Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mga impormasyong dapat ninyong malaman at maintindihan ang ihahatid namin sa inyo ngayong araw ng Huwebes. Makakasama natin maya-maya lamang ang ilang panauhin na handang sumagot sa mga tanong at agam-agam ng taumbayan. Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Sa pagbabalik ng mga contact sports sa ilalim ng Alert Level 2, naglabas ang Metro Manila Council ng guidelines para matiyak pa rin ang kaligtasan sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad. Isa na rito ang requirement na mga fully vaccinated lamang ang papayagang makilahok at makapanood sa mga palaro. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa mataas na naitatalang kaso ng COVID-19 at hospital utilization rate sa Catanduanes, simula kahapon hanggang sa katapusan ng Nobyembre ay sumailalim sa Alert Level 4 ang probinsiya. Kumustahin po natin ang mga kababayan natin doon sa kanilang laban kontra COVID-19, makakasama po natin ang ama ng lalawigan na si Governor Joseph Cua. Good morning po, Governor.

CATANDUANES GOVERNOR CUA: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Governor, bakit kayo po ang tanging probinsiya ang nasa Alert Level 4? Kumusta na po ba iyong sitwasyon ng COVID cases diyan sa Catanduanes?

CATANDUANES GOVERNOR CUA: Well, isang dahilan po dito ay mataas ang hospital bed at ICU utilization natin sa probinsiya ng kaso ng COVID-19 dahil limited lang po ang ating COVID-19 referral hospital ang nasa Catanduanes – isang provincial hospital at dalawang maliliit na private hospital lang sa ngayon. Sa ngayon po, we have 82% utilization ng hospital kaya iyon po ang isang dahilan.

Pangalawang dahilan po ay malaking factor din ang mga Delta cases na sa ngayon ay nasa 27 na confirmed Delta variant ang aming active cases kaya iyon ang dahilan kung kaya’t napunta tayo sa Alert Level 4.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, sinabi ninyo nga po na iyong Delta ang dahilan ng pagtaas po ng kaso diyan sa inyong lugar. Pero masasabi po ba natin na sa kasalukuyan ay kahit papaano ay sapat pa rin po iyong inyong ospital at quarantine facilities na katulad nga po ng sinasabi ninyo, kukonti lamang po iyong referral hospital; at papaano po ang ginagawa ninyong hakbang tungkol dito, Governor?

CATANDUANES GOVERNOR CUA: Well, sa ngayon sapat pa naman ang ating quarantine area kasi karamihan naman ay mga mild cases lang. Iyon lang, kapag nag-severe, iyon lang kami ano dahil limitado ang ating ICU ward ‘no, ICU beds na for severe cases.

USEC. IGNACIO: Governor, ngayong nasa Alert Level 4 kayo, nakikita ninyo po ba na iyong ilang pasyente po ninyo diyan sa Catanduanes ay kailangan pong mailabas ng probinsiya para dalhin sa ibang lugar o hindi naman po?

CATANDUANES GOVERNOR CUA: Hindi naman. Kaya lang may mga special cases tayo na pasyenteng COVID positive. Like sa cancer patient na kailangan magpa-chemotherapy, sa mga nagda-dialysis—special cases natin na tinatawag niyan na dina-dialysis, iyon lang po ang nagkakaroon tayo ng paglabas ng mga pasyente na COVID cases na lumalabas sa Catanduanes.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, kumusta raw po iyong supply ng oxygen at iba pang medical supplies sa mga ospital? Hindi naman po ba kayo nagkakaroon ng problema pagdating sa supply? At mayroon din po ba kayong nais ihingi ng assistance mula po sa ating national government?

CATANDUANES GOVERNOR CUA: Iyon sa supply ng oxygen, sapat naman. Kaya lang may mga situation na walang biyahe ang ferry boat na kung saan talagang halos nagigipit kami pero wala pa namang kasong naubusan kami ng oxygen. Kumbaga iyong buffer stock namin ay nawawala dahil kapag walang biyahe, iyon lang ang problema namin. Kaya lang—pero nakapag-procure naman kami ng additional oxygen para magkaroon tayo ng buffer stock.

At doon naman sa isang problema namin is iyong… normally iyong gamot na like iyong sa mga severe cases, iyong Remdesivir at iyong isang gamot pa ‘no na talagang nag-apply tayo ng certificate of—pending iyong application namin, ng provincial hospital doon sa certificate of compassionate use ng aming hospital sa FDA na hanggang ngayon ay hindi pa naa-approve. Imbes makabili kami ng stock ng Remdesivir ay hindi kami nakakabili ‘no.

Pangalawang problema doon is iyon nga, iyong may procurement hindrance tayo doon dahil nga ang SRP ng Remdesivir is only 2,000 pero sa market po ay mas mataas doon; umaabot ng three, five to six thousand kaya iyon ang nagiging problema namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, sa tingin po ba ninyo ay talagang mas mainam na rin itong pagpapatupad ng alert system sa probinsiya; at kumusta naman po iyong unang araw ng implementasyon ng Alert Level 4?

