Press Briefing

Public Briefing #Laging Handa PH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Usec. Rocky Ignacio with Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar, Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon, Metropolitan Manila Development Authority Asec. Celine Pialago, Office of the Presidential Assistance for the Visayas Asec. Jonji Gonzales and Philippine Ambassador to Russia Ambassador Carlos Sorreta

Event Public Briefing #LagingHanda PH

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga Pilipinas. Mahahalagang balita at impormasyon tungkol sa ating laban kontra COVID-19 ang ihahatid namin sa inyo.

USEC. IGNACIO:  Ang mga mahahalagang katanungan ng bayan po, sasagutin at lilinawin ng mga kawani ng ating pamahalaan. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Ako po naman si Secretary Martin Andanar. Samahan po ninyo kami sa isa na namang makabuluhang diskusyon ngayong araw dito sa Pubic Briefing #Laging Handa ph.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po makakausap natin sina Department of Public Works and Highway Secretary Mark Villar, Bases Conversion and   Development Authority President and CEO Vince Dizon.

USEC. IGNACIO:  Makakasama din po natin mamaya si Metropolitan Manila Development Authority Asec, Celine Pialago; Office of the Presidential Assistance for the Visayas, Asec. Jonji Gonzales; Philippine Ambassador to Russia, Ambassador Carlos Sorreta. Mamaya po makakasama din natin ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya.

SEC. ANDANAR:  Samantala, hinimok ni Senator Bong Go ang Department of Health na i-maximize ang mga health workers sa kabila ng deployment ban na ipinatutupad sa bansa. Ayon sa senador, dapat lamang daw na i-encourage ang mga medical workers na tumulong sa sariling bayan at lahat tayo bilang mga Pilipino ay gawin ang ating makakaya upang protektahan ang buhay ng bawat isa.

Kaugnay riyan, binigyan diin ni Senator Bong Go ang pagbbigay ng konsiderasyon para sa mga health workers na may existing contract sa abroad. Matatandaan na nito lamang buwan ng Abril naglabas ng resolusyon ang Philippine Overseas Employment Administration kaugnay sa temporary suspension ng deployment ban para sa lahat ng mga health workers hangga’t nakasa-ilalim sa national state of emergency ang bansa at [may] COVID-19 related travel restrictions ang mga bansang kanilang pupuntahan.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang Senador sa lahat ng mga Filipino health workers para sa kanilang serbisyo at sakripisyo sa ating bayan para lamang malampasan ang malaking hamon dulot ng krisis sa COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Kaugnay naman po sa mga ospital na tumatanggi sa ng mga pasyente, iginiit in Senador Bong Go na hindi maaring tanggihan ng mga ospital ang sinumang pasyenteng lalapit sa kanila base po ito sa Republic Act 10932. Sinasabi sa ilalim ng batas na ito po ay kung sakali ang isang ospital ay walang sapat na kapasidad upang gamutin ang pasyente, ito po ay pinahihintulutang i-transfer ang pasyente sa ospital na may kakayahang magbigyan ng tamang lunas. Ngunit bago ilipat dapat na-stabilize na muna ito at ang paglipat sa pasyente ay hindi dapat mas delikado sa kalagayan niya. Maaari pong makulong ng apat hanggang anim na taon at pagmumultahin ng 500,000 pesos to 1 million pesos ang mga opisyal ng ospital na mapapatunayang sangkot sa ganitong gawain. Bukod pa riyan, maaari rin silang tanggalan ng DOH ng license to operate.

Sa kabilang banda, nagbigay naman ng babala ang senador sa mga naunang kaso ng mga ospital na tumatanggi sa pasyente, anya bilang chairperson ng Committee on Health sa Senado paiimbestigahan niya nito sa NBI at DOH health facilities oversight board. Dagdag pa ng senador, hindi sapat na dahilan ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa para tanggihan ang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong medikal.

[SEN. GO’S VIDEO REPORT]

SEC. ANDANAR:  Naging mainit naman ang usapin kaugnay sa inihaing resolusyon sa Senado na nanawagang mag-resign si Secretary Duque. Ngunit ayon kay Senator Bong Go, Chairperson of the Committee on Health sa Senado, hindi solusyon ang magpalit ng kapitan sa oras ng digmaan. Bagama’t aminado ang Senador na may mga pagkukulang, hindi lamang si Secretary Duque maging ang buong DOH, anya sa dami ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa, marahil nahihirapan na ring gumalaw ang DOH. Mayroon na ring 51 DOH staff ang tinamaan ng COVID-19.

Sa kabilang banda naman, pahayag ni Senator Go na maging eye opener sana ito sa DOH para gampanan nila ang kanilang tungkulin sa ganitong sitwasyon na mas kinakailangan ang kanilang agarang aksyon. Pakiusap naman niya sa lahat na magtulungan na magbayanihan sa pagsugpo ng COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Sa gitna po ng banta ng COVID-19, isa pa rin po sa matinding kalaban natin ang patuloy na pagkalat ng mga fake news. Marami pong maling impormasyon ang nagkalat lalo na po sa internet kung saan wala po itong naidudulot kung hindi takot at pangamba sa ating mga kababayan. Kaya naman po mahigpit naming ipinapaalala sa lahat na iwasan po natin na magpakalat ng maling impormasyon, maging maingat po tayo sa mga sine-share natin lalo na sa internet. May karampatan pong parusa para sa mapapatunayang nagpapakalat ng fake news.

Upang hindi mabiktima ng mga maling impormasyon, ugaliin po natin na mag-fact check at siguruhin na credible ang inyong news sources. Samantala, para manatiling updated kaugnay ng COVID-19, magpunta lamang po sa aming official social media account, i-like po a i-follow po ninyo kami sa aming official Facebook, Twitter, Instagram at YouTube account na Laging Handa PH. Para naman po sa iba pang impormasyon kaugnay naman po sa Bayanihan to Heal as One Act, bisitahin lamang po ang website ng covid19.gov.ph.

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, makakausap natin si DPWH Secretary Mark Villar. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Villar.

SEC. VILLAR:  Magandang umaga po, Secretary Mart.

SEC. ANDANAR:  Sec. Mark, tinatayang 30 billion pesos mula sa budget ng Build, Build, Build ang inilaan para sa pagtugon sa COVID-19. Paano po nito maapektuhan ang mga proyektong pinaglalaanan ng pondo pagkatapos ng krisis na kinakaharapan ng ating bansa?

