Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque

Event Press Briefing
Location Press Briefing Room, New Executive Building, Malacañan Palace

ROCKY IGNACIO/PTV4:  Good morning, Malacañang Press Corps. Welcome sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque. 

SEC. ROQUE:  Good Tuesday morning. Let’s start with good news.

Foreign Direct Investment Net Inflows recorded an all time high in the first full year of the Duterte administration. Record breaking 10 billion FDI net inflows in 2017 are 21.4% higher than the previous year’s record. Investments coming from Netherlands, Singapore, United States, Japan and Hong Kong have created more jobs in manufacturing, real estate, wholesale/retail trade, information and communication, arts, entertainment and recreation activities ‘no.

Another good news: The Philippines has been recognized as among the top 10 awardees in 5 categories of the 11th cycle of the Dubai International Award for Best Practices to Improve the Living Environment. Specifically the United Nations Habitat and Dubai Municipality granted the Philippines with the university research grants on legislation, rules, regulations and governance system which cited the country’s efforts in making land use climate sensitive. The award is given to different sectors in national and regional governments, local authorities and their associations, non-governmental organizations, community-based organizations, research and academic institutions, public and private foundations, and individual taking steps to further the adaptation of the UN-Habitat’s New Urban Agenda, a roadmap to make sustainable cities for all.

Another good news: The government through the Intellectual Property Office of the Philippines continues to intensify campaign against selling and buying counterfeit products. The IPOPHL reported that various agencies of the National Committee on Intellectual Property Rights were able to seize 8.2 billion worth of counterfeit and pirated goods in 2017; a 26% in 2016 and is considered the biggest haul since 2014. The agency with the largest seized goods in 2017 is the Bureau of Customs with more than 5.8 billion.

On the dismissal of the case against Peter Lim and Kerwin Espinosa – We would like to assure the public that the dismissal is far from being final. It is in fact subject to automatic review by Secretary Vitaliano Aguirre, and we look forward to the review to be made by Secretary Aguirre. Meanwhile, we understand the sentiments and the frustration of the public over the dismissal, but stress that the police can re-file the case, can introduce additional evidence, but we need to be very careful that at this stage, that the evidence would be complete to sustain a conviction when filed before the courts. The DOJ petition as assured to the public will not affect the case of Senator Leila De Lima. There are other witnesses who would testify against the lady senator.

Questions?

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Hi sir, good morning. Sir, sa dismissal lang po noong case ni Peter Lim at saka ni Espinosa. Sir, nai-submit po kaya ng PNP iyong transcript po ng Senate investigation po kay Espinosa dahil inamin po roon ni Espinosa na siya ay drug lord? At saka iyong ama po niya bago namatay, inamin po na drug lord din po iyong anak niya.

SEC. ROQUE:  Gaya ng sinabi ko po ‘no, inaasahan namin na rerepasuhin po ni Secretary Aguirre itong dismissal na ito, at kung kinakailangan magre-re-file po ng mayroon pang mga ebidensiya na isasama ‘no – kasama po iyong admission na sinabi ninyo. Tama po kayo, napanood ko po na inamin po ‘yan ni Kerwin doon sa Senado.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Palagay po ba ninyo ay sinadya ito ng PNP na maging parang pabaya sa kanilang tungkulin sa pagsasampa ng kaso sa ganito po kalalaking drug personalities?

SEC. ROQUE:  Hindi naman po siguro, at gaya po ng taumbayan ‘no, ang Office of the President will take a very interested position in this case and we will closely monitor how the police will act from hence on ‘no. As I said, if upon review the DOJ finds reasons to reverse the dismissal, then it will be reversed. If however it is necessary to file additional evidence, we will prompt police authorities to do so. We will not allow a big fish to go away if there’s evidence to go after him.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  Sir, ano po iyong assurance ng Palasyo na hindi na po mauulit iyong ganitong insidente?

SEC. ROQUE:  Well, kinakailangan po talaga ano na bantayan lalong-lalo na iyong mga kaso laban sa mga malalaking personalidad ‘no. At nagpapasalamat naman kami sa vigilance ng publiko ‘no at naisiwalat ito ‘no. ‘Di umano matagal na pala itong dismissal, pero ngayon lang naisiwalat sa publiko ‘no. So pasalamat din po tayo na may mga nagbabantay.

