Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque

Event Press Briefing
Location Laog, Ilocos Norte

MODERATOR:  So before we proceed to the question proper, may we hear first the opening statement of our panelists. May we start with Governor Imee Marcos.

GOV. IMEE MARCOS:  Bago ho ang lahat, maraming salamat sa suporta ni Apo Presidente by sending our good Secretary Harry Roque here to Ilocos Norte for our 200th Anniversary, our Bicentennial. At kahapon din, sama-sama rin kami sa Ilocos Sur kaya napakahaba ng ating selebrasyon kahapon. At ito nga, iyong pagdiriwang ng isang Ilocandia na kahit i-biyak-biyak ay talagang iisang pamilya ngayon at kailanman. Maraming, maraming salamat po sa suporta ninyo.

SEC. ROQUE:  Well, welcome to the first ever Palace Briefing here in Ilocos Norte. I would like to begin by greeting Ilocos a Happy Bicentennial, and of course, congratulations on the very successful Tan-ok Festival, it really appears to be one of the best festivals that we have in the Philippines.

Let me begin by delivering the good news, of course because we are in Ilocos Norte — Congratulations to Ilocos Norte as the province is now a cruise line destination of Star Cruises. Curimao, Ilocos Norte is one of the homeport of Star Cruises, a giant international cruise ship operating in Asia-Pacific. The Super Virgo, one if its luxury liners can accommodate up to 2,800 passengers and 1,100 crew members. We’re confident that we can surpass last year’s 99,147 foreign travelers in Region I, according to the Accommodation Establishment Data of the Department of Tourism. Secretary Wanda Teo confirmed, the national government will assist in the building of a world-class port facility in Curimao. [applause]

More good news here in Ilocos Norte: The Mariano Marcos State University partnered with the group of Japanese experts specializing in black garlic, to setup experimental garlic farms in various parts of the province. Ilocos as you well know is the leading producer of garlic in the country with an annual production of 6,000 metric tons which covers 1,876 hectares. We hope to encourage local farmers to expand their production as the province aims to deliver at least 20% or 26,000 metric tons of national market demand.

National good news: We are pleased to announce the latest Social Weather Station survey show a record low of 6.1% victims of common crime, which is a record low. Last year, there was 6.8% registered. So annual average for property crimes was likewise at record low at 5.6%, the lowest in 28 years!

These survey findings which reflects the sentiments of the public is a clear validation of the success of the Duterte administration’s anti-crime and anti-drug campaigns where residents of Metro Manila feels safer in the streets because of fewer addicts in the neighborhoods.

This survey is a big boost to the morale of our policemen. While we are encouraged by these figures, these record low figures, we assure our people that authorities continue to work double time to ensure the safety of the public in all parts of the country. We vow to continue our efforts to maintain a crime-free community, and we extend our thanks to the community for their unrelenting support.

Now, there’s also good news from the DICT: The Tech4ED Project. The Technology for Education Employment, Entrepreneurs and Economic Development Project of the Department of Information and Communications Technology established 1,258 new e-centers in 2018 – a 163% increase from the total number of 774 centers in 2016.

The Tech4ED center acts as a delivery channel for critical e-government and ICT-enabled services in communities with minimal or no access to information and government services. To date, there are 2,121 Tech4ED e-centers established in schools, public libraries, Local Government Units, Non-Governmental Organizations and national government agencies operating nationwide to bring government and Information and Communication and Technology services to the public.

And finally, good news to the 830,000 parents whose children were given the Dengvaxia vaccine: The UP-PGH tasked by the DOH to conduct an independent study on deaths, alleged deaths of children due to Dengvaxia reported that, out of 14 children examined who allegedly died because of Dengvaxia, only 13 of them—well, 13 of them were found to be unrelated to the vaccine. I repeat, out of 14 remains examined by UP-PGH, 13 of them were found to be totally unrelated to the vaccine. This means that only one case might be casually or causally associated with the vaccine.

Now that is, that the one with dengue and with anti-bodies to dengue. Although it has yet to be determined if the vaccine had anything to do with the death, now in 2 of the children autopsied, it was noted that vaccine failures may have been the cause. This means that anti-bodies were produced so they could not have suffered from an anti-body enhanced reaction.

Uulitin ko po! Sang-ayon po sa pag-aaral ng UP-PGH… although kami po ni Governor bias dahil pareho kaming taga-UP at naging propesor pa po ako diyan, ang kanilang finding po doon sa katorse na mga labi ng mga namatay na kabataan, 13 po doon, walang kinalaman iyong Dengvaxia. Mayroon pong isa na sa tingin nila ay kahit papaano ay related doon sa Dengvaxia.

Pero iyong sa dalawa naman po na pina-examine nila ay mukhang nagkaroon po ng dengue. Ibig sabihin, hindi gumana iyong Dengvaxia. Pero ‘yan po ay mabuting balita doon sa 830,000 na mga nanay/tatay na naa-abala at natatakot na baka may banta sa buhay ng kanilang mga anak.

