Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay araw ng Lunes, April 12, 2021. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Simula ngayong araw po ay sasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o ang NCR Plus, kasama ang buong lalawigan ng Quirino at Abra, maging ang Santiago City sa Isabela, kasama rin po diyan. Tatagal ang MECQ hanggang sa katapusan ng buwan.

Samantala, ang mga lugar naman ng Cordillera Administrative Region, Quezon, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao del Sur ay nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ na tatagal din hanggang April 30.

Inaasahan namang iaanunsiyo ni Presidential at IATF Spokesperson Secretary Harry Roque ang kabuuang guidelines sa paggaan ng quarantine restriction sa bansa mamayang hapon.

Samantala, nagkasundo ang Metro Manila Council na i-adjust ang ipatutupad na curfew sa National Capital Region sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ. Ayon kay MMDA Chairperson Benhur Abalos, Jr. 8 P.M. to 5 A.M. ang unified curfew hours sa Metro Manila na magsisimula mamayang gabi at magtatagal nang hanggang April 30.

Sa ilalim ng bagong guidelines ng IATF, may kapangyarihan ang mga LGU na magpatupad ng kaniya-kaniyang curfew hours, pero ang mga alkalde sa NCR ay nagpasya na magkaroon na lamang ng iisang curfew hours.

Exempted pa rin sa curfew ang Authorized Persons Outside of Residence o APOR, at kailangan lamang nilang magpakita ng ID or certificate of employment.

Samantala, inanunsiyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla na magiging 10 P.M. t0 4:30 A.M. ang curfew ng kanilang probinsiya.

Tiniyak naman ng Malacañang na madadagdagan pa ang COVID-19 beds sa mga ospital partikular sa National Capital Region at mga karatig-probinsiya. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang ipinangako ng maraming ospital kasunod na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PhilHealth na magbayad ng unpaid COVID-19 claims sa healthcare facilities.

Sa ulat ng Palasyo, may magagamit ang ating mga kababayan na dagdag na 164 ICU beds at 1,157 regular beds kung kakailanganin. Bukod dito, iniulat din ni Secretary Roque ang lagay ng healthcare utilization sa NCR Plus na isa sa mga pinagbasehan para ilagay sa MECQ ang rehiyon.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dumating na kahapon ang karagdagan pang bakuna mula sa Sinovac ng China at inaasahan ding darating pa sa susunod na mga linggo ang Sputnik V na mula naman sa Gamaleya Institute sa Russia. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kasabay ng pagtaas ng COVID-19 ang umano’y pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kaya naman ang ating pamahalaan at ang ating mga kababayan pilit pa ring binabalanse ang kanilang kalusugan at kabuhayan, kaugnay po niyan ay makakausap natin si Governor Benjamin Diokno mula po sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Magandang umaga po, sir!

BSP GOV. DIOKNO: Good morning, Rocky! Good morning sa mga tagapanood natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, may mga ilang international economists na nagsasabi na ang ating economic situation daw po ay papalo sa pagiging bad to worse, tama po ba ito, ngayong nakakaranas tayo ng surge sa COVID-19 cases? Babagsak daw po ng 12% ang ating gross domestic product kumpara noong wala pang krisis, at ito na raw po ang pinakamalaking gap sa anumang bansa sa Asya. Kayo po ba ay sumasang-ayon dito? At ano po ang magiging epekto nito sa ating mga kababayan?

BSP GOV. DIOKNO: Well, unang-una, mayroong recent inilabas ang International Monetary Fund, in fact tinataas pa nga nila iyong kanilang original forecast base doon sa kanilang April update ‘no, ang Pilipinas ay lalago this year ng from 6.6 ay magiging 6.9. So itong bagong datos ng IMF ay alinsunod doon sa original forecast namin na in-approve ng DBCC noong December 3, 2020 na ang ekonomiya natin ay maaaring umabot ng 6.5 to 7.5. Ito ay tutulak nang mas mataas pa sa 2022 na ang inaasahan namin ay baka umabot ang ekonomiya natin, lumago ng 8 to 10%.

Subalit because of that recent pagsasara natin ng ekonomiya dahil sa ECQ sa NCR Plus, siguro this month ay rirebisahin ng DBCC iyong original forecast namin na 6.5 to 7.5. So ano na lang siguro, base doon sa magiging resulta noon, sa aking tantiya ay baka ibababa nang konti iyong ating target for this year ng around six to seven percent.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, sa kabilang banda raw po ay nagkaroon naman ng pagbaba sa inflation rate sa bansa nitong March sa 4.5 kumpara po sa 4.7% noong February. Saan po maa-attribute iyong pagbaba na ito ng inflation ngayong taon, Governor?

