Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saanmang panig ng mundo. Muli ninyo kaming samahan at alamin ang pinakahuling mainit na balita sa bansa, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar; ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayong umaga po ay kukumustahin natin ang anong weekend ng implementasyon ng mas maagang Alert Level 3 dito sa Metro Manila at makikibalita rin tayo sa ginagawang rehabilitasyon sa Lungsod ng Marawi.

SEC. ANDANAR: Siksik ang ating talakayan ngayong Lunes ng umaga, kaya naman simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Simula po ngayong araw, October 18, ay sasailalim na sa mas pinaagang community quarantine status ang mga lalawigan ng Bulacan, Apayao at Capiz. Kahapon ay inanunsiyo ni Presidential at IATF Spokesperson Secretary Harry Roque ang pagbabagong iyan sa tatlong probinsiya na ipatutupad hanggang October 31.

Nagmula sa mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine ang Bulacan at ang Apayao, habang galing naman sa GCQ with heightened restrictions ang probinsiya ng Capiz.

Isang buwan ang nakalipas nang simulang ipatupad ang alert level system dito sa Metro Manila at mula sa Alert Level 4 nitong nagdaang weekend ay marami na sa ating mga kababayan na nag-i-enjoy sa bahagyang pagluluwag ng mga restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan sa ilalim naman ng Alert Level 3, kaugnay niyan ay makakausap natin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang umaga sa’yo, Usec. Malaya.

DILG USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga, Secretary Martin and Usec. Rocky. At magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Usec., naku, nagdagsaan ang mga tao sa ilang pasyalan sa Metro Manila. Wala naman po bang nai-report sa inyo na any untoward incident ang mga LGU natin?

DILG USEC. MALAYA: Opo, wala naman pong untoward incident pero tama po kayo, nagdagsaan po iyong ating mga kababayan sa ilan sa mga public places natin dahil nga po under Alert Level 3 ay bukas na po ang ating mga parke, mga plaza, public gardens at mga scenic viewpoints. Nguni’t pinapaalala po natin sa ating mga kababayan na ito po ay up to 30% lamang ng operational capacity nitong mga lugar na ito. So kailangan po nating sundin ito, at pangalawa po ay gamitin po natin iyong ating pagmamahal sa bansa at sana po ay umiral ang disiplina ‘no na huwag po nating … huwag po tayong magkumpul-kumpulan at lagi po nating susundin iyong minimum public health standards gaya ng paggamit ng face mask, face shield.

SEC. ANDANAR: Napaghandaan naman po ba agad ng Metro Manila mayors itong implementation ng Alert Level 3 gayung sinasabi nila na hindi naman sila nakonsulta tungkol dito?

DILG USEC. MALAYA: Opo, Sec., unang-una po, ang mga mayors po ‘no, they comprise the Metro Manila Council which is chaired by Mayor Edwin Olivarez at nandiyan din po, of course, ang Chairman ng Metro Manila Development Authority; at ang MMDA po, si Chairman Abalos, ay miyembro po iyan ng IATF. So iyong mga posisyon po ng mga mayors ay naipapaabot nila through the IATF. At madalas po ang mga meetings ng mga mayors at ng IATF at iba pang mga ahensiya ng gobyerno, kung minsan nga po ay nakakasama ako doon sa mga pagpupulong na iyon.

So dahil po sa koordinasyong ganiyang ginawa natin between the MMDA, the IATF and other government agencies ay alam po ng ating mga mayors iyong mga pamantayan ng Alert Level 3 kaya naman po buo ang kanilang suporta rito at nagkaroon po ng tamang paghahanda para sa implementasyon nitong ating bagong alert level.

SEC. ANDANAR: Under the Safety Seal Certification Program, may additional ten percent sa operational capacity ang mga establishments na mayroon nito. Ilan na ang mga Safety Seals na naisyu ng pamahalaan?

DILG USEC. MALAYA: Yes, napakalaking bagay po ito, Sec. Martin, sa ating mga negosyante dahil sabi nga po ninyo, kung mayroon silang Safety Seal na galing sa ating pamahalaan ay mayroong karagdagang operational capacity. So madami-dami na po ang nag-apply nito, 86,159 establishments have applied. Out of this number, 45,649 ay naaprubahan po ng iba’t ibang government agencies; at mayroon naman pong mga na-deny, 9,794 were denied. So hindi po iyon automatic. Kung hindi po papasok sa pamantayan ng Safety Seal ay hindi po talaga mabibigyan ng Safety Seal certification.

