Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, gayun din sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming.

Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at lahat po ng Radyo Pilipinas radio stations nationwide kasama po ang Crisis Communications platforms ng Laging Handa, Radio TV-Malacañang at sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office, ako po si Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan po nating nararanasan, hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo.

SEC. ANDANAR: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman bayan, halina’t inyong samahan kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: At para po magbigay balita mamaya mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, makakasama natin si John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service, Radyo Pilipinas, magandang umaga sa’yo.

SEC. ANDANAR: At sa ngayon naman, Usec.M ay bigatin po ang ating mga panauhin ha. Nandiyan makakasama po natin sina Secretary Art Tugade ng Department of Transportation; nandiyan din po si Usec. Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development; at si Secretary Karl Kendrick Chua ng National Economic and Development Authority o NEDA; si Cecilia Borromeo-Ang, ang Presidente at CEO ng Landbank of the Philippines; Ambassador Joseph Del Mar Yap ng Embassy of the Republic of the Philippines diyan po sa Singapore; at si Chief Inspector Xavier Solda, ang Spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: At para naman po sa mga karagdagang balita:

PhilHealth at mga Malasakit Center patuloy po ang pag-agapay sa mga kababayan nating apektado ng COVID-19 sa buong bansa. Ayon kay Senator Bong Go, ginagawa ang lahat ng PhilHealth upang ma-maximize ang kanilang pondo para matulungan ang ating mga kababayang may COVID-19 na makapagbayad po ng kanilang bills sa ospital.

Sa kabilang banda, handa rin umanong umalalay ang mga Malasakit Center lalo na po sa mahihirap pagdating sa kanilang mga pangangailangan. Tinatayang nasa 71 na po ang Malasakit Centers sa buong Pilipinas kaya naman po hinihikayat ni Senator Bong Go ang lahat na huwag pong mag-atubiling humingi ng tulong sa pinakamalapit na Malasakit Center sa inyong lugar. Muli rin po niyang pinaalalahanan ang mga ospital na tatanggi sa mga pasyente sa gitna ng krisis na ating kasalukuyang nararanasan. Pairalin aniya ang pagmamalasakit nang tuluyang matalo o magapi ang COVID-19.

Kaugnay niyan, Senator Bong Go sang-ayon na rin pong i-extend ang Enhanced Community Quarantine partikular na sa mga lugar na nananatiling may mataas na kaso ng COVID-19 katulad po ng National Capital Region. Ang ating buong kooperasyon ang susi upang tuluyan nating malagpasan ang epidemyang ito kaya muli siyang nananawagan sa lahat na huwag pairalin ang katigasan ng ulo, bagkus ay manatili lamang sa sari-sariling tahanan.

Samantala, alamin na natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. ng April 21, 2020, ayon po sa tala ng Department of Health, mayroon na tayong 6,599 cases na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa; 654 ang naka-recover na mula sa sakit at 437 ang pumanaw.

Samantala, tingnan muli natin ang bilang ng COVID-19 cases sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Sa mga probinsya, nangunguna pa rin po ang Rizal Province na may 317 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, pangalawa pa rin po ang Laguna with 284 confirmed COVID-19 cases, pangatlo ang Cavite na may 216 confirmed COVID-19 cases, pang-apat ang Cebu na may 184 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 at panglima, Bulacan na may 103 na confirmed COVID-19 cases.

SEC. ANDANAR: At dito po naman sa National Capital Region ay mayroon na pong 4,600 na total COVID-19 cases kung saan nangunguna pa rin sa hanay ang Quezon City na mayroong 1,067 confirmed COVID-19 cases; pangalawa ang Lungsod ng Maynila with 545 confirmed COVID-19 cases; at pangatlo pa rin ang Parañaque na may 378 confirmed COVID-19 cases.

Uulitin lang po natin na dahil ang Quezon City ang pinakamalaking siyudad sa NCR at siya rin po ang may pinakamalaking populasyon na tinatayang nasa 2.9 million, ayon ‘yan sa census noong 2015 – so malamang mas mataas na ngayon – kaya naman ay hindi po maipagkakailang ito ang posibleng may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Maynila dahil sa laki din ng populasyon.

USEC. IGNACIO: Kung atin naman pong susuriin ang bilang ng hospital beds at mechanical ventilators na eksklusibong nakalaan sa COVID-19 patients, 1,442 ward bed po ang nakalaan at tanging 425 o 29% lamang po ang occupied. Pagdating naman sa kabuuang bilang ng isolation bed na 7,071, 36% lamang po ang occupied o 1,831. Samantalang 32% lamang o 256 ang occupied sa kabuuang bilang ng ICU beds na 799.

Pagdating naman po sa mechanical ventilators, 20% lamang ang ginagamit mula sa kabuuang bilang na 1,073. Ang mga detalye po ay mula sa mga ospital na nagpasa po ng datos sa DOH data collect application.

SEC. ANDANAR: Samantala, sa pinakahuling datos na nakasaad sa COVID-19 tracker, as of April 12, may 3,191 hospital beds na nakalaan sa COVID-19 patients; 1,474 mechanical ventilators; at 12,413 beds sa iba’t ibang community isolation facilities.

Pagdating naman sa bilang ng unique individual na sumailalim sa COVID-19 tests, out of 52,837, 13.6% o 7,166 ang nagpositibo; ang ilan sa mga ito ay sumasailalim pa sa validation at processing; samantalang 86.4% naman o 45,626 ang nagnegatibo. Sa kasalukuyan ay may remaining 183,404 available tests para sa labimpitong accredited COVID-19 testing centers sa bansa.

USEC. IGNACIO: As of April 19, 2020, mayroon na tayong labimpitong licensed COVID-19 testing laboratories sa buong Pilipinas. Naka-flash po iyan sa inyong mga TV screen at tingnan ang listahan ng mga certified COVID-19 testing center at laboratories na maari ninyong puntahan at bisitahin.

SEC. ANDANAR: Bayan, hinggil naman po sa inyong mga katanungan/concerns tungkol sa COVID-19 ay tumawag lang po sa (02)8942-6843; para naman sa PLDT, Smart saka TNT subscribers, mangyaring i-dial po ang 1555. Maaari ninyo rin pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong mga TV screens. Upang maging updated sa mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19 ay magtungo sa aming COVID-19 portal, bisitahin lamang po ang www.covid19.gov.ph.

All right, Rocky, simulan na natin ang ating Public Briefing. Para po sa ating unang guest at saludo po talaga ako sa dedikasyon ng taong ito pagdating sa public service, at ngayon nga na sa kasagsagan ng COVID-19 sa bansa, eh kaniyang liderato ay puspusan ang ginagawang hakbang ng kaniyang ahensiya upang makatulong sa ating mga kababayan lalung-lalo na po sa atin mga frontliners pagdating sa kanilang transportasyon.

Puntahan natin ang ama ng Department of Transportation, Secretary Art Tugade. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Art.

SEC. TUGADE: Magandang umaga, Kalihim Martin, Usec. Rocky. Sa buong sambayanan, magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Sec. Art, kumusta po ang programa ninyong free ride service for healthworkers? Ilan na pong medical frontliners ang ating natulungan sa buong bansa?

SEC. TUGADE: Napakaganda ho ng usad ng ating free shuttle service sa ating mga frontliners na kung saan noong tayo’y nag-umpisa, tatlong ruta lamang at mabibilang mo iyong mga bus na ating mga ginagamit. Ngayon po, mayroon na tayong 20 routes at mayroon tayong ginagamit na more than 160 buses.

Ilan po ang naseserbisyuhan ngayon, ang inyong katanungan. Sa Metro Manila, as we speak now, mayroon pong 67,000; at sa buong sambayanan sa ibang rehiyon at probinsiya, mayroon po tayong 260,000 mahigit. Sa kabuuan, ang naserbisyuhan po natin mga 330,000 mahigit as we speak now.