Kung maalala ninyo po, ang DOH po ang nagtalaga at humingi sa UP-PGH na sila na mag-aral para magkaroon ng objective na pag-aaral kung ano talaga ang naging epekto ng Dengvaxia. So itong unang report po nila,

SEC. ROQUE: So itong unang report po nila mukha namang makakahinga na tayo ng mas mabuti mga nanay/tatay dahil mukhang hindi po related sa Dengavaxia iyong katorse na naulat na namatay diumano dahil diyan sa bakunang iyan.

Sige po, alam ko marami kayong mga tanong dahil kahapon iyong mga tanong ng Malacañang Press Corps, ang sabi ko bukas na ako sasagot. Pero ang ginagawa po namin, iyong questions muna ng local media, bago namin iparating iyong questions ng Malacañang Press Corps.

CHERRY GARMA/PHILIPPINE INFORMATION AGENCY: Thank you very much, Secretary Roque and Governor Marcos. By the way I’m Cherry Garma of the Philippine Information Agency, your moderator for today. As mentioned by Secretary the flow of the press briefing will be alternate questions. We will be entertaining your questions and also we have set of questions from the Malacañang Press Corps. But we will give the floor first to the local media who are here with us today. So the table now is open for questions. We have this wireless microphone. Please assist na lang, Rads for our media.

Q: Good morning sir and governor. Na-witness ninyo kagabi iyong Tan-ok festival dito sa Ilocos Norte. How can you assess this festival, sir?

SEC. ROQUE: Naku talaga nga namang ito ang epekto kapag si Governor Imee Marcos ang gobernador. Talaga namang mala-Broadway ang inyong festival! Ang tanong ko lang diyan ay iyong mga nanalo ay lugi pa rin sa mahal ng kanilang production. But I have to say, that is one of the best festivals I have ever witnessed. Bordering on probably the best!

GOVERNOR IMEE MARCOS: Naku ha, maraming-maraming salamat ha. Pero sabi nga kuripot ang Ilokano pero hindi ko maintindihan diyan sa Tan-ok na iyan. Inaawat namin lahat ng LGU pero Ilocano style, kahit hindi daw manalo huwag lang maging kulelat. Kaya ito nga bonggang-bongga.

SEC. ROQUE: So baka sa susunod na taon hindi na Ilokano ang prize. [laughs].

Q: Good morning, Secretary, good morning, Ma’am.

SEC. ROQUE: Good morning.

Q: Nabanggit ninyo po kanina na fully supportive po kayo sa mga tourism projects po dito sa Ilocos Norte like seaports and airports. So mayroon po ba tayong timeframe sa pagbibigay dahil alam kong ginagawa ni Governor Imee ang ‘pagpapaganda sa mga ports natin po dito sa Ilocos Norte, Mr. Secretary?

SEC. ROQUE: Well ang binigyan lang po ng kumpirmasyon ni Secretary Teo kahapon at sinabi niya dalawang beses ito sa Vigan at saka dito po sa Ilocos Norte ay bubuhos ng suporta para sa isang modernong Puerto diyan po sa Currimao dahil diyan nga po dumadako iyong cruise liner natin. So kapag nagkaroon po tayo ng mas magandang Puerto dito sa Currimao, we can expect more Cruise liners to call on the Currimao Port. So far po iyon iyong binitiwang pangako ni Secretary Teo.

Q: How about Airport, sir—sa Airport?

SEC. ROQUE: Well I will find out po. But perhaps si Governor has more information on an upgraded Airport.

GOVERNOR IMEE MARCOS: Yes, maraming-maraming tungkol sa Port, si Apo Wanda Teo nga ay taga Batac, so inaasahan ko iyong Tulfo side niya ay talaga namang makukulit natin ng todo-todo at masipag siya na umikot sa iba’t ibang lugar. Nakita niya na talagang may traffic na, may passenger traffic diyan sa Currimao. So inaasahan ko na magkaroon nga dahil sa ngayon dumadaong kung saan-saan. Dati sa Currimao Port tapos lumipat sa Omnico Private Port, babalik na naman sa Currimao Port. Napakahirap naman kasi ng ganoon at ayaw naman nating masingitan pa ng problema sa human trafficking, sa droga at kung anu-ano pa.

So doon naman sa Airport, si Secretary Tugade, na karuba tayod diyay Cagayan ay tumulong naman at mukhang ise-settle na iyong issues ng mga expropriated land na hindi pa binabayaran, problema sa buong bansa. So naglaan na siya ng pondo para diyan, para ma-settle na iyan at siguro mabigyan ang commercial investor ng incentive na mag-invest diyan sa ating Airport.

Si Secretary Wanda Teo rin nangako na bibigyan daw niya na dagdag na mga flight. Sapagka’t sa ngayon 14% utilization lang ang airport natin. Tulad ng iba’t iba pang mga secondary airport, hindi nasusulit iyong airport natin. Samantalang iyong Cebu, Davao at Maynila siksikan at labis-labis ang ating mga biyahe! So iyon ang pinipilit niya at ibebenta daw niya ng todo ang Laoag International Airport sa ibang bansa.