So all in all, mayroon po tayong 4549 approved or issued Safety Seals all-over the country; at dito po sa National Capital Region, 12,652 na ang ating naisyu. Iba’t ibang ahensiya po iyan, Sec., ang nag-iisyu niyan. Nandiyan po ang DTI at 4,152; Department of Tourism at 1,085; DOLE at 541; DILG at 12,154; at kasama na rin po, of course, ang pinakamalaki, ang local government units at 27,717.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po ang implementation ng granular lockdown sa Metro Manila under the alert level system? Nakapagbigay ba ng tulong ang national government sa mga naka-lockdown?

DILG USEC. MALAYA: Yes, ongoing po, Sec., ang implementasyon nitong granular lockdown as part of our strategy under the alert levels. Kahit ano pong alert level ay puwede pong mag-granular lockdown. At bumaba na po ang mga naka-granular lockdown ‘no. Noong October 1, mayroon po tayong 303 na areas sa Metro Manila na naka-granular lockdown; pero ngayon pong October 15, 139 na lamang ang naka-granular lockdown. So malaki po ang pagbaba, consistent po ito sa mga datos natin sa case transmission and increase in vaccination dito sa National Capital Region.

So ito pong 139 lockdown areas na ito na ongoing right now, ang pinakamarami po niyan ay nasa Pasay, may 33; sa Lungsod ng Maynila, 34; sa Quezon City, 30; Pateros, 27; at mayroon din pong sampu sa Las Piñas; at the rest po ay tumu-total nga po iyan ng 139. At mayroon po tayong 617 affected families ngayon na under lockdown diyan sa 139 areas na iyan.

Magmula po noong implementasyon ng alert level system sa Metro Manila, mayroon na tayong 896 na areas under granular lockdown, ngunit iyong iba po diyan ay tapos na. So we just have 139 at present.

Ngayon, doon naman po sa inyong tanong, Sec., sa naihatid nating tulong in terms family food packs¸ marami-rami na po ito ‘no. Around 30,275 family food packs had been delivered by the DSWD to the different local government units in the National Capital Region. Hindi lamang po ito doon sa mga areas under granular lockdown, doon na rin po sa ibang mga lugar na nangangailangan din ng tulong.

Ang cost po nito is 19.5 million, and the majority of the food packs were distributed in the City of Manila, Caloocan and Quezon City kasi sila naman po iyong mga pinakamalalaking LGUs natin sa Kamaynilaan.

SEC. ANDANAR: Matapos ang pilot run ng vaccination ng younger age group sa mga DOH hospitals, kailan naman magsisimula ang pagbabakuna sa mga kabataan ng mga LGU hospitals at ano ang targets dito, Usec. Jonathan?

DILG USEC. MALAYA: Yes, sa Biyernes na po, Sec. Martin, magsisimula ang Phase 2 ng ating pediatric vaccination pilot dito po sa National Capital Region. At ang target po natin dito sa pilot na ito is 144,131 na mga kabataan from 15 to 17 years old. At ganoon pa rin po, ang atin pong priority ay iyong may mga comorbidities. So nagsimula po tayo last Friday sa mga DOH hospitals, ngayon naman po ay pupunta naman po tayo sa mga LGU-based hospitals ‘no and magdaragdag po ng thirteen additional local hospitals doon sa mga ospital na nagsimula na sa national ‘no. So, ito po ay magsisimula ngayong Friday hanggang October 31.

So, ang bawat LGU po ay nag-identify ng isang local hospital para maisama sa pilot ng pediatric vaccination. Kasama po diyan ang Caloocan Medical Center, ang Ospital ng Parañaque, ang Pasay General Hospital, at iba pang mga ospital na siyang in-identify ng ating mga LGUs.

Para po sa ating mga magulang na gustong ipabakuna ang kanilang mga anak dito sa pagsisimula ng Phase 2 – LGU Pilot Vaccination, kailangan lang po kayong makipag-ugnayan sa inyong local government unit at kailangan lang pong i-prioritize natin iyong mga may comorbidities so you would need to present a valid ID; medical certificate of the child na siya ay may comorbidity; clearance for vaccination para po maisama kayo dito sa Phase 2 ng ating pediatric vaccination sa mga local government unit hospitals.

SEC. ANDANAR: USec., makibalita na rin kami sa imbestigasyong ginagawa ng DILG sa nangyaring mass gathering nitong nakaraan sa Batangas dahil sa pagpunta ng isang presidential aspirant. Ano pong gagawin ng DILG tungkol dito?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Ongoing pa rin po, Sec., hinihintay pa rin po natin iyong report mula sa Batangas Provincial Police Office at doon sa City Police Station na mayroong kinalaman ‘no, na may jurisdiction dito sa nasabing insidente.

