Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #46
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang araw Pilipinas. Dahil sa coronavirus ay marami sa ating mga nakasanayan na sa pang-araw-araw ang bigla at patuloy na nagbabago dahil sa krisis pangkalusugan na ating nararanasan.

SEC. ANDANAR: Lahat nga po tayo ay inaasahan na makiisa sa pagharap sa tinatawag na ‘new normal’ kaya naman po ay muli nating bibigyang linaw dito sa programa ang mga katanungan ng ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Siksik sa impormasyon ang aming hatid kaugnay sa pinakabagong update sa iba’t ibang tugon ng pamahalaan sa pandemyang ito.

SEC. ANDANAR: Aalamin at lilinawin kaisa ang mga kawani at opisyal ng pamahalaang makakasama natin sa programa. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya po ay makakausap natin sina Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque; National Economic and Development Authority Acting Secretary Karl Kendrick Chua; Department of Finance Assistant Secretary Tony Lambino.

SEC. ANDANAR: Makakasama rin po natin sina Senator Sherwin Gatchalian, Chairman of Basic Education, Arts and Culture; si MMDA Assistant Secretary Celine Pialago; at si Manila Mayor Isko Moreno.

Makakausap din po natin maya-maya ang award-winning international singer/songwriter na si David Pomeranz. Good morning, sir.

Upang maghatid naman ng balita mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, makakasama rin natin ang Philippine Broadcasting Service, at ang PTV Davao at PTV Cebu.

SEC. ANDANAR: Samantala, sa ibang balita po naman: Sinabi ni Senador Bong Go na malaki ang tulong na ginagawa ng local government units para sa paghahanda sa implementasyon ng Balik-Probinsiya Pag-asa program. Ikinatuwa ng Senador na may mga probinsiyang handa na para sa pilot testing ng BPP gaya ng Leyte, Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Bukidnon, North Cotabato at Camarines Sur.

Bukod diyan, may na-identify na rin ang DSWD na mahigit tatlong libong katao na pasok sa basic criteria ng programa at magkakaroon ng rapid assessment ang DSWD sa mga indibidwal upang magpaabot ng tulong sa pag-uwi nila sa kani-kanilang probinsiya.

Magbibigay rin ng aniya ng tulong ang DOLE sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa pag-uwi ng probinsiya, ito ay sa pamamagitan ng Tulong Panghanap-Buhay Para sa Disadvantage/Displaced Workers program at Government Internship Program or TUPAD-GIP.

SEC. ANDANAR: Dagdag pa riyan, ang Department of Trade and Industry ay patuloy po na nagde-generate ng mga negosyo at employment opportunities sa kanayunan. Ang DTI Negosyo sa Barangay ay tutulong sa mga qualified individuals na mapanatili ang kanilang mga negosyo sa kanilang probinsiya habang ang National Housing Authority at ang Department of Human Settlements and Urban Development po ay magsasagawa naman ng housing development plan para makapagtayo ng abot-kayang pabahay para sa mga benepisyaryo.

Kaugnay diyan, para sa mga nagnanais po na i-avail ang programa, maaari ninyo pong bisitahin ang balikprobinsiya.ph. Makikita sa website ang form na puwede ninyo pong fill-up-an kung saan kinakailangang i-provide ang personal details, technical skills at ang uuwiang probinsiya.

Samantala, makakausap naman po natin ngayon live mula po sa Baguio si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Magandang araw, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang araw Pilipinas. Magandang araw, Sec. Martin at Usec. Rocky. Balitang IATF po tayo ngayong Sabado ‘no. Nagpulong po kahapon ang inyong IATF kung saan in-adopt po ang mga sumusunod:

Unang-una po, ang Basic Education Learning Continuity Plan ng Department of Education. Sang-ayon po dito sa inaprubahang resolusyon, ang pagbubukas po ng klase para sa basic education ay simula na po ng 24 ng Agosto 2020 at magtatapos ng Abril 30, 2021.

Pagbukas ng klase sa private school ay pupuwedeng mas maaga sa Hunyo pero wala pa pong face-to-face hanggang Agosto 24, 2020.

Now, gagamitin po natin ang iba’t ibang learning delivery options tulad ng face-to-face, distance learning at home schooling. At magkakaroon rin po tayo ng pagkansela ng mga extra-curricular activities kung saan mayroong malaking mga pagtitipon gaya ng school sports, campus journalism, job fairs at iba pa.

Pangalawa, sinuportahan ng IATF po ang rekumendasyon ng National Greening Program at National Forest Protection Program ng DENR.

Pangatlo, ito po importante, naamyendahan po ang Item O, Paragraph 4, Section 2 ng omnibus guidelines sa implementation ng community quarantine in the Philippines. Ano po ang ibig sabihin nito? Pupuwede na po ang mga private at public construction projects, infrastructure projects sa mga ECQ. Ano ba iyong mga pupuwede na pong mga construction projects sa ECQ? Well, ito po ‘no, iyong mga construction para sa quarantine and isolation facilities para sa mga persons under monitoring, suspect and confirmed COVID-19 patients; iyong mga facilities for construction personnel who perform emergency works, flood control and other disaster risk reduction and rehabilitation programs, sewerage projects, water service facility projects, digital works.

Iyong priority public infrastructure projects, as well as priority private infrastructure projects define as those that refer to food production, agriculture, fishery, fish port development, energy, housing, communication, water facilities, manufacturing and business process outsourcing shall likewise be allowed in accordance with the guidelines issued by the DPWH.

Naaprubahan din po na siyempre dahil allowed na itong mga private at public infrastructure projects sa mga ECQ na ito ay iyong mga construction workers po na accredited ng DPWH ay pupuwede na ring pumunta doon sa kanilang mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Uulitin ko po, itong mga construction works na ito, iyong mga related sa quarantine and isolation infrastructure; iyong mga facilities for the health sector; iyong emergency work; at saka iyong climate mitigation projects gaya ng flood control, disaster risk reduction and rehabilitation work.

Pinayagan din po ang ilang mga construction projects sa General Community Quarantine.

Ang general rule po: Lahat po ng public and private construction projects ay pupuwede na sa mga lugar na GCQ. Pero kinakailangan pong kumomply (comply) doon sa mga construction safety guidelines para sa implementation ng infrastructure projects during the COVID-19 pandemic.

Sa unang inilabas na omnibus guidelines, ang nakasulat po ay “extension of public and private construction project such as but not limited to sewerage, water service facilities and digital works and health facilities and priority project shall be allowed to operate in accordance with guidelines issued by the DPWH reflected in a separate issuance”.

Panglima, in-adopt ng IATF screening and validation committee ang mga sumusunod na mga rekumendasyon. Una po, ang pananatili ng Abra bilang low risk area at sa ilalim ng General Community Quarantine. Ang pag-convene ng regional Inter-Agency Task Force at ang pag-report nito sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa appeal for risk classification.

Pang-anim, kasama na po ang ating tanggapin, ang Office of the Presidential Spokesperson, ang DPWH, ang DOST at ang CHED sa IATF.

At panghuli po, iyong National Task Force Covid-19 Task Group on Strategic Communications ay pamumunuan po ng ating tanggapin, ang Office of the Presidential Spokesperson. Sa Lunes po ide-discuss natin ang guidelines ng DPWH at ilang guidelines ng Department of Health.

Mayroon na tayong katanungan galing sa kasama natin sa Malacañang Press Corps?

SEC. ANDANAR: Yes, Secretary! Marami po tayong katanungang tinanggap mula sa Malacañang Press Corps. Tanong mula kay Bella Cariaso ng Bandera, isinusulong po ngayon sa Kamara ang abolition ng NTC dahil sa naging kautusan nito versus ABS-CBN. Ano daw po ang reaksiyon ninyo, rito?

SEC. ROQUE: Ano, iyong isinusulong? Hindi ko nakuha. Sinusulong sa Kamara ang?

SEC. ANDANAR: Iyong abolition ng NTC?

SEC. ROQUE: Ay iiwan po natin iyan sa Lehislatura; alam naman po ninyo iyan, indipendiyente at co-equal body branch of government iyan. Kung talagang ia-abolish naman nila ang NTC, eh ipapatupad naman po iyan ng ating executive branch of government.

SEC. ANDANAR: Secretary, may observation ngayon daw po na naghuhugas kamay ang mga Kongresista sa pagpapasara sa ABS-CBN at lahat po ng sisi pinupukol sa NTC. Maging si Anak Kalusugan Representative Mike Defensor po ay nagpalabas ng pahayag kung saan kinuwestiyon niya ang naging aksyon ng Kamara sa nakalipas na taon kaya daw po naabutan na ng expiration ang franchise ng ABS-CBN. Ano po ang take ng Palace rito?