CATANDUANES GOVERNOR CUA: Galing kami sa MECQ from November 1 to November 15 kaya itong pag-Alert Level 4 naman is mas mainam ito dahil nagkakaroon tayo ng uniformed policies and protocols sa buong bansa. At nagkaroon na rin ng … at least nagkaroon ng luwang doon sa pagpunta sa restaurant, sa mga parlor, bukas na rin kumpara doon sa MECQ ‘no.

Pero talagang kailangan magluwag nang kaunti dahil nga talagang we have to balance the economy and health ‘no, kailangan nating balansehin para magpatuloy ang araw-araw na normal na sitwasyon kahit nasa MECQ tayo or Alert Level 4.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, sa kasalukuyan ay nasa ilang barangay po ba iyong nakailalim ngayon sa granular lockdown at kumusta rin po iyong pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya?

CATANDUANES GOV. CUA: Mga ilang barangay lang ang – hindi ko lang mabilang – pero mga ilang barangay lang ang nagkaroon tayo ng lockdown at nagbibigay naman ang mga munisipyo, ang mga mayor ng mga ayuda like iyong mga food packs at iyong hindi kaya ng munisipyo nanghihingi rin sa amin at nagbibigay rin kami.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kumustahin ko na rin po iyong progress ng bakunahan sa probinsiya. Sa ngayon, ilang porsiyento na po iyong fully vaccinated nating mga kababayan diyan at ano pong strategies ninyo para mas mapabilis pa iyong vaccination rollout? Paano po kayo naghahanda sa gagawing nationwide National Vaccination Day?

CATANDUANES GOV. CUA: Sa ngayon po, we have 65,478 or 24% ng populasyon ng Catanduanes ang naka-first dose na—fully vaccinated pala and then iyong first dose mayroon tayong 10,226 or 36.8% ng populasyon ang naka-first dose ano.

So, ang average po ay we have 4,470 vaccination per day, iyon ang nagagawa namin. Araw-araw nagkakaroon tayo ng 4,470 na vaccination per day. Dahil nagkaroon kami ng strategy, iyong dalawang dental bus namin ginawa naming mobile vaccination ‘no at iyong ayaw magpabakuna, nagbibigay kami ng kaunting food packs para mahikayat namin na magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kasi kayo po ay nasa Alert Level 4 ano po, pero para po sa mga papasok o uuwi ng Catanduanes, mayroon po bang guidelines ang LGU para sa kanila?

CATANDUANES GOV. CUA: Sa ngayon, ang allowed naman dahil Alert Level 4 kami, ang allowed is iyong essential travels lang at APOR ang pinapayagan. And of course, inaano namin sa border control iyong S-pass, ini-implement namin kung saan dapat pagpasok dito naka- negative RT-PCR ano, kaya iyon ang medyo mahigpit kami doon dahil nga sa nangyayaring situation ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, hingin ko na lang po iyong mensahe ninyo para sa ating mga kababayan diyan sa Catanduanes. Go ahead, Governor.

CATANDUANES GOV. CUA: Unang-una, gusto ko pong ipahatid sa aming lalawigan at sa National Government ang karagdagang vaccine allocation para maipagpatuloy namin ang pagbakuna at ma-reach namin iyong herd immunity.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, Governor Joseph Cua ng Catanduanes Province. Ingat po kayo, salamat po sa inyong oras.

CATANDUANES GOV. CUA: Salamat din po.

USEC. IGNACIO: Sinimulan na nga kahapon ang pamamahagi ng booster shots para sa mga medical frontliner sa bansa. Ilang brand ng bakuna po ang maaaring pagpiliang booster matapos aprubahan ng FDA ang kanilang amended Emergency Use Authorization. Ipapaliwanag naman sa atin ni Dr. Nina Gloriani, ang head ng DOST-Vaccine Expert Panel, kung ano nga ba ang hatid na proteksiyon ng booster shots.

Good morning po, Doc!

DR. GLORIANI: Good morning, Usec. Rock at sa lahat po ng mga nanunood at nakikinig.

Okay. Matapos pong pag-aralan namin iyong mga waning immunity nitong mga bakuna ‘no, narinig na po naman natin iyan na halos lahat medyo bumaba some vaccines more than the others. And then with that, actually, marami pong mga naging pag-aaral din na nagbigay sila ng third dose or additional doses.

And pumili po kami doon, iyong mga studies na magaganda ang resulta at siya naming ginawang basehan, iyong second and third phase noong kanilang mga trials, iyon ang naging basehan namin ng rekomendasyon sa FDA na iyon naman po ang ipinapatupad na, iyong nagkaroon ng amendment for a third dose itong mga bakunang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta muna iyong naging unang araw po ng rollout para po dito sa booster shots sa ating mga health care workers kahapon. May mga naitala po bang adverse event?

DR. GLORIANI: Naku! Hindi po ako masyadong aware doon sa ganoon pero I’m sure kung mayroon napabalita na po iyon. Kasi ang aming datos dito sa mga third doses ay wala namang gaanong naging problema in terms of safety. Mayroon din pong magkaka-reaction pero mild to moderate. As usual para pong iyong first or second doses lamang.