Ang natanggap pa lang po namin kasing report ay raw report lamang at ang hiningi po ni Secretary Eduardo Año sa ating kapulisan is a more detailed report so that we can act accordingly. So, sa ngayon po ay hinihintay pa natin ang report ng Philippine National Police.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si USec. Rocky para sa tanong ng mga kasamahan natin sa media.

USEC. IGNACIO: Good morning, USec. Malaya. Tanong po ni Rosalie Coz ng UNTV at kagaya rin po ito ng tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: Nagpahayag po ng pangamba ang Philippine College of Physicians sa ginawang pag-downgrade sa Alert Level 3 ng Metro Manila. Anila, hindi pa rin po sila nakakahinga ngayon at punuan pa rin po ang ICU at emergency wards. Papaano po matitiyak ng DILG na naipatutupad po nang maayos ng LGUs sa NCR ang minimum health protocols po ngayong mas malawig na ang movement ng tao at mas maraming allowed na establishment at business activities po? At ano rin daw po ang immediate na hakbang ng DILG kung sakaling dumami ang COVID-19 cases sa LGUs?

DILG USEC. MALAYA: Opo, USec. Rocky. Unang-una po, naka-monitor tayo together with the Department of Health sa sitwasyon sa mga ospital at base po sa datos na ibinigay sa atin ng Department of Health. Ang atin pong ICU beds utilization ay bumaba din from 69% to 65% at ang isolation po natin is at the same level at 44%. Ang wards po natin utilization ay bumaba rin from 50% to 48%, and even the ventilators usage has decreased from 51% to 50%. So, maayos sa tingin namin ang kalagayan ng ating mga ospital.

Now, in terms of new cases bumaba na po tayo sa below 7,000, as of yesterday at 6,913. Ito po iyong pinakamababang below 7,000 since August of last year. So, iyan po ang datos mula sa DOH. Ngayon naman po, kapag titingnan naman po natin ang datos na ibinibigay sa atin ng OCTA Research Group, ganoon din po ‘no, 0.61% reproduction number bumaba na po sa 0.58%; positivity rate – galing po tayo sa 14%, nasa 10% na po tayo. Kahit po iyong ating ADAR or iyong average daily attack rate ay bumaba na rin po from 13.65% to 11.87%.

So, we just have to be vigilant, USec. Rocky, dahil maganda na po ang numero ng mga kaso sa ating NCR at sa ating bansa at napakaganda rin pong vaccination natin dito sa NCR. So, kailangan lang po nating maging vigilant, iyon po ang naging direktiba ni Secretary Eduardo Año sa ating mga local government units at sa Philippine National Police na maigting pa rin po ang implementasyon ng minimum public health standards; mag-ikot po sa iba’t-ibang mga negosyo; siguruhin na vaccinated individuals lamang ang nakaka-access doon sa mga indoor, for example, dining facilities; at masunod po kailangan iyong limit on operational capacity. So, para po diyan, kailangan po na magkaroon ng inspections ang ating mga local government units at ang Joint Task Force COVID Shield ng Philippine National Police.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Rosalie Coz: Ngayon pong Level 3 na ang NCR, ano po ang posibilidad na payagan ang expanded mall hours at weekend sales pati rin ang night market, tiangge, at iba pang kaparehong negosyo lalo ngayong magpa-Pasko na? At papaano naman po matitiyak na sinusunod ang health protocols sa ganitong mga pagkakataon?

DILG USEC. MALAYA: Sa ngayon po, USec., ay wala pa pong pinag-uusapan sa mga extended mall hours. We will have to defer dito po sa isyung ito sa DTI kasi sila nga po ang gumagawa ng mga pamantayan natin in terms of mall operations.

Pero tama po kayo, wala pong ipinagbabawal ang mga tiangge na iyan, hindi po iyan technically ipinagbabawal under the IATF regulation, but of course kailangan po nating siguruhin ang implementasyon ng minimum public health standards.

So, for that, iyon pong mga negosyante natin na gustong magbukas ng mga tiangge, they will have to coordinate with their local government units and iyong mga LGUs po kailangan na mag-monitor sa kanila kung sila ay papayagang mag-operate ngayong Kapaskuhan.

USEC. IGNACIO: Sunod naman po na tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: May initial guidelines po ba sa political events, sa face-to-face campaigning?

DILG USEC. MALAYA: Well, iyan po ang pag-uusapan namin with the Commission on Elections kasi this is part and parcel po of the election process, so we will have to coordinate them para po makapaglabas tayo ng mga guidelines. Pero, offhand po ‘no, definitely po bawal po ang superspreader events ‘no.