SEC. ROQUE: Well, malinaw ng malinaw sa Saligang Batas, tanging ang Kongreso lamang po ang tanging magbigay ng prangkisa. Wala na pong ibang ahensya ng gobyerno na pupuwedeng magbigay ng ganiyang prangkisa.

Kung ang isyu naman ay pupuwede bang magbigay ng provisional authority ang NTC sa isang kumpanya na napaso na ang kaniyang prangkisa, iyan po ay isinampa na sa Korte Suprema at mabibigyan tayo ng kasagutan ng ating hukuman. Antayin po natin ang sagot ng hukuman.

SEC. ANDANAR: Mula po kay Haydee Sampang ng DZAS. Marami pong mga turistang Pilipino sa ibang bansa ang hindi po makauwi sa bansa dahil kanselado ang flights at sarado ang ating airport, ngunit expired o pa-expired na po iyong tourist visa. Paano po sila puwedeng tulungan ng Philippine government? Maari ba tayong mamagitan, sumulat o humiling sa host country para daw po bigyan ng palugit ang tourist visa ng visiting Pinoy na fact na indefinite po ang resumption ng commercial flights.

SEC. ROQUE: Well, sa tingin ko naman, magpakita lang sila ng pruweba na talagang kanselado ang mga commercial flight natin, maiintindihan naman po iyan ng iba’t-ibang bansa kung nasaan iyong ating mga kababayan.

Pero alam po ninyo for seven days naisarado ang ating airport pero matatapos naman po iyong seven days na iyan ‘no. So, inaasahan po natin na magkakaroon uli ng ilang mga inbound commercial flights matapos po iyong one week na ni-request ng National Task Force on COVID-19.

At inaasahan ko po na lahat ng Pilipino ngayon ay dadaan siyempre doon sa quarantine protocol ‘no, wala po pupuwedeng mapapasok ng Pilipinas sa airport pa lang na hindi kumukuha ng PCR test at kinakailangan naka-quarantine sila habang inaantay ang resulta ng PCR.

SEC. ANDANAR: Mula po kay Bella Cariaso pa rin ng Bandera, sa kabila po ng pagiging number one sa COVID cases kung saan umabot na sa lampas 1,500 iyong mga kaso dito po sa Quezon City and in fact magpapatupad po ng limang araw na total lockdown sa Barangay Culiat mula po May 11 hanggang May 15. Nais daw po ng Lungsod na payagan na rin itong mapabilang sa GCQ mula sa ECQ sakaling i-lift na ang lockdown after May 15. Papayagan ba ito ng gobyerno, hindi ba ito nakakaalarma in case maalis na ang ECQ sa Quezon City? Kasi daw po obviously walang nangyayaring flattening of the curve sa Lungsod.

SEC. ROQUE: Well, unang-una maraming salamat sa tanong ‘no. Lilinawin ko lang po, napakadaming fake news ang lumalabas kung ano ang mangyayari pagdating ng May 16.

Uulitin ko po: Kapag hindi po nanggaling sa ating tanggapan wala pong katotohanan iyan, fake news iyan.

Ang katotohanan po, wala pa pong napapag-agree-han, wala pa iyong final recommendation ng IATF sa Presidente para sa anong mangyayari sa May 16.

Pero uulitin ko lang po iyong sinabi ni Kalihim Año, bagama’t maraming lugar po siguro sa Metro Manila ay magiging GCQ na siyempre iyong mga matataas na kaso po hindi iyan magiging GCQ.

Bagama’t wala pang pinal na desisyon sasabihin ko po na ang desisyon kung ano iyong mga lugar na mananatili sa ECQ will be gradual na tinatawag at it will also be surgical.

So, hindi po totoo na lahat ng lugar sa Metro Manila ay mag-G-GCQ na at hindi naman totoo na ang buong Metro Manila ay mananatili sa ECQ. Antayin na lang po natin, hanggang Lunes po iyan, dahil inaasahan natin na magkakaroon ng espesyal na meeting po ang IATF sa Lunes ng umaga dahil inaasahan natin na sa hapon ay isusumite na nila kay Presidente ang kanilang rekomendasyon kung ano ang dapat mangyari doon sa mga lugar na nananatili po sa ECQ hanggang ngayon.

Samantala po, huwag po maniwala sa fake news, antayin po ninyo ang official pronouncement ng IATF na ipalalabas po ng ating tanggapan.

SEC. ANDANAR: From Aileen Taliping po ng Abante Tonite. Paano po masiguro ng gobyerno na ang mga magbabalik probinsya daw po ay hindi na babalik sa Metro Manila, dahil baka gawing gatasan ang perang ibibigay sa kanila bilang insentibo ng gobyerno. Mayroon daw po bang mekanismo para dito ang mga nangangasiwa sa Balik Probinsiya Program?

SEC. ROQUE: Well, mayroon pong binubuong guidelines talaga ang balik-probinsiya, bagama’t mayroon tayong immediate na implementation na tulungan iyong mga nais na talagang bumalik sa probinsiya dahil napakahirap ng buhay sa siyudad under ECQ eh mayroon po tayong pilot program na ini-implement ngayon at ibinasa nga kanina ni Secretary Martin kung ano iyong mga area na mayroong pilot program. I am sure magkakaroon po sila ng safeguards, mga mekanismo para maiiwasan naman iyong pagbalik na ng mga nag-avail na ng benepisyo ng Balik Probinsiya Program.

SEC. ANDANAR: From Virgil Lopez ng GMA News Online. May we get the Palace reaction to the recommendation by a team of UP faculty for the national government to extend the Enhanced Community Quarantine in several areas including the Metro Manila. The study found that a premature relaxation of the ECQ in Metro Manila may result into escalation of 24,000 cases and 1,700 deaths by June 15, 2020.

SEC. ROQUE: Kinukumpirma ko naman po na ganiyan din ang pagtingin ng mga Technical Working Group na nagbibigay ng rekomendasyon sa IATF. Kaya nga po ang sabi ko kanina, wala pang pinal na desisyon, pero hindi po bung Metro Manila ay magiging GCQ; at hindi naman buong Metro Manila ay manatili sa ECQ. Iyan po ay ibabase natin sa siyensya, titingnan natin iyong dami ng kaso ng COVID sa isang siyudad, sa isang barangay at titingnan din po natin iyong kapasidad na magbigay ng critical care.

So, ‘antay na lang po tayo, isang tulog na lang po iyan, sa Lunes po inaasahan natin na magkakaroon po ng approval ang ating Presidente kung ano ang mangyayari sa atin ng May 16.

Uulitin ko lang po, napakadami pong fake news na lumulutang ngayon, hindi ko alam kung ano ang nahihita nila diyan sa mga fake news na iyan. Abangan na lang po ang magiging desisyon ng ating Presidente, ilalabas po natin iyan sa lalong mabilis na panahon.

SEC. ANDANAR: Mula naman po kay Mylene Alfonso ng Bulgar. Hingi po sana daw sila ng reaksiyon tungkol doon sa paglabas ng galit at hinaing ni Mr. Coco Martin sa pagsasara sa ABS-CBN kung saan pinagkaitan ng hanap-buhay ang libu-libong pamilya sa panahon ng pandemya. Buti pa raw ang sugal na ipinapasok sa bansa ng POGO ipinaglalaban ng gobyerno.

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po iyan naman po ay nagpapatunay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas, mayroong malayang pananalita at wala pong sumusupil sa kalayaan ni Coco Martin na magsalita.

Pero parang hindi tama iyong comparison between ABS-CBN and ng mga POGO, dahil unlike iyong mga broadcast companies, wala pong probisyon sa Saligang Batas kung sino pupuwedeng magbigay ng authority para mag-operate ang POGO. Ang POGO po, tanging PAGCOR lang ang puwedeng magbigay ng desisyon kung sila’y puwedeng mag-operate; samantalang ang broadcast company po ay tanging Kongreso lang po ang may ganiyang kapangyarihan.

USEC. ROCKY: From Laila po ito, although nabanggit ninyo na po yata ito kanina: Several Metro Manila Mayors want ECQ extended, how likely is this to happen given the current development daw po?

SEC. ROQUE: Ganoon din po ang sagot ko: Hindi po mananatili sa ECQ ang buong Metro Manila after May 16 at hindi naman po mag-G-GCQ ang buong Metro Manila after May 16. It will be granular; it will be surgical.