SEC VILLAR: Sa ngayon po naka-ready naman kami at kung sakaling kailangan ng government ng additional funds, puwede ring kumuha, mag-a-identify lang kami ng mga projects na hindi namin pinaka-priority; pero sa ngayon po pinaghahandaan pa lang. So hindi pa naman nababawasan, hindi pa naman official, pero pinaghahandaan lang.

Pero sa Build, Build, Build, tuluy-tuloy naman ang ating mga flagship projects at kapag natapos po itong quarantine asahan po natin na mabilis na po ang construction at makakahabol naman kami sa targets ng 2020.

SEC. ANDANAR: Naging mabilis ang pagtugon ng DPWH para sa mga kinakailangang pasilidad ng mga COVID-19 patients. Paano sinisiguro ng DPWH ang kalidad ng mga ito?

SEC. VILLAR: Nakikipag-coordinate kami sa DOH, sa lahat ng pasilidad. Just the other day, may mga Chinese doctors na tsinek din nila at natuwa naman sila at very complete daw iyong mga facilities.

So, sa ngayon po natapos na rin po iyong first batch of facilities at halos ready na po mag-accept na ng mga pasyente. At ngayon po, ang ginagawa po namin ngayon iyong ULTRA at iyong Filinvest tent sa south.

USEC. ROCKY: Secretary, si Rocky po ito. Alam po namin na talagang ngayon po ay nagsisimula pa lang ang DPWH o ang gobyerno para po i-facilitate iyong mga nangangailangang COVID patient at iyong mga suspect. Ano naman po iyong plano ninyo sa mga quarantine facilities in case po na matapos na nga itong COVID-19 na crisis? May plano po ba kayong inihahanda pagkatapos po ng Enhanced Community Quarantine na umiiral ngayon sa bansa?

SEC. VILLAR: Sa ngayon, tingnan muna natin kasi hindi pa natin alam kung anong mangyayari dito sa pandemic. Afterwards, siguro pag-aaralan natin kasi kung ano iyong mga—kasi magkakaroon din tayo ng protocol na para sa mga pandemic at itong mga kagamitan ay puwede namang gamitin ulit. So, kami naman, siyempre nakatutok muna tayo sa current situation at importante lang, itong gobyerno ready po sa lahat ng scenario.

So, sa ngayon hindi pa napupuno. Hindi naman puno iyong ating mga pasilidad pero ang mahalaga po ang government is ready and able to respond kung ano man, kahit worst case scenario, ready pa rin kami.

USEC. ROCKY: Secretary, may tanong lang po. Papaano daw po ang magiging koordinasyon ninyo sa publiko or sa DOH, in case nga po na may mga gusto nang magtungo dito sa ating mga quarantine facilities?

SEC. VILLAR: Nakikipag-coordinate na kami sa mga LGUs kaya ngayon po ay nagre-refer na sila ng mga pasyente, at mayroon din kaming mga point persons per center. Pero itong mga centers, iyong PICC managed by the PNP at iyong ibang facilities managed by the AFP. So, bawat pasilidad may point person na galing sa DOH at galing din sa uniformed services.

USEC. ROCKY: Secretary, napakahalaga po ng inyong koordinasyon with LGU, kasi po, dito maiiwasan iyong sinasabi nating mga discrimination. Kapag iba kasing tao kapag nalaman nila na may isang COVID patient o kahit suspected pa lang, iba po iyong nagiging tingin natin at siyempre, hindi po maalis ang takot.

SEC. VILLAR: Opo, at ito po, ang policy talaga natin na hindi puwedeng tumanggi ng pasyente at kaya ginagawa itong pasilidad para lahat po, lahat po ng mildly positives. Sa ngayon po ang pasilidad designed for iyong mildly COVID positive, so designed for those kind of patients and kumpleto na po.

At ako, gusto ko ring magpasalamat sa lahat po ng tumulong lalo na po—bago na po iyong ULTRA, iyon ang pinaka-latest na ginagawa po ngayon at nagpapasalamat din ako sa ating mga private donors katulad ng EEI, Vista Land, Ayala, Razon Group, dahil sa kanilang tulong ay natapos kaagad itong mga pasilidad.

USEC. ROCKY: Nailatag na rin nang maayos ng inyong Kagawaran at siyempre, ng gobyerno iyong mga dapat gawin. Ano na po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan at siyempre, ano po iyong dapat naming asahan sa inyo tungkol pa rin sa paglaban sa COVID-19?

SEC. VILLAR: Asahan ninyo po na sa… regarding sa facilities natin, ang gobyerno ay naka-ready na at in just isang linggo lang natapos po lahat ng pasilidad. Kaya kung kailangan natin mag-ramp up ulit at gumawa noong bago, mabilis lang po.

Pero asahan ninyo po na sa ngayon iyong kumpleto naman ang pasilidad namin at in the future, sana ito iyong isang pasilidad na sana walang gumamit. Pero just in case na magkaroon pa ng additional na pasyente, reading-ready po ang gobyerno at huwag po kayong mag-alala, ginagawa namin ang lahat para ma-anticipate lahat ng scenarios pati iyong worst case scenario ina-anticipate namin pero of course, we’re hoping for the best pa rin.

USEC. ROCKY: Secretary, panghuli na lang daw po: Ano naman po iyong kahandaan ng inyong kagawaran kasi po napakahalaga rin ng ginagawa ninyo ngayon at siyempre, huwag nating kalimutan iyong kahalagahan ng Build, Build, Build Program under your agency or office, Secretary?

SEC. VILLAR: After nitong krisis kapag medyo na-ano na siya … na-control na natin itong COVID-19, asahan ninyo po na ifa-fast track po namin ang Build, Build, Build dahil after this siyempre, napakalaki ng economic impact ng krisis at kailangan nating humabol. Kaya pagdating na pagdating ng end of quarantine at kapag medyo controllable, gagawa kami ng mga bagong guidelines para protektahan ang ating mga trabahador. And we will move forward with the Build, Build, Build Program. So, asahan ninyo po, medyo nagkaroon ng kaunting delay – one month/one month and a half – but kami naman po habang may quarantine, pinaghahandaan na namin iyong comeback ng ating mga infrastructure projects.

USEC. ROCKY: Maraming salamat po sa inyong panahon, DPWH Secretary Mark Villar.

SEC. VILLAR: Salamat po.