ROSE NOVENARIO/HATAW:  May ulat po ba si Secretary Aguirre kung bakit po inilihim ito sa publiko?

SEC. ROQUE:  Wala pa po ‘no. In fact—unfortunately before the briefing Usec. Balmes, the Spokesperson of DOJ, just called me. He was the one who just called me unfortunately I’m not able to answer his call anymore. But I was assured that this is far from being case closed. We will review the decision and if need be, we will re-file with additional evidence.

HENRY URI/DZRH:  Magandang tanghali, Secretary.

SEC. ROQUE:  Magandang tanghali, Henry.

HENRY URI/DZRH:  Hindi ho ba ito ay tila sampal sa Palasyo, sapagka’t alam naman natin ang ating Pangulo ang unang-unang galit na galit sa droga, pero bakit ho may pinag-uusapan tayong halos ay ipapatay na’t sinasabi nga ng Pangulo na talagang kamatayan ang—in fact, maraming beses niyang sinasabi na ayaw niya sa droga, papatayin niya ang mga sangkot sa droga. Pero iyong nuno pala ho ng transaksiyones ng droga sa Bilibid at itong si Kerwin Espinosa ay mahina pala ang ebidensiya. Pero sa kabila ng mahina ang ebidensiya laban kay Kerwin, ang dami na hong mga namamatay na sangkot sa droga. Papaano po ninyo haharapin ngayon ang sinasabi ng ating mga kababayan na “‘Pag kaming maliliit ang sangkot sa droga, wala na kaming panahon para magpaliwanag.” Marami sa amin ay namamatay. Pero itong mga malalaking taong ito, ay ngayon ay naririto’t pinag-uusapan natin ay mahina pala ang ebidensiya laban sa kanila.

SEC. ROQUE:  Uulitin ko po, hindi pa po tapos ang ‘boxing’ laban kay Peter Lim at dito kay Kerwin Espinosa. Rerepasuhin pa po ‘yan ng Kalihim ng Department of Justice, at sisiguraduhin na tama ang naging naunang desisyon ng ating mga public prosecutors. Mahirap po talagang magsalita kung anong naging basehan ng mga public prosecutors, dahil ako mismo, hindi ko pa nababasa iyong kanilang desisyon. Pero ang pangako po ng ating Presidente, eh kung kulang ang ebidensiya, dadagdagan; at kung mayroong kababalaghan, parurusahan naman ang mga responsable ‘no.

So huwag po kayong maabala, siguro naman po walang kaduda-duda na seryoso ang ating Presidente dito sa giyera laban sa droga, at itong kaso pong ito, ang dismissal uulitin ko po, hindi pa po tapos ang ‘boxing’.

HENRY URI/DZRH:  Wala ho bang naaamoy na sabwatan sa pagitan ng kung sinuman ang Palasyo sa bagay na ito?

SEC. ROQUE:  Kung mayroon man po, kilala ninyo po ang Presidente – sibak, sibak, sibak ang magiging kasagutan diyan. Pero hayaan ninyo muna na repasuhin ng ating Kalihim ng Department of Justice ‘yan dahil automatic review naman po ‘yan.

HENRY URI/DZRH:  May plano bang ipatawag ng Pangulo ang DOJ Secretary, ang Prosecution Service ng DOJ at ang mga kinatawan ng PNP?

SEC. ROQUE:  Well gaya ng aking sinabi ano, nag-ring po iyong telepono ko’t si Usec. Balmes. Hindi ko po alam kung anong pinaparating ni Usec. Balmes sa Palasyo ngayon ‘no. Pero needless to say, ito po ay isang bagay na pag-uusapan ng Palasyo at ng DOJ.

HENRY URI/DZRH:  Alright. Salamat po.