SEC. ROQUE: Ibabalita ko rin po na kaninang umaga si Henry Chu Suy, siya po iyong may-ari ng Henann group, sila na po ngayon ang pinakamalaking Hotel sa buong Pilipinas, pinakamarami na silang kuwarto has confirmed that he will inspect Pagudpud and will study the possibility of building a Henann Resort in Pagudpud.

ROMEL/CATHOLIC MEDIA NETWOK: Romel Sagosio from Catholic Media Network sir. Sir, may reklamo po ang mga Mayors sa second district, parang kulang daw po iyong project na pumupunta sa kanila pero sa first district talagang bonggang-bonggang madami daw po.

GOVERNOR IMEE MARCOS: Hindi naman siguro lihim ang nangyari sa budget sa Kongreso na tinanggalan ng budget totally sa Public Works iyong Congressional District na second district at pati iyong probinsiya tinanggalan rin ng iba’t ibang project katulad ng DILG Kalsada, kung saan hindi lang iyong second district kung hindi iyong first district. Maliban pa roon halos kalahati na lang iyong assistance to municipalities kaya talagang dumadaing lahat ng LGU.

SEC. ROQUE: Well ipararating ko naman po iyang impormasyon na iyan kay Presidente Digong at tingin ko naman po gagawa ng paraan si Presidente Digong dahil paulit-ulit niyang sinasabi halos iisa lang ang sumuporta sa kaniya noong eleksiyon at iyan po ay si Governor Imee Marcos. [Applause].

CHERRY GARMA/PHILIPPINE INFORMATION AGENCY: Okay, we will get back to you. I will read first some questions from the MPC. So from Reymund Tinaza: “Ilang luxury cars ang ipapa-bulldoze ni Duterte sa Martes at kung magiging polisiya na ito every time may smuggled luxury cars?”

SEC. ROQUE: If I’m not mistaken parang 70 but don’t take that as gospel truth. Now pero sandali lang po si Presidente doon so hindi niya makikita iyong pag-bulldozer ng lahat ng kotse kasi pagkatapos po doon ay pupunta naman siya sa anibersaryo ng NEDA.

So sa kaniyang schedule po baka magkaroon lang ng token pero bagama’t hindi niya makikita iyong ‘pag-bulldoze sa lahat ay sabi nga sa akin ni Presidente, ang sabihin mo, the things speaks for itself. Hindi na po siya magto-tolerate ng mga auction-auction na nagiging dahilan para makapag-smuggle nga ng mga mamahaling mga sasakyan at magiging polisiya na ito na talagang ipapa-bulldozer na lang iyong mga smuggled na luxury vehicles.

CHERRY/PHILIPPINE INFORMATION AGENCY: Okay, isa pa pong question from Lei Baguio: “May suggestion na gawin na lang police car government vehicle ang mga luxury cars kaysa sirain. Hindi po ito ikinokonsidera ng gobyerno?”

SEC. ROQUE: Naku nagdesisyon na po si Presidente na iparating sa mga smugglers ang mensahe na tapos na ang kanilang mga maliligayang araw, ibu-bulldozer po iyan.

VICKY ADENA/CMO: Maraming salamat, I’m Vicky Adena, the CMO of the Provincial Capitol. Ang tanong ko kay Secretary Harry Roque ay ano po ang reaksiyon ni Presidente Rodrigo Duterte tungkol sa napakatagal na—magtu-two years na yata na hindi pa naumpisahan na election protest ng aming dating gobernador, si Apo Bongbong Marcos? Ano po ang reaksiyon po kasi napakatagal na po, maraming naghihintay na mga Filipino, lalong lalo na kaming mga Ilokano po.

SEC. ROQUE: Well ang Presidente po kasi ay isang abogado at alam niya na mayroon tayong tinatawag na separation of powers. Ang dumidinig po ng election protest ay ang Korte Suprema habang sila po ay umupo bilang Presidential Electro-tribunal.

So ang Presidente po hands off naman kapag hindi niya jurisdiction. Ito po ay katungkulan ng Korte Suprema at inaasahan naman niyan ng Korte Suprema na gagawing lahat para maresolba itong election protest na ito.

May tanong at hindi ko sinagot kahapon dahil sabi ko nga ngayon ko sasagutin. Marami pong nagtatanong na mga taga Malacañang Press Corps tungkol doon sa sinabi ni Presidente sa Davao na nagsasabi na kapag hindi tumigil sa walkout ang mga estudyante ng UP ay ibibigay niya iyong kanilang mga slots sa mga lumad.

Malinaw po ang sabi ni Presidente, ang tinututulan niya iyong walkout sa klase. Hindi po niya sinusupil ang karapatan ng malayang pananalita at saka ng karapatan ng peaceful assembly, puwede pong gawin iyan ng mga estudyante, ang tinututulan niya iyong walkout!

Now labing limang taon po akong nagturo bilang isang fulltime professor sa UP, mayroon po kaming maximum absence rule, kapag ikaw absent ng 20%, you are automatically dropped from the rolls. Ang sinasabi lang ni Presidente, ito kasi ang kauna-unahang taon na binabayaran natin ang tuition ng lahat ng States Universities at Colleges, hindi lang UP.

