Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky. Tuluy-tuloy ang ating balitaan ngayong umagang ito sa Public Briefing #LagingHandaPH. Good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. At ngayong umaga po ay aalamin natin ilan na ba ang nabakunahan sa bansa at kung kailangan bang magkaroon ng third booster shot ng bakuna. Kumustahin din natin ang repatriation efforts ng pamahalaan para sa mga kababayan natin na stranded po sa ibang bansa dulot ng pandemya.

SEC. ANDANAR: Okay. Iyan at iba pang usapin dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Para sa una nating balita: Ika-128 Malasakit Center sa bansa binuksan sa Lianga, Surigao del Sur. Senador Go hiniling sa mga ospital na ipagkaloob ang lahat ng posibleng tulong medikal sa mga mahihirap at kapus-palad na pasyente. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Ngayong nasa ikatatlong quarter na tayo ng taong 2021, malapit na nga kaya nating makamit ang population protection laban sa COVID-19, alamin natin ang pinakahuling bilang ng mga nabakunahan sa bansa kasama ang hepe ng National Vaccination Operations Center, Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po sa inyo, Undersecretary.

DOH USEC. CABOTAJE:  Magandang umaga, Secretary Martin, at lahat ng nanunood sa inyo.

Mayroon po kaming presentation kung ilan na po iyong ating nabakunahan. So if they can flash the slide, nasa 13 million na po ang ating nabakunahan both first and second doses. Itong slide na ito ay nagpapakita na kahit limitado ang dumating na vaccine [garbled], marami pa rin po iyong ating nabakunahan.

So noong Friday po ay naka-213 tayo; noong Sabado, 239,000; tapos noong Linggo po ay 179. Ang atin pong objective kapag madami-dami na iyong bakuna, end of July and August, if we can reach 200 to 300,000 jabs per day.

So the next slide will tell us, Secretary Martin, iyong more granular data. So out of the 13.1 million na nabakunahan ng COVID-19 vaccine, 9.6 million na po ang first dose niyan at 3.5 million and second doses po. Doon sa priority A1, ito po iyong ating mga healthcare workers or mga workers in frontline health services, naka-1.5 million out of the targeted 1.6. So mga nasa 96% na po tayo, iyong mga nalista natin, master listed as of May 31.

Nag-expand po tayo ng A1. So iyong mga bagong hire, iyong mga bagong intern, iyong mga bagong clerk, nilagay po natin sa expanded A1. Tapos sa utos po ng ating Pangulo, iyong ating OFWs, tapos iyong mga family ng ating healthcare workers, kasama sa expanded A1. So mayroon na po tayong nabakunahang 209,000.

Tapos dito po sa senior citizens, iyong ating Group A2, mayroon tayong 2.6 million po na first doses. This accounts to 30.97% or 31% of our target eight million po na senior citizen.

Tapos mayroon na pong nabakunahan tayong with comorbidities na 3.2 million. Iyong ating frontline personnel, iyong essential sector, 1.6 million po. Tapos iyong A5 natin, iyong poor and indigent population, may 307,000 na po ang ating first dose.

Iyan lang po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa update, Undersecretary. Sa ngayon ba ay naabot na natin ang target na 90% ng mga nasa A1 priority sector nitong nagdaan na buwan ng Hunyo?

DOH USEC. CABOTAJE:  Opo, Secretary Martin. We’re happy to announce na based on the master listed number, nag-deadline po tayo nang May 31, 96% na po ang nabakunahan ng first dose, tapos 72% na po ang second dose.

Iyong mga bago, na bagong hire, tapos iyong mga bagong interns and clerks, idadagdag na lang po natin sa priority group expanded A1 po.

SEC. ANDANAR: Ngayong July ay ang A2 o mga senior citizen naman ang target na mabakunahan at least 90% ng kanilang populasyon. Pero nananatiling kakaunti po ang nagpapabakuna sa sektor na ito kumpara sa ibang mga priority list. Ano pong ginagawa ng DOH ngayon para maabot at makumbinsi ang ating mga senior citizen na magpabakuna na?