SEC. ANDANAR: Samantala, sa puntong ito ay makakausap po natin si BCDA President and CEO Vince Dizon, kasama si Pampanga Provincial medical consultant, Dr. Jay Rivera. Magandang umaga po sa inyong dalawa.

BCDA PRES. & CEO DIZON: Magandang umaga, Martin. Magandang umaga, Rocky.

SEC. ANDANAR: BCDA president Vince, kumusta po ang site inspection ninyo sa mga proposed quarantine facilities sa Clark, New Clark City diyan po sa Pampanga?

BCDA PRES. & CEO DIZON: Maayos naman po. Kahapon po ay binisita tayo ni Secretary Charlie Galvez, ang ating Chief Implementer dito sa laban natin sa COVID-19 at inikot po natin iyong mga ready facilities natin para sa Pampanga to Tarlac at sa Central Luzon. Nakita po natin iyong convention center dito sa Clark at iyong mga pasilidad natin sa New Clark City.

Martin, Rocky, ang importante sigurong maalala ulit at maintindihan ng ating mga kababayan, itong mga facilities po na ito ay kasama sa isang napakalaking sistema ng paglaban natin sa COVID-19. At siguro isu-summarize natin itong sistemang ito sa tatlong salita: Iyong locate, iyong isolate at iyong cure. Iyon po ang tatlong aspeto nitong sistemang ito, at iyong mga quarantine facilities na ito ay kasama doon sa ikalawang aspeto nitong sistema – iyong pag-a-isolate.

Pero importante din iyong unang-unang aspeto – iyong paglo-locate o iyong pagte-test. Kasi kailangan nating ma-test at malaman [SIGNAL FADES] kung sino ang mga na-infect sa ating mga kababayan; ikalawa, kailangan natin silang i-isolate; [SIGNAL FADES] kailangan natin silang pagalingin.

Siguro on that note, Sec. Martin, USec. Rocky, puwede ko pong ipasa sa ating partner, si Dr. Jay Rivera, ang provincial doctor at siya ang pinaka namumuno dito sa efforts natin dito sa probinsiya ng Pampanga. Ipapasa ko lang ho muna kay Doc Jay – Doc?

DR. RIVERA: Hi! Good morning, sir.

SEC. ANDANAR: Yes, go ahead, Doc.

DR. RIVERA:Hi! Good morning! Right now ang ating plano gaya nga ng sabi ni Vince ay we have to locate, we have to isolate, we have to cure – so, ang ating sistema ay buo. We are very fortunate that BCDA is here kasi mayroon tayong lugar upang mapuntahan ng ating mga kababayan, ng aming mga kabalen when it comes to locating and isolating.

The logistics are very, very good. Nandoon tayo sa sistema na kung saan ang ating mga kabalen ay mabibigyan ng wastong lugar, tamang lugar at the same time, sila ay ating malo-locate.

DR. JAY RIVERA:  Ang ating pag-locate, gaya ng sinabi ni Vince, kasama na lahat ng distrito ng Pampanga, ang aming provincial hospital, upang makuha, ma-locate sila at the same time ma-test sila.

Mayroon tayong sistema na tinatawag natin na kapag sila ay na-locate at kapag sila ay tinest, ine-isolate natin sila. Dito lahat sa pasilidad natin, very, very adequate at very, very structurally sound, pagkatapos doon ay saka natin sila ilalabas kung sila ay negative; kung sila ay positive, susunod naman tayo doon sa isolate. Mayroon rin tayong lugar kung saan puwede tayong mag-isolate.

At the same time, kapag sila ay isolated at huwag naman sana at mag-progress sila, mayroon tayo nung cure. Mayroon tayong tatlong ospital, which is the Ospital ng Angeles, ang Diosdado Memorial Hospital at ang ating JBL, our regional hospital, to stand by for the cure.

So makikita ninyo ang aming sistema dito is very well rounded ‘no. We get them, kinukuha natin sila, tine-test natin, kung kailangang i-isolate, mayroon tayo. Kung kailangan ng cure level 1, level 2 or level 3, mayroon tayo. So hindi napuputol sa pagte-test lamang, hanggang sa cure pinagsama-sama namin.

SEC. ANDANAR:  Doc, mayroon din akong question para kay Vince. Vince, kamakailan ay nag-present kayo sa House of Representatives ng inyong update kaugnay sa Build, Build, Build program. Maaari ba ninyo ibahagi ang ibang detalye sa inyong update?

BCDA PRES/CEO DIZON:  Opo. Noong nakaraan pong nag-present po tayo sa isang House Committee hearing para sa pag-handle ng ekonomiya, ngayon habang dinadaanan natin itong krisis at pagkatapos nating madaanan ang krisis na ito.

Nag-present po una si Secretary Sonny Dominguez para i-stimulate o paganahin ang ating ekonomiya para hindi mahirapan masyado ang ating kababayan habang dinadaanan ang malaking problema na COVID-19 at kung ano din ang gagawin natin pagkatapos nating maibsan itong problemang ito. Ang prinisent po natin ay simple lang, ang sinabi lang po natin, ang ating infrastructure kagaya ng sinabi ni Secretary Villar kanina ay napakaimportante sa ating pag-move forward after nitong problema ng COVID-19.

Kasi po ang infrastructure po ay ang pinakamadaling paraan para po palaguin po natin ulit ang ekonomiya ng ating bansa. Napakadali po kasing mag-construct at kung pagko-construct ay madaling mag-create ng trabaho, madaling mag-create ng iba pang opportunities para sa ating mga kababayan.

Iyon lang po ang prinisent natin, pero marami pa pong mga pagpupulong at pagdedesisyon sa mga susunod na araw para o maayos nating mabuti itong ating plano para po sa public infrastructure at sa Build, Build, Build.

USEC. IGNACIO:  Sir, bale on track pa din ang ating Build, Build, Build Program.

BCDA PRES/CEO DIZON:  Siyempre po, Ma’am Rocky, may mga delay na iyan. Isang buwan na ang extended quarantine, mayroon pa tayong kulang sa dalawang linggo. After noon, kagaya ng sinabi ni Secretary Villar ay magno-normalize tayo paunti-unti at mapapagana ulit natin itong ating Build, Build, Build Program.

