Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque

Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE:  Habang wala pong vaccine, habang walang gamot, takot po rin ako sa COVID.

Kahapon po, pinulong po ng ating Pangulo ang ilang mga miyembro ng kaniyang Gabinete upang aprubahan ang rekomendasyon ng IATF kung anong mangyayari pagkatapos po ng Mayo a-kinse.

Ang napagkasunduan po: Tinimbang po natin ang siyensya at rekomendasyon ng mga mayor ng Metro Manila. Sabi nga po ng Presidente may mga lugar na mananatiling naka-lockdown, mayroon din namang mga easing-up of restrictions. Ano ba ang ibig sabihin nito? Magiging dahan-dahan, hinay-hinay, unti-unti ang ating istratehiya.

Sang-ayon nga po sa rekomendasyon ng WHO, kinakailangan ang pag-lift ng ating ECQ dapat maging gradual, incremental or phase out, strong and resilient health system ay dapat nakalagay na. If restrictions are realized too soon before a strong health system in place, this will likely lead to resurgence.

Ito ngayon ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa: Una, malaki ang naging impact ng lockdown sa kaso ng COVID, ngunit malaki rin ang naging epekto nito sa ating ekonomiya. Limitado ang government resources kaya kinakailangan natin na mag-generate ng resources para sa pangmatagalang laban sa COVID. Kailangan ibalanse ang kaligtasan at ekonomiya. Sa hinaharap, kung walang economic interventions, ang mga kakalabasan ay mas makakadulot ng pinsala kaysa sa epekto ng COVID.

Balitang IATF tayo. Kahapon po, naaprubahan po ang Resolution No. 35 na naglalagay sa “green” o ang tawag po nila dito ay “low risk areas” at hindi na po siya mapapasailalim sa community quarantine. Makikita ninyo po sa mapa kung ano itong mga low risk areas.

Sa Luzon po sa Region I – ito po ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan City.

Sa Region IV-B – ito po ang Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Palawan, Puerto Princesa City.

Sa Region V po – ang Albay, pero mayroon po iyang recommendation na dapat tingnan muli ang datos pagdating po ng katorse ng Mayo; Camarines Norte; Camarines Sur; Catanduanes; Masbate; Sorsogon; Legazpi City – titingnan din po ang datos pagdating ng 14 May; at Naga City.

Nasa low risk area rin po at hindi na nasa ilalim ng community quarantine sa Region VI ang Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Iloilo City at Bacolod City.

Sa Region VIII po nasa low risk area, wala na pong community quarantine ang Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Western Samar, Southern Leyte, Ormoc City at Tacloban City.

Sa Mindanao naman po, sa Region X, wala na pong community quarantine sa Bukidnon, Camiguin, Lanao Del Norte, Misamis Occidental, Misamis, Oriental, Cagayan De Oro City.

At sa Region XII – North Cotabato, South Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, General Santos City.

Sa BARMM – ang Basilan, Lanao Del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato City.

Pero hindi po pupuwedeng magpabaya ang mga lugar na ito dahil nga po hindi nakikita ang kalaban at pupuwedeng pasukan pa rin ang mga lugar na ito.

Samantala, nilagay naman po natin sa “orange” or mapapasailalim sa GCQ ang mga areas na ito: Sa Luzon po, naka-GCQ ang Cordillera Autonomous Region, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province at Baguio City.

Sa Region II naka-GCQ rin po ang Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Santiago City.

Sa Region III – Aurora; Bataan; Bulacan; Nueva Ecija; Pampanga; Tarlac; Zambales; Angeles City – titingnan din po ang datos pagdating ng May 14; Olongapo City.

Sa Region VI-A – Cavite, titingnan din po natin ang datos pagdating ng May 14; Quezon; Rizal, Batangas at Lucena City.

Sa Visayas, ang mga lugar pong ito ay nasa ilalim ng GCQ at ito po ay epektibo 16 May hanggang 31 May: Bohol, Cebu … province po, Cebu Province po iyan, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City at ang Lapu-Lapu City.

At sa Mindanao naman, nasa ilalim po ng GCQ sa Region IX: Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Isabela City.

Sa Region XI po, ang Davao City, subject din po sa verification sa 14 May; Davao De Oro ganoon din po, titingnan din po natin ang mga datos pagdating ng May 14; Davao Del Norte; Davao Del Sur; Davao Occidental; Davao Oriental.

At sa Region XIII, sa CARAGA po, ang mga probinsyang nasa ilalim ng GCQ ay ang Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Dinagat Island, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Butuan City.

Mayroon po tayo ngayong tinatawag na Modified Enhanced Community Quarantine. Ano po ito? Susubukan po nating linawin ngayon. Pero dahil Modified Enhanced Community Quarantine, naka-ECQ pa rin pero mayroon na pong mga ilang industriya na magbubukas. Ano po itong mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine epektibo ng 16 May hanggang 31 May? Ang probinsiya ng Laguna, lahat ng highly urbanized cities ng National Capital Region kasama na po ang Municipality ng Pateros; at sa Visayas, kasama po diyan ang Cebu City.

Now, lahat po iyong mga probinsiya, mga highly urbanized cities, iyong mga independent components cities na na-characterize as low, moderate and high risk – low po iyong green, moderate iyong yellow at ang high risk ay pula – may appeal their classification to the IATF Screening and Validation Committee with the concurrence of the Regional IATF not later than 13 May 2020.

Ano ba ho ibig sabihin at anong pagkakaiba ng Modified ECQ sa ECQ? Makikita po natin ito sa table na ito. Iyong ating patakaran ngayon po sa ECQ, wala pong movement regardless of age and health status. Halos wala pong economic activity except doon sa mga utility services gaya ng pagkain, power at tubig at other economic sectors. Wala pong transportasyon na pampubliko at wala rin pong physical na mga klase.

Sa ilalim po ng Modified ECQ, limitado po ang movement ng tao para po sa pagkuha ng essential services and work. Ang pagkakaiba po: Bubuksan natin unti-unti ang ekonomiya; magkakaroon po ng operasyon ang piling manufacturing and processing plants up to a maximum of 50%. Ano po itong mga industriya na ito? Isasapinal po ngayong araw iyan at bibigyan natin ng anunsiyo kung hindi mamayang hapon, bukas po, magkakaroon din tayo ng press briefing. Wednesday, normally wala pong press briefing, magkakaroon po tayo bukas para idetalye kung ano po iyong naaprubahan ng IATF na mga industriyang magbubukas.

Magkakaroon din po tayo siyempre dahil mayroon nang pasok ang ilang mga industriya sa Modified ECQ nang kaunting limited transportation services para po sa mga papasok sa trabaho at para po doon sa magbibigay ng essential goods and services. Suspendido pa rin po ang lahat ng klase sa lahat ng antas.

Sa GCQ na matagal na po nating pinag-uusapan, alam naman po natin na limitado rin ang movements pero ang operasyon ng gobyerno at halos lahat ng industriya ay balik na up to 75%, ang mga exceptions lamang ay iyong mga mataong mga industriya at saka iyong para sa amusement at saka iyong para sa mga kabataan. Pero mayroon lang po tayong limited na transportation services kung saan oobserbahan po ang social distancing at pupuwede po ang flexible learning; hindi pa rin po pupuwede ang face-to-face learning.

Now, bukas po idedetalye natin kung ano iyong mga industriya sa Modified ECQ na pupuwede nang mag-operate.

Ano pa po ang diperensiya o pagkakaiba ng Modified ECQ? Well, alinsunod na rin po ito sa kagustuhan ng mga mayor ‘no. Ang ating mga mayor po ay humingi sila—well, unang-una po, ang hiningi po ng mga mayor ay tatlo. Unang-una, ang sabi nila, hindi pupuwedeng magkaiba ang klasipikasyon ng mga siyudad at munisipyo sa Metro Manila; dapat iisa lamang. Kaya nga po nakinig po ang IATF at iisa lang po ang regime, kumbaga applicable sa ating Metro Manila, at ito nga po ang Modified ECQ.

