Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Paghahanda ng private sector sa gaganaping national vaccination days, bilang ng mga tumatawag sa One Hospital Command Center at ilang bagong programa at mga aktibidad ng DOST ang ating aalamin ngayong araw ng Biyernes kaya manatiling nakatutok sa loob ng isang oras, mga kababayan.

Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Kaniya-kaniyang mga programa at plataporma ang ibinida ng mga kumakandidatong pangulo sa ginanap na forum ng business community kamakailan. Kabilang sa nagpahayag ng programa si presidential aspirant Senator Bong Go kung saan nangakong ipagpapatuloy niya ang nasimulan ng administrasyong Duterte. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base sa report ng DOH as of November 18, 2021:

  • May 1,297 new cases ang naitala kaya umabot na sa 2,821,753 ang kabuuang bilang ng mga may COVID-19 sa bansa.
  • Muli naman pong sumampa sa mahigit tatlondaan ang naitalang nasawi na nasa 305 kaya umabot na sa 46,422 ang total COVID-19 deaths.
  • Umakyat naman sa 2,752,173 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit matapos pong madagdagan ng 1,956 new recoveries kahapon.
  • Nasa 23,158 na lamang po ngayon ang kasalukuyang active cases.

Samantala, alamin natin ang update sa operasyon ng One Hospital Command Center nitong nakalipas na linggo. Muli nating makakasama sa programa ng kanilang Medical Officer na si Dr. Marylaine Padlan. Good morning, Doc. Welcome back po.

DR. MARYLAINE PADLAN: Hi! Hello po. Magandang tanghali, Usec., and sa lahat po ng nanunood.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, kumusta po iyong number of calls na natatanggap natin this week; na-maintain po ba iyong 150 sa 200 daily na tawag?

DR. MARYLAINE PADLAN: Yes po ‘no, Usec. For this week, average pa rin po ng around 150 to 200 iyong nga nari-receive nating mga tawag and request po dito sa One Hospital Command Center po.

USEC. IGNACIO: Opo. Karamihan po ba ng tawag na ito ay COVID related pa rin, Dok?

DR. MARYLAINE PADLAN: Yes, karamihan pa rin po ‘no puro mga COVID related requests pa rin po whether hospital admission or isolation facility requiring po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil sa patuloy na pagbaba ng cases sa bansa, tingin ninyo po ba posible pa itong bumaba sa 100 o dalawang digit na lamang napansin ninyo itong mga nakalipas na araw? So ano po iyong madalas na nagpi-peak ang bilang ng mga tumatawag?

DR. MARYLAINE PADLAN: Posible po ‘no na bumaba pa, hopefully ‘no, iyong ating mga bilang. Kasi karamihan pa rin po ng ating mga request ay COVID related, kung ma-control pa rin po natin iyong ating mga pag-spread ng COVID virus sa bayan natin, sa bansa natin, posibleng bumaba rin iyong mga requests na natatanggap din namin.

Then, pagdating naman po sa peak ‘no ng—kung may nakikita kaming trend, wala po kaming nakikitang pattern o trend na kung may araw na mas mataas iyong request ‘no. Wala pong pattern dahil alam naman po natin na walang pinipiling araw si COVID, wala siyang pinipiling oras; at kahit anong sakit naman po ‘no, walang pinipiling oras kapag umatake siya sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Dati, Dok, nabanggit ninyo na may kahirapan nga pagdating sa pa-transport ng mga pasyente sa mga ospital. Sa ngayon, masasabi po ba nating mabilis na o mas madali na ring natutugunan hindi lamang po dito sa Metro Manila kung hindi pati rin po sa mga probinsiya?

DR. MARYLAINE PADLAN: Ngayon po ‘no mas madali kaming makapag-coordinate ngayon ng mga transportation, ng mga ambulances po sa ating mga LGU dahil nagkaroon na rin po ng less demand ‘no dahil nga bumaba na rin iyong mga kaso natin.

Less demand, less travel na rin po iyong mga ambulansiya natin so nagiging mas available po sila ‘no sa ating mga patient right now that are needing transport.

But there are still instances iyong nagkakaroon pa rin ng pahirapan especially when our patient has specialized needs, for example, kailangan nila ng high-flow O2 – kailangan makahanap kami noon. Ginagawan namin ng paraan para makapag-provide kami ng transportation, medical transportation or ambulance that are well-equipped po; so iyon po iyong parang challenges namin. Pero in terms of that, mas madali po ‘no, iyong coordination namin dahil nga sa less demand po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, may balita tayo na ilan pong mga quarantine isolation facilities ang isinara na dahil wala pong pasyente. May instances po ba na itinatawag sa inyo na ang kailangan dalhin sa ospital o isolation facilities ay bata? Kasi naiulat nga po iyong pagpositibo sa COVID-19 ng isang minor matapos pong na i-allow silang makalabas under Alert Level 2 kamakailan.