So, ang paalala po ng DILG sa ating mga kumakandidato dito sa ating Eleksyon 2022 ay dapat pong maging ehemplo sila ‘no. Maging ehemplo sila ng ating mga kababayan dahil hindi pa rin po tapos ang pandemya. Since tayo po ay nakikipaglaban pa rin sa COVID-19, dapat po iwasan natin ang lahat ng mga superspreader events kahit saanman sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: USec., mula naman po kay Jayson Rubrico ng SMNI News: Ano po ang paghahanda na ginagawa ngayon ng ahensiya para sa maayos na Undas 2021? May mga direktiba na ba tayo sa mga LGUs at PNP tungkol dito?

DILG USEC. MALAYA: Mayroon po ‘no. Pinapaubaya po ng DILG ang desisyon na ito sa mga local government units ngunit sinusuportahan po namin iyong kanilang desisyon na isara ang mga sementeryo ngayong Undas. Tama po ang mga mayors na mas maganda na huwag na muna tayong magkumpul-kumpulan sa mga sementeryo at pumunta tayo sa mga sementeryo ngayon na bago ang Undas o kaya naman immediately after the Undas.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat for joining us today, DILG spokesperson USec. Jonathan Malaya. Mabuhay po kayo!

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po, Sec. Martin, USec. Rocky, at mabuhay din po kayo!

SEC. ANDANAR: At iyan po muna ang pagsasaluhan nating talakayan ngayong Monday morning. Bago po ako magpaalam ay binabati ko po ng maligayang kaarawan ang ating General Manager dito sa PTV, si GM Kat de Castro. Happy birthday, Kat de Castro!

I’ll see you all tomorrow. USec. Rocky, take it away.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat din po, Secretary Martin. At siyempre, Happy birthday, GM Kat de Castro!

Binisita naman ng outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan ang mga nasunugan kamakailan sa Cagayan de Oro City. Nangako rin ang Senador na ipagpapatuloy ang serbisyo sakaling mahalal bilang bise presidente. Narito ang report.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, kahapon ay nakapagtala ang Department of Health ng 6,930 na dagdag ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa. Iyan na po ang pinakamababang naitala ng Kagawaran sa nakalipas na dalawang buwan. Dahil diyan umabot na sa 2,720,368 ang lahat ng nagkasakit ng COVID sa Pilipinas, 10,237 naman ang mga bagong gumaling o suma total na 2, 598,052 recoveries. Pumalo naman sa 40,675 ang mga nasawi, matapos itong madagdagan ng 95. Sa kasalukuyan 3% ng total cases ang nanatili pa ring aktibo o katumbas ng 81,641 na individual.

Ikinatuwa po ng maraming sector ang pagbaba sa Alert Level 3 ng Metro Manila lalo na ang industriyang higit isang taon na pong pinadapa ng pandemya. Pero sa kabila ng mga positibong reaksiyon, may ilan naman pong nagpahayag ng pagkabahala dahil sa possible umanong dala nitong panganib sa kalusugan ng bawat isa. Alamin po natin ang reaksiyon ng DOH Technical Advisory Group member Dr. Edsel Salvaña sa usapin iyan. Good morning po, Doc.

DR. SALVAÑA: Good morning, USec. Rocky. Good morning sa lahat ng tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Doc, unahin ko po itong tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News. Doc, as a health expert, how do you feel about the way people flock to public places and in some instances, disregarded basic health protocols on the first weekend of Alert Level 3?

DR. SALVAÑA: Well, USec. Rocky, important talaga that we stick to our health protocols. Ang understanding naman natin dito is magbaba tayo ng alert level dahil medyo nakakahinga na nang kaunti, ngunit madaling bumalik iyan kung hindi po tayo mag-iingat. Iyong pinakamalaking insurance talaga natin dito is iyong mataas na rate ng pagbabakuna dito sa NCR. Ngunit alam naman natin na ang nagsi-circulate na strain talaga dito sa ating bansa ay Delta na. So kailangan po talaga ibalanse natin; habang nagbubukas tayo ay kinakailangan tuluy-tuloy pa rin iyong ating minimum public health standards at kung hindi pa po kayo nababakunahan, magpabakuna na po kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pahabol pa rin pong tanong ni Ivan Mayrina ng GMA: What would be your suggestion or input on face-to-face campaigning?