BSP GOV. DIOKNO: Well, that is actually good news, iyong pagbaba ng inflation from 4.7 noong February to 4.5% nitong March.

Ang pagbaba ng inflation rate ay masasabi natin na dulot nang mas mabagal na pagtaas ng presyo sa mga piling food items like vegetables and rice, for example. Kaugnay nito, bumagal din ang meat inflation, and iyon naman ay dahil sa pinataw na price ceiling noong Marso.

Sa kabilang banda, tumaas naman iyong transport inflation dahil sa pagtaas ng presyo ng domestic petroleum products at sa pagtaas ng inflation sa transport services. So ang tingin namin ay patuloy na bababa. Siguro tataas pa—medyo mataas pa rin ang inflation for the first two quarters this year, pero bababa rin siya sa second half of the year so that ang initial forecast namin for this year, our inflation rate will average around 4.2%.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa palagay ninyo po ay magtutuloy-tuloy na po ba iyong pagbaba ng inflation sa bansa sa mga susunod pang buwan; at ano po iyong projection natin by end of the year?

BSP GOV. DIOKNO: So sinabi ko nga, because of—tinatawag namin noon base effects ‘no. Magiging mataas nang konti ang inflation for the first half of the year but ito ay bababa naman sa second half of the year. So on average, tingin namin, ang inflation ay baka bumaba ng 4.2% at may pag-asa pang mas mababa pa sa 4.2%. And that sa aming latest baseline forecast, ang inflation natin ay maaaring manatili sa high-end ng aming target range para sa taong ito pero babalik iyan sa midpoint sa aming target sa around 2022. So, around 2022 ang forecast naman naming, ang inflation would be on average of around 3.7 – 3.8%.

USEC. IGNACIO:   Pero, Governor, sa ngayon po ay hindi naman po maikakailang mataas pa rin iyong mga ilang bilihin at mababa pa rin iyong buying powers ng pera natin pero masasabi ba natin po na within expectation at under control pa rin ng pamahalaan at ng ating mga economic managers iyong ganito pong sitwasyon?

BSP GOV. DIOKNO:   Oo, under control iyan. Ang pagtaas ng inflation ngayon ay transitory, pansamantala lang. Ito ay dahil sa tinatawag naming base effect na dulot ng deceleration ng inflation sa parehong panahon noong nakaraang taon. So, kinukumpara natin iyong inflation this year doon sa inflation last year and last year masyadong mababa iyong inflation. Ito ay sumasailalim ng impact ng COVID-19 sa presyo ng piling commodities sa buong mundo.

USEC. IGNACIO:   Governor, so, ano pong mga paraan na dapat na gawin ng pamahalaan para daw po tulungan talagang maka-survive iyong ating mga kababayan na talaga naman pong marami iyong nawalan ng pagkakakitaan?

BSP GOV. DIOKNO:   Alam mo, ang talagang solusyon diyan ay Jobs, Jobs, Jobs ‘no dahil ayon sa datos ng DOLE tinatayang 5.1 million na manggagawa ang apektado ng pandemya dahil sa retrenchment o pagsasara ng mga establishments. Subalit gumanda naman ang business sentiment, ito iyong survey na ginagawa ng BSP.

Sa fourth quarter of 2020 business expectations survey ay inaasahan na kapag naging matiwasay ang vaccine rollout, muling pagbubukas ng ekonomiya at paglago ng sales order at optimism at kumpiyansa ng iba’t-ibang sektor, alinsunod doon sa survey na iyon ay tumaas ang kumpiyansa ng mga businessmen.

Ang employment outlook ay gumanda rin, nasa 5.3% para sa first quarter at 7.8% para sa susunod na quarter/second quarter at sa mga susunod pa. So, sa susunod na quarter three and quarter four.

Dapat mabigyan ng suporta ang mga piling industriya tulad ng health care, construction, at iyong business process outsourcing.

USEC. IGNACIO:   Dito nga po sa nakaraang survey ng BSP, lumabas po na tumaas naman iyong confidence index ng mga business owners sa first quarter po ng taon. So, paano po ito directly nagri-reflect sa dagdag na oportunidad sa mga kababayan natin na nawalan po talaga ng trabaho?

BSP GOV. DIOKNO:   Well, ang pagbuti ng business sentiment ay nagpapakita na maraming businessmen at saka mga industriya ay maaaring mag-hire ng mga manggagawa sa mga susunod na buwan. Ang mga in-demand na trabaho ay nasa health care, construction, BPO at saka sa gobyerno.

Magkakaroon din ng mga job opportunities sa telecommunications, logistics, and IT-BPO business. For example, customer service representatives, technical support staff, frontline specialist, human resources and recruitment staff, finance, information technology and marketing.