BELLA CARIASO/BANDERA:  Sir, good morning. Sir, alam naman natin na si Kerwin Espinosa and iyong iba pang mga drug personalities na kasama doon sa mga dinismiss ang case ay kinukuha bilang testigo against Senator De Lima. Hindi ba part ito ng concession dahil nga sa magiging testigo sila against De Lima?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo kung iyong pagbibigay lang ng immunity ang pag-uusapan, hindi na kinakailangang ma-dismiss ang kaso, kasi pupuwede na silang mabigyan ng immunity. So sa akin po, wala namang kinalaman iyon.

Ang importante lang, masiguro na itong desisyon ng pagdi-dismiss ay naka-base po sa ebidensiya at kung hindi, gagawa po ng hakbang ang otoridad para matuloy ang kaso.

BELLA/BANDERA:  Sir, iyong kay Peter Lim. Sir, alam naman ng lahat na kumpadre siya sa kasal. So hindi ba naging malambot iyong DOJ dahil nga may koneksiyon si Peter Lim kay Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE:  Alam n’yo po, unfair naman iyon na palibhasa naging kumpadre sa kasal ‘no. Lahat po siguro mga nanunungkulan sa gobyerno eh, napakadaming kasal na pinupuntahan at hindi naman nakakapili kung sino ang magiging kumpadre, ang nagdedesisyon po ay iyong mga kinakasal.

So sa akin po, wala namang basehan iyong ganiyang paratang. At hayaan na lang muna natin umusad ang proseso diyan sa DOJ. At titingnan din natin ang ebidensiya kung tayo nga ay sasangguni din doon sa mga naging desisyon ng public prosecutors. At kung talagang mahina ang ebidensiya, titingnan kung paano po ito mapapalakas.

So ulitin ko po, hindi pa po tapos ang usaping ito, hindi po pupuwede na ang isang malaking isda ay hindi mapaparusahan kung merong ebidensiya. So tingnan po natin ang ebidensiya.

JHOANNA BALLARAN/INQ. NET:  Hi, good pm, Secretary. Sir, I would just like to get Palace reaction in line with the DOJ’s dismissal of the drug raps against the alleged drug lords. Sabi po ni Senator Trillanes po na, the Duterte administration’s anti-illegal campaign is a fake drug war. Sabi po niya, “the DOJ’s exoneration of this known drug lords is yet another proof what Duterte unleashed upon us is a fake drug war. Kapag mahirap, walang tanong-tanong, patay kaagad, kapag druglords ay kumpare pa ni Duterte, may due process, na aabsuwelto pa sa kaso”. What can you say about that?

SEC. ROQUE:  Pinagsasamantalahan lang po iyan ni Senator Trillanes bilang isang pulitiko. Pero gaya ng sinabi ko po kanina, hindi pa po tapos ang boxing, wag po tayong magkaroon ng conclusion, dahil meron pang proseso ng pag-aapela, wala pa pong pinal na desisyon kung kakasuhan o hindi si Peter Lim. So iyong mga ganiyang mga salita po ay iyan po ay mga salitang pulitiko.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO:  Pero, sir, hindi ba kayo nababahala na parang iyong ruling o desisyon ng NPS ay parang pinapalabas na mali iyong intelligence report na nakuha ng Pangulo. Dahil, I understand itong si Kerwin Espinosa and Peter Lim ay kasama siya sa drug list na verified by inter-agencies na sila ay sangkot sa drugs.

SEC. ROQUE:  Bibigyan ko po ng kumpirmasyon na nababahala kami sa pagbabasura ng reklamo. Pero gaya ng aking sinabi, hindi naman namin alam kung ano ang basehan ng mga piskal kung bakit binasura iyan at hindi pa tapos ang proseso ng pagre-review. Siguro sapat na, na naparating natin sa DOJ na nababahala ang Malacañang sa ganitong desisyon at dahil dito po eh talagang masusi nilang pag-aaralan kung dapat bang dagdagan o dapat baligtarin iyong naging desisyon ng investigating panel.

Hindi naman po kakaiba na pupuwedeng mabaligtad iyan. Kung maalala ninyo, iyong tumayo akong abogado kay Gerry Ortega, ang unang desisyon din eh ma-dismiss at iyan naman po ay naisampa din.