DR. SALVAÑA:In general, siguro, USec. Rocky, kung maiiwasan natin iyong mga potential super spreader events lalo na kung maramihan talaga iyong mga tao, iwasan muna natin.  Kasi bagama’t ibinaba natin from Alert Level 4, nasa Alert Level 3 pa rin tayo. Ibig sabihin, wala pa tayo doon sa level na puwede po talaga nating sabihin na hindi tataas iyan o hindi pa madaling biglang umakyat dahil, na magkaroon po tayo ng super-spreader events.

Hindi pa po tayo dapat masyado tayong relaxed at this time and iwasan po natin iyong mga activities that can potentially turn into super-spreader events.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Red Mendoza ng Manila Times:  Ngayong nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila, sa tingin daw po ba ninyo enough ang mga gagawing safety protocols ng mga spaces na tulad ng sinehan, convention center at mga lugar kung saan maaaring mag-congregate ng mga tao? Sinasabi po ng mga cinema owners na safe naman daw po ang mga sinehan base rin sa mga pagbubukas na ginawa sa ibang mga bansa.

DR. SALVAÑA: Well, USec. Rocky, pinag-aaralan naman natin ito nang todo. Of course, dahan-dahan po talaga natin itong ginagawa. Unang-una, we require na lahat ng manunood ng sine ay dapat bakunado po talaga. Hindi puwedeng manood ng sine ang taong hindi pa nabakunahan.

Pangalawa, kailangan minimum public health standard at hindi pa po papayagang kumain ng popcorn or uminom ng mga soft drinks sa ating theaters po.  So, we are trying to balance po itong ating mga activities, while seeing if it remains safe. Pero ang pinakaimportante po talaga, dapat bakunado lahat ng nasa tinatawag na 3Cs na indoor activities, kasama diyan iyong restaurants at ito na nga iyong ating theaters kinakailangan po talaga we have to stick to the minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Doc. Edsel, ano po ang reaksiyon ninyo sa sinabi ni Dr. Tony Leachon sa posibleng resurgence daw po or rebound ng COVID cases dito sa Metro Manila dahil sa pagpapatupad ng Alert Level 3?

DR. SALVAÑA: Well, USec. Rocky, every time naman natin ini-ease itong ating mga restrictions at tumataas po ang mobility and there is really is a higher chance for the virus na makapag-spread. Pero puwede po natin itong mapigilan sa pamamagitan ng adhering to our minimum public health standards at dahil mataas na rin iyong antas ng pagbabakuna, mas mababa ang tiyansa na magkaroon ng severe disease kung mahawa man ang isang tao at kinakailangan po talaga nating dahan-dahan. We have to live with this virus eh, hindi na lang po talaga puwedeng lockdown tayo nang lockdown dahil magugutom po iyong ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, totoo po bang nasa 49,000 pa lang ang testing capacity natin sa ngayon at ito po ba ay mababa pa?

DR. SALVAÑA: In terms of the total capacity? Kaya naman actually natin, umaabot tayo 70,000 plus. Actually alam ko, kung surge capacity po talaga for testing, kaya po natin up to a 100,000 a day. Pero ang question lang naman diyan is ano po iyong demand for the testing. And kapag nakikita po natin, siyempre ang tine-test po natin iyong mga mayroong sintomas, iyong mga mayroon pong exposure. Hindi po natin tine-test iyong walang exposure, walang sintomas dahil mababa po iyong yield noon. And even if you do that, there is a chance na mag-false negative. Ibig sabihin mayroon siyang COVID, pero hindi siya magpa-positive sa RT-PCR. So iyong paggamit po ng test judiciously is important. Ad important po talaga tinitingnan natin, kahit kumukonti iyong number of tests na ginagawa in a day because of decreased demand, alam naman po natin na bumababa talaga iyong number of people na positive dahil iyong ating positivity rate ay bumababa din at the same time.

Kasi kung kulang iyong tests pero mataas pa rin iyong positivity rate, alam natin na kulang iyong ginagawa nating testing. Pero kung mababa iyong number of tests per day tapos bumabagsak pa rin iyong ating positivity rate, ibig sabihin kumukonti po talaga iyong mayroong positive na COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, ayon pa rin po kay Dr. Leachon dapat daw po at least ay nasa 100,000 na rin ang testing capacity natin lalo’t nag-ease tayo into Alert Level 3. So, ano pa po ang efforts na ginagawa ng ating pamahalaan para palakasin pa ang testing dito sa Pilipinas? Pero iyong na-explain ninyo nga po iyong sa positivity rate kung bumababa rin naman po.

DR. SALVAÑA:Yes po. Actually, kaya naman natin mag-hundred thousand in terms of capacity kung kinakailangan pero kung hindi kinakailangan bakit naman po tayo magti-test nang walang exposure, nang walang sintomas?