USEC. IGNACIO:   Sa atin pong banking sector, Governor Diokno, kumusta sila sa panahong may financial crisis? Ang mga consumer loans po ba ay nababayaran o hirap din sila na mabawi po iyong kanilang puhunan?

BSP GOV. DIOKNO:   Ang mga bangko natin ay nasa mabuting kalagayan. Mayroon silang sustained growth in assets, deposits, and capital, positive net profits, stable capital and liquidity buffers, at ample loan-loss reserves. So, sapat ang total resources ng Philippine banking system para suportahan ang pangangailangang pinansiyal ng ating bansa. Subalit ang non-performing loan ratio ng mga bangko ay tumaas sa 3.7% kumpara sa 2.2% noong nakaraang taon.

Ganoon pa man tuloy pa rin ang pagpapautang ng mga bangko. For example, sa real estate activities, 19.6%; wholesale and retail trade, 11.8%; electricity, gas, and [unclear], 10.2%; manufacturing, 9.2%; samantala, sa consumer loans ay nasa 18.6%. So, patuloy pa rin ang kanilang pagpapautang.

USEC. IGNACIO:   Good news naman daw po, Governor, sa mga nagpapadala ng pera online. Tama po ba na maraming bangko muli ang nag-extend na i-waive po iyong transaction fees sa money transfer services nila. Bakit hindi raw po ito puwedeng tuluyang i-libre na, Governor, para daw po mas mahikayat pa iyong mga tao na mag-online banking?

BSP GOV. DIOKNO:   Well, tama iyan. At sabagay, may mga bangko ngayon na nag-extend ng kanilang waiver ng fees. Makikita ninyo diyan iyong mga pawn bank po ay nag-extend hanggang end of June, mayroon ding mga bangko nag-extend hanggang end of year.

So, doon naman sa ATM is, ang ginawa naming policy na ang maximum fee na puwedeng i-charge ng isang ATM ay eighteen pesos at saka iyong pakay mo lang naman ay balance inquiry, two pesos iyon ang maximum. At kung ang gagamitin mo naman ay sariling ATM ng sarili mong bangko, walang charge iyon.

Ang 3.2 model ay mag-uudyok ng kompetisyon sa mga ATM owners at magiging mas malawak ang paggamit ng ATM sa mga ibang probinsiya. Kasi sa kasalukuyan karamihan ng mga ATM ngayon ay nasa NCR at Region IV-A lamang. So, sa bagong pricing system ay maiengganyo sila na maging nationwide ang pagdi-deploy nila ng ATM.

USEC. IGNACIO:   Governor, bigyan-daan ko lang iyong ilang tanong ng media. Mula po sa kasamahan namin sa PTV na si Naomi Tiburcio: Nagsimula na po iyong acquirer-based fee charging sa mga ATM simula April 7, ano po ang ibig sabihin nito at ano ang bagong singil ng mga bangko sa interbank transactions?

BSP GOV. DIOKNO:   Well, ang acquirer-based fee charging model ay isang market-based transparent pricing model kung saan ang may-ari ng ATM ang magsi-set ng fee para sa withdrawal at balance inquiry transactions. Ito lamang ay para sa mga consumer na magwi-withdraw or magba-balance inquiry sa mga ATM na hindi pagmamay-ari ng kanilang sariling bangko. Kasi kung gagamitin mo iyong ATM ng sarili mong bangko, wala pa ring charge iyon ‘no.

So, sa bagong sistema makakapamili ka kung sino ang mas pinakamababa doon sa mga ATMs in your area. Kasi sa kasalukuyan walang insentibo iyong mga ATM owners na lumabas ng Metro Manila at saka Region IV-A kasi nga iba iyong pricing system. Ngayon, maiengganyo na sila dahil nga mayroong posibilidad na kumita sila kung magiging bago nga iyong sistema.

At ganoon pa man, nilagyan namin ng maximum na puwedeng i-charge. Eighteen pesos, maximum iyon kung ikaw ay magwi-withdraw sa ATM na hindi ATM ng iyong bangko at saka two pesos naman kung ito ay balance inquiry lang. Isipin mo na lang kung ayaw mong gumamit ng ATM, pupunta ka doon sa bangko mo eh hindi ba mamamasahe ka pa, may oras ka pa na, it will take time bago ka makarating doon. So mayroon ding cost of resources on your part.

So, itong ATM fees is like a convenience fee at puwede mo rin namang iwasan kung ayaw mo talagang gumamit ng ATM, puwede mong gamitin iyong tinatawag naming InstaPay at saka iyong online banking ang gamitin mo, puwede rin iyon.

USEC. IGNACIO:   Governor, tanong nga daw po ng marami bakit ngayon pa raw po ipinatupad kung kailan naghihirap o hikahos ang ating mga kababayan dahil sa pandemya?