USEC. ROCKY: Mula naman kay Joseph Morong: Isa daw pong 94-year old mula sa Caloocan ang hindi daw po nabigyan ng SAP. Ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam ang detalye, pero ipagbigay-alam po natin iyan sa DSWD at sa DILG. Uulitin ko po, dahil nga po nagkaroon ng desisyon na hinihintay natin ang approval ng Presidente na magbigay pa sa limang milyon pang mga Pilipino bukod doon sa original na eighteen million, inaasahan naman natin na ang mga hindi nabigyan nang first tranche eh marami pa pong mabibigyan muli.

USEC. ROCKY: Clarification mula kay Pia Rañada: Ang start of school year on August 24 is for areas under GCQ only or pati daw po ba ang ECQ?

SEC. ROQUE: Hindi ko po maintindihan kung ano iyong August 24.

USEC. ROCKY: Iyon po iyong sinabi ni Secretary Briones na possible opening of classes. Ang tanong po ni Pia iyong clarification kung ito po ay—

SEC. ROQUE: Ah…I see… Okay, okay clarification. Lahat po ng face-to-face classroom instruction sa basic education, August 24 po ang pagsisimula. Iyong mga ilang pribadong paaralan na nais magsimula nang Hunyo, wala po iyang face-to-face instruction, siguro po pupuwedeng online iyan o pupuwedeng homeschooling pero ang face-to-face po, August [signal cut]

USEC. ROCKY: [signal cut] … CQ sa NCR, kakayanin daw po ba ng pondo ng pamahalaan?

SEC. ROQUE: Gaya ng aking sinabi, ikokonsidera naman po ang rekomendasyon ng mga mayors, bakit naman hindi? Sila talaga ang nag-i-implement ng ating programa laban sa COVID-19; pero ang masasabi ko lang sa ngayon ay wala pa pong pinal na desisyon, ang masasabi ko lang po ngayon eh siguro dahil kumpleto naman ang datos natin at mas mataas na iyong ating testing capacity, alam na natin iyong mga lugar na kumbaga ay matatawag na kritikal at alam na natin na ano iyong mga lugar hindi na as critical na pupuwede nang kahit papaano bumalik sa normal.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque. Iyan po ang ating mga katanungang tinanggap sa Malacañang Press Corps. May huli po kayong mensahe sa ating kababayan?

SEC. ROQUE: Well, ulitin ko lang po iyong sinabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit maraming fake news na lumulutang-lutang ngayon pero kaya nga po kahit Sabado, kahit Linggo ay nagpapa-interview tayo sa media at mayroon tayong Laging Handa dahil importante na maparating sa taumbayan kung ano talaga ang totoong news at hindi ang fake news. Huwag po kayong maniniwala kung hindi po iyan nanggaling sa IATF na manggagaling po sa tanggapan ng Office of the Presidential Spokesperson.

Magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Thank you so much, Sec. Harry Roque.

USEC. ROCKY: Salamat po, Secretary.

SEC. ANDANAR: Oras po natin, alas onse beinte y sais ng umaga. Makakausap po naman natin ngayon ang chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, si Senator Sherwin “Win” Gatchalian. Magandang umaga po sa inyo, Senator!

SEN. GATCHALIAN:Magandang umaga, Martin! Magandang umaga, Rocky! Magandang umaga sa ating mga tagapakinig.

SEC. ANDANAR: It’s been a long time, sir, na ganito iyong ating sitwasyon, ako iyong mag-i-interview sa iyo at ikaw naman ang iinterbyuhin ko, na-miss ko po. Finally, we’re here again.

SEN. GATCHALIAN:Correct! Last time ay nasa man-cave ng tahanan mo tayo nagkaroon ng ganitong personal interview and at that time, mayor pa lang po ako but it’s good to see you, Martin! It’s good to see you, Rocky also! And thank you for your constant information-giving to our public. Tuloy-tuloy iyong mga pagbibigay ninyo ng impormasyon sa mga ganitong panahon. Talagang importante iyong impormasyon at instructions na ibinibigay natin sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Yes, sir, tama po kayo. Sir, isa po sa pinagdidiskusyunan ngayon ang bagong magiging sistema sa sektor ng edukasyon. Paano po natin masisiguro na magiging epektibo itong hybrid education system sa gitna po ng pandemya?

SEN. GATCHALIAN:Unang-una, Martin, ang pinakamahalaga dito ay ligtas ang ating mga kabataan at magulang. Alam natin kapag pumapasok po ang bata talagang nagkakaroon ng pagkakataon na nagkukumpul-kumpol sila sa gate, pagpasok sa classroom ay nagkumpul-kumpol din at sa mga siyudad natin alam natin na medyo masikip ang silid-paaralan natin dahil nga sa kakulangan din ng espasyo sa ating mga eskuwelahan sa siyudad. At tuwing dismissal ang ating mga magulang ganoon din, pagsundo nila ng kanilang mga anak ay nagkukumpul-kumpol din sila sa gate.

Ito iyong ating iniiwasan ngayon, ayaw natin na magkumpul-kumpol sila dahil ito ay puwedeng maging sanhi ng transmission o pagkahawa ng COVID virus. Kaya ang importante ngayon ay mag-implement na rin po ng tinatawag nating new normal sa ating mga schools. At is sa mga iminumungkahi natin iyong tinatawag nating learn from home na ginagawa rin ng maraming bansa na sa buong mundo ngayon.

Ang ibig sabihin nito ay ayusin natin iyong ating curriculum, bawasan natin iyong bilang ng ating mga subjects para ituro muna natin iyong pinakamahalaga at gamitin natin iyong mga traditional na medium tulad ng TV at radio para makapagturo.

Gusto nating gumamit ng internet pero sa mga istatistika na nakita ko, only 40% ng ating mga mag-aaral ay may internet o may computer sa bahay at karamihan pa rin ay wala pang internet. Kaya gamitin muna natin iyong mga sanay na nating makita tulad ng TV, radio sa pagtuturo.

SEC. ANDANAR: Magandang idea iyan, Senator, kasi sapagkat kung stay at home ibig sabihin nga ay magkakaroon talaga ng social distancing na maayos, hindi lang doon sa mga maiiwan sa classroom kung hindi, of course, sigurado sa bahay.

Nabanggit ninyo po na 40% lang ang may internet, hindi ko po alam kung ano po iyong porsiyento ng mga kababayan natin na mayroon ding laptop, pero hindi kaya ho praktikal din, Senator, na since nasa mga tahanan na lang sila naka-standby at doon sila nag-aaral eh baka puwede nating bigyan ng buy a computer now, buy a tablet now pay later. Since hindi naman siguro kailangan na ng ganoong masyadong kalaking budget sa construction ng mga classrooms since ang iyong estudyante ay nasa bahay na po sila.

SEN. GATCHALIAN:Puwede rin hong magkaroon ng ganiyan na programa na parang easy financing sa ating mga kababayan. Dito natin makikita, Martin, na iyong traditional na pagtuturo—isa sa mga natutunan ko dito sa COVID na ito, iyong traditional na pagtuturo ay hindi na puwede nating gamitin sa mahabang panahon dahil nga maraming aberyang nangyayari sa ating komunidad kasama na nitong ganitong pandemic o epidemya na nakikita natin. Kaya importante—napakahalaga ‘no, isang aral na nakikita kong mahalaga dito iyong paggamit ng teknolohiya.

Kaya sa mga susunod na panahon importante na masigurado natin ang ating kabataan ay mayroong access sa internet, ang school natin mayroong access sa internet at ang ating mga kabahayan ay mayroon ring internet at laptop o computer man lang na puwedeng gamitin dahil ito na iyong mga—sabi nga natin, ito na iyong new normal na puwede nating makita sa mahabang panahon.

Pero ngayon, ang importante ay paano natin masisigurado na nagtuturo pa rin tayo, nag-aaral pa rin ang ating mga kabataan pero ligtas sila sa mga pangyayari ngayon. At isa nga sa mga mungkahi natin ay iyong tinatawag nating learn from home, gumamit ng TV at radio at iyong hybrid learning na mayroon pa rin pong partisipasyon ang ating mga guro sa ating mga eskuwelahan sa pagbibigay ng edukasyon. Although, importante na mag-practice ho sila ng social distancing, wala muna po iyong mga malalaking pagtitipon sa eskuwelahan at importante rin na pagpasok ng mga bata ay may social distancing ‘no at mayroon silang mga kagamitan tulad ng mask at tulad ng iba pang mga gamit.