Pangalawa, ninais din ng mga mayor na i-impose ang GCQ sa NCR pero ang mga LGUs ay papayagan na mag-lockdown ang mga barangay as needed. Iyan po ang pangalawang suhestiyon na in-adopt po ng IATF. Paano po gagawin ito? Nagkaroon po tayo ng mga tinatawag na mga different zones. Ito po iyong Critical Zone – at makikita ninyo po sa graph na ito, ito po iyong pula – mayroon tayong Containment Zone, mayroon tayong Buffer Zone, at mayroon tayong Outside of Buffer Zone.

Ang Critical Zone po, ito siyempre iyong matataas ang kaso. Kinakailangan mayroong more than 20 cases for every 100,000, iyan po ang critical zone. At ito mga critical zone pong ito ay mananatili po under ECQ as we know it. Hindi magbabago po ang ECQ as we know it doon sa mga critical zone. At iyan din po ang mangyayari sa containment zone, ito po iyong mga areas na nakapaligid sa critical zone dahil hindi naman natin maiiwasan talaga na tratuhing isang geographical region iyong critical zone at containment zone.

Ang Containment Zone po ay mas konti ang mga kaso, 1 to 19 for every 100,000 pero pareho po silang under ECQ.

Doon naman po sa Buffer Zone at saka doon sa Outside of the Buffer Zone, doon po hahayaan nang magbukas ang ilang mga industriya.

So ano po ang ibig sabihin ng “modified”? Ang modified po na ECQ is ECQ kaya lang mayroong ilang industriya na bubuksan hanggang 50% at mayroong pa rin ilang mga zona, mga barangay o grupo ng mga barangay na mananatili sa ilalim ng ECQ. Hinay-hinay, dahan-dahan, unti-unti po ang ating pagbukas.

Now, para po doon sa mga areas na mapapasailalim sa Modified ECQ, again, ang effectivity po nito ay May 16 hanggang May 31. Ang rekumendasyon po ng National Task Force Against COVID-19 ay ina-adopt po natin in relation doon sa mga proposed zoning concept and corresponding qualification and its phase response or intervention. Ibig sabihin, hindi lang po iyan isang barangay, kung hindi iyong mga barangay na nakapaligid din.

At alinsunod po rito, iyong mga lokal na pamahalaan na po ang siyang magdedeklara at magka-classify kung ano iyong mga barangay na matataas pa po ang kaso ng COVID para ma-subject pa to ECQ. Kinakailangan po iyong classification at pagtatalaga at pag-i-identify ng LGU ay gawin pursuant to a confirmation to be made by the Regional Inter-Agency Task Force.

Sa ibang balita po, naaprubahan na rin po iyong rekumendasyon ng IATF na bigyan ang limang milyon pang pamilya mula po sa first tranche ng Social Amelioration Program ang ating mga kababayan.

Uulitin ko po, naaprubahan na po. Hindi lang 18 million ang mabibigyan po ng SAP sa first tranche, nadagdagan na po ng limang milyon. Pero dahil limitado po ang pondong binigay ng Kongreso, iyong mabibigyan po sa second tranche ay iyon lamang nananatili sa ECQ na dineklara noong pangalawang buwan ng ating Pangulo.

Malinaw po iyan. Doon sa unang buwan, lahat nang nasa ECQ, may ayuda. Sa pangalawang buwan, iyong mga lugar na nakatira lamang sa ECQ ang may ayuda; wala na pong ayuda iyong mga nasa GCQ area.

Inanunsiyo din po kahapon ni Presidente na iyong mga estudyanteng nais umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya, tutulungan po niyang umuwi. Pero siyempre po, sana makabalik sa Maynila dahil nais nating matapos nila ang kanilang pag-aaral. Ito po ang Hatid Estudyante Program. At iuuwi po ng ating Presidente natin ang mga estudyante sa pamamagitan ng riles, barko, bus at eroplano. Magbibigay po ang Presidente nang konting ayuda sa kanila para makauwi, sapat po ito para sa pamasahe, sa kanilang pagkain habang bumibiyahe at kaonting pabaon.

Now, bubuksan ko na po ngayon ang floor para po sa mga katanungan ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. Uulitin ko po: Kung ano iyong mga industriya, isinasapinal pa po iyan. Ano iyong mga lugar na mapapasailalim sa ECQ? Nasa lokal ng pamahalaan po iyan.

Pero bago pala tayo magpunta sa question and answer, para maintindihan natin kung ano iyong proseso na dinaanan at nagkaroon tayo ngayon ng Modified ECQ, minabuti na po naming imbitahin ang mga dalubhasa dahil ang criteria nga po ay nakabase sa siyensya, iyong pagbilis ng COVID-19 at iyong kahandaan na magbigay ng medical services. So nandito po kasama natin muna si Usec. Vergeire, ang tagapagsalita po ng DOH at siya po ay magpiprisenta nung proseso na ginamit natin para magkaroon ng classification na Modified ECQ kung saan doon sa mga lugar na Modified ECQ ay mayroon pa ring mga zones na mananatili under ECQ as we know it.

Welcome to the program, welcome to the press briefing, Usec. Maria Rosario Vergeire. You have the floor.

USEC. VERGEIRE: Magandang hapon po. Good afternoon, Secretary Harry Roque. At magandang hapon sa inyong lahat.

Ako po ay nandito representing Department of Health together with Dr. John Wong who is our expert who has helped us complete these recommendations para po sa ating Inter-agency Task Force.

Itong mga datos na ito para sa decision-making ay nakumpleto base po sa tulung-tulong na pag-aaral at pagdidiskusyon ng ating Inter-agency Task Force Sub-technical Working Group on Data Analytic which is headed by Usec. Lilibeth David of the Department of Health.

So next slide, please. So uumpisahan ho natin itong pag-uusap natin at pagpapaliwanag namin dito po sa aming nagawang decision-making na sinasabi natin. Ano po ba ang mga naging basehan natin para magawa po natin ang rekumendasyon at maibigay sa ating Inter-agency Task Force. So this slide would show you the considerations for the decision-making that was done.

So unang-una po, ang alam nating lahat, of course, we base it on health. Doon po sa ating health na mga kunsiderasyon, atin pong unang-unang tinignan ang LGU Epidemic Response Framework. Dito po natin nakikita sa framework na ito kung ano po ang klasipikasyon ng bawat local governments natin para masabi natin kung ito ay low risk, moderate risk or high risk.

Also, sa kaalaman po ng lahat, ito ang lagi nating ipinapaliwanag sa lahat ng mga, ito pong ating case doubling time and critical care utilization rate. Ito po iyong dalawang health indicators na atin pong ginamit mula po tayo ay nag-umpisa para magbigay-desisyon for General Community Quarantine and Enhanced Community Quarantine.

Alongside with this, we have the phases of a pandemic which is recognition and preparation, initiation and deceleration, and the acceleration phase which can be likened similarly doon po sa ating epidemic response framework of having low risk, moderate risk and having high risk. So ito pong mga kunsiderasyon na ito sa pangunahin natin na mga considerations or basis for decision-making ang ating mga ginamit ‘no. Pero nagkaroon na rin po ng mga other considerations because we would want that it be as comprehensive and complete as possible kapag tayo ay nagdesisyon considering the other factors as well aside from health.

So we had, second would be the health or other health system capacity kung saan po atin pong kinonsider din, kailangan makita po natin sa bawat lugar na mayroon po silang functional disease surveillance. Kapag sinabi po nating functional disease surveillance, ito po iyong mayroon po tayong officers na gumagawa ng contact tracing, mayroon pong nag a-analyze ng ating data, at ginagamit po ito sa pagdedesisy0n ng ating mga lugar o Local Government Units; Mayroon din po tayong mga capacity for isolation. Doon po ba sa lugar na iyan, mayroon silang community isolation units na puwedeng paglagakan kung saka-sakaling nakaka-identify po ng mga suspects, probable or even confirmed cases and the persons under monitoring – so, ito po ay responsibilidad ng Kagawaran   ng Kalusugan at saka po ng DILG for this under health system capacity.

Aside from health, tiningnan din po natin ang tatlong sectors para maging basehan  para sa decision-making, at ang unang-una po iyong security. So, ang Philippine National Police po nag-present at nagbigay po sa atin ng indicators para dito iyong safety security index para po sa major and minor COVID related crimes.