DR. MARYLAINE PADLAN: Kahit po noong surge, Usec. ;no, ay nakaka-receive na rin naman po kami ng request na mga COVID positive po na mga bata ‘no kahit hindi pa sila nakakalabas noon. So usually, iyong age range ‘no, kalat sila ‘no – mayroong mga bata, may mga teenagers; kung isolation facility, mayroon din naman po ‘no. Mayroon naman po, so depende nga po sa kondisyon ng bata na mayroong mga COVID positive kaming mga pediatric patient na kailangan ng hospital or mayroon din kaming mga pediatric patient din po na isolation facility lang din naman po iyong mga kailangan nila.

USEC. IGNACIO: Pero halimbawa lang, Doc, na bata iyong kailangang dalhin sa isolation facilities, paano daw po iyong nagiging proseso o tugon ng One Hospital Command sa pangangailangan nila; may kaibahan po ba sa process kumpara sa pag-refer sa mga matatanda o may edad na?

DR. MARYLAINE PADLAN: Ang pagkakaiba po dito in terms of sa adult po is kapag sa pedia, they are minors po ‘no, so, kailangan po mayroon silang mga guardian, may-mag-aalaga po sa kanila.

So, when they are requesting for isolation facility or when they are asked to be isolated po, we ask a guardian to accompany them kahit po negative po si guardian kasi kailangan po mayroong magbabantay po sa kanila.

So, basta minor po, basta pediatric patient kailangan pong may kasama si patient ano, or si pedia patient po natin doon sa isolation facility.

Wala naman pong pagbabago in terms of isolation process, iyon lang po ang ipinagkaiba – kailangan may kasama po since we are dealing po with pediatric patients po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, may datos ba kayo na anong age group ang madalas na humihingi ng referral sa One Hospital Command dahil nagpositibo sa COVID-19, Doc?

DR. MARYLAINE PADLAN: Simula po noong nagkaroon tayo ng Alert Level System po ano, ang atin pong usually na nagiging positive po noon ay around iyong mga working age po natin, around 20-29 and 30-39 years old.

Sila po iyong karamihan po na nagiging COVID positive ang nagri-request po ng tulong sa atin po. So, iyon po iyong usually na nagri-request po ng mga isolation facilities or hospital assessment po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kung ang One Hospital Command Center naman ang tatanungin, tingin ninyo kaya na ng Metro Manila na maibaba na sa Alert Level 1 kapag nagkataon po?

DR. MARYLAINE PADLAN: Depende po iyan, USec., ‘no dahil again, kailangan nating bantayan ang ating mga trends in terms of COVID cases. Kung patuloy tayo sa pagbabakuna, kung makumpleto natin mabakuna lahat, kasi iyong bakuna nagbibigay siya ng proteksiyon hindi lang sa atin pati sa kasamahan natin and then kapag lahat po nag-follow ng safety protocols, patuloy pa rin tayong nagpa-follow ng safety protocols despite the low Alert Level System.

Puwede pong ma-control natin ‘no iyong pagkalat ng COVID virus; ayaw na natin kasing lumaganap ulit iyong COVID ‘no within our own city, own homes, and own province, and kahit sa buong bansa because the Alert Level System naman po is very dependent on the COVID cases.

So, kapag mataas po iyong case in one city, kapag maraming spread ng variant of concern with this Delta and then kapag tumaas iyong hospital care utilization rate, so, may possibility na tumaas rin po iyong ating Alert Level System po. So, tingnan po natin, depende po iyan sa magiging trend ng ating mga COVID cases

USEC. IGNACIO: Opo. Pero dito sa Metro Manila, Doc, puwede na ba nating sabihin na ang One Hospital Command Center ay medyo nakakahinga na o nakakaluwag-luwag na ngayon?

DR. MARYLAINE PADLAN: Puwede naman po ‘no, in terms of COVID cases, puwede naman po pero mayroon pa rin kaming nari-receive sa mga non-COVID cases din po ‘no. So, patuloy pa rin po kaming nakikipag-coordinate po ‘no para sa ating mga pasyente whether inquiries po iyan, isolation facilities or whether hospital admissions both COVID and non-COVID po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kuhanin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa publiko ngayong marami-rami na po ang lumalabas sa ating mga lansangan.