USEC. IGNACIO:  Sir Vince, noong unang linggo po ng Abril, inihain po ninyo ang mga plano para magkaroon tayo ng maraming pasilidad para sa COVID-19 patients. Ano po iyong iba pang updates sa ating quarantine facilities, kumusta na po iyong simulation exercises na isinagawa po ng BCDA noon sa pagbubukas ng We Heal as One Centers, gaya po ng ASEAN Convention Center sa Clark, Pampanga at New Clark City government building po sa Capas, Tarlac? Bukod pa sa mga ito, may iba pa po bang pasilidad na inaasahang magbubukas sa mga susunod na araw?

BCDA PRES/CEO DIZON:  Kagaya po ng ni report ni Secretary Villar, ang DPWH po kasalukuyang tinatapos ang Philippine Sports Arena natin sa Ultra, matatapos na po iyan think today or tomorrow. Tapos ginagawa na rin po ng DPWH ang Philippine Arena sa suporta ng mga kasama po at mga kababayan natin sa Iglesia ni Cristo. At ginagawa na rin po ng DPWH at ng EEI sa tulong ng Filinvest iyong Filinvest tent sa Muntinlupa. So, ito po ang tatlong susunod na magbubukas sa mga susunod na araw.

SEC. ANDANAR: Alright, Vince, sa ngayon ilan po ba ang kabuuang bilang ng mga naka-admit sa mga We Heal as One Centers. Maaari po ba ninyong idetalye ang numero o kung ano po ang estado ngayon ng pag-aadmit ng mga pasyente diyan po sa inyong mga facilities.

BCDA PRES/CEO DIZON:  Opo, ngayon po sa kasalukuyan, sa akin pong pagkakaalam, mayroon pong mga, I think, mahigit 50 pasyente na nasa Ninoy Aquino Stadium. Ito po ay galing sa mga Lungsod ng Maynila at sa Lungsod ng Quezon City. Pero maalala mo ngayong linggong ito, nagsimula na ang mass testing sa NCR na pinangunahan ng City of Manila at Quezon City.

Kasi po ang ating sistema po dito, very close po ang coordination ng mga [garbled] sa ating mga local government units at sa ating DOH. So, [garbled] ang local government units at ang ating DOH para mag-identify po ng mga pasyente na nagpositibo, na hindi masyadong grabe ang mga sintomas at iyon po ang dinadala sa ating mga quarantine centers sa NCR. Kaya po kapag nagbukas na rin po ang PICC, mayroon na rin pong papasok doon habang dumadami at lumawalak ang ating testing sa Metro Manila.

Kagaya nga po ng sinabi ni Jay kanina ano, napaka-importanteng maunawaan ng ating mga kababayan na sistema po ito. Kailangan natin silang i-locate, i-test at hindi natin sila puwedeng pauwiin kapag sila ay na locate at na-test. Kasi iyon po ang problema natin kapag sila po ay pinapauwi, kinakailangan po talaga pagka-test, pagka-locate natin kailangan i-isolate muna sila. [garbled]… pero kapag sila po ay positibo, hindi po sila puwedeng lumabas sa ating mga isolation or quarantine facility. At kapag medyo mild lang ang kanilang sintomas, dito po sa mga quarantine facilities. Pero kapag medyo po gumagrabe ang kanilang mga sintomas, eh kailangan na pong dalhin sa mga ospital natin whether primary, secondary or tertiary hospital natin, depende po sa estado at sa kanilang nararamdaman.

Ito po ay sistema na kailangang paganahin natin nang tama dahil ito lang ang paraan para talagang ma-control natin ang spread ng virus at maalagaan nating mabuti ang ating mga kababayan na magkakasakit.

SEC. ANDANAR:   Alright. Maganda po at paulit-ulit ninyong sinasabi ang salitang sistema. Ang susunod na tanong ay actually para sa DOH pero baka masagot mo na rin dahil bagama’t may ilang pasilidad na po kayong nakalaan para sa mga pasyente ng COVID-19, may sapat bang medical workers tayo sa bawat centers, Vince?

BCAD PRES. & CEO DIZON:  Dito po sa Clark, kumpleto na po tayo ng ating mga medical workers. In fact, Martin, kung mamarapatin mo eh igagalaw ko nang konti ang ating camera para po makita ninyo sila, papatayuin ko lang po sila nang tamang social distancing. Ito po sila, papupuntahin ko po dito para naman po ma-acknowledge natin at ng ating mga kababayan – ito po ang ating mga nurses na nandito ngayon. Martin, Rocky, ito sila, mga volunteers … siguro dapat mag-distance kayo nang konti. Mga galing po sila dito sa Pampanga, Martin, at dito sa Tarlac at nag-volunteer po sila at sila po ang mag-aalaga sa ating mga kababayan. Maninirahan muna dito sa ating quarantine site sa Clark. Okay po siguro kayo?

SEC. ANDANAR:  All right. Mag-ingat kayo diyan. Stay healthy and stay strong, at siguraduhin po natin na sinusuportahan natin iyong ating mga frontliners. Maraming salamat BCDA President and CEO Vince Dizon at Dr. Jay Rivera.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang update sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa base po sa tala ng DOH.

As of 4 P.M., April 16, 2020, umabot na po sa 5,660 ang dami ng kasong naitalang nagpositibo sa COVID-19; labingtatlong katao ang nadagdag sa mga namatay po na may suma total na 362; habang 82 naman po ang nadagdag na naitalang gumaling sa COVID-19 na pinakamalaki po ito, na may kabuuang bilang na 435. Tinatayang ito po ang pinakamataas na bilang ng naka-recover na pasyente sa loob ng isang araw. Kung per region naman po ang ating pagbabatayan, nangunguna pa rin po ang National Capital Region na may kabuuang bilang na 3,935 na naitalang kaso ng COVID-19; sinundan ito ng CALABARZON na may 851 na kaso.

SEC. ANDANAR:  Samantala, sa datos naman ng World Health Organization umabot na po sa 1,954,724 ang suma total ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, kasama na rito ang 126,140 na kataong namatay. Kaya naman mahigpit po naming panawagan sa lahat ang ibayong pag-iingat: Panatilihin po natin ang kalinisan, palakasin po natin ang resistensiya, ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay at social distancing. Hangga’t maaari, huwag na po tayong lumabas sa bahay. Sabi ng mga nurse at doktor, “We stay at work for you, so please stay home for us.

