Press Briefing

Public Briefing #Laging Handa hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martn Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, Resource Persons: DILG Undersecretary Jonathan Malaya; Police Lieutenant General Guillermo Eleazar; GSIS President and General Manager Rolando Macasaet; DSWD Spokesperson Irene Dumlao; Pag-Ibig Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti; San Simon, Pampanga Mayor Abundio Punsalan

Event Public Briefing #Laging Handa
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang araw Luzon, Visayas at Mindanao – ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Bilang pagpapatupad sa ating mandato na maghatid ng mahalagang balita at impormasyon sa ating mga kababayan, binuo ng puwersa ng PCOO ang programang ito upang magsilbing plataporma para sa mahahalagang usapin tungkol sa patuloy nating paglaban sa banta ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ang programang ito ang magbibigay daan para mailahad ang mga mahahalagang katanungan ng mga kasama natin sa media at siyempre po ng mamamayan na agad naman pong sasagutin ng mga kawani ng pamahalaan.

SEC. ANDANAR: Samahan po ninyo kami sa isa na namang makabuluhang talakayan ngayong araw dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Upang sumagot sa mga tanong ng bayan ay maya-maya lamang po ay makakasama natin sina DILG Undersecretary Jonathan Malaya, si PNP Lt. Gen. Guillermo Eleazar – Commander of Task Force COVID-19 Shield, na ngayon po sila ay nasa studio. Makakausap din natin via phone patch sina GSIS General Manager Rolando Macasaet, San Simon, Pampanga Mayor Abundio Punsalan Jr. at DSWD Spokesperson Irene Dumlao. Makakapanayam din po natin maya-maya via VMIX si Pag-Ibig Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti at ang ating kababayan na si Benny Tabingo mula po sa California, USA.

SEC. ANDANAR: At mula po naman sa iba’t-ibang sangay ng PCOO, makakasama rin po natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat sina Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service, Clodet Loreto mula sa PTV-Davao.

USEC. IGNACIO: Narito naman Secretary, iyong update kaugnay sa bilang nang mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Base po sa tala ng DOH, as of 4:00 PM, March 27, 2020, umabot na po sa 803 ang bilang nang kumpirmadong nag-positibo sa COVID-19, 54 po ang mga namatay, habang 31 naman po ang bilang nang mga naka-recover.

Samantala sa datos naman po ng John Hopkins, sa buong mundo aabot naman o pumalo na po sa 586, 140 ang bilang ng VOCID-19 confirmed cases sa buong mundo. Aabot naman sa 26,819 ang bilang ng mga nasawi, habang nasa 14,858 naman po ang dami ng naka-recover sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Base pa rin po sa kanilang tala as of 4:00 AM, March 27, 2020 nasa 176 na ang dami ng mga apektadong bansa at rehiyon sa buong mundo, kung saan United States of America pa rin po ang nangunguna na may pinakamaraming naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na aabot sa 97,226 cases; sumunod po dito ang Italy na may 86,498 cases; pumangatlo naman ang China na mayroong 81,897 cases; nasa ika-apat na puwesto naman po ang Espanya na may naitalang 64,059 cases, sinundan ito ng Germany with 50,178 cases.

USEC. IGNACIO: Nasa ika-anim ang France with 33,402 cases; pampito naman ang Iran na may 32,332; pang-walo ang United Kingdom with 14,743 cases; ika-siyam na puwesto ang Switzerland na may 12,928 at pang-sampu naman nag South Korea na may 9,332 positive COVID-19 cases.

SEC. ANDANAR: Samantala, nasa ika-42 na puwesto ang Pilipinas, sinundan o ito ng Singapore na may 732 positive COVID-19 cases. Kaya naman mahigpit po naming panawagan sa lahat ang ibayong pag-iingat, panatilihin po natin ang kalinisan, palakasin natin ang ating resistensiya at ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay, social at physical distancing. Hangga’t maaari huwag na po tayong lumabas ng bahay. We stay at work for you, so please stay home for us – iyon nga ang sabi ng ating mga doctor at mga nurse.

USEC. IGNACIO: Bilang pagtugon sa mga katanungan ng ating mga kababayan. Nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 hotline. Sa pamamagitan ng linyang ito, maaari po kayong kumonsulta kung may nararamdaman po kayong sintomas ng COVID-9 o gusto ninyong humingi ng assistance kung sakaling may kakilala kayong na-expose sa confirmed cases or patients under investigation. Huwag po kayong mag-atubiling tumawag sa 02-89426483, para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers maaari po ninyong i-dial ang 1555. Bukas po ito para sa lahat.

SEC. ANDANAR: Sa gitna ng banta ng COVID-19, isa rin po sa matinding kalaban ang patuloy na pagkalat ng fake news. Marami pong maling impormasyon ang nagkalat lalo na sa internet. Tulad lamang nito: ‘Ayon sa isang mensaheng kumakalat, inaprubahan ‘di umano ng Pangulo ang pagbibigay ng SSS ng halagang P20,000 para sa lahat ng miyembro nito bilang ayuda sa gitna ng banta ng COVID-19. Kaya naman nais po nating linawin sa lahat na ito po ay isang fake news.

Mahigpit po naming ipinapaalala na iwasan po ang pagpapakalat o pag-share ng fake news, may karampatang parusa po para sa mga nagpapakalat ng fake news.

Samantala, upang hindi mabiktima ng maling impormasyon, ugaliin po nating mag-fact check at siguraduhin na credible ang inyong sources. Para manatiling updated kaugnay sa COVID-19, magpunta lang po sa aming official social media account, at ang aming social media account ay ang LagingHandaPH. I-like at i-follow po ninyo kami sa aming official Facebook, twitter at Instagram, kasama po ang YouTube, lahat po iyan under LagingHandaPH account at bumisita po sa aming website na www.covid-19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Samantala, nagpahayag naman si Senator Bong Go ng kaniyang pagbati sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagdiriwang po ng kaniyang ika-75 kaarawan – happy birthday po. Aniya, lagi lamang daw itong nasa bahay at hindi raw ugali ng Pangulo na mag-celebrate ng kaniyang birthday. Sa ngayon inabisuhan ang Pangulo ng kaniyang doctor at PSG na mag-self quarantine para po sa kaniyang kaligtasan. Sa kabila nito patuloy pa rin na nakatutok ang Pangulo sa pagbibigay ng mahahalagang direktiba sa mga opisyal ng gobyerno upang malampasan ng bansa ang kinakaharap nitong krisis.

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, makakapanayam natin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya na ngayon po ay nasa studio din. Magandang umaga po sa inyo Usec.

USEC. MALAYA: Magandang umaga sa iyo, Secretary at Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Makakasama rin natin si PNP Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander po ng Task Force COVID-19 Shield – magandang umaga po, sir.

PLT GENERAL ELEAZAR: Magandang umaga Sec. Martin, Usec Rocky and of course Usec. Malaya na ka-partner natin dito sa ating programa at pati na rin sa pagpapatupad ng ating mga guidelines.

SEC. ANDANAR: Ang unang tanong po natin ay para kay Usec. Malaya. Sir, baka puwede po ninyo kaming bigyan ng update sa nangyaring IATF meeting kahapon? Mayroon bang bagong atas sa DILG ang ating IATF?

USEC. MALAYA: Opo, mayroon po, Sec. Ang priority po ngayon ng DILG, maliban of course sa pagpapatupad ng mga checkpoints natin through the Philippine National Police, ay nakatutok po kami ngayon sa pagpapaabot ng tulong sa ating mga kababayan. Kaya kinakalampag po natin iyong ating mga Local Government Units na bilisan iyong pagpapadala nila ng food packs sa kanilang mga kababayan at mga constituents. At ang maganda naman pong balita, ang dami na pong nakatanggap. Apat o limang araw na pong namimigay ang ating LGUs.

Ngayon po ang magandang balita din Sec., kahapon ay napirmahan na iyong Joint Memorandum Circular on the social amelioration program ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, kasama na po diyan ang DSWD at DOLE. At lahat po ng mga ahensiyang ito ay nakatalaga na, na magbigay ng tulong sa ating mga kababayan alinsunod na rin po doon sa batas, iyong ‘Bayanihan To Heal As One Act’.

All right. Specifically for DILG, ano po iyong amelioration activity na gagawin po ninyo para sa ating mga kababayan?

USEC. MALAYA: Well, dito po malalaman iyong … kakausapin po natin ‘no, hihingiin po natin ang tulong ng mga barangay. Kasi po iyong listahan po ng mga beneficiaries ay manggagaling sa ating mga barangay captain. At ito pong listahan na ito, nakikiusap po kami sa mga barangay captain, sana po itong listahan na ito ay wala na po itong pulitika. Tapos na po ang eleksiyon, matagal pa ang susunod na eleksiyon. Sana po sa panahon ngayon, wala nang pulitika, wala na pong favoritism; serbisyo-publiko na lang po sana tayo.

So, ito po kasing listahan na ito na ihahanda ng ating mga barangay officials ay dadalhin sa munisipiyo at ipapadala natin sa DSWD. At ang DSWD po ang magpa-final check para mayroon tayong cross-checking or checks and balances, kung sino nga sa mga beneficiaries na nasa listahan ng barangay ang karapat-dapat na makatanggap ng tulong.

Ngunit, Sec., let me just emphasize also habang nandito nga ako sa inyong programa, na hindi lang naman po ang mga mahihirap ang matutulungan ng ating pamahalaan. Nandoon po nakalagay sa ating batas din ang tulong ng pamahalaan para sa mga ibang nasa formal sector or iyong mga may kaya sa buhay or mga middle class ‘no. Nakalagay po diyan, for example, iyong 30 days grace period sa inyong mga credit card na hindi muna kayo kukolektahan sa inyong utang sa credit card. Nandiyan din po iyong 30 days grace period sa mga renta sa bahay, ibig pong sabihin, hindi muna kayo pababayarin kaagad-agad ng inyong renta sa panahon na ito. Kahit po iyong mga bayarin sa Bureau of Internal Revenue, iyong mga bayarin po sa mga taxes, sa local taxes, lahat po iyan ay may reprieve para po makatulong sa lahat ng tao sa panahon po ngayon ng sakuna.