DR. MARYLAINE PADLAN: Opo. Sige po ‘no. The same lang din po ano, hindi pa rin nagbabago ang mensahe ng ating Department of Health, ng ating mga doktor ‘no: Kung kaya po nating limitahan iyong paglabas po natin ‘no, gawin po natin iyon. Hindi ibig sabihin po na mababa na mababa na po iyong Alert Level System natin eh puwede na po tayong gumala ulit. Nandiyan pa rin po si COVID ‘no, hindi lang talaga natin nakikita, hindi lang talaga natin nararamdaman.

And responsibility po natin iyon to protect our self and to protect our family. And how do we do that? Still, minimize unnecessary outings and then hand washing, wear your face mask, okay? And then social distancing ‘no, ito minsan ang nakakalimutan natin dahil na-excite tayong lumabas ngayon – nawawala iyong social distancing. So, we have to be responsible for our own health as well.

And anytime po na magkaroon kayo ng question ng mga sakit, nagkaroon pa rin kayo ng COVID-19, may mga pamilya pa rin kayo na nagkaroon ng symptoms, please do not hesitate to call our hotlines po and we are glad to help our Filipino people po.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center.

DR. MARYLAINE PADLAN: Thank you po, USec. Magandang tanghali po at magandang tanghali sa lahat!

USEC. IGNACIO: At sa iba pang balita, libu-libong mga Boholano ang nabigyan ng tulong sa loob ng apat na araw na pag-iikot ng tanggapan ni Senator Go sa iba’t ibang mga bayan sa probinsiya. May kaniya-kaniya ring tulong sa mga piling benepisyaryo ang mga ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Hindi po napagbigyan ang hirit ng mga negosyante na maibaba agad sa Alert Level 1 ang Metro Manila ngayong November, pero umaasa pa rin na mapapakinggan sila ng gobyerno pagdating ng December para po makabawi-bawi na sa pagkalugi dulot ng matagal na lockdowns.

Kaugnay niyan, makakausap po natin si Secretary Joey Concepcion, ang ating Presidential Adviser for Entrepreneurship. Good morning, sir Joey!

Sir Joey, can you hear me? Okay, babalikan na lang po natin si Secretary Joey Concepcion, ang ating Presidential Adviser for Entrepreneurship.

Hindi po tumitigil na mapaunlad pa ang kakayahan ng bansa pagdating sa pananaliksik at pagtuklas sa mga makabagong teknolohiya kahit may pandemya, patuloy ang paglunsad ng mga programa ng DOST kabilang na ang 6th National Research and Development Conference at Online Portal para sa mga Pilipinong scientist na nagbabalik-bansa.

Iyan naman po ang pag-uusapan kasama si Undersecretary Rowena Guevara ng DOST. Good morning po, USec.!

DOST USEC. GUEVARA: Magandang umaga, USec. Rocky at magandang umaga sa ating mga tagapanood at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: USec., kumusta po iyong isinasagawang National Research Conference ngayong linggo at sinu-sino po ba ang mga dumalo at ano po ang ilang mahahalagang punto na napag-usapan?

DOST USEC. GUEVARA: USec., nagkaroon tayo ng 1,500 guests dito sa ating 6th National R&D Conference na ginanap namin online noong November 10 at saka November 17.

Ipinakita na ang R&D ay isang napakahalagang bahagi ng ating pamumuhay para isulong ang pagiging produktibo at patuloy na paglago ng isang bansa. At para isulong ang ating whole-of-government approach ay lahat ng national government funding agencies ay kasama natin katulad ng Department of Trade and Industry, DICT, DOH, DND, Department of Agriculture, DOE, Department of Environment and Natural Resources, DPWH at Commission on Higher Education.

At natutuwa kami na sinamahan kami ni DTI Secretary Mon Lopez, DND Secretary Delfin Lorenzana, DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, DOH Assistant Secretary Kenneth Ronquillo at siyempre kasama namin si DOST Secretary Boy de la Peña at mga iba’t iba pang mga opisyales natin.

USEC. IGNACIO: Opo. “Pananaliksik at Pagpapaunlad: Daan Tungo sa Pagbangon” ito po ‘yung napiling tema ngayong taon; bakit ito po ang tema ngayon?

DOST USEC. GUEVARA: Usec., pinakita ng DOST at ng ating mga kasamahang ahensiya ang pinakabagong programa at teknolohiya na tutulong sa bansa. Layunin kasi ng ating event na pagtuunan ang kalusugan, kabuhayan, kaayusan at kapayapaan ng mga mamamayang Pilipino.