At noong ito nga ay dumating sa kaniyang desk para sa kaniyang signature, iyong batas at isa po tayo sa nagtulak niyan sa Kongreso ay sinabi pa ng economic cluster advisers niya, ‘Huwag mong pirmahan iyan bilang isang batas dahil wala tayong sapat na pera.’ At ang naging utos niya: “humanap kayo ng paraan para magkaroon ng katuparan itong libreng tuition,” nakahanap ng paraan at naging batas iyan.

So ang sinasabi lang ng Presidente, huwag naman natin sayangin iyong mga pera ng sambayanan na ginugol natin para sa free tuition ng lahat ng State Universities and Colleges.

SEC. ROQUE:  Kung talagang nais mag-walkout ng mga taga—estudyante ng UP, karapatan niya ‘yan. Pero kaya nga sabi niya, papalitan niya iyong mga nagwo-walkout, ng mga intelehenteng mga estudyante galing sa mga Lumad. Hindi po ipinagbabawal ang malayang pananalita, hindi po ipinagbabawal ang rallies. Ang ayaw lang ni Presidente, iyong mga walkouts dahil sayang naman iyong kaban ng bayan na binabayad ng mga ordinaryong mga mamamayan kung sasayangin lang ng mga estudyante iyong binayarang tuition ng gobyerno sa pamamagitan ng kanilang pagwo-walkout. So, malinaw po ‘yan.

BERNARD VER/RADYO PILIPINAS:  Good morning, Secretary and Governor. This in relation to the question of Ms. Vicky. I’m Bernard Ver of Radyo Pilipinas-Piddig. Sa Smartmatic po, iyong renewal, what is your stand, sir?

SEC. ROQUE:  Well again, ang Commission on Election po ay isang indipendiyenteng constitutional commission, nirerespeto po namin ang kanilang desisyon. Kung mayroon pong hindi sang-ayon diyan, pupuwede naman pong pumunta ‘yan sa Supreme Court din at kuwestiyunin iyong desisyon ng Commission on Elections.

MODERATOR:  Question again from MPC. From Leila: “What could the Palace say about concerns that his plans to invite investors to develop ancestral domain areas would displace the Lumad. Was this proposal of the President, the result of consultations with the Lumad? What kind of safeguards would be in place to ensure that they would not be exploited and displaced?

SEC. ROQUE:  Well alam ninyo po kasi itong problema ng Lumad, ay talagang nagkaroon po ng urgency ito dahil nagsalita nga iyong Special Rapporteur on Indigenous Communities na nilalabag daw ng gobyerno iyong karapatan ng Lumads. Lilinawin po namin, ang lahat po ng datos ay nagpapakita na ang nagsasamantala sa mga Lumads ay NPA. Sapilitan po silang ginagawang miyembro ng NPA! Ginagawang mga mandirigma at kawawang-kawawa po ang mga Lumad.

Now naintindihan din ng President ang problema dahil siya nama’y taga-Malacañang at napakadaming Lumad doon. Unang-una nga, ay talaga namang unang mga tao doon sa Mindanao ay mga Lumad, natanggal na noong dumating ang mga Moro, natanggal nang dumating ang mga Kristiyano. So alam niya, na ang number one problema ng Lumad ay kahirapan. Kaya naman sinabi niya: “Baka mamaya papasukin natin nga iyong mga namumuhunan na magkaroon ng trabaho at mabawasan ang pagkagutom diyan sa mga Lumad communities.

Pero mayroon po tayong mga batas na pinapatupad, mayroon po tayong mga ancestral domains… ang sabi lang naman niya, papapasukin niya ang mga namumuhunan doon sa mga ancestral domains nang sa ganoon, maibsan ang kagutuman ng mga Lumad.

Kapag nagkaroon po ng mas malawakang mga trabaho diyan sa mga komunidad ng Lumads, mababawasan na rin iyong impluwensiya ng NPA. At sa ganoon po, hindi na sapilitan na kukunin ng mga NPA iyong mga Lumads at gagawing mga mandirigma.

May follow up question si Joseph Morong: “Hindi ba..?” It’s not for the President daw to give away slots to Lumads. Well, that’s true. Iyong mga Lumads po, kinakailangan mag-apply sa UP bago sila matanggap. Pero I’m sure po, pupuwedeng magkaroon naman ng pamamaraan sa UP na bigyan ng prayoridad iyong mga Lumad communities. At kung hindi po ako nagkakamali, sa admission policy, kahit papaano po ay nakokonsidera iyong mga taga-Lumad pagdating mismo sa admission policy. So kung i-implement po ‘yan ng Presidente, I’m sure magkakaroon po ng ugnayan doon sa administration ng UP.

Q:  Sir, what can you say about the statement of Representative Alejano, na iyong contractor ng Navy frigate deal na Hyundai Heavy Industries ay ban na sa state-led bidding sa South Korea dahil sa kasong bribery sa ibang bansa? So mayroon bang pananagutan dito iyong dating administration sir, dahil done deal na ang nasabing project?