So makikinabang po ang lahat sa programa ng gobyerno, kayo man ay mayaman, middle class man or mahirap. Ngunit ang prayoridad po ng pamahalaan sa pamimigay ng food packs ay iyong mga mahihirap dahil nga po hindi naman po limitless ang pondo ng gobyerno kaya po sa pamimigay ng food packs, iyon po talagang poorest of the poor or mahihirap, iyon po ang ating prayoridad.

SEC. ANDANAR: All right, Usec. Jonathan, maganda at nabanggit mo na itong formal sector, ito po iyong mga regular employees ng private sector, ito po iyong above minimum wage; at mayroon din tayong tinatawag na informal sector. At kailangan nating ihiwalay din iyong social amelioration na binibigay ng DSWD, iba pa iyong 4Ps, iba pa rin po iyong food packs – tama po ba iyon, Usec. Jonathan?

USEC. MALAYA: Tama po, tama po. Kasi nga po, ang pinakamalaki pong porsiyento ng ating mga kabahayan o mga households natin o pamilya ay nandoon sa tinatawag nating informal sector. Iyan po iyong mga low income families, iyan po iyong mga arawan ang kanilang suweldo.

SEC. ANDANAR: Ito iyong mga tricycle driver, halimbawa?

USEC. MALAYA: Tama po, tama po. Iyan po iyong mga tricycle driver, iyan po iyong mga manikyurista na pumupunta sa bahay, iyong mga naglalaba sa mga bahay, iyong mga on demand, na kung hindi sila magtatrabaho, hindi po sila mabubuhay. So iyan po iyong tinatawag na informal.

At mayroon din po tayong formal. Iyan po iyong may employee-employer relationship, iyan po iyong mayroong SSS, mayroon pong paid leave at mayroon pong ibang benepisyo.

Hindi lang po iyong mahihirap iyong ating tutulungan, kahit po iyong mga nasa formal sector na may mga trabaho ay tutulungan din po natin. Kaya nga po inisa-isa ko nga po kanina iyong mga tulong na ibibigay sa kanila. Kahit po iyong bayarin sa real property tax, nakikiusap na rin po kami sa mga LGU na magbigay po ng malaking discount. Kahit din po sa business tax, bigyan po natin iyong mga negosyante natin ng discount kasi nga po iyong kanilang negosyo ay hindi naman tumakbo ng isang buwan. So karapat-dapat din po silang matulungan ng gobyerno.

So lahat po ng Pilipino, mayaman man o mahirap, ay tutulungan ng gobyerno sa panahon ng sakunang ito.

SEC. ANDANAR: All right. Jonathan, last point. Gusto ko talagang malinawan ang ating publiko: Iyong sa Bayanihan Act na 5,000 to 8,000 pesos na suweldo, package iyong galing sa gobyerno ay ibibigay sa 18 million Filipino workers – ito po ay informal workers?

USEC. MALAYA: Opo, ito po ay programa, Secretary, ng DSWD. Mamaya po, narinig ko na inyong kakapanayamin ang Spokesperson ng DSWD. Sila po ang magpapaliwanag kung anong uri po ng assistance – kung ito po ay food, non-food or cash assistance. Basta po nakalagay po sa batas na 18 million of the informal sector will receive assistance from the national government. At ang listahan po na panggagalingan nitong mga ibibigay na tulong na ito sa ating mga mahihirap na kababayan ay manggagaling sa barangay.

Kaya po, again, nakikiusap po kami sa barangay na sana po ay hindi na makarating sa DILG na kayo ay may favoritism, humihingi kayo ng voter’s ID, iyong mga ganoon po. Kasi po hindi po ngayon panahon ng pulitika – ngayon po ay panahon ng serbisyo publiko. Iyon po sana naman po ang panawagan ni Secretary Eduardo Año sa lahat ng ating mga barangay officials.

SEC. ANDANAR: Salamat, Usec.; Rocky?

USEC. IGANCIO: Opo. Pero may pahabol po na tanong si Nimfa Ravelo ng DZBB kay Usec. Malaya. May hotline po ba daw na matatawagan ang mga residente kapag daw po iyong mayors or barangay captains sa tingin nila ay hindi kumikilos o hindi sila nabibigyan ng dapat na tulong, saan po daw puwedeng isumbong? Sabi ninyo nga, huwag nang mamulitika, pero saan po puwedeng magsumbong ang mga residente kapag sa tingin nila ay hindi nagku-comply itong mga local executives na ito, leaders?

USEC. MALAYA: Opo, Usec. Mayroon pong binuo ang ating Secretary, si Secretary Eduardo Año, na tinatawag na Emergency Operation Center ng DILG. Ito po iyong mga numerong puwedeng tawagan ng ating mga kababayan kung mayroon po silang reklamo o puna sa kanilang mga local government officials, maging barangay official man or municipal city or provincial official. Ito po ang mga numero: 0927-422-6300/0961-772-1668. At mayroon din pong landline: 02-876345 local 8801. At mayroon din po kaming Facebook page: DILG FB page, at puwede rin po silang kumontak through that Facebook page.

USEC. IGNACIO: Okay, salamat po, Usec. Malaya. Para naman po sa PNP, kay General Eleazar. Alam po namin na talaga naman na talamak ngayon ang nagpu-post ng mga fake news patungkol pa rin po sa COVID-19. Ano pa ba ang ginagawang hakbang ng PNP para ma-identify – alam ko po mayroon na kayong apat na kakasuhan – pero hindi pa rin tumitigil ang pagkalat pa rin ng fake news? Mukhang hindi natatakot, General?

GENERAL ELEAZAR: Tama iyon, Usec. Rocky. At kung hindi sila natatakot ay talagang hahanapin natin sila. In fact, nagbuo nang task force ang ating PNP, sa utos ng ating Chief PNP na si Police General Archie Gamboa, in coordination with the ICT. At ito ang ating tinatawag na Task Force COVID Kontra Peke. May naaresto na nga tayo na apat pero patuloy na kinakalap natin. Gusto nating ipaalala dito sa mga kababayan natin na walang magawa, na instead makatulong, ngayon pa man din pagkakataong ito ay gumagawa ng kalokohan, mahahanap namin kayo.

Mayroon pong batas na magbibigay sa inyo ng kaparusahan specifically sa Revised Penal Code, itong Article 154, unlawful use of means of publication and unlawful utterances. But just the same, pinatindi po ito nitong ating nilabas na Bayanihan To Heal As One Act na kung saan kapag kayo ay nahuling nagpapakalat ng fake news ay puwede po kayong magbayad ng one million at arestuhin, makulong ng dalawang buwan. At maghahanap pa kami ng ibang offense para sa inyo, tandaan ninyo po iyan.

USEC. IGNACIO: May katanungan pa rin, ano ba raw po talaga ang oras ng curfew? May mga kumakalat din kasi sa social media tungkol sa mga iba’t-ibang paraan na pagpaparusa o mga lumalabag sa curfew gaya po ng pagbilad sa araw, pagkulong sa kulungan ng aso, paglalagay po sa kanila sa kabaong? Mayroon po bang mga ganito, na-validate ninyo po ba? May nangyari po ba talagang ganito?

PLT. GEN. ELEAZAR: Unang-una po, ang curfew natin ay depende po sa local na pamahalaan through their council para magpasa ng ordinansa. Dito po sa NCR nag usap-usap ang mga Mayor, at least ay sila po ay 8 in the evening until 5 in the morning. Pero kung gusto po nilang gawing 24 hours, puwede po iyon.

Gusto ko pong sabihin ang pagkakaiba ng curfew in essence para po doon sa mga authorized persons outside residents – tayo po iyon, mga frontliners – exempted po sila in general; pero iyon pong mga tinatawag nating mga unauthorized, itong mga dapat ay mga nasa loob ng bahay, wala po talagang epekto iyan, kasi 24 hours nasa bahay kayo.

Ang kaibahan nga lamang, pag lumabas kayo kung hindi curfew, you will be cautioned para pauwiin o hindi palampasin sa checkpoint, at pag nagmatigas, huhulihin for resistance and disobedience. Pero pag lumabas kayo – itong mga unauthorized ­- during curfew hours, automatic, hindi na kailangang i-caution, puwede na kayong arestuhin o i-accost, base dito sa ordinansa na ito.

Pero iyon nga pong sinasabi natin, tayo ay nanawagan, bakit kailangang mag-arestuhan pa. Gawin lang ninyo ang trabaho ninyo, you stay at home and become heroes.

Gusto ko pong idagdag, iyong sinasabi nilang mayroong ibang kaparusahan na isinasagawa iyong iba, basically eh namo-monitor po natin iyan pero patuloy na pinagsasabihan natin ang ating mga commanders in the ground, wala dapat na physical punishment na ibibigay sa kanila. Hindi dapat pinabibilad, hindi dapat pinapalo o anuman. Iyan ay aming iimbestigahan.

Sa rekomendasyon ng ating Secretary of DOJ na sinang-ayunan naman po ng ating SILG na si General Ano, nagbigay ng utos ang ating Chief PNP na lahat po ng mga curfew violations ngayon, hindi na po ikukulong, kukunin ang mga circumstances at ipa-file na lang namin, at-large ang mga iyan, para pagkatapos ng krisis na ito saka nila pananagutan iyon. At depende rin sa mga multa at penalties na nakasaad sa mga ordinansa ng bawat lungsod o munisipyo na naglabas ng ordinansa ng curfew.