USEC. IGNACIO: Secretary, napakaganda po ng partnership ninyo with 2GO dahil po nakahiram tayo sa kanila ng dalawang passenger vessels na naging quarantine ship para po sa ating mga returning OFWs at seafarers. Dalhin nga po ninyo kami dito sa quarantine ship na ito. Ano po ang makikita dito? Ilan po iyong puwedeng i-accommodate dito, Secretary?

SEC. TUGADE: Ito pong quarantine vessel na tinatawag, mayroon po tayong dalawa diyan. Isa ho ay isang malaking barko, iyong isa ay may kaliitan. Doon sa malaking barko, ang beds po doon ay mga 1,400. Pero hindi po nagagamit lahat iyong beds, sapagka’t mayroon po tayong social distancing na ginagamit. Kabuuan na magagamit dahil sa social distancing ay mga 400. Ngayon, ang nagagamit po diyan mga 270 at this time.

Doon sa maliit na barko, ang kapasidad niyan ay mga 200; ang nagagamit na diyan ay mga 135. Sa kabuuan, doon sa dalawang barko mayroon na po tayong mahigit 300, eh nag-umpisa lang po tayo nitong linggong ito. Makikita po na ito po ay may sariling dining counter, mayroong sariling cafeteria, mayroong sariling comfort room at maaliwalas naman ang kinalalagyan nila.

SEC. ANDANAR: Sec. Art, bukod po sa quarantine ships, kahapon po ay opening ng tinatawag nating quarantine terminal. Ito po iyong Eva Macapagal Super Terminal sa Pier 15 para dito ay gamutin iyong mga mga kababayan nating may mild symptoms ng COVID-19. Ilang tao ang capacity nito? At so far, ilan na po ang ating quarantine terminals, Sec. Art?

SEC. TUGADE: Dito ho sa treatment, doon sa terminal – Eva Macapagal Terminal na aming pinasinayaan kahapon kasama si Kalihim Lorenzana – dito ho ang magagamit dito ay mga 216 beds divided into three phases: One, doon sa more serious; less serious; at saka benign. Ito ho ang mauumpisahan dapat ngayon, fully equipped po ito. Mayroon pong dedicated dito na dalawang ambulansiya para sa dalawang maritime vessels at mayroon pong paggagamitan din po sa terminal.

Mayroon din pong sariling doctor at medical personnel kami na binigay at pinakibahagi ng Philippine Coast Guard. Itong terminal na ito ng Eva Macapagal Terminal, pinangangasiwaan natin, itinayo ng Philippine Ports Authority na ni-hand over po namin kahapon sa Philippine Coast Guard.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary. Free po ba iyong paggamit ng 2GO na dalawang ship na nirerentahan ng government? If nirerentahan po, magkano po ito?

SEC. TUGADE: Ito ho, nirerentahan ito ng gobyerno. Iyong dalawa, mga 35 million po. At mura naman iyan if you will compute it on the basis of the bed space and use.

USEC. IGNACIO: For this year po, nakapagsauli po ang DOTr sa National Treasury ng dibidendo. At maipapagmamalaki po niya na within three years simula nang maupo po si Pangulong Duterte, nakapag-remit po kayo ng mahigit P50 billion na dibidendo. Ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?

SEC. TUGADE: Ang ibig lang pong sabihin niyan, sa laki ng mga nare-remit natin ngayon, ang ibig lang pong sabihin niyan, siguro tama iyong ginagawa natin. Tama ho kayo, sa tatlong taon, nakapag-remit tayo ng P50.6. Kung isasama mo iyong ni-remit noong Lunes na karagdagan ng CAAP na P2 billion, ang na-remit po natin sa tatlong taon is P52 billion. Sa kabuwanan lang ng Abril lang po at mayroon na po tayong na-remit na 17 billion. Kapag idinagdag mo iyong ibinigay ng CAAP noong Lunes, dagdag, P19 billion.

Ikumpara po ito noong nakaraang administrasyon na kung saan sa tatlong taon ang naibigay lang po sa gobyerno ay P17.9 billion. Siguro po tama iyong pamamalakad, tama iyong pamamaraan, tama iyong pag-manage ng Kagawaran ng Transportasyon at kanyang mga attached agencies.

SEC. ANDANAR: Sec. Art, mayroon pong tanong si Joseph Morong ng GMA. Ang sabi po ni Joseph: “Patanong po kay Sec. Art iyong response ng Management Association of the Philippines to open buses and trains as mode of transportation. Ano po ang inyong reaction, sir?”

SEC. TUGADE: Tama po iyan. Naumpisahang pag-usapan sa IATF na kung saan noong Lunes nagbigay ng studies ang ating bagong kalihim ng NEDA. Na kung saan nabanggit na kung magkakaroon tayo ng partial operability ng mga public transportation lalo’t higit sa mga buses, dapat mayroong tinatawag na hindi full capacity, kung hindi 30% capacity upang sa ganoon masundan at bigyan kabuhayan iyong tinatawag na social distancing. Ganyan din po iyong gagawin sa LRT1, LRT 2, MRT 3 at PNR. Kung papayagan po ng IATF magpa-partial operability tayo, pero iyong operational capacity will be abbreviated at mababawasan upang ma-maintain iyong mga patakaran ng Department of Health sa social distancing.

SEC. ANDANAR: Sec. Art, kagaya po ng mga ibang ahensiya ay nag-extend po kayo ng rental holiday para sa inyong mga concessionaires, at para naman po sa pagpapaliban ng bayad ng upa para sa mga paliparan. Ano po kung sakali ang deadline ng kanilang pagbabayad, Sec. Art?

SEC. TUGADE: Ganito po iyon, iyong unang pagbibigay namin ng moratorium at libreng rental, nagtapos po iyan noong April 15. Kaya nga noong April 15, gumawa po kami ng panukala na sinabi namin i-extend mo ito hanggang end of the month. At pagdating ng end of the month, pag-uusapan at susuriin natin kung kailangan pang i-extend ito dahil sa kalagayan na bunga ng COVID-19.

SEC. ANDANAR: Good news rin po na hatid ninyo ay ang extension ng application sa renewal ng mga licenses, prangkisa at permit. Ano po ito?

SEC. TUGADE: Opo, ine-extend po namin iyan sapagka’t intindihin natin ang kalagayan ng sambayanan. Ang sabi namin, iyong mga deadline na iyan i-extend natin iyan ng 30 days. Ngayon, matatapos na iyong 30 days, pag-aaralan at susumahin namin kung papaano magkakaroon ng kinauukulan at kinakailangang extension.

USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong po tayo mula kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN. Ano daw po iyong possibility na ibalik ang inter-island ferry kapag ma-lift ang quarantine sa ibang areas ng Luzon, like Mindoro, na ilan po ay walang kaso ng COVID-19?

SEC. TUGADE: Napakagandang katanungan niyan. Sinisipat at pinag-aaralan po namin iyan, ma’am, na kung saan mag-aantay kami ng desisyon ng IATF, at iyong kinauukulang rekumendasyon ay aming gagawin. Kung ang pangyayari sa kapaligiran will justify it, gagawin po namin iyan at irerekumenda namin sa IATF.

USEC. IGNACIO: Kasama rin daw po ba iyong mga bus doon, Secretary?

SEC. TUGADE: Yes, ma’am. Kapag in-approve ng IATF, maintaining iyong mga requirements gaya ng social distancing, ‘no mask, no ride’, hand washing, iyong thermal scanning kailangan ho ginagawa rin ito. At saka ho iyong social distancing, hindi lang ho pagsakay mo sa sasakyan; paghintay mo ng pila para sumakay kailangan din ho may social distancing doon.

USEC. IGNACIO: Mayroon pong tanong mula sa ating kasama sa PTV na si Kenneth Paciente. Kumusta daw po iyong infra projects ng gobyerno ngayong COVID-19 pandemic? At anu-ano daw po iyong marching orders sa workforce dito sa mga nagtatrabaho sa infra?