SEC. ANDANAR: Naku, Senator, ikaw po ay suportado namin diyan sa distance learning, sa paggamit ng telebisyon, sa paggamit ng radyo. At kung maaari lang po akong mag-suggest sa inyo, Senator, tutal mayroon na kayong marathon hearing ngayong Lunes ata ay kung gagamitin ninyo po ang Channel 4 or iyong IBC 13 na, you know, talagang underutilized, iyong kailangan lang ho natin na pondo ay malagyan ho ng magandang transmitter para po makaabot ito sa buong NCR, sa buong Pilipinas. Iyon lang po, malakas na transmitter ang kailangan po ng PTV – dagdagan po ng mga 50,000 watts, ganoon din po ang ating IBC 13.

Anyway, Senator, ayon sa Department of Education, sa August 24 na po magsisimula ang school year para sa taong 2020 at 2021. Kayo po ba ay pabor dito, itong August 24?

SENATOR GATCHALIAN: Una, Martin, iyong kahilingan mo na i-upgrade iyong transmitter ng IBC 13, suportado tayo diyan. In fact, on hindsight ‘no – sabi nga nila hindsight is 20-20 – kung iyang transmitter ay nabili na natin, matagal na at naikabit sa IBC 13, ngayon pa lang ay puwede na tayong mag-learn from home at puwede nating IBC 13 at imandato ang ating mga kabataan na, “O manood kayo. Lahat ng mga Grade 1, manood ng IBC 13 sa alas nuebe hanggang alas diez. Lahat ng Grade 2, alas diez naman hanggang alas onse.”

So magagamit natin iyon ano, kaya nga dito natin makikita na dapat laging handa na kahit walang pandemya, itong mga kagamitan ng ating pamahalaan ay laging tumatakbo.

Going naman doon sa school opening, marami tayong mga private schools ‘no na may kakayahan naman mag-implement ng online learning. At alam ko maraming mga bata at maraming private schools ngayon na talagang mandato na sa kanila ay magkaroon ng Gmail accounts, ng laptop, ng iPad. At kung ang kanilang mga mag-aaral ay mayroong ganitong mga teknolohiya, puwede nang mag-open ang mga private school as early as June, basta walang face-to-face contact at mag-implement na ho sila ng online learning.

Ako ay … gusto kong hikayatin ang mga private school na ituloy na nila iyong pagtuturo via online this coming June and this coming July. Pero iyong face-to-face learning, iyong physical na pagpasok, hindi muna natin puwedeng gamitin iyan o hindi natin puwedeng iimplementa hanggang kampante na tayo na mayroong kakayahan ang ating mga lokal na pamahalaan labanan ang COVID-19.

So on August 24, tingin ko ay that time—tingin ko, Martin, I cannot say this with certainty but tingin ko by that time, three months from now, huhupa na itong virus na ito at magiging mas ligtas na sa ating mag-aaral na pumasok sa eskuwelahan.

Pero again, gusto kong ulitin ‘no, ito ay mga tingin lang natin base sa mga pag-aaral. Itong virus na ito ay bago, hindi natin masabi kung ano ang mangyayari pa by August 24. Pero sa tingin natin sa ngayon ‘no, three months from now, tingin ko ay kaya nang humupa ang virus at magiging ligtas na sa mag-aaral natin na pumasok.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, puwede ninyo naman po bang ibahagi sa ating mga kababayan iyong ilan pang detalye para naman po hindi makumpromiso iyong kalidad ng ating edukasyon sa bansa. Iyong proposal po para sa Senate hearing kaugnay pa rin po sa basic education program during COVID-19.

SENATOR GATCHALIAN: Correct. Nag-file po tayo ng isang resolusyon para tingnan natin iyong impact nitong COVID-19 sa ating sistema ng edukasyon lalo na pagdating sa kalidad, sa quality ‘no dahil iyan ay isa sa pinakamalaking isyu bago pa nagkaroon nitong COVID-19.

At ang gusto ho nating tutukan, number one ay iyong tinatawag nating safe schools. Dapat ang ating mga eskuwelahan ay ligtas sa ating mag-aaral pagdating po ng August 24 at may budget po na puwedeng gamitin. For example, iyong paglilinis po ng eskuwelahan at pagdi-disinfect po ng eskuwelahan, sino po ang gagawa nito? Mayroon ba tayong budget para sa pagbili nitong mga ganitong disinfectant?

At iyong simpleng bagay tulad ng mask ‘no, mayroon ba ang ating mga mag-aaral na mask na masusuot dahil tingin ko by August 24, kahit na mayroong physical na pagpasok, dapat pa rin po ay mag-mask para hindi po magkaroon ng hawaan.

At ano po ang—titingnan din ho namin iyong class size, iyong dami ng bilang ng estudyante sa silid-aralan ho natin. Tingin ko, hindi ho puwede iyong 50 students per classroom. Dapat kalahati rin lang po, 20 to 25. So kung ganoon po ang i-implement ho natin, hindi po magiging araw-araw po iyong pasok. Tingin ko dapat bawasan din po ng two days a week or even one day a week para lang hindi magsiksikan po ang ating mga estudyante sa classroom.

So in short, titingnan ho namin iyong impact ng COVID-19 sa ating mag-aaral, at paano ho tayo mag-a-adjust para maging ligtas po ang pag-aaral po ng ating kabataan sa ating bansa, at kung mayroon tayong pondo na gagamitin para po masigurado na ligtas po ang ating mga mag-aaral at ligtas po ang ating eskuwelahan.

SEC. ANDANAR: Opo. Senator, alam po namin na maraming mga magulang ang nag-aalala siyempre sa kapakanan ng kanilang mag-aaral, and at the same time, gusto talaga nila iyong edukasyon ay talagang nasa kanilang mga anak. Pero ano po iyong magiging mensahe ninyo sa ating mga magulang sa bansa?

SENATOR GATCHALIAN: Rocky, buksan mo iyong papel ng magulang, at ngayon dahil stay at home po ang lahat ‘no – bata, magulang – ito ang pinakamagandang oportunidad na maging aktibo po ang ating mga magulang sa pagtuturo at sa pag-aaral po ng ating mga kabataan. Iyong simple, mag-tutor ho sila ng arithmetic o turuan nila magbasa ang kanilang mga anak sa kanilang tahanan, napakalaking bagay na iyan.

Huwag na ho nating antayin proklamasyon po ng Department of Education, ngayon pa lang ay puwede nang gamitin ng kanilang mga magulang ang oras na nasa kamay nila para turuan ang kanilang mga anak.

At sa new normal, malaki rin ang papel na gagampanan po ng ating mga magulang kaya ang pakiusap po natin sa mga magulang, maging aktibo sa edukasyon ng kanilang mga anak.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Senator Sherwin Gatchalian.

SENATOR GATCHALIAN: Rocky, thank you. Martin, maraming salamat sa inyong oras.

SEC. ANDANAR: Salamat po. Ang ekonomiya ng bansa ay isa sa pinakanaapektuhan ng COVID-19. Kaya naman para bigyan tayo ng update kaugnay niyan, makakausap natin via phone patch ang National Economic and Development Authority Secretary Karl Chua. Secretary Chua, magandang umaga po. Pasensiya na po kayo at kayo ay naghintay.

SEC. CHUA: Magandang umaga po, Sec. Martin, Usec Rocky at sa mga nakikinig sa atin.

SEC. ANDANAR: Secretary Chua, inaasahan po na mararamdan ang pagbaba ng ekonomiya ngayong second quarter ng taon. Ano po ang maaari nating maasahan na magiging epekto nito sa atin?

SEC. CHUA: Sec. Martin, una po, pumasok tayo sa taong 2020 bilang isa sa mga pinakamatatag na ekonomiya, at hindi po natin inaasahan na magkakaroon po tayo ng tatlong napakalaking crisis. Iyong una po iyong pagputok ng Taal Volcano; iyong pangalawa po ay iyong nagsimula na po iyong COVID pandemic tapos bumagsak iyong tourism at iyong trade mula sa China and other countries; tapos iyong sa March naman dahil gusto po nating ingatan ang buhay ng bawat Pilipino, nag-impose po tayo ng ECQ or iyong Enhanced Community Quarantine – ito po ay nagdulot ng isa sa pinakamababang GDP growth rate. In fact, negative zero point two nga, ibig sabihin ay lumiit iyong ating GDP.