BSP GOV. DIOKNO:   Alam mo kasi itong old pricing system medyo matagal na rin ito, seven to eight years na ito, so, marami silang problema. Sabi ko nga, hindi naiengganyo iyong mga bangko na maglagay ng ATM doon sa mga ibang areas katulad sa mga kanayunan, ganoon.

In fact, naka-concentrate iyong ATM sa National Capital Region at saka sa Region IV-A at saka wala ring option iyong mga consumer, hindi sila puwedeng mamili. Ngayon mayroon ka talagang choice, may freedom of choice ka kung saan kang ATM magwi-withdraw. Ang first priority ay iyong ATM ng bangko mo at kung wala iyong ATM doon sa area mo doon ka pumunta sa ATM na magbibigay nang mas mababang presyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, may tanong po iyong reporter ng Bombo Radyo na si Reymund Tinaza: Reaksiyon ninyo daw po sa Philippine economy is expected to be the last among 14 Asia Pacific countries to recover to its pre-pandemic state according to Moody’s Analytics. The Philippine tourism industry is poised to recover last in Asia said ANZ Research in a report.

BSP GOVERNOR DIOKNO: Well, kung pagbabasehan natin iyong talagang estado ng ekonomiya natin before the crisis eh napakaganda ng ekonomiya natin at inaasahan namin na makakabawi rin tayo, siguro by… sometime in 2022, makakabalik tayo doon sa where we were before in 2019 at iyon naman ay nakabase rin iyon kung gaano kabilis natin madi-deploy iyong vaccination ano.

So hindi ganoon kasama ang ekonomiya ng Pilipinas at hindi rin ganoon kasama iyong banking industry natin. So we expect that the economy will recover, in fact not necessarily this quarter but the second quarter and patuloy po itong pag-unlad ng ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, BSP Governor Benjamin Diokno. Mabuhay po kayo, Governor!

BSP GOVERNOR DIOKNO: Thank you din, Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, umabot na sa 55,204 ang bilang ng mga bagong recoveries sa bansa kahapon. Iyan na po iyong pinakamataas sa bilang ng mga naka-recover na naitala ng Department of Health. Dahil diyan umakyat sa 703,404 ang lahat ng mga gumaling mula sa COVID-19; 201 naman po ang nadagdag sa mga nasawi o katumbas ng 14,945 total deaths. Sa kabuuan ay nasa 864,868 naman po ang mga nagka-COVID sa bansa matapos itong madagdagan ng 11,681. Nasa 146,590 naman kabuuang bilang ng active cases, ito po ay 16.9% ng total cases – 98.6% dito ang mild at asymptomatic, 0.5% ang critical, 0.6% ang severe at 0.34% naman ang moderate cases.

Muli po patuloy po tayong mag-ingat para hindi mahawa o makahawa ng sakit. Manatili po tayo sa ating mga tahanan kung hindi naman po kailangan lumabas at patuloy po tayong sumunod sa health protocols na ipinatutupad ng ating pamahalaan.

Matapos pong payagan ng Food and Drug Administration at Department of Health, nagsimula ang Lungsod ng San Juan sa pagbabakuna sa mga residente nitong senior citizen gamit po ang Sinovac COVID-19 vaccine. Naging mahigpit naman ang screening sa kalagayan ng mga ito lalo’t posible ang adverse effect mula sa bakuna. Ang detalyeng iyan mula kay Louisa Erispe:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe. Mag-ingat kayo Louisa ha.

Samantala, alamin naman natin ang kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ihahatid iyan sa atin ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Magandang umaga sa iyo, John.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Ilang mga doktor at medical experts sa bansa ang nanawagan sa DOST na magsagawa ng clinical trial na magpapatunay ng mabisang gamot panlaban sa COVID-19 ang anti-parasitic drug na Ivermectin. Pero ang tugon ng DOST, hindi na kailangan ng clinical trial para dito. Bakit kaya? Para po alamin iyan, makakausap po natin ang Kalihim ng Department of Science and Technology, Secretary Fortunato Dela Peña. Good morning po, Secretary.

DOST SEC. DELA PEÑA:  Good morning. Good morning sa ating mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO:  Opo, welcome back po, Secretary. Secretary, bakit po ninyo nasabi na hindi kailangang magsagawa ng clinical trial para sa Ivermectin sa Pilipinas?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Babasahin ko na lang iyong official statement namin ano. So, we have stated that experts in the scientific in medical field have already spoken. In the case of DOST, our most common involvement would be the development of diagnostic kits, disease models, drugs and adjunctive therapies including the conduct of clinical trials, whether it is for medicines or for vaccine.