SEC. ROQUE:  Salamat po kay Congressman Alejano. Alam ninyo po, napapagod na ang Presidente depensahan ang mga kontrata na ipinasok ng nakalipas na administrasyon. So dahil po dito na naman sa sinasabi ni Congressman Alejano, ay siguro po dapat napapanahon na, na imbestigahan iyong mga kakampi ni Congressman Alejano kung ano talaga ginawa nila dito sa frigate deal na ito.

Uulitin ko po, sila po ang nagpa-bid… sila ang namili kung sinong mananalo diyan sa bid. Kung totoo na blacklisted iyong binigyan nila ng kontrata, dapat managot iyong mga opisyales ng nakalipas na administrasyon at sabihin sa atin bakit naging ganoon ang kanilang desisyon.

Uulitin ko po, done deal na ‘yan nang pumasok ang gobyerno. Ang in-issue lang po ng gobyerno ni Presidente Duterte, iyong Notice of Award. At sang-ayon naman sa 9184, ministerial naman po ‘yan, kung walang protesta at kung hindi naman po glaring iyong pagiging iligal ng kontrata.

So Congressman Alejano, salamat po. Dahil sa inyong sinabi, iimbestigahan na po natin iyong inyong mga kakampi noong nakalipas na administrasyon .

CHARICE OF AKSIYON RADYO MBC:  Yes sir, good morning. I’m Charice of Aksiyon Radyo MBC po. There’s a scam po na circulating sa Ilocos Norte Madam Gov, and ang mga taga-rito po, pumunta po sa Metro Manila para po bigyan daw po allegedly ni Pangulong Duterte ng tig-iisang milyong piso po. Ano po iyong reaksiyon ninyo po dito?

GOV. IMEE MARCOS:  Well, babala para sa publiko na talaga naman kahit kailan, hindi nangolekta ang aking pamilya ng anumang halaga upang bigyan ng karampatang milyun-milyon na sinasabing Marcos wealth. Huwag kayong maniniwala, huwag kayong magpabiktima, ilang beses na itong nangyayari, huwag tayong nagpapadala at hindi ito totoo!

SEC. ROQUE:  Sana si Congressman Alejano, ay huwag tuminag doon sa imbestigasyon. Baka naman dahil mga kakampi niya ang iimbestigahan dahil diyan sa frigate deal ay biglang manahimik siya. Dapat kasing-maingay siya at kasing… ano iyon, ano iyong term sa Tagalog? Persistent kapag inimbestigahan na natin iyong kaniyang mga kakampi.

Alam ninyo po ang Presidente, malinaw ha! Hindi po siya gaya noong mga nakalipas na Presidente na nais ipakulong lahat noong mga sinundang presidente. Wala nga ho siyang kahit sinong… insidenteng pinapaimbestigahan, iyong dating presidente. Move on lang siya, dahil marami naman pong dapat gawin. Pero kung iyong mga kakampi mismo ng dating administrasyon ang siyang nagsasabi na kinakailangan imbestigahan, anong magagawa ni Presidente? Siguro po iyong polisiya na ‘yan, hindi na nanggaling sa kaniya – nanggaling na sa sariling kakampi noong nakalipas na administrasyon.

MODERATOR:  Okay. Ito po iyong question ni Dexter Ganibe: “Naisampa na po ang reklamo sa Comelec versus PNoy re: violation ng election ban kaugnay ng pag-apruba sa Dengvaxia project.

SEC. ROQUE:  Again noong nag-usap po kami ng Presidente, ang sabi niya pagdating diyan sa Dengvaxia, ayaw naman niya ng nagpi-finger pointing kasi hindi talaga estilo ni Presidente ‘yan. Tapos na ang eleksiyon, hindi siya namumulitika kaya ni minsan hindi po niya pinulitika itong Dengvaxia. Pero, hindi naman pupuwedeng tanggalin ang karapatan ng mga mamamayan na maghain ng demanda lalong-lalo na kung seryoso iyong basehan at ang basehan po daw nito, minadali iyong Dengvaxia para gamitin sa eleksiyon.

So hahayaan po ng Presidente na umusad ang imbestigasyon, at buo naman po ang tiwala ng ating Presidente sa Comelec, dahil ang Comelec naman po ang magko-conduct ng preliminary investigation sa kasong ito. Dahil indipendiyenteng constitutional body po ang Comelec, hinahayaan lang ni Presidente na mag-imbestiga ang Comelec kung nagkaroon nga ng election-related offense dahil sa pagpapatupad nitong Dengvaxia sa panahon ng eleksiyon.

FRANCES ALEGRE/CMO CAPITOL:  Hello po, good morning po. Frances Alegre from CMO Capitol po. Unang katanungan po sir, ang Provincial Government of Ilocos Norte, nagpapadala po ng private engineers at through the help of Provincial Engineering Office para sa rehabilitation po sa Marawi City. So kumusta na po ang rehabilitation po doon po, sir? Either you or Governor po.

