Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay January 29, 2021, araw ng Biyernes. Samahan ninyo po kami sa isa na namang oras ng talakayan at pagbabalita, hatid namin ang mga napapanahong impormasyon na dapat ninyong malaman upang maging laging handa.

USEC. IGNACIO: Makakapanayam po natin ang mga kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan upang ipaliwanag ang mga isyu sa ating bayan; ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako naman po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar, ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lang ay makakasama natin sa programa sina DTI Secretary Mon Lopez; DOTr Undersecretary for Railways, Usec. Timothy John Batan; at Pag-IBIG Fund President and CEO Acmad Rizaldy Moti.

USEC. IGNACIO: Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page at YouTube account.

SEC. ANDANAR: Para sa ating unang balita: Kasunod ng nakakabahalang ulat na kaso ng human trafficking sa ilang Pinoy sa Syria, Department of Overseas Filipinos muling isinusulong sa Senado. Narito po ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Kahapon ay inilabas na nga po ng Philippine Statistics Authority ang Gross Domestic Product ng ating bansa para sa fourth quarter at kabuuan ng taong 2020. Tayo po ay nakapagtala ng minus 9.5% na GDP noong nakaraang taon. Ito na raw ang pinakamatinding recession ng bansa mula noong World War II.

Para bigyang linaw ang usapin na iyan, kasama natin ang Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Magandang umaga po sa’yo, Sec. Mon.

DTI SEC. LOPEZ: Magandang umaga po, Sec. Martin at saka kay Usec. Rocky, sa inyo pong tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, sa mga nanunood po sa ating ngayon, ano ang ibig sabihin ng minus 9.5 GDP na ito? At anu-anong industriya po ba ang apektado rito?

DTI SEC. LOPEZ: Ang ibig sabihin po nito ay mas maliit ang pinaka-output, at equivalent din po ito sa income ng ating ekonomiya versus the previous year, versus 2019. Alam naman natin na ang height ng pandemic at noong lockdown ay nangyari noong 2020 kaya po ini-expect na po natin na talagang babagal ang takbo ng ekonomiya ng kabuuang 2020.

Subali’t kung titingnan natin iyong per quarter na performance, malaki po talaga ang binagsak doon pa lang sa second quarter, naalala ninyo na nag-minus 16.9%. Noong third quarter, lumabas din po ang talaan, at minus 11.5%, lumiit na ang pagkababa o pagka-decline. At noong fourth quarter, iyon po iyong nilabas din kahapon na minus 8.3%. So quarter on quarter, nakikita po natin iyong slight improvement.

Subali’t kapag tiningnan ang kabuuang taon, iyong minus 8.3% ng fourth quarter, hindi enough iyan para mabawi iyong pagbaba ng ekonomiya kaya naging minus 9.5% ang total year. Ibig sabihin po noon ay dahil po bumagal ang ikot ng ekonomiya at alam ding nawalan ng trabaho, tumaas iyong unemployment noong mga April or May ng 2020 ng 17.7%. Sanay tayo noong nakaraan na we were hitting the lowest unemployment rate dito sa panahon ng Pangulong Duterte administration na bumababa sa below five percent, pero umakyat nga ng 17.7 noong nagkaroon ng mahigpit na lockdown noong first half, second quarter ng taong 2020. At itong 17.7%, nag-improve din naman ito, naging ten percent at iyong huling bilang, I think, ay November ay 8.7%, in other words single digit.

Pero while nag-i-improve po ang ekonomiya, malayo pa ho tayo doon sa pre-COVID or pre-pandemic levels. At ibig sabihin noon, marami pa rin na-displace na mga kababayan natin, marami pa rin na wala pa ring trabaho, hindi pa rin nakabalik totally dito sa ating pinaplanong re-opening or ginagawang re-opening, gradual re-opening ng ating economy.

So iyon po, mas mahirap po ang kita, mas mahirap ang kabuhayan ng 2020 versus 2019, iyon po ang pinaka-ibig sabihin po noon.

Subali’t ang ano po dito, ang bright spot naman ay nakikita natin iyong unti-unting pag-angat din dahil sa unti-unting pagbubukas natin, iyong calibrated re-opening.

SEC. ANDANAR: Ano ang mga kontribusyon kung bakit bumagsak sa ganitong level ulit ang ating GDP bukod po doon sa mga nabanggit ninyo, Sec. Mon?

DTI SEC. LOPEZ: Iyon pong sektor nga pala na tinanong ninyo kanina, ang pinakamalaking kontribusyon po diyan ay iyong—siyempre ho noong nag-lockdown tayo at may mga industriya na hindi kaagad nakapag-operate, so ang mga nag-contribute po diyan sa pagbaba, noong una ay ilang mga industriya at manufacturing. Pero ang pinakamalaking tinamaan talaga dito ay iyong tourism sector, iyong mga non-essential services tulad ng mga entertainment, mga iba pang non-essential services, iyan po ang mga tinamaan – travel, tourism. Kaya ho marami pong na-displace diyan, marami ring nagsara rin na mga negosyo diyan sa mga sektor na iyan.