Kunyari pinakita ng ating mga kasamahan sa ASTI [Advanced Science and Technology Institute] iyong tinatawag na Lightning and Thunder Predictor para sa mga thunderstorms kasi ‘di kapag umuulan bigla, hindi mo malaman kung anong oras uulan at saan. Tapos pinakita din for example iyong mga tinatawag nating microplastics sa ating mga lakes at saka mga oceans para maturuan ang ating mga kababayan malaman nila kung anong epekto ng ginagawa nilang pagtatapon ng basura sa ating mga karagatan.

At pinakita rin iyong ating tinatawag na ‘Agham at Teknolohiya Para sa Pangangasiwa ng Saribuhay at Kaunlaran ng Susunod na Salinlahi’. Siyempre nagpakita din iyong ating mga engineers mula sa MAPUA University ng prototype nila ng solar-assisted plug-in electric motor powered boat kasi gusto na rin nating gamitin ang ating mga rivers para sa ating transportation.

Ilan lang ‘yan sa mga ipinakita doon sa ating 16 researchers na nag-present dito sa National R&D Conference.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nitong mga nakaraang taon matindi nga po ‘yung naging epekto ng pandemya sa buhay ng ating mga kababayan. So, paano po nakatulong sa mga kababayan natin mula po sa iba’t ibang mga sektor itong mga programa ng DOST?

DOST USEC. GUEVARA: Alam mo mula sa R&D nagkaroon tayo ng genome sequencing ng SARS-CoV-2 kaya nasusundan natin ano na bang mga variants ng COVID ang nakapasok sa bansa.

Iyon namang SIBOL, napakita nila iyong mga tele-monitoring technologies nila para magkaroon ng social distancing itong ating mga doktor at mga pasyente ng COVID; tapos pinakita rin natin kunyari iyong mga seaweed drippings na puwedeng gamitin pala na mga fertilizer ito imbis na itatapon mo lang.

At sa darating na November 23, ilulunsad ng DOST ang Science For the People Book Series or SFPB book launch kasi gusto nating i-laymanize kung ano ba ang science. So ang mga librong papakita namin iyong Science for Change – pinakita iyong mga naging hakbang ng DOST na ma-promote ang inclusive innovation sa ating bansa lalo na sa mga rehiyon. Pinakita na magagandang kolaborasyon sa pagitan ng DOST, mga unibersidad, research institute at ang ating mga miyembro ng industriya para umunlad gamit ang R&D.

Mayroon din tayong Science for Innovation – ipapakita iyong mga naging success story ng mga fresh graduates lalo na doon sa tinatawag nating technology business incubators sa iba’t ibang unibersidad sa Philippines.

Tapos mayroon tayong Science for Cooperation – pinapakita kung paano nakakatulong iyong ating international collaboration at cooperation sa mga bilateral at multilateral partners.

At iyong pang-apat na libro, iyong Science for Human Capital para inspirasyon sa mga kabataan – ipinapakita dito ang success stories ng ating DOST science education scholars.

At iyong panlimang libro, iyong Science for Community – ipinapakita dito ang success stories mula sa mga tinulungan ng DOST na community empowered through science and technology program; so dito natin ipapakita lahat ng sektor ay napapasukan ng agham at teknolohiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., naglunsad din kayo kamakailan ng online portal para po sa mga balik-scientists. Ano po ang layunin ng programang ito at ang pag-register ba sa naturang portal ay nangangahulugan na may mga insentibo sa mga nais magbalik-bansa na scientist natin?

DOST USEC. GUEVARA: Ah, Usec. Rocky, alam mo parte ‘yan ng tinatawag na digitalization of government services ng DOST. Alam mo naman ngayong pandemya mahirap nang magpadala ng mga papeles kaya minarapat na namin na gumawa na ng portal kung saan iyong buong application procedure ng mga balik-scientist ay nandudoon na – nakalagay na lahat ng kailangan nilang isulat, tapos nandudoon na rin iyong pagtanggap noong mga documents na kailangan nilang i-submit para mag-apply bilang balik-scientist.

Kapag mag-a-apply ka sa aming portal, wala ka namang matatanggap na benepisyo pero ‘pag naging balik-scientist kay ay mayroon tayong mga benepisyo para sa iyo. Katulad kunyari iyong mga medium term balik-scientists natin na 6 months hanggang 1 year, sila ay binibigyan natin ng daily subsistence allowance ng 200 dollars. Tapos binibigyan din natin sila ng pamasahe back and forth mula sa ibang bansa papunta dito sa Philippines.

