitals po para magamit, if and when, dumami pa ito.

USEC. IGNACIO: Opo, bukod po sa COVID-19 ano ho, kumusta naman po iyong rehabilitation efforts po sa hard hit areas dahil dito sa sunud-sunod na bagyo noong nakaraang taon? Kumusta na po iyong mga lugar na ito at iyong mga biktima po ng bagyo? 

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Well, nagpapasalamat po ako, napakalaking tulong po ng national government, ganoon din po ang private sector dito sa amin. In fact, binigyan po kami ng ating Presidente. First time ever po na nangyari ito, binigyan po tayo ng financial assistance, mga hardly hit na mga towns. We received more than 200 million from the national government, 129 million of that ay napunta pa sa Cagayan.

Sa Tuguegarao City mga 23 million, and 23 other towns have received po from it. It rangers from 500,000 to 5 to 6 million po. Ito ang laking tulong po dito sa amin ito. Of course nagbigay din po ng additional si Senator Bong Go ng another 10 million sa province, ako ay nagpapasalamat din po. Iyong TUPAD din po, ang laking tulong po nito coming from the Department of Labor through some of our senators, na nagbigay din po sa atin. And of course the labor department mismo din po, nagbigay din po sa atin si Secretary Bebot Bello.

Katatapos lang din po ano, nagbigay sila ng 275 fiberglass motorized banca to some of our coastal towns po natin na talagang naapektuhan din po, iyong ating mga fisher folks doon. And of course the DA din po ay nag-release na rin po, they started releasing iyong dry planting season subsidy sa mga rice and corn farmers po natin. So, marami din po ang patuloy na nagbibigay sa amin ng mga ayuda dito.

The National Housing Authority din po, iyong mga partially destroyed and totally destroyed houses nagpuntahan din po dito para tulungan tayo and about 700 families naman po ang natulungan nila.

At in a while po, by February 2, dadating po dito iyong Build Back Better Task Force headed by Secretary Cimatu and Secretary Villar para ma-start na rin po iyong dredging of the sand bars in the narrow areas of the Cagayan River, ito po ang laking tulong po sa amin ito and we have a holistic approach on this, may medium and long term plans po and we will be launching this February 2, pupunta po sila lahat dito and involving the DPWH, National Housing for Resettlement, the OCD, the DTI, DILG and of course DENR for the management of our watershed.

So ang ganda po, dahil hindi lang po short term or band aid solutions iyong pinu-propose po ng national government, it’s a long term solution. Alam naman po ninyo, the Cagayan River, being the longest river, the mighty Cagayan River is also our boon and bane. But what is most important po dito is kapag na-dredge po natin ito, mau-open din po natin iyong Port of Aparri, our connection to international trade, into our international community. Kaya ang laking pag-asa ang binibigay sa amin nito.

And I think we owe this a lot to our President na noong pumunta siya dito, siya ho ang nag-open lahat nito na nagsabi na dapat i-start na lahat ito.

And sa amin pong mga Cagayano and from the north, ako naman ay nagpapasalamat because hindi naman po regional activity ito, it’s now becoming the entire activity of Northern Luzon, Cagayan River having the biggest river, the longest river in the country and having the biggest scope as far as the river is concerned.

USEC. IGNACIO:  Governor, may tanong po iyong mga kasama natin sa media. Mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: You were quoted daw po last week saying that you are willing to allot a 500 million peso budget para po sa purchase ng vaccines for all Cagayanos with no prioritization as protection against the coronavirus disease 2019. Does the provincial government have enough funds for this?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Well, we have funds po ‘no. But we have discussed this lengthily with the League of Provinces and were told din po na the national government will all do these things for us. In fact, they have allotted about 74,000 doses already and this is well funded. Kaya nga tinitingnan din po namin if really there is a need to buy vaccine or we use it to kuwan na lang… tumulong sa rollout ng vaccine. So tinitingnan din po namin iyon, because this would entail a lot of money from us din po. Pero sa akin kasi, I was only trying to tell people na it is worth… para sa akin po, it is worth investing dahil we will be saving lives and of course saving the economy. Pero nakita po namin that the call is still with the national government ‘no, sila po ang kung papaano i-rollout, kung papaano i-prioritize and I was looking doon sa kanilang pine-prepare, it’s for the whole nation.