LIELA SALAVERRIA/PDI:  Sir, clarification lang. Since it was the President who pinned down Peter Lim, does this mean the Palace won’t accept any ruling other than indictment?

SEC. ROQUE:  Naku, hindi po. Basta ang sinasabi ko nga po, dapat naka-base iyan sa ebidensiya. At tiwala kami sa magiging pag-aaral at pagrerepaso ng ebidensiya na gagawin ni Secretary Vitaliano Aguirre.

LIELA/PDI:  Sir, given the findings of the prosecutor. Do you think, there is now reason to review the basis of the President’s drug lists?

SEC. ROQUE:  I think that’s premature. Because as I said, we don’t know what the final decision will be. That’s not yet a final decision.

ROSE/HATAW:  Sir, good afternoon po uli. Sir, napag-usapan na po ba ni Presidente at saka ni Secretary Aguirre tungkol po diyan sa desisyon na iyan?

SEC. ROQUE:  Hindi po. Kasi nalaman lang namin ito ngayong umaga. Magkakasama po kami hanggang alas-dose ng gabi – midnight as of last night – kasama po namin si Secretary Aguirre, si SolGen Calida, si Executive Secretary at si Secretary Bong Go at wala pa po kaming ganitong balita as of 12 midnight last night.

ROSE/HATAW:  So, ultimo po si Secretary Aguirre sa palagay po ninyo, eh walang alam po dito, inilihim din sa kaniya?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam. It’s just that it was not discussed yesterday in a meeting that lasted till midnight.

ROSALIE COZ/UNTV:  Secretary, good morning po. Sa initial assessment n’yo po, sa tingin n’yo po merong kapabayaan iyong prosecution? Kasi hindi sila naghanap ng matibay na ebidensiya. Sabi rin po ni Senator Grace Poe, lalo na malalaking isda nga po ito na isinasangkot sa illegal na droga, tungkulin ng prosekusyon na maghanap ng matibay na ebidensiya laban sa kanila.

SEC. ROQUE:  Well, siguro from a purely academic point of view ‘no, ang isang kahinaan po ng ating criminal justice system ay iyong mga piskalya palibhasa sila ang umuupo na nagde-determine ng probable cause, maintains na trabaho ng police kumalap ng ebidensiya. Kung ikukumpara po ninyo ito sa America, ang pulis at ang public prosecutors sa America nag-uugnayan para po magkaroon ng case build-up bago sila magsimula ng isang grand jury proceedings, iyong tinatawag na imbestigasyon nga kung merong probable cause.

So sa akin po ang solusyon diyan, dapat merong hiwalay na piskal na nakikipag-ugnayan sa mga kapulisan, sa case build up at hiwalay iyong gagawa ng desisyon kung may probable cause. Itong desisyon pong ito, ginawa ng mga piskal, acting as quasi-judicial officials determining  probable cause, pero hindi ibig sabihin na hindi kinakailangan na isang piskal din ang makipag-ugnayan sa police, dahil ang mga piskal naman ang alam kung ano ang kinakailangang ebidensiya na makakatayo sa hukuman.

So, anyway, that’s an academic answer. Under our current system, it is the police that files the complaints and unfortunately iyong task ng prosecuting… iyong investigating prosecutors does not include assisting the police in the case build up. But we will see if reforms can be made, so that another branch of the National Prosecution Service can work with the police in case build-ups.

DEO DE GUZMAN/DZXL:  If I am not mistaken, sir, sinabi n’yo po ninyo kanina na hindi po ito makakaapekto doon sa kaso ni Senator De Lima. Yes, sir. Eh papano n’yo po masabi na hindi ito makakaapekto doon sa kaso in Senator De Lima, pero parang iyon din po ang basis kasi kung bakit siya nakakulong ngayon.

SEC. ROQUE:  Well, unang-una, hindi ko po nababasa pa kung ano iyong desisyon talaga, nakita ko lang iyong balita na nabasura nga itong complaint laban sa kanila. Pangalawa, hindi naman po kasama dito sa kasong ito si Leila De Lima. So iba po ang basehan ng pagsampa ng kaso kay Leila De Lima, iba ang basehan sa pagsampa ng kaso dito kay Peter Lim.