At dahil dito sa pandemya, lalong naging relevant itong mga breakthrough sa STII [Science and Technology Information Institute] kaya itong mga balik-scientists natin, ang laki ng naitutulong nila. Sa totoo, itong Virology and Vaccine Institute ng Philippines kung saan nagsasagawa tayo ng mga research ng plant, animal at saka human virus, mayroon tayong pitong balik-scientist na tumutulong sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa ngayon, kumusta po ‘yung observation ninyo? Mas maraming Filipino scientist po ba ang bumabalik para ipagpatuloy iyong kanilang misyon dito sa ating bansa?

DOST USEC. GUEVARA: Oo, Usec. Rocky. Natutuwa kami kasi noong pinirmahan ni President Duterte iyong bagong Balik-Scientist Law, biglang dumami iyong ating balik-scientist kasi 45 years na itong balik-scientist, ang total natin ay 570 balik-scientist na.

Pero iyong unang taon pagkatapos pirmahan ni Presidente iyong batas ay nagkaroon tayo nang higit 50 balik-scientists in just one year. Tapos ngayon dahil may pandemya, iyong ating short term balik-scientist, ito ‘yung magmula 15 days hanggang 6 months ay ginawa na nating online iyong kanilang pagiging balik-scientist para hindi na nila kailangang mag-travel papuntang Pilipinas. At dumarami ang ating mga nagiging applicants dito at ang dami nilang natutulungan dito sa Philippines.

USEC. IGNACIO: Opo. Dumako naman tayo, Usec., sa usapin ng bakuna. Naiulat nga po iyong isang individual na sunud-sunod na nakatanggap ng dalawang dose ng magkaibang bakuna sa loob ng isang araw. So, ano po ‘yung posibleng risk sa mga ganitong sitwasyon base sa inyong pag-aaral?

DOST USEC. GUEVARA: Maalala po na makailang ulit na ipinaliwanag ng Department of Health dati pa na dapat sundin ang tamang rehimen at dosing interval para sa isang brand ng bakuna at ang pagbibigay ng second dose na iba ang platform o brand ay maaari lamang gawin sa limitadong pagkakataon. Halimbawa nagka-allergy ka sa first dose at ito ay maaari lamang gawin matapos ang assessment ng isang doktor.

Hinihikayat po namin ang publiko na sumunod po tayo sa payo ng Department of Health para maiwasan ang pagkakaroon ng mga ‘di inaasahang adverse events.

USEC. IGNACIO: Opo. May update na po ba kayo kaugnay naman sa approval ng FDA para sa gagawing vaccine mix-and-match na clinical trials ng DOST, Usec.?

DOST USEC. GUEVARA: Usec., natapos na finally iyong ating regulatory review ng mix-and-match at ang aplikasyon para sa clinical trial nila ay naaprubahan na ng FDA noong November 16.

Ang trial ay nagsimula na ring mag-screen ng participants noong sumunod na araw sa kanilang trial site sa Marikina City.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., naglabas na nga po iyong DOH ng kombinasyon ano po ng mga bakunang maaring gamitin for booster sa mga health care workers. Kung sakali po, makakaapekto po ba ito sa isasagawa ninyong clinical trials for vaccine mix-and-match o kinu-consider ninyo rin po itong mga combinations sa clinical trials?

DOST USEC. GUEVARA: Itong ating pagbabakuna na gagamit ng booster para sa mga health care workers ay hindi naman makakaapekto sa ating mix-and-match study. Sa katunayan makakatulong pa ang pag-aaral na ito upang mas makalikom pa tayo ng data sa pag-mix-and-match ng vaccines sa Pilipinas lalo pa na hindi pa karamihan din ang mga pag-aaral sa ibang bansa na ginawa para sa Sinovac in combination sa ibang mga bakuna.

Sa mga pag-aaral sa combinations ng COVID-19 vaccines ay patuloy na ginagawa sa iba’t ibang bansa dahil may mga katanungan pang dapat masagot sa pamamagitan ng pagri-research. Katulad halimbawa na kapag nag-boost ka, gaano naman katagal ang epekto sa immune response or magkakaroon ba ng breakthrough infections. Ang mga datos galing sa mga pag-aaral na ganito kabilang na ang mga pag-aaral natin dito sa Pilipinas ay siya ding nagiging basehan ng DOH sa pag-update ng kanilang recommendations, halimbawa sa interval ng booster, kung may madadagdag bang bakuna na maaari ding ipang-booster at marami pang iba.

USEC. IGNACIO: Opo. USec, bigyan daan ko lang iyong tanong ni Tuesday Niu ng DZBB. Ito po ang tanong niya sa inyo: Puwede po ba daw pakipaliwanag kung papaano daw po ang proseso ng mix and match at sinu-sino ang dapat na mabigyan nito?