And then ang social sector, tiningnan din ang indicators, for poverty, for unemployment and lack of access to services which was presented by the Department of Social Welfare and Development.

And for economic, we look at enterprises – iyong mga employment po, and the primary growth driver sectors – and these were all analyzed and recommended for by the DTI and the NEDA. So with those factors, tiningnan naman natin iyong ating LGU Epidemic Response Framework. Kapag tiningnan po natin ito, mayroon po tayong tatlong levels of risk for this framework, kung saan dinifine natin sila using the case doubling time and critical care utilization rate. Kapag sinabi po nating case doubling time, ito po iyong period of time kung saan nagdo-doble ang kaso sa isang lugar. At iyon naman pong critical care utilization rate, ito po iyong tinitingnan natin iyong mga critical care facilities and equipment na mayroon ang isang lugar.

So, mentras na umiikli ang panahon sa case doubling time natin, mas pangit na indikasyon para sa isang komunidad. Compared to critical care utilization rate na mas kaunti ang utilization, mas maganda ang binibigay na senyales nito para sa isang lugar. So, low risk would be those with greater than 30 days na case doubling time at less than 30% regional critical care utilization rate.

Ang moderate risk po natin ay iyong may 7 to 30 days na case doubling time, and ang kanyang regional critical care utilizations rate is 30 to 70%; and of course the high risk less than seven days po ang case doubling time. Ibig sabihin, napakabilis po ng pagdodoble ng kaso sa bawat araw at mayroon siyang greater than 70% na critical care utilization rate na ibig sabihin, most of their facilities, almost 70% ang nagagamit na at 30% na lang po ang natitira para po magamit ng populasyon. Minsan it can even higher than 70%.

So, kapag tiningnan po natin itong tatlong risk factors or risk levels for this response framework, kapag low risk po, we implement the minimum health standards. There will be movement or mobility of people, but minimum health standards should be in place. Kapag moderate risk po, diyan po nagpapatupad ng General Community Quarantine; and for high risk, that is where we implement the Enhanced Community Quarantine.

So this next slide, gusto lang nating ipaliwanag, kailan po ba natin kailangan ng community quarantine?

So base po sa mga napag-usapan natin kanina, doon sa response framework, ang ating mga LGUs will be classified as to having low risk, moderate risk or high risk.

So ang low risk po natin, ito po iyong mga cases or stages ng ating pandemya na mayroon tayong recognition at saka iyong preparation stage, and that would be for low risk areas.  Sila po iyong ma-classify for that. At iyon pong mga may mga moderate risk, sila po iyong nasa initiation and deceleration phases of the pandemic, and this is where we implement the general community quarantine.

Balikan po natin iyong sinabi natin kanina, na kapag low risk tayo, ang case doubling time  and critical care utilization  rate ay mahaba pa po ang panahon na nagdodoble ang ating mga kaso kapag low risk at mababa pa rin po ang utilization ng komunidad para doon sa kanilang mga facilities.

But for moderate risk,  we already have about 30-70% being used para dito sa critical care and then for high risk, where we are going to implement  the Enhanced Community Quarantine, dahil ang kanyang case doubling time po ay less than seven days na, mabilis na po. At ang pag-utilize ng critical care facilities po natin is 70% or more already. So kailangan na po ng Enhanced Community Quarantine para makatulong po sa pagpi-prevent pa ng further transmission. And this would be the LGU response framework kung saan sinasabi natin at inuulit po natin kung ano ang mga kailangang aksiyon base sa risk level na na-identify po or na-classify ng isang Local Government Unit.

So, when we say it’s low risk, katulad ng mga binigay nating pamantayan kanina. Ang kailangan po nating gawin dito, we need to contain, we need to appropriately implement the minimum health standards in the community. Mag-uumpisa po lahat ng ito sa isang individwal sa komunidad. At kailangan pong maipatupad ang minimum health standard sa iba’t ibang settings natin, like the community, like the workplaces, establishment and other public places.

Kailangan din po while we are at this level, kailangan ma-capacitate na po natin ang health system hanggang wala pa o tayong ganoong kaso, para po makapag-prepare and eventually will be ready kung saka-sakali pong malipat ang risk level niya to moderate or high risk.

Kapag moderate risk po ang isang LGU, dito po pumapasok iyong pagpapatupad natin ng General Community Quarantine; this is on that phase of mitigation. We have to monitor  enforcement of this minimum health standards for moderate risk at kailangan po nagkakaroon na ng enabling environment ang mga settings natin, like for example for workplaces even in establishments, kung saan mayroon na po tayong ipapatupad na  engineering or administrative controls para to prevent further transmission. Katulad po sa workplaces, naglalagay po ng administrative control, katulad ng mga alternative working arrangement like working from home o kaya may scheduling po ang pagpasok sa trabaho. These are   forms of these controls na puwede nating gamitin para maipatupad po natin ang health standards po natin.

And of course for high risk, we have the Enhanced Community Quarantine and our major goal here is to suppress the transmission of infection and further increase cases. So, kailangang mag-enforce and of course we have to have minimum   health standards for those high risk areas. Kailangan po natin ng health standards para sa mataas na risk na community na ito katulad po ng pagpapatupad natin ng stay at home policy. Wala po tayong mass gathering, walang mga masyadong mobility ang mga tao, ang movement po ay napaka-limited – only for essential services. And of course iyon ating pong personal protective measures na ipinatutupad for all of these levels of risk.

So ito iyong ating naging basehan at mga naging rekomendasyon para po sa actions para po dito sa General Community Quarantine na Enhanced Community Quarantine at sa classifications po ng ating mga Local government Units.

I will now turn you over to Dr. John Wong to explain to all of us the different epidemiological measures that we have used and how we have come up with the decision that was recommended to the IATF. Dr. John Wong, over to you.

DR. WONG: Thank you, Usec. First I would like to show you the epidemic curve for the country in its different geographic units. So, this shows the number of cases that we get every day, starting from the second week of the epidemic.

The two red bars show, when the ECQ was applied, the first red bar and then the second red bar would be when it started to take effect. So as you see, the national curve, the blue curve, after the ECQ started to take effect, there was still a rise of a few cases then it started to go down at around April 2. And then it continued on.

When we start to around April 22 ‘no, we saw that there’s a divergence between the national curve and the curve for NCR. Remember the NCR is where we apply the ECQ ‘no. The ECQ started to be seen here ‘no, where the curves started to flatten and has continued to the present.

The rise in the number of cases at the national level after that time was contributed mainly from Visayas particularly in Cebu City. If you look at the curves for Luzon outside NCR and Mindanao, they are actually at very, very low levels hardly contributing to the outbreak.

So, what we have now is an outbreak that has equal number of cases … new cases coming from NCR and Visayas. So although NCR is still the epicenter, the Visayas is becoming a hotspot.

Next chart, please.

So, these epidemic curves show you the cases in NCR compared to other regions. So, I just want to call your attention to the latter part of the curve, it shows the small outbreaks and shows settings in Cebu – two in Cebu City and one in Mandaue City. So, this is the reason for the recent uptick in cases.

Next slide.

So, this is a set of four doubling time curves that shows you the story of the outbreak. If we start with … in the right upper corner with NCR, the level of the outbreak is almost equal to the national level – at ten thousand. But if you look at the curves for Luzon and Mindanao, they’re much smaller.

For Luzon, the level of the outbreak is about one thousand; and for Mindanao, it’s at about one hundred, so much smaller outbreaks. But if you go back to the curve in Luzon, for most curves, for the number of cases and mortality, we also see that after ECQ started to take effect, the curves started to bend. So, they are now almost parallel to the 30-day doubling time line; whereas when they started, they were near the three-day line.

For Luzon, they started curving much earlier, most are almost flat now; for Mindanao, same thing. For the mortality doubling time of Mindanao, it actually exceeded the seven-day line. So, the recent hotspot now is in Visayas, so although it slowed down early and was parallel to the seven-day line, it remained parallel until now. It has exceeded the seven-day line, so this is an area we have to watch out closely.

Next slide, please.