DEO/DZXL:  Sa tingin n’yo po, following this, pupuwede rin po bang mangyari  doon sa kaso ni Senator De Lima  iyong  nangyari doon sa kaso nila—

SEC. ROQUE:  Hindi po, kasi nakarating na sa Korte Suprema may probable cause against Leila De Lima. Ito pong kasong ito, ang sabi lang ng DOJ walang probable cause. Pero iyong  kay Leila De Lima po, hindi lang RTC ang nagsabi na may probable cause, pati na po ang Hudikatura ay nagsabi na may probable cause.

ROSE/HATAW:  Sir, palagay po ba ninyo ay napapanahon na mag-conduct ng lifestyle check po sa mga prosecutors, lalo na po iyong mga humahawak ng drug cases?

SEC. ROQUE:  Well, gaya ng aking sinabi, that’s premature naman. Tingnan muna natin kung ano ang magiging finding ni Secretary Vit Aguirre. Pero kung si Secretary Vit Aguirre determines that there was ample evidence to sustain a finding of a probable cause, then perhaps wala tayong ibang option but to conclude na baka nga.

I’d like to acknowledge Secretary Sal Panelo. Secretary Panelo, would you like to join me? Mayroon ka bang i-a-announce?

SEC. PANELO:  Titingnan ko na lang iyong pagkaguwapo mo. 

SEC. ROQUE:  Walang tatalo sa pagkaguwapo mo, Secretary Sal. [laughs] Yes please.

DEXTER GANIBE/DZMM:  Hi, Sec., magandang hapon. Sec., kahapon sa briefing ng Spokesperson ng Chinese Foreign Ministry, si spokesperson Lu Yung, sinabi—natanong sa kaniya iyong isyu kaugnay doon sa statement ng Office of the—iyong sa Commissioner ng Human Rights kaugnay sa Pangulo. And then dinipensiya niya si President Duterte doon sa mga banat niya sa UN at iyong banat ng UN laban kay Pangulong Duterte. Iyong ganoong statement from China, is it expected from them na dahil malapit ang Pangulo sa China or is it a surprise from the Palace? 

SEC. ROQUE:   I think no, I think that would be the correct response 0f any member state of the United Nations. I reiterate the United Nations is an organization consisting of states and as such all UN officials cannot deal with elected leaders of member nations in a manner that the UN High Commissioner for Human Rights did.

DEXTER/DZMM: Isa sa binanggit niya—basahin ko lang iyong kaniyang—part noong kaniyang naging statement, si Spokesperson Lu Yong. Sinasabi niya na UN should support the Philippines to promote its own human rights cause in accordance with its own national conditions. Sabi niya, work hard as a UN agency, Office of High Commissioner of the Human Rights should perform its duties within the framework of adherence to the purpose and principles of the UN charter. 

SEC. ROQUE:  That basically should be the correct stand of all states. Tama po iyong naging katugunan ng Tsina at ito po ay hindi lamang dahil kaibigan natin ang Tsina, because that is really the objectives of the United Nations.

So all officials of the United Nations must in fact discharge their functions towards realizing the avowed goals of the UN system and should not resort to abusing and disrespecting elected heads of states of UN member states.

DEXTER/DZMM:   Other isyu, Sec. Tinanggap ba ng Pangulo iyong resignation ni National Youth Commissioner Chairperson Aiza Seguerra? 

SEC. ROQUE:   Wala pa po akong alam tungkol diyan. What I do know is that the Office of the Executive Secretary has received the resignation of Chairperson Aiza Seguerra.

REYMUND TINAZA/BOMBO RADYO:  Sir, sundot lang. So what’s the stand if any ng Executive Department doon sa move sa House na again ipo-postpone iyong SK and barangay elections?

SEC. ROQUE:   Sinabi na po iyan ni Presidente. He defers to the wisdom of Congress in this regard. He has expressed a preference na sana matuloy but if Congress so decides, then he will respect the decision to postpone it anew. Now I understand iyong developments po are in the House and I’m not sure if there is any development at all in the Senate.