Ito ang unang pagkakataon na mayroon tayong recession since 1998. Pero ito ay … ang kagandahan dito, ginagamit natin ang pagkakataon na ito under ECQ para mapabuti ang ating healthcare system para hindi na po tayo mahihirapan sa pag-address ng COVID problem.

So ang nakikita po natin, April medyo mahirapan pa iyong ekonomiya. Pero simula May naman ay marami ng mga probinsiya ay nilagay na sa GCQ o iyong General Community Quarantine, ibig sabihin puwede na pong bumalik sa trabaho ang 75% of workers. So ito po ay inaasahan natin na makatulong sa pagbalik ng sigla ng ating ekonomiya.

SEC. ANDANAR: Sec., ano po para inyo… iyong nakakaranas po tayo ng low and stable inflation dahil sa mga polisiyang naisabatas tulad ng Train Law, Sin Tax Law at iyong Rice Tariffication Law. Maaari ninyo po bang ipaliwanag sa ating mga mamamayan ang naging epekto ng mga batas na ito sa ating ekonomiya and of course, you know, mayroon pa tayong second or third reform pagdating po sa ating batas sa taxation?

SEC. CHUA: Tama po iyan, Sec. Martin, marami po tayong ginawang reporma simula 2016 hanggang 2019. Ang mga repormang ito tulad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion at iyong Rice Tariffication Law – itong dalawa ay halimbawa ng mga reporma na nagbibigay buhay sa atin ngayon.

Ang ibig sabihin ko po dito, kung wala po tayong tax reform, kulang po ang pondo natin para sa COVID crisis response. Dahil sa tax reform, nakaipon po tayo ng mas malaking savings or tax collection at ito ay ginamit natin noong simula pa lamang ng ECQ.

Iyong Social Amelioration Program kung saan nagbibigay tayo ng five to eight thousand pesos kada pamilya para sa pinakamahirap na eighteen million families, ito ay kinukuha natin sa pondo na naipon natin dahil sa tax reform.

Iyong pangalawa po, iyong Rice Tariffication, dahil sa repormang ito naibaba natin ang presyo ng bigas by up to ten pesos per kilo of rice. So, ang ibig sabihin nito, iyong 2020 pagpasok natin handang-handa po tayo na harapin ang kahit anong krisis. Dahil sa tax reform may pera po tayo para mailagay sa healthcare system at tulungan ang mga naapektuhan na mahihirap na walang trabaho at dahil sa Rice Tariffication ay naibaba natin ang presyo ng bilihin. In fact, iyong inflation nga natin mababa 2 to 3% lamang, so ito ay tumutulong talaga.

At nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong at sa publiko na naintindihan po na bakit kailangan natin gawin ang mga repormang ito – para maging handa tayo.

SEC. ANDANAR: Secretary, ayon po sa ulat, bumaba ng 0.2% iyon pong household consumption. Isa po sa mga mahahalagang aspeto ng pagpapalakas ng ekonomiya iyong muli pong pagtangkilik ng mga mamimili sa komersiyo at kalakalan. Ano po sa tingin ninyo iyong puwede pang gawin para po lumakas iyong pamimili po ng ating mamamayan?

SEC. CHUA: Una po, USec. Rocky, dahil sa pagputok ng Taal Volcano naapektuhan ang NCR, CALABARZON. Ito ay napakalaking porsiyento ng ating GDP or Gross Domestic Product – 50% po, kaya marami po ang nawalan ng trabaho pansamantala; tapos iyong medyo nagre-recover na po sila, bigla naman itong COVID pandemic na nagsimula sa bansang China ay lumala.

Ibig sabihin, iyong mga tourism, iyong mga trade ay humina din at pagdating ng March, nag-impose pa tayo ng ECQ. Ibig sabihin, dapat manatili lamang sa bahay kaya iyong ating consumption talagang humina. At in fact, itong 0.2% growth ay halos parang walang ipinagbago kumpara sa first quarter of 2019.

Ang maganda naman dito, mabilis ang ating policies, mayroon po tayong Bayanihan to Heal as One Act. Isa sa laman nito ay iyong pagbigay ng P205 billion worth of emergency subsidy para sa mga mahihirap at low income families at ito ay sinunod ng isang 51 billion wage subsidy for small business employees.

So, ibig sabihin in the period of April and May, almost P270 billion ang ibinibigay natin sa mga kapwa Pilipino natin at ito ay ginagamit para for their consumption of basic needs like food, medicine and toiletries at ito ay sa tingin namin puwedeng tumulong para iyong consumption growth ay bumalik; pero siyempre, hindi bigla ito kasi marami pa tayong sektor ng ekonomiya na hindi pa bukas.

Pero gaya ng sinabi ko, marami ng probinsiya or LGUs ay inilipat na from ECQ to GCQ, ibig sabihin iyong kanilang local economies tumatakbo na ulit kaya ito ay makakatulong sa tingin namin.

SEC. ANDANAR: Bago po ang COVID-19, kinilala ang Pilipinas bilang isa sa mga fastest rising economies sa buong mundo. At kung susundin po natin ang ating mga economic agenda, kailan po sa tingin ninyo tayo makakabawi itong ating ekonomiya pabalik sa tinatahak nating track bago nangyari po ang COVID-19 pandemic? And I know that according to the economists, nasa ika-anim pa rin tayo sa magagandang ekonomiya.

SEC. CHUA: Thank you, Sec. Martin, magandang tanong iyan. Kahit na mayroon tayong—sa paligid po natin, in the global environment, mga trade war, mga sanctions in Iran at sa mga ibang bansa, ang Pilipinas sa totoo ay lumago iyong ating ekonomiya. Nag-grow po tayo ng average of 6.6% between 2016 to 2019, so ito ay magandang economic performance kasi iyong ibang bansa humihina talaga dahil sa trade war at saka mga iba’t-ibang mga other factors – so iyan iyong una.

Pangalawa, dahil isinulong po natin ang Build, Build, Build Program, malaki talaga ang epekto nito sa labor market natin. in 2019, nakita po natin ang pinakamababang antas ng kahirapan or poverty rate, ang pinakamababang unemployment rate na umabot sa 5.3%, at iyong pinakamababang underemployment rate to around 13 or 14%.

Ang ibig sabihin ng underemployment, may trabaho pero kulang iyong sahod. Ang ibig sabihin ng pagbaba ng underemployment, ibig sabihin mas gumaganda na po iyong kalagayan ng mga workers natin.

Iyong poverty rate natin, iyong ating ipinangako ay to lift six million Filipinos out of poverty by 2022 from 2015. Pero iyong nakita natin in 2018 na lumabas iyong datos sa 2019, na-achieve na po natin iyong pagbaba ng poverty rate by six million Filipinos, so ito ay indication na maganda iyong simula natin.

At itong COVID crisis ay isang temporary setback. Lahat po ng bansa ay naghihirap dahil dito, walang exempted pero ang kalagayan po natin ay mas maganda at mas handa po tayo na makabawi sa lalong madaling panahon.

SEC. ANDANAR: Secretary, ito naman po iyong katanungan mula sa ating kasamahan sa media na si Virgil Lopez ng GMA News Online: With the economic contraction in the first quarter and the expected further economic decline for the whole year of 2020, are we still on track with our target to transform into an upper middle income economy by 2022?

SEC. CHUA: Sana po this year ay ma-achieve natin iyong upper middle-income country status. Ang problema naman ay dahil sa unexpected na crisis natin dulot ng COVID, baka ma-delay po iyan. Pero lahat ng bansa kasi ay nakikita po natin iyong kanilang economic growth ay humina or lumiit nga, nag-contract.

So, I think temporary setback lang ito pero susubukan natin na humabol kung if not next year, by 2022. Iyan naman po iyong ating ipinangako or target.

SEC. ANDANAR: Second question niya: Can the economy handle another extension of the Enhanced Community Quarantine?

SEC. CHUA: Iyong ekonomiya kasi ang nagpapatakbo niyan ay mga tao, ang ating kababayan. So, ang tamang tanong ay kaya ba ng bansa natin, kaya ba ng ating pamayanan o iyong pamilya na makita na madagdagan pa iyong magkasakit or mamatay dahil sa COVID.

Totoo naman na gusto natin ibalik ang takbo ng ating ekonomiya pero dapat maging maingat tayo kasi kapag mag-open up tayo iyong pag-transmit ng virus ay puwedeng bumilis kaya ito ay binabalanse natin. Kasi puwede iyong ating pamilya o ang kaibigan natin ang maapektuhan, kaya ito ay binabalanse nang maayos.