DOH USEC. CABOTAJE: Tama ka, Sec. Martin, mga 30% pa lang po ang ating nabakunahan na senior citizen. Ang ginagawa po ng Kagawaran ng Kalusugan, katuwang po ang mga lokal na pamahalaan at ang ating mga private sector, iyong tinatawag nating Tutok sa A2.

So, nagkaroon na po ng mga Town Hall meetings para maibahagi ang importansiya ng ating pagbabakuna ng senior citizen. Nagha-house to house na po iyong ibang mga local government units; iyong iba pa nga po ay nagbabakuna din sa mga bedridden sa kani-kanilang mga bahay; tapos together with DILG ipinapamadali natin, we are making the registration easier through the barangay officials para hindi mahirapan iyong ating mga senior citizen na magpa-register; may mga special lanes, Sec. Martin, kung maaalala ninyo ‘no. So, while we have opened A4, may fast lanes po tayo ng A1, A2 and A3.

Tapos po, alam naman natin na may darating na J&J vaccination. Ang direktiba po ng ating Vaccine Czar Secretary Galvez, itutok din iyong pagbigay ng J&J, kasi one dose lang ito, sa ating mga senior citizen/group A2 po.

SEC. ANDANAR: Tama po ba, Undersecretary, na ngayong linggo, iyon nga nabanggit ninyo na J&J vaccines, ito po ba ay galing sa Covax? Kung 3.2 million doses ang darating ibig sabihin ay 3.2 million din po ang mababakunahan dahil single dose vaccine lang ito? Saang priority sector po ilalaan ito ulit, Undersecretary?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Sec. Martin, July 19 po ang schedule ng dating. Ito po ay donation ng US Government through COVAX. So, tama po kayo, ang priority natin ay A2 karamihan niyan at A3. Kaya po iyong ating pag-a-allocate ay depende sa dami ng mga hindi pa nabakunahang mga A2 at mga A3.

Ang direktiba po ng ating Vaccine Czar, lahat ng regions – kasi sabi nga natin mababa pa iyong vaccination ng A2 – 100,000 per region, tapos iyong diperensiya dadagdagan natin based on the number of still to be vaccinated A2 and A3. At saka tama kayo, Sec. Martin, one dose lang ito, so, very convenient sa ating mga senior citizen at iyong mga iba nating kababayan na nasa mga malalayong lugar.

SEC. ANDANAR: Usec., kung ikukumpara po sa ibang rehiyon ay nananatiling pinakamababa ang vaccination rate sa BARMM. Ano na po ang napagkasunduan ng DOH at ng BARMM para tugunan ang problema sa logistics?

DOH USEC. CABOTAJE: Marami po tayong challenges sa BARMM, Secretary Martin, lalung-lalo na iyong tinatawag nating cold chain management. So, nakikipagtalastasan tayo sa BARMM kasama po ng ating mga development partners like UNICEF, magtatayo po ng depot, iyong tinatawag na hub sa Zamboanga para iyong mga bakuna ng Basilan, Sulu and Tawi-Tawi ay dumiretso na doon at saka idi-deploy sa tatlong areas na ito.

Kasi dati nakikipag-refrigerate sila sa cold room ng Zamboanga – Region IX, kaya lang sa dami sa dami na rin ng bakunang dumadating sa Region IX kasama po iyong COVID-19 at saka iyong regular vaccine, hindi na kakayanin. So, iyan po.

Ang isa pang ginagawa natin ay tinitingnan natin kung paano maidiretso, pagdating sa Zamboanga, idiretso na sa Basilan, Sulu and Tawi-Tawi. Pero alam naman natin Secretary Martin, hindi basta-basta naglalagay sa Sulu kasi depende iyan sa flight ng eroplano, depende iyan sa sea conditions tapos kailangan ding angkop ang ating cold chain. So, tinutugunan po natin ito.