DOST USEC. GUEVARRA: Ang mix and match ay study na kabibilangan ng tatlong libong indibidwal. Dito sa mix and match mayroon tayong tatlong studies:

  • Iyong unang study ay iyong control group natin. Ito iyong ang injection nila ay Sinovac first dose at Sinovac second dose.
  • Tapos mayroon tayong tinatawag na mix and match na iyong bakuna nila ay Sinovac tapos iyong pangalawang bakuna nila ay puwedeng Pfizer, puwedeng Moderna, puwedeng Sputnik V number one at saka iyong Sputnik V na pangalawa at saka puwede din na iyong Janssen.
  • Tapos iyong pangatlong grupo natin, ito naman iyong may booster. Ang una nilang bakuna. Sinovac, ang pangalawang bakuna, Sinovac at iyong pangatlo nila ay iyong iba’t ibang bakuna na mayroon tayo dito sa Philippines.

Kada isa dito sa binanggit ko ay mayroong 250 participants at ang total natin ay 3,000 participants.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DOST Undersecretary Rowena Guevarra. Mabuhay po kayo, more power sa mga proyekto po at programa ng inyong ahensiya. Salamat po!

DOST USEC. GUEVARRA: Maraming salamat, USec.

USEC. IGNACIO: Samantala, muli na po nating balikan si Secretary Joey Concepcion ang atin pong Presidential Adviser for Entrepreneurship, good morning po, sir Joey. Okay, balikan po natin si Joey Concepcion.

Nitong nakaraang linggo umikot naman po nag team ni Senator Go at ilang tanggapan ng pamahalaan sa Southern Leyte upang mamahagi ng tulong sa mga mahihirap na residente. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Makakasama na po natin si Secretary Joey Concepcion, ang ating Presidential Adviser for Entrepreneurship. Good morning, sir Joey.

SEC. CONCEPCION: Good morning, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sir, extended ang Alert Level 2 sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan. Pinalawig na rin iyong alert level system sa mga lalawigan sa bansa. Ano daw po ang reaksiyon ninyo dito?

SEC. CONCEPCION: Well, sana pagdating ng December, ilagay na natin sa Alert Level 1, kasi nakikita na ang mga kaso ay bumababa sa dito lang sa NCR at palagay ko magka-qualify dahil sa bagong criteria na 70% of the seniors have to be fully vaccinated. So, while NCR is at 90%, I think baka iyong mga seniors should be about close to 70% already fully vaccinated; so hopefully by December.

So, we are right now at the 80% capacity if NCR has 20% kasi may dagdag na 20% capacity for business establishment at iyong Safety Seal plus 10, so we are 80. So the additional is about 20%. So, if they will allow it, it will be great.

But if don’t allow it, then it’s still okay, 80 to 100% is okay. But of course, we are trying to push for the economy top already open. We have been made that sacrifice noong August 8, we really push for a lockdown, iyong grupo na iyan at sumali iyong Metro Manila Mayors at nakita natin iyong mga suggest ni OCTA, talagang it came to reality, tumaas ang kaso bumagsak dito sa Oktubre, that is why we are seeing an… a very happy Christmas ‘no, with lower cases. Because if we did not lockdown in August, then we would not make it for Christmas, this quarter would have been destroyed ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, Joey isinusulong nga po ninyo na maibaba na sa Alert Level 1 ang Metro Manila BY December ano po. So, gaano po kayo ka-confident na possible nga itong mailagay sa Alert Level 1 ang NCR? Kasi sa dami daw po ng mga taong lumalabas sa ngayon pa lamang. Hindi ba daw kayo nababahala, itong ating private sector na baka daw maudlot o magdulot ito ng panibagong surge, gaya daw po ng nangyari sa Europe?

SEC. CONCEPCION: Kaya nga importunate dito sa mga lugar na highly vaccinated sa NCR, hindi puwede diyan sa mga ibang lugar na mababa iyong vaccination level, delikado iyan. Kasi vaccination prevents hospitalization, klarung-klaro na iyan sa mga bakuna na binili natin na ang importante anong mga lugar puwedeng isalalay sa Alert Level 1.

Ang tingin ko, NCR lang ang puwede dito, ang ibang lugar na wala pa sa 70% fully vaccinated, delikado iyan. Now, kung tumaas ang mga kaso, pero ang tinamaan iyong mga bakunado walang problema iyan, kasi iyong risk of hospitalization is very low, pero kung ang unvaccinated ang tinamaan, iyong ang delikado.

Kaya dapat dito lang sa NCR at sa mga lugar na 70% fully vaccinated and hopefully their seniors will also have that high 70%. So, we are pushing for the areas na very poor ang vaccination rate at karamihan pa rin, marami diyan sa Luzon, sa Visayas at Mindanao, dahil sa mataas na vaccine hesitancy, hindi pa diyan, malayo pa sila sa 70%.