Kapag sinabi na ng datos na humihina na talaga iyong COVID cases or handa na ang healthcare system natin, sapat na iyong testing, ay siyempre puwede po tayong gradually mag-relax or open up; pero kapag hindi tayo handa, dapat ang bigyan natin ng pinakamahalagang factor or basis for our decision ay iyong buhay ng ating kababayan.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, NEDA Acting Secretary Karl Kendrick Chua.

SEC. CHUA: Maraming salamat po, USec. Rocky, Sec. Martin at sa mga nakikinig sa atin.

SEC. ANDANAR: Salamat po. Para naman po alamin ang update kaugnay ng Small Business Wage Subsidy Program ng Department of Finance, makakausap natin sa puntong ito si DOF Assistant Secretary Tony Lambino. Magandang araw, Asec.!

ASEC. LAMBINO: Magandang araw USec. Rocky at magandang araw, Sec. Martin at sa lahat po ng nakikinig at nanonood ngayon.

SEC. ANDANAR: ASec., naibigay na po ang ayudang nagkakahalaga nang P10.1 billion sa 1.2 million na manggagawa sa ilalim ng Small Business Wage Subsidy Program ng DOF pero iyon pong first tranche pa lamang ito. Magkano po iyong halagang maibibigay natin at ilan pang beneficiaries ang makakatanggap pa ng—

ASEC. LAMBINO: Iyong target number of beneficiaries natin ay nasa 3.4 million at mula po kahapon doon sa mga numero na a ninyo, Usec. Rocky, tumaas na po more than 1.5 million ang na-credit na po sa kanilang mga account, whether it’s a bank account or e-wallet account sa Pay Maya or through remittance center, ito pong M. Lhuillier at mga financial services na puwede pong cash remittance ang option.

So, more than 1.5 million na po ang mga na-credit na account out of the 3.4 million target beneficiaries at more than 2.6 million beneficiaries na po ang validated doon sa program. Tuluy-tuloy naman po ang validation, dahil ang application period ay natapos lang po kahapon.

SEC. ANDANAR: Opo, ine-extend ninyo iyong deadline sa pagpa-register po para sa Small Business Wage Subsidy Program hanggang kahapon po o May 8, 2020. May balak daw po ba kayong i-extend itong muli dahil sa dami po ng gustong mag-avail ng tulong na ito?

ASEC. LAMBINO: Sa ngayon po titingnan po natin kung ilan po ba talaga ang maba-validate na mga beneficiaries para po sa programang ito. Tulad ng nasabi ko, as of now, we validated more than 2.6 million beneficiaries for the wage subsidy. Mayroon pa pong mga natitirang mga batches ng applications na dinadaan po talaga sa strict validation process para sigurado pong qualified iyong mga beneficiaries.

Gusto ko rin po sanang manawagan doon sa mga employers, iyong mga nakapagtapos po ng kanilang application process, so dapat po confirmed na nakapag-apply sila, mayroon pong mga bank accounts or cellphone numbers para doon sa e-wallet or remittance option na nakikita po natin sa mga datos na kailangan pa pong i-update. So those who have completed the application process, bantayan po sana ninyo ang inyong mga email inbox dahil magpapadala po ang SSS sa inyo ng validation email, nakalagay din po doon kung may mga datos na kailangan pong i-correct, baka po nagka-typographical error doon sa bank account number o doon po sa cellphone number noong beneficiary.

So, please watch your inboxes, kung mayroon po kayong matanggap na validation email na hinihingi po na i-correct iyong information, you will have until May 11 to correct that information and provide the right numbers. So, para po ito doon sa mga nakapag-complete ng application process.

SEC. ANDANAR: Tony, ayon kay Sec. Sonny Dominguez ay inaasahan na magkakaroon tayo ng tinatayang 1 trillion budget deficit dahil sa COVID-19 pandemic. Ano po ba ang magiging epekto nito sa gobyerno or sa government spending para sa natitirang buwan at taon?

ASEC. LAMBINO: Sec. Martin, tulad ng sabi ni Sec. Karl like before this interview, the Philippine economy was coming from a very good place bago po tayo tamaan nitong pandemya na ito. Napakaganda po ng economic performance ng bansa, an average of 6.4 growth from 2016 to 2019. We had a 22-year record high revenue performance, lagpas po sa 20 years din po ang performance natin in terms of the best performance, iyong expenditure side naman po, so we were spending and investing very well, lalung-lalo na po sa infrastructure program natin. At mayroon na po tayong mga inilagay na bagong polisiya, ipinasa po ng Kongreso, pinirmahan po ng Pangulo iyong ating Universal Healthcare, iyong ating pag-institutionalize ng 4Ps program para naman po sa ating mga 4Ps beneficiaries in the social protection space.

So, lahat po iyan ay napakaganda na po ang ating katayuan, kaya nga lang tinamaan nga po tayo nitong pandemya. Before we were hit, we were slated to graduate to upper middle income country status this year. Pero bantayan po natin iyong mga number, kasi iyong priority po natin sa ngayon iyon na din po iyong basehan noong sinasabi ninyong magiging budget deficit natin.

Unang-una we need to save lives and protect our lives. So that is the first pillar of the socio-economic strategy, suportahan po natin iyong pinaka-vulnerable. Kasama po diyan iyong 18 million sa SAP beneficiaries, baka po puwede pong mag-expand iyan depending on the availability of funds for the first tranche.

Pangalawa po, nandiyan po iyong tulong natin sa ating health system improvements in terms of marshalling the resources needed to improve our testing capacity para po may PPEs lahat ng frontline health workers natin.

Iyong pangatlo ay iyong nabanggit ninyo, iyong pagpopondo nitong deficit na ito. At mayroon pong standby financing na binigay ang Bangko Sentral ng Pilipinas in terms of a bond purchase agreement around 300 billion pesos. Nandiyan din po iyong ating mga development partners tulad ng Asian Development Bank, World Bank, AIIB at iba pa pong development partners na willing po magpautang sa atin at very concessional terms dahil po maganda nga po ang ating debt management performance over the past few years. So nababa po natin iyong laki ng ating utang laban sa laki ng ating ekonomiya.

So we have a very well performing debt management strategy at kaya nga po willing magpautang sa atin ang ating development partners na maganda po iyong terms – mababa ang interest rate, matagal ang repayment period. So, all of those things are coming together para po mapondohan po natin itong deficit natin, but again it’s because we need to, first, protect lives and protect our communities; second, finance the fight against COVID-19 led by the health sector; and third, mayroon din po tayong popondohan na economic recovery plan which means we need to spend the scarce resources that we have in things that will really help our economy recover and help us to get back to our growth trajectory.

SEC. ANDANAR: Malinaw na malinaw po. Ayon pa rin kay Secretary Dominguez, inaprubahan na po ng Development Budget Coordination Committee ang isang outline ng stimulus package na ilalatag sa Kongreso. Ano po ba itong stimulus package na ito at ano ang maitutulong nito sa sitwasyon natin sa ngayon, may pagkakaiba pa po ba ito sa mga development partner na pautang sa atin, Tony?

ASEC. LAMBINO: Well, Sec. Martin, iyong pautang sa atin, some of it will go into the economic recovery program, diyan po natin gagastusin iyan. Dahil nasabi ko nga po kanina, utang po ito na kailangan responsable ang paggastos natin, hindi po puwede kung saan-saan lang. Dapat po iyong talagang makakatulong doon sa mga vulnerable individuals and communities. Pangalawa, doon sa mga bagay na talagang magpapabuhay ulit sa ating ekonomiya, magpapasigla ulit sa ating economic activity.

And so that is why nag-survey po tayo para po malaman kung ano po talaga ang mga pain point ng mga small and medium enterprises at mayroon pa po tayong isang survey na tuluy-tuloy pong pinapatakbo ngayon para malaman po natin iyong mga medium to large businesses.

At doon po sa naunang survey, 44,000 ang sumagot na karamihan Small and Medium Enterprises kasama po ang micro. At ang sabi po nila ay—para doon sa maliliit na negosyo na talagang tumigil ang kanilang operasyon ay kailangan po nila ng bagay tulad ng support para sa kanilang mga empleyado, kaya nga po tayo may Small Business Wage Subsidy at nauna na po iyon.