SEC. ANDANAR: May tanong si Vice Governor Mark Leviste ng Batangas. Sabi niya: I am willing to provide free shuttle for Batangueños who are Batangas-based citizen who are stranded in Metro Manila and take back them home to Batangas. May I know if a government vehicle will be allowed to pass through the checkpoints, General?

PLT. GEN. ELEAZAR: Gusto nating ipaliwanag na – kasi for the past days, tayo po ay nasa 11 days, ika-12th day ng Enhanced Community Quarantine – iniisip noong iba na since wala silang trabaho, puwede silang umuwi sa kanila, hindi po iyon. Binigyan ng pagkakataon noong una dalawang araw iyong mga stranded pa-uwi bago ang quarantine, pero ngayon, hindi na po tayo puwedeng mag-travel. Otherwise, kung lahat ng mga kababayan – dahil lahat naman tayo ay apektado – ay pagbibigyan umuwi ng bahay, it will defeat the purpose, magkakalat tayo ng virus at iyon ang ayaw nating mangyari.

Pero po kung mayroong specific coordination ito pong ating LGU, at iyon nga ang ating DILG para i-process to pagbigyan, depende sa circumstances, ito po ay binibigyan ng pagkakataon ng DILG.

Ngayon, gusto ko po munang liwanagin nga, aside from itong mga traveler natin: naghigpit ngayon at naghihigpit ang ating mga pulis para hindi palampasin itong mga unauthorized persons na lumabas ng Metro Manila o kung saan pa para umuwi sa kanila. Mahihirapan po kayo, kung makalusot man kayo at makarating kayo papuntang Bicol, kasi po ang daming pagkakataon, naglalakad, nakikisakay sa mga cargo trucks na walang laman pagkatapos pagdating doon nahuhuli din naman, makaligtas ka sa tatlong checkpoint, bandang huli natse-check ka rin naman, napakahirap, huwag na po kayong umalis.

At akin ring sinasabi, inuulit ko sa aming mga kapulisan, sa ating quarantine control checkpoints ay dapat po bantayan, huwag ng paalisin pa dito pa lang sa kanilang pinanggalingan para hindi na magsakripisyo pag dumating doon sa mga lugar kung saan sila ay mai-stranded.

USEC. IGNACIO: Secretary, babalikan po namin si General Eleazar.

PLT. GEN. ELEAZAR: Puwede bang mayroon lang akong idagdag. Gusto ko pong idagdag na sa lahat po ng ating isinasagawang quarantine control points, talaga pong ang bilin natin para sa mga authorized persons, ang tawag nga namin diyan APOR (authorized persons outside residents), enough na po inyong ID ninyo; sa ngayon, only iyon pong sektor ng media na ang kailangan na kanilang document is the PCOO issued ID, for the rest of exempted establishment, ID lang is enough na as long as nandoon iyong ating makikitang supporting document.

Pero eventually, kung ang iba’t-ibang mga sektor or industry maglabas na ng kanilang issued na IATF ID, then iyon na po ang pagbabasehan namin, i-advise lang po kami. Dahil ang purpose namin nga sana is ma-limit to those skeletal force; but sa ngayon, iyon po ang aming hinihintay na maging guidance ng iba’t-ibang sector.

Ngayon po, nakita natin na mayroon tayong pinag-uusapan, mayroong binibigay na Barangay Quarantine Pass. Sinabi ng ang SILG iyan ay makakatulong sa mga specific communities pero sa atin po sa mga controlled checkpoint namin, balik pa rin kami doon sa ID ang ating required. Pero iyon pong mga Barangay Quarantine Pass natin these are applicable doon sa mga lugar kung saan nila ina-avail iyong basic or essential needs.

Ang ibig sabihin sa mga controlled checkpoints natin na usually ay mga borders ng iba’t-ibang lungsod o probinsya more likely than that, hindi po namin ia-allow kahit pa mayroong mga pass na ganiyan. Dahil ang kagustuhan natin, you avail… para po sa mga APOR, you avail of the essential services and needs na exempted sa area ninyo at huwag nang magpakalayo-layo pa, dahil ang purpose nga natin is doon lang kayo mag-stay sa inyong mga lugar to restrict or limit the movement.

USEC. MALAYA: Usec. Rocky, kung puwede ko lang sundan iyong sinabi ni General Eleazar. Kasi nga po ang dami pong nakakarating na reports sa amin tungkol sa mga barangay checkpoints. Kasi nga po itong mga barangay checkpoints ay itinalaga na ng kani-kanilang mga barangay para kontrolin din iyong movement ng tao. Ngayon ang paalala lang po ng DILG kasama na rin po of course ang team ni General Eleazar sa Philippine National Police at ang ating Chief PNP ay: hindi po puwede maglagay ng checkpoint ang barangay ng walang pahintulot ang kapulisan. Kasi po ang kapulisan po ang nakakaalam kung sino iyong mga approved persons outside of residents – iyong mga sinasabi nating exempted people from the travel ban.

Kaya po muli kami po ay nagpapaalala sa lahat ng ating barangay na bago po kayo maglagay ng checkpoint diyan magpaalam po kayo sa ating kapulisan at sa atin ring mga kapulisan kung mayroon pong naglagay ng mga barangay checkpoint na hindi ninyo otorisado, please tell them to remove those checkpoints, kasi nga po nakakadagdag lang sila sa kaguluhan sa baba. Ang ating mga barangay officials po should coordinate with the Philippine National Police with regards to these barangay checkpoints.

Kaya nga po tulungan ang PNP at DILG, kasi nga po tama po iyong sinabi ni General Eleazar, ang dami po ng ating mga kababayan ay nag-iisip na umuwi sa kanilang mga probinsya. Hindi na po allowed iyong pag-uwi sa probinsiya ngayon. Isipin po ninyo kung mayroon po kayong dalang sakit, dinadala po ninyo iyong sakit sa inyong pamilya. To protect your family, stay where you are at tapusin po natin itong lockdown na ito.

Kasi po, mahihirapan lang po kayo umuwi dahil nga po iyong mga checkpoints natin ay nagiging mas mahigpit dahil nga po sa ating mga kababayan na nagpupumilit umuwi. Huwag na po kayo umuwi at makadagdag pa sa problema ng mga local government units doon sa mga dinadaanan ninyong lugar.

PLT.GEN. ELEAZAR: Maidagdag ko lang sa sinabi ni Usec. Malaya, na iyong mga barangay tanods natin, talagang force multipliers natin iyan, kailangan natin sila. Ang ating pulis, hindi natin puwedeng bantayan lahat ng sulok. We can only—well, ito pong mga main thoroughfares para po sa ating control points, pero iyong mga kasuluk-sulukan na mga lugar, kailangan natin ang barangay para nga huwag nang maglabasan pa itong ating mga kababayan.

But all the operations of the barangay, whether they are patrolling or sabihin nating mga control points or checkpoint doon, supervised by the police. Not necessarily na may presence ng pulis, pero coordinated at iyan alam ng mga chiefs of police natin.

Ngayon gusto kong sabihin naman sa ating mga kababayan na doon po sa mga control points natin, even though kayo po ay APOR (Authorized Person Outside Residence), whether health workers or whether kayo po ay kasama sa mga exemption, eh hindi po kayo exempted para i-check doon. Tandaan ninyo palagi – basic pa rin na kayo ay tatanungin, hahanapin ang dokumento, which I’ve said puwedeng basic documents na ID, and then observing social distancing, as well as iyon pong ating health protocol na itse-check iyong temperature ninyo.

So iyong iba po kasi nagrereklamo na pinakita daw iyong ID, health worker na eh tsini-check pa rin. Itse-check po talaga kayo! So ang hinihingi po namin is inyong kooperasyon, patience! Maaring magtagal kayo sa chokepoints dahil trabaho namin iyon. Ayaw namin palusutin iyong mga unauthorized, kaya matse-check pa rin kayo. Pero after ng chokepoint, ghost town na po ang ating buong Luzon, mabilis na so mababawi iyong inyong paghihintay.

Trabaho po namin iyon, huwag po kayong mainis kung kami man ay nagtitiyaga at nagsasakripisyo dito, dapat mayroon din kayong sakripisyo na kaakibat sa ating ginagawa sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Okay, salamat General, mamaya po ay babalikan po namin kayo. Kung mayroon po kayong mga katanungan, maaari ninyo po itong ipadala sa aming social media account. Ngayon naman po ay makakausap din natin via phone patch si GSIS President and General Manager Rolando Macasaet.

Magandang araw po sa inyo. Dahil po sa banta ng COVID-19, mas mapapaaga po ang pagre-release ng GSIS pension. Kailan po ito maaaring asahan ng ating mga kababayan at ano po ang benepisyo at special loans na maaaring matanggap ng mga GSIS members?

GSIS PRES. & GM MACASAET: Hello, magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga ho sa mga nakikinig po sa inyo. Pasensiya na po, hindi ko po kayo masyadong naririnig…

Ma’am ganito po, ang GSIS po ay ginagawa namin po ang lahat para matugunan po ang mga pangangailangan ng mga miyembro po: Unang-una po, ang pensiyon po ng mga—all our pensioners ho, normally po binibigay namin iyan on the 8th of every month ‘no. So April 8 ho ang schedule, ang ginawa po namin sa GSIS, nagpapasalamat po ako sa mga executives at mga empleyado namin, though they are working from home po, naiayos nila po na their pensions will be given on April 1 at 9PM.

Pasensiya na ho kayo, 9 PM, definitely ho mawi-withdraw nila iyon after 9 PM on April 1; and better ho, the following day po, April 2 they can withdraw it ho from their ATMs. Alam ko po may curfew po, hanggang 8 o’clock lang ng gabi so I’m sure they’ll be able to withdraw it on April 2. So at least a week earlier po iyon!

USEC. IGNACIO: Opo. Saan daw po maaaring pumunta ang mga members at pensioners na nais pong mag-apply ng loan? Paano po iyong proseso nito, lalo na kailangan via online po?