USEC. IGNACIO: Sir, Joey may tanong po iyong kasamahan natin sa media ano po. Patrick De Jesus ng PTV: Pabor po ba kayo na limitahan ang mga bata sa mall specifically sa mga below 11 years old na wala pa pong bakuna.

SEC. CONCEPCION: Yes! So the 12 and 17, okay na sila. Now, I don’t know if they will all have two doses eh, kasi nandiyan na ang Christmas eh. In about one month—less than a month, will be in Christmas, so it takes you a month lag when you have the give first and second dose.

Pero dito sa mga batang 11 and below. Well, I leave it up to the Metro Manila Mayors, dito naman kasi puwede. So it’s up to them to decide on that matter, kasi… yes, hindi bakunado, may chance, malaki ang chance, pero siguro namang kung naka-face mask, face shields sila at social distancing at alagaan ng mga parents nila, baka puwedeng tingnan natin. Pero of course, ang mga kaso natin bumababa, 1500 dito sa buong Pilipinas. So the risk is much lower definitely ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, Joey isinusulong nga rin po ng private sector na iklian ang quarantine period sa mga travellers na magmumula sa mga bansang kabilang sa yellow list. Ang tanong po ni Ivan Mayrina ng GMA News: Is this just to the holidays or are you’re pushing for this as permanent policy and how will this boost business this Christmas on one hand. And on the other hand how can we ensure that we still protect our borders from the possibility of another surge triggered by international travel?

SEC. CONCEPCION: Well, when the quarantine was 10 days, we pushed it down to 5 and 7 days. 5 days for the fully vaccinated and 7 days for the unvaccinated and the rest to be quarantine at home no. Pero, ngayon nakikita natin kailangan ibaba ulit ito kasi tataas itong mga dapat dumating dito.

Before the pandemic PAL was… there were about 40,000 flights a day ‘no, 40,000 people were arriving on a daily basis; ngayon nasa—it’s now from 2,000 to 4,000. So, ang mga delikado dito iyong mga airlines natin – Philippine Airlines, Cebu Pacific – they have to be flying para kumita.

Nasa chapter 11 na si PAL, naka-file for bankruptcy and they have commitments to hit. Ang is pang tinamaan dito iyong tourism sector natin, si Secretary Berna na namomoroblema kasi maraming may-ari ng mga hotels na talagang very low occupancy at we’ve been pushing this for the last couple of months.

So, I believe that—are asked that with IATF na ibaba iyong quarantine for 2 nights just to be able you’ve take your PCR-test. So, hopefully in two nights we just about 3 days hopefully they accept that and I was told that they will consider adding the yellow country. Now, is there a risk ‘no? We’ve seen sa isang data ng PAL for the last 5 months no, it’s below 1%. It’s only .68% that they see. Kasi, when they arrive tine-test lahat sila.

So, iyong incidence ng infection, ang babang baba, it’s so low risk no. At remember iyong Delta hindi naman bagong variant, nasa Amerika, nasa ibang bansa. So, pareho tayong may Delta. Now, we have ours under control, sila rin is also moving down no and we can make sure that only the foreigners who are fully vaccinated are allowed entry katulad sa America ngayon bawal ang mga Pinoy diyan kung hindi dahil bakunado hindi tayo puwedeng pumasok sa America at sa ibang bansa rin.

So, puwede nating gawin iyan, for foreigners. Pero, sa mga residente dito is that—well we will have to allow the unvaccinated pero iyong quarantine time nila dito ngayon sa patakaran ngayon is much longer that the vaccinated. So, we’re trying to open up our borders because Thailand is doing that, lahat ng kalaban natin sa turismo ay nagbubukas na at iyong mga airlines natin kailangan may tulong or else kung bumagsak ang Philippine Airlines, wala na tayong airlines papunta sa mga 7,100 islands no.

So, importante ang tourism, this is the hardest hit sector ‘no and dapat tulungan natin ang mga entrepreneurs dito hindi lang ang mga may-ari ng mga hotel, mga airlines. So, all the way down sa mga travel, mga tour agencies ang daming mga tao, mga negosyante na nakasalalay ang buhay nila dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nagsimula na rin po iyong roll out ng booster sa mga health care workers at sa katapusan po ay nakakasa na rin po iyong sa mga senior citizens. Sa ngayon po ba ay may move na rin iyong private sector na i-propose sa national task force na mamahagi ng booster dose sa mga economic frontliners or nakapag-usap na po ba kayo daw ni Secretary Galvez tungkol dito?