But further down the line, kailangan din po ng mga access to credit. Dahil po ang mga financial institutions, mga bangko ay medyo risk averse pag panahon ng krisis at kailangan po tulungan ang sistema para magkaroon talaga ng lending sa maliliit na negosyo. Kaya po mayroon tayong binuo na guarantee program para po doon sa mga loans sa small businesses. We are guaranteeing up to 120 billion pesos loans para po talagang lumabas iyong pera at magamit ng ating mga Micro Small and Medium enterprises.

Pangatlo, mayroon din po tayong panukala sa Kongreso na pahabain po iyong net operating loss carry over. Iyan naman po ay iyong paggamit ng tax system para bigyan ng kaunting relief iyong ating mga nalugi na negosyo ngayong 2020. So, ang gusto po nating gawin, puwede po sanang i-claim iyong mga lugi ngayong taon na ito dahil po dito sa pandemya na over the next five years puwede po nilang gawing pan-deduct sa tax due nila iyong kanilang losses incurred this year.

In addition to that, Sec. Martin, marami pa pong mga panukala ang ilang mga sektor na talagang tinamaan and that will require a number of government interventions. At iyon po ay binubuo at sinasama po dito sa economic recovery program.

SEC. ANDANAR: Opo. ASec., kasi maganda rin iyan para doon sa Balik Probinsya Program ano po. Dahil sa pag-e-extend ng Enhanced Community Quarantine minabuti rin po ng Department of Finance ang muling pag-extend ng deadline para sa pag-file naman po ng mahahalagang dokumento o pagbabayad ng buwis. Ano naman po iyong mga bagong deadline para po sa mga ito?

DOF ASEC. LAMBINO: Opo. Iyong revenue regulation na nilabas po ng BIR, ito po iyong Revenue Regulations 112020. Nasa website po iyan ng BIR dahil may mga… halos—actually lampas limampung uri ng mga dokumento at filing na nakalista po doon in terms of the extended deadlines. At pati po iyong ating annual income tax returns ay June na po iyong deadline ‘no, hindi na po sa Mayo.

So pakitingnan na lang po sa BIR website para doon sa mga iba’t ibang klaseng filing at iba’t ibang klaseng payment deadlines dahil may additional extensions po tayo na inanunsiyo through the Bureau of Internal Revenue.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po, Assistant Secretary Tony Lambino ng Department of Finance.

SEC. ANDANAR: Okay. Thank you so much, ASec. Tony. Rocky, ako’y pansamantalang magpapaalam muna dahil mayroon pa akong isa pang meeting at ikaw na muna ang bahala dito sa ating tahanan. Salamat at happy weekend to you.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po, Secretary. Samantala, alamin po naman natin ang sitwasyon sa Maynila. Makakausap natin si Manila Mayor Isko Moreno. Magandang araw po, Mayor.

MANILA MAYOR MORENO: Magandang araw sa inyo USec. Rocky, kay Secretary—[line cut]

SEC. ANDANAR: ‘Ayan, nawala si Mayor Isko Moreno na marami na rin nag-aantay na marinig kung ano na po ang nangyayari sa Maynila. Siguro po balikan na lang muna natin si Mayor Isko Moreno maya-maya lamang. Samantala, alamin naman natin ang update sa bilang po ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon po sa pinakahuling tala ng Department of Health, umabot na po sa 10,463 ang kabuuang kaso ng COVID-19; 696 naman po ang nasawi; habang patuloy po ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na pumalo na po sa 1,734. Nasa ika-tatlumpu’t siyam na puwesto naman po ang Pilipinas sa buong mundo, sinundan ito ng Denmark na may 10,416. Kaya naman po mahigpit naming ipinapaalala sa lahat ang physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay. Hangga’t maari, huwag po tayong lumabas ng bahay. Sabi nga ng ating mga frontliners, “We stay at work for you, so please stay at home for us.” Bahay muna, buhay muna.

Samantala, mapalad po tayo ngayong araw dahil live sa kauna-unahang pagkakataon po, from Los Angeles, California, makakausap po natin ang award winning international singer/songwriter, famously known for his biggest hits ‘If you Walk Away’, ‘King and Queen of Hearts’ and ‘Born for You’. Mr. David Pomeranz, good evening sir. It’s a pleasure to have you in our program, sir.

MR. POMERANZ: Thank you very much.

SEC. ANDANAR: Sir, what have you been doing since the pandemic—

MR. POMERANZ: I’m here in Florida.

SEC. ANDANAR: You’re in Florida. I’m sorry, I thought you’re in Los Angeles. But sir, what have been doing since the pandemic started?

MR. POMERANZ: Interestingly, I’ve been at home with my family which is lovely. We’re spending actually a lot of time together, and my mother live with us and my wife and our son, Kelly is my son and we’re getting to know each other better. It’s really lovely ‘cause I’m usually running around the world and catching planes and such. It’s been very nice just to sort of settle and get to know one another.

Also, I’ve been organizing. I’ve been taking files that I’ve been logging around with me for almost decades and cleaning them up and basically trying to stay productive. I’m writing a play, I’m writing songs and that’s what… that’s what we do, right? We keep pushing ahead and be ourselves and produce beautiful things.

SEC. ANDANAR: Yes, that’s my second question. What are you doing as an artist in this time of COVID-19 pandemic and how it has affected you?

MR. POMERANZ: Again, it’s affected me very intimately because I’m having this time, this quiet time. I’ll you a story. Just before we went on tonight, I took a little walk outside and it was a beautiful night here in Florida and there is a tree on my front yard, beautiful palm tree. I never saw it before. It was extraordinary and it bent toward me and it said, “Hello.” It’s actually quite a magical time.

SEC. ANDANAR: Yeah. I can’t hear you Mr. David Pomeranz. Anyway, you’ve recently created this beautiful video with your friends; many of which are award-winning artists.

MR. POMERANZ: Yeah.

SEC. ANDANAR: Can you tell us a bit about how you decided to take on this project?

MR. POMERANZ: It’s a beautiful song that was presented to me, it’s called “Spread A Smile,” and it’s a gorgeous, gorgeous song and it’s what we need to do at this time. You know, instead of spreading bad news, spreading viruses… we spread smile. And the song—and being part of this thing, there’s Stanley Clark, there’s Chick Corea and Kate Ceberano, artists from all the world and we sing this cool songs…’Spread a smile not something else cause this world is needing a…’ [David sings]. It’s a cool song, so it’s on Youtube, it’s everywhere. It’s got 10 million views on Youtube so far and I think the people of the Philippines are gonna love it, will get you smiling, dancing and that’s the purpose of it and I think you will enjoy it. There’s a link on [garbled] davidpomeranz.com, it’s on my website as well, you come there and visit that as well. But you’ll gonna love this really. It think you’re seeing it now, there it is.

SEC. ANDANAR: Yes, Mr. David Pomeranz. What message would you like to give to the people of the Philippine especially for your Filipino fans here?

MR. POMERANZ: Well first of all, I want you to know how much Kelly and I love you. We miss you. We wanna see you very, very soon. But I think the message really is stay together, take care one another, which you do so well. Nobody takes care of each other better than the Filipinos and you are warm and loving to one another. And that’s the thing you do, and what I was saying is stay productive – dance, write a book, read a book, write that play you’ve been wanting to write, change around the furniture… do step you’ve wanted to do. Take this time to for yourself and for your family.

SEC. ANDANAR: Yes. Thank you very much Mr. David Pomeranz. Thank you for your time and we are looking forward to see you here again in the Philippines.

MR. POMERANZ: You are so welcome, Rocky. Thank you so much. I send love, mwah!

SEC. ANDANAR: Thank you, Mr. David Pomeranz. Samantala, muli po nating balikan si Manila Mayor Isko Moreno kaugnay pa rin sa apatnapu’t anim na barangay officials na nakatanggap ng show cause orders at pinag-e-explain daw po ni Mayor dahil sa natatanggap niyang mga reklamo. Mayor Isko…

MAYOR MORENO: …USec. Rocky, Secretary Andanar at sa mga staff natin diyan sa telebisyon at mga manonood, magandang araw sa inyo.

SEC. ANDANAR: Opo. Mayor kuwentuhan ninyo naman po kami, kasi mayroon kayong 46 na barangay officials na nakatanggap ng show cause orders at pinag-e-explain ninyo po dahil doon sa mga natatanggap ninyong reklamo laban doon sa mga 46 barangay officials. Ano na po update doon, Mayor?

MAYOR MORENO: Wala akong naintindihan. Pasensya na po, garble iyong audio.

SEC. ANDANAR: Ngayon po Mayor, naririnig ninyo na po ako nang maayos?