USEC. IGNACIO: Opo. Bagama’t mayroon na rin kayong nabanggit kanina, Doc, pero basahin ko na lang ito ano po. Base po sa inilabas na rekomendasyon ng DOH para sa booster dose, ano daw po iyong naging basehan o factors na kinonsider ng Vaccine Expert Panel sa recommended combination para po sa booster shots?

DR. GLORIANI: Okay po. Largely po, ang main na naging basehan namin ay iyong immunogenicity data nila. Gaano itinaas ang antibody response at mayroon din pong mga datos sa cell mediated responses kapag nabigyan ng third or additional dose.

Now, kailangan ko pa ring i-explain po na hindi po ito talagang very definite kasi po titingnan lang namin kung tumaas o hindi iyong correlate of protection ay hindi pa rin po malinaw hanggang ngayon. Pero mayroon po kaming basehan na kapag ganito ang level, maganda po iyong response na iyon.

Largely iyong second and third phases ng kanilang clinical trials ang aming pinagbasehan so, mayroon po itong ebidensiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., kanina nabanggit mo na ito napag-aralan na ninyo na talagang nagwa-wane ang ating mga vaccines. So, ilang buwan po talaga ang itinatagal ng mga bakuna? Pare-pareho po ba na anim na buwan lang talaga?

DR. GLORIANI: Generally po iyon, iyong six months. Iyong iba, depende rin sa tao. Kapag elderly po or immunocompromised, mas maaga din magwi-wane iyan. So, mayroon pong mga data that showed that three months pa lang, four months, five months na bumababa na.

Pero sa general population po, ito iyong healthy population, iyong 15 and hanggang mga siguro mga 60, mga six months po. Pero iyong iba maganda pa rin ang immune response nila after eight months, after ten months. So, iba-iba po pero general iyong pinag-uusapan natin at doon natin ibabase ang ating rekomendasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Niña, basahin ko na lang po itong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: Please explain why traditional vaccine such as the inactivated like Sinovac are not recommended to be used as booster to mRNA vaccines like Pfizer and Moderna? And second, why the vector-based vaccines are recommended to be boosted by other vaccine platforms.

DR. GLORIANI: Okay. Ganoon din po ang basehan diyan, iyong immunogenicity studies. Napakataas po ng level ng mga bagong platforms like messenger RNA, Adenovirus at medyo mabababa po iyong sa inactivated. So, we just deemed it na kailangan po, kung bagong platform ang na-receive ninyo, iyon na rin po ang magiging booster.

So, we are actually opting more for homologous-homologous, pareho or another newer platform kapag nabigyan na iyong platform na iyong messenger RNA (mRNA) or Adeno. Pero vice-versa po iyon, iyong Sinovac bibigyan natin noong newer platforms either Pfizer, Moderna or AstraZeneca, nandoon po iyon.

Ngayon, doon sa Adenovirus, medyo I think po, may nagkakaroon ng kaunting confusion kasi nabanggit namin o kung mayroong ibang nagbanggit na may theoretical risk. Hindi ito risk, it is a theoretical possibility na kapag sunod-sunod ang pagbibigay ng the same vector –kunwari first dose, second dose, assuming ito ay Adeno1, ibinigay uli sa second dose at ibinigay sa third dose – mayroon pong theoretical possibility na masyadong mataas ang immunity, immune response or antibody response doon sa Adeno at mawi-weaken, mada-dampen iyong immune response doon sa spike na gusto natin mas mataas. Pero theoretical po iyon, but we have to consider that.

Ngayon, mayroon pong mga bakuna naman na Adenovirus vector-based na nagbigay ng data sa amin na ang third dose na homologous – kunwari Astra-Astra-Astra, Sputnik, mayroong kaunti iyong Sputnik pero kaunti pa lang po, ang Janssen dalawa pa lang – tumaas naman po iyong antibody response. So, iyon po. P

Pero we will still be monitoring kasi theoretical possibility lang po iyon. Huwag po kayong mag-alala, may mga datos naman na mataas iyong naging third dose nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Nina, sunod pong tanong ni Lei Alviz ng GMA News: What will happen to the vaccine recipient if the booster administered did not follow the recommended vaccination?

DR. GLORIANI: What do you mean? In what way? Sa interval o sa—kung alin? Kung alin ang hindi sinunod?

USEC. IGNACIO: I think iyong kung hindi po—kung alin pong vaccine ang naiturok.

DR. GLORIANI: Ganito po kasi. Ang aming binigay na rekomendasyon ay very flexible. So makikita ninyo puwedeng homologous – the same one that you received for the first two doses and then iyong third, you can receive any of the vaccines. Actually nakalista po iyon sa isang table, iyong lahat ng posible.

So kunwari Sinovac, Pfizer, Moderna, AstraZeneca, sinama pa po namin ang Sputnik doon at ang Janssen ‘no pero ang Janssen wala pa pong application for amendment kaya hindi pa siya talaga puwedeng isali. Ang Sputnik Light naman ay wala pa po tayong supply kaya hindi pa rin po siya puwede.