At sa retailing din, nakita natin dahil limitado ang mga lumalabas, mayroon pa rin tayong tinatawag na age restrictions, may mga edad na hindi pa rin pinapayagang lumabas kaya limitado rin ang naging ikot ng negosyo at ikot ng ekonomiya dito sa mga sektor na ito.

SEC. ANDANAR: Tayo lang ba ang bansang nakaranas ng ganitong pagbagal ng ekonomiya, Sec. Mon?

DTI SEC. LOPEZ: Lahat po, Sec. Martin, ay nakaranas ng pagbagal. Subali’t mayroong mas mabilis na nakalabas kaagad, nakabawi tulad ng China at Vietnam. Pero ang kalungkutan nito, tayo iyong may pinakamabigat na decline, pinakamalaking pagbaba sa ekonomiya ang Pilipinas eh samantalang bago nag-COVID, tayo iyong pinakamalakas na ekonomiya. Talagang malaki ang tinama sa atin ng ating pagla-lockdown lalo na iyong mahigpit na lockdown noong umpisa.

Pero mayroon naman naging dahilan dito because alam nating lahat na talagang we were trying to prepare first iyong healthcare system noong bandang umpisa ng ating lockdown. At dahil din dito ay hindi nag-surge o lumaki nang lumaki ang COVID cases dito sa ating bayan. In fact, parati ho nating nasasabi na last year ay nakita rin natin iyong patuloy na pagbaba ng COVID cases on a daily basis. Kung 4,000 cases ho noong kalagitnaan ng taon, ay ito po ay bumaba sa 2,000 cases per day. At in fact, yesterday tiningnan ho natin ay parang 1,100 or 1,200 cases ‘no sa isang araw, kahapon.

So ito pong nangyayaring pagbaba ay in the midst noong atin ding gradual, calibrated, unti-unting reopening. Kaya po atin pong talagang isinusulong na ipagpatuloy iyong ganitong pag-gradual reopening dahil bumababa naman iyong cases. At ang susi kasi nga ay ito, pagsunod ng ating mga kababayan. Talagang malaki ang natulong noong pagsuot ng face mask at may face shield pa, talagang malaki hong natulong iyan. Kaya ho sa ating patuloy na pagluluwag, gradual reopening ay inuulit-ulit natin na hindi po magluluwag ang ating health protocol.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, paano ito mararamdaman ng mga Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay? At ano ang ginagawa ng gobyerno para hindi maging matindi ang epekto sa atin ng balitang ito?

DTI SEC. LOPEZ: Well, unang-una, para ho ang ating mga kababayan ay hindi masyadong maramdaman din ang matagal or mabigat na pagbaba ng ekonomiya, isaisip ho natin na para magbukas uli nang tuluy-tuloy ang ating ekonomiya, ituloy natin iyong pagsunod dito sa health protocol na face mask/face shield. Huwag ho natin balewalain iyan, iyan pong physical distancing dahil iyan din po ang ating magiging paraan bumaba ang COVID cases at magbibigay ng confidence sa ating lahat, pati ho sa ating pamahalaan na magbukas pa unti-unti ang ekonomiya at dumami pa ang trabaho.

So ‘ayan po ang malaking matutulong ng taumbayan, na ganiyan po ang balanse. Nakita na natin itong right balance eh, na kahit nagri-reopen ay tuluy-tuloy pa ring bumababa iyong cases. Ngayon pinigilan nga lang iyong huli nating move na luwagan pa nang kaunti iyong age restriction dahil naman po talagang, of course we follow, we believe in the wisdom ng ating Pangulo na tingnan muna natin daw itong new strain, itong bagong variant at kumakalat, at hindi natin alam kung gaano katindi ang pagkalat nito. Kaya ho minarapat ho natin at minarapat po ng ating Pangulo rin na i-postpone muna iyong pagluluwag.

Ibig sabihin, we look forward in the months ahead na babalik ho iyong proseso natin nang pagpapaluwag. Oras na ma-establish na natin itong new variant ay hindi ho talaga kumalat at ma-manage na rin ho natin pati itong mga bagong variant.

So iyan po ang aasahan natin at makakatulong po lahat dito kung tayo ay susunod sa protocol at maaasahan natin iyong sunud-sunod na pagbubukas pa rin – relaxation noong age group, iyong vaccine rollout, iyong mga infrastructure projects na ginagawa po ng ating pamahalaan. Iyong mga economic reforms na ginagawa po ng ating pamahalaan para talagang in the midst of this COVID, tuloy pa rin ho ang pasok ng mga investor, mag-invest para new economic activity and new sources of employment. So, kasi ni-recognize natin may mga nagsara pero mayroon namang magbubukas diyan dahil sa mga new investments na inaasahan nating papasok pa rin.

SEC. ANDANAR: Talaga bang iniwan na ng investors ang Pilipinas o kabaliktaran pa ang nangyayari, Sec. Mon? Paano ninyo sila hinihikayat na mamuhunan sa ating bansa?

DTI SEC. LOPEZ: Opo. Hindi naman ho iniwan ng foreign investors ang Pilipinas dahil dito nga sa aming talaan sa Board of Investments, ang atin pong registered investments ay umabot pa rin sa 1 trillion, 1.01 trillion pesos. Konting baba lang siya kumpara sa 1.14 trillion noong 2019. Record breaking po iyon, naabot pa rin natin ang 1 trillion.