The LGUs do not really need to buy vaccines, siguro makakatulong kami doon sa pagru-rollout, kung ilang teams ang magba-vaccinate, siguro iyong transport ng mga gamut at refrigeration. So we are now reconsidering iyong una na naming priorities after hearing it out from Secretary Galvez and from the Department of Health.

So, sa amin po open po kami, we have prepared some funds for it, but we are also open na tutulong kami in some other aspects, siguro not in the buying of vaccines na rin po. So, all of these, we are still open po dito.

USEC. IGNACIO:  Governor, may vaccine brand na po ba kayong pinag-uusapan na kunin at ano po iyong latest development dito?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Well, ang kinukuwan po namin ay Sinovac, iyon po iyong kuwan namin… tinitingnan po namin at kami po open kahit saan. I am willing to be the first to be injected, basta okay na po sa ating gobyerno. I am a medical doctor by profession ‘no and I know this will help us a lot. And I know na hindi naman ia-approve ng DOH iyan kung hindi po sigurado ang efficacy at hindi po sigurado silang walang masamang side effect po ito.

USEC. IGNACIO:  Okay, kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo sa ating mga manunuod at siyempre sa inyong mga kababayan sa Cagayan, Governor?

CAGAYAN GOV. MAMBA:  Unang-una po, sabay-sabay po ang problema natin, pero kaya po natin ito. Ang importante po nagtutulungan, ang importante ay we share each other’s burden and we share each other graces. Napaka-importante po ito, especially dito po sa atin na tayo po iyong pinaka-disaster prone especially sa flooding and typhoons in the entire Northern Luzon kaya napaka-importante po iyong ating pagkaka-isa.

So, aasahan po ninyo, asahan po ninyo na nandito lang po kami para tumutulong iyong gobyerno, put your trust in us po naman, mga tao.

Ganoon din po na nagpapasalamat din po ako sa national government especially in the President, na lahat po ng disasters po namin dito, palagi siyang pumupunta. He was in Cagayan for five times already at lahat po ng super typhoons po namin dito, mega floods namin dito and all other disasters, he is always been with us. So, maraming salamat po at God bless po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Manuel Mamba mula po sa Cagayan. Stay safe po, Governor.

Samantala, tunghayan muna natin ang balitang ito mula sa ibang bansa. Sa gitna po ng paglaganap ng bagong variant ng COVID-19 virus sa bansang France, mga deboto ni Pit Senior Sto. Niño ipinagdiwang pa rin ang kapistahan nito na hudyat ng ikalimang daan anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Samantala, isa naman pong Pilipina frontliner doon nabakunahan na rin laban sa COVID-19. Magbabalita si Dick Villanueva mula po sa PTV News France.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Dick Villanueva mula sa Paris, France. Samantala, narito naman po ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kasama si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Sa tuluy-tuloy  na pag-rollout ng PUV modernization program sa Cordillera Region, tuluy-tuloy din ang pagtanggap ng LTFRB-CAR sa application forms sa mga operators sa rehiyon na nais mapabilang sa programang ito. Magbabalita si Eddie Carta, live. Eddie?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, Eddie Carta ng PTV-Cordillera. Balita naman mula sa Davao. Mga indibidwal na nagkaroon ng exposure sa COVID-19 makakatanggap na ng mensahe mula sa SafeDavaoQR.  Ang detalye, ibabalita ni Julius Pacot, live. Julius?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Julius Pacot ng PTV-Davao. Samantala, bumisita si IATF Deputy Chief Implementer in the Visayas Mel Feleciano sa Cebu City para ilatag ang mga paghihigpit na gagawin sa siyudad kasunod ng patuloy pang pagtaas ng active cases ng COVID-19 doon. May report si John Aroa ng PTV-Cebu.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat John Aroa mula sa PTV-Cebu. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtutok at pagtitiwala sa amin. Muli, sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)