USEC. VERGEIRE:  Doc? Dr. Wong, excuse me, I’m sorry. Can you please repeat the previous slide, Doc, hindi daw nag-show sa screen kasi kanina.

That one, thank you.

DR. WONG: Ah, okay. So, this is an epidemic curve broken down in terms of which cases are from NCR and which cases are from outside NCR. So, I just wanted to call your attention to the latter part of the graph that shows the cluster of cases that contributed to the recent uptick of cases. So, we have two clusters: In Cebu City and one cluster in Mandaue City.

Next slide.

So aside from case doubling time, the other indicator we’re using to classify the risk level of the provinces and cities is critical care utilization. As we know, the reason why we apply ECQ is to buy time for the health system. So this is the more recent data which shows across all the regions what is the status of their utilization of critical care resources. Low utilization is better, meaning, we have higher reserve capacity.

So most of the regions are in the safe zone, we have about four or five regions that are in the warning zone but none of them are in the danger zone. So again, because of the ECQ, we have been able to buy time for the health system as we continue to build health system capacity.

Next slide.

So using these two indicators, this is how we classify the different LGUs, provinces and cities. So we start looking at the size to the outbreak. If they have small outbreaks, outbreaks that do not exceed the thresholds listed there, we just use critical care utilization rate to classify them; case doubling time would not be used anymore. So we have low utilization, we are in low risk level; if they have high utilization, they’re the acceleration level, high risk level.

However, if they have outbreak sizes which exceed the thresholds, then we start also applying the case doubling time as a criteria. Slow outbreaks, outbreaks that double more than thirty days are low risk except if they already have high utilization rate; whereas fast outbreaks are always classified as in the acceleration phase or high-risk.

Next slide.

That was my last slide. Thank you, USec.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, USec. Vergeire and Dr. John Wong.

Uulitin ko po: Ang Metropolitan Manila/NCR, Probinsiya ng Laguna at ang Siyudad ng Cebu ay mapapasailalim sa Modified ECQ. Ibig sabihin, ECQ pa rin po bagama’t may kaunting mga industriya na hahayaang magbukas at magkakaroon po tayo ng pinal na listahan ng mga industriya bukas, hanggang 50% ng workforce, at mayroon din pong limited na transportation services na maa-allow.

Pero mayroon pa rin pong mga lugar dito sa Modified ECQ na mananatili sa ECQ. Ito po ay mga barangay o mga zona ng mga barangay kung saan mananatili po ang ECQ kasama na rin po iyong mga areas na nakapaligid dito sa mga critical zones na ito na tinatawag nating containment zones. Kung ano itong mga areas na ito, hahayaan po natin iyan sa mga lokal na pamahalaan in coordination with the regional IATFs.

Sige, mga tanong na po tayo. Maricel Halili? 

MARICEL HALILI/TV5: Hi, sir. Magandang hapon po. Sir, ilang paglilinaw lang. Nabanggit ninyo po kanina na nagdesisyon na si Presidente doon po sa Social Amelioration Program na naka-focus na siya doon sa mga ECQ areas. Pero ano po iyong plano natin doon sa mga manggagawa na nasa GCQ area pero hindi pa rin po puwedeng magtrabaho kagaya po ng mga nagtatrabaho sa mga gym at saka po mga luxury stores? 

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po wala pa pong rekomendasyon ang IATF diyan pero I’m sure bibigyan po iyan ng rekomendasyon. Sa ngayon po, ang ating inuubos muna ay iyong sa first tranche at mayroon na po tayong 92.30 na nabigyan na noong first tranche.

Pangalawa po, bibigyan pa natin ng ayuda iyong natitirang limang milyones na sabi ni Presidente dapat mabigyan dahil hindi napasama doon sa unang listahan ng 18 million at saka siyempre po, iyong ayuda na ibibigay natin doon sa mga areas na nananatili sa ECQ.

Hayaan ninyo muna nating tapusin po ito at puntahan natin iyong mga ayuda kung mayroon man doon sa mga GCQ areas na hindi nakapagtrabaho po. 

MARICEL HALILI/TV5: Sir, paano naman po doon sa mga areas na hindi na under quarantine? I understand nabanggit po kanina ni USec. Vergeire na mayroon pa rin pong susundin na minimum health standard. Pero in terms of the industry and activities, ano po iyong magiging limitasyon nila? For example, kung 100% na papayagan na magbukas iyong mga businesses doon sa areas na iyon, pati po ba iyong mga religious activities, for example, will they be allowed to conduct such things? 

SEC. ROQUE:  Ang mga religious activities po, lilinawin pa po iyan ng IATF. Pero ang masasabi lang po namin, maski wala po kayo sa community quarantine, kinakailangan po mag-ingat, mag-social distancing, mag-good hygiene. Dahil isang tao lang po ang pumasok sa inyong probinsya na mayroon pong COVID-19, napakabilis pong puwedeng kumalat iyan. So ingat pa rin po at sinusunod po natin ang sinasabi ng World Health Organization: Hinay-hinay, dahan-dahan, unti-unti.

MARICEL HALILI/TV5: Panghuli na lang po kay USec. Vergeire. Ma’am, I understand nagkaroon po tayo ng pag-ease ng mga restrictions doon sa ibang mga areas. Just to summarize po the presentation, does it mean that the transmission is now under control? And what are the chances of second wave?

USEC. VERGEIRE:  Yes, ma’am, thank you for that question. So hindi po natin sinasabi that we have already controlled, kaya nga po tayo ay magpapatupad ng ating mga minimum health standards na sinasabi. Although an area might be identified or classified as low risk, they still need to implement the minimum health standards that we will be providing na nandiyan po sa ating mga protocol.

Iyon pong posibilidad ng second wave, ito po ay isang bagay na gusto nating maiwasan at pinaghahandaan natin kaya nga po ganito po tayo mag-classify ng ating mga lugar at ganito po natin ipinatutupad ang shifting or transitioning from a GCQ to a low risk area to a moderate to low risk – hindi po natin binibigla iyan.

And ang lagi nga nating sinasabi, kahit na nagpapakita na po ng indikasyon na maganda, because case doubling time is humahaba na po ang ganoon, ang ating mga case doubling time at critical care utilization sa ibang lugar ay makikita po natin na talagang nakakapaghanda na at nakakaagapay – hindi pa rin ho tayo puwedeng maging complacent, kailangan pa rin tayong vigilant, kailangan pa rin gawin lahat ng minimum health standards so that we can prevent further infections.

SEC. ROQUE:  Maricel, idadagdag ko lang ‘no, talagang ang solusyon lang dito sa COVID-19 ay bakuna at gamot. Habang walang bakuna, habang walang gamot, mayroon pa rin po tayong problema. Kahit anong classification ninyo, kinakailangan ilagay ninyo po sa inyong mga isipan – habang walang vaccine, habang walang gamot, mayroon pa ring banta.

MARICEL HALILI/TV5:  Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE:  Next question kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Secretary, from Aileen Taliping of Abante Tonite: Marami pong barangay officials ang hindi sumusunod sa utos ng DILG na ipairal ang transparency sa mga pamamahagi ng SAP lalo na sa mga malalayong probinsya. Hindi daw po nagpapaskil ng mga listahan kung sinu-sino ang mga nabigyan ng tulong dahil ang ilan sa mga ito kamag-anak umano ng chairman o ni kagawad. Maaasahan ba natin na sa mga susunod na araw may masasampolan na daw ang DILG dahil sa pagsuway sa inilabas na direktiba?

SEC. ROQUE:  Well, sa katunayan, 183 cases na po ang iniimbestigahan ng ating DILG dahil ang talagang mensahe ng Pangulo sa mula’t mula pa inaasahan niya na mayroong magkakana nitong ayuda na para sa mga pinakamahihirap sa atin ‘no. Kaya ang kaniyang mensahe sa DILG, sa kapulisan, sa NBI, kinakailangang sampolan iyang mga gumagawa ng kababalaghan dahil kinakailangan magsilbing halimbawa na hindi po pupuwedeng kanain ang pondo para sa pinakamahihirap.

Si Joseph Morong.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Hi, sir. Good afternoon. I know this is Zoom, sir, huwag mo muna pong imu-mute ha, I have several set of questions.