GOV. IMEE MARCOS:  It’s part of the President’s effort na i-rehabilitate, restore, build-back-better iyong Marawi. Iyong anak ko noong nagpakasal, iyong kaniyang ‘bitor’, iyong tradisyon ng Ilocano na bibigyan ng pera ang bagong kasal, si Atty. Michael Marcos Manotoc, idinonate (donate) iyong kaniyang ‘bitor’ para sa Marawi. At iyon nga, tulad ng sinabi, nabalitaan ni Frances, ay nagpadala na ng ilang engineer para tingnan kung anong kailangan, at marami silang kinakailangang repair doon sa Madraza school sa Marawi, so tutulungan natin ‘yan, pati na rin iyong hinihingi nilang mga jeep. At hanggang kaya pa, iyong ating mga computers sapagka’t gustung-gusto nilang makagamit ng iba’t iba pang IT equipment. So magso-solicit pa rin siguro kami, labis pa sa ‘bitor’ na bibigay na.

SEC. ROQUE:  Doon naman po sa rehabilitasyon, I take it, ito iyong rehabilitasyon ng Marawi. So kakagaling lang po ni Presidente diyan sa Marawi, kung saan nag-turnover siya ng ilang mga temporary housing for the residents of Marawi. Sa totoo lang po, ay isang taga-Ilocos Norte ay tumutulong po na magtayo ng ganiyang mga bahay sa Marawi. Isa po sa contractor diyan, si Mayor Teteng ng Pagudpod, dating Mayor Teteng. At ang pangako naman po ng gobyerno, ni Presidente, 1,149 temporary shelters will be turned over by March of this year; at mayroon na pong 300 donated pa ng PAGCOR. So we will have at least, almost 1,500 by March of this year.

GOV. IMEE MARCOS:  At tungkol rin sa efforts ng Presidente dito sa mga emergency evacuation, we are in close contact, ang Province of Ilocos Norte with the Province of Albay, lalong-lalo na kay Governor Al Bichara dahil hirap na hirap na nga sila napakaraming evacuees. At siguro kahit papaano ay mag-aalok rin tayo ng konting tulong, kahit hindi malaki, dahil sa ating malasakit sa dinadanas nila.

SEC. ROQUE:  Diyan naman po sa Albay, noong nagpunta po roon si Presidente ay nag-turnover ng initial 20 million po si Presidente, at binigay na niya ito kay Gov. Bichara dahil—sabi niya kay Governor Bichara, “Bahala ka na kung paano gastusin ito.” Nangako pa po ang Presidente ng 50 million na ibibigay kay Gov. Bichara, again, subject to liquidation para mabilis ang labas ng pondo.

Nag-donate din po ng 5 million ang PCSO, at ang sabi ng Presidente, “Lakihan pa ‘yan.” At noong… ang huling balita po sa akin, nag-approve naman ang PCSO ng additional 30 million para sa Albay. Pero bukod pa po doon, ang gobyernong nasyonal po ay nakapagbigay na P113,406,979.80 worth of assistance diyan sa Albay dahil sa pagputok ng bulkan.

May question po si Leila dito! Ang sabi po ni Leila: Sir frigate deal. The DND continue the deal during the Duterte administration, won’t the officials of the present administration have some liability as well for pushing through with it?

Leila, malinaw po ang timeline, notice of award na lang po ang na-issue at according to the law RA 9184 at lahat po ng mga taong gobyerno that have anything to do with procurement knows na ministerial po iyang notice of award kung wala naman pong patent illegality iyong kontrata.

So malinaw po na hindi pupuwedeng magkaroon ng pananagutan ang administrasyon na ito dahil iyong conduct ng bidding, iyong pagpili ng nanalo, lahat po iyan ginawa noong nakalipas na administrasyon na ngayon sa suhestiyon ni Congressman Alejano, bubusisiin na natin.

LEILANIE ADRIANO/PHILIPPINE NEWS AGENCY: Good morning, Leilanie Adriano po of PNA. Perennial problem po ang scrolling internet particularly here in the provinces! Any progress report po on the President’s pledge to invite more Telcos?

SEC. ROQUE: Hay naku manood po kayo, may bagong programa ngayon sa Linggo ng alas otso. At ang idi-discuss po muna ay internet pero kung naaalala ninyo po ipinangako po ito ni Presidente at mayroon na po tayong katuparan diyan. Ang problema po ng—ang solusyon ng DICT diyan ay sa pagtatayo ng national broadband.

At iyong—kailan lang po, ongoing na, pumasok po sa kontrata ang gobyerno natin sa pamamagitan ng DICT at saka ng BCDA sa Facebook para magtayo po ng dalawang gateway sa Aurora at saka diyan sa La Union sa San Fernando, La Union.

At dahil po dito madodoble po ang capacity ng internet sa Pilipinas, parang—nakalimutan ko na kung anong term doon, terabyte ba iyon, two terabyte, madodoble iyong capacity na ngayon po ay ibinibigay ng Globe at saka ng Smart. At bukod pa po diyan ay doon sa National Broadband na bubuuin ng DICT, hindi lang kasama dito itong ibibigay ng Facebook na libre, ita-tap na rin po natin iyong existing na mga imprastruktura doon po sa mga linya ng kuryente dahil puwede naman pong i-tap iyan also for internet purposes.