Kasi alam naman natin ang tests natin are not perfect and so kung hindi natin sila gamitin nang maayos lalo na doon sa low risk, mataas rin po iyong tinatawag natin na false negative rate dahil kung masyado mong maaga i-test ang isang tao kahit may exposure sila, maaaring negative iyan pero actually may COVID sila.

So, judicious testing po ang kinakailangang para ma-maximize po natin iyong use ng ating test and at the same time, useful po iyong data na nakukuha po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, sa ngayon po ba ay masasabi well-adjusted na ang bawat LGU at maganda na po iyong pagpapatupad ng PDITR strategy?

DR. SALVAÑA:Well, USec. Rocky, we can always improve ‘no pero maganda nga talaga iyong naipakita lalo na dito sa NCR. Nakita naman natin iyong tinatawag natin na time from nagkaroon ng—nahawa iyong isang tao to the time na mahahanap natin sila and ma-isolate, umikli po talaga iyon.

And the granular lockdowns really helped this kasi mas nakatutok po iyong mga LGUs kaysa iyong medyo—kung sobrang dami nao-overwhelm sila. But now that nakatutok po talaga tayo sa granular lockdowns, mas mabilis po nating naa-isolate iyong mga taong nagkakaroon ng COVID.

USEC. IGNACIO: Doc Edsel, pero masasabi na po ba nating naging successful ang pilot implementation na ito ng Alert Level System sa Metro Manila? Ngayong one month pa lang po ng Alert Level 4 ay nakapag-downgrade agad tayo sa Alert Level 3?

DR. SALVAÑA:Well, for me, USec. Rocky, the preliminary assessment is mukhang okay naman po talaga siya pero of course alam naman talaga nating may delay in the effects of iyong mga ginagawa natin. Actually, a lot of this iyong pagbagsak ng number of cases is due to the fact that we lockdown early noong August kasi it takes a while for the hospitals to get decongested eh.

Pero the fact na hindi naman natin nakita na tumataas siya ulit and it’s almost been a month nga, I think na it’s very, very encouraging iyong nakikita po natin and kung maipagpapatuloy po natin ito at bumaba pa lalo iyong mga hospital utilization and other metrics baka mas makapagpababa pa tayo lalung-lalo na sa Pasko baka maka-Level 2 na po tayo as long as tuloy-tuloy po iyong paggamit natin ng ating minimum public health standards at iyong pagbabakuna sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Doc Edsel, sinabi ninyo nga mukhang maganda nga po ang resulta nitong implementasyon pero kailan po kaya posibleng palawigin itong Alert Level System sa iba pang lugar sa Pilipinas? Sinabi naman po ni Vaccine Czar Secretary Galvez na may sobra-sobra naman pong supply ng bakuna hindi po ba?

DR. SALVAÑA:Yes po. Actually, iyong pag-start po ng ating mga other pilot areas, pinag-uusapan na po sa IATF, hintayin lang po natin iyong mga anunsiyo which areas these are. Pero mukhang there are place naman lalo na iyong mataas na iyong level ng pagbabakuna na more or less we can try to [unclear] transition to this granular lockdowns kasi alam naman po natin mabigat talaga ang epekto ng ating widespread lockdowns sa ating ekonomiya.

And natutuwa nga ako, sabi nga ni Secretary Galvez, mukhang iyong supply ng vaccines natin is getting better and I think that iyong uptick will also increase now that we are requiring like iyong mga sa restaurants dapat bakunado po talaga at dahil nakakahinga na rin po iyong ating health care workers. Dahil ang problema, iyong mga health care workers na nag-aalaga ng mga tao sa ospital sila iyong nagbabakuna. So, kung maraming pasyente sa ospital, bumabagal din po iyong vaccination program natin dahil walang tao.

So, now that mukhang dahan-dahan gumaganda naman iyong ating health care utilization, we can use this manpower to better—to improve our vaccination rate po.

USEC. IGNACIO: Kunin ko na lang din po iyong reaksiyon ninyo, Doc. Edsel, dito sa recent survey na ginawa ng SWS na nagsasabing 9 out of 10 Filipinos daw po ang natatakot na mahawaan ng COVID at naniniwalang worst is yet to come pagdating sa pandemya? So, ano po ang masasabi ninyo dito?