SEC. ROQUE:  I’m sorry we have to limit it. Just one question and follow up dahil napakadami pong mga questions. Sorry po.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sige lang, sir. Anyway, okay … Right now, we have—basis lang muna ‘no, premise. We have non-GCQ, GCQ, Modified ECQ, and within Modified GCQ may ECQ that we know. Apat na classification, yes?

SEC. ROQUE:  Yes.

JOSEPH MORONG/GMA7:  All right. I’m interested first doon sa GCQ, sir, iyong movement within ECQ because marami ng mga provinces and public transport. Puwede na po ba iyong mga commercial flights between GCQ-GCQ areas and GCQ-ECQ areas?

SEC. ROQUE:  Until the 15th po, wala pang commercial flights. But I’m sure the relevant transportation authorities will come up with the guidelines pagdating po ng May 16.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay. So land and sea travel, sir, wala pa tayo? I mean, iyong air and sea travel, coming up?

SEC. ROQUE:  Wala pa po, pero I’m sure magkakaroon na po ng guidelines para unti-unti po mabuksan na ang transportation sectors lalo na iyong biyahe between GCQ and GCQ.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, interaction, GCQ-ECQ. A worker is working in a GCQ area, Batangas for example or Cavite nasa GCQ sila, pero he lives in an ECQ area like Metro Manila or kahit ‘di Manila – papaano iyon, puwede siyang tumawid?

SEC. ROQUE:  Well, mayroon na po tayong panuntunan diyan. Depende po sa industriya na pinagtatrabahuhan niya, kung ito po ay indispensible, magpapakita po ng employment certificate. Pero alam ninyo naman po, quarantine po iyan, iniiwasan talaga natin iyong pagpasok at paglabas ng mga tao. Pero kung kinakailangan po talaga sa pagtatrabaho, mayroon na po tayong rule na kapag between ECQ and GCQ, basta indispensible industry na hinayaang magbukas, pupuwede pong tumawid ang mga manggagawa. Magdala lang po ng ID na nagpapatunay na kung saan sila nagtatrabaho at ID magpapatunay kung saan sila nakatira.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, one last question for you. Iyong mga no quarantine measures, ibig sabihin balik na sila sa dati nilang buhay?

SEC. ROQUE:  Hindi po, kasi hanggang walang vaccine kinakailangan minimum health standards. Iyong mga minimum health standards – social distancing, good hygiene, temperature control, temperature checks at iba pang mga pini-prescribe po ngayon ng DOH.

USec. Vergeire, can we have you enumerate the minimum health standards please.

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Ang minimum health standards po natin ay may apat po na classification ‘no, progressing into the higher levels of management. Ang unang-una po is we have to, this increased physical and mental resilience. So it starts with the individual, pinapalusog ang katawan, kailangan both physically and mentally.

The second would be reducing transmission. Ito po iyong ating mga personal protective measures like hand washing, cough etiquette. Nandiyan na rin po iyong kapag mayroon na kayong sakit, huwag na kayong lalabas para makapanghawa pa sa iba. Nandiyan din po iyong disinfecting our environment, that’s part of reducing transmission

The third is reducing contact – Ito po iyong physical distancing natin, ito po iyong limitations in the movement of people. Ito po iyong ating mga architectural and engineering controls that we will implement especially in public places or workplaces and establishments para po nagkakaroon ng pagkakahiwa-hiwalay ang mga tao.

And the last would be reducing the infectiousness or the duration of infection – Ito po iyong strategy natin for isolation, that once you identify a person who is symptomatic, you need to already assess and then isolate the patient or do quarantine para po ma-prevent na ang lalo pang paglaganap ng impeksiyon.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Sir, kay Usec. Vergeire, one question?

SEC. ROQUE:  Go ahead, last question.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay. Ma’am, good afternoon. Ma’am, iyong sa data po natin na pini-present, 11,000 na infection. Would you say na iyon po iyong mga number ng individuals/Filipinos that have been infected by COVID? Is this the real data, real picture?

USEC. VERGEIRE:  Well, sa ngayon, sir, that is what we are getting as a result of our testing. Pero ang sinasabi nga po natin, once that we still can expand testing because of our increasing capacity in our health system, we will be seeing more. Kaya nga ang sabi po natin sa mga tao, huwag po tayo mababahala kasi for the next days or weeks, makikita po nating tataas pa rin ang kaso lalung-lalo na po na tumataas na ang kapasidad natin para mag-test ng mga tao.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Ma’am, with the relaxation of some of the measures ‘no, hindi pa ba tayo worried doon sa interaction between an ECQ area and a GCQ area? Meaning, are we not worried about a second wave?

USEC. VERGEIRE:  Well, our safeguard for this will be the implementation and the enforcement of the minimum health standards that we have identified. If we can implement properly these minimum health standards and then we will have that safeguard or assurance na iyong ating paglaganap ng impeksiyon ay mako-control or mapi-prevent natin.

JOSEPH MORONG/GMA7:  Okay, ma’am, thank you for your time. Secretary, thank you for your time.

SEC. ROQUE:  Usec. Vergeire, you have clarifications on the areas daw? Anyway, next questions please. Kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Question from Vanz Fernandez of Police Files and DZRJ. Sinabi daw po ng Fitch Solutions Country Risk and Industry Research na ang tingin nila ang ekonomiya ng Pilipinas ay possible daw pong magkaroon ng recession. Ano ang plano daw po ng pamahalaan?

SEC. ROQUE:  Well, iyan naman po ay inaasahan dahil nagsarado nga tayo ng dalawang buwan at ngayon may mga areas pa na mananatiling sarado. So, ang gobyerno naman po ay mayroong plano. Unang-una po ay buksan natin muli iyong Build, Build, Build Program natin  at ito po iyong tinatawag na fiscal strategy – paggamit po ng national budget para po mag-create ng economic activities.

At pangalawa po, iyong ating mga monetary policies ay sinisuguro po ng ating Bangko Sentral na sapat po ang salapi na umiikot, binababa po natin ang interest rates at saka iyong mga liquidity requirements ng mga bangko po ay ini-ease up natin iyong mga deposit requirement nang mas marami pong pera na umikot sa ating ekonomiya. Inaasahan po natin iyan. Pero ang istratehiya po ng ating NEDA at ng Department of Finance, magkakaroon tayo ng tinatawag na V shape, bababa po talaga ang ating ekonomiya, pero tayo po ay tataas naman at inaasahan natin na mabilis ang ating pag-recover matapos po itong mga quarantines.

Use. Vergeire, may clarifications po sa mga areas?

USEC. VERGEIRE:  Yes, Sec. Can we have the question? What would be they want to clarify?

SEC. ROQUE:  Iyong clarification daw po on the high risk areas?

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. Ito pong high risk areas na na-identify at nandiyan po sa ating mga datos ngayon, ito pong Cebu City, ang Laguna at saka po iyong ating mga cities and municipalities here in the National Capital Region. Ito po lahat ay pagdedesisyunan bukas ng ating Inter-Agency Task Force base po sa mga rekomendasyon pa nailagay at saka diskusyon na gagawin. So, bukas pa po natin malalaman kung ano po talaga iyong magiging final for these high risk areas.

SEC. ROQUE:  Nais ko lang susugan iyan. Alam naman ninyo kasi, tabi-tabi ang ating mga munisipyo at mga siyudad ‘no. So, bagama’t ikaw ay nasa labas ng Metro Manila, kung ang katabi mo ay isang zona o mga grupo ng mga barangay na mataas ang insidente, maski ikaw ay wala sa Metro Manila proper ay pupuwedeng mapasama pa rin kayo dahil depende po iyan sa zona na made-determine ‘no.

So hayaan po ninyo, bigyan ninyo nang sapat ng panahon at magkakaroon po talaga ng identification kung ano na iyong mga areas. At gaya ng aking sinabi, iyong mga areas naman na mananatiling ECQ, iyan po ay idedeklara ng mga lokal na mga opisyales.

Pia Gutierrez?