USEC. IGNACIO: At bilang pagtugon po sa mga katanungan ng ating mga kababayan, nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotline. Sa pamamagitan ng linyang ito, maaari po kayong kumonsulta kung may mga nararamdaman po kayong sintomas ng COVID-19 o humingi ng assistance sakaling may kakilala po kayong na-expose sa confirmed cases or patient under investigation. Huwag po kayong mag-atubiling tumawag sa (02) 8942-6843; para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, maaari ninyo pong i-dial ang 1555, bukas po ang linyang ito para sa lahat.

Ngayon naman po ay makakausap natin via phone patch si Philippine Ambassador to Russia na si Ambassador Carlos Sorreta. Magandang araw po, Ambassador.

AMBASSADOR SORRETA: Magandang araw din po.

USEC. IGNACIO: Sa ngayon po, may mahigit dalawampu’t pitong libong kaso na po ng COVID-19 ang naitala sa Russia. Kumusta naman po ang lagay ng ating Filipino community diyan?

AMBASSADOR SORRETA: Hi, Usec. Rocky. Good morning ho, Secretary Andanar at sa lahat ng inyong tagapakinig. So far ho, fingers crossed, wala pa hong positive dito sa Russia, Armenia, Belarus at Kazakhstan na covered ko rin po na positive po ang kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Ambassador, so paano naman ninyo inaaksiyunan ng—o kasama na po ang pamahalaan ng Russia, in case lang po na iyong contingency measure ninyo, in case nga po na may mag positibo sa COVID-19, na sana naman po huwag ano, na ating mga kababayan?

AMBASSADOR SORRETA: Susundin ho natin iyong protocol, at alam na ho ng ating mga kababayan dito sa Russia na kapag sila ay may nararamdaman o ang palagay nila sila ay infected ay tumawag sa 103 emergency at pupuntahan ho sila sa kanilang tirahan ng English-speaking na medical personnel para titingnan sila, ida-diagnose; kung kailangang i-test, iti-test tapos tayo, ang payo po ay sundin po ang abiso ng medical personnel.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Ambassador, naging maayos naman po iyong koordinasyon ng embahada at ng Filipino community. Pero saan po particular sa Russia ang may pinakamaraming Pilipino at ano po iyong kanilang ikinabubuhay? At naapektuhan po ba talaga ang kanilang mga trabaho kaugnay pa rin ng COVID-19?

AMBASSADOR SORRETA: Opo, apektado po. Ang karamihan ng Pilipino sa Russia ay nandito po sa Moscow. Ang madami po sa kanila ay household service worker or nannies po. So marami rin hong part-timers na hindi muna makapasok sa trabaho, so apektado po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Ambassador, ano po iyong tulong na ipinaaabot ng embahada sa ating mga kababayan, lalo na po iyong mga pansamantalang tumigil o nawalan ng trabaho? Paano pong tulong ang ipinaaabot natin sa kanila?

AMBASSADOR SORRETA: Ang embahada po ay nagbibigay ng food assistance, food packs para sa mga nangangailangan sa ngayon. Saka mayroon din po kaming konting shelter dito na mayroon na ho tayong mga wards na nakatira dito sa embassy. Ginawan po namin ng paraan na magkaroon ng shelter po dito.

SEC. ANDANAR: Ambassador, sa kabila ng banta ng COVID-19, may mga kababayan po ba tayong lumalapit sa ating embahada na humihingi ng tulong upang makabalik sa Pilipinas?

AMBASSADOR SORRETA: Mayroon po, at gumawa na po kami ng—sini-survey na namin ho lahat ng gustong umuwi; ang kanilang lokasyon, ang kanilang mga visa status para ho ma—any repatriation will have to be [unclear]. So we’re getting all that now, hopefully we will have a clearer picture. Pero madami na hong humingi na gustong umuwi once maka-return ang regular civilian flights.

SEC. ANDANAR:  Ambassador, ano po ba ang inyong mensahe sa ating mga kababayan dito po sa Pilipinas?

AMBASSADOR SORRETA: Ang masasabi po natin, Secretary Andanar, eh ginagawa ho natin ang lahat para po maalagaan ang kapakanan at ang sitwasyon ng inyong mga kamag-anak dito po sa Russia. Sila po ay, ngayon, so far maganda ang kalagayan. Mayroong mga naghihirap nang konti, pero ginagawa po namin ang lahat ng tulong na magagawa namin; kasama namin ang DOLE, OWWA at saka sa malakas na support ng Department of Foreign Affairs lalo na sa opisina nila Usec. Sarah, nila Usec. Dodo at saka kay Secretary Locsin.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Carlos Sorreta.

AMBASSADOR SORRETA: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, makakausap naman po natin sa oras na ito si Metropolitan Manila Development Authority Assistant Secretary Celine Pialago. Magandang araw sa iyo, Celine.

ASEC. PIALAGO:  Magandang araw, Usec. Rocky at Secretary Andanar po. Magandang araw po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Asec., sa kabila po ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine, naku eh kapansin-pansin po ang dami pa rin ng mga sasakyan na bumabiyahe sa kalsada. May mga oras ba na traffic ang EDSA? Ano bang masasabi ninyo dito? Paano mas pahihigpitan ng MMDA iyong pagtutok po sa mga pasaway na motorista?

ASEC. PIALAGO:  Usec. Rocky, nag-a-average po ang HPG at MMDA nang mahigit singkuwentang motorista po araw-araw sa kahabaan ng EDSA dahil po iyong ilan po sa kanila ay ginagamit po ang kanilang mga quarantine pass pantawid po sa mga national highways. Again, hindi po ito maaaring gamitin tawid-LGU ano. Iyong iba po sa mga dahilan Usec., ay mahaba daw ang pila ng mga market, ng mga drug stores sa kanilang lugar kaya po sila ay napipilitang lumipat ng ilang siyudad. But then again, sila ho ay pinapabalik at kinukumpiska po ang kanilang lisensiya ng Land Transportation Office.

USEC. IGNACIO:  Pero mayroon pong direktiba ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process sa MMDA. Ano iyong mga mahahalagang magampanan po ng MMDA pagdating naman po doon sa mga pumanaw nating pasyente ng COVID-19? Ano po iyong mga sinusunod na protocol ukol dito?

ASEC. PIALAGO:  Usec. Rocky, kahapon po ay nakapagpulong po ang ilang representatives ng mga funeral services, LGUs, DILG, DOH, MMDA at isa po diyan, ma’am—siyam po iyan, nine major issues. Number one po, iyong delay sa mga death certificates. So kahapon po napag-usapan, DOH will instruct the hospitals po to fast-track iyong pagpa-process po ng mga death certificates.