Now, clinical trial projects will require a minimum of six months and can extend to years and that will be how long we have to wait to have results and conclusions. Considering however, that there are almost 20 completed and 40 ongoing clinical trials around the world as reported exploring the use of Ivermectin formulations against COVID-19, our Philippine Council for Health Research and Development which is our arm that is taking care of the health sector. The PCHRD issued the position that there is no need to conduct another clinical trial in the Philippines as most ongoing trials or clinical trials that already been started since 2020, it would be appropriate to await the results of these studies that already significantly advanced in terms of data collection and conducting interim analysis.

Siguro idugtong ko lang kung sasabihan kami ng mga ahensiya tulad ng DOH or FDA na mag-conduct ng clinical trials ay aming susundin ang kanilang advise.      

USEC. IGNACIO:  Pero, Secretary, nabanggit nga po ninyo na marami ng gumagawa ng clinical trial para sa Ivermectin sa ibang bansa.  At nasabi nga po ninyo, almost 20 trials na rito iyong natapos. Ano po iyong naging resulta ng mg ito?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Iyon nga eh, iba-iba, walang klaro. According to the DOH na walang maliwanag na nagsasabi na iyon ay nakakabuti sa COVID-19. So iyon lang naman ang naririnig namin na statements.

USEC. IGNACIO:  Secretary, linawin na lang natin, noong sinabi po ninyong iba-iba iyong resulta, ito po ba ay hindi maganda o talagang katulad nga ng nabanggit ninyo na walang epekto o magandang epekto para labanan ang COVID-19?

DOST SEC. DELA PEÑA: Usually iyong mga statements naman general na mayroong nagsasabi na hindi clear o hindi convincing iyong data. Mayroon namang nagsasabi na maganda, eh iba-iba.

USEC. IGNACIO:  Secretary kung ganiyan po iyong naging resulta ng clinical trials, ano po iyong rekomendasyon ng DOST sa paggamit ng Ivermectin? Sapat na ba iyong resulta – para sa inyo po ha – itong dalawampung clinical trials para pagbasehan kung gagamitin ang Ivermectin bilang gamot sa COVID-19?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Sabi nga po ng statement namin, kasi karamihan na niyan ay inumpisahan noong 2020 at ongoing pa, hintayin ng matapos.  Kasi advance na iyong data gathering.

USEC. IGNACIO:  Pero, Secretary, sakaling magkaroon po kayo ng rekomendasyon sa DOH at FDA tungkol dito, ano na po iyong next step para masabi po ba o ma-legalized iyong paggamit nito sa bansa?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Actually po, ang talagang nakakaalam niyang desisyong niyan ay DOST at saka ang FDA. Ngayon, kung sasabihan nila kami na gumawa kami ng clinical trials ay siguro gagawa kami ng clinical trials. Pero sa aming assessment ngayon dahil nga sa ang dami-dami nang ginagawang clinical trials na mas ahead at ‘ika nga ay marami ng nakuhang data at nag-uumpisa nang mag-analyzed eh sundin na lang natin at abangan ang resulta.

USEC. IGNACIO:  Opo, may mga nagtatanong kasi, Secretary, ano daw po iyong posibleng masamang epekto sa mga magti-take ng Ivermectin ng walang tamang prescription mula po sa mga doktor?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Pakinggan na lang po natin ang pinapayo ng DOH. 

USEC. IGNACIO:  Tungkol naman po sa isyu ng blood clotting. Sa ngayon po ay hindi na lang ang AstraZeneca ang may ganitong concern ano po, kung hindi maging ang Johnson & Johnson vaccine na noong nakaraang linggo daw po ay nag-submit na ng requirements para sa EUA ng FDA. Sa palagay po ba ninyo ay dapat na munang hintayin iyong development dito bago i-review ng FDA ang bakuna?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Eh, hindi po ba gumawa na rin sila ng desisyon na puwede nang gamitin muli ngayon at kung ang pagbabasehan ay iyong mga nabanggit na statistics na mayroon 35 cases out of 17 million at hindi naman sigurado na iyong blood clotting nga ay diretsong galing doon sa bakuna, kaya I think they have made a decision na puwede nang ibalik iyong paggamit ng AstraZeneca in that particular case.

USEC. IGNACIO:  Pero, Secretary, sa opinion o pananaw ninyo, obserbasyon ninyo, bakit ngayon lang daw nadi-detect iyong mga kaso ng blood clotting at hindi noong mismong clinical trial pa lang?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Eh baka ngayon lang naobserbahan.

USEC. IGNACIO:  Pero sa palagay po ba ninyo malaki ang magiging epekto ng mga isyu na ito sa vaccination rollout ng pamahalaan, ngayong pansamantala rin pong ipinatigil nga iyong AstraZeneca vaccine para sa 69 years old and below. Ang sinabi naman po ni Secretary Galvez na nasa 5 million doses ang inaasahan natin mula sa Johnson & Johnson by third quarter ngayong taon.