SEC. TUGADE: Napakagandang katanungan. Nakahingi ho kami ng approval sa IATF na kung saan magkakaroon kami ng mitigated approach doon sa tinatawag natin na infra kasi naniniwala ho kami na iyong estado at sitwasyon ngayon ay napaka-ideal para magawa iyong ibang trabaho. Pumayag din naman ho ang IATF sa 13 rails projects na aming ginagawa at ginagawa na itong linggong ito.

Mayroon ho kaming ginagawang aspeto, dalawa ho. Ang unang aspeto is the mitigation phase na tinatawag namin. Dalawang bagay ang ginagawa namin ngayon sa mitigation phase: Iyong paglatag ng bagong riles at iyong pag-relocate ng mga utilities. Napaka-ideal ho na maumpisahan ito sapagka’t hindi gumagamit at hindi operational. Magbibigay ho tayo dito ng kalamangan dito sa tinatawag na COVID-19 para maumpisahan at maibsan iyong mga delay na ibinibigay ng COVID-19.

Ito ho, iyong mga construction, mayroon hong mga patakaran ang ating IATF. Sabi nila, doon sa mga konstruksyon kailangan it will have to be a rationalized legitimate number with housing accommodation on site. Kailangan ho may housing accommodation pero minimintena rin ho iyong tinatawag na social distancing; kailangan ho may dedicated shuttle; kailangan ho kontrolado iyong oras. Ito ho lahat ay aming gagawin at ginagawa.

SEC. ANDANAR: All right, Sec. Art, panghuling mensahe po sa ating mga kababayan. Please go ahead, sir.

SEC. TUGADE: Mga kababayan [SIGNAL FADES] tayo ho, sama-sama at tulung-tulong sa pagpuksa at para patayin natin at kitilin natin ang COVID-19. Tayo ho can be heroes; we can be our own heroes if we can share by sharing if we can. We can be heroes by just staying home as we must. Sama-sama ho nating puksain ito. Magtiwala ho tayo sa pamahalaan at sabi nga ng istasyon ngayon, tayo ay dapat laging handa.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Secretary Art Tugade ng DOTr. Ngayon naman ay puntahan natin si USec. Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development. Magandang umaga po sa inyo ulit, USec. Paje.

USEC. PAJE: Magandang umaga po, Secretary Andanar at USec. Rocky Ignacio. At magandang umaga rin po sa ating mga tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: As of today, USec., kumusta na po ang distribution natin ng ayuda mula sa Social Amelioration Program sa buong bansa katuwang po ang mga LGU?

USEC. PAJE: Sa huling ulat po kahapon, ika-21 ng Abril, ay nakapamahagi na po tayo ng higit-kumulang 76 billion na pondo sa 1,369 na lokal na pamahalaan sa buong bansa. At ang halagang ito, mahigit 9.1 billion ang naipamigay sa higit-kumulang 1.6 million na non-4ps beneficiaries. At karagdagan dito ay mahigit 16.3 billion na ang naipaabot sa mga 4Ps beneficiaries natin, sa mga cash card holders sa buong bansa.

Mahigit din sa 323 million ang naipamahagi sa 40,000 na PUV drivers sa National Capital Region (NCR). Sa pangkalahatan po ay umaabot ng 25.4 billion na naipahatid sa 5.3 million na beneficiaries ng Social Amelioration Program natin. Tinataya na—or tinatantiya natin na marami pang mabibigyan ng ayuda sa mga susunod na araw dahil tuluy-tuloy naman po ang pag-payout sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa. At inaasahan po natin na matapos itong pamimigay ng ayuda bago rin matapos ang kasalukuyang buwan.

SEC. ANDANAR: Rocky?

USEC. PAJE: Secretary?

SEC. ANDANAR: Okay. Kung sakaling ma-extend ang Enhanced Community Quarantine o hindi kaya magkaroon ng modified lockdown bunsod pa rin ng COVID-19, paano po ang magiging sistema sa ating pamamahagi ng SAP or SAP packages?

USEC. PAJE: Ang nakalaan naman po na pondo para dito ay 200 billion at ito ay para sa buwan ng Abril at Mayo. Kaya’t kung ma-extend po ang ECQ ay makakapagbigay pa rin tayo ng ayuda sa ating mga mamamayan sa buwan ng Mayo, at ang sistema po ay higit na mapapabilis sapagka’t tayo ay mayroon nang karanasan dito sa unang 100 billion na naipamigay na ayuda.

SEC. ANDANAR: Usec., may mga pagkakataon naman na ang ating mga social worker bukod sa ating mga health worker at COVID-19 survivor ay nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon dahil pa rin sa COVID-19. Ano ang hakbang ng DSWD sa isyung ito?

USEC. PAJE: Unang-una, nakakalungkot po ang balitang ito na nakararanas ng pagbabanta, masasakit na salita ang ating mga frontliners lalo na ang mga kawani ng DSWD. Kaya’t kami po ay nakikiusap sa ating mga kababayan na huwag magalit kung hindi ay bigyan ng tiwala at pag-unawa ang ating mga frontliners na ang nais lamang ay maipahatid ang mga benepisyo ng SAP sa mga nangangailangan.

Kasalukuyan po ay nakikipag-ugnayan din kami sa AFP, sa PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas upang matingnan at mabigyan ng tulong ang mga kawani natin na nakatatanggap ng ganitong banta at mga pananalita.

At sa mga frontliners naman natin, ganoon din po ang aming hinihingi – ang pag-unawa at ang haba ng pasensya sa mga beneficiaries natin.

SEC. ANDANAR: Sa mga nagtatanong naman po na mga kababayan natin na hindi pasok sa listahan ng approved beneficiaries pero may mababang income, ano po ang kailangan nilang gawin para makatanggap ng ayuda? Para sa mga homeless at street dwellers po nating mga kababayan? Please go ahead, USec.

USEC. PAJE: Para naman po sa mga hindi pa nakatanggap ng benepisyo, kung sa inyo pong pananaw ay kuwalipikado kayo na makatanggap ng social amelioration benefits, maaari po silang umapela sa kanilang Local Social Welfare Development Offices at ang mga apela na ito ay isu-submit ng LSWDOs sa field offices ng DSWD at ito po ay dapat na maaksyunan nila sa lalong madaling panahon.

Hinihikayat din po namin ang mga LGU na gumawa ng mga kaukulang hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga constituents. Tuluy-tuloy po ang ugnayan ng DSWD at ng mga LGUs upang matingnan nang mabuti ang mga isyu na ito.

Ang mga homeless families naman po sa lansangan ay kabilang sa vulnerable sectors. Dapat din po silang mabigyan ng emergency subsidy.

At ganoon din po, nakikiusap muli tayo sa mga lokal na pamahalaan na tiyakin na ang saturation drive upang matukoy o ma-identify ang target beneficiaries ng mga … at ng mga pamilya na nasa listahan

SEC. ANDANAR: Usec. Paje, kamakailan din ay inanunsiyo ng DILG na kuwalipikado na ang ating mga barangay tanod at mga barangay health workers sa Social Amelioration Program. So bale ang panggagalingan po ba ng ayuda para sa ating mga tanod at mga BHW ay iyong sa ating previous budget o may panibagong budget po ba para dito, Usec. Paje?

USEC. PAJE: Ang dating pondo po ang pagkukunan ng SAP benefits para sa ating mga barangay health workers, barangay tanod at iba pa. So nakapaloob po ito sa existing na pondo para sa SAP.

Nais ko lang pong linawin na hindi po automatic na kabilang na lahat ng mga barangay workers, at sasailalim pa rin po sila sa pagsusuri o sa assessment ng lokal na pamahalaan at sisiguraduhin po na ang kanilang kalagayan sa buhay ay pasok sa mga panuntunang umiiral para sa SAP benefits.

SEC. ANDANAR: Bukod po sa emergency subsidy, kumusta na po ang ating augmentation assistant sa mga LGU?