Tapos may bago tayong focus, kabibigay lang po ng ating Secretary Galvez, na mag-concentrate po tayo especially Sulu and Tawi-Tawi kasi these are porous border from Malaysia and Indonesia with the new Delta variant. Kaya po paiigtingin natin iyong pakikipagkoordinasyon sa ating BARMM para mabigyan nang mas marami at mas makapag-jab nang mas mabilis ang ating BARMM especially the BASULTA area.

SEC. ANDANAR: Undersecretary, ngayong pinayagan na rin po ang paglabas ng mga batang limang taong gulang pataas, nalalapit na rin po ba ang pagbabakuna sa kanila?

DOH USEC. CABOTAJE: The experts are discussing this. As of now, 18 years and above lang po ang ating polisiya. Pero kapag lumabas na po iyong mga pag-aaral sa ibang bansa at mayroon na ring magsisimulang mga pag-aaral dito sa ating bansa at mag-uusap-usap muli para iyong polisiya ng bibigyan natin noong mga below 18 years old ay mapag-aralan at mapaghandaan, lalung-lalo na po kailangan din po natin ng mas marami pang bakuna kung babakunahan po natin iyong mga below 18 years old.

SEC. ANDANAR: Ano pong reaksiyon ninyo sa posible na third dose ng Pfizer vaccines? Posible rin po bang gawin ito dito sa Pilipinas?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, Secretary Martin, pinag-aaralan din iyan ng ating mga eksperto. This is led by the Department of Science and Technology through our Vaccine Expert Panel.

Maliban po sa mga pag-aaral sa abroad, may tinitingnan din kung puwede nang magbigay ng third dose, iyong tinatawag natin na booster shot. So, naghahanda na po iyong ating Vaccine Cluster na mag-purchase ng additional towards the end of the year kung kinakailangan na pong mag-third dose or mag-booster shot po.

SEC. ANDANAR: Puntahan po natin ang mga tanong ng mga kasamahan natin sa media. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Good morning, Usec. Ito po ay galing kay Vivienne Gulla ng ABS-CBN, ito po ang tanong niya: May we get an update daw po sa deployment ng AstraZeneca and Sputnik V COVID vaccine na dumating po last week? Ilan daw po ang na-deploy na at paano po ang magiging hatian ng LGUs dito sa more than three million COVID vaccine doses?

DOH USEC. CABOTAJE: Iyong initial po na one million AstraZeneca donation po ng Japanese Government, karamihan po iyan sa NCR + 8 kasi sila pa rin ang focus at saka alam naman natin the last two weeks wala po tayong nakuhang mga bakuna.

Iyong two million ng COVAX po, ang 1.5 million niyan ay nakalaan para sa second dose ng buong Pilipinas, so idi-distribute. So, may naiiwan na lang po tayong mga 500,000 doses, ito po ay ibibigay din based on priority, good for two doses.

Iyong Sputnik V naman po, to reassure iyong mga nabigyan po ng 50,000 doses initially na first dose, dumating na po iyong inyong mga second dose. So may mga 120,000 naka-split iyan kung kailan dadating na first doses. idi-deploy po ito kasi medyo maselan iyong kaniyang cold chain, iyong kaniyang temperature kasi -180 ang kailangan niya. Tapos, pati iyong pag-administer, it will be limited to those who have the ultra-low freezer or may mga -180 na paglalagyan nito, tapos iyong mga na-training na. So, naka-concentrate pa rin sa NCR + 8 pero may mga iba-ibang areas na tayo na pinagbigyan nitong Sputnik V.

SEC. ANDANAR: Ilan pa pong doses ng bakuna at mula po sa anong kumpaniya ang inaasahan nating darating sa bansa ngayong July?

DOH USEC. CABOTAJE: Ayon po sa datos ng ating Vaccine Cluster through our Vaccine Czar, aside from the 1 million—iyong 3 million na po na galing sa COVAX at saka sa Japanese na AstraZeneca tapos iyong 170,000 na Sputnik V nang pang-first dose—ah second dose, ito po iyong nabanggit ko kanina, Secretary Martin, iyong dadating sa July 19 na 3.2 million na J&J, one dose iyan. Tapos may mga 6 million tayo na Sinovac at various stages – July 14, July 17, July 24, July 30 to 31. Tapos po kasama iyong ating Pfizer na 562,000 doses arriving in July 19 tapos another on July 26, 375,000. So sumatotal, about 16 million ang dadating this July kasama na po iyong mga dumating, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Maraming salamat po, mabuhay po kayo!