DR. SALVAÑA: Well, USec. Rocky ang alam ko kasi, iyong nagsarado ng tayo ng August, nakakatakot po talaga iyong projections natin. We were looking at more than 200,000 active cases in NCR alone. Pero iyon nga, dahil nagawa natin early lockdown at iyong mabilis na pag-vaccinate, mukhang bumaba naman po. I think that based on, ang pinapakita ngayon, mukhang hopefully tuluy-tuloy na iyong pagbaba na ito; but of course, puwedeng magkaroon ng bagong variant, puwedeng magkaroon ng super-spreader events. So, ako cautiously optimistic, I think we have passed that peak and hopefully tuluy-tuloy na ito as long as walang bagong variant and tuluy-tuloy po iyong vaccination program na, I think we can look forward for a happier Christmas po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa palagay po ba ninyo, ito ay good thing o bad thing pagdating sa pagsunod ng tao sa COVID-19 response ng pamahalaan, halimbawa po, sa minimum health protocol o kaya sa pagbabakuna? Nagri-reflect ba ang takot nila sa bilang ng mga nagpapabakuna at sa pagsusuot ng face mask at face shield?

DR. SALVAÑA: Well, that’s loaded question, mahirap po talaga lalo na—kasi alam naman natin pagod na talaga lahat ang mga tao sa pagsuot po ng mask, ng mga minimum public health standards. Bagama’t nakita rin natin iyong problema na iyon noong nagkaroon tayo ng spikes of cases noong last March and April. Kasi parang hindi na ganoon kasing kaganda iyong compliance.

Pero ngayon, I think nakita naman ng mga tao, ang taas po talaga iyong naabot na number of cases dito sa Delta. kinakailangan po talaga tuluy-tuloy iyong pag-iingat. Pero like I said, one big insurance policy we have is pataas na ng pataas iyong ating vaccination rate dito sa NCR, lampas 80% na po iyong ating fully vaccinated population. Hopefully that even improves towards the end of October and towards Christmas po.

So, I think, if everything goes according to plan, walang bagong variant na lumabas, hopefully tuluy-tuloy na po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Edsel, may pahabol pong tanong si Red Mendoza ng Manila Times: Ano ang ibig sabihin daw po ng additional dosing sa recommendation ng WHO? Ano daw po ang magiging immunological basis para sa additional dosing sa mga nakatanggap ng Sinovac or Sinopharm vaccine? Nami-measure po ba ang hindi pagbuo ng antibody sa mga nabakunahan na mga vaccine na ito?

DR. SALVAÑA: Yes, USec. Rocky. Actually, kumplikadong pag-uusap po talaga iyan. In-explain ko na iyan sa mahahabang Facebook post at aking column sa Manila Bulletin. Pero mayroon po kasi talagang subset ng mga pasyente lalo na iyong mga immunocompromised at iyong matatanda above 60 years old that will probably need a third dose, hindi po booster, pangatlong dose noong vaccine series para mas maganda po talaga iyong primary protection nila.

Iyong sa general population kaya na po usually iyong two doses. Bagama’t ito ay pinag-aaralan pa lang, maglalabas po talaga ang SAGE [Strategic Advisory Group of Experts on Immunization] ng formal advice hopefully in November at ito po sinusubaybayan ng lahat at hindi lang po sa Sinovac at sa Sinopharm. Lahat po ng bakuna, kita naman natin nag-o-offer na po sila ng third dose ng Pfizer sa US at ngayon mukhang Moderna ganoon rin po. So pero hindi po lahat, hindi po general population.

Tuluy-tuloy po iyong ating pag-aaral. Iba po iyong third dose. Ibig sabihin pang iyong sa Hepatitis B, three doses po talaga iyong vaccination niyan. Iba po iyong booster na alam mong protektado ka na, pero susubukan mong bigyan nang mas mataas na proteksiyon, bagama’t hindi pa klaro how much more protection you will get with the booster.

Pero uunahin po talaga natin iyong mga nakakatanda, iyong immunocompromised dahil baka mas maganda po ang proteksiyon kung tatlong doses po talaga iyong ibibigay natin sa kanila versus iyong dalawang doses lang na karapat-dapat sa general population.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa pagpapaunlak sa main ngayong umaga, Dr. Edsel Salvaña mula po sa DOH Technical Advisory Group. Salamat po, Doc.

DR. SALVAÑA: Maraming salamat, USec. Roque. Stay safe po.

USEC. IGNACIO: Pinangunahan po ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kasama si Senator Bong Go ang paggunita sa ikaapat na taong anibersaryo ng paglaya ng lungsod sa Marawi mula sa kamay ng Maute group noong 2017. Pinapurihan naman ng Pangulo ang rehabilitation project ng Task Force Bangon Marawi sa Lungsod. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kaugnay nga po niyan, kumustahin po natin ang mga proyektong ginagawa sa lungsod. Makakausap po natin si BARMM Member of Parliament Zia Alonto Adiong. Magandang umaga po sa inyo.