Even in the FDI, sa reports ho sa akin kahapon, hindi ko lang dala iyong data ngayon pero tayo lang din po, ang Pilipinas lang ang nag-grow, lumaki ang foreign direct investment noong 2020. So iyon po, according to the UNCTAD report. So may mga, ‘ika nga, bright spots din tayong nakikita dahil itong investments are the ones that will create jobs. And nabanggit ko kanina, that’s the reason why we have to continue with all these reforms para ho talagang iyong appetite ng foreign investors magtuluy-tuloy pa rin, maging malakas pa rin papunta sa Pilipinas.

Dahil recognized naman po ang Pilipinas talaga, ang fundamentals po ng ating ekonomiya ng ating bansa, napakarami pa rin ho ang consumption spending, ang consumers. Over 100 million ang population natin and these are basically—this is the market ‘no, sa mga foreign investors, pati local investors din. Kaya ho napakaganda pa rin ng potential ng ating bansa.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, may mga katanungan din ang mga kasamahan natin sa media. Please go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning, Secretary Lopez. Tanong po mula kay Joseph Morong ng GMA-7: Ang ibig po bang sabihin nito, we need to open the economy more? Hindi po sapat na nasa GCQ lang ang Metro Manila.

DTI SEC. LOPEZ: Opo. Siyempre in the months ahead, again, kapag napakita natin sa mga numero ang patuloy na pagbaba ng COVID cases, siyempre ho iyon naman ang inaasahan natin na in the near future ay bumaba ho talaga, mag-deescalate to Modified GCQ ang Metro Manila. Dahil iyong sa computation po nila Sec. Karl sa NEDA, na sa bawat araw po na naka-GCQ ay parang mayroon pang 700 million pesos na income or wages na nawawala, hindi nari-realize dahil po nasa GCQ tayo. So siyempre gusto nating—[CONNECTION CUT]

SEC. ANDANAR: Nawala po ang ating linya ng komunikasyon with Secretary Mon Lopez. Rocky…

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa unti-unti nga pong pagbangon naman ng ekonomiya ng ating bansa, pinaalalahanan ni Senator Bong Go ang mga awtoridad na bigyang prayoridad pa rin ang kalusugan ng publiko lalo pa’t may panibagong banta ng bagong variant ng COVID-19. Panoorin po natin:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Sa iba pang balita: Mga biktima naman nang magkahiwalay na sunod sa Maynila at Quezon City binigyan ng tulong ng tanggapan ni Senador Bong Go. Panoorin po natin ito.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Balikan natin ulit si DTI Secretary Mon Lopez. Sec., ngayong 2021, how do we build back our economy?

SEC. LOPEZ: Yes, Sec. Martin, we want to be back better. So, iyong binanggit po natin, kailangan we stay the course. Ibig sabihin, gawin pa rin natin iyong mga kailangang gawin, aside from iyong firefighting na ginagawa natin dahil sa pandemya.

Itong mga economic reforms, iyong Build Build Build, ito mga economic infrastructures itong ginagawa rin po ng Build Build Build. Kasama na rin iyong paghihikayat pa sa marami pang mamumuhunan, mga investors, para po dumami ang trabaho sa ating bayan.

Paano naman silang mahihikayat ulit ay itong pag-open up ng ating ekonomiya in terms of allowing iyong mga higher foreign equity, mabawasan ang foreign equity restrictions sa mga ilang sector na iniri-reserve pa lamang sa mga Pilipino.

Ngayon po ang mindset po ngayon worldwide is that talagang I open up at tanggalin ang mga restrictions sa mga foreign equity. Ito po ay mga economic activities na magdudulot din maraming trabaho doon sa mga bansa na iyon. Kaya ganoon din po ang ina-adopt na polisiya ng ating pamahalaan.

So, itong mga economic reforms tulad po noong inaantay na nating maipasa sa Senate, sa bicameral ng Senate at Congress at sana po ito po ay isang batas na malagdaan na rin, eventually ma-submit sa Pangulo at malagdaan, ito po iyong CREATE. Ito po ang magpapababa corporate income tax rate from 30% to 20% para po sa mga Micro SMEs at from 30% to 25% doon sa mga malalaking kumpanya at ito rin ang nagsaad ng mas magandang set of tax incentives para po again, maka-encourage pa ng maraming investors dito sa ating bayan.

Mayroon pa rin tayong noong mga ibang legislative proposals na [garbled] sa ilang komite sa Congress at sa Senate at sana po magtuluy-tuloy na rin, ito po iyong Retail Trade Law – pagpapabago po ng ilang mga patakaran doon; pati rin po iyong Public Service Act, ang pag-revise din po nitong batas na ito that will open up more sectors for higher foreign equity participation. So ilan lamang po ito at siyempre sa ating mga programa at pati iyong tuloy na programa natin sa mga Micro SMEs para mag-digitalize sila, maka-survive sila dito sa pandemic na ito, lumaki pa ang negosyo nila. Dahil ang Micro SMEs account for 65% ng mga empleyado, ng mga employment dito po sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: At ano po ang ating GDP projection by 2021, if you have any information po, Secretary Lopez?