USEC. PAJE: Bukod po sa emergency subsidies, ang ahensiya ay patuloy na nagpapaghatid ng ibang augmentation assistance sa mga lokal na pamahalaan na nangangailangan. Ang ating distribution ng family food packs sa kasalukuyan ay nakapagpahatid na po ang DSWD ng higit-kumulang 466,472 family food packs na nagkakahalaga ng 182.5 million sa mga lokal na pamahalaan sa buong kapuluan.

SEC. ANDANAR: Iniutos din po ng DILG na magpaskil ang mga punong barangay ng master list ng approved SAP beneficiaries to promote transparency, maiwasan po ang katiwalian – ano po ang inyong opinyon dito, Usec. Paje?

USEC. PAJE: Iginagalang po natin, iginagalang ng DSWD ang panuntunan na inilabas ng DILG, at kami po ay sang-ayon dito. Naniniwala kami na sapat ang naging batayan ng ahensiya upang magpalabas ng ganitong kautusan hinggil sa listahan ng SAP beneficiaries.

May mga nakuha rin po kaming ulat na ginagawa na ito ng iba’t ibang LGU. At sa tingin din po namin ay makakatulong ang kautusan na ito upang maisaayos ang implementasyon ng ating Social Amelioration Program, lalo na po sa pagtukoy sa mga benepisyaryo ay upang masiguro na kwalipikado ang mapapasama sa ating programa; ito po ay pagbibigay ng kapangyarihan o empowering the people for them to check on their own the accuracy of the beneficiaries that are having this privilege.

Sa ganitong pamamaraan po, kasama ang taumbayan sa pagbabantay at sa pag-validate kung eligible nga o qualified ang mga nakakatanggap ng ayuda.

SEC. ANDANAR: Usec. Paje, ano po ang inyong opinyon sa mga kababayan natin na nakatanggap ng ayuda pero ginamit po ito sa maling kaparaanan, katulad po ng pagbili ng droga, pagbili ng alak, pagsusugal? Please go ahead, Usec.

USEC. PAJE: Ito rin po ay kabilang sa mga nakakalungkot na mga pangyayari sa gitna ng krisis. Ngunit sa panig po ng DSWD, ang ganito pong pangyayari ay mga isolated incidents lamang po at karamihan sa mga benepisyaryo natin ay ginagamit ang ayuda sa tamang paraan.

Ayon din po—o itong mga lumalabag sa usapan o sa mga patakaran ng pagbibigay ng ayuda na ito, kakausapin po natin sila at kukumbinsihin natin upang sa tamang paraan nila gamitin ang mga natatanggap nila. Kung hindi naman po natin maiwasan ito ay maaaring siguro doon na lang sa maybahay kung iyong mister ang nakatangap, doon na lang sa maybahay ibigay ang ayuda na ito, at bahala na rin po siguro sila na … at ang DILG na managot sa kung anumang legal consequences na katapat nitong paglabag nila sa mga provisions ng SAP benefits.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development, mabuhay po kayo sir!

USEC. PAJE: Mabuhay din po kayo, Secretary at lahat ng ating tagasubaybay at magandang umaga po muli.

SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay susunod ang ating isang young at brilliant na ekonomista; Dati po siyang Undersecretary of Strategy, Economics and Results Group ng Department of Finance. Pero bago siya pumasok sa gobyerno, dati siyang Senior Country Economist ng World Bank dito po sa ating bansa, sa Pilipinas. First time po niya na maging kalihim, kilalanin po natin ang ating Acting Chief ng National Economic and Development Authority, si Secretary Karl Kendrik Chua. Magandang umaga sa iyo, Secretary Karl.

SEC. CHUA: Magandang umaga po, Sec. Martin at sa mga nakikinig sa atin.

SEC. ANDANAR: First of all, congratulations po sa inyo sa pagkaka-appoint bilang bagong kalihim ng NEDA. Less than a week eh ito, talagang iyong marching order ni Presidente Duterte sa inyo ay unahin na ang mabilisang pagpapatupad ng national ID system, ano po ba ang inyong masasabi dito, Secretary Chua?

SEC. CHUA: Salamat po sa greetings, Sec. Martin. Iyong national ID kasi, napakagandang batas nito! Actually, 20 years na natin gustong ipasa itong batas, since mga 1990s pa. At iyong mga nakaraang pagkakataon, hindi po natin nagawa ito dahil may mga question on data privacy.

Ngayon po, mayroon po tayong data privacy law, so mas kampante po tayo at iyong Kongreso ay tumulong at pinasa nila nang mabilis iyong national ID, iyong last August 2018. Ang plano po natin ngayon ay bilisan ang paghahanda natin kasi ngayon ay nasa community quarantine tayo, pero marami pang puwedeng gawin ang Philippine Statistics Authority tulad ng pagtapos ng mga procurement ng mga kagamitan, ng mga systems at para ready na po tayo kapag puwede na po tayong lumabas maybe in June or July.

So, ang balak ngayon ng ating Philippine Statistics Authority ay mag-register ng five million this year, pero ang sabi ko po sa kanila, kung puwede ay mas mabilis at mas maraming i-register. Kasi kapag nakatanggap na kasi ng national ID iyong ating mga kababayan, sila po ay puwede pong makilala na sa mga iba’t ibang social amelioration program. At puwede rin po silang magbukas ng bank account para iyong pagbigay ng tulong ay hindi na iyong cash and door-to-door na ginagawa natin ngayon; puwede na diretso sa bank account tulad ng mga cash na pumupunta sa mga CCT beneficiaries. Iyan po ang mabilis at dapat nating gawin!

At ang layunin natin ay matapos na po ang halos 80 to 90 million registrations before the end of the administration. So iyan po iyong isang marching order sa akin – mapabilis talaga ang implementation ng national ID. Pero gagawin natin ito sa isang ligtas na paraan kasi hindi naman puwede lahat lumabas, pumila tapos baka iyong virus ay magkalat pa. So mayroon po tayong mga protocols din para sa pag-iingat natin.

SEC. ANDANAR: Sec. Chua, bukod sa national ID system, sa inyo rin pinabalangkas ang COVID-19 recovery plan. How long will it take po para makabuo tayo ng isang recovery plan?

SEC. CHUA: Una po, itong problema natin sa COVID virus infection, this is a once in a century problem. In fact, iyong last pandemic is the 1920 global flu pandemic. So ngayon, 2020, eksakto 1oo years, so wala po talagang nakakaalam na mangyayari ito; hindi po natin alam kung gaano kalalim ang problema. Basta ang alam lang natin, hindi natin alam anong mangyayari. Pero handa po tayo kasi ang una po nating ginawa sa Pilipinas ay iyong tamang desisyon na mag-impose ng isang enhanced community quarantine.

At ayon po sa mga eksperto, mga 100,000 lives ang na-save natin at dahil dito, bumabagal ang pagtaas ng infection. Pero hindi pa natin alam kung mare-resolve ba ito at kailan mangyayari ito hanggang may vaccine or bakuna tayong ma-discover, pero habang hinihintay po natin, hinahanda po natin ang ating health sector. Ang importante dito kasi, iyong pagdagdag ng testing para mahanap kaagad kung sino iyong may virus para ma-isolate at para hindi po na sila lumabas at manghawa ng ibang tao.

Once na ma-control natin ito, ay pupunta naman tayo sa susunod, iyong recovery plan. Pero bago po natin pag-usapan ang recovery plan, ang importante kasi dito ay alamin natin kung gaano kalala ba ang impact ng virus na ito at ang Enhanced Community Quarantine sa mga negosyante lalo na sa mga maliliit na businesses. At ang ginawa po namin sa NEDA at sa gobyerno ay nag-field kami ng survey, consumer survey, business survey tapos may parating pa na mas malaking survey. By the end of the month, malalaman na natin ang impact or ang total effect ng ating virus problem. At base diyan, kung may evidence na tayo ay makakapag-craft po tayo ng maganda at angkop na recovery plan. So iyan po ang tututukan ko po ng priority.