DOH USEC. CABOTAJE: Maraming salamat din po. Magandang umaga!

SEC. ANDANAR: Good morning. At hanggang dito na lang po muna ang pagsasaluhang nating balita at talakayan. Makakasama ninyo pong muli ang inyong lingkod sa susunod na araw. Si Usec. Rocky muna ang magti-take over. Please go ahead, partner.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Samantala, sa pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa:

  • Muling nadagdagan ng 5,916 ang mga nagpositibo sa sakit dito sa Pilipinas kaya sa kabuuan, umabot na ito sa 1,473,025 total cases.
  • 1,397,403 naman ang lahat ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 6,127 kahapon.
  • Isandaan at lima naman ang mga nasawi o sumatotal na 25,921 deaths.
  • Sa kasalukuyan ay nasa 49,701 naman ang mga kasong nananatiling aktibo sa bansa.

Isinusulong ng kilalang biopharmaceutical company na Pfizer ang pagkakaroon ng ikatlong booster shot ng COVID-19 vaccine para sa mga nakakumpleto na ng unang at ikalawang dose. Pero ang mga eksperto mula mismo sa America hindi pa kumbinsido kung ito po ay tama or—na kailangan itong gawin.

Ano nga ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng booster shot at paano ito makatutulong para tuluyan nang matapos ang pandemyang dulot ng COVID-19, para pag-usapan iyan, makakausap po natin si Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination. Good morning po.

Okay, babalikan po natin si Dr. Lulu Bravo. Mamaya pag-uusapan rin po natin iyan.

Nagpapatuloy po ang pagpapatupad ng travel ban ng ating pamahalaan sa mga biyaherong magmumula po sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates. Ito po ay para masigurong mapipigilan din ang pagpasok at pagkalat nang mas nakakahawang Delta variant sa Pilipinas.

Nagpapatuloy naman ang repatriation efforts ng pamahalaan para tulungang makauwi ang mga OFW na nais magbalik-bansa sa kabila ng travel restrictions, kaugnay niyan, makakausap po natin si OWWA Administrator, Attorney Hans Leo Cacdac. Good morning po, Attorney.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: [Off mic] Usec., at sa inyong mga tagasubaybay. Good morning din po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa ngayon po ay ilan na po iyong total, iyong total ng napauwi nating mga Filipino through repatriation flights mula sa mga bansang kabilang sa travel ban?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. As of today, the beginning of today, Usec., ay mayroon na tayong 612,000 – 612,000 mula May 2020 na napauwi sa kani-kanilang mga home regions—I’m sorry, 612,000.

USEC. IGNACIO: Opo. Marami pa rin po ba iyong mga naghihintay na ma-repatriate hanggang ngayon? At kung mayroon po, kailan po iyong susunod?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. Higit-kumulang may mga around 70 to 80 thousand na inaasahan tayo na kailangang umuwi gawa noong sitwasyon sa COVID. Pero hindi pa natin nabibilang diyan iyong mga regular na kailangan umuwi whether or not may COVID gawa noong bakasyon. So kung ganiyang ang sitwasyon, aakyat ng mga 100 to 130 thousand, kasama na diyan iyong mga kailangang magbakasyon o ‘di kaya may emergency situation dito sa Pilipinas, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po ba sa flight hanggang sa quarantine accommodation nila ay sagot pa rin po ba ng pamahalaan, Attorney?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, iyan ang malinaw na ipinag-utos ng ating mahal na Pangulo simula’t sapul noong March 2020 noong nagkaroon na ng national emergency patungkol sa pandemya. So iyon pong ‘pag kanilang—mula pa ng arrival, siyempre mayroon silang pagkain, bibigyan natin sila dahil gutom sila mula sa flight. Dadalhin sila sa hotel quarantine facility, lalagi sila doon nang hanggang sampung araw. May swab test ng ikapitong araw at kung negative lalabas sila para na makauwi sa kani-kanilang LGUs. At may transportation doon by land through PITX kung taga-Luzon at mayroon namang by air kung sila nama’y taga-Visayas/Mindanao through NAIA 2. May mga OWWA-chartered buses and flights sa mga sitwasyon na iyan.