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  (Garbled) doon sa mga areas …kung ano ang mangyayari doon sa mga areas outside community quarantine. You said that as long as minimum standard are present, may mga activities na puwede. But are physical classes allowed to resume under these areas? Tourism activities, malls and restaurants, will they be allowed to operate?

SEC. ROQUE:    Well, unti-unti po, hinay-hinay, wala pa rin po iyong mga ganyang aktibidades. Ang klase po nagdeklara na ang DepEd, August 24 po ang panimula at pati po iyong mga higher education learning institutes ay wala pa rin pong face-to-face classes iyan. They need to tap flexible learning processes, pero sa ngayon po, hindi pa rin po. Iyan po ay alinsunod na rin sa pag-aaral na iyong mga kabataan talaga bukod sa mayroon silang vulnerability eh sila iyong pinakamalikot kumbaga. They have very high mobility at sila iyong puwedeng magkalat ng virus na ito.         

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So, sir, iyong seniors and minors, will they be allowed to go around, to go outside their houses?

SEC. ROQUE:  Para ito sa mga normal areas ‘no, again kung hindi naman kinakailangan, habang walang vaccine, habang walang gamot, we encourage you to stay home. Although, hindi na kayo pauuwiin ‘no, but still we encourage you to stay home

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Sir, iyong governors doon sa mga areas outside community quarantine, will they still have the power to impose lockdowns in their municipalities to prevent infection if they feel na there is a need to do so?

SEC. ROQUE:   Mayroon pa rin po ganyang kapangyarihan ‘no dahil alam naman natin na ang mga lokal na opisyales know better kung ano ang nangyayari sa  areas  nila, but this must be done in coordination with the regional IATF.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  Sir, last question. You said that bukas pa po i-identify which industries will be allowed to operate. Pero ano po iyong magiging basis natin to determine which agencies and which forms of public transportation will be allowed to operate under the modified ECQ?

SEC. ROQUE: Well, under ECQ, alam naman natin na mayroong mga indispensable industries na nagpapatuloy ‘no – iyong pagkain, iyong mga BPOs at iyon iba pa, iyong mga hospital. Tapos maroon na ring industriya under ECQ na pinayagan – iyong mga priority projects ng gobyerno, iyong mga related to climate mitigation. So lahat po iyong industriya na pinapayagan sa ECQ, papayagan din under modified ECQ. Pero magkakaroon ng additional industries, bukod doon sa mga priority projects na hahayaan na ring magbukas, at malalaman po natin iyan bukas.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN:  So what will be our basis, sir, to determine which additional industries will be allowed to operate?

SEC. ROQUE:  Of course, the first and foremost is the ability to observe social distancing, good hygiene at saka siyempre iyong contribution po the economy.

USEC. IGNACIO:  Secretary, dalawa iyong question ni Francis Wakefield ng Daily Tribune. Kung retained daw po ang ECQ sa Metro Manila, Laguna (garbled) may ine-expect po bang tulong pinasyal ang mga tao outside the first and second tranche ng SAP? May pondo po ba ang government? Iyong decision po to retain Metro Manila under ECQ ay dahil kinonsider ang proposal ng Metro Manila Mayors at dahil mataas pa rin ang COVID cases?

SEC. ROQUE:  Well, nakita po ninyo, flinash [flashed] namin kanina kung ano iyong rekomendasyon ng mga mayor. At if we could flash it again, parang in parallel naman po ang mga rekomendasyon ng mga mayor at itong naging rekomendasyon ng IATF. Ang pagkakaiba po sa kanila, gusto nila GCQ for NCR but LGUs are allowed to lockdown barangays as needed. Ang na-impose po ngayon is modified ECQ. So it is not ECQ as we know it; it is now GCQ as we know it. It is someone in between; it is a transition. It is a transition phase po ‘no at ini-envision natin na pagdating siguro na matapos ang one month ay makakapunta na tayo lahat sa GCQ ‘no.

So in that sense, napakinggan po talaga ang hinaing at kagustuhan din ng ating mga lokal na opisyales. Pero, again, binase po ito sa siyensiya, binase po ito sa pagkalat ng sakit at saka iyong capability na magbigay ng critical care at saka iyong impact sa ating ekonomiya.

USEC. IGNACIO:  Comment daw po from Malacañang (garbled) sa isang netizen who posted in social media that he will grant 50 million pesos to anyone who will kill President Duterte. Ano po ang reaksiyon ni PRRD tungkol dito?

SEC. ROQUE:  Well, iyan po ay nasa kamay na ng ating mga law enforcement agencies. Hayaan po nating gawin nila ang trabaho nila. Kung mayroong prima facie case or any case, kasuhan siya at mabibigyan naman po siya ng pagkakataon na patunayan na hindi siya nagkasala sa ating hukuman sa takdang panahon.

USEC. IGNACIO:  From Bella Cariaso of Bandera. Paki-clarify po sana iyong announcement ni President Duterte about sa NPA, nag-offer po siya ng two million na pabuya sa kada mahuhuling NPA commander. Iyong change ng identity, applicable ba iyon sa mga matuturong NPA members?

SEC. ROQUE:  I think iyong change of identity has something to do doon sa Witness Protection Program ‘no, kasi pupuwedeng mabigyan ng new identity. Antayin po natin iyong guidelines na iisyu ng Department of National Defense at saka ng security cluster para sa ganyang anunsyo.

USEC. IGNACIO:  Tanong pa rin ni Bella Cariaso. Sa UP study na 24,000 ang tatamaan ng COVID at 1,700 ang mamamatay by June kung sakaling may premature lifting ng lockdown, kinonsider ba ito sa naging desisyon? At based doon sa study, ang weakest link kaya hindi pa rin nagkakaroon ng flattening of the curve ay iyong failure sa contact tracing. Ina-admit po natin ito at paano daw po ito maa-address?

SEC. ROQUE: Well, unang-una, obviously pinakinggan natin ang siyensiya kaya nga po Modified ECQ pa rin tayo. Naka-ECQ pa rin po tayo bagamat bubuksan natin iyong mas marami pang mga sektor ng ating ekonomiya. But we continue to be in ECQ because of the continuing threat.

Pangalawa po, nagtalaga po tayo ng “T3 czar” – si Mr. Vince Dizon at ang kaniyang katungkulan po ay Test, Trace and Treat – dahil alam natin na moving forward, hanggang hindi natin nalalaman kung nasaan ang kalaban at ang kalaban ay iyong sakit nga, hindi natin maa-isolate at hindi natin magagamot iyong mga nagkakasakit.

So, asahan ninyo po kasama po iyan sa overall strategy ng ating gobyerno, in fact, iyan nga po iyong strategy natin ngayon – T3 (Test, Trace and Treat.)

Trish of CNN Philippines.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi, Secretary. Good afternoon po. Sir, may papasok po kasing bagyo and although hindi pa na determined kung saan iyong areas ang tatamaan, paano po nito maaapektuhan iyong pag-i-implement noong minimum health standards or minimum health requirements doon sa mga areas na kailangang mag-evacuate like for example in the Bicol Region which is now under GCQ na po or starting May 16 under GCQ na po?

SEC. ROQUE: Well, kinakailangang po talagang subukan pa rin iyong minimum health standards lalung-lalo na iyong social distancing dahil ito pa lang ngayon po ang puwede nating gawin para mapabagal iyong pagkalat ng sakit. Alam ko po napakahirap na mayroon tayong COVID-19, mayroon na naman darating na sakuna, na bagyo pero sama-sama, tulong-tulong, kaya po natin ito. Ang intindihin lang po natin na hindi normal ang mga pagkakataon. Bagamat mahirap iyong mga magre-relocate, kinakailangan po mayroon pa rin kahit papaanong effort na magkaroon ng one meter distance sa isa’t-isa.

TRICIAHTERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you, sir. Sir, this question is for Usec. Vergeire. Ma’am, since iyon nga po may papasok pong bagyo and season po na medyo mas maraming nagkakasakit, paano naman po maaapektuhan iyong protocols natin in testing. Kung halimbawa po maraming magkakatrangkaso, paano natin madi-discern kung sino po iyong mga dapat i-test lang considering na medyo pareho po iyong magiging symptoms?