MAYOR MORENO: Hello, wala po… garble po iyong…

SEC. ANDANAR: Sige po, ayusin po namin Mayor. ‘Ayan naririnig ninyo na po, Mayor?

MAYOR MORENO: Tawag kami ulit.

SEC. ANDANAR: Ah sige po, Mayor, pasensiya na po kayo, hintayin po namin ang tawag ninyo dahil siyempre nais po nating marinig ang mga sasabihin ng butihing Mayor ng Manila dahil alam naman po natin na marami po ang naging apektado ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila at nangangailangan ng tulong.

Sa puntong ito, dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula po sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Dennis Principe. Dennis?

[NEWS REPORTING BY DENNIS PRINCIPE]

SEC. ANDANAR: Yes. Maraming salamat sa iyo, Dennis Principe. Samantala, muli po nating balikan si Manila Mayor Isko Moreno. Mayor?

MAYOR MORENO: Hi, USec. Rocky, Secretary Andanar. Pasensiya na kayo, mahina po kanina, garbled. Sa atin pong mga manunood at mga staff natin diyan, magandang araw po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Opo. Mayor, update lang po doon sa 46 barangay officials na nakatanggap po ng show cause order at pinag-e-explain ninyo po dahil doon sa mga natatanggap ninyong reklamo. Ano na po ang nangyari dito, Mayor?

MAYOR MORENO: Iyong tatlo po ay kasalukuyang iniimbestigahan na ng kapulisan for some possible cases will be filed against them. Dalawa ho ay umaandar nang tuluy-tuloy. At out of 46 naman, 27 pa lang iyong nag-reply at nagpapaliwanag. At iyong natitira ay binibigyan pa hanggang ngayong araw na ito ng pagkakataon, kasi ngayon po iyong last day na sila naman po ay makapagpaliwanag para naman sa ganoon iyong ating mga mamamayan na marahil nakaramdam ng kulang na pagkalinga o maaari namang intentionally ay pinabayaan ay makakuha naman ng tenga ng gobyerno na mayroong nagmamalasakit sa kanila na pamahalaan.

So what we are trying to do, Usec. Rocky, ay para naman sa ganoon ay iyong mga tao, iyong kanilang hinaing ay maramdaman nila na ito ay dinidinig ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.

SEC. ANDANAR: Opo. Mayor, mayroon lang tayong natanggap na ano, humihingi po ng tulong sa inyo mula sa netizen, iyon daw pong Barangay 834 sa Pandacan, Manila ay allegedly po ay walang natatanggap na—

MAYOR MORENO: 834, wait lang ha.

SEC. ANDANAR: Opo, Barangay 834.

MAYOR MORENO: Barangay ano?

SEC. ANDANAR: Barangay 834, Pandacan, Manila.

MAYOR MORENO: Ano raw?

SEC. ANDANAR: Wala pa raw nakakarating na tulong mula sa DSWD. Pero kumusta na po iyong SAP distribution ninyo so far at ilan pong mga barangay iyong inaasahan pa natin na mabibigyan ng tulong?

MAYOR MORENO: Well, una, Rocky, modesty aside, I have a copy of things that your local government did in supplementing the effort of the national government through President Rodrigo Roa Duterte in attending to cushioning the socio-economic impact sa ating mamamayan, we’ve been providing provisions, food provisions, cash assistance, and so on and so forth to the general public.

In fact, lumobo iyong numero natin kasi ang unang basis natin sa dami ng pamilya sa Maynila ay 2015 data pa ng PSA. And I believe that they will come up sooner or later ng bagong data. So lumubo tayo ng almost 610,000 families situated or living in the City of Manila. With that, we try to address everybody. So kung pagdating sa local government, tayo naman, iyong mga ayuda naman, pinipilit nating yakapin lahat.

Now, having said that, with regard to DSWD SAP, we follow the directive of the President that—mabigat ho talaga rin ang bilin ko na wala dapat pulitiko na makikialam or mag-i-interfere sa proseso ng DSWD kasi iyon ang bilin ng Pangulo. But having said that, sa awa naman ng Diyos, iyong bagay na pinagpapasalamat namin sa national government, the City of Manila received 1.4 billion pesos to be distributed in respective areas in the City of Manila with regard to guidelines – the guideline is, the poorest of the poor.

Now, for us to identify—the city’s job is to identify the area wherein there is a bulk of families or individuals that are gravely affected with the crisis and before the crisis. So ibig sabihin, mahirap na nga, mas lalong nahirapan noong dumating itong krisis natin na kinakaharap ngayon. So the job of the city is, you know, to assist the DSWD. And I’m grateful at the same to DSWD na so far as we speak ‘no, we still have about 2 days more or less, today and tomorrow; as we speak, the city’s action with regard to the Social Amelioration Program given to us by the President is now on 93%.

So para naman po sa kaibuturan at kaalaman ng ating mga manonood, ano itong 93% na ‘to? Ang allotment na naibigay sa Manila out of 610,000 families, ay naibigay sa amin ay 185,000 families ang mabibigyan ng P8,000. So far, we have about 171,961 families ang nabigyan na sa Lungsod ng Maynila as of 7 A.M. this morning. So we are now on 93%. So more or less may awa ang Diyos, we will reach and meet the deadline.

The deadline of all these distribution of SAP without violating the standard policy which is iyong physical distancing at susundin iyong mahigpit, iyong pagkakahiwa-hiwalay ng tao at as much as possible mai-deliver ito sa kani-kanilang tahanan ‘no.

Those are the challenges of I think not only Manila but all local government units. But be that as it may, bagay na ipinagpapasalamat natin sa ating Director ng Social Welfare ng local government Rey Fugoso and the staff assisting DSWD. So sa awa ng Diyos, 93% po.

SEC. ANDANAR: Opo. Mayor kasi alam po namin, isa kayo sa mga talagang nagpatupad kaagad ng hard lockdown sa inyong lugar para po maiwasan pa rin iyong pagkalat ng COVID-19. Kumusta na po iyong naging pagsunod ng kababayan natin doon sa ipinatutupad ninyong ordinansa sa inyong lokal na pamahalaan? Nagkaroon pa rin po ba ng mga pasaway?

MAYOR MORENO: Well USec. Rocky, Secretary Andanar, ang bagay din na ipinagpapasalamat ko sa mga taga-Sampaloc at sa mga taga-Tondo, you know in our 500 years of existence as [garbled] the govern was established, first time ‘to na tayo talaga ay mag-quarantine nang ganoong karaming tao. In the case of Sampaloc, about 370,000; in the case of Tondo, about 500,000 individuals. Napakahirap po niyan, napakahirap sa ating mga kababayan.

Pero bagay na ipinagpapasalamat ko sa Sampaloc, out of 370,000 ay 200 lang ho ang nahuling nag-violate. Sa Tondo naman, out of 500,000 a little over 200. So generally speaking and modesty aside, very successful hard lockdown. But it didn’t happen overnight ‘no, USec. Rocky. Before we do lockdown, there are many things that have been considered, one of those, security. Are we going to implement it strictly and are we going to be certain; and ano ho ang mga rules ng IATF, iyong guidelines nila has to be considered by local government unit. Tapos, ano naman ang tulong ng lokal na pamahalaan for food—[line cut]

SEC. ANDANAR: Okay. Nawala sa ating linya si Mayor Isko Moreno kung saan sinabi niya 93% na daw po ang naipamahagi na SAP sa Lungsod ng Maynila. At titingnan po natin kung mababalikan natin si Manila Mayor Isko Moreno maya-maya lamang.

Samantala, mula naman po sa PTV Cebu, kunin muna natin ang ulat ng ating PTV correspondent na si John Aroa.

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa. Mula naman po sa PTV Davao, maghahatid ng ulat si Clodet Loreto. Clodet…

[NEWS REPORTING BY CLODET LORETO]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Clodet Loreto ng PTV Davao. Nais po nating ipaabot ang pasasalamat para kay Manila Mayor Isko Moreno para po sa panahong inilaan niya sa atin. Maraming salamat po, Mayor Isko Moreno.

At iyan po ang aming nakalap na mahahalagang impormasyon. Nais nating ipaabot ang pasasalamat sa mga nakausap po natin sa programa ngayong araw. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Bago magtapos ang ating programa, nais nating batiin ang lahat po ng mabubuti at masisipag nating ilaw ng tahanan ng advance Happy Mother’s Day. Advance Happy Mother’s Day sa aking nanay sa Sta. Cruz, Laguna. Mabuhay po kayo.

Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli sa Lunes dito lang sa Public Briefing, Laging Handa PH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)