SEC. ANDANAR: All right. Mayroong pinadala sa akin si Joseph Morong ng GMA na tanong. Sabi niya: “You mentioned na puwedeng lumabas sa June or July pa. Ito po ba ang lumalabas na study o rekomendasyon ng DOH? Ito po ba iyong analysis nila na June or July pa tayo puwede talagang safely na lumabas sa bahay?”

SEC. CHUA: Opo. Iyong konteksto po niyan, iyong binanggit ko sa aking launching presscon sa NEDA, noong ako ay nag-assume ng office. Sabi ko ay marami tayong modelo na pinapakinggan. At isa sa mga modelo na pinakinggan natin ay nagsasabi na iyong peak ay sa June or July, at iyan ay based on the present health capacity natin, iyong pag-test natin ng mga 5,000 at dahil diyan ay ang sabi ng modelo, ang ligtas ay June or July. Pero maraming ibang modelo rin at ibang mga concern ang pinapakinggan natin.

Ang mangyayari po sa next few days ay kung mapapabilis natin ang testing capacity at handa ang ating mga hospitals, may ventilators, may ICU bed, iyan po ay magpa-factor in sa decision ng ating Pangulo kung kailan po ang angkop na oras para i-relax or i-modify ang ECQ. Pero wala pong ligtas talaga na panahon hangga’t lahat po tayo ay magwa-washing of hands, magso-social distancing, magwi-wear ng mask; at iyong gobyerno at iyong mga private hospitals ay magiging handa.

SEC. ANDANAR: Okay. Sec. Chua, ang mas maayos na implementasyon ng Build, Build, Build Program para sa pamamagitan ng Investment Coordination Committee ay isa rin po sa mga itinalaga sa inyong tungkulin. Now ano po ang inyong plano dito, Sec.?

SEC. CHUA: Una po, ang gusto ko pong sabihin, iyong konteksto kung ano po ang sitwasyon sa infrastructure program natin. Iyong 2016 iyong pumasok po si Pangulong Duterte, medyo mababa ang ating infrastructure to GDP ratio. In fact for almost 20 years hindi iyan lumalagpas ng 2 or 3 percent of GDP. Ngayon po, umabot na po tayo sa 5% of GDP so malaki ang naitulong ng ating infrastructure program. From less than 100 billion in 2000, ang ating infrastructure ay aabot na sa 1 trillion pesos, at ito ay lumilikha ng napakaraming trabaho.

At isang epekto nito, ay iyong pagbaba talaga ng ating unemployment, underemployment at poverty rate. At kahit sabihin po ng mga critics at mag-complain po sila, iyong datos ay malinaw na malinaw na may magandang epekto ang infrastructure program. Last year noong na-delay iyong ating budget at na-approve sa May, marami pong nagsasabi na iyong ating Build, Build, Build ay hindi na magiging as effective. Pero napatunayan natin by December, humabol talaga tayo. In fact, naabot po natin iyung target natin at we faced the challenges twice over the last decade and also in the last year when the budget was delayed.

So ngayon, ito ay isa pang panibagong challenge kasi madi-delay tayo dahil sa COVID kasi hindi po puwedeng lumabas pero handa po tayo na isulong ang ating Build, Build, Build once na safe ang environment natin na mag-proceed.

So ang tungkulin kasi ng NEDA ay i-vet iyong projects to make sure na iyong economic rate of return ay maganda, na iyong project ay hindi ‘white elephant’ na iyong project ay magdudulot talaga ng economic benefit, job creation and poverty reduction.

So ang isang gagawin namin sa NEDA ay iyong mga pending na projects ay pag-aaralan namin nang mas mabilis para ma-launch na ‘to para ‘pag puwede na pong mag-resume ang construction ay ready na rin tayo. At iyong mga ongoing at naka-pending sabi nga ni Sec. Art, mayroon namang mga safety guidelines para masimulan na natin at mapabilis ito.

SEC. ANDANAR: Pasensya na po kayo, Secretary Chua, napakadaming tanong po ang ating mga kasamahan dito.

SEC. CHUA: Okay lang po.

SEC. ANDANAR: Kasama rin ang ating mga kaibigan sa media. Ito, galing kay Samuel Medenilla ng Business Mirror: “DOF Secretary Dominguez earlier said the government expects the business disruptions from COVID-19 to affect 1.2 million workers. Pero sa recent data po noong DOLE, ang number is already 1.6 million nationwide. Does the government have a new estimate in terms of the labor impact of COVID-19?”

SEC. CHUA: Okay, magandang tanong iyan. Una po, dapat alamin natin na araw-araw nagbabago ang sitwasyon. Everyday mayroon pong accomplishments tayo in terms of health capacity, sa testing. In fact bumagal na nga iyong pag-increase ng COVID new infections natin, iyong death rates bumagal na iyong recovery umakyat so mayroon pa tayong magandang… parang nakikitang progress.

On the other hand naman, mayroon din talagang… marami ang naaapektuhan ng ating Enhanced Community Quarantine. So as of last week, 1.2 million, tama po iyan; iyong latest data ng DOLE 1.5 million, so tinatanggap naman namin na marami pong naapektuhan. Kaya ang DOF last week ay nag-launch ng isang Small Business Wage Subsidy na magiging handa kami na tulungan up to around 3.6… if I’m mistaken, 3.6 million affected workers. So nakahanda po kaming tumulong hanggang sa katapusan ng Mayo.

SEC. ANDANAR: Ito pa isang tanong: “Is the United States or the Chinese government extending any financial grant or loan—

SEC. CHUA: Sec. Martin, hindi ko marinig po…

SEC. ANDANAR: Okay, let me repeat. Mayroon po bang financial aid or grant ang Estados Unidos o ang People’s Republic of China dito po sa ating pamahalaan, sa ating gobyerno?

SEC. CHUA: Sec. sorry, Sec. Martin, pakiulit po kasi hindi ko narinig iyong simula ng tanong.

SEC. ANDANAR: Itong mga financial grants, ang tanong po ng Business Mirror eh mayroon po bang financial grant na ibibigay ang mga bansang tulad ng Estados Unidos at People’s Republic of China?

SEC. CHUA: Sa totoo lang po, Sec. Martin, kailangan kong tanungin iyong Department of Finance kasi itong mga grants, loans at any financial support, dumadaan muna ito sa Department of Finance. So mas maganda po tanungin natin muna sila para sigurado tayo sa sagot, iyong latest.

SEC. ANDANAR: Okay. There is a proposal from the PCCI to defer the passage of new tax bills including those which remove incentives for foreign investors so that the Philippines could attract them. Will you recommend the deferment of the passage of the bill?

SEC. CHUA: Magandang tanong po iyan, so ito po iyong totoo. Ang tax system natin kailangan talagang baguhin kasi marami talagang problema, napakakomplikado, hindi patas at napaka-inefficient. So ‘pag natapos na po ang COVID-19 crisis natin, pag-aaralan po iyan at ng Department of Finance. At iyong NEDA naman, nag-i-input din kasi dapat alamin natin iyong economic impact ng bawat policy.

Pero ako ay naniniwala na ituloy dapat ang comprehensive tax reform, pero siguro ay may konting dagdag or pagbabago para matulungan iyong mga naapektuhan ng COVID. Ang pangalawa po ay alam ninyo po, kung hindi po tayo magpapasa ng mga tax reform, ang ibig sabihin niya, sa dami ng kailangang tulungan, sa dami ng kailangan na serbisyong ibigay at uutang po tayo. Pero ang utang kasi, hindi po ito libre na galing sa langit. Ang ibig sabihin lang ng utang, hindi po natin babayaran ngayon sa pamamagitan ng buwis. Ang ibig sabihin niyan, iyong anak at iyong mga apo natin ang pinapabayad natin nitong inutangan natin.