So ang pagpipilian sa ngayon ay Pfizer, Moderna or Astra kung mayroon. Ang AstraZeneca daw po ay mayroon ding konting problema sa supplies ngayon. Kahit ano po doon puwede, ano po kayang sinasabing hindi nasunod kasi very, very flexible po iyong naging rekomendasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may binanggit po si Doc Edsel Salvaña na kung AstraZeneca po ang una at pangalawang dose ng bakuna ay dapat daw po ay ibang brand na iyong pipiliin mo dahil kung AstraZeneca ay mayroon itong drop in efficacy. Tama po ba, ito ‘yung binabanggit ninyo po kanina, Doc Nina?

DR. GLORIANI: Yes po, Usec. Rocky. Iyan ‘yung ini-explain ko kanina na theoretical possibility. Iyan po talaga nakita namin sa isang brand ng vaccine na galing China na adeno 5 – iyon very clear po na kapag binigay mo iyong first dose ay iyong adeno 5 pa rin saka iyong spike, binigay mo iyong second dose, ang taas po ng antibody response doon sa adeno 5, mababa doon sa spike; iyon very clear po iyon.

Pero dito sa mga AstraZeneca hindi po clear iyon kaya theoretical ang sinabi po ng DOST-VEP, theoretical possibility po. Pero we recommended na puwede rin po siyang ibigay as a booster dose, homologous – Astra-Astra – nakalista po iyon doon sa aming rekomendasyon sa FDA na siya naman I think pinalabas ng [unclear]. Theoretical lang po iyon, siguro nangangamba lang…

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa dami po ng mga vaccines na available sa ating bansa, will it make sense pa rin po ba to hold clinical trials or kailangan ng trials ng bakuna natin ay iyong second generation na bakuna?

DR. GLORIANI: Yes, opo Usec. Rocky at sa lahat ‘no. Patuloy po ang research at marami pa pong bago na dadating that should be safer and more efficacious. Nakikita na po natin. Ngayon kung napapansin ninyo ang ating mga available ngayon ay puro injectable, baka may dadating po na intra-nasally administered. Actually may mag-uumpisa na trial na ganoon na so marami pa po so huwag tayong mabahala kasi ganoon naman po ang research o sa medicine, marami pong mga pagbabago, mga mas advanced na technologies na gagamitin na mas gusto natin iyong product ay mai-improve pa in terms of iyon nga, safety… mas mataas ba ang immune response na magdyi-generate at iyong protection. So please, we welcome them pero siyempre mag-a-undergo sila ng clinical trial.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sunod naman pong tanong ni Red Mendoza at ni Lei Alviz ng GMA News: Sinabi ninyo po sa isang interview na maari nang simulan ang booster doses sa mga senior citizens sa National Vaccination Day. Ano na po ang mga napag-usapang booster dose na pupuwede sa ating mga senior pati na rin po sa mga immunocompromised?

DR. GLORIANI: Okay. So actually ako po ‘yung medyo nag-a-advocate talaga ‘no kasi ang sabi po, sana mauuna talaga muna ang health care workers o A1, tapos nabanggit lang po na baka umpisahan ang A2 sa—iyong national immunization, iyong bayanihan bakunahan na sa November 29 to December 1 ano.

Pero sabi ko baka po matapos agad o mabilisang makapagpa-boost ang ating mga health care workers, mabuti na rin pong maumpisahan na rin sana agad ang pagbibigay ng bakuna/booster or third dose sa ating mga senior citizens, sa A2 kasi po ‘di ba sila nga po iyong talagang mas mabilis ang waning ng immunity.

Now in terms of the vaccines, lahat po posible doon – puwede po sila basta walang contraindications sa kanila. So kung pini-prefer nila na Sinovac, Sinovac na lang po ulit. Kung gusto nila maiba, puwede na rin po sila ng Pfizer basta wala silang contraindication doon at kung mayroon naman pong supply ng Astra, puwede nama pong Astra. So depende po sa supply din ‘no kasi iyon po ang ginagawa ngayon na ating NVOC para po maayos ang daloy ng ating bakunahan o booster. So sana po earlier.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, iyon daw pong mga nakatanggap naman ng Janssen as a primary dose ay 3 months lang po ang hihintayin bago daw po mabigyan ng booster. Bakit po ba mas maigsi daw iyong interval sa Janssen kumpara sa ibang vaccine brand na ginamit as first at second dose?

DR. GLORIANI: Iyon po kasing Janssen, ang data nila—‘di ba sabi ninyo isang dose lang siya. Actually noon pang una sinasabi na namin na kailangan ninyong mag-second dose; noon pa po pero dahil pandemic gusto nilang magbigay nang as many—to as many as possible. Pero iyong data po nila ngayon, gumawa din sila ng study doon sa second dose nila, parang additional dose. Mayroon silang ginawang rekomendasyon sa US FDA at least 2 months after the first dose.