SEC. LOPEZ: Sa 2021, 6.5 to 7.5% range ang tinitingnan pong pagbawi at pag-recover ng ating ekonomiya ngayong 2021.

SEC. ANDANAR: May dagdag na katanungan po ang ating mga kasamahan sa media, Sec. Mon.

USEC. IGNACIO: Secretary Mon, may pahabol pong tanong si Joseph Morong para sa inyo: How much longer can we afford to stay under GCQ in Metro Manila?

SEC. LOPEZ: How much longer? Mahirap sagutin iyan at this will really have to be based nga dito sa assessment ng mga numero. Siyempre kung ang DTI ang tatanungin talagang ever since sinasabi natin hanggang maaga sana ma-declare na, pero binabalanse nga ng kabuuan ng ating pamahalaan at kaya ho talagang [garbled] tayo.

Pero ang DTI may ibang pananaw diyan, but this is really a balancing effort. Kaya ho tinitingnan din naman natin ang mga health statistics natin. So, we will continue to work on that [garbled].

USEC. IGNACIO: Secretary Mon, kunin ko na lang po ang mensahe ninyo sa publiko lalo na paparating na rin naman po iyong bakuna, Secretary Ramon Lopez.

SEC. LOPEZ: So, ituloy natin itong mask, hugas, iwas na kampaniya dahil ito talaga ang mag-a-allow sa ating lahat na magpatuloy sa maluwag na community quarantine at in the months ahead, sa darating na mga buwan ay aasahan din nating magluluwang-luwag pa rin iyan unti-unti.

Tama naman ang sabi ng ating Pangulo at saka narinig natin si Senator Bong Go kanina sa balita na may new variant kasi na kailangang obserbahan muna natin at baka kumalat; at kapag kumalat baka masisi pa iyong ating pagluluwag ng age restriction. Kaya mabuti pang obserbahan muna natin ito in the next two weeks or four weeks bago natin isulong ulit ang dahan-dahan na pagluluwag kung kakayanin ng ating ekonomiya at ng ating health system. So tuluy-tuloy lang po: MASK, HUGAS, IWAS.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong paliwanag at siyempre sa panahon, Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry. Stay safe po.

SEC. LOPEZ: Stay safe, salamat po at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa mga tagasubaybay nating Pag-IBIG members alamin natin ano nga ba nag bagong programa ng Pag-IBIG Fund para po sa inyo ngayong taon, makakausap natin ang kanilang Presidente at CEO Acmad Rizaldy Moti. Magandang araw po, sir.

PAG-IBIG FUND PRESIDENT AND CEO MOTI: Magandang araw Usec. Rocky at kay Secretary Martin.

USEC. IGNACIO: Sir, anu-ano na po ba iyong mga programang naipatupad ng Pag-IBIG Fund nitong nakaraang taon upang matulungan po iyong mga miyembro natin na harapan ang hamon ng pandemya?

PAG-IBIG FUND PRESIDENT AND CEO MOTI: Usec. Rocky, maliban po sa mga nilalaman ng ating Bayanihan 1 and 2. So mayroon po tayo doong two and half months na grace period under Bayanihan 1 at mayroon din pong 60 days grace period sa Bayanihan 2 naman po.

Maliban po sa dalawang batas na iyon, ang Pag-IBIG Fund Board of Trustees po sa pangunguna ni Secretary Del Rosario ay nagpatupad po tayo three-month moratorium last year noong kasagsagan pa lang po noong ECQ natin. At maliban pa po doon, bago po natapos ang taon, nakita po natin na labis na nangangailangan ng tulong ang ating mga housing loan borrowers so tayo po ay nagpatupad ng Special Housing Loan Restructuring Program. Ito po ay tumakbo mula po October hanggang December 15 at nakatulong po tayo sa around 80,000 housing loan borrowers na karamihan po ay pumili na mag-resume iyong kanilang housing loans ngayong Marso po. Pinayagan po natin na ma-delay iyong resumption of mortgage nila, so bale March 2021 na po bilang pagtulong po natin sa kanila.

At ang panghuli po ay nagdesisyon PO ang ating Board of Trustees bilang pagtugon po muli sa panawagan po lalo na po ni mahal na Pangulong Duterte na matulungan ang ating mga kababayan. So, ang Board ng Pag-IBIG Fund po ay minabuting i-defer o i-delay ng isang taon ang ating scheduled membership savings increase na P50.00/month starting January 2020, so this month, so minove (move) na po natin iyan January 2022 na po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Batid din po natin na nagpatupad din kayo ng mga programa na ang layunin po ay makatulong sa pagbangon ng ating ekonomiya. So, anu-ano po naman ang mga programang ito, sir?

PAG-IBIG FUND PRESIDENT & CEO MOTI: Usec. Rocky, sa kasamaang-palad kasi noong tumama iyong pandemya sa atin, ang laki po ng drop sa ating pabahay. Iyong pautang po sa pabahay mula po sa average na 6-7 billion a month na housing loan take-out natin na nakatutulong sa 7,000 members na magkabahay, bumagsak po ito noong April sa 800-Million.