Kaya iyong desisyon kasi natin, whether to borrow money or to raise taxes, kailangang pag-aralan kung ano iyong pinakamagandang balanse. At idagdag ko pa diyan, hindi lamang iyan iyong paraan ng pag-raise ng revenues, mayroon po tayong tinatawag na savings sa gobyerno kasi naging mas efficient tayo, ito ay pinangungunahan ng Department of Budget of Management. Mayroon din po tayong mga dividends at excess income from our GOCCs, so lahat po iyan tumutulong. Pero iyong ating tax system, talagang kailangang baguhin pa rin kasi kung hindi pa natin baguhin, hindi natin makikita iyong mas simple, mas patas at mas maayos na sistema ng pagbubuwis.

USEC. IGNACIO: Sec. Carl, si Rocky ito. Pasensiya na po may pahabol lang pong tanong ang ating kasamang si Joseph Morong. Ano daw po iyong magiging itsura ng modified lockdown sa Metro Manila in terms of transportation, industries open, kind of workers kung ia-allow daw po.

SEC. CHUA: Una po, iyong recommendation ng NEDA is to decide based only on scientific evidence. So, mayroon po kaming kinakausap na mga scientist, epidemiologist, mga modellers, para alamin kung ano ang epekto ng bawat desisyon na mag-modify or mag-relax ng ECQ.

Halimbawa po, may mga nasasabi na kapag biglang nag-open up tayo, wala nang ECQ at babalik iyong virus, up to millions ang mai-infect at hindi po natin kaya iyan, at maraming mamamatay. Mayroon namang nagsasabi na kung i-modify natin, payagan natin iyong ilang sector na mag-operate; may nagsasabi na dapat i-limit lang ito sa mga priority sectors, hindi puwedeng lumabas iyong mga bata, iyong matatanda; at mayroon din pong nagsasabi na baka puwedeng based on geographic risk of infection. So, baka iyong ibang probinsiya na mababa iyong risk or wala ng PUM or PUI baka puwede nang ma-relax.

So, iyan po iyong mga decision parameters na ginagamit namin at iyan po ang iri-recommend ng NEDA. Pero ang source po ng aming decision will only be based on the scientific evidence, kasi hindi naman puwedeng pakinggan lang natin iyong business sector na gustong magbukas at mabigyan ng trabaho at para may makain. Iyan po ay tama at dapat natin—we should be concerned and should care for our workers. Pero on the other hand, dapat alamin natin ano ang epekto ng bawat desisyon natin sa mga iba pang magkakasakit, baka iyong iba mamatay pa at madagdagan pa iyong mga mamamatay. So, iyan ay dapat ibalanse at iyan po ang ginagawa natin ngayon, para iyong final decision ay talagang pinag-aralan at base sa datos.

USEC. IGNACIO: Okay maraming salamat po, Secretary Carl Kendrick Chua ng NEDA. Mabuhay po kayo.

SEC. CHUA: Maraming salamat din po, Usec. Rocky at Sec. Martin at sa mga nakikinig sa atin.

USEC. IGNACIO: Ngayon po ay tumungo na tayo kay, Ma’am Cecilia Borromeo, ang President and CEO ng Landbank of the Philippines. Magandang araw po.

LBP PRES/CEO BORROMEO: Magandang araw, Usec. Rocky. Magandang araw rin kay Secretary Andanar at sa lahat ng nanunood sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Unahin na po natin iyong initiative in line with the Bayanihan to Heal as One Act. Kumusta na po iyong partnership sa mga government agencies sa implementasyon po ng Social Amelioration Program and other projects po para labanan po ang COVID-19?

LBP PRES/CEO BORROMEO: Opo, Rocky. Ang Landbank po ang pinakamalaking government financial institution at malaki rin po ang aming mandato na tumulong sa ating mga kababayan ngayong may krisis tayo dahil sa COVID-19. So unang-una, Usec. Rocky, nangunguna kami sa pag-comply sa requirements under the Bayanihan Act, kaya nagbigay kami ng moratorium sa lahat ng mga credit card holders namin, salary loan borrowers, pati na iyong mga nangutang para sa kanilang mga negosyo at saka iyong mga nangutang para makabili ng bahay. Binigyan namin sila ng moratorium hanggang April 30, which is beyond the original provision ng Bayanihan Act. Ngayon, kung iyong ECQ ay pahahabain pa, pahahabain din namin iyong moratorium period sa pagbabayad ng mga umutang sa amin.

At ang Landbank din po ang naging reliable partner sa ating mga cash grants under the various Social Amelioration Programs of the DSWD, the DOTr at saka po ang DOLE. So sumasang-ayon po ako, and Landbank would like to support iyong programa ng ating bagong kalihim sa NEDA na dapat talagang i-push na natin iyong ating national ID system kasi iyon po ang pinakamabilis na paraan para mai-distribute ng gobyerno ang mga cash grants. Nakita po natin iyan na maging mabisa dahil in just three days, nakapagbigay po ang Landbank, nai-deliver po ng Landbank ang cash grants sa more than 3.7 million beneficiaries of the DSWD under their conditional cash transfer program at mahigit 16.3 billion po ang nai-deliver natin na cash grants. Kaya ho naging mabilis iyon dahil mayroon ng cash card ang mga CCT beneficiaries bago pa nagkaroon ng COVID-19 crisis.

Ganoon din po iyong aming experience doon sa mga empleyado na tinutulungan ng DOLE under their CAMP program kung saan mahigit 250,000 employees ang targeted beneficiary of the DOLE. At naging mablis din ho iyon dahil mayroon na silang bank accounts. Very different from our experience when we distributed the cash grants ng mga drivers po na gustong tulungan ng DOTr at LTFRB, where we have to distribute the cash grants over the counters of Landbank dahil wala pa po silang bank accounts or cash card.

So makikipagtulungan po kami sa Philippine Statistics Authority at saka sa NEDA para ma-optimize, maging mabilis iyong pagbigay ng national ID, at kung maaari ay magiging bank account at transactional account na rin po iyong mga IDs na iyan.

Ngayon po, alam namin na karamihan sa aming mga customers, iyong mga negosyante ay na-disrupt po ang kanilang mga negosyo kaya nilunsad namin iyong I-RESCUE Lending Program ng Landbank. Ang targeted beneficiary po ng ating I-RESCUE ay iyong mga small and medium enterprises, iyong mga kooperatiba at saka iyong mga micro finance institutions.

Under this I-RESCUE Program, magbibigay po ang Landbank ng loans that will have a tenure of 10 years at two years grace period, at iyong 5% na interest rate po ay puwede namin i-fix for three years para hindi masyadong mabigat sa kanila at sila ay maka-recover or maka-bounce back after this crisis.

We also have the HEAL Program na binigay namin sa mga LGUs. Kasi po ang Landbank ang pinakamalaking lender to LGUs, 52 billion po ang outstanding loans namin sa LGUs, to more than 665 LGUs.

So, we launched the Land Bank HEAL which is for the LGUs to access financing to enable them to buy the goods and services to support their constituents during the COVID-19 crisis.

So, Land Bank will continue to be at the forefront of the assistance to be given by government because we have a vast network, we have presence in all provinces and we have a very strong and capable human resource that are ready to help the LGUs. We assigned account officers and account assistance and we have branch managers assigned to help the LGUs all over the archipelago.

PBS CORRESPONDENT JOHN MOGOL: Marami pong salamat. Narito po ang ilan sa ating mga balita.

[NEWS REPORT BY SARAH CAYABYAB]

[NEWS REPORT BY DANDEE MACARAMBON]

PBS CORRESPONDENT JOHN MOGOL: Iyan po ang mga balitang nakalap natin dito sa Radyo Pilipinas, ang inyong #COVID-19 PH radio mula po sa iba’t ibang panig ng ating ating bansa. Eight minutes after twelve o’ clock, magbabalik po tayo makalipas lamang ang ilang paalala.

[STATION BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #Laging HandaPH. Balikan po natin si Ma’am Cecilia Borromeo, ang President and CEO ng Landbank of the Philippines, Ma’am, pasensya na po, naputol po ang ating pag-uusap kanina, balikan po natin iyong—hello, ma’am? Ma’am Cecilia?