Of course, I need to say na joint inter-agency effort ito – DFA, DOTr, CAAP, PCG, LTFRB, DOH, BOQ, DND, DILG, PNP and AFP. So iyong buong proseso na dinescribe ko, Usec., libre po iyan para sa mga OFWs – swab testing, food, transport, accommodation – lahat po libre para sa ating mahal na OFWs ayon sa pinag-utos ng ating mahal na Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero saan po daw natin hinuhugot ngayon iyong pondo para sa special commercial flights? Nabanggit ninyo din po dati na kinakapos po ang budget ng OWWA dito pa lang sa pagbabayad ng quarantine facilities.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Yes. Ang pinagkukunan na ho natin ng pondo, nagkaroon na tayo ng replenishment may isang buwan na ang nakalipas. Salamat kay Sec. Wendel Avisado, humiling si Secretary Bello sa national government through Sec. Wendel nang karagdagang pondo. So may 5.2 billion po approved ni President Duterte through the DBM so laking pasasalamat po natin dito. And asahan natin mga bandang September to hanggang—so we’re good until mga September and then after September, hihiling na naman tayo ng pondo. Actually, baka ngayong panahon pa lamang magbibigay na tayo ng senyales sa DBM patungkol sa pangangailangan ng pondo nang bandang katapusan ng 3rd quarter o simula ng 4th quarter ng taon na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ilang araw daw po sila expected na mag-stay pa rin sa quarantine hotels nila bago mapauwi sa kani-kanilang pamilya?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Okay. General ay 10 days, iyong nabanggit ko 7th day may swab test and then release on the 10th day kung negative ang PCR test result. Ngayon through IATF Resolutions 1 to 3C at 1 to 4A ay mayroon nang special 7-day quarantine protocol for those who are fully vaccinated in 57 green listed countries. So ang listahan po ng green listed countries ay nasa DOH website at nasa OWWA website din so tingnan na lang po. Kabilang dito halimbawa ang Singapore, Israel, Brunei at Hong Kong kabilang sa mga bansa o destination ng ating mga OFWs.

Kapag galing dito ang OFW at fully vaccinated – 7 days ho imbes na 10 days pero mayroon pong POLO, Philippine Overseas Labor Office validation ng mga vaccine documents or records. So pumunta lang po sa inyong mga respective Philippine Overseas Labor Offices at magkaroon din ng registration doon para ma-validate ng POLO ang inyong vaccination document at once validated ng POLO iyong vaccination document, tatanggapin na po iyan ng Bureau of Quarantine dito sa Pilipinas para maging 7 days po ang inyong quarantine protocol instead of 10 days.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, sa mga napauwi po ba ay may mga fully vaccinated na?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, sa ngayon mayroon na rin ano, mayroon na rin, Usec. To give you an idea ay higit-kumulang ay may mga isandaan na, isandaan na naka-avail nitong 7-day quarantine protocol and counting, and counting. Kasi nga itong ating quarantine protocol ay para sa mga—those in the 57 green listed countries and counting kasi sigurado tayo na madadagdagan pa itong green listed countries na ‘to. By the way ang batayan kung paano mapasok sa green listed countries ay iyong DOH na sukatan which is mainly iyong COVID-19 incidents ng mga bansang iyon.

So DOH po ang nagtatala ng mga bansang green listed na tinatawag para maging 7 days lamang ang quarantine protocol for fully vaccinated returning OFWs.