GSIS PRES. & GM MACASAET: Okay. Number two po, ang GSIS po, mayroon po kaming tinatawag na Conso Loan. It’s called the Conso Loan – it’s similar to a salary loan. If you have been working for the government and has been a member of GSIS for about 20 months, makakautang po kayo up to 3 months of your salary. Kung miyembro po kayo ng GSIS nang mga 15 years, makakautang ho kayo up to 1 year of your salary. At kung miyembro din kayo ng GSIS nang mga 25 years na po, makakautang kayo up to 14 months of your salary.

Now again po, iyong mga executives po namin, mga staff namin lalo na po sa computer, sa operations namin, nagawan nila po ng paraan na ito po ay sa computer na lang, na puwede po silang pumunta sa aming website, gsis.gov.ph, nandoon po lahat ng instruction kung papaano ninyo gagawin na online na ho ang pag-apply. Hindi na ho kayo kailangang pumunta pa sa mga GSIS offices namin.

Number three po, lahat ng pensioners namin po, iyong mga nag-retire na at tumatanggap na po ng pensiyon, makaka-apply din po sila ng pension loan – the amount po range from 20,000 up to 100,000 pesos. Now they can also do this online na rin po, hindi po manual. They don’t have to physically go to our offices po at idedeposito na lang namin ang mga pera nila sa mga accounts nila sa bangko so they can withdraw it ho sa ATM.

USEC. IGNACIO: Okay. Pero hanggang kailan daw po iyong palugit na ibibigay ng GSIS para sa mga magbabayad ng kanilang housing loan, premium remittances at iba pa pong loan payments?

GSIS PRES. & GM MACASAET: Opo, number four po, iyong mga housing loan naman po, they have up to May 10 po. Depende po sa—ang lockdown kasi po is up to April 13. As far as I know, up to April 13. So they can pay ho up to May 10 po, unless the President extends the lockdown. So far ho up to today, ang deadline nila ho May 10. Binigyan ho namin sila nang mahigit na isang buwan na palugit po.

USEC. IGNACIO: Okay. Ano po ang mensahe ninyo at paalala na lang po sa ating mga GSIS members at sa ating mga manonood?

GSIS PRES. & GM MACASAET: Mayroon pa po ako sanang idadagdag ano. Mayroon po kaming programa na, na dalawang programa po ‘no. Number four po, ito po iyong programa na tinatawag naming GFAL. Ang GFAL ho is GSIS Financial Assistance Loan program po na ang isang miyembro ng GSIS po ay nakakautang up to P500,000 ano. Pina-suspend ko lang ho ito temporarily up to May 15. Ang dahilan ko po, marami po kasing—may contact po ito eh, they have to go to the office, they have to attend seminars, they have to be interviewed.

Kasi ho ito ho iyong mga miyembro ng GSIS na may utang sa iba-ibang lending institutions. Halimbawa ko po iyong mga teachers, alam ninyo sinu-surrender nila iyong mga ATM cards nila sa mga lending institutions. Ang ginawa ho namin, tugon po sa utos ni Pangulong Duterte, sa pagmamalasakit niya sa mga miyembro ng GSIS. Sabi niya sa amin ayusin ninyo iyang pangungutang nila kasi masyadong mataas ang interes. Ang binabayaran ng mga guro natin ay 30% a month iyong iba po, so masyadong mataas!

Ang ginawa po namin sa GSIS, may programa po kami, iyong GFAL nga po na they can borrow up to P500,000. So halimbawa po may utang sila po sa isang lending institution ng P200,000 babayaran po namin iyong P200,000 at iyong P300,000 po, sa kanila namin ibibigay. Ang interes lang po, 6% per annum lang po payable over 6 years. So halimbawa po ang binabayaran nila sa lending investor po is P21,000 a month, sa amin ho, P9,000 a month lang. So lumalaki po ang take home nila by P12,000 po, iyon po ang isang programa namin.

Pero temporary lang po pagka-suspend ko nito dahil lang nga ho sumusunod kami sa instructions of the government po na to stay home. Pero I will resume this ho again by May. Just for the information of the public po, so far we have released over 100 billion pesos na and benefitted ho, ang mga nagbenepisyo ho dito over 220,000 government workers and teachers po.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po, GSIS President and General Manager Rolando Macasaet.

GM MACASAET: Ma’am, puwede may isa pa akong dagdag?

USEC. ROCKY: Go ahead, sir.

GM MACASAET: Ganito ano, ang GSIS din po, iyong mga pensioners namin po most of them are required to send pictures or to physically go to GSIS to be able to prove that they are still okay. Pero ito rin ho, sinuspinde namin kaya po you don’t have to physically go to GSIS or send your pictures to GSIS; basta nakatanggap po kayo ng pension last month, kahit po kayo magpakita o magpadala ng litrato sa GSIS, tatanggapin ninyo pa rin po ang inyong pension, huwag po kayong mag-alala. Iyon lang po.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po Mr. Rolando Macasaet, pinuno ng GSIS.

GM MACASAET: Salamat din po at magandang umaga sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Alas onse kuwarenta y siyete ng umaga. At tayo po ay nagpapasalamat din sa mga partner KBP radio stations at mga non-KBP member stations Radyo Bandera, RMN-DZXL 558 Manila at buong RMN Network nationwide, Bombo Radyo Network nationwide, DZRH, Radyo Natin, DZMM, ANC, DZMM Teleradyo, DZBB, Sonshine Radio, UNTV, Radyo Agila, Radyo Pilipino, Brigada News FM at iba pa.

Ngayon ay makakapanayam naman po natin via VMix ang ating kababayan na si Monina Hernandez, President of Filipino Nurses Association sa New Zealand. Magandang araw po sa inyo, ma’am!

MS. HERNANDEZ: Magandang hapon po sa inyo diyan.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang kalagayan ninyo diyan sa New Zealand?

MS. HERNANDEZ: [choppy] mayroon po kaming [choppy] cases, dalawa po diyan nasa ICU at [choppy] ang naka-recover. In terms of Filipino nurses, karamihan po ng mga Filipino nurses na nagtatrabaho sa mga tinatawag nating [choppy] at sila po iyong tinatawag na essential workers.

SEC. ANDANAR: Alright. Ngayong may banta nga po ng COVID-19, gaano po kahirap ang pinagdadaanan ng ating mga Filipino nurses diyan po sa News Zealand?

MS. HERNANDEZ: [choppy] iyong hirap. I guess, ang kagandahan pong ng nangyari kasi dito sa New Zealand is naihanda po lahat ng mamamayan ng New Zealand doon sa tinatawag na alert level 4, na kung saan magkakaroon ng lockdown iyong bansa. So, ibig sabihin po, iyong mga kababayan natin bago sila nag-work from home o bago sila nanatili sa mga bahay nila because of the lockdown, nakapaghanda po sila in terms of iyong pagbili ng mga kakailanganin nila sa bahay at the same time iyong mga gamot na kakailanganin nila kung may sakit sila. And psychologically, naihanda rin sila ng Prime Minister namin para ma-ensure na naiintindihan ng mga tao dito kung ano iyong dahilan kung bakit sila kailangang manatili sa bahay.

So iyong mga Filipino nurses, ang mga naririnig ko po initially na mga issues would be—katulad noong nagkaroon kami ng pagsara ng airport for example, dahil actually hindi naman po literal na pagsara ng airport, it’s more on—as of… on the 19th of March hindi na po ina-allow iyong mga non-New Zealand citizens and also non-New Zealand residents na pumunta po dito. I think ang ilan pong kababayan natin na umuwi sa Pilipinas para dumalaw ng mga kamag-anak nila, naipit po sa Pilipinas because of that. So, that is one of the issues na kinaharap po noong ilang mga kababayan natin. So, nandiyan po sila ngayon, hindi sila makabalik dito lalo na iyong mga naka-work visa because of that policy.

But apart from that, sa ngayon po, dahil mahusay ang pag-implement ng pag-stay at home nga po, na tinatawag na ‘stay in your bubble’ sabi nga ng Prime Minister namin, hindi ho masyadong malaki ang issue in terms of iyong pagkakahawa and at the same time iyong lumalaking bilang ng mga pasyente sa mga hospital and in fact, everyday iyong Prime Minister po ibinabalita niya sa mamamayan ng New Zealand kung anong nangyayari at saka po kung ano iyong preparation na ginagawa.

So, halimbawa katulad kahapon because there were questions regarding iyong tinatawag po na PPE, kung sapat po ba iyong bilang ng PPE para sa mga frontline health workers natin. Iyong tinatawag po na PPE iyan po iyong Personal Protective Equipment. So kasama po diyan iyong gown para maprotektahan iyong kanilang mga uniform sa hospital or sa rest home, kasama diyan iyong gloves, kasama diyan iyong mask.

So, as of yesterday, iyong balita po ng aming Prime Minister, hindi po kami kukulangin sa stock in terms of PPE kaya medyo na-assure po iyong mga kababayan nating mga nurses at saka mga caregivers, mga HCAs na nandito ng proteksiyunan hinggil sa iyong nga po, iyong mahawa doon sa COVID kung sakaling mag-aalaga sila ng pasyente na mayroon noong COVID.

SEC. ANDANAR: Alright. Monina, baka mayroon kang gustong panawagan o mensahe para sa mga kaibigan mong nurse, doctor dito sa Pilipinas o maybe kamag-anak kang or kaibigan?