Then while waiting po, Usec., doon sa official death certificate, napag-usapan din po na ang simpleng certification po issued by the authorized representative ng hospital ay maaari na munang gamitin. Pero hinihintay lang po natin since DOH NCR po is set to verify if they can allow po the issuance of provisional death certificates. Isa po iyon, Usec. Rocky, sa napag-usapan.

Pangalawa, Usec., iyong shortage po ng mga supplies ng PPEs and cadaver bags ‘no. Kahapon po ay napag-usapan din na lahat po ng hospital mapa-pribado man o pampubliko must be recipients po of donated cadaver bags and PPEs. Kahapon po nilinaw din sa meeting ng DOH that there are 7,000 available cadaver bags po suitable for COVID-19 casualties. Ang kailangan lang po, mag-request lang po tayo ng formal at ito ho ay dapat nanggagaling sa concerned hospital.

Pangatlo, ma’am, ang pinakamaganda rin po sa napag-usapan kahapon ay ang “Cremate now, pay later plan.” Dito, Usec. Rocky, kailangan natin ng MOA between crematory services, funeral parlors, LGUs, concerned agencies. Pero so far naman, Usec., lahat po ng napag-usapan kahapon, good to go na po iyon. So may mga LGUs po talaga, Usec., na sinasagot po ang lahat ng expenses kagaya po sa Quezon City at Valenzuela, pero ang maganda pong napag-usapan, Usec., kahapon ay lahat po ng crematorium services ay nag-set po ng fixed rate which is P25,000. So kung iba po ay sinasagot ng local government, iyong iba naman po ay makakaasa sa kanilang local DSWD para po sa P25,000 assistance po, Usec. Rocky.

So isa din po sa recommendation kahapon, Usec., ng mga funeral services ay hikayatin po ang mga LGUs na buksan iyong public cemeteries po para maglibing po tayo ng mga COVID-19 fatalities – so isa po iyon sa mga recommendations.

Pang-apat, Usec., sa napag-usapan po kahapon, iyong borderless accommodation po ng mga crematorium facilities of COVID-19. Lahat po ng public and private crematoriums should accept all cadavers of COVID-19 related deaths irrespective po of residence. So kahit man po saan siya nakatira, NCR must act as one region.Panglima, Usec., iyong shortage ng urns ay napag-usapan din po iyan. So kailangan na pong ma-classify at inuumpisahan na po iyan ngayon, ika-classify po iyong mga funeral and crematory services, iyong mga suppliers po nila para po sila ay maisyuhan ng travel pass.

Pang-anim, ma’am, iyong supply po ng mga disinfectants ‘no, napag-usapan po iyong importasya ng pagkakaroon ng linkage po sa manufacturers para po ma-provide natin iyong mga nasabing disinfectants.

Pangpito po, iyong proper tagging po ng mga cadavers. So DOH po yesterday reiterated their instruction po na lahat po ng mga cadavers must have external tags to prevent po the need to re-open the cadaver. So iyon po iyong pangwalo, ma’am.

Pangsiyam, just in case po mag-increase ang bilang ng mga COVID-19 fatalities – just in case lang naman po, ma’am – freezer vans po can be used in case po iyong mga morge po natin ay mapuno ‘no. Installation of (unclear) po sa identified ideal location ay kasama po sa mga napag-usapan po kahapon.

SEC. ANDANAR: Celine, nitong nagdaang linggo, hinimok ng MMDA at Metro Manila Council ng mga LGUs na mag-impose ng penalty kaugnay sa violence at discrimination sa mga frontliners at medical workers at suspected COVID-19 patients. Ano ba ang update tungkol dito?

ASEC. PIALAGO: Well, so far, Secretary Andanar, ang magandang balita naman po diyan, ang Quezon City, Muntinlupa at ilan pong LGU ay nagpasa na po ng kanilang mga ordinances. Sa MMC resolution po, hinihikayat po iyong LLC (Local Legislative Council) na magpasa po. Iyong iba, Secretary, may multa ng limang libo, at iyon ho ang kailangang ma-remind ang kanilang mga constituents kung ano po iyong nilalaman ng kanilang ordinansa, Secretary.

SEC. ANDANAR: May nais pa ba kayong idagdag na paalala? Ano ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan, Celine?

ASEC. PIALAGO: Secretary, siguro ho dahil isa sa aming mandato ang traffic management, muli po, kami po ay nag-i-inspect katuwang po ang HPG. Maaari pong makumpiska ang inyong lisensya; puwede po kayong matiketan ng HPG, nauna na hong sinabi ni PNP Spokesperson Banac na P1,000 po for disobedience. Ang MMDA naman po ay puwedeng maniket sa inyo ng violation of physical distancing ‘no, so nagkakahalaga po iyan ng limang libong piso. Violation po is based on the Bayanihan Act, and there is an Executive Order that the Land Transportation Office po will administer land security pursuant to its mandates.

So kami po, lahat po ng lalabas, dadaan ng EDSA gamit ang quarantine pass, hindi po kayo papayagang makatawid. Maraming salamat, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong oras, MMDA Assistant Secretary Celine Pialago.

USEC. IGNACIO: At upang alamin naman po ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Visayas, makakausap din po natin si OPAV Assistant Secretary Jonjie Gonzales. Kumusta po kayo sa Visayas, Asec. Gonzales?

ASEC. GONZALES: Good morning, Usec. Rocky and Secretary Martin Andanar. Ganito lang po iyong sa Visayas, we are one Visayas and iyong mindset namin is dapat handa tayo sa mga logistics. Kasi kailangan natin iyong mga … when we do our medical work like ILI – SARI [Influenza-like Illnesses – Severe Acute Respiratory Infection] surveillance, iyong locating ng mga COVID positive, kailangan nating i-test at kailangan nating i-contain at kailangan nating dalhin sa hospital iyong mga severe cases.

Kaya sabi nga ni Secretary Mike Dino, very important is logistics. That is why immediately, ang unang ginawa natin bago pa nagsimula iyong maraming cases dito sa Cebu at sa iba’t ibang lugar sa Visayas is to distribute mga PPEs, masks and alcohols to important groups like LGUs, hospitals, OCDs and even mga military and PNP. Ito ang ginawa natin para magkaroon sila ng panlaban sa isang kalaban natin na hindi natin nakikita.