At para po masagip at matulungan na makabawi kaagad ang ating mga partner-developers na gumagawa – sila po iyong gumagawa ng mga mass housing projects – ang Board po ng Pag-IBIG Fund ay naglabas ng programa, bridge financing po, iyong P10-Billion. Parang economic stimulus fund para po matulungan, magkaroon ng cash flows ang ating mga partner-developers para po patuloy sila na gumawa ng mga bahay para po may mabili naman ang ating mga miyembro.

At ang pangalawa pong ginawa natin as intervention, kasi po noong mga June/July, napansin natin na around 50% ng ating mga housing loan applicants ay nagpa-defer or nag-cancel ng application. So, minabuti po natin na maglabas ng promo rates, subsidized interest rates na tumakbo po mula July hanggang December 2020.

Ang good news po, Usec. Rocky, Sec. Martin, iyon pong pautang natin ay ang total po niyan ay P37-billion noong second half last year pero ang good news po ay iyong take-out natin, iyong housing loan releases mula September hanggang December, ito po ay bumalik na po sa pre-pandemic level.

At noong December, kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng ating mga partner-developers kasi po nagkapagtala tayo ng record high na monthly take-out – P12.11-billion or 640-million higher kaysa po noong previous record na naitala naman po noong December 2019.

So, sana po ay tuloy-tuloy ang momentum na ito at kami po ay umaasa na 2021 will be a much better year, not only for Pag-IBIG Fund but specially to our members, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sir, nabanggit ninyo po iyong sunod-sunod na programa ng Pag-IBIG para makatulong hindi lamang sa miyembro ano po, kung hindi pati na rin sa housing developers at business owners nitong nagdaang taon. So, paano po nakakaapekto sa financial status ng Pag-IBIG ito?

PAG-IBIG FUND PRESIDENT & CEO MOTI: Usec. Rocky, halimbawa po diyan ay iyong subsidized trade slot para po manumbalik iyong demand ng ating mga miyembro na finally mabili po nila iyong kanilang mga dream houses.

So, kung tutuusin po, parang nagpautang tayo na subsidized iyong interest rates kasi po iyong three-year fixing po natin na dating 6.375% ibinaba po natin iyan sa 5.375%. Pero tulad po noong sabi po natin, sa Pag-IBIG Fund eh mas maganda naman po na mas marami tayong natulungan, ang kita hindi ganoon kalaki pero po mayroong kita kaysa po hindi tayo gumalaw, bumaba nang tuluyan iyong ating housing loan take-outs na kung wala namang napautang ay wala din naman po tayong kikitain na interest na ang sumatotal po diyan ay wala din tayong mabibigay na malaking dibidendo naman po sa ating mga pure savers sa Pag-IBIG Fund.

Now, in terms of financials, ano lang po ito, base lang po ito sa ating preliminary figures, mukhang mas mahihigitan po natin ang revised net income target. Binanggit ko po noong huli ninyo po akong naimbitahan dito na baka po P25 to 28-billion ang magiging net income ng Pag-IBIG Fund dahil po sa pandemya kaya bumaba. Mukhang mas mataas pa po sa 28-billion ang ating net income at gusto ko pong magpasalamat po sa lahat ng ating mga housing loan borrowers na kahit po may grace period sila ay minabuti po nilang patuloy na magbayad po para po mas mayroon po tayong mapapautang muli sa ating mga ibang miyembro.

USEC. IGNACIO: Speaking of financial status, ang SSS po nagpapatupad ng contribution hike pero may pending Bill para itigil ito. Ang PhilHealth rin po may ganito ring balak pero hindi pa rin po natuloy matapos pigilan nga po ng pamahalaan. Both agencies ay nagsasabi na malulugi sila kung hindi po mag-umento ng contribution. Kayo po sa Pag-IBIG, idinelay ninyo ang premium hike, ano pong epekto nito sa inyong pondo?

PAG-IBIG FUND PRESIDENT & CEO MOTI: Usec. Rocky, alam po ninyo base po sa ating financial projections po kasi noong kasagsagan ng ano po, noong pandemya noong last year, a few months ago, napansin po natin na lalo na po pagdating sa cash flows ay malakas ang cash inflows, iyong collections po ng Pag-IBIG Fund. Patuloy po na nagbabayad ang ating mga miyembro na may pagkakautang po sa Pag-IBIG Fund kaya po ang board po natin, ang Board of Trustees ay minabuti nga po na i-defer or i-delay nang isang taon ito.

Ang rason po kasi, Usec. Rocky, kasi iyong increase natin ay dapat po para tugunan iyong patuloy na paglago ng ating pautang sa pabahay. Ang average growth rate po kasi natin ay 15% annual growth rate mula po 2016 hanggang 2019 po. Pero dahil po sa pandemya, bumagsak po ang ating pautang, hindi na po na-sustain iyong 15% growth, so noong 2019 86.7-billion total ang napautang po natin sa pabahay sa mga miyembro. Bumagsak po ito ng 63.7-Billion or 27% drop kaya po hindi natin kakailanganin iyong ini-expect po natin na around 20-billion additional cash inflow kung ipinatupad po natin iyong increase po na P50.00.

So, hindi po natin siya kakailanganin po this year, kasi po handa po tayong magpautang hanggang sa 100-billion. Pag-IBIG Fund can easily sustain hundred billion peso a year na pautang po sa pabahay. Ang tutugunan po ng increase kung saka-sakali po next year ay kung sakali pong maka-hundred billion tayo this year mula sa 63.7-billion at next year expected po natin, projected na makaka-hundred fifteen billion tayo, doon lamang po natin kakailanganin iyong membership increase.

Pero kung hindi po naman papalo ng hundred billion this year, pag-aaralan po muli ng Pag-IBIG Fund kung irirekomenda sa Board na i-delay pang muli iyong ating increase. Kung hindi po natin kakailanganin just to sustain iyong malakas na pautang sa pabahay para naman po ma-realize ng ating mga miyembro iyong dream of homeownership, hindi po natin iyan basta-basta itataas, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sir, kumusta naman po iyong imbestigasyon ninyo kaugnay sa mga scammers na nagpapanggap umano na opisyal mula sa Pag-IBIG para po makakuha ng mga pera sa mga biktima? At ano ang babala ninyo sa publiko tungkol dito?

PAG-IBIG FUND PRESIDENT & CEO MOTI: Thank you so much, Usec. Rocky, para sa oportunidad na ito. So, alam po ninyo tamang-tama lang po kahapon lang po mayroong isang supplier ang Pag-IBIG Fund na nabigyan ko po ng business card, so luckily may tumawag daw sa kaniya, presidente po ito ng kumpanya nila, may tumawag daw na nagpapanggap na ako daw. Eh, nabosesan po kaya biglang nag-text sa akin at sinabi na “CEO, ito iyong email address.” Tinanong ko, sabi ko bakit po ipinadala? Mayroon daw nagpapanggap.

So, napansin po natin, Usec. Rocky, na kadalasan kapag may bago tayong kontrata na pina-bid at mayroon nang ini-award, eh iyon pong mga scammers po ay biglang tumatawag sa kanila. So, bilang paalala po, notice to the public, we continue to remind the public specially po iyong mga miyembro, mga partner-developers, at mga suppliers ng Pag-IBIG Fund, na hinding-hindi po magso-solicit ang mga opisyal ng Pag-IBIG Fund sa inyo.

At tulad po noong ating nilagdaan na integrity pledge, bawal po iyan. Pinatawagan na rin po natin ang lahat ng ating mga partners, mga developers, at mga employers na kung sakaling may tumawag ay magsabi po sa atin kaagad. Mayroon po talagang mga tao na mukhang walang magandang ginagawa sa buhay, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Hingin ko na lang po ang inyong mensahe para sa publiko at siyempre, sa lahat po ng miyembro ng Pag-IBIG.

PAG-IBIG FUND PRESIDENT & CEO MOTI: Usec. Rocky, unang-una po ay better than expected po ang ating 2020. Makakaasa po ang ating mga miyembro nang hindi kasing taas na dividend rate pero maganda-gandang dibidendo po ang ating made-declare once approved po ng Board.

At para naman po sa mga miyembro na nais malaman po ang mga ibang programa at mga benepisyo po sa Pag-IBIG Fund, maaari po silang tumawag po sa ating contact center po – 02-87244244 or 8-PAGIBIG. Puwede rin po silang pumunta po sa ating website at mag-chat po doon www.pagibigfund.gov.ph. At puwede rin po silang mag-e-mail sa contactus@pagibigfund.gov.ph. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po Pag-IBIG President and CEO Acmad Rizaldy Moti.

Good news at bad news po ang dumating sa railway sector natin ngayong linggo. First batch ng mga bagong bagon ng LRT 1 dumating na sa bansa habang mahigit apatnapung MRT 3 employees naman ang nagpositibo sa COVID-19. Alamin po natin ang detalye tungkol sa mga balitang iyan mula kay DOTr Undersecretary for Railways, Undersecretary Timothy John Batan. Good morning, Usec.

DOTR USEC. BATAN: Good morning po, Usec. Rocky at sa ating mga listeners po this morning.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin na po natin itong pagpositibo po ng mga empleyado muli ng MRT 3 sa COVID-19 kasama po si GM Rodolfo Garcia, tama po ba? Kumusta na po ang lagay nila?

DOTR USEC. BATAN: Tama po kayo na nagkaroon po tayo ng COVID-19 cases dito sa MRT office and depot po natin. And nakasama nga po diyan si GM Garcia na kasalukuyan pong naka-admit po sa hospital.

Usec. Rocky, if all right po, if I may request po na if we can withhold comment na lang po, further comment doon sa specific condition po sana, as well as doon sa iba po nating COVID-19 patients.

USEC. IGNACIO: Opo. Mga MRT depot po itong nagkasakit? Wala po ba silang nakasalamuha na mga personnel na nasa istasyon at mga direktang contact sa mga pasahero? Ano po ba ang update sa isinagawang contact tracing?