LBP PRES/CEO BORROMEO: Yes, naririnig ko po kayo, Usec. Ignacio.

USEC. IGNACIO: Opo. Balikan lang po natin, iyon pong terms of lending sa pamamagitan po ng cooperatives at iyong micro financial institution, papaano po ito, iyong gagawin ng Landbank po dito? Papaano po iyong terms for loan restructuring?

LBP PRES/CEO BORROMEO: Okay po. Iyong sa loan restructuring po ay kung may existing loans po sila sa amin at naapektuhan iyong kanilang cash flow such that they cannot pay their obligations in accordance with the original amortization schedule, puwede ho naming pahabain pa ang tenure of their loan. And we can give them up to maximum of ten years to pay their obligation with Landbank, at magbibigay din ho kami ng maximum na three years grace period. Ibig sabihin, for the first three years, hindi nila kailangan bayaran ang principal. At puwede rin ho kaming magbigay ng another one year grace period para naman sa interes. So, sa first year po, puwedeng hindi sila magbayad ng principal at interes.

And then we will also fix the interest rate to five percent so that it will be more affordable for them and it will improve their cash flow during this crisis.

USEC. IGNACIO: Ma’am, panghuling mensahe ninyo na lang po, Ma’am Cecilia, sa taumbayan especially iyong mga gusto pong lumapit sa Landbank at makahingi po ng mga tulong para po sa kanilang mga pangkabuhayan?

LBP PRES/CEO BORROMEO: Oho. Ang Landbank po ay handang tumulong sa ating mga kababayan, sa ating mga negosyante na naapektuhan dito sa COVID-19 crisis. Kami ho ay may 409 branches located in all – we have a presence in all provinces. We also have a very wide network of lending centers. We have more than 50 lending units ready to assist our customers; and also, new customers who would like to avail of the concessionality po ng aming mga programa under the Lanbank I-RESCUE Program for small and medium enterprises, cooperatives at saka mga (unclear) finance institutions.

Makikipagtulungan din po kami sa mga local government units to enable to serve their constituents who are adversely affected by this crisis. And since we also have a very reliable IT platforms that would enable partners like the government agencies and even local government agencies to push their assistance to their intended beneficiaries, we are open and we are prepared to partner with them and use our digital banking platform for more efficient and faster, and at the same time, secure way of giving this assistance.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Ms. Cecilia Borromeo, ang President and CEO ng Landbank of the Philippines.

SEC. ANDANAR: Mula naman sa Embassy of the Republic of the Philippines sa Singapore, makakasama natin si Ambassador Joseph Del Mar Yap. Magandang umaga po sa inyo, Ambassador Yap.

AMBASSADOR YAP: Magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Singapore is now facing a surge in COVID-19 positive cases. And one of the reasons is due to the many crammed migrant workers’ dormitories where more infections are expected to emerge, and this seemed to be overlooked by the Singaporean government initially. Ito ba ay naa-address na, Ambassador?

AMBASSADOR YAP: Yes po. Actually, as of the latest count ng Singapore, there are 9,125 cases. As of yesterday po, April 21, out of those nine thousand one hundred twenty-five (9,125), 7,127 po are from iyong mga migrant workers sa dormitory. Unfortunately, itong mga dormitories are … many of them live in one building. They live by the 10 sa isang kuwarto, and then there are many of them, many floors and many blocks like this, so marami sila. They have 500,000 kasi po, na migrant workers like this, working on the construction job, on the sanitary work, etc., so they really have a lot of these migrant workers.

But as soon as this thing naman broke out, the Singapore government has taken aggressive steps to address the issue. So many of the dormitories po are under quarantine now, so the workers don’t work anymore. They cannot go out to work. What happens is the government delivers food to them three times a day. And then even within iyong dormitories, they cannot socialize. So there is also social distancing po even within the dormitories.

So they’re taking all these steps to reduce the number of the spread. But of course, this will probably take a little more time, maybe another week or two, before the numbers start coming down.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, pero kumusta na po iyong lagay ng Filipino community diyan sa kabila po ng banta ng COVID-19, Ambassador?

AMBASSADOR YAP: Ang sitwasyon naman po sa mga kababayan natin is, right now we have 59 cases of Filipinos who tested positive for COVID. And of the 59, 27 have already recovered and have been discharged po. So 32 are in hospitals.

Now, all these cases naman po, kapag positive po ang findings, the government will hospitalize them. And the Singapore government has announced already way back that all the hospitalization bills (unclear) of people who will be hospitalized in government hospitals will be shouldered by the Singapore government.

SEC. ANDANAR: Okay, Ambassador, ano po iyong tinatawag na circuit breaker measures na mahigpit na ipinapatupad ng Singaporean government? Kindly explain it to us?

AMBASSADOR YAP: Iyong circuit breaker nila, what they call circuit breaker is halos lockdown na rin ang mga measures. Pero initially, when they instituted this – April 7 when this was first instituted – medyo less restrictive po iyong mga measures. So you could still go out to the parks to exercise; they left the stadiums open so people can go to exercise. The beach was still accessible.

Pero after a few days, they became stricter na rin po. So those things are now closed. Hindi ka na puwedeng pumunta sa park; the beach is closed; the stadiums are closed. You are only able to go out for work, kung nasa essential services po kayo. You can go out to do essential chores, meaning buy food or take out or go for medical reason. And you can still exercise but allowed in your neighborhood na lang. And then that was … you can go out with your family members, you cannot socialize with anybody who is not a family member. So you cannot visit any friend or anything like that.

And then as of yesterday, actually, they even made it tighter pa. So if you go out of your house, only one person can leave the house at the same time. So hindi na puwede iyong all family will go to the grocery for shopping – bawal na iyon. And then if you exercise, only by yourself – you cannot bring your family members with you.

So it becomes actually quite tight na rin, so medyo lockdown na rin po. It’s just that they call it circuit breaker here.

USEC. IGNACIO: Ambassador, sakop po ba ng DOLE AKAP Program iyong ating mga OFW diyan na nawalan ng trabaho? Kasi, balita po namin ay may mga napauwi na rin po kayong mga kababayan natin dito sa Pilipinas mula sa Singapore.

AMBASSADOR YAP: Yes po, kasama po sila. And our POLO here has already paid, I think, mga almost 300 po ng mga kababayan natin have availed already of the program po. But we have been accepting mga applications and then bini-verify lang ng POLO iyong mga applications natin. And then for those who are qualified po, they are being given the assistance of US $200 po.

Now, iyong mga repatriation, we assisted in organizing a repatriation flight back to the Philippines last Sunday. Majority po ng passengers were workers natin in the aviation sector, so these are people working for contractors of Singapore Airlines or Changi airport. And ang nangyari po kasi, they were placed on no pay leave in the meantime. They are still employees, pero in the meantime, they are on no pay leave so the employers repatriated them in the meantime and then as soon as mag-open up muli iyong work dito, they will be recalled.

So, that is what happened. There will be another flight I think within the week that will also take a majority of mga aviation workers din po. So we assist them, this is not paid for by embassy, dahil iyong mga employers dito they are required actually… for repatriation, the employers have to pay for the repatriation of the workers So, so far nasusunod naman po iyong mga patakaran dito.

There are reports of a few other Filipinos who have been displaced because of the COVID and we have received about 40 calls to the embassy, they have questions about how to go on or we’re asking for assistance. So our [unclear] section po is attending to them. Its good naman po that Singapore Airline—I mean, starting yesterday iyong Jet Star continue to fly to the Philippines. So kahit papano, there is still a few flights going to the Philippines. So, for those who want to go home may available flight na po.

SEC. ANDANAR: Okay, panghuling mensahe na lang po sa ating Filipino community diyan, Ambassador. Please go ahead.