At naglalagay din tayo ng quarantine facilities ‘no. We had to identify quarantine facilities in all of Visayas. And in Cebu, mayroon na rin tayong mga quarantine facilities like sa Old Sacred Heart Building na school; mayroon din tayo sa IEC and CCMC.

And isa pang ginawa nating initiative for the Visayas is to help the stranded tourists na makauwi sa kanilang mga lugar. In fact, we’ve already facilitated the return of 500 foreign repatriates comprising of 20 countries from the different places in the Visayas. Kung alamin nga natin, iyong Visayas, lalo na Central Visayas, nandiyan iyong mga tourist destinations ‘no. Sa Western Visayas iyong Boracay, sa Cebu, sa Bohol. So marami tayong mga foreigners na pinapauwi natin noong humingi na sila ng tulong sa atin.

At isa pang ginawa natin ngayon is really to capacitate iyong testing facilities natin sa buong Visayas. In Cebu, we already have seven RT PCR machines, nasa Vicente Sotto Hospital. Iyong apat na iyan ay nasa main lab nila. And we are opening an extension lab providing three RT PCR machines. At ito po ay galing sa mga donations ng Cebu City who is really very helpful in the fight against COVID. Sila man ay nagkaroon ngayon ng exponential group from two, to five, to 21, to 24 in the last four days, pero sila ang pinakahanda sa battle na ito. They have donated 20,000 swab kits, 30,000 test kits that is why they can conduct massive testing ngayon sa Cebu City kaya medyo nag-exponential growth iyong cases ng COVID. But it doesn’t mean na hindi handa iyong Cebu City.

And sa Visayas din, tinutulungan natin nai-capacitate iyong Eastern Visayas, at si Majority Floor Leader Martin Romualdez ay nagpadala na ng isang RT-PCR machine sa Eastern Visayas Medical Center para sa laboratory doon. At magdo-donate din iyong Christina Lee Dino Foundation ng isa PCR machine sa Eastern Visayas para magkaroon sila ng dalawang machine.

Sa Western Visayas, dalawang machine na ang mayroon doon at 24/7 ang kanilang operation. And in Western Visayas, they are able to provide help or testing sa buong Panay Island; while sa Cebu naman is helping CARAGA, Eastern Visayas and Negros Occidental.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., napakaganda po ng latag ng sistema ninyo para po ma-prevent iyong pagkalat ng COVID-19. Kumusta po iyong coordination ninyo naman po sa LGUs? Ano po iyong ginagawa ninyong efforts ng inyong tanggapan para tulungan po iyong mga subnational laboratories sa pagsasagawa naman po ng COVID-19 testing?

ASEC. GONZALES:  Oo. Ito, one thing we did ‘no, we coordinated with the Cebu City nga at sila ay tumulong. Pinondohan nila iyong COVID fight nila, pinondohan nila ng one billion pesos, at dahil diyan, they are so well prepared to do massive testing. Kaya nga nagkaroon na sila, nagbigay na sila ng 30,000 test kits at nagbigay na rin sila ng 20,000 swab kits to Vicente Sotto to be able to—not only for Cebu City but magamit din for the entire province, entire Visayas. Iyon ‘yung tulong ng Cebu City dahil iyon nga, pinondohan ng mayor at very proactive iyong stand ni Mayor Labella ng Cebu City.

Sa Iloilo naman, at in-insist ni Mayor Treñas na magkaroon ng 24/7 iyong operations ng SNL doon at iyan ay nangyayari na ngayon; 12 hours shift ang ginawa doon, there is 3 medtech, ay nagsha-shadow iyong tatlong medtechs para nga magkaroon ng 24/7 na test doon sa Iloilo.

Ito naman sa Eastern Visayas, kahapon dumating na iyong isang RT-PCR na machine at nag-test na or nag-inspect na iyong RITM and we’re hoping na very soon, magkaroon na rin ng SNL iyong Eastern Visayas. So ito nga, sabi nga ni Secretary Mike Dino, itong labanan na ‘to, hindi natin nakikita iyong kalaban pero dapat handa tayo sa logistics and we have to be very critical in doing surveillance, tests, containment and provide medical care in case na may severe cases.

SEC. ANDANAR:  Asec. Jonji, speaking of Iloilo, mayroong mga nakakarating na balita dito sa Maynila na hindi maganda ang samahan o hindi maganda ang nagiging relasyon ng mga national government agencies at ng ilang mga ospital diyan sa Iloilo; iyong mga private hospitals na hindi sumusunod sa protocol ng ating national government agencies. Gaano po ba ito katotoo? Can you confirm?

ASEC. GONZALES: Yes, po. When we were there on April 7, kasama ko iyong Director ng Region VII kasi may twinning agreement si Region VII and Region VI that is based on a memo issued by DOH Central. Napansin namin na iyong first kasunduan nila with the DOH doon ay i-open at dedicated lang iyong hospital ng Western Visayas Medical Center. At if you know, itong Western Visayas Medical Center is one of the two tertiary hospital that is government. And kung ma-open siya, dedicated to only COVID patients, hindi na niya ma-serve iyong mga pangangailangan nang buong Panay, iyong mga patients na kailangan ng tertiary care.

So ang unang ginawa natin is to open Western Visayas to dual, maging non-COVID and COVID na siya. At iyong Western Visayas State University Hospital, siya iyong mag-handle ng mga spillover galing sa Western Visayas Medical Center.

Ang isang kailangan pa talagang tutukan Secretary Martin, is iyong mga private hospitals because we have already agreed with them that they should provide assistance or they should admit COVID cases sa mga private hospitals. Kaya lang, medyo nagtitigas iyong mga stand nila ‘no. They insist na mayroong MOA agreement with DOH VI before na dapat WVMC lang ang dedicated na hospital for COVID.

But in-insist natin that under their license na you have to open your hospitals if you are tertiary or secondary hospital sa Iloilo, you have to open it for COVID. At we are now closely coordinating with the DOH Region VI na dapat ipatupad ito kasi nasa lisensiya ‘to. At mismo si President Duterte kahapon, winarningan niya lahat ng mga hospital na dapat nilang buksan itong hospitals nila, mga private hospitals to COVID patients. At ngayon nga narinig ko rin si Senator Bong Go, very insistent siya na huwag… na hindi ka puwedeng hindi tumanggap ng mga pasyente sa mga hospitals lalo na kung COVID patient.