Ang pangako po ng Presidente, mapapabilis niya, mapaparami niya ang internet dahil ang katotohanan po ngayon kalahati lang ng ating mga mamamayan ang may access, iyan po ay paglabag sa isang karapatang pantao dahil ang karapatan po to broadband or karapatan to internet is now a recognized economic, social, cultural right. At ito rin ang dahilan kung bakit minadali ni Presidente iyong pagpasok ng third Telecoms player.

Now mayroon pong ulat, nanggaling sa DICT na baka hindi raw po magkaroon ng katuparan iyong pagpasok ng third Telecom player by the end of this first quarter. Hindi ko pa po alam kung anong paninindigan ni Presidente diyan pero sa Lunes po mayroon kaming Cabinet meeting at sa Cabinet meeting po, una sa agenda iyong rehabilitation ng Marawi. Pangalawa sa agenda is the Third Telecoms player. So sigurado po iyang idi-discuss sa Cabinet meeting sa Lunes.

MODERATOR: Okay, thank you Secretary. May question po dito from Cathy Valente: “Secretary Roque, can we get the Palace comment on the anti-crime advocates filing of complaint against former President Aquino and some 20 other former officials for violating the 2016 election ban on government projects with Dengue vaccination program? Thank you.”

SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan. Independent constitutional commission po ang COMELEC! Hahayaan niya ang proseso, hindi po siya ever naghabol doon sa kaniyang pinalitan pero hindi rin niya pupuwedeng pigilan ang mga mamamayan na magsampa ng mga ganitong mga demanda.

Q: Thank you and good morning, sir and governor. May tatlo akong katanungan po, dalawang pabaon at isang original. Ang unang katanungan po namin is about the impasse between the Ombudsman and Malacañang over the hesitance of Ombudsman to implement the suspension of Deputy overall Ombudsman Carandang. And may we know because us, in Ilocano we know very well sir that Ombudsman Morales is from Paoay and they are balae so to speak. And may we seek the guidance or what is the guidance of the President over this controversy?

SEC. ROQUE: Well kami po hindi kami naniniwala na may impasse. Ang Presidente po ang taga pagpatupad ng batas: nakita na niya na mayroong pananagutan; ang Executive Secretary ay may pananagutan iyong overall Deputy Ombudsman. At ito po kasi ang problema: hindi pupuwedeng sabihin ng Ombudsman na siya ang magdidisiplina. Bakit po? Kasi doon sa isyu po ng mga bank accounts ni Presidente, nag-inhibit po si Ombudsman. So ito po iyong sitwasyon, si Ombudsman lang ang pupuwedeng magdisiplina sa overall Ombudsman. Sinasabi ng Ombudsman na hindi po kami sumasang-ayon. Paano naman niya maiimbestigahan ay nag-inhibit siya doon sa isyu na iyon, una po.

Pangalawa, alam mo—kung maaalala ninyo at ito naman po ay in-explain na rin ni SolGen Calida iyong tinatawag na Aguinaldo doctrine, iyong kapag ikaw ay nanalo bilang isang halal na opisyales ay nabubura iyong pananagutan mo doon sa termino na nakalipas na. Hindi po iyan kinilala ni Ombudsman Morales sa kaso ni Mayor Junjun Binay. Mayroong Court decision doon sinuway din niya at kinailangan magpunta sa Korte itong si Junjun Binay.

Ang tanong ko lang naman po, Madame Ombudsman, bakit kapag ikaw hindi sumusunod sa Saligang batas ay sinasabi mo. Noong minsan na hindi ka sumunod sa Saligang batas dahil mayroong desisyon na ang Aguinaldo doctrine is good law, sinuway niya. Eh bakit naman niya sinuway noong mga araw na iyon tapos ngayon sinasabi niya, dapat lahat sumusunod sa sa Saligang batas.

So alam ninyo po iba’t iba lang talaga ang interpretasyon ng iba’t ibang sangay ng gobyerno kung ano ang kanilang responsibilidad. Sa kaso pong ito malinaw na dahil nag-inhibit si Ombudsman, hindi puwedeng imbestigahan si Deputy Ombudsman, puwede ba na may pananagutan, walang kaparusahan, walang accountability? Hindi naman po yata!

Now ano naman po ang relasyon nila? Naku talaga naman pong balae ni Presidente si Judge, noong kasal po ng anak ni Governor ay for the first time nakita kong magkasama si Mayor Sarah at saka si Judge Carpio. Hindi pala Judge, Attorney Carpio kasi kapatid ni Judge Carpio. Dito ko po sila nakita sa Paoay Church. Mukha namang mainit ang kanilang ugnayan at kada punta dito ni Mayor Sarah sa Ilocos ay doon siya natutulog sa bahay ni Ombudsman, dito po sa Paoay. So tingin ko wala namang personalan. Nagkakaintindihan naman sila, trabaho lang. So kay Madame Ombudsman trabaho lang din po ang ginagawa ng Office of the President.

Q: Secondly sir is about the viral, over a taxi driver na kayang-kaya niyang gayahin si Presidente sa pananalita at even in body language. Any reaction po?