USEC. VERGEIRE: Kahit naman wala iyong bagyo, kahit nasa ordinaryong time pa lang tayo ngayon, ginagawa na natin iyan, iyong symptomatic identification of cases, kung saan lahat po ng magkakaroon ng ganitong sintomas ay nagkakaroon tayo ng mas mataas na suspetsa para sa kanila.

Kapag pumasok po ang tag-ulan, nandiyan na po iyong pagpasok ng iba’t-ibang mga sakit, mayroon ho tayong tinatawag na pathways para po sa ating management. We have our COVID and our non-COVID pathways kung saan maaari nating ma-determine kung sino ang dapat para sa COVID pathway at sa non-COVID pathway sa pamamagitan ng tele-medicine; ito ang gagamitin ng ating mga kababayan para sila ay matingnan.

As to what would be the difference between or how we can differentiate a patient who’s exhibiting other diseases aside from the COVID, kailangan pa rin po natin na matingnan maigi through testing. And of course, we need to isolate them kahit na alam po natin na—we need to be very, very suspectful. Kailangan po na kapag ganoon ang ipinapakita not because it’s the rainy season ay hindi po natin siya iko-consider as related to COVID. Lagi po tayo dapat, high index of suspicion especially if they are exhibiting COVID-related symptoms.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But for example ma’am, I’m an individual experiencing symptoms, ano po iyong una kong dapat gawin? Should I have myself tested or iyong isolation na lang po muna?

USEC. VERGEIRE: Well, unang-una, kailangan ho nating malaman ang exposure history or maybe history of travel within the Philippines where there is this high level of cases. Pangalawa, puwede ka namang tumawag sa iyong tele-medicine provider. Mayroon kaming ibinibigay araw-araw na mga telepono para makatawag.

Pero what would be important for those who are experiencing symptoms right now, kailangan nilang mag-isolate at tumawag at sila ay ma-assess ng atin pong mga barangay health emergency response team. Nandiyan iyong mga doktor ng local government units natin para masabi natin talaga kung ikaw ay kailangang i-test o hindi.

TRICIAHTERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you po.

SEC. ROQUE:  Okay. Next question, please. USec. Rocky?

USEC. ROCKY: Okay. From Julie Aurelio ng Inquirer: The Wow China program, a Chinese cultural program on Radyo Pilipinas was severely criticized by netizens over the weekend. Can I get your comment on some netizens criticism against the program that it is furthering Chinese propaganda? Others complained that while ABS-CBN has to go off the air and Philippine government radio station is airing a pro-China program and content.

SEC. ROQUE:  Well, unang-una po, that’s part of the free market place of ideas. Hayaan na po natin bumuo ng sariling opinyon ang ating mga kababayan diyan sa inereng advertisement na iyan o programa.

Pangalawa po, hindi ko po programa iyan sa Office of the Presidential Spokesperson, I would direct your queries to the PCOO, Secretary Martin Andanar.

Next question, please. Melo Acuña.

MELO ACUÑA/CCTV: Good afternoon, Secretary! Good afternoon! Can you hear me now?

SEC. ROQUE: Yes, I can hear you.

MELO ACUÑA/CCTV: Good afternoon, Secretary. Thank you. What are the protocols for public transport if we are to observe social distancing? Will that result in higher transport fares as limited passengers will impact on the viability of their enterprise?

SEC. ROQUE: One meter social distancing po sa public transportation. Kinakailangan bus tapos iyong taxi lang, iyong mga Grab, at wala pong dapat kasabay iyong mga naka-motorsiklo, so bawal pa rin po ang Angkas at saka iyong back ride.

So, sa ngayon po ang sabi ni LTFRB hindi pa sila nag-a-authorize ng increase ng pamasahe, so as is where is po ang ating pamasahe.

MELO ACUÑA/CCTV: Ah, okay. Hindi po apektado iyong viability noong enterprise, Secretary?

SEC. ROQUE:  Sa ngayon po, hindi pa, iyan po ang deklarasyon ng chairman ng LTFRB.

MELO ACUÑA/CCTV: For Usec. Vergeire. Good afternoon, Usec. Si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamiz requested me to ask you this question: What’s your guidance on the possible protocols sa pagbubukas ng Simbahan at iba pang houses of faith under the current situation? What are your recommendations?

USEC. VERGEIRE:  Yes, sir. We have our minimum health standards na ipinalabas na po natin itong polisiya na ito kung saan nandiyan po iyong ating mga nirerekomenda na kailangan na gawing health standards for different settings at kasama na po diyan ang ating mga Simbahan po or mga places of worship.

Nandiyan na po iyong ating sinasabi, iyong atin pong physical distancing of course, kailangang may mga espasyo sa mga pews. Kailangan din po iyong ating—ilan lang po ang kailangang i-allow sa loob ng simbahan and marami pa ho na nakalagay diyan sa polisiya na iyan. So, kailangan lang hong ipatupad para po mas hindi na lumaganap ang impeksiyon.

MELO ACUÑA/CCTV: Thank you very much. For Secretary Roque: In support of President Duterte’s campaign for good government, have you already alerted the Commission on Audit to do post-audit on LGUs kung papaano nila dineliver iyong SAP sa kani-kanilang mga nasasakupan?

SEC. ROQUE:  Well, alam ninyo po, trabaho talaga iyan ng COA na mag-conduct ng post audit, in fact, that’s the only thing that they do. But we will, of course, put pressure in them to validate, lalung-lalo na iyong listahan ng DSWD and to validate na nakuha iyong ayuda for the intended beneficiaries.

MELO ACUÑA/CCTV: Thank you very much, Mr. Secretary. All the best!

SEC. ROQUE: Thank you. Rocky?

USEC. ROCKY: From Rose Novenario of Hataw: Sinabi ninyo dati iniimbestigahan ang naganap na leakage ng IATF Resolution No. 30 at parurusahan ang responsable. Kagabi po naulit ito at nagkalat sa social media ang umano ay aprubadong IATF Resolution No. 35. Dumaraan po ba sa maayos na background check ang mga may access sa confidential documents ng IATF at Malacañang, considering na mga batikang retiradong heneral ang mga nasa Task Force? Hindi po ba itinuturing ito na paglabag sa security protocols ng Malacañang?

SEC. ROQUE: Well, iimbestigahan po natin iyan pero what I can say is iyong mga kumalat na mga ‘di umano’y resolution ay hindi naman po accurate. Gaya ngayon, ang dami-dami kong nakita nagpapa-confirm na ECQ daw ang ilang mga lugar sa Manila, fake news naman.

Kaya nga po araw-araw tayong nagpe-press briefing, araw-araw tayong humaharap sa media para po may pagkakataon na sabihin kung ano ang katotohanan at labanan ang fake news na iyan.

Pero ganoon pa man, pai-imbestigahan po iyang alleged leakage, ang problema lang namin eh iyong ni-leak fake news naman, so parang walang leakage.

Next question, please? Rocky?

USEC. ROCKY: From Aiko Miguel ng UNTV: What are the stringent measures that should be implemented once cities are lifted to GCQ? Are there cities that qualified to be lifted to GCQ based on their health system to address COVID-19 cases?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po iyong ating palatuntunan talaga is based on Science, so paulit-ulit po tayo diyan. It’s the doubling rate of the disease, iyong critical care capacity ng lugar at iyong impact sa ekonomiya.

So, iyong mga siyudad na nasa GCQ na, you’re still on community quarantine kaya nga lang po eh, talaga iyong katotohanan na kinakailangan buksan na unti-unti ang ekonomiya pero sumusunod po tayo sa sinasabi nga ng WHO – unti-unti, dahan-dahan at hinay-hinay.

USEC. IGNACIO: Second question niya: How are we going to achieve the 30,000 tests per day goal by May 30? How many laboratories are needed to reach this target?

SEC. ROQUE: Well, sinimulan po natin iyong mga mega swabbing facilities pero ang katotohanan po ay we need around 70 laboratories to reach 30,000 a day. We will get there by hook or by crook. It is the only way po na malaman natin kung nasaan na ang ating kalaban.