DOST SEC. DELA PEÑA:  Sa akin pong nakikitang mga istatistiko at saka sa mga natatanggap ko ding mga personal messages ay mukha naman pong tuluy-tuloy at very eager ang mga kababayan natin na magpabakuna. And I think the suggestion that the best vaccine is the one that is available, is I think a very good guide. Hindi naman po aaprubahan iyan for EUA kung hindi inaral na mabuti.

USEC. IGNACIO:  Secretary, kumusta na daw po iyong ongoing clinical trial ng COVID vaccine sa bansa, nadagdagan na po ba iyong mga kumpanya na nag-facilitate ng clinical trial?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Dalawa pa rin, iyong Janssen at saka iyong Clover. Iyong Sinovac kasi mula noong naaprubahan iyong EUA nila ay itinigil nila iyong pag-pursue ng clinical trials, although nakikipag-usap pa rin sila sa possibility. Ang siguro lang na baka hindi na talaga sila tumuloy kung isama ng WHO ang Sinovac sa clinical trials ay most likely hindi na sila magki-clinical trials dito. At iyon namang sa Janssen, ang pagkakaalam natin ay tapos na iyong actual trial, so sila ay magsisimula ng kanilang data analysis. Doon sa Clover naman ay ongoing pa po ang recruitment at actual vaccination trials. Wala na po nadagdag na naaprubahan for clinical trials. Although ang alam ko ang Bharat at saka iyong Bio—ano ba iyon.

USEC. IGNACIO:  Biotech.

DOST SEC. DELA PEÑA:  South Korea ba iyon, basta dalawa ay mayroong applications.

USEC. IGNACIO:  Pero kumusta naman po Secretary iyong mga treatment sa COVID-19 patients like iyong sa may VCO na sinasabi natin, may magandang progreso po ba dito?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Well, siguro ang magandang progreso ay dahil sa marami ng admissions ngayon, hindi kamukha noong nagdaang buwan na kakaunti iyong admission sa PGH para sa severe and moderate, iyon po kasi ang kanilang trials, iyon kasing sa suspect and probable na may symptoms ay natapos na iyon doon sa Sta. Rosa at maganda naman ang resulta. Pero iyong sa severe and moderate na marami talaga ang interesado diyan ay naging mabagal dahil nagdaan iyong mga linggo at even months na kakaunti iyong admission ng severe at moderate. At kung marami man ang mag-apply ay mahigpit kasi po ang criteria for inclusion of participants. Kapag masyadong maraming comorbidities, hindi sila isinasali.  So nag huling balita sa akin last week ay out of the almost a hundred target nila mayroon na silang 28 na participants na pumasa doon sa screening at inaasahan na mapapabilis dahil nga po sa madaming admission ang severe and moderate cases.

So siyempre po kailangan lang natin ng patience at ika nga ay umaasa naman tayo na makakakuha tayo ng magandang resulta. Unang-una na po akong umaasa na sana nga ay maging maganda ang resulta ng clinical trial natin sa VCO. Kasi iyong dalawang project na nauna na, iyong in vitro trials na isinagawa sa Singapore ay maganda naman po ang resulta, nagpakita na talagang mayroong anti-viral properties; at iyong pangalawa iyong sa Sta. Rosa trials ay ipinakita naman na iyong mga nag-take ng VCO among the suspects and probable with symptoms ay mas maagang naka-recover by five days compared doon sa hindi nag-take.

Iyon pong Lagundi ay mabilis ang development, kasi nagdagdag sila ng mga trial centers. In fact, ang pinakamalaking contributor ngayon ng participants ay ang PNP Quarantine Center sa Quezon City, kaya iyong target nila na 200 dito sa kanilang stage 2 ay siguro in a few weeks ay matatapos na iyan. Iyong stage 1 kasi noon, ang purpose lang ay ma-determine ang the best dosage na gagamitin sa clinical trials at natapos na iyon at saka nakita naman nila na doon sa stage 1 na wala namang mga adverse effects iyong mga binigyan noong dosage na iyon.

Iyong tawa-tawa po ay umpisa pa lang at ito ay ang main area niyan ay sa Region VI, soon sa Corazon Montelibano Memorial Medical Center, pero nagkaroon na rin sila ng trial centers dito NCR kasama na rin iyong Quezon Institute.

Mayroon din tayong inumpisahan na bagong, hindi pa siya isinasagawa, ka-approve pa lang namin, teka lang at napakahirap i-pronounce noong gamot na susubukan natin. Ito iyong formulation and standardization of procaine hydrochloride – methylprednisolone sodium succinate powder for injection at ito ang formulation ay ginagawa ngayon ng UP Manila National Institute of Health, ang kanilang Institute for Pharmaceutical Sciences at ang gagawin namang clinical trials para sa mga pasyente ay isasagawa ng De la Salle University sa Dasmariñas, Cavite, it will be a collaboration by this research centers. So iyon po hopefully ay makatulong din sa atin.