SEC. CONCEPCION: Oo, nag-usap na kami at sinabi ko kay Secretary Galvez, nandito na ang mga bakuna namin AstraZeneca, nasa Zuellig at iyong mga Moderna natin nandito na rin at maraming darating. So, sapat na ang mga bakuna namin for the booster shots pero hindi naman lahat ang kailangan ngayon iyong mga Sinovac na mga empleyado na kumuha ng Sinovac noong March na kailangan ngayon may booster shots.

Whether it’s AstraZeneca or whether it’s Moderna and then itong mga AstraZeneca na we started on July and the last second doses in October bandang mga March pa iyan next year. So, we have the doses pero ang importante dito bilisan natin ang sinabi ko kay Sec. Duque, sana buksan na lang natin para sa lahat and then iyong public isang lugar pero iyong fast lane para sa A1, A2, A3 may fast lane sila pagdating na diretso sila.

Pero, huwag natin pahintayin iyong iba na gustong magpabakuna, buksan na rin natin iyan. So, there can be fast lanes and there can be for the public lane ‘no. So, i think importante dito USec. Rocky, is the challenge, we have to vaccinate as fast as possible.

Dapat mauna tayo sa Delta para mas protektado ang buong bansa natin. Every citizens has to be vaccinated at iyong ginawa ng IATF ngayon naglabas sila ng ruling that all employees who are not vaccinated will have to undergo a testing at their own expense. So, malaking bagay iyan, malaking gastos din para sa isang empleyado na hindi bakunado.

Pero, at least mapupuwersa sila na kuhanin ang bakuna kasi iyong nakasalalay dito ang health ng mga tao and then number 2 iyong economy natin. We cannot afford in 2022 to have another lockdown. Mahihirapan tayo, lockdown uli tayo sa 2022. Dapat the year 2022 has to be the year of a total big rebound ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol na nga po diyan sa antigen na test, base po sa pakikipag-usap ninyo sa inyong mga union or direkta sa inyong mga manggagawa. Ano po iyong nakuha ninyong reaction tungkol sa polisiyang ito?

SEC. CONCEPCION: Well, sa private sector dito sa NCR, maganda naman ang balita namin kasi halos 92 at 100 ang kumuha ng bakuna sa mga private sector companies na bumili ng bakuna para sa mga empleyado nila, pero may mangilan-ngilan na hindi pa kumuha ng bakuna but generally speaking 90 to 100%.

So, we won’t have much trouble, katulad sa kumpanya namin 100% ang kumuha ng bakuna and maybe there are 2 women who cannot do it because they are pregnant. So, walang problema ang mga iyan. So, what I am trying to say is that [garbled] Luzon, Visayas and Mindanao.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, sa usapin pa rin po ng bakuna. Kumusta daw po iyong paghahanda ng mga private sector para sa gagawing National Vaccination Day?

SEC. CONCEPCION: Well, sabi namin kay Secretary Galvez, kung anong kailangan nilang tulong susuportahan namin iyan. I think this is a very good 3 day event at sana ma-hit nila iyong target, balita ko 5 million a day ‘no, 15 million in total at kailangan natin iyan. Ito lang ang paraan natin para talagang mabuhay at hindi tuloy-tuloy ang pagbukas ng ekonomiya natin kasi alam mo in the year 2022 medyo ang ibang negosyante wala ng mga lines with the back, naubos na ang linya nila.

So, medyo they are up in debt. So, kailangan the whole year of 2022 we have to open the economy para mabawi nila ang mga lugi, they can start earning money, they can be able to pay their loan amortization for their business and even sa mga bahay na binili nila at marami pang gastusin sila, iyong mga supplies etcetera. So, we want to see the year 2022 a year for a huge rebound for ours especially our micro and small entrepreneurs.

USEC. IGNACIO: Sir Joey, maraming salamat po sa inyong oras. Secretary Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship, mabuhay po kayo!

SEC. CONCEPCION: Salamat din USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Mary Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Mary Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

Mula naman sa PTV Cordillera makibalita tayo sa puspusang pamamahagi sa booster shots para sa mga health care workers sa Baguio City. May report ang ating kasama na si Phoebe Kate Valdez.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kahit ibinaba na sa Alert Level 2 ang Davao City, nanatili pa ring ipinagbabawal ang pagsasagawa ng contact sports sa lungsod habang patuloy na binabalangkas ang mga ipinatutupad na guidelines sa idaraos na mga palaro. Para sa detalye may report si Jay Lagang:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok naming ngayong araw, ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Mga kababayan 36 days na lamang po at Pasko na. Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center