Q:  Secretary, magandang hapon po. Pinatawag daw ng Pangulo ang Senate President and House Speaker ngayong araw sa Malacañang. Dahil po ba ito sa election ng barangay? 

SEC. ROQUE:   Hindi po. I think the topic is about Mindanao.

Q:   Sir, doon kay Aiza po, ano po ang reason niya bakit daw po nagre-resign si Aiza? 

SEC. ROQUE:   Hindi ko pa po nakakausap si Chairperson Seguerra. Ang kumpirmasyon na maibibigay ko lang is nakarating na po sa opisina ng ating Presidente iyong kaniyang resignation.

DEO DE GUZMAN/RMN:  Yes sir. Sinabi ninyo po kanina… sir, sinabi ninyo po kanina pinatawag po ni President ang Senate President House Speaker about Mindanao. Ano po ang pag-uusapan nila about Mindanao? 

SEC. ROQUE:   Hindi po ako masyadong—hindi ko po sigurado, kasi it’s not even in the schedule for the day. Pero nabanggit lang po iyan sa aming pagpupulong kahapon na magkakaroon nga po daw ng meeting with Congressional leaders and this is about Mindanao. I suppose it might be related also to BBL and the need to enact BBL as soon as possible. But you know the only thing I was told was it was about Mindanao.

DEO/RMN:  Yes sir, another question po. Sir, mayroon ba pong joint command conference mamaya with the President—

SEC. ROQUE:   Opo.

DEO/RMN:   Ang AFP, PNP. Mayroon po ba tayong mga aasahan na nakalatag na pag-uusapan doon? 

SEC. ROQUE:   Napakahaba po niyang mga command conferences na iyan. But it always begins with the police and the military giving their latest report to the President on the peace and order situation in the country. So magsisimula iyan po doon sa briefing na gagawin nila sa ating Presidente.

DEO/RMN:   Kasama po kaya doon iyong kay—kina Kerwin starting sa PNP? 

SEC. ROQUE:  Well I will try po na to asks someone to discuss it. Pero I suppose it might be discussed po. Napakahaba po kasi niyang mga command conference na iyan and I foresee that because this is the news for today, it might be discussed.

DEO/RMN:     Thank you sir.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS:   Secretary, magandang umaga po. Sir, sabi po ni DILG Usec., Martin Diño mayroong 90,000 barangay captains na involved sa illegal drugs. Sir, kung matutuloy ang eleksiyon, whether October—or masu-suspend siya ng May at matutuloy sa October. Sir, may plano ba ang Palace na isapubliko ito sa mamamayan bago iyong eleksiyon? 

SEC. ROQUE:   I suppose, because the DILG has asked and the President has also asked the electorate to reject barangay officials who are somehow involved in drugs. So that possibility is very strong.

PIA GUTTIERREZ/ABS-CBN:  Sir, update lang po. Has the President chosen a new Chairman for the SEC and the SSS? 

SEC. ROQUE:   Wala pa po. In any case as soon as there is an appointment, you are the first to know. We post it in our webpage.

BELLA CARIASO/BANDERA:  Sir, regarding kay Senator De Lima sir. Kahapon nagpa-checkup siya sa Heart Center and then mayroon daw bukol sa kaniyang kidney. Kung sakali, sir, mag-petition siya for a hospital arrest, papayagan ba ito ng Palasyo? 

SEC. ROQUE:   Hindi po desisyon ng Palasyo iyan, desisyon po iyan ng hukuman.

BELLA/BANDERA:   Would you support it sir in case na mag-petition siya? 

SEC. ROQUE:   We cannot support, we cannot oppose, it’s the Court that determines but we wish her well because this is now a health issue.

I don’t think the President ills anyone—wishes anyone ill as far as health issues are concerned. As I said, we want her to enjoy a long life wherever but we want to have—her to have a long life.

ROCKY IGNACIO/PTV4:  Okay na, Bella? Questions no more? Okay, thank you, Presidential Spokesperson Harry Roque. 

SEC. ROQUE:   Thank you very much and see you on Thursday.

ROCKY IGNACIO/PTV4:   Thank you, Malacañang Press Corps. Back to our main studio sa Radyo Pilipinas and People’s Television Network. 

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource