Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating tagapakinig sa loob at labas ng bansa. Muli ninyo po kaming samahan at alamin ang mga pinakahuling balita tungkol sa COVID-19 dito sa Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Mula pa rin sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio kasama ninyong aalam sa mga totoo at tapat na impormasyon tungkol sa mga hakbang ng ating pamahalaan laban sa nakamamatay na sakit na ito.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya po natin ito. Kaya naman bayan, halina’t makisama po sa aming pagbabalita dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Kahapon po’y bilang tanda ng pagtatapos ng buwan ng Ramadan ay ginunita sa buong mundo ang taunang pagdiriwang ng Eid al-Fitr o ang ‘Festival of Breaking of the Fast’, isa sa pinakamahalagang selebrasyon sa ating mga kapatid na Muslim sa loob at labas ng bansa. Panoorin po natin ito: [VTR]

Binabati po natin ng Eid Mubarak ang lahat ng mga kapatid natin na Muslim sa buong mundo.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, pumalo na sa 14,035 ang mga kaso na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Ito’y matapos naitala ang dagdag na 258 cases sa bilang na iyan kahapon; 72 naman ang nadagdag sa mga gumaling sa sakit, sa kabuuang bilang na 3,249; habang 868 naman ang total deaths matapos itong madagdagan ng lima. 75% ng mga naitalang bagong kaso ang nanggaling sa Metro Manila habang 5% naman ang galing sa mga repatriated OFWs. Tinatayang nasa 9,980 naman ang active cases sa bansa.

Sa buong ASEAN region, naitala ang 79,000 COVID-19 cases kung saan nananatili ang Singapore na may pinakamataas na bilang ng nagpositibo na sinusundan naman ng Indonesia at ng Pilipinas. Tanging ang Vietnam, Cambodia at Laos lang ang mga bansang walang naiulat na casualty nang dahil sa COVID-19.

Samantala, sa buong mundo umabot na sa 5,383,582 ang total count ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang nasa 2,158,031 ang total recoveries at 344,077 ang total deaths. Ayon sa WHO, nasa South America na umano ang epicenter ng pandemya partikular sa bansang Brazil na ngayon ay pangalawa na sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19; sinusundan ito ng Russia, United Kingdom at Spain; habang ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso sa buong mundo.

SEC. ANDANAR: Ang patuloy at paulit-ulit po naming paalala, huwag nang lumabas ng tahanan kung hindi naman kinakailangan. Ugaliin po ang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng mga kamay at laging panatilihin ang isang metrong layo mula sa ibang tao.

Para po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-COVID o kaya 02894-26843. At para sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Maari ninyo rin pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens.

Patuloy po tayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyo pong bisitahin ang www.doh.gov.pp/covid19tracker o www.covid19.gov.ph.

Samantala, sa unang batch ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program, isandaan at labing isang benepisyaryo nito ang nakauwi na sa Leyte noong Huwebes, nakaraang linggo. Pinasalamatan ni Senator Bong Go ang lokal na pamahalaan ng Leyte sa pangunguna ni Leyte Governor Leopoldo Petilla sa naging mainit na pagtanggap nito sa mga nagbabalik-probinsya.

Gayun pa man, kinakailangan pa rin sumailalim ng mga ito sa health protocols gaya ng disinfection at swab test, manatili ang mga ito sa kani-kanilang city at municipality quarantine facilities habang hinihintay ang resulta at dadalhin umano sa provincial medical facility ang mga magpopositibo, habang papayagan namang makauwi na ang mga magnenegatibo sa sakit.

Ayon kay Governor Petilla, makakatanggap ang mga nagbalik-probinsya ng livelihood assistance at customized program assistance ng TESDA gaya ng scholarship skills training na angkop sa kanilang mga kakayahan. Sinabi naman ni Senator Go na simula pa lang ito ng programa at bagong buhay para sa ating mga kababayan. Asahan din ang susunod pang mga batch na tutulungang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program.

USEC. IGNACIO: Samantala, hindi maikakaila na talagang malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa ating bansa lalo na sa mga doktor, nurse at mga manggagawa ng mga ospital at iba pang medical facilities na walang sawang nagsisilbi sa kanilang mga kababayan kahit pa ang kapalit nito ay ang mismong buhay nila.

Kaya naman para maiwasan ang kaparehong sitwasyon na dinadanas ng ating medical frontliners at bilang paghahanda na rin sa mga sakunang maari pang dumating sa bansa ay naghain na ng isang panukala si Senator Bong Go na tutugon sa pangangailangan ng bansa sa gitna ng kalamidad, ito ang Senate Bill 1451 o ang Medical Reserve Corps Act of 2020. Sa nasabing panukala, papayagang makapag-practice ang mga nakapagtapos ng medicine, nursing, medical technology at iba pang health-related field kahit wala pang lisensiya dahil hindi pa nagti-take o pumapasa sa board exam. Sila ay magiging miyembro ng Medical Reserve Corps na maaaring pakilusin sa oras ng sakuna o kalamidad.

Kapag naisabatas, bibigyang karapatan nito ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na i-mobilize ang Medical Reserve Corps kung kinakailangan. Magkakaroon din ng retraining para sa mga miyembro nito para masiguro ang kanilang kahandaan at kaalaman sa pagtugon sa health needs ng bansa.

Magtatayo rin ng mobilization centers sa mga siyudad at lalawigan kung saan maaaring mag report ang reservist, habang ang mga nasa kagamitang kakailanganin naman sa kanilang deployment ay sasagutin din ng DOH. Magkakaroon ng Medical Reserve Corps fund para sa implementasyon ng mga layunin ng nasabing panukala at ito ay isasailalim sa evaluation ng Office of the President.

Ayon kay Senador Go, tutugon rin ito sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang uuwi sa kani-kanilang probinsya sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program ng pamahalaan.

Maya-maya po ay makakasama rin natin magbabalita ang Philippine Broadcasting Service kasama si John Mogol.

SEC. ANDANAR: Makakasama din natin ngayong araw sina Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque. Makakasama rin po natin ang Presidente at CEO ng PhilHealth, Retired Brig. General Ricardo Morales; si SBMA Administrator and Chairperson Atty. Wilma Eisma; ang Secretary ng National Commission on Filipino Muslims, Atty. Saidamen Pangarungan; at si Philippine Ambassador to Malaysia, Ambassador Charles Jose.

USEC. IGNACIO: Sa punto pong ito makakasama natin si Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Sec. Martin at Usec. Rocky.

Inatasan po kaninang ala-una y media ng umaga ng ating Presidente ang mga awtoridad gaya po ng DOLE, ng OWWA at ng Department of Health na siguraduhing makakauwi na ang 24,000 na mga OFWs na sa ngayon po ay nag-aantay ng kanilang mga resulta sa PCR swab. Sang-ayon po sa Presidente, binibigyan niya ng awtoridad ang lahat ng mga opisyales ng mga departamentong ito na gamitin po ang lahat ng resources ng ating gobyerno para masiguradong makauwi ngayong linggo ang ating mga kababayan.

Ang sabi po ni Presidente, kung hindi po sapat ang mga pribadong bus, eroplano at barko, puwede rin pong gamitin ang mga barko at eroplano ng Hukbong Sandatahan. At alinsunod po dito ay naipagbigay-alam po sa atin ng OWWA po ngayon na simula na nga daw po ang pagpapauwi ng ating mga kababayan. At sa ngayon po, ito po iyong ilang mga larawan na nagpapakita na nagsisimula na nga po iyong proseso. Iyong mga kababayan po natin na mga taga-Luzon ay sila po ay ihahatid sa kanilang mga probinsiya sa pamamagitan ng bus. Doon po sa mga taga-Visayas at Mindanao, sila po ay ihahatid sa pamamagitan ng eroplano at ng mga barko.

Sabi din po ng ating Presidente, kinakailangan palawakin po ang kakayahan ng ating  mga probinsiya na magkaroon ng PCR test para  sa ganoon po, iyong mga susunod na darating na mga OFW ay  doon na po sa kani-kanilang probinsiya magka-quarantine at doon na po sila magpapa-PCR test. Now, iyong mga wala pong kopya ng quarantine certificate nila na kakailanganin para makauwi, huwag po kayong mag-aalala, nagkaroon na po ng sistema ngayon ang OWWA na bibigyan po kayo ng kopya ng inyong certificate bago po kayo either sumakay ng eroplano  o sumakay ng bus o ng iyong mga barko.

Makikita po natin sa slide na ito ang mahigit 30 flights ng ating mga kababayan na OFWs na papauwi sa kani-kanilang probinsiya. Unang araw pa lamang po ito at tulad ng aking sinabi kanina, ang mga kababayan natin na OFW sa Luzon ay hinatid naman sakay ng bus at iyong iba naman po  ay barko.

Isa pa pong mabuting balita, naabot na po natin ang ating target na 30,000 PCR tests per day. Ang original target po ay 30,000 by May 30. Pero noong Mayo 20 po ay nakaabot na po tayo sa 32,100 test per day, nalampasan po natin ang ating target. Anim na beses na po ang inilaki ng ating testing capacity (PCR) mula 5,000 noong April 15 sa loob lamang ng isang buwan.

Nabuo na po ng Task Force T3 o iyong treat, test and trace noong April 30 o tatlong linggo pa lamang, pero ang dami nang accomplishment. Kaya sa mga nagtatanong kung bakit inilagay si Vince Dizon, ayan po malinaw pa po sa sikat ng araw ang kasagutan.

Ang pangatlong mabuting balita po ay mayroon na po tayong 66 COVID laboratories sa buong bansa, mula sa limang laboratory lamang noong March 19, 2020. Kaya tama po na test, test, and test.

Naka-set din ang schedule sa pagpulong si Presidente kasama po ang mga [unclear] leaders bukas. Well, actually po ang magpupulong po ay mga miyembro ng IATF na pangungunahan po ni Secretary Meynard Guevarra, ang ating Secretary of Justice, ito po ay alas-dos sa Malacañang at magbibigay po ako ng update pagkatapos po ng meeting bukas.

Magtungo naman po tayo sa balitang IATF – Dalawang resolution ang naaprubahan ng IATF noong Biyernes: Una, ang IATF resolution number 38 kung saan idinetalye ang mga pagbabago sa Omnibus guidelines on the implementation of community quarantine in the Philippines. Ang mga guidelines pong ito, alam ninyo ay hindi nakataga sa bato. Patuloy itong ina-update, ini-improve depende sa sitwasyon sa ibaba.

Ano po ang mga salient points ng bagong guidelines? Sa kakulangan ng oras, salient points lamang po ang babanggitin ko, ang buong guidelines ay makikita sa official gazette o di naman kaya sa Facebook page, Office of the Presidential Spokesperson o ng PCOO.

Unang-una, sa Omnibus guidelines na inilabas noong May 22, mayroon ng mga establisyimento  at mga manggagawa sa ilalim ng ECQ na nasa full operational capacity, kumpara sa May 15, guidelines kung saan ang mga ito ay  nasa skeleton work force. Kasama rito ang pampubliko at pribadong mga ospital, health emergency at frontline services, tulad ng dialysis at chemotherapy centers; manufacturers of medicines, medical supplies, devices and equipment, kasama na ang mga suppliers; workers in agri, forestry and fishery industries; those in delivery and courier services of food, medicine, essential goods. Pinayagan na rin ang delivery ng mga damit, accessories, hardware, housewares, school and office supplies, pet food at veterinary products.

Samantala, nasa maximum of operational capacity sa ilalim ng ECQ sa bagong guidelines ang dating naka-skeleton workforce sa May 15 guidelines. Kasama po dito iyong mga nagtatrabaho sa private establishments providing essential goods and services, those in media establishments and workers in railway related projects accredited by the DOTr.

Idinagdag din sa bagong guidelines, sa ilalim ng ECQ sa skeleton force ang mga sumusunod: Printing presses, as authorized by the BIR to print OR and accountable forms; companies engaged in repair and maintenance including computers and household fixtures; real estate activities limited to leasing only.

Pinapayagan naman sa May 22 guidelines ang gatherings sa ilalim ng ECQ, MECQ na may kinalaman sa serbisyo ng pamahalaan at mga authorized humanitarian activity. Ulitin ko po: Ang pupuwede lang magtipon ay para sa mga serbisyo ng pamahalaan at mga authorized humanitarian activities.

Doon naman po sa IATF Resolution # 39, inaprubahan ang mga rekomendasyon ng Department of Science and Technology, ang partisipasyon ng Pilipinas sa clinical trials for COVID-19 vaccines. Nakasaad din sa ating resolusyon ng IATF sa plano ng DOST na magtayo ng research center at pagsusulong sa local vaccine development.

Sec. Martin. Usec.  Rocky, pakinggan naman po natin ang mga tanong ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

USEC. IGNACIO:  Secretary, good morning po. Unahin ko na muna iyong tanong ni Ace Romero. Iyon daw pong clarification – iyon daw pong papauwiing OFWs, iyong mga naghihintay ng results ng test o iyong mga negative na ang result, iyon ba daw pong puwedeng umuwi?

SEC. ROQUE:  Lahat po dapat negative ang results. Pero ang utos po ng Presidente – hindi na niya tinatanong kung ano ang naging aberya at nagtagal iyong ilang mga resulta – kinakailangan lahat ng resulta ay lumabas sa linggong ito ng sa ganoon, lahat ay makauwi sa linggong ito.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong ni Aileen Taliping ng Abante Tonite: Ang mabagal ang paglabas ng resulta ng swab test ang naging problema sa pagkatengga ng maraming OFWs sa Metro Manila. Ibig bang sabihin nito ay hindi nakatulong umano ang pagiging testing Czar ni Deputy Chief Implementer Vince Dizon para mapabilis ang proseso?

SEC. ROQUE:  Hindi naman po. Kasi bago dumating si Vince Dizon ay mabibilang ninyo sa kamay ang laboratoryo natin; ngayon po, pinakita ko po dumami na, nasa 66 laboratories na po tayo.

USEC. IGNACIO:  From Maricel Halili of TV5: A Philippine Star report stated that the President is reported to be scouting for somebody to replace the Health Secretary. Gaano daw po ito katotoo? And does this have something to do with the alleged overpriced procurement of medical equipment to battle COVID-19? With all these issues, buo pa rin daw po ba ang tiwala ng Pangulo sa ating Health Secretary?

SEC. ROQUE:  Wala akong alam sa artikulo na iyan. At ang paulit-ulit ko pong sinasabi, kahit sino pa po sa Gabinete, we all serve at the pleasure of the President. Kung nawalan na po ng tiwala ang Presidente, anytime, any Cabinet member can be removed.

USEC. IGNACIO:  Question from Reina Tolentino of Manila Times: An SWS survey conducted from May 4 to 10, 2020 found that 87% of Filipinos out of 4,010 respondents were worried that anyone in their immediate family might catch COVID-19. What is the message of the Palace to the Filipinos in relation to this, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, dapat lang naman po tayong mabahala dito sa COVID-19 habang wala pa pong vaccine, habang wala pa pong gamot. Pero hindi naman po kinakailangan na itigil na natin ang ating mga buhay. Patuloy po tayo ngayong binubuksan na natin ang ekonomiya dahil kinakailangan naman nating buhayin ang ating mga kababayan. Kailangan po mag-ingat, magsuot ng facemask, maghugas ng mga kamay, at mag-observe po ng social distancing, at patuloy pong manatiling malusog.

USEC. IGNACIO:  Kino-consider daw po ba ng ating pamahalaan na bigyan ng option ang travellers na magpa-test for COVID-19 within a certain period of time bago ang flight nila patungong Pilipinas instead on being tested here upon arrival?

SEC. ROQUE:  Sa ngayon po ang protocol ay kinakailangan upon arrival may testing ng PCR kasi kapag kumuha po kayo ng advance test tapos nagpunta kayo sa ibang lugar ay puwede na kayong mahawa o di naman kaya sa eroplano mismo puwede na kayong mahawa. So sa ngayon po the guidelines remain, PCR test for all bago po makapasok ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, nagkaroon daw po ng pahayag si Secretary Delfin Lorenzana kung saan sinabi niya na maaari nang mag-shift sa General Community Quarantine ang Metro Manila, at pabor naman dito ang chairperson ng Metro Manila Council na si Parañaque Mayor Olivarez. Is Metro Manila really likely to shift to GCQ by June?

SEC. ROQUE: Well, siyensiya po ang magiging basehan natin. Paulit-ulit ko pong sinasabi, iyong doubling rate ng COVID-19 kung patuloy pong bumagal at iyong ating kapasidad to provide critical care capacity at siyempre iyong concern sa ekonomiya. So antayin na lang po natin ang magiging desisyon ng IATF, ilang tulog na lang naman po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Rosalie Coz ng UNTV: Sa pag-decide naman po daw ng Pangulo kung ili-lift na ang MECQ sa NCR at sa iba pang bahagi ng bansa, saang grupo ng eksperto po siya babatay – sa mga nagsasabi po bang nasa second wave na tayo ng COVID-19 infection? Bakit po oo at bakit po hindi?

SEC. ROQUE: IATF naman po ang nagdidesisyon diyan ‘no. At alam ninyo naman po ang Presidente na kinukonsulta ang lahat – ang DOH at ang iba pang mga dalubhasa at mga doktor na respetado.

USEC. IGNACIO: Mula kay Francis Wakefield ng Daily Tribune: In case na mag-GCQ na sa NCR on June 1st, will IATF consider allowing more PUVs to ply the streets? If ever na payagan ang pagbubukas ng maraming negosyo sa GCQ, more workers will be out in the street, kung walang masakyan ay at risk din sila kahit mag-bike lalo pa’t magtatag-ulan na po. Napag-usapan na daw po ba ito ng IATF?

SEC. ROQUE: Mayroon na po tayong umiiral na guideline na sa GCQ, mula 10 to 50 percent na po ang pampublikong mga transportasyon. Kapag nagkaroon pa ng Modified GCQ, iyon nga po, 50% capacity so dadami na po ang pampublikong mga sasakyan.

At tama po ‘no, sa panahon na limitado ang pampublikong sasakyan, marami po ang nagbibisekleta. Nananawagan po kami sa mga LGUs: Mag-provide po kayo ng mga bike lanes – at ito nga po ang pet project ng ating Senator Francis Tolentino.

USEC. IGNACIO: Opo. May karagdagan pa rin siyang tanong: Comment ninyo daw po sa sinabi ni Senator Franklin Drilon that a review of the implementation of the Bayanihan to Heal as One Act should be done first before Congress extends the measure’s validity and allocate more funds for it. In a radio interview, Senator Drilon said, “Lawmakers will scrutinize the spending activity of the government as the DBM has yet to prove to Congress data on the remaining funds.” Ano daw po ang comment ninyo dito, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, inaasahan po natin sa linggong ito ‘no, siguro po sa Huwebes, ay magiging bisita natin si Secretary Wendel Avisado para nga i-discuss kung magkano pa iyong natitirang pondo ‘no. Kasi sang-ayon sa Bayanihan Act, at mayroon po iyang sunset clause, ibig sabihin mapapaso po siya tatlong buwan matapos naging epektibo ang batas. Ang calculation po namin diyan, and kuwenta namin ay mapapaso ang batas sa June 23. So mayroon pa tayong hanggang June 23.

At sang-ayon po sa Bayanihan Act, pupuwede namang mag-realign ng pondo ang gobyerno. At tatanungin natin si Secretary Avisado kung magkano po ang ire-realign na pondo at saan po ilalagay iyan. Dahil kapag mayroon pa pong pondo na pupuwedeng ma-realign, wala pa naman po tayong usaping [garbled]

USEC. IGNACIO: From Joseph Morong: Papayagan na rin daw po ba ang mga salon at barbershops na magbukas under MECQ or under GCQ after May 31st?

SEC. ROQUE: Joseph, alam kong atat na ata ka nang pumunta sa iyong favorite na barbero o kaya salon, pero hayaan na muna nating magdesisyon ang IATF. Marami namang usapin na dapat nga payagan; pero sa ngayon, ang umiiral na opinyon ay huwag muna po dahil marami po talagang reports, at ito po ay nakabase sa siyensiya, na napakalakas pong kumalat ang COVID  sa mga barberya at mga salon.

USEC. IGNACIO: From Sam Medenilla of Business Mirror: Kasama po kaya ang tourism activities na ia-allow makapag-operate in areas which will be placed under Modified General Community Quarantine?

SEC. ROQUE: Mayroon na pong 50% capacity ang turismo sa Modified General Community Quarantine.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin ng Business Mirror: Ano daw po ang magiging incentive ng Philippines sa pag-participate sa clinical trials for possible vaccine and drugs for COVID-19? Masasama po kaya ang Pilipinas sa unang makakabili ng mga nasabing products dahil sa pagsali nito sa clinical trials?

SEC. ROQUE: Well, ang incentive natin ay kinakailangan natin ng bakuna, kinakailangan natin ng gamot sa COVID-19. At siyempre umaasa tayo, dahil tayo ay sumapi at tayo po ay binuwis natin at pinagsapalaran natin ang mga buhay ng ating mga mamamayan, na una tayong mabibigyan ng bakuna o di naman kaya ng gamot.

USEC. IGNACIO: From Ace Romero of Philippine Star: What areas daw po will be placed under the most lenient General Community Quarantine; and will the national government replace the region-based lockdown with the localized or barangay-based lockdown? And when will IATF decide on this?

SEC. ROQUE: Well, ang ating polisiya ay dahan-dahan, unti-unti at hinay-hinay ang pagbukas ng ating ekonomiya kaya nga po mayroon tayong ECQ, Modified ECQ, GCQ, Modified GCQ at iyong new normal na tinatawag. So ang proseso naman po ay nakabase po sa siyensiya at kaya naman po tatlong beses isang linggo, wala pong paltos except kung mayroong official engagement ang IATF, ay nagpupulong po ang ating IATF. Abangan na lang po natin ang mga darating na desisyon.

USEC. IGNACIO: Sir, habol ko lang na tanong ng CNN Philippines ni Trish: Ito daw po iyong last week of MECQ extension, may we know the timeline particularly kung kailan po maipapamahagi ang second tranche? It wasn’t specified in the recent briefing—

SEC. ROQUE: Ay, opo. Salamat sa tanong, Trish. Naisyu na po noong Biyernes iyong memorandum ng Office of the Executive Secretary na puwede na pong ipamahagi iyong second tranche ng SAP. So kasama na po diyan iyong limang milyong mga bagong pangalan na bibigyan po ng ayuda at iyong 12 million na dati nang nakakuha po ng ayuda during the first tranche. So dapat po patuloy na po ang proseso, umuusad na. Ang pagkakaiba po ay gagamitin natin ng electronic ways para magbayad doon sa ating mga kababayan at tutulong na po ang Hukbong Sandatahan sa pagdi-distribute ng ayuda.

At naniniwala naman po kami na mas mabilis na ang proseso kasi doon sa 12 million ay parehong mga pangalan naman po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Kailan daw po mag-uumpisa ang hiring ng contact tracers? Ilan po ang iha-hire? Magkano po ang suweldo at magkano daw po ang budget ng gobyerno? Anu-ano po ang requirement nang gustong mag-apply? Saang ahensiya makikipag-ugnayan ang mga ito?

SEC. ROQUE: Rosalie, bukas po mayroon tayong bisita para pag-usapan ang tracing. So bukas po natin sagutin ang iyong katanungan.

USEC. IGNACIO: From Joseph Morong: Who are covered and exempted by the ban on health workers by the POEA; and what will make the government lift the health care workers ban?

SEC. ROQUE: Well, mga medical professionals po iyan ‘no. Pero gaya ng aking nasabi na noong dati, ang primary concern po ng ating Presidente ay iyong kalusugan at buhay ng ating mga health professionals dahil pupunta po sila sa pinakadelikadong lugar sa mundo ngayon, iyong maraming mga COVID-19 cases.

USEC. IGNACIO: Now that the Philippines has reached its 30,000 PCR test a day target and has reached 66 accredit laboratories which can run COVID-19 testing, what does this mean in terms of expanded targeted testing, Secretary?

SEC. ROQUE: Ibig sabihin po, umaabot na tayo sa kaparehong performance ng mga bansa gaya ng South Korea. Pero ganoon pa man dahil mas malaki ang populasyon natin, we want to do better. We want to test more, pero ang target po talaga natin ay one to two percent.

Uulitin ko po, ang PCR test ay isa lamang po iyan doon sa mga tests na ginagamit natin; mayroon din po tayong antibody test. At gaya ng nasabi na po ni General Galvez, bumili na po ang gobyerno ng two million rapid antibody test ‘no para magamit din po iyan dahil iyong mga lugar gaya ng Metro Manila ay kinakailangang ma-testing po up to 10% ng populasyon.

Correction lang po ‘no: Iyong 66 labs na sinabi ko, iyan po iyong target by May 31. I stand corrected po.

USEC. IGNACIO: Secretary, may inaasahan ba daw po tayong ulat mamaya ni President Rodrigo Duterte?

SEC. ROQUE: Well, ang alam ko po ay mayroon po either today, pero most likely tomorrow po; pero hindi po ako sigurado. Dahil depende po kung kailan talaga magdi-deliver ng address ang ating Presidente at kung kailan po maaayos for airing; pero regular naman po iyan, either Monday or Tuesday ay nagbo-broadcast po ang ating Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Last na lang po from ABS-CBN, kay Arianne Merez: At this point, how does President view Secretary Duque’s handling of the COVID-19 crisis? Does he still trust Secretary Duque?

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan ‘no. Cabinet members serve at the pleasure of the President. Habang hindi pa po natatanggal ay mayroon pa pong trust and confidence.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Secretary. Any parting words po?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, nagpapasalamat ako sa Laging Handa. Fiesta opisyal, sarado ang Malacañang at maraming salamat at pinagbigyan ninyo kami na sumali sa inyong programa ngayon.

At sa ating mga kababayan lalung-lalo na ang mga OFWs na sa wakas ay makakauwi na ay ingat din po at siyempre po, we wish you the best as you are to be reunited with your family.

Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Stay safe po.

SEC. ANDANAR: Samantala, very crucial talaga ang usaping healthcare sa bansa sa panahong ito. Kaya naman we also have with us online ang presidente at CEO ng Philhealth, Ret. Brig. Gen. Ricardo Morales. Magandang umaga po sa inyo, General Morales.

GEN. MORALES: Magandang umaga, Secretary Martin at Usec. Rocky. Good morning to all.

SEC. ANDANAR: Sir, sa usaping COVID-19 test package ng Philhealth. Originally po, ito ay priced at eight thousand pesos pero ngayon ay ibinaba ninyo ang presyo nito at four thousand two hundred ten pesos na lamang. How did you come up with this computation? And what are the considerations you had to go through para mapababa ang cost na ito?

GEN. MORALES: Well, unang-una, iyong price na iyan was already in the works even before the Senate hearing, kasi mayroon kaming department na walang ginagawa kung hindi kalkulahin ano ang tamang cost ng paggamot ng mga sakit at ng mga gamot na ginagamit sa mga mamamayan natin.

So, market forces iyan, Sec. Martin. Iyong kino-quote nila na eight thousand one hundred fifty that was the highest cost for test na binili ng hospital noong March. At that time, mayroon din kaming cost na two thousand seven hundred for test kits that were donated. So, it was a range of cost of eight thousand bought by the hospital to two thousand seven hundred donated. So, market forces ang nagdi-determine niyan.

So ngayon, itong sa Red Cross is data from May. Kasi May 8 lang nagsimula ang Red Cross at dumadami na ngayon ang supply at narinig na natin sa pahayag ni  Secretary Roque na 66 testing facilities na ang nationwide at saka 32,000 ang capacity, so this is going to drag the cost further down – achievement, a gallant effort of the IATF to ramp-up iyong testing capacity natin. So, those are the considerations sa pag-determine ng cost.

SEC. ANDANAR: Kung tuluy-tuloy po ang pagiging available ng mga testing kits at ang pagbaba rin ng presyo ng mga ito, does this mean na maaari pa ring mabago ang package na ito at subject to review pa rin ba ito ng Philhealth?

GEN. MORALES: Of course. As a matter of fact eh tandaan natin ang mga presyo ngayon at pagdating ng July or October makikita natin na bababa further. Ang gusto kong bigyan-diin na walang overpricing ang cost na inilabas [signal fades] walang loss ang gobyerno [signal fades] na claims. We gave the hospitals 180 days to file their claims.

So although may three claims na pumapasok, wala pang lumalabas, wala pang binabayaran ang Philhealth na COVID claims sa ngayon.

SEC. ANDANAR: What exactly are the covered expenses under the COVID-19 testing package? May nabawas po ba dito dahil sa pagbaba by half ng presyo ng pakete?

GEN. MORALES:  Well, maaga iyong processing fee. Iyong sina-cite nila, for example, mayroong $15 na test kit. That test kit [signal fades], so kailangan dadalhin dito iyan, may transportation cost, mayroong extraction cost, mayroong processing cost, you know hindi puwedeng i-Grab iyan o i-Lala Move iyong [signal fades] specimen dahil [signal fades].

So ang binabayaran ng Philhealth ay iyong total test, hindi iyong test kit lamang. So, mayroong associated cost iyan na kasama sa pag-conduct ng test. Binabayaran ng Philhealth hindi iyong test lamang.

SEC. ANDANAR: Ang main concern daw po dito, General, ay baka ma-deplete unnecessarily ang pondo ng Philhealth at maaaring magkaroon ng P8 billion loss dahil sa overpricing ng mga package ng ahensiya, totoo po ba ito?

GEN. MORALES: Wala pang binabayaran ang Philhealth sa COVID claims, so hindi totoo iyan na may loss na 8.5 billion. How can we suffer a loss? We have not paid anything yet. I’ve been trying to explain, wala pa tayong binabayaran. Ngunit for this year 2020, kaya pa natin suportahan for as long as susundin natin iyong ECQ, mag-ingat tayo na hindi tayo mahawa. Kaya pa ng pondo ng Philhealth, ngunit next year, it’s going to be grave. Ang tanong nito, kailan magkakaroon ng vaccine at saka kung we will manage to flatten the curve?

So, iyon ang dapat na maintindihan ng ating mga mamamayan [signal fades] kasi para hindi ma-overwhelm iyong ating [signal fades] at hindi rin ma-drain ang ating pondo.

SEC. ANDANAR: Kahapon po ay nagpahayag si Senator Franklin Drilon na umano ay dapat magkaroon ng reorganization sa Philhealth lalo na sa grupo ng mga nagdedesisyon sa package cost ng ahensiya, ano po ba ang masasabi ninyo dito, General?

[Line cut]

SEC. ANDANAR: Okay. Nawala sa koneksiyon si General. Oras po natin ay 11:37 in the morning.

GEN. MORALES:  Well, iyong pag-determine ng cost hindi lang Philhealth ang gumagawa niyan, mayroon kaming outside, third party agency that is independent na tumutulong sa amin [signal fades] rigorous and careful process. So, sila ang tumutulong sa amin sa pag-determine ng cost. Kasi Philhealth has about ten thousand case rates sa mga pinapakinabangan ng ating mga mamamayan at all of these are constantly being monitored kasi baka may bagong gamot, may bagong procedure; na either tumaas iyong cost or bumaba iyong cost, so constantly iyan mino-monitor.

Itong pag-adjust ng case rate [signal fades], this was already in the works and it is still in the works as we continue to collect more data. Now, it is not Philhealth alone that is doing these calculations, as I’ve said mayroon tayong outside independent agency na tumutulong sa Philheath.

SEC. ANDANAR: Panghuling mensahe na lang po sa ating mga kababayan, General Morales.

GEN. MORALES:  Yes. Sa ating mga kababayan, unang-una, huwag ho kayong mag-alala kung kayo ho ay magkasakit ng COVID, sasagutin ho ng Philhealth ang inyo hong paggamot. Kung kayo ho ay indigent, sasagutin ho lahat ng Philhealth ngunit mag-ingat ho tayo, huwag tayong mahawa at huwag din tayong manghawa upang hindi ma-drain ang pondo ng Philhealth at hindi rin magpapabigat sa ating health system.

Doon po sa iyu na overpricing at saka losses sa gobyerno, gusto ko hong bigyang-diin, hindi ho nangyayari iyan at open ho ang Philhealth sa sinumang interesadong tumingin sa aming libro at sa aming proseso para malinawan ho natin ang isyu na ito.

Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat ulit, Ret. Brig. Gen. Ricardo Morales, ang presidente at CEO ng Philhealth.

Sa puntong ito ay makakapanayam din po natin ang administrator at chairperson ng Subic Bay Metropolitan Authority, si Atty. Wilma Eisma. Magandang umaga po sa inyo, ma’am.

SBMA ADMINISTRATOR EISMA:  Magandang umaga po, Secretary Andanar. Marami pong salamat sa pagkakataon na makapanayam namin kayo ngayong umaga.

SEC. ANDANAR: It’s good to see you once again, Atty. Wilma. Now that SBMA also shifted to MECQ bilang pagsunod po sa quarantine status ng Bataan at Pampanga, ano ho ba ang mga protocol na mahigpit na ipinatutupad ng SBMA in compliance po dito sa IATF guidelines especially para sa mga makikidaan sa Subic Bay Freeport?

ADMIN. EISMA: From the very start, Secretary, the Subic Bay Metropolitan Authority has implemented very strict quarantine measures in access and within the Subic Bay Freeport itself. Now that we are on MECQ, the basic rule is that – as provided for by the IATF – only those who will need to go to work, who will need access to food, medicines and essential services including emergencies should be able to go in and out of the Freeport and have access within the Freeport. So ulitin ko po: Work, food, medicines, emergencies and essential services.

So ibig pong sabihin, as you already know, as provided for by the IATF, there are certain companies and corporations and factories that are open up to certain percentages they will allow workers, iyon lamang po ang puwedeng pumasok. Of course, we also allow military personnel and PNP because that is also provided for by their work. Also allowed under essential services, food and emergency would be provision of relief goods and donation, because it is very much necessary at this time.

As you can see in the pictures, you could see some several cargo trucks coming in, this is again provided for under the IATF rules, wherein unhampered delivery of services and cargo ay kailangan makadaan nang mabilis. So, again, while we are very strict in the implementation that non-essentials are not allowed, we do ensure that iyong mga kailangan na nasa labas ay maayos na nakakalabas-pasok dito po sa amin sa Subic Bay Freeport.

SEC. ANDANAR:  Ano po ba ang tamang proseso during this kind of situation? Halimbawa na lamang, may nais makidaan sa Subic Bay Freeport, do they have to call or write an intent letter in advance o automatic na po bang papayagan ito as long as para sa relief operations?

ADMIN. EISMA:  For relief operation, sir, honestly it will really be very easy. Kapag tiningnan ang sasakyan mo and it is obvious na may relief operations, I really don’t mind. Marami na pong pagkakataon na walang prior coordination at sumipot po sa ating gate, nakita natin na may relief operations, usually po iyan may coordination sa kabilang sites. So my people will pick up the phone on the other side, the recipient, and when the recipient confirms that they are expecting these donations, wala pong problema.

Kung talaga pong relief operations, any prior coordination is not even necessary sapagka’t makikita mo naman po na mayroon talagang relief goods. Mas maganda din po na may prior coordination para po mas mapadali. But it’s really not necessary as long as my people can really appreciate na mayroon pong relief goods.

USEC. IGNACIO:  Governor Fernando po clarified that he intended to pass through Tipo Gate to give relief to a relative and not to visit his resort in Bataan. Ito po ba ay valid reason para payagang makadaan sa Subic Bay Freeport under the guidelines po?

ADMIN. EISMA:  There have been a lot of discussions in the whole Governor Fernando issue. But I would like to just lay down the premise first. When this happened in May 8, we were in Enhanced Community Quarantine, the rules then were very different. Ang rule po noon, nobody should be out in the streets. Makakalabas ka lang kung bibili ka ng pagkain, bibili ka ng gamot, essential service or may emergency.

Noong dumating po si Governor Fernando sa gate po, ang security ko po ay hindi siya pinapasok sapagka’t sabi po niya ay magdadala siya ng relief. Ngunit noong tiningnan po ng security namin ang kanyang sasakyan – he was in a three-vehicle convoy – and upon inspection, there were no relief goods; there were just people. So that’s when the problems started.

And then an intermediary passed through another staff of mine asking for the same and I actually gave permission and said “If its relief, then that’s not a problem, go ahead and let him pass.” So at that point, when I gave the permission, my security at the gate gave me a call and said, “Chairman, how can you give permission when there is no relief good at the vehicle?” So that is when the problems started.

So, it is at that point that Governor Fernando changed his story and said, “I am going to send cash to the people in Morong,” which by the way is not his constituency. And then, there is another conflicting version from the intermediary that said, “Mamamasyal siya sa Morong,” so this is when the issue starts.

I will now publicly apologize, again, to Governor Fernando for not having let him in. But if I can go back in time, I will not change my decision because my job is to protect the Subic Bay Freeport. It is now day 72 and I have not had any COVID case since all this started here in my jurisdiction. And I would like to credit that to the strict implementation of the Enhanced Community Quarantine.

Sana lamang po maintindihan, hindi lamang po ni Governor Fernando kung hindi ng mga nakikinig at ng mga iba pang gustong dumaan. Sana maintindihan nila na ginagawa lamang po namin ang aming mga trabaho at ito rin po ay pagpo-protect sa kalusugan nila at kalusugan namin, kalusugan ng lahat, because let us not lose sight of the goal – the goal here is to keep everybody COVID free, not just Subic. And we can do that, by not touching each other, by not being close to each other, by protecting each other and be mindful that we will be contaminated by close interaction and we have to be mindful of the movements from one zone to another. So that, iyon po iyong scenario why … the whole Governor Fernando issue.

That is why I do appreciate your previous question. There is really no difficulty to pass through Subic for purposes of relief, for purposes of emergency, for purposes of food, delivery of cargo. There is no difficulty at all, it is allowed.

But what is not allowed is to pass through without any specific purpose. What is not allowed is to pass through just for convenience. What is not allowed is to pass through just because you think you are exempted.

This is a difficult situation and we are all here trying to protect each other and we ask for forgiveness and we ask for understanding that, you know, we are all trying to do our jobs the way we think they are right.

And to be fair to Governor Fernando, the way he appreciated the IATF rules is that as a Governor, he is exempted under the IATF rules to move around. Totoo naman po iyon, mayroon po talagang provisions sa IATF rules na nakalagay that if you are a head of the local government unit or a head of agency or like Secretary Andanar, he is exempted to move around. But like Secretary Andanar, Secretary Andanar’s jurisdiction is national, kasi Secretary siya eh. So, if Secretary Andanar would need to go outside Manila, then he is exempted and he can go because that is his jurisdiction being a Secretary, his jurisdiction is national.

Ako po as head of the Subic Bay Metropolitan Authority, I am only exempted to move within SBMA. In fact po, a few days before that incident, I tried to go to Dinalupihan, Bataan and I was asking permission and I was denied at the checkpoint. And I did not argue about it because I know that was pushing it; that was not my jurisdiction. I was not exempted to go to Dinalupihan; I am only exempted in Subic. So, ang interpretation ko po ng exemptions is only within the jurisdiction.

So ang naging problema po namin ni Gov. Fernando is the difference in interpretation. He felt that he is exempted to move all over the country, but my interpretation is he is only exempted in Bulacan and not in Subic.

Again, I apologize to him and—But then again ulitin ko po, ulitin man natin ang oras, hindi ko pa rin po siya papapasukin sapagka’t kailangan ko pong protektahan ang aking sinasakupan at sumusunod din po ako sa IATF. And kung kailangan po akong parusahan ng IATF sa hindi ko pagsunod, I am more than willing to face those consequences.

SEC. ANDANAR: Atty. Eisma, ma’am, you requested to extend the ECQ over SBMA. Kumusta po ba ang capability ng SBMA sa pagresponde sa mga possible COVID-19 positives? Are you fully equipped kung sakaling magkaroon po ng COVID-19 infection sa loob po mismo ng Subic community?

SBMA ADMINISTRATOR EISMA: Secretary, one of the reasons why I am trying to get an extension is that I am trying to buy time. Right now, I only have a Level 1 hospital because, sir – sorry if I step back – I am not a local government unit. So I actually don’t have a hospital under my jurisdiction. There is a private hospital which is Level 1 that is not even allowed to handle COVID patients – I already secured an exemption from the DOH – so they have 8 ICU beds and 13 private rooms. So can you imagine the kind, the lack of capacity to do that?

Since the first week of the quarantine, I have started constructing an isolation facility. Mayroon na po tayong close to 80 beds na isolation facility. Ngayon din po, I have since partnered with the Philippine Red Cross for a molecular laboratory for PCR testing right here in Subic. So I’m trying to buy time to get these all done and I’m hoping that by the time that I go to GCQ or even a Modified GCQ, I will have these facilities ready just in case we will have some more cases that we already have right now.

Ulitin ko lang po, this is now day 72 – I have not had one case. Not one case have been found right here in the Subic Bay Freeport: Two days ago po, nagpa-test po ako ng rapid testing for 910 frontliners/employees at the Subic Bay Freeport, Subic Bay Metropolitan Authority frontliners – zero po ang findings po namin. A few days ago po, I think it was a Saturday, one locator tested 1,316 of their employees. Ito pong employees na ito, lahat dito nakatira sa loob ng buong Subic Bay Freeport and zero din po ang findings.

So I am very happy to note that iyon pong pagka-istrikto namin is a reflection. Doon ho nagri-reflect ito doon sa cases, zero cases, so effective ang restriction. So I’m hoping by the time that we open, we will be ready with the isolation facility, with the testing center that we have in partnership with the Philippine Red Cross.

Napilitan po akong magpa-rapid test sapagka’t medyo natatagalan po ang DOH certification ng aming facilities. Hindi ko rin naman po puwedeng hintayin or hindi ko naman po puwedeng nakanganga na lang ako dito para sa mga empleyado ko na sumasagasa araw-araw sa panganib ng COVID. So minabuti ko pong ipa-rapid test sila noong isang araw.

Ang status po ngayon ng aking isolation facility: I am waiting for the DOH to accredit the tie-up noong aking isolation facility with the Level 1 hospital. Kasi po ang requirement po ng DOH is Level 2, eh Level 1 lamang po ang aking ospital dito. So humihingi po ako kung puwede nilang i-exempt itong Level 1 hospital na ito para magpatakbo noong aking isolation facility. Iyon pong isolation facility ko mismo in-accept na nila, na-meet na nung standard nila; iyon lamang pong pagpapatakbo nito.

Nagpalagay na rin po ako ng budget, mayroon na po akong pera para pang-hire ng doktor, pang-hire ng nurses; iyon na lamang pong approval ng DOH for the partnership with the Level 1 hospital.

Iyon naman pong PCR laboratory, may kasunduan na po kami ng Philippine Red Cross with the support of Senator Richard Gordon. Ang hinihintay na lang po namin ulit is the DOH certification. Nakadalawang punta na po ang DOH dito, tiningnan ang laboratoryo, nagawa ko na rin po ang testing site. Ngayon po nagti-training na po ang 16 medtechs sa RITM sa Alabang, so umaasa po ako na hopefully in the next 2 weeks matapos na po ang molecular laboratory.

So kaya lang, again ulitin ko po, kaya po ako nanghingi ng extension is I’m trying to buy time so that I can be ready once we open to GCQ or even Modified GCQ. Ayoko pong …I don’t want to be pulled under the rug and be surprised na magmadali ako ng GCQ just because my constituency wants it.

Sa totoo lamang po, marami na pong umaaray. Umiiyak ang mga businessmen, mga locators ngunit at kung pipilitin ko po, madi-drain din naman po later on ang ating public health system at magkakaroon po ng massive public health fall down. Mas mabuti—I think naiintindihan din naman po nila na ang strategy ko po na i-ready po muna ang kapasidad ng Subic Bay Freeport to meet or to be ready with COVID patients before we open the Subic Bay Freeport to GCQ or Modified GCQ.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagpapaunlak ng panayam, SBMA Administrator and Chairperson Atty. Wilma Eisma. Ingat po kayo.

SBMA ADMINISTRATOR EISMA: Maraming, marami pong salamat. I hope you—everybody, keep safe and keep healthy.

SEC. ANDANAR: Rocky, ngayong araw, May 25 ay idineklara ni Pangulong Duterte na national holiday bilang pakikiisa na rin sa mga kapatid nating Muslim na ginugunita ang Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan at ng kanilang pag-aayuno. Ngunit taliwas sa mga nakaraang selebrasyon kung saan-saan ay sama-samang nagsasalo ang bawat komunidad para magsagawa, magsaya. Iba-iba ang naging pagdiriwang ngayong taon dahil nga sa COVID-19.

Makakapanayam natin ngayon si Atty. Saidamen Pangarungan, ang Kalihim ng National Commission on Muslim Filipinos. Eid Mubarak, sir. Kumusta po kayo?

SEC. PANGARUNGAN: Eid Mubarak, Secretary Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Dahil sa ipinagbabawal ang mass gathering sa ilalim ng community quarantine guidelines na ipinatutupad sa bansa, can you explain to us the general situation kung paano, eh kahit papaano, ay iniraos po ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr ng mga Muslim communities sa bansa?

SEC. PANGARUNGAN: This year’s observance of Ramadan is really unprecedented in contemporary times because our mosque are closed, public congregation prayers are suspended and family gatherings are regulated in the whole of government fight to save lives from COVID-19. We have issued several advisories to our Muslim population – you know, we have some 12 million Muslims in the Philippines – regarding the prohibition on mass gathering at the start of the pandemic, suspending all congregation prayers and religious mass gatherings nationwide.