MS. HERNANDEZ: Siguro po iyong mga nurses natin na nakaharap ngayon doon sa mga COVID na mga patients at also iyong mga probable cases, iyon po… kailangan po natin silang proteksiyunan para ma-ensure na hindi po sila mahahawa kasi po kung ang mga nurses at ang mga doktor po natin eh mahawa doon sa COVID ng mga pasyente natin, sino pa ang mag-aalaga ng mga pasyente. Kailangan po na ma-ensure na ang mga nurses, mga doktor, lahat po ng healthcare workers, they have the proper PPE at the same time mayroon silang enough na supply ng pagkain siyempre to nourish themselves at the same time binibigyan din ho sila ng panahon para magpahinga in between doon sa kanilang trabaho para ma-ensure na sila po ay magiging malakas or healthy para makapasok ulit sila sa trabaho sa susunod na araw at maalagaan po nila iyong mga patients na may COVID or hindi lang mga pasyenteng may COVID, iyong mga pasyente na nasa ospital, nasa mga klinika sa bansa natin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, Monina Hernandez. Mag-ingat po kayo diyan. Mabuhay po kayo!

MS. HERNANDEZ:: Maraming salamat po! Mabuhay din kayo!

USEC. ROCKY: Samantala, hinikayat naman po ni Sen. Christopher Bong Go ang Department of Health na i-equip ang mga ospital at mga nakatalagang testing centers sa mga lugar sa labas ng Luzon para po makapagbigay ng agarang tulong sa kanilang mga rehiyon laban sa coronavirus disease.

Aniya, siniguro ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na pondo ang Pilipinas para mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino laban sa naturang virus. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng Bayanihan to Heal as One Act, ang DOH po… ang mabibigyan ng prayoridad ang Department of Health sa alokasyon ng budget at distribusyon ng mga goods, supplies at iba pang kagamitan para sa mga public health facilities sa iba’t-ibang panig ng bansa na may confirmed cases ng COVID-19 at sisikapin aniya ng gobyerno na magkaroon ng sapat na supplies at test kits na kakailanganin para maagapan ang pagkalat ng virus. Sisiguraduhin din ng pamahalaan na hindi lamang po ang Luzon ang handa kung hindi pati na rin ang buong bansa.

Sa bahagi pong ito puntahan naman natin ang ating kasamahan na si Clodet Loreto live mula po sa PTV Davao.

[NEWS REPORTING BY CLODET LORETO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Clodet Loreto ng PTV Davao. Ngayon naman po ay makakausap natin si PAGIBIG Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti – magandang araw po!

PAGIBIG CEO MOTI: Yes, magandang araw po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Ito po ang katanungan: Ang calamity loan program po ng PAGIBIG ay isa po sa maaaring takbuhan ng members ngayon pong nahaharap sa state of calamity ang bansa dahil sa COVID-19. Sinu-sino po ba iyong mga qualified dito at ano po ang mga requirements?

PAGIBIG CEO MOTI: Tama po kayo diyan, Usec. Rocky. So ang mga miyembro po natin na nakapag-contribute na po o nakapag-save ng 24 months ay puwede pong mag-avail ng ating Calamity Loan o kung hindi kaya po ay Multi-Purpose Loan. Ang ginawa po natin bilang tugon sa panawagan po na enhanced community quarantine, hindi na po tayo ngayon tumatanggap ng applications via drop boxes. Ang ginagawa na lang po natin ay ang submission po ngayon ay via emails po.

So, ‘paano po iyong proseso’, punta lang po tayo sa website ng PAGIBIG Fund, www.pagibigfund.gov.ph; kapag pumunta po tayo sa ‘Downloadable Forms’ makikita po natin doon iyong downloadable forms ng Calamity Loan at Multi-Purpose Loan. So kailangan lang po natin itong i-print, fill-up-an po tapos ipadala iyong kopya sa ating employer para naman po mapirmahan.

Puwede po nila ipadala iyan through email, print po noong employer, pirmahan at ipadala pabalik tapos i-email lang po ng ating miyembro o ng HR mismo iyong na-fill-up-an nila na form kasama po ang kopya ng kanilang 1 valid ID at kopya rin po ng kanilang Landbank cash card na na-issue po natin or puwede rin po ang DBP cash card, UCPB cash card at ang ating Loyalty Card Plus na nasa Union Bank and Asia United Bank – picture-an lang po nila iyong harap at likod nito para ma-email din po nila sa atin.

Ganoon pa man, nakatanggap po tayo ng mga panawagan sa ating mga kaibigan sa ECOP, Employers Confederation of the Philippines at PCCI tungkol po sa ibang mga employers natin na walang mga printers. So ang ginagawa po natin ngayon ay mayroon na po tayo sa website na fillable form. So hindi na po kailangan i-print at pirmahan, fill-up-an lang po ng miyembro, i-email po niya sa kanilang HR or sa kanilang Fund Coordinator para po iyong employer na po ang magpo-forward sa amin kasama po iyong mga IDs po na requirements natin at certification po na hinihingi natin sa mga employers na nagpapatunay na kanilang mga empleyado po iyong mga nag-a-apply na iyon. Pagdating po sa atin ay iyong ating skeletal workforce po ang nagpa-process po niyon.

USEC. IGNACIO: Mga hanggang kailan daw po maaring mag-file ng application for calamity loan at [choppy] members? Paano po iyong proseso?

PAGIBIG CEO MOTI: Yes, opo. Tungkol naman po sa validity, tayo pong nasa Luzon may 90-day period po para tayo ay makapag-file. Kung tayo po ay nangangailangan na po ngayon ay puwede na nating i-email iyan. So ang calamity program po natin ay bukas dito po sa Luzon island, iyong covered po ng original na enhanced community quarantine. So hanggang June 15 po iyong coverage niya.

Ngayon po, patuloy po nating mino-monitor iyong mga pangyayari po sa Visayas, Mindanao. Marami na po kaming naitala na mga LGUs na nagdeklara na rin po ng ECQs or iyong enhanced community quarantine. Kung kailan po dineclare ng LGU, iyon po iyong start ng validity for 90 days po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero iyong mga self-employed po, puwede po bang mag-apply ng calamity loan?

PAGIBIG CEO MOTI: Ganoon din po Usec. Rocky, iyong mga self-employed natin—[LINE CUT]

USEC. IGNACIO: Okay, babalikan po natin maya-maya lamang. Secretary Martin…

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po kay PAGIBIG Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti. Nagkaroon tayo ng technical problem, Rocky.

Para malaman ang update naman kaugnay sa pamamahagi ng food packs ng DSWD, makakausap natin sa puntong ito via phone patch si DSWD Spokesperson Irene Dumlao. Magandang tanghali po, ma’am!

DSWD SPOX DUMLAO: Magandang tanghali, Secretary Martin. Magandang tanghali din po, Usec. Rocky at sa lahat po ng ating tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang pagbibigay ng relief goods sa ating mga kababayan? Gaano na po karami ang nabigyan, nabahagian at buong NCR na po ba or buong Luzon na po ba ang nabigyan ng [choppy]?

DSWD SPOX DUMLAO: As of the report nga na natanggap po natin ngayong umaga Secretary Martin, ang DSWD ay nakapag-provide na po nang mahigit na 35 million worth of assistance sa iba’t ibang rehiyon dito sa ating bansa partikular na po sa 17 na local government units ng National Capital Region, ganoon din sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan sa Region I.

Sa mga provinces naman po ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Zambales sa Region III. Sa CALABARZON naman po, nakapagpahatid na tayo ng resource augmentation sa Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal. Sa Region V naman po, nakapagpahatid na rin tayo ng karagdagang tulong sa Albay, Camarines Norte and Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Sa Region VI naman po, nakapagpahatid na rin tayo likewise in Region VII partikular na po in Bohol and Cebu, Eastern Samar in Region VIII and in Basilan in Region IX. Sa Region XI naman po tayo nakapagpahatid na ng tulong sa Davao Del Sur and Davao Oriental. At sa Cordillera Administrative Region, ang DSWD Field Office ay nakapagpahatid na rin ng karagdagang tulong sa mga probinsiya ng Abra, Apayao, Benguet at Ifugao, likewise in Baguio City.

SEC. ANDANAR: Ma’am, ano po ba iyong frequency ng pagbibigay ng food packs – ito po ba ay one-time lamang or ito po ba ay lingguhan or monthly?

DSWD SPOX DUMLAO: Okay. Secretary, base po doon sa mga request na isinumite po ng mga local government units sa DSWD field offices, mayroon po tayong napapagkasunduan na implementation plan. So kung ito po iyong number of family food packs na hinihingi po nila, ini-schedule po natin iyong pag-distribute o pag haul ng mga family food packs sa kanilang mga respective distribution points.

Ito po ay dahil sa hindi po lahat ng mga local government units ay mayroong mga facilities or warehouse to accommodate such volume of family food packs. Kaya po ito ay pinag-uusapan natin kung papaano po natin ipaparating sa kanila. Ang family food packs naman po na binibigay ng DSWD ay maaari pong i-schedule natin na ibigay weekly or depende po doon sa pangangailangan ng mga local government units.

SEC. ANDANAR: Okay. And one food pack can last for … how many or how many meals can one food pack serve?

SPOKESPERSON DUMLAO: Ang isang family food pack na ibinabahagi po ng DSWD, ito ay may nilalaman po na six kilos na rice, may assorted canned goods, mayroon din po siyang coffee and energy drink. This is good for a family of five and sufficient for two days. But the local government units can submit a repeat order para naman po ma-sustain natin iyong pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: All right. My next question po ay tungkol naman sa social amelioration. Let’s try to talk about social amelioration in layman’s term, I mean, hindi naman ginagamit ang amelioration na word araw-araw sa lansangan. Ano po ba ang ibig sabihin nito? At ano ba ang kaakibat na benepisyo nitong social amelioration at sino iyong mga (GARBLED)

SPOKESPERSON DUMLAO: Okay, Secretary, ito pong ayuda na ibibigay po natin sa ating mga 18 million households na naapektuhan nga po ng enhanced community quarantine, ito po iyong tinatawag nating mga poor or belonging in the low income, in the informal sector. So sila po iyong nasa risk, not earning at all during the period ng community quarantine. As mentioned nga po by Usec. Malaya, ito po iyong mga sector kung saan ang mga workers specifically belong under the “no work, no pay” scheme, iyon pong walang mga pension, walang mga leave benefits, walang savings at sila po ay nagtatrabaho sa transport, sa retail trade, construction and in basic services.