USEC. IGNACIO: Pero, Attorney, may balita po ba kayo kung i-extend pa ulit ang travel ban sa mga bansang ito, after July 15?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Ah, okay ang pinag-uusapan naman kapag sinabing travel ban – actually travel restriction ang tawag natin, Usec – kasi nagsimula iyan sa travel ban noong bandang March and April, for UAE, Oman, India, Pakistan, Sri Lanka, Bangladesh, Nepal. However, through IATF resolution 119, in early June, ay naging travel restricted countries na lang sila. Ibig sabihin, puwedeng pumasok ang mga OFWs mula sa bansang nabanggit ko, kaya lang dapat through government organized mass repatriation efforts or through non-government mass repatriation or repatriation effort through licensed manning agencies or Philippine Recruitment Agencies. And ang development po dito, through IATF Resolution 125, bagung-bago last week lamang po ito ay puwede na po tayong magbuo ng special commercial flights mula sa bansang nabanggit ko, UAE, Oman, India, etcetera. So, itong special commercial flights na ito na once a week idadaos ay puwede nang pumasok, bukod sa government sponsored flights, puwede na ring pumasok once a week lang commercial flight. So inaasahan natin na dadami, may mga humigit-kumulang mga 3,500 na inaasahan tayong uuwi doon sa mga bansang nabanggit ko, UAE, Nepal, India, Oman, etcetera.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Naomi Tiburcio ng PTV. Ito po ay kahalintulad din ng tanong ni Maricel Halili ng TV 5: Ano po ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Taiwan ngayong nagkaroon ng pagtaas ng COVID-19 dito? Ilang Pilipino po ang nagkaroon ng COVID at paano sila tinutulungan ng Pilipinas?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, sa ngayon, minamanmanan po natin ang sitwasyon. Wala lang po sa akin sa ngayon ang bilang ng mga Pilipino na na-COVID sa Taiwan. Pero minamanmanan po ang kanilang sitwasyon. Ang mahusay at maagap naman sa Taiwan ay nakatutok iyong pamahalaan nila doon, number one. And of course, on the MECO side ay tumutulong din, and the POLO side ng Department of Labor at ang OWWA tumutulong din sa mga OFWs na nangangailangan ng tulong. Mayroon silang mga adequate COVID shelters, mayroong adequate na tulong tayong binibigay sa mga nadadapuan ng COVID. Hindi lamang sa nadadapuan ng COVID, pati na rin doon sa mga apektado, dahil nga sa, iyon nga minamanmanan ang sitwasyon doon at kailangan din bantayan ang health condition ng mga OFWs doon, para hindi sila mahawa ng COVID. So, minamanmanan po natin ang sitwasyon, under control po ang sitwasyon at kung mayroon lang pong mga kaanak, OFWs na kailangan ng tulong sa Taiwan, 1348 po ang ating hotline, tutulungan po namin ang inyong mga mahal sa buhay.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sunod na tanong ni Naomi na kapareho din po ng tanong ni Maricel Halili ng TV 5: May ilang Pilipino nga katulad ng nabanggit ninyo, humihingi po ng tulong dahil sa paglabag sa health protocols ng kanilang tinutuluyang factory dormitories. Umano ay nagsisiksikan ang walong manggagawa sa isang kuwarto na dapat ay apat lamang. Ikinatatakot nila ito na maging sanhi ng kanilang hawaan sa COVID-19. So paano po tutugunan ng pamahalaan ang ganitong kaso?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, we are coordinating and cooperating, number one, with the employers, Taiwanese employers and number two, with the Taiwanese authorities in terms of ensuring the safety, iyong preventive and curative efforts natin para sa mga OFWs natin na nangangailangan ng tulong doon. Doon sa sitwasyon na naiulat ninyo Usec. ay mayroon na pong nakatutok tayong mga DOLE – Philippine Overseas Labor Offices officers na tumutulong sa mga OFWs and to make sure na mailagay sila sa safe na shelters and then of course nandiyan din ang OWWA Welfare officers natin. So may kumpiyansa naman po ako na the situation in Taiwan is under control and will always be under control kasi maganda po ang track record ng Taiwan in terms sa pangangalaga sa kani-kanilang mga mamamayan at residente doon.