There were hollow protests from our Muslim sector because you know, we Muslims pray five times a day. And during Ramadan, we have two additional long night prayers – the taraweeh and the tahajjud – during lailatul qadr in the last 10 days of Ramadan. Kaya medyo mahirap tanggapin ng ating mga kapatid na mga Muslim ang prohibition on religious mass gathering. Alhamdulillah, we were able to appease their apprehensions and anxieties, and our Muslim population cooperated, they obeyed our authorities and throughout the period ng Ramadan, sarado iyong ating mga mosque. And I’m happy to inform our fellowmen that this paid off because so far, we know of only around ten fatalities na Muslim Filipinos sa COVID-19 – napakababa ng fatalities.

Many of our Muslim provinces and cities were COVID-free. Iyong mga reported fatalities only ay nasa Marawi and Lanao Del Sur, I think tatlo; and four or five sa Cagayan de Oro. Maybe around ten fatalities lang ang recorded.

Kaya ako po ay nagagalak at we are celebrating Eid al-Fitr in an atmosphere na although hindi na kagaya ng dati na nagsasalu-salo ang lahat ng mga Muslims sa Pilipinas, ngayon ay sa bahay lang nag-pray at doon din nag-celebrate sa bahay.

We have issued the advisory to pray Eid al-Fitr and Khutba (sermon) at home which was officiated by Doctor Julkipli Wadi ng UP Institute of Islamic Studies. And I am thankful to PCOO, to Secretary Andanar for covering this event by IBC-13.

USEC. IGNACIO: Attorney, magandang araw po. Bigyang daan ko lang po iyong tanong mula sa Salaam Radio. Ano daw po ang mga initiatives of the Commission for locally stranded individuals?

SEC. PANGARUNGAN: May mga na-stranded na mga individuals like iyong mga returning Islamic scholars from Saudi Arabia. They were around 47, and we accommodated them at the central office of the National Commission on Muslim Filipinos. Until now, I think, they are still there. Alhamdulillah, they tested negative from COVID-19 and now we are arranging for their return to Mindanao.

There were also several Tabliqs, Muslim Tabliqs who were stranded in different parts of the country – in Zamboanga, in Marawi, in Mindoro; and we were able to provide them assistance.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] … Attorney, pinagpupulungan na umano ng IATF kung papayagan na po ba ang mga religious gatherings sa ilalim ng GCQ. Ano po ang masasabi ninyo tungkol dito?

SEC. PANGARUNGAN: Alam po ninyo, we Muslims pray shoulder to shoulder; dikit na dikit kami kapag nagpi-pray kami at we are also aligned in one row, iyan talaga ang general rule. But applying the Islamic principle of necessity and emergency, I think we can relax this rule and practice social distancing. Nangyari na ito sa mga ibang countries during the celebration of Eid al-Fitr.

Sa Berlin, in Germany, they have 400 mosques there, and one of the mosques with the capacity of 150 could not accommodate all of them kasi because of the requirement ng social distancing of at least 1.5 meters. So ang nangyari, iyong mosque na iyon na could accommodate 50 Muslim faithful and iyong iba, iyong 100, they were accommodated in the nearby church. So it is a magnificent display of interfaith cooperation, doon sila nagsimba sa church during the Eid al-Fitr. The same thing in Thailand, they allowed the prayer there ng Eid al-Fitr but mayroong social distancing na 1.5 meters.

I think with the low mortality rate in the Philippines sa mga Muslims, we are inclined to recommend to allow the prayers inside the mosque after the lockdown. We have a meeting tomorrow in Malacañang, ang IATF, and we are likely to recommend the re-opening of the mosque especially in those areas na may GCQ.

SEC. ANDANAR: Mayroon pong nagtatanong, Secretary, kung matutuloy pa raw ang hajj pilgrimage o hindi na? At paano daw po ang mga nakabayad na?

SEC. PANGARUNGAN: I advised our people that mayroong communication ang Saudi Ministry of Hajj and Umrah advising us to wait for their formal announcement after the Ramadan. So anytime now baka magpahayag ang Saudi Hajj Ministry kung matutuloy ang hajj.

Although, may mga inside information na they are considering two options: They will allow the hajj to proceed but under certain restrictions, say, reducing the quota of every country by 50%. So our quota this year is 9,000, under that situation baka i-reduce to 4,500 lang. And then only those who will test negative will be allowed to go. Of course, iyong mga elderly at saka iyong mga youngster will not be allowed to go to the hajj. That is one option, and of course the second option is to forego, to stop the pilgrimage this year.

So hinihintay natin iyong announcement from the Saudi Hajj Ministry. Iyong mga nakabayad naman, walang problema – their payment is intact, nasa opisina, sa depository bank ng NCMF. And if the decision of the Saudi Hajj Ministry is to forego the pilgrimage, then we can immediately refund the amounts paid.

USEC. IGNACIO: Thank you po, Attorney Parangunan, mula po sa National Commission on Muslim Filipinos. Muli po, Eid Mubarak po sa inyo.

SEC. PANGARUNGAN: Eid Mubarak po. Salamat.

SEC. ANDANAR: Mula buwan ng Pebrero hanggang Marso, naitala ang mataas na bilang ng COVID-19 pandemic sa bansang Malaysia. Sa katunayan minsan ay nanguna ang bansang ito sa ASEAN sa may pinakamataas na bilang na mga nagpositibo sa buong rehiyon. Ngunit naging kapansin-pansin din ang unti-unting pagbaba ng mga recorded cases dito matapos ang ilang linggo.

We now have on the line the Philippine Ambassador to Malaysia, Ambassador Charles Jose. Magandang araw po sa inyo, Ambassador Charles.

AMBASSADOR JOSE: Magandang tanghali po sa inyo, Secretary Martin at Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Before anything else, Ambassador, COVID-19 check po muna tayo. How many positive cases are recorded in Malaysia as of latest data that you have?

AMBASSADOR JOSE:  Opo. As of yesterday, May 24, ang total number ng COVID-19 positive cases sa Malaysia ay nasa 7, 245 and ang kanilang recorded death ay nasa  115 which is 1.58% ng total cases at ang cases ng kanilang cured and discharged ay nasa 5,945 which is 82% ng total cases. At for the past several days ay nasa double digit na lamang po ang new cases dito po sa Malaysia.

SEC. ANDANAR: Ilan po sa mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho diyan sa Malaysia ang nag-positive po?

AMBASSADOR JOSE:  Sa ngayon po, mayroon kaming mino-monitor na 115 cases na mga Filipino na nag-test positive ng COVID-19 at lahat po ito ay link po doon sa Tabligh gathering na naganap po doon sa Sri Petaling Mosque sa Selangor noon pong February 27 to March 01.

Among these 115 Filipinos na nag-test positive, 105 po sa kanila ay mga madrasa students dito po sa Malaysia, pina-attend po sila nitong Tabligh gathering as part po ng kanilang curriculum. At siyam naman po ay mga kababayan natin who came all the way from the Philippines para po um-attend dito noong Tabligh.

So, out of this 115 cases, 98 na po sa kanila ang na-discharge, magaling na po sila at 17 na lamang po ang nag-u-undergo ng treatment pero lahat pong itong 115 ay nasa—hanggang ngayon po ay nasa Malaysia pa, nandito pa po sila

SEC. ANDANAR: How is the COVID-19 pandemic being managed now in Malaysia?

AMBASSADOR JOSE:  Ang Malaysia po is a – puwede pong sabihin natin na – is doing comparatively well in managing the COVID-19 pandemic and the Ministry of Health ng Malaysia would attribute their relative success to the following factors:

  1. They’ve insured that their healthcare facilities are able to accommodate infected patients;
  2. They implemented effectively iyong kanila pong lockdown which they termed as a movement control order; at
  3. They have active case detection. They have increased their testing capacity, their daily testing capacity. They started with 7,000. They increased to 16,000 to 23,000, ngayon po mas higit pa sa 23,000 ang kanilang daily testing capacity.