Ang DSWD, kasama po ang ibang mga partner agencies – Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, the Department of Budget and Management and the Department of Finance, the Department of Interior Local Government – ay bumuo po ng isang guidelines, special guidelines para po mabuo itong dagdag na tulong para sa ating mga kababayan. For DSWD, mayroon na po tayong mga existing na programa kagaya po ng pagdi-distribute ng food and non-food items, ang implementation ng Assistance to Individuals in Crisis Situation and likewise iyong ating sustainable livelihood program.

On the part of DSWD, ito po iyong mga na-identify nating programs na pupuwede nating ipagpatuloy na i-implement at ito iyong ibabahagi rin nating tulong sa mga mapapabilang doon sa list ng poor. Para po mas maintindihan ng ating mga kababayan, base po doon sa Bayanihan to Heal as One na batas, nakasaad po doon na mayroong 5,000 to 8,000 na ayuda, at mayroon pong basehan sa pagbibigay ng five to eight thousand. Katuwang po natin ang Department of Finance, na-compute po natin iyong maximum subsidy per region base nga po doon sa [unclear] ng 2015.

So tiningnan natin iyong minimum wage level na close approximation po doon sa amount na kinakailangan po para sa isang household na makabili ng basic food, medicine at iba pa pong pangangailangan.

Ang DSWD po ay gagamitin niya iyong mga existing data base po nito kagaya ng sa list of 4Ps beneficiaries at iyong listahan din naman po ng unconditional cash transfer. But kagaya nga po ng nabanggit ni Usec. Malaya earlier, tayo po ay makikipag-coordinate doon sa mga local government units dahil sila po ang mag-i-identify ng kanilang mga target beneficiaries.

SEC. ANDANAR: All right, ma’am. Last na lang po. Gusto ko lang himayin kasi, gusto ko lang i-itemize para maintindihan ng mga kababayan natin na nanunood ngayon: Ang food packs ay iba pa ho ito sa doon sa Pantawid Pamilya Program, itong mga unconditional cash transfer – tama po ba?

SPOKESPERSON DUMLAO: Secretary, medyo hindi ko po nakuha iyong unang katanungan.

SEC. ANDANAR: Sige, ulitin ko po. Iyong foods packs ay iba pa ho ito doon sa PPPP o iyong Pantawid Pamilya, iyong unconditional cash, iba pa ho iyon?

SPOKESPERSON DUMLAO: Tama po, Secretary Martin. Iyon naman pong Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay hiwalay na program ng DSWD at mayroon po iyang regular na funds. However, tinitingnan din po natin na itong mga 4Ps beneficiaries, while naiintindihan po natin ano po that they belong to the poor sector and that they are most vulnerable to economic, physical and social shock at dapat nga po mas tulungan natin sila para po ma-cushion iyong effect nitong crisis na na i-experience po natin at hindi po lalong bumaba iyong kanilang level of wellbeing further beyond the survival level. Kung kaya po, iyong 5,000 to 8,000 tinitingnan po natin how we will provide them with food and non-food items while they are continuing to receive the cash grants monthly, and then top-up na lang po iyong social amelioration para po ma-reach iyong 5,000 to 8,000 subsidy.

SEC. ANDANAR: Okay. Ma’am, sorry po ha, gusto ko lang talagang himayin pa. Ako ay isang padjak worker, informal worker, isang tricycle driver, toda, or ako po ay isang vendor at tumatanggap ang pamilya ko ng PPPP. Am I still qualified to avail the food packs? And am I also qualified to receive the 5,000 to 8,000 na suweldo na manggagaling po sa DOLE?

SPOKESPERSON DUMLAO: Yes po, Secretary. The government will support the 4Ps beneficiary with a top-up para po ma-reach po nila iyong proposed 5,000 to 8,000 pesos. So magbibigay po tayo ng—well, depende po doon sa kanilang region ‘no para naman po, halimbawa lang, dito po sa National Capital Region, 8,000 po iyon maximum level natin. Kung ako po ay 4Ps beneficiary, I will be entitled to a top-up para ma-reach ko po iyong 8,000 level, likewise, mabibigyan na rin po ako ng food and non-food items.

SEC. ANDANAR: All right. Malinaw po, ma’am. Maraming salamat sa inyong panahon, DSWD Spokesperson Irene Dumlao. Mabuhay po kayo!

SPOKESPERSON DUMLAO: Maraming salamat po, Secretary, and magandang hapon.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa. Mula po sa Philippine Broadcasting Service, makakasama po natin si Dennis Principe.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Ngayon po ay makakausap naman natin via phone patch ang Mayor ng San Simon, Pampanga na si Mayor Abundio “Jun” Punsalan. Magandang tanghali po sa inyo, Mayor.

MAYOR PUNSALAN: Magandang hapon po sa inyong lahat diyan sa studio.

SEC. ANDANAR: Opo, ilan na po ba iyong kaso ng nag positibo ng COVID-19 sa inyong lugar, Mayor?

MAYOR PUNSALAN: Sa ngayon po wala pong positibo dito sa San Simon.

SEC. ANDANAR: Ano po ang preparasyon na ginagawa ninyo sakaling magpatuloy po iyong Enhanced Community Quarantine?

MAYOR PUNSALAN: Tuloy-tuloy po iyong pagdi-disinfect namin gabi-gabi sa mga barangay. Tuloy-tuloy po ang pagbabantay.

SEC. ANDANAR: Ano po ang sistema ng pag-disinfect ninyo, Mayor, sa inyong mga pasilidad?

MAYOR PUNSALAN: Hello, hello.

SEC. ANDANAR: Ano po ang sistema ng pagka-quarantine o pagdi-disinfect ng inyong mga pasilidad kasama rin ang hospital?

MAYOR PUNSALAN: Lahat po ng an, pati munisipyo po pina-disinfect na natin, iyong mga eskuwelahan, iyong mga public places, iyong mga palengke, pati po kalsada, iyong per barangay sa gabi nagdi-disinfect po kami.

SEC. ANDANAR: Mayroon po ba kayong paalala sa inyong mga nasasakupan, Mayor?

MAYOR PUNSALAN: Mayroon po, dapat po patuloy lang pong manatili sa mga kaniya-kaniyang bahay, para mabilis po nating malabanan itong COVID-19. Kung wala na pong masyadong lumalabas sa mga bahay, wala na pong maita-transmit na virus sa bawat isa.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po Sa inyong panahon, Mayor Abundio “Jun” Punsalan Jr. ng San Simon, Pampanga. Magandang tanghali sa inyo, sir.

MAYOR PUNSALAN: Marami pong salamat

SEC. ANDANAR: Samantala, para naman magbigay sa atin ng latest update narito po si PTV Correspondent Luisa Erispe mula sa Marikina City.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Para naman makibalita ang ating mga kababayan na nasa labas po ng bansa, may makakausap po tayo, makakapanayam natin via VMIX si Benny Tabingo, OFW mula sa California, Magandang araw po.

BENNY TABINGO: Magandang araw po, ako po si Benny dito po ako sa Sacramento, California nakatira ngayon at kasalukuyan po akong nagtatrabaho bilang isang nurse sa Intensive Care Unit at sa kasalukuyan po ay nag-aalaga po kami ng mga pasyente na positive po sa COVID. At sa ngayon po ang aming hospital na pinagtatrabahuan ay gumagawa ng mga paraan para maalagaan ang ating mga pasyente.

At sa ngayon po ang US na nga po ang number one sa may pinakamaraming bilang ng positibong COVID lalung-lalo nga po sa New York, sila po ngayon ang tinatamaan at ang sabi nga po nila dito ay ang New York po ang epicenter ng COVID dito sa Amerika. And right now, sabi rin nila ay nasa mata or we are at the eye of the storm right now with regards to COVID.

Pero sa mga frontliners na kagaya ko po, kami po ay parating nag-iingat at parati rin pong sinusundan ang mga tamang gawin para po sa tamang PPE, dahil sa ngayon po ay malaki talaga ang shortage namin dito sa US.

USEC IGNACIO: Kumusta naman po iyong iba pa ninyong kaibigan diyan or iba pa rin nating mga kababayan? Ikaw health worker ka at personal po ba ninyong ginagamot iyong ilang pasyente na apektado ng COVID-19?

BENNY TABINGO: Opo, ako po ay in-charge sa unit naming ICU. So tumutulong po ako na alagaan ang aming mga pasyente, tinitingnan din po namin ang aming kasamahan kung nasa tama po ang mga PPE nila. At sa kasalukuyan po kami po ay nakikipag-ugnayan sa upper management namin kung paano po namin gamitin ang tamang PPE namin, kasi nga po kami po ay nagkukulang at lahat po ng mga nurses namin dito ay tine-train naming kung paano po hindi maaksaya ang mga PPE. At sa kasalukuyan po sa mga kababayan namin dito, minsan po may pag-aalinlangan at nagkakaroon din po ng minsan ng panic buying kung tawagin po nila at makikita po ninyo siguro sa mga balita kung gaano kahaba ang mga pila sa mga stores po namin dito. So, ipanalangin na lang po ninyo ang ating mga kababayan dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay sumasaludo sa katulad ninyong healthworkers. Kayo po ba ay may gusto pang iparating sa mga kamag-anak mo dito sa Pilipinas, maging sa pamahalaan?