USEC. IGNACIO:  Secretary, iyon pong bago na sabi ninyo na inaprubahan, iyan po ay gamot, hindi po iyan bakuna?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Gamot ang pagkakaalam ko dito. So the exact wording for injection to be undertaken—so, siguro lilinawin ko, pero ang pagkakaalam ko po ito ay tini-testing na gamot.

USEC. IGNACIO:  Secretary, punta tayo sa tanong ng ating mga kasamahan sa media ano. May tanong po sa inyo si Ian Cruz ng GMA News: A Chinese official acknowledged that the country’s vaccine had a low overall effectiveness which could mean more doses or booster shots would be needed for more than 60 countries that have approved their use. Your reaction daw po?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Paki ulit ang tanong, Usec.

USEC. IGNACIO:  Mayroon daw po kasing Chinese official na nag-acknowledge na iyon pong country’s vaccine nila ay mayroong low overall effectiveness which could mean more doses or booster shots would be needed for more than 60 countries that have approved their use. Ang reaksiyon daw po ninyo dito?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Ipapaaral ko po sa aming DOST Vaccine Expert Panel.

USEC. IGNACIO:  May tanong pa rin po si Ian Cruz: According daw po kay Secretary Carlito Galvez the Sputnik V vaccines from Russia is in ampules ang not in vials. Is there a need for retraining our vaccinators to familiarize them with ampules?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Sa akin pinakaimportante diyan iyong aspeto ng storage, kung iba iyong mga temperature requirements at storage requirements iyon ang kailangang paghandaan. Siguro iyong pagbabakuna, mayroon naman talagang instructions na ibinibigay sa ating mga vaccinators. At ako siguro ibabalita ko na ako ay nabakunahan na at napakaganda naman ng aking experience.

USEC. IGNACIO:   Ano pong brand ng bakuna ang naiturok sa inyo, Secretary?

DOST SEC. DELA PEÑA:  AstraZeneca.

USEC. IGNACIO:  Kami po ay natutuwa na naging maganda iyong pakiramdam ninyo.

DOST SEC. DELA PEÑA:  Opo, doon po kami sa A2 category.

USEC. IGNACIO:  Ah okay po. Secretary, may tanong po si Naomi Tiburcio ng PTV: Which vaccines companies have already expressed interest to set up distribution or manufacturing in the Philippines?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Ang medyo advance na po ay itong tinatawag na Glovax. Sandali, iyong Glovax po na mayroon na silang representative talaga na nakikipag-usap at iyan po ay nasa leadership na ngayon ng DTI ang pakikipag-usap. Kasi po hinahati-hati namin ang responsibility. Iyong sa vaccine development, mga trials, iyong mga evaluations, selection ay ang DOST ang nangunguna, pero pagdating po doon sa pakikipag-usap sa may mga kumpanya na interesado talaga, although ang mga initial discussions ay doon pa rin sa DOST ginagawa dahil siyempre iyong mga technical aspects ay tinatanong. Pero pagdating na po sa mga arrangements, whether they will set up here, whether they will be on a private public partnership or whether they will be fill in and finish muna bago magtuloy sa actual production from start to end, ang nakikipag-negotiate na po ay ang DTI.

USEC. IGNACIO:  Tanong pa rin ni Naomi Tiburcio: How soon will this happen and ano daw po iyong benefit ng ating bansa tungkol dito sa paglaban sa pandemic?

DOST SEC. DELA PEÑA:  Well, unang-una I think that was two weeks ago ay nagpahayag ang ating Pangulo ng kaniyang hangarin na magkaroon tayo ng vaccine self-reliance at iyan naman ay talagang napakagandang ika nga ay objective sa kalakihan ng ating populasyon ay dapat talagang magkaroon tayo niyan. Kaya limang Secretaries po kaming nagpulung-pulong kasi ang kaniyang unang binigyan ng instruction ay DBM kasi nga siyempre, siguro ang naisip ng ating Pangulo kailangan ng resources para diyan.

So, limang Secretaries po kami na nag-meet if I… that was a week ago and these are DBM, DOH, DOST, DTI and the Vaccine Czar and we are agreed on the following:

  • That we should recommend to the President that the creation of the Virology Science and Technology Institute of the Philippines by law should be a priority legislation. It should be certified as priority.
  • Secondly, that the facilitation of vaccine production be done, okay. And that will be led naman by DTI. So but that will actually be following a certain roadmap, dahil ang vaccine production po ay puwedeng magkaroon ng short term, medium term at long term plan doon sa ating roadmap. Iyong short term iyong pages-set up ng fill in and finished facility na i-import pa din iyong raw material at ilalagay na lang sa mga vials dito sa Pilipinas ano. At iyong siyempre iyong long term ay iyong pagko-commercialize noong mga made-develop na vaccines ng ating Virology Science and Technology Institute.