DOTR USEC. BATAN: Iyong mga cases po natin ng COVID-19 ay naka-confine po doon sa MRT 3 depot office po natin, mostly po galing sa opisina. Based po on our latest figures, mayroon po tayong 36 na active cases coming from the office and mayroon po tayong anim po na galing po doon sa ating maintenance personnel. Iyong maintenance service provider po natin, iyong Sumitomo Mitsubishi Heavy.

Ngayon po, wala pa po tayong naitatala na COVID-19 cases galing po sa ating stations personnel na siya pong nakakasalamuha po ng ating mga pasahero sa MRT 3.

USEC. IGNACIO: Opo. Isinailalim na rin po ba iyong kanilang test for genome sequencing?

DOTR USEC. BATAN: Kasalukuyan po kaming nakikipag-coordinate doon po sa kumuha po ng mga testing natin na Philippine Coast Guard at pati na rin po sa Philippine Genome Center para po isumite at ma-determine po kung anong strain ng COVID-19 iyong tumama po sa atin dito sa MRT 3 office.

USEC. IGNACIO: Opo. May epekto ba itong pagkakasakit po ng mga empleyado dito po sa operasyon ng ating MRT line, Usec.?

DOTR USEC. BATAN: Sa kasalukuyan po, wala pa pong epekto. Regular operations po tayo sa MRT 3 dahil sa so far po, sa kabutihang palad ay nai-confine at nailimita po natin iyong pag-spread nitong ating infection doon po sa opisina sa MRT 3 depot.

Ngayon po siguro para po maintindihan po ng ating mga listeners: Ito pong depot na tinatawag natin, iyan po iyong lugar doon po sa North Avenue, mayroon po kami diyang 20 hectares po na depot. Diyan po pinaparada, diyan po kinukumpuni, diyan po inaayos iyong ating mga bago, iyong ating mga tren; at nandiyan din po iyong opisina ng MRT 3. So iyang opisina po na iyan na mayroon po tayong mga 300 po na mga empleyado, at diyan po natin nakita iyong 36 na kaso ng COVID-19 nito pong nakaraang linggo.

So dahil nailimita po natin, ang ginawa po natin diyan noong nalaman po natin na mayroon po tayong COVID-19 cases, agaran po tayong nag-contact tracing, agaran po tayong nag-RT-PCR swab test at nag-implement po tayo ng enhanced access control kung saan po hindi po puwedeng pumasok or bumalik sa opisina unless na mayroon ka pong negative swab test. So kasalukuyan po, wala pa naman tayong naa-identify na nag-spread po sa stations personnel, at iyan po ang dahilan kung bakit regular operations pa po tayo ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Nasa LRT Line 1 naman po kamakailan dumating na po ang kanilang fourth generation na mga bagon. Usec., ano po ba ang ikinaiba ng bagong bagon na ito in terms of speed and capacity kumpara po sa mga tumatakbo nilang mga tren sa ngayon?

DOTR USEC. BATAN: Ito pong fourth generation natin na mga tren para sa LRT 1, total po niyan ay 120 po na mga bagon; tatlumpung tren po, tatlumpung train sets na kinabibilangan po ng apat na bagon kada train set. Ito po ay mag-aakyat ng bilang ng number ng tren po sa LRT 1 mula po sa kasalukuyan na nasa one hundred, one hundred ten lang po, halos madudoble po iyong dami ng tren sa LRT 1 kung kaya’t tataas po ang kapasidad natin sa LRT 1. Mas bibilis po ang dating ng mga tren, mas madami po ang maseserbisyuhan na mga mananakay.

Ngayon, itong mga bagong bagon po natin, ito po ay pinondohan po ng Japan, ng Japanese government. Ito po ay manufactured po sa Spain po at sa Mexico. At ilan po sa mga features po nitong mga bagong tren natin ay mas energy-efficient po sila, meaning mas konti po ang kinakailangan na kuryente para patakbuhin. PWD friendly din po ito, at mayroon pong iba pang mga technological innovations po na naisama dito sa fourth generation po na mga bagon para sa LRT 1.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kailan po ito magagamit ng publiko; at maaapektuhan ba nito iyong—siyempre ang pangunahing tanong po niyan, iyong presyo ng pamasahe dahil siyempre may bagong biling gamit po ang LRT?

DOTR USEC. BATAN: Mag-uumpisa po ito na magamit mga July-August po. So dumating po iyong unang batch nito earlier this week. Ang mangyayari po diyan, magkakaroon po tayo noong tinatawag na testing and commissioning. So may mga testing lang pong gagawin at uumpisahan na pong patakbuhin iyan nitong Agosto.

Wala pa po tayong pinaplano na pagtaas po ng pasahe. Ang instruction po diyan ni Secretary Tugade ay uumpisahan lang po natin na isipin o ikunsidera iyang taas ng pasahe kapag mayroon na pong nararamdaman na improvement po sa serbisyo ang ating mga mananakay.

USEC. IGNACIO: Opo. Gagamitin din daw po ang mga tren na ito hanggang sa Cavite extension ng LRT Line 1? At kumusta na po ba ang paggawa sa extension project; at kailan po bubuksan ang mga bagong istasyon na ito?