  1. TABINGO: Opo. Unang-una, nais ko lang pong batiin ang mahal na Pangulo, Presidente Duterte ng Happy Birthday. At sa mga kababayan po namin diyan, kumusta po kayo at lalong-lalo na po sa mga kababayan ko po sa Tayug, Pangasinan at sa lahat po ng mga kapwa ko healthcare workers o frontliners. Parati pong mag-ingat, huwag pong magmadali, be safe always. Kung may gagawin po tayong mga procedures sa ating mga pasyente ay kalma lang po tayo.

Gawin natin ang dapat na gawin para protektahan ang ating mga sarili at para hindi rin po tayo makahawa o mahawaan. At lalong-lalo na rin po sa mga kapareho kong nurse na nagtatrabaho – pag-uwi po natin, ingatan din po natin ang ating mga sarili, maghugas po ng kamay, magbihis po tayo ng ating mga uniporme na kung saan hindi pakalat-kalat sa bahay; diretso po sa labahan o sa washer para maprotektahan din po natin ang ating mga mahal sa buhay.

USEC. IGNACIO: Again Sir Benny, sumasaludo po kami sa inyo. Maraming salamat po sa inyong oras. Benny Tabingo mula po sa California, mag-ingat po kayo.

  1. TABINGO: Maraming salamat din po.

USEC. IGNACIO: Samantala babalikan po ulit natin si PAGIBIG Chief Executive Officer Acmad Moti.

PAGIBIG CEO MOTI: Yes, magandang hapon na po Usec. Rocky and maayong udto kang Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Maayong udto, sir.

USEC. IGNACIO: Sa ngayon po may moratorium po ba ang PAGIBIG pagdating sa pagbabayad ng loans at paano naman po ang magiging sistema ng pagbabayad para po sa mga maglo-loan pa lang?

PAGIBIG CEO MOTI: Opo. Usec. Rocky, Secretary Martin, matapos pong ideklara ng ating mahal na Pangulo iyong enhanced community quarantine, minabuti na po ng PAGIBIG Fund Board of Trustees ang pagdedeklara po ng moratorium sa lahat po ng loans.

Ang coverage po nito ay housing loan, multi-purpose loan and calamity loan at ito po ay tatakbo for 3 months – hanggang June 15 po, para naman po mabigyan natin ng tulong ang ating mga miyembro na mga nangangailangan po ng tulong-pinansiyal or para naman po maka-recover sila. So hindi lang po ito isang buwan or dalawang buwan, tatlong buwan po ang ating ibinigay sa ating mga miyembro.

Now, paano naman po sila makakapag-apply? Minabuti po ng PAGIBIG Fund na gumawa ng online moratorium application. Punta lang po sila sa website ng PAGIBIG Fund at kailangan lang po nilang i-key-in doon iyong housing loan account number kung housing loan po ang gusto nilang aplayan na moratorium or ang kanilang membership ID number para naman po sa multipurpose or calamity loan.

Iyong iba pong mga miyembro natin ay nagtatanong kung paano raw po nila malalaman kung aprubado na iyon. Konting hintay lang po, iyong confirmation po namin na natanggap po ng mga miyembro via text, iyon na po iyong pruweba na natanggap namin iyong application. Ipa-process na lang po iyon, kami po ay humihingi ng konting paunawa sa ating mga miyembro dahil po skeletal workforce lang po ang nakakapasok po sa ating mga opisina kaya po medyo hindi kasing-bilis na napa-process po iyon.

Pero ang coverage po noon ay mula po ulit sa declaration ng community quarantine, hanggang June 15 po iyon.

USEC. IGNACIO: Okay, huli na lamang po. Ano po iyong paalala ninyo para sa ating mga manonood at siyempre iyong sa mga PAGIBIG members po.

PAGIBIG CEO MOTI: Sa ating mga miyembro, ang PAGIBIG Fund po ay naririto upang magbigay tulong sa lahat ng ating mga kababayan na nangangailangan. Sa mga gusto pong mag-apply ng multi-purpose loan or calamity loan, i-email lang po nila iyong kanilang loan application at atin pong ipa-process ito within 7 days.

Para naman po sa mga gustong mag-avail ng moratorium sa lahat ng loans, punta lang po sila website at fill-up-an lang nila iyong form na iyon by entering the housing loan account number or iyong kanilang membership ID number at okay na po iyon.

Maraming salamat po muli Secretary Martin and Usec. Rocky sa oportunidad na ito. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, PAGIBIG CEO Acmad Rizaldy Moti.

SEC. ANDANAR: Samantala, muli po nating balikan iyong ating mga bisita sa studio – sina DILG Undersecretary Jonathan Malayan at PNP Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

May ia-announce daw po sina DILG Usec. Malaya at si PNP General Eleazar. Ano po iyon, General?

PLT GEN. ELEZAR: Well una po, ika-clarify ko lang itong tungkol sa mga riding-in-tandem or itong mga backride. Malinaw po ang sinabi ng ating SILG na hindi puwede po iyong may angkas sa ating motorsiklo. Una violation iyon doon sa physical distancing, dati social distancing, ngayon physical distancing. Kaya nga po dapat ang ating mga pulis ay talagang pagbawalan iyan kasi kung iyan ay palalampasin, gagayahin ng iba. So we can just imagine na ia-allow po natin itong paghatid. Kaya nga po iyong sinasabi natin klaro, wala pong dapat na nakaangkas. At kung ikaw ay nagmo-motor, nag-iisa ka, dapat you belong also doon sa tinatawag nating APOR or Authorized Person Outside of Residence, iyong exempted ka.

Ngayon pagdating naman po doon sa kotse, kasi iyon ang katanungan. Sa kotse, dapat i-observe pa rin iyong physical distancing. So kung sa kotse siya, puwede kang apat na nandoon dahil sulok-sulok, nandoon kayo sa mga corner. Pero dapat kayo po ay APOR din or authorized ka rin na nasa labas. Ibig sabihin, kasama rin kayo doon sa mga exemption.

So sa atin po, kapag tayo po ay gagawa ng anumang mga bagay, dapat mayroon tayong self-checking. Itanong muna natin sa ating sarili iyong mga katanungan na: Itong gagawin ko ba ay ligtas ba ito; pangalawa, makakatulong ba ako; pangatlo, ito ba ay alinsunod sa alituntunin na pinatutupad ng ating gobyerno? Kung sa mga katanungan pong ito, mayroong isa na ang sagot ‘hindi’ eh dapat lamang po na mag-isip tayo at tumigil. Isipin natin ang kapakanan ng iba at ng ating bayan.

Tandaan po lagi natin na virus doesn’t move. We move it. When we stop, virus stop – it stops! It is as simple as that. So iyon po iyong ating dapat na tatandaan. And Usec. Malaya, mayroon pong katanungan tungkol doon sa—Secretary Martin, iyon pong tungkol doon sa mga PCOO issued ID dahil mayroon silang parang clarification on this.

USEC. MALAYA: Oo tamang-tama, kasama natin si Secretary Martin. Kasi nga po, mayroon po tayo sir na mga media sa probinsiya na hindi pa po nila natatanggap iyong kanilang IATF ID issued by the PCOO, sa probinsiya po ito Sec. So papaano po sila ngayon sir, papaano po ang guidance ninyo sa ating kapulisan para sa ating mga media workers sa probinsiya?

SEC. ANDANAR: Okay. Magandang tanong iyan Usec., kasi noong unang dalawang linggo, we prioritized iyong pagbibigay ng mga IDs dito muna sa National Capital Region and then afterwards ang bilin sa atin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na as the days go by at habang nagmi-meeting sa IATF, halos araw-araw naman iyan ay puwedeng pag-usapan.

So we will need to get a clearer guideline from the IATF kung puwede bang i-extend itong pagbibigay ng mga IDs para ma-accommodate natin iyong buong Luzon.

Because obviously, iyong deadline na binigay sa atin is not enough even for issuing the IDs within Metro Manila lamang – natapos tayo noong Huwebes at marami pa ring humihingi. So we will have to seek the wisdom of the IATF by Monday.

USEC. MALAYA: Secretary, siguro habang wala pa iyong ID sa ating mga miyembro ng media sa ating probinsya, puwede sigurong tanggapin na muna ng ating kapulisan iyong company ID nila para lang makapagpatuloy sila ng kanilang trabaho para makapag-report sa ating mga kababayan kung ano na ang nangyayari doon sa kanilang lugar. Puwede po kaya iyon, Sec?

SEC. ANDANAR: That would be a very good suggestion Usec. You know at the end of the day ang DILG at ang Philippine National Police ang magpapatupad ng polisiyang iyan at kung okay sa DILG, I see no reason why na hindi natin pagbigyan.

PLT GEN. ELEAZAR: Secretary, siguro ang pinaka-practical way para ma-resolve natin ito is… dahil nakikinig naman ang ating kapulisan at pati na rin iyong ibang mga sektor ng ating lipunan pati rin members ng media.

Iyon po kasi sa atin, ang ating guidance sa ating mga pulis is that, ito lang po kasi, itong sektor ng media ang mayroon lang tayong binigay na deadline until noong isang araw na ID ang kanilang mga basis at dapat mayroong PCOO issued ID. Pero because of this, puwede nating i-disseminate na sa ating mga pulis na sa Metro Manila lang ito, outside of Metro Manila i-consider pa rin natin itong mga ID ng ating mga kasamahan sa media. Anyway lahat naman po aside from that ay talagang basic ID lang ang requirement natin.

SEC. ANDANAR: That is a very good suggestion General. In fact, that was the suggestion that I wanted to put forward sa DILG, kay Sec. Ano at kay General Archie na pagbigyan muna iyong ating mga kasamahan sa media sa probinsya, in the Island of Luzon, until such time na mapag-usapan natin sa IATF kung ano iyong final policy natin para sa mga kasamahan natin doon: Do we extend the deadline for the IDs o kailangan pa ba nating mag-isyu ng mga IDs para sa mga media sa Luzon? I mean, these are the things that we should talk about with the IATF at kailangan din ng approval ng ating Chairman at ng buong body ng IATF.