USEC. IGNACIO: Okay. From Tina Mendez of Philippine Star: Kung magpapatuloy po ang ECQ sa maraming lugar, may kakayahan pa daw po bang magbigay ng ayuda at SAP ang gobyerno? Marami na po sa mga nagtatrabaho ang ubos na ang leave for this year at marami na ang nasa category na no work, no pay, baka hindi na kayanin kahit na may trabaho pang masasabi ang tao dahil sa wala na pong income ang mga kumpaniya.

SEC. ROQUE: Well, sa ngayon po, sapat naman iyong ating pamigay sa ayuda. Pangalawa po, kagaya ng sinabi ko, mayroon na po tayong listahan ng mga pondo ng iba’t ibang ahensiya na pupuwedeng ma-realign. So gagamitin po natin iyan for COVID-related activities.

Ang ating pang-ayuda naman po ay talagang valid po iyan ‘no for two months at saka mayroon pa po tayong natitirang pondo na galing po doon sa DOF, iyong small and business scale assistance – ang tawag ay Salary Subsidy Program na sapat po iyan para sa dalawang buwan, iyan po ay 51 billion pesos ‘no.

So sa ngayon po, we’re doing fine. Kaya lang po, hindi natin alam kung gaano katagal itong problemang ito. Iyong mga nagtatanong, mayroon pa bang ayuda iyong sa mga areas na mapapasailalim ng ECQ? Siyempre po, hahanap tayo ng paraan para magkaroon ng ayuda. Ang pangako ng Presidente, ibebenta niya ang CCP kung kinakailangan. Pero magbibigay po tayo ng tulong sa mga nangangailangan, lalung-lalo na iyong mga areas na mananatili sa ECQ.

USEC. IGNACIO: Question from Kris Jose of Remate: Ilan na daw po ang LGUs na nakapag-comply sa May 10 deadline na binigay ng DILG para sa pagbibigay ng first tranche ng SAP at ilan po ang hindi nakapag-comply? Marami po daw kasing residente ang patuloy na nag-aabang na makakuha ng ayuda sa pamahalaan kagaya daw po ng insidente sa Quezon City na madaling araw pa lang ay nakapila na pero wala pong makukuhang ayuda.

SEC. ROQUE: Gaya ng sinabi ko po, sang-ayon po sa DSWD, 92.30 na po nung first tranche ang nailabas natin at nakarating na sa ating mga kababayan. Ang gagawin po ng DSWD, unang-una, iyong mga LGUs na hindi pa nakakapagbigay ng lahat ng ayuda, ipagpatuloy; hanggang hindi po binabawi ang pondo, ibigay po iyan.

Pangalawa, iyong mga LGUs na hanggang 80% pa lamang sa ngayon ang nabibigay na ayuda, sila po iyong bibigyan ng show cause letter – bakit naman 80%, halos matatapos na ang dalawang buwan ay hindi pa rin nakakarating sa ating mga kababayan. So there will be a show cause letter po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po para kay Usec. Vergeire from Daily Inquirer: Ano daw po ang current inventory sa NCR ng isolation, ICU, ward beds and mechanical ventilators? Sinabi daw po ni Usec. Vergeire earlier na malapit nang maabot ang maximum capacity sa NCR, paano po ito ina-address?

USEC. VERGEIRE: Mayroon na ho tayong nilalabas sa situational report natin everyday kung ilan po iyong ating mga critical care equipment and facilities. Nandoon po siya sa ating website sa DOH. Sa ngayon po, for the National Capital Region, mayroon ho tayong imbentaryo kung saan ang gamit ng mechanical ventilators is almost 70% already, but for the rest like ICU beds, isolation beds and COVID-ward beds nasa almost 50% pa lang ho tayo. So marami pa hong available sa National Capital Region.

SEC. ROQUE: Okay, second to the last question siguro. At huwag po kayong mag-alala, bukas, araw ng Wednesday, magkakaroon din po tayo ng press briefing at mag-iimbita pa rin tayo ng ilang mga kasama sa Gabinete. Baka ang DILG po at saka ang National Task Force ay maimbitahan din natin bukas.  Yes, second to the last question.

USEC. IGNACIO: Secretary, isang tanong na lang po kay Usec. Vergeire. For Usec. Vergeire and then may isa pa pong tanong for Secretary Roque. Ano daw po ang current reproductive rate ng virus? Nag-improve na ba ito since ECQ? Anong areas daw po sa bansa ang mataas or nag-worsen ang reproductive rate? Kasama ba ito sa factors on deciding on the extension or non-extension ng ECQ? For Usec. Vergeire.

SEC. ROQUE: Ang tanong po ay mayroon ba hong relasyon ang reproductive rate ng virus doon sa naging desisyon natin sa mag-impose ng Modified ECQ?

USEC. VERGEIRE: Yes, sir. May I ask Dr. John Wong to provide us with his inputs on this, sir?

DR. WONG: So the basic reproduction number determines how many other persons, an affected person will infect ‘no. So before we imposed the ECQ, the reproduction number was high, maybe around three. But lately, because of the ECQ, in NCR, it has gotten down to almost a little above one. Thank you.

SEC. ROQUE: Okay? Last question?

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary. Tanong ni Julie at ni Tuesday, pareho lang po, Secretary: Can students and stranded Metro Manila residents, puwede daw po bang mag-travel to Metro Manila? Sabi rin ni Tuesday, iyon daw pong mga na-stranded sa probinsiya na wala ng quarantine ngayon since March pa sila stranded, um-attend ng team building, kung puwede na silang makabalik dito sa Laguna and Metro Manila under Modified ECQ? Ano daw po ang puwedeng gawin? At kung ang hardware stores allowed to open in Modified ECQ areas?

SEC. ROQUE: Sagutin ko muna iyong last question – yes, maski po sa ECQ ay allowed ang hardwares.

Doon po sa mga magbibiyahe, kinakailangan po ng clearances galing po doon sa lugar kung saan kayo magbibiyahe at sa lugar na pupuntahan ninyo. Kailangan po iyan ng mga LGU clearances.

Okay, so to emphasize po, uulitin ko lang po: Ngayon lang po namin isinapubliko itong mga lugar na nasa ilalim ng Modified ECQ dahil as we speak, ginagawa pa po iyong final list ng mga lugar na ito. Hindi naman po kami nag-embargo ng kahit anong impormasyon, sa katunayan po iyong resolusyon ng IATF, ngayon lang po din nailabas ‘no, iyong signed copy ng Resolution #35.

Since wala na po tayong mga katanungan, uulitin ko po, bukas ay mayroon din po tayong press briefing, araw ng Wednesday. Pero can we hear from Usec. Vergeire, your last words please before we end this presscon.

USEC. VERGEIRE: Yes, thank you, Secretary. Kami lang po ay nagpapaalala sa lahat bagama’t magkakaroon na tayo ‘no nitong ating pagri-relax ng ating mga stringent measures na inumpisahan mula po tayo ay nag-umpisa nitong mga quarantine, lagi po nating tatandaan, ang community quarantine ay isa lang pong measure na ginagawa natin; hindi lang ito ang makakabigay solusyon sa ating pagharap sa pandemyang ito. Ang importante po sa ating lahat ngayon ay maipatupad natin ang ating mga minimum health standards para po kung saka-sakaling tayo po ay mag-transition na nga po dito sa ating pagri-relax ng ating mga quarantine measures for the community ay maaari po tayong makaagapay within increasing infection and without increasing or furthering the transmission of this disease.

Let us remain to be vigilant. Maging alerto po tayo. Lagi po nating iisipin na ang ating gagawin para sa ating sarili ay makakaapekto nang madami at mayroong buhay na maililigtas kapag tayo ay sumunod lang sa mga pamantayan ng gobyerno. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Mga kababayan, unti-unti, hinay-hinay, dahan-dahan – iyan po ang ating ginagawa na proseso para makabalik tayo sa halos normal na mga panahon.

Uulitin ko po, wala na pong normal gaya ng ating nalalaman hanggang wala pa pong bakuna at habang wala pang lunas. Habang wala pa pong ganyang lunas, matakot po tayo sa COVID. Takot po ako sa COVID, mag-ingat po tayo. Magandang tanghali po sa inyong lahat.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)