SEC. ROQUE:  Well natutuwa naman ako sa kaniya at nagbibigay siya ng ligaya sa ating taong bayan.

Q: And lastly to our good governor, Ma’am at this point in time, marami ng nagtatanong dahil marami na rin silang na-obserbahan na palagi kayong out of town—out of the province attending grand celebrations. Mayroon na kayong pahiwatig na tatakbo kayo talagang—parang senador?

GOVERNOR IMEE MARCOS:  Hindi ko pa alam, depende kay Secretary Roque, sunod-sunuran lang ako. Hindi ang totoo talagang naiinip na kami sa protesta ni Bongbong. So kailangan umikot, magpasalamat at kung kailanganin ay tatakbo hangga’t may lupa tatakbo. Bahala na.

Q: Thank you. Thank you.

CELY PAZ/RADYO PILIPINAS: Good morning, sir, ma’am. Cely Paz po ng Radyo Pilipinas Laoag.

SEC. ROQUE:  Yes, Ma’am.

CELY/RADYO PILIPINAS: Ang katanungan ko sir. Ano po ang good news sa government media po?

SEC. ROQUE:  Ano ang?

CELY/RADYO PILIPINAS:  Good news sa government media, sir, sa istasyon ng gobyerno.

SEC. ROQUE:  Well alam ninyo naman po, noong ako ay Kongresista pa. Nabigyan po namin ng bilyong-bilyong budget ang PCOO para gawing moderno hindi lang ang PTV4, pati ang Radyo ng Bayan. Ang plano po ni Secretary Andanar, ay iyong ating PTV4 at Radyo ng Bayan ay gawing kasing-galing ng British Broadcasting Corporation, kasi ang BBC po ay pag-aari din ng gobyerno. So siguro hindi po mangyayari ‘yan overnight, pero nandiyan po ang kapital para maging moderno ang facilities, at kinakailangan siyempre hindi lang mga equipment ang moderno, kinakailangan i-angat din iyong kakayahan ng lahat noong mga nagtatrabaho sa state-owned media. 

MODERATOR:  Question from Henry: “Sinu-sino ang may-ari, importer o kaninong individual o company nakapangalan iyong mga luxury cars or vehicles, at ano na ang hakbang na ginawa against them? 

SEC. ROQUE:  Ito naman po ay sisirain na. Karamihan naman po ito in-abandon na rin. Pero dati kasi ang polisiya, nagkakaroon ng bidding/auction. Sabi ng Presidente: “Tama na ‘yang auction na ‘yan, sirain na lahat!

RANDY/BOMBO RADYO LAOAG:  Bombo Randy from Bombo Radyo Laoag, sir. Na-file na iyong mga kaso against Mark Taguba at Kenneth Dong. Pero iyong mga players from Bureau of Customs tulad ni Faeldon at mga nasa baba niya, wala pang napa-file na complaint. Eh, mahirap naman na magkaroon ng manipulation doon sa loob tulad noong 6.4 billion na walang kakunsabo o may kinalaman iyong mga opisyal. Anong… 

SEC. ROQUE:  Mayroon naman pong naisampa na kaya lang, hindi sinampahan si Commissioner Faeldon dahil walang nakitang ebidensiya laban sa kaniya. Dahil kung maalala ninyo, nahuli naman iyong shipment dahil din sa Bureau of Customs.

Q:  Good morning, Secretary and Governor. Sir, kumusta na po ang paghahanda ng gobyerno tungkol sa barangay at SK election?

SEC. ROQUE:  Well, mayroon naman pong batas na ginawa ang Kongreso, at sa paghahanda naman po ay nasa kamay ng Commission on Elections, independiyenteng constitutional body po ‘yan pero tingin ko naman ay ginagawa ng Commission ang kanilang katungkulan.

Q:  Napunta na tayo sa eleksiyon… nag-retire na po iyong dalawang Commissioner ng Comelec. Mayroon na bang shortlist ni Presidente kung sino iyong ipapalit?

 SEC. ROQUE:  Ay, matagal na pong may listahan si Presidente diyan. 

Q:  Mayroon pong pangalan, sir? 

SEC. ROQUE:  I’m sure he will appoint them very soon. 

MODERATOR:  Okay. So, thank you very much to our friends from the media here in Ilocos Norte, and of course doon sa mga nag-throw po ng questions from MPC. Before we end this Press Briefing, may we hear again, closing statement na lang from Governor siguro and Secretary Roque. 

GOV. IMEE MARCOS:  Yes. Maraming, maraming salamat kay Secretary Roque sa kaniyang pagpunta na naman dito sa Ilocos Norte. Kitang-kita kung sino iyong mga secretary na suki natin, and we welcome you and thank you for your participation. 

SEC. ROQUE:  Well, nagpapasalamat po ako sa hospitality ng ating Governor, si Governor Imee Marcos at sa kaniyang pagpayag na gamitin natin itong session hall ng Sanggunian ninyo bilang our venue for our Press Briefing. Again, congratulations po sa inyong 200th Bicentennial Anniversary at mabuhay po ang Ilocos. 

#END# 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)#NIB

Resource