USEC. IGNACIO:  Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong walang sawang pagsisilbi para sa ating mga kababayang OFW, OWWA administrator, Atty. Hans Leo Cacdac. Stay safe po.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Maraming salamat, Usec. Rocky, at ipagdasal po natin ang isa’t-isa. Salamat po muli.

USEC. IGNACIO: Suporta sa mga pinakaapektadong sector, tiniyak ni Senator Bong Go na kaniyang ipagpapatuloy. Bohol, tatanggap ng karagdagang mga bakuna mula sa National Government. Narito ang report.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin ang diskusyon tungkol sa booster shot at makakausap po natin si Dr. Lulu Bravo ng Philippine Foundation for Vaccination. Good morning po, Doc.

DR. BRAVO: Good morning, Usec. Thank you for having me again.

USEC. IGNACIO: Doc, para po sa kaalaman ng lahat: So ano po ang maitutulong ng pagkakaroon ng booster shot? Mahalaga ba ito sa pagbabakuna?

DR. BRAVO: You know, booster shots are supposed to be investigated, studied and recommended by your own country’s FDA. Alam mo, Usec, even in America, medyo, if you listen to Dr. Fauci, medyo ni-reprimand niya ang Pfizer ha, for saying it beforehand, preempt niya iyong FDA for saying that they need a booster after 6 months.

Because it is the responsibility, ang may dapat magbibigay ng rekomendasyon ay ang FDA or iyong sinasabi nga ni Dr. Fauci, even the CDC, kasi kailangan pag-aralan iyan ating mga vaccine experts, hindi dapat iyong kumpaniya o iyong business entity ang magsasabi niyan di ba?

Dito sa atin, ganiyan din, huwag nating pangungunahan, kailangan tiyakin muna natin na na-imbestiga iyan ng ating mga vaccine experts before any recommendation is being done.

USEC. IGNACIO: Pero. Doc. Lulu, base po sa expertise ninyo ay nangyayari po ba iyong pagbaba ng efficacy ng kahit na anong bakuna after sometime?

DR. BRAVO: Oh, yes totoo iyan. Nangyayari iyan sa clinical trials. Eh alam mo naman, Usec, hindi pa tapos talaga iyong tinatawag nating phase 3 clinical trials. Wala pang finality lahat iyan. But during that course of the clinical trials, tinitingnan talaga, mino-monitor kung gaano kataas iyong tinatawag nating antibodies o iyong mga determinants o iyong nagsasabi na ito iyong kailangang basehan ng ating pagbaba o pagtaas ng efficacy.

But in the long run, importante pa rin na hindi lang maigsing panahon ang pag-aaral niyan, kasi even now, pinag-aaralan pa sa ibang bansa kung anu-ano ba iyong iba’t ibang konsepto ng proteksiyon, kasi kung minsan, hindi mo masasabi na isa lang iyong neutralizing antibodies, di ba kaya nga ayaw nga natin na magpa-test kayo agad?

Kasi mayroon pang ibang posibleng makita na tinatawag nating maski hindi mo pa name-measure, eh iyon pala iyong nakakapagpataas ng iyong proteksiyon, iyong tinatawag nating cellular immunity or iyong tinatawag natin sa lengguwahe nga ng mga scientist B cell, P cell, hindi lang antibodies, pero cellular immunity na kailangan ding obserbahan upang masabi natin na maski wala kang booster, kapag mayroon kang ganoong klase ng immunity ay possible ka pa ring maproteksyunan.

And that is why the vaccine experts are so important to look and see kung ano talaga ang dapat makita sa clinical trial na iyan. At ang tingin ko naman, dito rin sa atin sa Pilipinas, hindi tayo nagkukulang ng mga ganiyang eksperto, over to you.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc ito bang booster shot ay iba ang component kumpara sa first dose?