Babalikan po natin si member of Parliament Zia Alonto Adiong, diyan lang po kayo magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan sa bansa hatid po ni John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Mogol. Kaugnay nga po ng rehabilitation project na ginagawa sa Marawi, balikan natin si BARMM Member of Parliament Zia Alonto Adiong. Magandang umaga po sa inyo.

BARMM MEMBER OF PARLIAMENT ADIONG: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa mga tagasubaybay ng programa ninyo.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir, kumusta po ang bayan ng Marawi apat na taon matapos po iyong naging malagim na engkuwentro doon sa pagitan ng mga sundalo at Maute Terrorist Group?

BARMM MEMBER OF PARLIAMENT ADIONG: Usec., [garbled] Marawi liberation [garbled] Pangulo pati na rin po iyong mga sektor ng kaniyang Gabinete. Pinangunahan po ito [garbled] nagkaroon po ng wreath laying [garbled] para magbigay-pugay at respeto doon sa mga fallen soldiers, iyong [garbled] liberate ang ating [garbled]. And [garbled] iyong kanilang operation [garbled] local businessmen to market their products, itong mga IDPs na ito. And then, iyong sa hapon nga, dumating ang ating [garbled] unveiling of [garbled]. Ito po iyong simbolo ng [garbled] Marawi because [garbled] priority na ang i-rehabilitate una, apart from the ongoing infrastructure ng mga public [garbled], iyong mga mosque at iyong nasira nga diyan sa most affected areas [garbled] collective identity ng mga Maranao dahil alam po natin masyado pong deep ang kanilang religious pride [garbled]… isa po iyan sa nasira noong kasagsagan po ng giyera.

And we are very happy that finally, nakita po natin iyong paunti-unting bumabalik po ang sigla ng mga tao dito sa Marawi, lalung-lalo nga po iyong ating mga [unclear] sa most affected area. And during the unveiling of the marker, we were graced by the presence of [garbled].

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir Adiong, sa ngayon po ba ay nasaan na tayo as far as the Marawi rehabilitation ano po? Ilang porsiyento na po iyong na-accomplish?

BARMM MEMBER OF PARLIAMENT ADIONG: In terms of the infrastructure development and progress ‘no, kasi nga [garbled] diyan sa most affected area. [Garbled] nagkaroon ng mga ribbon cutting ng mga [garbled] para diyan [garbled] barangays. [Garbled] natin iyong widening of roads and iyong pag-construct po ng [unclear] Grand Market [unclear], tinatawag na [unclear] pati na rin po iyong sa Rizal Park. According to the [garbled] Task Force Marawi [garbled] doon sa 80 t0 85%.

Now, yesterday, we were assured by no less than Secretary Del Rosario that before the end of the President’s term, they will be able to fully repair or rehabilitate or rebuild those damages. Ang medyo [garbled] lang sa atin, Usec. Rocky, ay iyong mga private ‘no, iyong mga private establishment and structure tulad ng mga private na mga bahay. Pasalamat tayo dahil [garbled] iyong compensation bill. In fact, the compensation bill was already approved on third and final reading sa Lower House, and we are now waiting for the Senate to [unclear] and approve their own version.

So still, magandang pangitain ito dahil the compensation bill will be [unclear] primarily for those families whose houses and properties were damaged.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Adiong, mayroon lang pong tanong sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano na po iyong update daw sa pag-craft ng Bangsamoro Electoral Code or BLC? May timeline po kaya kung kailan ito matatapos?

BARMM MEMBER OF PARLIAMENT ADIONG: Nasa [garbled]. In fact [garbled] katulad po noong local government code, kasi tatlo po iyong hindi pa [garbled] labing-anim iyong mga primary [garbled]. Iyong isa, iyong local government code ay nasa komite na and this [garbled] consultation because [garbled] para maihain natin [garbled]

USEC. IGNACIO: Sir Adiong, hindi po maganda ang ating linya ng komunikasyon sa inyo ‘no. Ita-try po namin kayong balikan sa mga susunod po nating programa. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagsama sa amin, BARMM Member of Parliament Zia Alonto Adiong. Mabuhay po kayo!

Samantala sa Davao Region, hindi na sasailalim sa facility-based quarantine ang mga foreign nationals at mga Pinoy na galing sa green list countries na lalapag sa Davao City International Airport. May report si Jay Lagang ng PTV Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa. Mga kababayan, 68 days na lamang po, Pasko na. Hanggang bukas pong muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)