AMBASSADOR YAP: Sa mga kababayan natin dito in Singapore, the embassy is working on reduced staff sa ngayon, dahil sa circuit breaker measures. So even the embassy is required to follow some of the restrictions sa circuit breaking measures including reducing the staff, iyong mga essential lang talaga. But we are still performing emergency work. So, kung you need something done for emergency purposes whether your passport needs to be extended, extended lang can be renewed. So, wala na kaming passport renewal in the meantime, but we are extending passport, so that you can apply for your renewal of your work permit. So, please call, make an appointment and come to the embassy.

And for any other assistance that you need please call the embassy, our hotline naman po is in the website and in the Facebook and we also have email contact. So, we continue to monitor and receive all the phone calls and we continue to assist, all assistance that’s required. Thank you. Stay safe and follow circuit breaker measure of the Singapore government. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po Joseph Del Mar Yap ng Embassy of the Republic of the Philippines diyan po sa may Singapore. Mabuhay po kayo.

Puntahan naman natin ang Spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology, Chief Inspector Xiaver Solda. Magandang tanghali po sa inyo, sir.

C/INSP. SOLDA: Yes, sir. Secretary Martin and Usec. Ignacio; sa lahat ng nakasubaybay, magandang hapon po.

SEC. ANDANAR: Mula po sa siyam na bilanggo diyan sa Quezon City Jail na nagpositibo sa COVID-19, mayroon na po bang nadagdag na confirmed case?

C/INSP. SOLDA: Well, naka-receive po kami ng information as it was announced by the Local Government of Cebu City; pero hindi pa po namin nire-receive iyong report diyan. As of today mayroon po kaming siyam and mono-monitor po natin iyong dalawa na ine-announce po ng Cebu City Mayor. And we are hoping na sana hindi na po ito madagdagan. Meantime, Secretary Martin, iyon naman pong siyam na nasa Quezon City Jail ay patuloy na bumubuti ang pakiramdam.

USEC. IGNACIO: So mayroon din pong—nagtayo kayo ng isolation na facility para po maiwasan iyong pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa BJMP. So far po, ilan na po itong isolation facility na mayroon kayo, ilan pong katao ang capacity nito kasi ang laki din po ng BJMP?

C/INSP. SOLDA: In addition po doon—so nauna na po natin na-isolate na 17, mayroon po tayong idinagdag na 24; so the total of 41 na po iyong nandiyan sa COVID isolation center sa Quezon City at iyan po iyong patuloy na binabantayan natin.

At magdadagdag pa po tayo ng isa sa Central Luzon, sa San Fernando, Pampanga at isa po sa probinsiya ng Quezon. Currently po iyong ating 40 na nandoon sa COVID isolation center sa Payatas area kasalukuyan naman pong mabuti iyong pakiramdam nila, 24/7 iyong mga doctors and nurses natin na nagbabantay po sa kanila.

SEC. ANDANAR: Other contingency plans para mapigilan ang pagkalat ng sakit sa mga bilangguan po o nandiyan sa bilangguan natin as well po sa inyong headquarters, please go ahead, sir?

C/INSP. SOLDA: Secretary Martin, actually noong nangyari iyong 9 cases natin talagang mas lalong naghigpit iyong BJMP sa pagpapatupad nung mga health protocols natin na anchored naman iyan a policy direction ng Department of Health. Continuous pa rin iyong health monitoring natin sa mga PDL and personnel natin and bukod doon sa na-establish natin na COVID isolation center, nag-expand din po tayo ng electronic dalaw natin na kung saan nakakapag-communicate pa rin sila sa kanilang mga kapamilya at nagdagdag na rin po tayo ng linya kasi naiintindihan din natin iyong concern ng mga pamilya at iyong worries nila and then tuluy-tuloy pa rin po iyong daily disinfection natin sa ating mga jail facilities para matulungan din iyong 24/7 round the clock na nagtatrabahong doctors and nurses para ma-monitor po iyong health condition ng ating mga jail facilities.

And regarding naman po sa mental health concerns, mayroon po tayong tele-psychology na kung saan naka-duty iyong mga psychiatrist and psychologist natin na nakikipag-usap sa ating mga PDL at sa ating mga personnel. And tuluy-tuloy pa rin po ang pag-i-implement natin ng mga precautionary measures kasama na rin po diyan iyong pagbili ng mga PPEs, disinfectants nd other medical devices na magagamit po ng BJMP and nakipag-coordinate na rin po tayo para sa ating targeted testing, iyong atin pong mga regional offices partikular dito po sa National Capital Region nakapag-procure na rin sila ng mga test kits at tuluy-tuloy pa rin po Sec. Martin iyong coordination with the Department of Health and iyong mga local epidemiology units natin para along the process naga-guide po ng mabuti ang BJMP.

SEC. ANDANAR: Ano po ang mensahe ninyo, sir, sa mga kaanak ng Persons Deprived of Liberty?

C/INSP. SOLDA: Para po sa mga kababayan po natin na nakasubaybay partikular sa mga pamilya ng mga PDL, huwag po kayong mag-alalala ginagawa po ng BJMP ang buong makakaya nito katulong iyong iba pang mga ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Department of Health, ang DILG po naka-suporta sa atin at pati na rin po iyong ating Local Government Units. Doon po sa mga facilities natin, 24/7 naman iyong mga doctors natin, inaasikaso nating mabuti iyong mga pasyente natin para po lalong bumuti iyong pakiramdam nila at ma-prevent iyong further spread ng COVID-19 infection.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Chief Inspector Xavier Solda ng BJMP. Mabuhay po kayo, sir.

C/INSP. SOLDA: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo. Ayon po sa Johns Hopkins University and Medicine, mayroon na pong 2,553,853 ang COVID cases sa buong mundo kung saan 679,793 na po ang nakarecover, habang 176,323 naman po ang nasawi. Nasa ika-40 puwesto naman ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Dumako naman tayo sa rehiyon ng Southeast Asia na tinatayang nasa 32,203 na po ang kabuuang kaso ng COVID-19; kung saan 1,210 ang namatay mula sa sakit at 8,244 ang naka-recover. Nasa ikatlong puwesto pa rin po ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia at nangunguna pa rin po ang Singapore na may 9,125 confirmed COVID-19 cases. Pangalawa po ang Indonesia na may 7,135 confirmed COVID-19 cases.

SEC. ANDANAR: At paulit-ulit po nating sinasabi na huwag pong matigas ang ulo, huwag na pong lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan at ugaliing magkaroon ng physical distancing sa mga kasama. Sa ganitong paraan makakatulong po tayo na masugpo ang COVID-19. Maraming salamat sa ating mga nakasama ngayong umaga, nakasama po natin ang Philippine Broadcasting Service, ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Bigyan din natin ng pagpupugay ang Pilipino Sign Language Access Team for COVID-19 para sa walang sawang pagsuporta sa ating programa. Mabuhay po kayo,

SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Ugaliin maging updated sa mga balita hinggil sa COVID-19 sa ating bansa, gayundin po sa hakbang ng ating pamahalaan upang masugpo ito. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Pinapalinaw po sa inyo ni Joel Gorospe, kinikilala pa rin po ba ng checkpoint and IATF ID? May ilang checkpoint areas po kasi na naninita kahit may IATF ID. Paki-clarify po ito.

SEC. ANDANAR: Yes, magandang tanong iyan, Rocky. Kinikilala pa rin po iyong ating IATF ID, iyan po ay puwede pang gamitin. Pero kung gusto po ninyong mas mapabilis ang biyahe, mas maganda po na kayo ay mag-apply ng rapid pass. Ito po ay available, ang application, doon po sa International Press Center sa pangunguna po ni Director Gigie Agtay. They can process iyong application for a rapid pass.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Secretary. Higit po sa lahat, huwag po tayong basta-basta maniniwala sa ilang mga nababasa online; maging maalam at maingat po tayo sa pagharap sa suliraning ito. Mula rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Laging tandaan, basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Hanggang bukas po muli dito lamang sa Public Briefing #Laging Handa PH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)