PLT GEN. ELEAZAR: Tama po iyon. Anyway, nag-usap naman po kami ng ating DILG Undersecretary here and madali naman po ang dissemination na ginagawa natin dahil mayroon tayong constant coordination with our police personnel.

Gusto ko ring banggitin din Sec. Martin na talagang ang ating mga police ang nakaharap dito sa sitwasyon na ito sa iba’t-ibang… the thousands of the quarantine control points that we are maintaining at base nga po doon sa inspection na aking ginawa noong nakaraang araw, ako po ay nag ulat sa ating Chief PNP.

At nabanggit niya na iyong proteksiyon ng ating kapulisan ay dapat bigyan natin ng talagang pangunahing pansin at nagbigay siya ng direktiba sa ating Director for Logistics na—naka-procure kasi kami ng almost a thousand itong face shield na napakaganda na hindi lamang napuproteksiyunan iyong aming mata, kung hindi double protection sa aming bibig at magsusuot na lamang kami, magpo-produce din ng parang hairnet na isinusuot ng mga doctor para proteksiyon ng tainga at iyon namang scarf namin, mayroon kami noon or makapag-improvise, tapos naka-long sleeves naman.

Laging tatandaan ng ating mga pulis ang bilin ng Chief PNP na dapat ay proteksiyunan natin ang ating sarili para sa ating pamilya at para na rin sa organisasyon. Remember, tayo kasama ang kasundaluhan, kasama ang mga health workers, tayo ang nakaharap sa problema at lahat bandang huli, tayo ang matitira diyan.

Sa ngayon, sa atin gusto ko lang ipaalam, mayroon pong bio-safety plan ang ating PNP sa lahat ng mga facilities natin, dahil ayaw nga namin na magkakaproblema o ma-infect ang ating mga pulis. Even though, talagang posibleng mangyari iyon, pero we have identified facilities inside the Crame and other places kung saan sila ika-quarantine.

Kung nakikita ninyo po ang operation ng pulis, ako nga po bilang Deputy Chief for Operations ay nakatutok dito, eh iyong aming Deputy Chief PNP for Administration na si Police Lt. General Cascolan ay talaga pong pinupukpok lahat noong aming admin generals para po siguraduhin na patuloy at masu-sustain ang suporta ng PNP sa operations natin, para mas maging epektibo po kami, tuloy-tuloy sa ating pinagdadaanan ngayong krisis at sitwasyon.

USEC. MALAYA: Sec, habang nandito na rin po ako susundan ko na iyong sinabi ni General Eleazar na since sinabi po kanina ng DSWD na malapit na silang mag-distribute ng tulong sa 18 million household sa buong bansa at kasama diyan of course ang mga LGU, kasama rin po ang ating kapulisan.

So, tama rin po ang sinabi ni General Eleazar na kailangan proteksiyunan ninyo ang ating mga sarili, ang ating mga kapulisan, dahil nga po kung kayo po ay magkakasakit, sino po ang tutulong sa DSWD at sa barangay para i-distribute itong mga pagkain na ito. Maliwanag po doon sa Joint Memorandum Circular na pinirmahan ng ating Secretary Eduardo Ano kasama ng iba’t-ibang mga Secretary na the PNP has an important role to play here.

And I would also like to take this opportunity to inform the public especially iyong mga local government officials po na nakikinig ngayon sa ating programa na pinirmahan na po ni Secretary Ano at ni Secretary Wendel Avisado iyong Joint Memorandum Circular Number one, which is about expanding the utilization of the 20% of the annual internal revenue allotment for development projects. Marami po kasing mga Mayor ang medyo kinakabahan na ngayon, kasi daw baka maubos na iyong kanilang Quick Response Fund.

So, sabi nila sa amin sa DILG, ‘mahihirapan na kami, paano ito baka kapusin kami ng pondo.’ So, in addition po sa tulong na ibigay ng national government sa inyo, mga LGUs, puwede na rin po ninyong gamitin ang inyong development fund, kasi po allowed na po dito sa pinirmahan ni Secretary Ano at ni Secretary Wendel Avisado na Joint Memorandum Circular.

So, iyon pong 20% development fund expanded na po iyong gamit noon, puwede po ninyong gamitin pambili ng PPE, pambili ng mga bagay for COVID testing, pambili ng medisina at bitamina, mga hospital equipment, kasama na rin po iyong food assistance para sa mga apektadong mga pamilya or mga informal sector o kaya naman iyong mga mahihirap na pamilya sa inyong lugar. Ito pong joint memorandum circular na ito ay ipo-post namin sa aming DILG Facebook page at ibang mga social media accounts para po makuha ninyo agad ito pong mga impormasyon na ito at para makapagpasa kayo ng ordinansa para baguhin… para po magkaroon kayo ng supplemental budget and realigning the budget of your locality para po magamit ninyo ang inyong development fund.

Iyon nga lang po, hindi po puwedeng gamitin itong 20% development fund para bumili ng mga furniture, fixtures, equipment, motor vehicles, mayroon din pong mga limitation. Pero kung gagamitin po ninyo ang inyong 20% development fund para pambili ng food assistance para sa inyong constituents, puwedeng-puwede na po dito po sa bagong joint circular na pinirmahan ni Secretary Eduardo Ano.

PLT. GEN. ELEAZAR: Sec. Martin, gusto ko pong idagdag ng ulat lamang, kasi mino-monitor namin every day. For the past 11 days po na ipinapatupad iyong ating Enhanced Community Quarantine, mino-monitor po natin iyong krimen na nangyari. And if you are going to compare ito pong crime incidents natin, itong index crime na barometer ng peace and order for the past 11 days ikumpara natin doon sa 11 days before this period, bumaba po ang index crime natin sa NCR ng 59%; sa buong Luzon naman 59%; at sa buong Pilipinas bumaba siya ng 51%. So napakalaki, mahigit kalahati ang binaba niya at sana po ay ma-sustain natin ito, ma-prevent natin siya.

Kaya nga po nananawagan tayo sa lahat na even though kami po ay nakahanda sa lahat ng pagkakataon, mayroon kaming mga contingency plan pero i-prevent natin iyong problema. So dapat tuloy-tuloy itong mga sinasabi nating mga essential needs and services and goods ng ating mga kababayan at alam ng ating mga pulis, ulitin ko: iyon pong unimpeded at unhampered flow of cargoes, anywhere in the Philippines ay dapat pong tuloy-tuloy. Tandaan po natin, of course subject sa mga protocols na physical distancing as well as itong ating sinasabing health protocol.

Kami po ay nanawagan, kami po ay ina-appreciate iyong concern ng ating mga LGUs na sa inyong hangarin na bigyan ng proteksiyon ang inyong mga nasasakupan, pero minsan po ay nababale-wala o minsan ito ay kontradiksyon din sa iyong policy na inilalabas doon sa ating Inter-Agency Task Force guidelines. Tandaan po natin, dapat po tayo hindi watak-watak; sinasabi nga united we stand, divided we fall. Kung mayroong ilan-ilang LGU na magsasarili eh hindi po uubra at ang maapektuhan ay ang buong Pilipinas.

Magtiwala po tayo sa pamunuan, sa national government, sa ating Pangulo, nandiyan rin po ang ating Inter-Agency Task Force na kung mag-meeting talagang – minsan naka-attend po ako to represent the Chief PNP, anim na oras, walong oras – binabalanse lahat. Lahat ito ay ginagawa po para sa kabutihan ng lahat. Alam ko pong concern kayo sa bawat isa pero kailangan natin na magtulungan at iyon po ang kailangan natin sa mga pagkakataong ito.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat, General Eleazar at maraming salamat din sa ating Undersecretary ng DILG, Usec. Jonathan Malaya.

USEC. IGNACIO: Marami na naman pong mga katanungan ang ating nabigyang kasagutan. Muli, maraming salamat po sa mga nakapanayam po natin ngayong araw – kina DILG Undersecretary Jonathan Malaya, PNP/Lt. General Guillermo Eleazar – commander ng Task Force covid-19 Shield, GSIS General Manager Rolando Macasaet, Mayor Abundio Punsalan Jr., PAGIBIG Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti at DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

SEC. ANDANAR: Pilipinas, dito po nagtatapos ang ating Public Briefing ngayong araw para sa ating mga kababayan dito sa Pilipinas at sa buong mundo. Asahan po ninyo na patuloy kaming maghahatid ng mahahalagang impormasyon sa ating patuloy na paglaban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng People’s Television Network (PTV), kasama po ang Philippine Broadcasting Service, Radyo Pilipinas Network, Philippine Information Agency, Philippine News Agency, Office of Global Media Affairs, Bureau of Communication Services, National Printing Office at ang APO Production Unit at IBC 13 sa pakikipagtulungan po ng Department of Health kaisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

SEC. ANDANAR: Sa kabila po ng mga hamon at pagsubok na dumarating sa ating bansa, malinaw na kung tayo ay magkakaisa, malalampasan natin ang lahat ng ito bilang isang bansa. Basta’t laging handa at sama-sama kaya natin ito!

Bago po tayong tuluyang magpalaam, nais po nating batiin ng isang maligayang kaarawan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong araw na ito. Ang buong PCOO kasama ang buong attached agencies ay dumadalangin para sa inyong malakas at malusog na pangangatawan.

Samantala, idineklara na ng Malacañang na gawing national week of prayer ang ika-apat na Linggo ng Marso sa ilalim ng Proclamation No. 934, kaya naman po sa puntong ito sama-sama po tayong manalangin para sa ating bansa.

[PRAYERS]

SEC. ANDANAR: Muli, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Narito po ang special MTV tribute na inihanda ng PTV para sa ating mga frontliners. Music arranged by Homer Flores, sung by Martin Nievera. Ito po ang Buhay Mo, Buhay Ko.

[MTV TRIBUTE]

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)