Ang isa pang aspeto na binigyan ng halaga bukod doon sa pages-set-up ng Virology Science and Technology Institute at pag ika nga, pag-expand ng ating pharmaceutical centers sa DOST ay iyon ding aspeto po ng policy on procurement. Kasi po kailangan pong magkaroon ng maayos na policy for government procurement para masiguro naman natin, kung mayroong mga local vaccines na gagawin dito, assuming naman ang kanilang presyo at kalidad at standards ay comparable doon sa mga imported sana naman ay mabigyan ng priority.

At kung iyan ay hindi allowed ng Procurement Law natin ay baka kinakailangang magkaroon ng batas para naman mabuhay iyong mga vaccine companies na mag-u-operate dito. Kasi puwedeng mangyari na ang bakunang ginawa dito ay kapresyo at ‘ika nga eh ka-kalidad naman noong mga imported pero kapag nagdaan ka sa bidding process, it’s still possible na hindi pa rin makuha iyong local vaccine that will be manufactured. Kaya sabi namin, kailangang aralin din iyong policy regarding government procurement.

But ulitin ko lang, iyong sa mass manufacturing ay hiwalay iyon doon sa Virology Science and Technology Institute na ang main job noon ay aralin ang mga virus whether it attacks human beings, animals or plants or crops and more importantly to develop the diagnostic kits, the drugs that will be used for therapy and the vaccines that will be developed para diyan. Pero iyon pong pagma-mass manufacture ay ibang aspeto. It can be a government corporation; it can be a joint venture between government and the private sector or it can be a private sector concerned.

So nagbigay din po kami at ito ay ipapakita namin sa Pangulo iyong mga models po na nakita namin dito sa Asia. At siguro sa dinami-dami noong models na inaral namin regarding vaccine development and vaccine mass production, ang pinaka-closest po siguro na modelo na puwede nating aralin ay iyong modelo ng India at ng Thailand.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Secretary, kailan ninyo po ito maipi-present kay Pangulong Duterte?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Well, frankly gusto kong makarating iyong aming minutes n gaming meeting sa kanya pero ang aming [garbled]…

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, naputul-putol po kayo. Pakiulit lang po iyong sagot ninyo, Secretary, kung kailan ninyo po maipi-present kay Pangulong Duterte ito. Nag-choppy po kayo, Secretary.

DOST SEC. DE LA PEÑA: Oo. Iyong sabi ko nga ay iyong minutes ng aming meeting, iyong lima kong secretaries na we are all in agreement with our recommendations ay baka maipaabot namin sa Pangulo within today. Pero ang talagang formalities na hinihingi namin ay maisama sa agenda ng susunod na Cabinet meeting.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon. Baka mayroon po kayong huling paalala at mensahe sa ating mga kababayan, Secretary?

DOST SEC. DE LA PEÑA: Oo. Well, as has been a reminder to all of us, napakadami pong kasing pinu-forward na mga text at messages sa atin ay matuto lang tayong, ‘ika nga eh mag-judge o mag-verify kung ito ba ay mga totoo o fake kasi po napakadami at talagang ang mga tao ay nalilito. Kaya kung may mga problema tayo at nakakalito pa iyong mga mensahe, napakahirap po.

Pero ang masasabi ko lang, ginagawa naman ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ang kanilang kayang gawin ano. At sa nakita ko po dito po sa vaccination ay napaka-encouraging kasi hindi ko nakikita ang problema, base sa mga nakakausap ko iyong ayaw magpabakuna. Iyong iba nininerbiyos, kahit ako ninerbiyos ako noong babakunahan na ako, medyo tumaas iyong blood pressure ko pero after naman ng ineksiyon ay nagbalik na sa normal. Pero nakikita ko ang mga tao interesadong mabakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, DOST Secretary Fortunato de la Peña. Mabuhay po kayo, Secretary.

DOST SEC. DE LA PEÑA: Salamat, Usec. Rocky. Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Opo, sige po. Salamat po.

Kasabay ng pagbubukas ng bagong pamilihang-bayan ng Salug, Zamboanga del Norte ay muli pong namahagi ng tulong ang outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan sa iba’t ibang bayan ng probinsiya. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

Silipin naman po natin ang mga kaganapan diyan sa Davao. Nag-uulat mula sa PTV-Davao, si Jay Lagang. Magandang umaga sa iyo, Jay.

[NEWS REPORT]

Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang ng PTV-Davao.

Maraming salamat din po sa ating mga partner-agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KPB. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)