DOTR USEC. BATAN: Tama po iyan, Usec. Rocky. Mayroon po tayong LRT 1 Cavite Extension Project, iyan po iyong mag-i-extend ng kasalukuyan po nating LRT 1 na may huling istasyon sa Baclaran. So galing po sa Baclaran, mayroon po tayong 11 kilometers po na extension papuntang Niog, Bacoor, Cavite. Tutal po, mayroon iyang—sumatotal, mayroon po iyang walong karagdagang istasyon.

Ongoing po ang construction natin. Kung makikita po natin doon po sa lugar ng Pasay, Parañaque, at itinutulak po natin sa ilalim po ng instruksyon ni Secretary Tugade na magkaroon po ng partial operations by December 2021.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, DOTr Undersecretary Timothy John Batan.

DOTR USEC. BATAN: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, para sa mahalagang anunsiyo, makakasama natin sa puntong ito si Presidential Spokesperson Harry Roque. Good morning, Secretary?

SEC. ROQUE: Good morning, Usec. Rocky.

Binigyan na po tayo ng pahintulot ng ating Presidente para ianunsiyo ang quarantine classifications mula a-uno ng Pebrero hanggang 28 ng Pebrero taong ito.

Ang mga lugar na babasahin ko ay mapapasailalim po General Community Quarantine, ito po ay sa:

  • Cordillera Autonomous Region:
  1. Abra
  2. Apayao
  3. Benguet
  4. Baguio City
  5. Ifugao
  6. Kalinga
  7. Mt. Province.
  • Ang buong NCR po ay mananatili na GCQ.
  • Sa Region IV-A po, ang probinsiya ng Batangas;
  • Sa Region VIII po, ang Tacloban City;
  • Sa Region XI, ang siyudad po ng Davao at ang Davao del Norte;
  • At sa BARMM, ang probinsiya po ng Lanao del Sur at ang Siyudad ng Iligan.

Lahat po ng mga iba pang mga rehiyon at probinsiya at mga siyudad na hindi ko nabasa ay mapapasailalim po sa MGCQ.

So ulitin ko po, nasa ilalim po ng GCQ ang mga sumusunod: ang NCR, ang CAR – kasama na po ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, ang Batangas Province – ang Tacloban City, ang Davao City, ang Davao Del Norte, ang Lanao del Sur at ang Iligan City. Lahat po ng mga iba pang mga lugar sa Pilipinas ay mapapasailalim sa Modified General Community Quarantine.

Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Secretary, puwede po ba kayong tumanggap nang kaunting tanong?

SEC. ROQUE: Sige, kaunting tanong po.

USEC. IGNACIO: Dalawang tanong lang po ni Joseph Morong ng GMA-7: Government says UK variant is a factor in determining whether to relax community quarantines and age restrictions. At this point can we establish if this has contributed to the increase? If not, do you think we can relax now if UK variant is not spreading in the country?

SEC. ROQUE: Wala pa pong conclusive na datos na nakukuha kung prevalent na po ang UK variant sa Pilipinas, so hindi ko po masasagot ang tanong ni Joseph Morong.

USEC. IGNACIO: Opo. If and when Metro Manila goes into MGCQ, how much more economic activity will be activated? What industry will open?

SEC. ROQUE: Well, siyempre po MGCQ eh almost 75% po ng ekonomiya ay mabubuksan, so kaunti na lang po ang hindi mabubuksan. Pero that’s moot and academic question dahil GCQ pa rin po ang Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Harry Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Rocky. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, inaprubahan na ng FDA ang Emergency Use Authorization ng AstraZeneca. Ikalawa ito na EUA for COVID-19 vaccine sa bansa. Pero paglilinaw ni FDA Director General Eric Domingo, bawal itong ibenta sa publiko. Ano ba ang pagkakaiba ng EUA at Full Market Authorization? Alamin po sa BIDA Bakunation video na ito ng DOH:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Mula rin sa Health Department, narito ang pinakahuling sitwasyon ng COVID-19 cases sa buong bansa. Umabot na po sa 519,575 ang ating total number of confirmed cases kahapon. Ito ay matapos maitala ang 1,169 new COVID-19 cases; 71 na katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi kaya umabot sa 10,552 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths, ngunit patuloy pa rin ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 475,596 matapos makapagtala ng 60 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 33,427.

Samantala, puntahan naman natin si Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

Maraming salamat sa iyong report, Eddie Carta.

SEC. ANDANAR: Mula naman sa Cebu, may ulat si John Aroa. John…

[NEWS REPORT]

Maraming salamat, John Aroa ng PTV-Cebu.

USEC. IGNACIO: Samantala, tunghayan naman natin ang pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

SEC. ANDANAR: Magtungo naman tayo sa Davao, hatid ni Jay Lagang ang pinakahuling balita roon.

[NEWS REPORT]

Maraming salamat, Jay Lagang.

At iyan ang mga balitang aming nakalap sa araw na ito. Ako po si Secretary Martin Andanar. Ito po ang Public Briefing hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

USEC. IGNACIO: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa ating laban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.

SEC. ANDANAR: At mula po naman sa amin, sa Presidential Communications Operations Office maraming, maraming salamat po sa inyong panunood. At ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)