DR. BRAVO:  Possible. Kung Halimbawa at may nakita sila na variant na maaaring hindi ganoon kalakas ang response doon sa dating bakuna na nandoon sa original, possible nilang i-tweak or i-modify ng kaunti, para sabihin nila ‘Oh, sige nag-modify kami noong code namin,’ lalo na MRNA na iyan para makasagot doon sa dumating na variant.

Kaya actually, totoo iyong sinabi mo na maaaring mag-iba, right? Hindi pa katulad noong dati, dahil ang mga factors or ang mga titingnan mo para baguhin iyong booster shot ay iyong variant na nakita mo na kumakalat sa iyong komunidad o sa iyong bansa. Puwede mo ring tingnan iyong genetics noong mga tao na binibigyan mo, kasi alam mo importante rin sa clinical trials, sino iyong mga kasama sa clinical trial.

Alam mo minsan, iba ang effectiveness doon sa mga puti, kaysa sa mga itim o kaysa sa mga yellow race.  Kaya kung minsan kapag nagki-clinical trial kami, naka-specify din kung ano ang race o ano iyong klase ng population mo. Kasi lahat iyan, kasama sa pagbibigay mo ng effectiveness doon sa vaccine.

Kasi when you go to a real world, nakikita mo kasi iyan clinical trial, kontrolado mo lahat ng tao, lahat ng gagawin. But when you now go into the real world at binigay mo na iyong bakuna sa isang komunidad o sa isang bansa, marami pa rin na magiging impluwensiya iyong bakuna. Isa na nga iyong variant, isa na iyong klase ng populasyon mo, mga doctor ba iyong binakunahan mo o mga ordinaryong tao na wala naman talagang exposure masyado or even iyong availability noong bakuna, gaano karami na ang nabakunahan.

Kasi importante din iyong transmission ng disease sa dami ng nabakunahan. Alam natin like for example sa States, more than 50% na ang nabakunahan. So iyong transmission ng disease nila ay most likely mas mababa na kaysa kung dito sa Pilipinas eh, halos ilan pa lang, wala pang 10% ang nabakunahan. So titingnan din iyan at nakita mo naman, hindi naman tayo nalalayo ha, doon sa nakikita natin na pagbaba rin ng ating mga cases.

Sabi mo nga noon, dapat ba tayong magkumpara sa ibang bansa? Eh hindi naman natin mapipigilan na ikumpara din iyong nangyayari sa ibang bansa. Dahil sa ngayon, nakita mo, ang Thailand, ang Indonesia, ang Malaysia eh tumataas at ang kanilang dahilan most likely is sa pagpasok ng Delta variant. Dito sa atin, I wish, I’m praying so hard na talagang huwag kumalat ang Delta variant at iyon naman ay, I think napipigilan pa natin dahil sa pagko-close ng borders at sa pag-iistema doon sa mga OFWs na maaaring manggaling doon sa mga bansa na maraming Delta variant.  Importante talaga ma-contain natin iyan, dahil nakita naman natin ang nangyayari sa ibang bansa, maski sa Israel na 80% na ang nabakunahan, eh kumakalat rin iyong delta variant.

So alam mo napakarami talaga, Usec. na dapat tayong pag-usapan when it comes to booster. Magbibigay ba ng booster? Eh iyong availability, hindi pa nga natin natataasan iyong ating nababakunahan to as much as 50% sana eh, magbibigay ka na ng booster? Hindi muna siguro. Kailangan pag-aralang mabuti ng ating mga FDA, vaccines expert, iyong ating NITAG, iyong lahat mayroon tayong tinatawag nating all experts committee, iyan na nga sana ang gusto kong ipaliwanag ng maayos di ba? Thank you.

USEC. IGNACIO: Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Dr. Lulu Bravo. Mabuhay po kayo atin gat po kayo palagi.

Sa naging pagbisita ng Outreach Team ni Senator Bong Go sa Guiguinto, Bulacan kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Mahigit isanlibong residente ang tumanggap ng financial assistance at iba pang ayuda na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Narito po ang report:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita ulit tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)