Pero iyong data po na in-evaluate namin, mas maganda iyong data kung ang interval ay 3 months. Kaya ang binigay naming rekomendasyon ay at least 2 to 3 months after the second dose – second dose pa lang po ito, hindi pa ito ‘yung third or additional kasi iyon nga, one dose lang kasi in-apply ng Janssen. At hindi pa po yata siya nag-a-apply ng amendment so we’re waiting for that. Iyong amendment means—kasi one dose ang in-apply niya, kailangan mag-amend siya na two doses or three – baka ganoon po ang dapat niyang gawin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, inirirekomenda sa mga pregnant health care workers ang homologous o iyong kaparehong brand ng primary series ang gamitin for booster. So, ano po ba ‘yung rationale dito?

DR. GLORIANI: Actually kahit alin po ‘no pero ‘yung homologous maganda din po ang data. Now siguro i-explain ko na ‘yung sa Sinovac maganda po ang third dose data nila ‘pag nakatatlong bigay na ‘no, third additional dose, talaga pong tumaas iyong antibody level.

Pero iyong sa ibang mga bakuna, iyong heterologous tumaas din po – ganoon po talaga. Ngayon ‘yung homologous ng Sinovac medyo safe na po iyong iba daw kasi sanay na sila doon sa reaction, iyong reactogenicity. Ang reactogenicity po mas mataas kapag heterologous – kahit anong vaccine. ‘Pag iba ‘yung ibinigay mo mas marami po ang nagri-report ng side effect although mild to moderate pa rin iyon kaya homologous ang sinasabi namin for these people na nakatanggap na – muna. Pero puwede pong heterologous, puwede po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman iyong tanong, Doc, na mahalaga. Kung maaari ba daw pong bigyan ng booster shot itong mga kabataang 12 to 17 years old na binakunahan na rin ngayon?

DR. GLORIANI: Eh hindi pa po natin pinag-uusapan iyan. Actually ang kailangan pong maintindihan ng lahat, kailangan pong mai-ramp up muna ang ating primary series of immunization. Kailangan pong ipaakyat natin iyong naka-receive ng first two doses pa lang, hindi pa muna iyong third dose ‘no. ‘Di ba sinabi po natin kapag at least 50% ang immunization coverage puwede na mag-booster sa hot spots like NCR – naku 92% na tayo, ang taas na po ‘no so puwedeng-puwede na tayo.

Pero doon sa iba kagaya po iyong narinig ko kanina sa Catanduanes, ano iyon, 25… wala pa pong 30% – hindi pa pupuwedeng magbigay ng booster iyon. At sa mga bata, hindi po natin pinag-uusapan iyan. Tatapusin muna nila iyong two doses, sa mga bata po kasi maganda ang immune response nila, mas mataas kaysa sa medyo may edad so hindi po tayo masyadong nagwu-worry ang waning immunity sa kanila. Hindi po muna.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may pahabol lang po ano. Iyong mga kaibigan ko pong naturukan ng AstraZeneca ng first and second dose, ano daw po ang magandang booster shot para sa kanila?

DR. GLORIANI: Well actually doon sa Astra, mayroon din—Tinitingnan ko itong aking summary table, talagang grabeng flexible po iyong aming nirekomenda. Ang Astra puwedeng bigyan ng Astra ulit, if you prefer that, puwede. May mga kaibigan po ako na nagpi-prefer that for a third dose. Puwede rin siya ng Pfizer, ng Moderna at Janssen kung gusto nila, pero wala pa nga pong amendment si Janssen as a booster. So, ang choices ay Astra, Pfizer, Moderna, iyon po, okay lang po iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong paliwanag at panahon. Dr. Niña Gloriani ng DOST Vaccine Expert Panel. Salamat po and stay safer, Doc.

DR. GLORIANI: Thank you very much, Usec. Rocky and everyone. Stay safe too, pabakuna na po iyong hindi pa, okay po. Good afternoon.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Doc. Kahapon lamang ay inanunsiyo ng IATF ang pagbabalik ng in person classes sa college level pagdating ng Disyembre. Kaya naman mas pinaiigting ngayon ang pagbabakuna sa kanilang hanay. Ang Philippine Red Cross dinayo ang isang unibersidad sa Maynila para tumulong sa malawakang vaccination drive kontra COVID-19. Si Patrick De Jesus para sa report, Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Patrick De Jesus.

Sa iba pang balita, may bagong alok na programa ang TESDA para sa mga kababayan nating naapektuhan at nawalan ng trabaho ngayong pandemya sa pamamagitan ng Malasakit Training Program. Matutulungang mahasa ang kakayahan at magkaroon ng bagong kaalaman ang mga mapipiling benepisyaryo para sa paghahanap nila ng bagong pagkakakitaan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base sa report ng DOH.

As of November 17, 2021 muling sumampa sa higit isang libo ang mga bagong kaso, kaya umabot na sa 2,820,494 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Malaki-laking bilang rin po ang naitalang nasawi na nasa 309, kaya umabot na sa 46, 117 ang total COVID-19 deaths. Umakyat naman sa 2,750,531 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa sakit matapos madagdagan ng 2,759 new recoveries kahapon. Patuloy rin po ang pagbaba ng active cases natin na nasa 23,846 na lamang ito ngayon, 0.8% na lang iyan ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa bansa.