And they have also adopted targeted approach to high-risk groups. They’ve also been aggressive in contact tracing and they also attribute iyong full cooperation of the public dito po sa kanilang movement control order.

USEC. IGNACIO:  Ambassador, at the onset of the pandemic, mayroon din pong political unrest sa Malaysia noong nagbunsod … ang sinasabi nila, noong pagbibitiw ni dating Prime Minister Mahathir Mohamad. Ito po ba ay nagkaroon ng malaking epekto sa pagresponde ng bansa sa COVID-19 pandemic at posibleng dahilan kung bakit hindi daw po agad naagapan ang bilang ng mga naging infected sa bansa?

AMBASSADOR JOSE:  I don’t think may naging epekto po iyong political situation po noong later part ng February hanggang early part ng March dito po sa pag-address ng Malaysia sa kanilang problema with the COVID-19 pandemic. Dahil, bagamat during the time if you will recall ay wala pong Cabinet, nag-resign po ang buong Cabinet noon at si Dr. Mahathir ay in-appoint po ng Agong dito as an interim prime minister at noon pong March 01 ay na-appoint po ng Agong iyong kasalukuyang Prime Minister, si Muhyiddin.

Pero bagama’t may political issue po noon, ang bureaucracy po rito ay patuloy pong tumatakbo at in fact, ang kanilang Ministry of Health has been showing effective leadership in addressing this COVID-19 virus pandemic.

USEC. IGNACIO:  Ambassador, gaya sa Pilipinas, hard hit ang turismo sa Malaysia. Ano po iyong recovery plans ng Malaysian government sa sektor na ito?

AMBASSADOR JOSE:  Tama po. Tulad ng iba pang countries dito sa region, hard hit nga po ang tourism industry ng Malaysia dahil ang tourism dito ay third biggest contributor sa kanilang GDP, at 7% ang kino-contribute ng tourism after manufacturing and commodity sector; at 3.5 million workers po ang naka-rely on tourism.

In fact, mayroon pong ni-launch na tourism campaign ang Malaysia, iyong Visit Malaysia 2020 wherein they were trying to … they expected to attract thirty million visitors and generate $21.5 billion in tourism revenues.

Of course, lahat po ito ay scuttled na iyong mga planong ito. So ang ginagawa po ng Malaysian government, particularly ang Ministry of Tourism, they will be encouraging local tourism once na matapos po itong movement control order nila. And they’ve extended their financial assistance to the affected sectors ng tourism industry as part of their overall economic stimulus package of $58 billion.

SEC. ANDANAR: At kumusta naman po ang economic landscape ng Malaysia lalo na po ang mga kababayan natin diyan na nagtatrabaho? Ano po ang naging epekto ng COVID-19 sa kabuhayan po ng ating mga kababayan na OFWs diyan?

AMBASSADOR JOSE:  Opo. At the macroeconomic level eh Malaysia is losing about RM2.4 billion or $550 million kada araw po na nasa ilalim sila ng movement control order at ang kanila pong GDP for 2020 ay projected to grow at -2% up to 0.5%, at they also project na 2.4 million workers ang mawawalan po ng trabaho during this MCO.

At ang kanilang mga intervention, they are gradually opening iyong mga sectors ng kanilang economy at they are also encouraging digitalization and use of technology para maiwasan po iyong mga physical contact at iyong nabanggit ko nga kanina iyong economic stimulus package nila.

At para po sa ating mga kababayan, talaga pong naging matindi ang epekto ng MCO dito sa Malaysia para po sa ating mga kababayan dito. As you may very well know, we have about 600,000 undocumented Filipinos out of the 900,000 Filipinos all over Malaysiya – sa Peninsula and in Sabah and Sarawak and most of these undocumented Filipinos have lost their jobs and income pati na rin po iyong mga ‘no work, no pay’ nating mga kababayan ay talagang nawalan po ng trabaho.

So, marami po ang lumalapit sa Embassy na humihingi po ng assistance and kami naman po sa Embassy as part of our One Country theme approach ay nagtutulungan kasama po ang ating mga attached agencies ay nagbibigay po kami ng ayuda.

For example po, ang ating Philippine Overseas Labor Office under ng DOLE ay iyong kanilang DOLE-AKAP Program na sa ngayon po ay nakapag-disburse na sila ng some US$160,000 na nag-benefit ng close to 800 OFWs na nawalan po ng trabaho, or na-infect po ng COVID-19.

At ang ating OWWA ay nag-donate ng RM81,500 that is close to P1 million to benefit some 2,400 OFWs na kababayan po natin at ang atin pang DSWD ay mayroon ding nakalaang pondo na RM50,000, that’s about P600,000 na ipamimigay rin po sa mga undocumented workers natin dito.

So, we are trying are best to… ma-address po iyong mga pangangailangan po ng ating mga kababayan dito, the best way that we can. Tulong-tulong po kami ng iba’t ibang mga ahensiya under po ng ating Embassy dito sa Kuala Lumpur.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ambassador, kumusta na lang po iyong repatriation efforts natin sa Malaysia? Marami po bang nagpahayag na gusto nilang umuwi ng Pilipinas?

AMBASSADOR JOSE:  Tama po, in fact nakapag-mount na po kami ng dalawang mass repatriation operations. Ang pinakahuli po noong April 28 kung saan po naka-charter po ang Philippine government ng isang  eroplano at nakapagpauwi po kami ng 184 na kababayan natin. At before that noong April 5 ay nakapagpauwi din po kami ng 83 na mga kababayan natin through a special flight.

So, after this we are preparing siguro po mga tatlo pa o apat na flights dahil sa ngayon po pagkatapos ng April 28 mass repatriation namin ay nakatanggtap po kami ng mga request pa. Mayroon po kaming … nasa database namin na mga 700 pang mga Filipino na nagpapatulong po na umuwi bukod pa po doon sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga pribadong kumpanya na lumapit din po sa amin ang mga employer nila na nagpapatulong na tulungan silang mapauwi ang kanilang mga Filipino workers. So, we have already done two mass repatriations and we are preparing for three or four more.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po. Mensahe na lang po sa mga Pilipinong naninirahan, Ambasador, sa Malaysia?

AMBASSADOR JOSE:  Opo. Para sa mga kababayan natin dito sa Malaysia: Naintindihan ko, alam po ng Embassy na hindi po madali ang kanilang pinagdadaanan, lalo pa iyong mga kababayan nating undocumented at iyong mga ‘no work, no pay’. At kami po sa Embassy ay tumutulong po sa abot ng aming makakaya at naipaliwanag ko po sa earlier ng program kung ano ang iba’t-ibang programa na ginagawa ng Embassy at ng ating mga attached agencies, at the same time humhingi po ako ng pang-unawa ng ating mga kababayan dahil po limitado rin ang kakayahan at resources ng ating pamahalaan kaya hindi po namin kayang tugunan o tustusuan ang bawat isa na lumalapit po para humingi ng tulong. But at the same time, nais ko pong ipaabot sa mga kababayan natin dito na talagang makakaasa sila na ginagawa po ng Embassy ang lahat po ng aming makakaya para po matulungan ang pinaka-nangangailangan po ng tulong.

Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po sa inyong oras, Ambassador Charles Jose mula sa Kuala Lumpur, Malaysia. Mabuhay po kayo and stay safe po, Ambassador!

AMB. JOSE:  Maraming salamat din po.

SEC. ANDANAR: Samantala, alamin natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan. Nagbabalita si John Mogol. Go ahead, John.

[NEWS REPORT BY JANE BETITO]

[NEWS REPORT BY JENEL BACLAY]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS.

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat po sa ating mga naging panauhin ngayong araw at sa ating partner agencies sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita at impormasyon.

Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 sa inyong araw-araw na pakikiisa sa ating programa. Mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po muli ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar, mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO:  At mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)