SEC. ANDANAR:  Opo. Maganda at natututukan ninyo ni Secretary Mike Dino ang Western Visayas partikular diyan sa Iloilo para po hindi manaig ang politika diyan. Last question, sa ilalim po ng IATF guidelines, ang mga stranded at lalabas na foreigners ay kailangan abutan ng assistance. Ano po ba ang tulong na ipinaaabot natin para sa mga repatriates?

ASEC. GONZALES:  Well, iyong lalabas na mga foreigners, we have been coordinating ‘no with the different agencies to help them get out of the Philippines; and maganda iyong gawa ng Panay Island kasi sila rin, marami silang foreigners doon and they have been conducting a lot of sweeper flights para lang makaalis iyong mga foreigners doon sa Panay lalo na galing sa Boracay, galing sa Guimaras and many other places sa Western Visayas.

At dito naman sa Central Visayas kung saan din epicenter ng tourism, si DOT ay magaling din iyong mga sweeper flights nila, marami silang ginawa. And kami rin mismo, iyong OPAV ay in fact helped 500 foreign tourists na makaalis na rin sa Philippines. At hindi lang sa foreign tourists ‘no, tinutulungan din natin iyong mga stranded Filipinos ngayon na nandito sa Cebu at nandiyan sa Iloilo and many other areas kasi hindi maka-cross border because of the IATF regulation or guidelines.

So ang ginawa natin is to make sure na they have a place to stay and they have food na kung kailangan nila. At tinutulungan naman natin sila through DSWD. In fact, sa Samboan, South of Cebu, mayroon 400 doon na stranded. Dito naman sa Cebu City, may mga 100 galing sa Butuan. Tinutulungan natin sa pagkain at in-ensure natin na may titirahan sila habang hindi pa sila maka-cross border.

But ito nga hinihiling ko eh, sana iyong IATF national should already start looking into how to transfer these stranded Filipinos sa iba’t ibang mga isla or mga islands. And as long as they are quarantined sa lugar na iyon, kung saan sila nag-stay, 14-days quarantine, then sana tanggapin na sila sa mga ibang islands kung saan talaga sila nanggaling. At doon din, puwede na ring i-quarantine sila or magkaroon ng rapid test bago sila tanggapin sa mga LGUs nila. Kasi hindi rin biro iyong mga stranded Filipinos na nasa iba’t ibang lugar.

SEC. ANDANAR:  Asec. Jonji, unsay mensahe nimo sa atong mga kababayan diha sa gitna ng krisis na ito?

ASEC. GONZALES: (Dialect) Secretary Martin, is that we are one Visayas, we have to heal as one and we have to help each other. At i-ano muna ang pulitika, huwag na muna natin iyong politika. Unahin muna natin iyong tulong, iyong logistics na kailangan ng mga tao at iyong protocol, medical protocol na kailangan na locate or [garbled] contain and kung may kailangan, ilagay sila sa hospital kung severe cases.

But again, we are all helping each other. There are miscommunications, iyong stress level ng mga tao ngayon ay tumataas dahil sa krisis na ito at ilang linggo na ang ECQ sa mga lugar na ito.

Ang akin lang ay dapat focused tayo, huwag munang pulitika; huwag na nating isipin iyong mga bashers, trabaho lang muna para tulungan ang mga tao sa Visayas.

SEC. ANDANAR:  Daghang salamat sa imong panahon, OPAV Assistant Secretary Jonji Gonzales.

ASEC. GONZALES:  Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Mula naman po sa iba’t ibang sangay ng PCOO, makakasama rin po natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat sila Czarina Lusuergo ng Philippine Broadcasting Service, PTV Correspondent na sina Julius Pacot ng PTV Davao, Danielle De Guzman mula sa PTV Cordillera at John Aroa ng PTV Cebu.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Okay. Sa punto pong ito, makakasama natin… o dumako tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama po natin si Czarinah Lusuegro.

[NEWS REPORTING BY CZARINAH LUSUEGRO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Czarinah Lusuegro. Samantala, patuloy naman ang pagdami po ng bilang ng mga COVID-19 cases sa Cebu City, ito po ay matapos maitala ang community transmission Sitio Zapatera sa Barangay Luz sa Cebu City. Puntahan natin ang ating kasamahan na si John Aroa live mula sa PTV Cebu.

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat John Aroa ng PTV Cebu.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John. Samantala, makibalita naman tayo sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program sa Cordillera Administrative Region partikular sa Lungsod ng Baguio. Makakasama po natin si Daniel Grace De Guzman live mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING BY DANIEL GRACE DE GUZMAN]

SEC. ANDANAR:  Samantala, isang animation studio sa Pilipinas ang nagboluntaryong gumawa ng iba’t ibang infomercial upang magbigay paalala sa mga Pilipino sa mga dapat gawin sa panahong ito, ang detalye sa report ni Kay Asuncion.

[NEWS REPORTING ON INFOMERCIAL]

SEC. ANDANAR:  Mga kababayan, patuloy po tayong maging responsible at sumunod sa mga patakaran ng ating pamahalaan upang mapanatili ang ating kaligtasan mula sa COVID-19. Asahan po ninyo na patuloy po naming ihahatid ang mga importanteng impormasyon na kailangan nating lahat.

USEC. IGNACIO:  Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng People’s Television Network (PTV), kasama ang Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas Network, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of the Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office, APO Production Unit at IBC-13, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at KBP.  Samantala nais din po natin pasalamatan ang Filipino sign language access team for COVID-19.

SEC. ANDANAR: Pasalamatan din natin, Rocky, iyong ating mga kasamahan sa PTV. Napakasipag nila. This is our fourth week, Rocky. Kumusta ka na, parang humaba na iyong buhok mo ng ilang pulgada?

USEC. IGNACIO:  Oo nga, Secretary, napansin ko rin.Ikaw kumusta ka na rin, parang lalo kang pumuti?

SEC. ANDANAR:  Hindi, iyong ilaw lang iyan na binigay sa akin ni Chit. Pero sigurado humaba din iyong buhok ko. Pero okay na rin iyong humaba kaysa walang buhok, di ba?

USEC. IGNACIO:  Tama.

SEC. ANDANAR: Sa kabila po ng mga hamon at pagsubok na dumarating sa ating bansa, malinaw na kung tayo ay magkakaisa, malalagpasan natin ang lahat ng ito bilang isang bansa. Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Muli, ito po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  At mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Magkita-kita tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)