Base rin sa obserbasyon ng OCTA Research Group patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa bansa. Possible nga bang ma-maintain iyan pagpasok ng December sa kabila po ng patuloy na pagluwag ng mga guidelines sa iba’t ibang bahagi ng bansa? Iyan po ang ating pag-uusapan, kasama sina Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye mula po sa OCTA Research Group. Magandang umaga po sa inyo at welcome back po sa Laging Handa.

DR. DAVID: Magandang umaga po, Usec., at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig at nanunood sa amin.

PROF. RYE: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko na po itong tanong ni Lei Alviz ng GMA News para po kay Doc. Guido: Doc, what trend do we see in the number of new COVID cases? What is OCTA’s updated projection for cases nationwide and in NCR?

DR. DAVID: Thank you, Usec., sa question and thank you Lei Alviz. Right now iyong average seven day average natin sa buong bansa ay 1,600 na lang, iyan na iyong seven day average, bumaba siya ng 27% mula sa nakaraan na linggo. Ang reproduction number natin sa bansa ay .37 na lang at marami pang magandang mga ibang numero tayong nakikita. Iyong positivity rate natin, sa Metro Manila nasa 3%. Hindi lang sa Metro Manila, sa Cavite 1% na lang iyong positivity rate [garbled].

Simula noong nagsimula iyong pandemya, I mean sa lahat ng lugar na ito, kaya ang nakikita natin patuloy pa rin bumaba iyong bilang ng kaso. Hopefully baka sa katapusan ng buwan ay baka nasa less than 1000 na iyong 7 day average natin. Sana patuloy itong pagbaba ng kaso para mas maging maligaya ang ating Disyembre.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Guido, sunod pong tanong ni Lei Alviz: In Europe despite the high vaccination rate, cases are study starting to go up again, do you foresee the Philippines will also experience the same?

DR. GUIDO DAVID: USec., mahalaga iyong pag-iingat pa rin natin kasi puwedeng magkaroon ng pagtaas ng kaso kung hindi na tayo sumusunod sa public health standard kasi ganiyan ang nangyari sa Europe eh.

Karamihan sa kanila hindi nga sumusunod sa mask mandate at wala ng social distancing kaya, kahit mataas iyong bakuna puwede pa rin magkaroon ng spike in cases at karamihan ng tatamaan niyan ay iyong mga hindi bakunado at iyong mga minors, iyong mga below 17. Kaya iyon nga, kailangan patuloy ang pagsunod sa minimum public health standard para hindi mangyari sa atin iyong nangyari sa Europe.

USEC. IGNACIO: Opo. Bigyang daan ko rin po itong tanong mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Doc. Guido, ang positivity rate na ng Pilipinas ay nasa below 5% for more than 4 days compared daw po sa last year. Mas improved po ba itong positivity rate natin na ito dahil sa mas maraming testing?

DR. GUIDO DAVID: Tama iyan. Tama iyong sinabi ni Red Mendoza, USec., na dumami na iyong testing natin. Noong ikinumpara natin mas mataas iyong testing natin kumpara last year by 37%. So, iyong mas maraming testing ay nakakatulong sa pagbaba ng positivity rate.

USEC. IGNACIO: Opo. For Professor Ranjit: Nagiging big conversation po ang paglabas ng mga bata sa mga non-essential places tulad po ng malls. Sa tingin po ba ng OCTA, dapat hayaan ang mga LGU na gumawa ng ordinansa tungkol dito or kailangan pong maghigpit ang gobyerno regarding sa paglabas po ng mga bata sa Alert Level 2 at 1?

PROF. RANJIT RYE: Well, I think both government at saka iyong local governments natin kailangan klaro dapat iyong polisiya dito na iyong mga non-essential travel ng mga bata sana malimit.

Iyong pananaw namin sa OCTA, bagama’t kailangan ho lumabas iyong ating kabataan, iyong mga nanay na hindi pa bakunado po sana po i-limit iyong pagpunta sa enclosed areas gaya ng malls. I think mayroon ng position si President Duterte, tungkol diyan sa isyu na iyan at inaantay talaga nila iyong mga local government na gumawa ng kani-kanilang ordinansiya or mga rules and regulations nila dahil dito sa Level 2.

Gusto ko lang reiterate, hindi ho talaga puwedeng magpabaya, magkumpiyansa. Nandito pa ho ang COVID at iyong mga trends natin ho hindi ho permanente iyan, pababa nga tayo ngayon kung hindi tayo magtutulung-tulong sa pagsunod lalo na iyong minimum public health standards natin, lalung-lalo na iyong pagsuot ng mask, pag-iwas at paghugas kamay, pag-iwas doon sa mga matataong lugar at sa mga enclosed areas.

Pag hindi tayo tutulong sa programa natin sa vaccination, iku-convince iyong ating mga kababayan, kamag-anak, kapamilyang magpabakuna ay madali ho talagang bumaligtad ho iyong trend at tumaas. So, iyon nga iyong position namin sana ho tulong-tulong tayo dito, konting disiplina at tuloy-tuloy pa rin ho iyong pagsunod sa minimum public health standards, hindi lang to save lives but to ensure na iyong economy natin ay bukas for the next few months po.

Kasi ho, kailangan ho talaga ma-sustain natin ito, malaki ho ang gains na ito at malaking bagay ho iyong testing, tracing and isolation, napakalaking bagay rin ho iyong pagpapabakuna. So, sa ating mga kababayan lalo na sa labas ng NCR, mga nakikinig sa atin sa probinsiya, magpabakuna na po tayo para ligtas tayo sa COVID-19.

So, iyon ho ang kailangan and dito sa NCR, sa Davao, Metro Davao at Cebu marami na ho tayong bakunadong mga kababayan. Pero, all around the country ho hinahabol pa ho natin iyong mga goals natin and our goals is population protection sa 70% and hopefully for over the next 2 to 3 months maabot natin ho iyong goal na iyan and ang kailangan diyan talaga lahat tayo mag-cooperate at lahat tayo pag-isipan natin mabuti kung iyong benefits ho ng pagpapabakuna.

Masaya kami na iyong position ng OCTA about a month ago na simulan na iyong boosters para sa health care worker at saka sa ating mga elderly ay sinimulan na dito sa Metro Manila and we’re hoping that apart from boosters, iyong regular vaccinations. Iyong two dose vaccine na kailangan natin ma-achieve for the rest of the country, ma-vax to the max nga ika nga iyong ating… lalong umarangkada iyong ating program for vaccination.

Key iyon eh, to moving to a new normal po and iyon nga ho iyong aming ini-encourage sa OCTA, hindi lang mag-ingat, hindi lang maging vigilant pero i-consider ho ang pagpapabakuna. Ito ay panawagan natin sa mga kababayan natin outside of the National Capital Region na nag-iisip pa kung magpapabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Doc. Guido: Kung pagbabasehan po ang mga datos, tingin ninyo po ba handa naman na ang Metro Manila na bumaba sa Alert Level 1 by December?

DR. GUIDO DAVID: Posible naman iyan USec., sa datos kung patuloy pang bumaba iyong bilang ng kaso; siyempre ang magri-recommend niyan ay iyong IATF and iyong Department of Health. Pero, nakikita natin bumababa pa iyong risk natin, iyong risk level natin sa Metro Manila basta bumaba iyong bilang ng kaso at patuloy tayong nagtutulung-tulungan. Pero having said that siyempre iyong mga ibang guidelines, siyempre magandang pag-aralan natin within the Alert Level 1 tungkol sa mga bata at iyong mga iba pang guidelines.

USEC. IGNACIO: Opo. For Professor Ranjit: Nito daw pong nakaraang araw ay naitala ang 3 digits cases sa loob ng isang araw. Hindi naman daw po ba artificial lamang ito o dahil lamang sa mga hindi nakakapagsumiteng laboratoryo?

PROF. RANJIT RYE: Alam ninyo ho, iyong datos natin hindi siya perpekto po at kaya nga ang tingin lagi namin sa OCTA 7 days at saka 2 weeks at tinitingnan namin po iyong datos sa local government. Mapalad kami mayroon kaming mga ka-partner na local governments.

So, nakikita rin namin po naba-validate rin namin po iyong datos nakukuha namin sa Department of Health and klaro naman hindi ito artificial and nakikita naman ng Department of Health din po and mau-observe din natin sa mga hospital no talagang kumonti ho iyong kaso at na free up iyong ating ICU capacity.

Iyon nga, ang isyu namin dito sa OCTA kailangan ho mag-ingat pa lalo tayo, kailangan po hindi tayo magpapabaya, magku-kumpiyansa kasi ang COVID-19 nandito pa ho. Nandito siya and we have to deal with it and ang pinaka-masamang mangyari maging over confident tayo dito sa COVID-19, ma-under estimate natin iyong virus na andiyan na very efficient siyang kumakalat.

So, kung gusto natin iyong buhay at maprotektahan iyong buhay at mapanatiling bukas ang ekonomiya para sa kabuhayan, kailangan ho talaga tayong mag-pabakuna number 1, number 2 laging sumunod no, mag-ingat at laging sumunod sa minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. For Dr. Guido, pasensiya na ano po. Iyong tanong po kasi ni Lei Alviz, noong sumagot kayo medyo putol-putol. Ulitin ko lang po ano nag-choppy po kayo kanina kasi. What trend daw po do we see in the number of COVID cases? What is OCTA’s updated projection for cases nationwide and in NCR? Iyong mga probinsiya po na binanggit ninyo kanina.

DR. GUIDO DAVID: Yes, pasensiya sa nag-choppy iyong connection ko. Iyong projection namin as of [garbled] sa buong Pilipinas by the end of November. Hindi pa natin sigurado kung magpa-plateau ho tayo sa 1,000 or patuloy pang bumaba iyan. Sana patuloy pang bumaba basta ma-preserve natin ang trends at kung patuloy ng bumaba iyan, you know less than 1,000 by end of November baka by December, by Christmas nasa 500 na lang.

Pero, hindi pa natin sigurado kung makikita natin iyan, ganoon din sa mga halos lahat ng probinsiya ngayon [garbled] iyong trends na nakikita natin kailangan natin ito para talagang maganda iyong Pasko natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Para po kay Professor Ranjit, puspusan po ang bakunahan sa bansa pati po iyong sinimulang pamamahagi ng booster dose sa ating mga healthcare workers. So ano po iyong nakikita ninyong magiging impact nito sa datos natin sa mga susunod na linggo?

PROFESSOR RANJIT RYE: Well, ano, kagaya nga ng sabi ni Professor David, so far if the trend holds, mukhang kaya natin mag-Level 1 ‘no by December; and hopefully the trend will hold. Ang importante sa atin ngayon, tuluy-tuloy iyong vaccine program. Importante ho na maprotektahan natin iyong healthcare workers natin, iyong frontline workers natin. Importante rin na iyong ating mga elderly na vulnerable at may comorbidities lalo na dito sa National Capital Region, ma-boost iyong kanilang immunity through vaccination.

And so, we’re thinking ‘no, we’re projecting na things will, over the next few weeks, will be more predictable and calculable. As far as COVID-19 is concerned, we see a downward trend being sustained here in the National Capital Region, we are hoping that. Of course, may assumptions kami diyan. Iyong assumption diyan ay tuluy-tuloy ang pagsunod sa minimum public health standards; walang bagong variant na super contagious na papasok sa bansa; at pangatlo, iyong vaccine program natin, tuluy-tuloy ho ang rollout sa ibang parte ng bansa. So we see a positive outlook not just in the National Capital Region but the whole country ‘no in the next month or so. So iyon ho iyong nakikita namin, assuming that the trend holds.

Now, are we going to see an uptick in December? It’s possible ho may uptick ho lalo na ho kasi nag-increase ng mobility, napakarami na hong taong nasa labas. Pero dahil inaasahan namin na marami na sa ating kababayan lalo na sa NCR ay bakunado na that we won’t see the surcharges that we saw over the last few months dito sa National Capital Region ‘no, noong March at iyong very vicious surge that we experienced which started last July. So hopefully ho wala na ho iyong mga massive regional lockdowns. Iyon ho ang nakikita namin outlook.

Pero tuluy-tuloy pa rin ho siyempre iyong pag-testing, tracing at saka isolation programs ng local government. Sana ho iyong national government, ituloy-tuloy po iyong budget ng DOLE at saka ng DILG para sa contact tracing kasi kung wala iyan po, hindi natin masu-sustain itong mga trends natin; kailangan tuluy-tuloy ho ang budget diyan. Kailangan ho rin iyong private sector ho, grabe ho dapat ang kooperasyon ng private sector; itaas nila dapat iyong antas ng kooperasyon lalo na sa pag-monitor at pag-enforce ng minimum public health standards sa mga private establishments kagaya ng restaurants at malls. Kailangan ho talaga lahat tayo magtulungan; kailangan ho tayo lahat mag-ingat; kailangan ho tayo, iwasan ho natin iyong overconfidence, dapat po vigilant pa rin tayo kasi nandito pa rin ho ang COVID.

And the worst thing that we can do as a country right now is to underestimate the virus and overestimate our achievements and become complacent. Iyon ho talaga ang kalaban bukod sa COVID ho, iyong complacency ho. Kailangan labanan ho natin iyan over the next few months lalo na during this Christmas break. Ang panawagan namin ay hindi po puwedeng mga large gatherings ‘no. Doon pa rin tayo, protektahan natin iyong mga bubbles natin, iyong mga micro herd immune bubbles natin dito sa National Capital Region. Pami-pamilya muna tayo. Huwag muna tayong sumama sa mga large gatherings, hindi pa panahon kasi; and dapat lagi naka-mask tayo.

So iyan ho iyong mga tingin namin ‘no, while iyong prospects are positive, we have a lot of work to do as far as sustaining these positive trends ‘no that we are experiencing not just in the National Capital Region but for most of the country.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Group. Mabuhay po kayo! Salamat po.

PROFESSOR RANJIT RYE: Salamat, Usec. Salamat sa inyo.

DR. GUIDO DAVID: Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Inabutan ng tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at ng tanggapan ni Senator Bong Go ang mga Lubhang naapektuhan ng pandemya at kalamidad sa Biñan, Laguna. Kaugnay din nito ay may isinusulong na panukalang batas si Senator Go para sa pagkakaroon ng evacuation center sa bawat bayan, siyudad at probinsiya para po sa paparating pang sakuna. Ang buong detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Mary Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mary Ann Bastasa.

Patuloy naman po ang isinasagawang Barangayanihan Program sa pangunguna ng PNP Regional Office sa Cordillera Region. Kaisa rin sa pagpapatupad ng nasabing programa ang ilan pang ahensiya ng pamahalaan. Narito po ang detalye, hatid ni Eddie Carta:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Davao City kung saan puspusan na ang pagsuyod at paghikayat sa mga residente sa ilang mga barangay na may mababang turnout ng mga nabakunahan. Kaugnay niyan, may report si Hannah Salcedo:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw.

Mga kababayan, 37 days na lamang po at Pasko na.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center