Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Kinausap po kahapon, kagabi ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang taumbayan para sa kaniyang regular Talk to the People Address. Ang paglabas po ng ating Pangulo ay patunay na ang Punong Ehekutibo ay nananatiling fit, healthy, not to mention mukhang bumata sa kaniyang edad.

Muling nagpaalala si Presidente sa mga opisyal ng pamahalaan na alagaan ang pera ng taumbayan sa paglalagay ng safeguards sa pamamahagi ang ayuda. Alam naman natin na walang sinasanto si Pangulo pagdating sa usaping korapsiyon. ‘Sibak! Sibak! Sibak!’ ang kaniyang motto.

Kaugnay nito, ni-report ni DSWD Secretary Bautista na mahigit isa’t kalahating milyon na or 1,757,281 ang nabigyan at nakatanggap ng social amelioration assistance. Nasa pitong libo or 7,351 na indibidwal ang nabigyan ng tulong sa panahon ng krisis or crisis situation mula March 29 hanggang April 12, 2021. At nasa 26,363 naman po ang mga family food packs na ang napamahagi mula March 29 hanggang April 11, 2020.

Isa rin sa paalala ng Pangulo sa mga nasa pamahalaan ay gawin ang kanilang trabaho lalo na sa panahon ng pandemya. Sabi nga po ng Pangulo, ‘huwag kayong matakot gumastos; just follow the rules. Nandiyan ako sa likod ninyo and I will vouch for you if the transaction is legal and right.’ Sa madaling salita, act faster and move faster! – ito ang direktiba ng Presidente.

Makikita natin na sa naging aksyon ng Pangulo sa PhilHealth, ini-report sa Pangulo ni National Task Force Chief Implementer Secretary Galvez ang pagbayad ng PhilHealth nang halos sampung bilyon na pagkakautang sa mga ospital. Itong desisyon na ito ang isa sa inasikaso ni Presidente habang ang kaniyang mga kritiko ay nagpapakalat ng masamang tsismis sa kaniyang kalusugan.

Dahil sa direktiba ng Presidente sa PhilHealth, nabayaran ang mga ospital; nangako naman ang mga ospital natin sa NCR, Region III, Region IV-A na mag-i-expand sila ng ICU beds at COVID bed capacities.

Dagdag pa ni Secretary Galvez, mayroon tayong 1,395 ICU beds, at ang mga pangangailangan natin para sa severe at critical cases ay nasa dalawanlibong kama.

Makakasama rin natin po mamaya lamang si DPWH Secretary at Isolation Czar Secretary Villar para magbigay ng updates ukol sa mga karagdagang mga bed capacities.

Tungkol naman sa sinabi ni Presidente na iwi-waive niya ang kaniyang slot sa pagbabakuna, ito ay personal conviction ng Pangulo habang kulang pa po ang ating mga bakuna. Mauna na ang taumbayan, saka na po siya.

Sa ibang bagay, binati naman po ng ating Pangulo ang ating mga kapatid na Muslim sa okasyon ng Ramadan al Mubarak. Nagbigay ng mensahe ang ating Pangulo at hayaan ninyong basahin ko ang ilang bahagi ng Presidential message:

The entire nation joins our Muslim sisters and brothers as we commemorate the revelation of the Quran to the Prophet Mohammad. One of the Five Pillars of Islam, this period of fasting reminds us of the value of sacrifice, obedience and charity in our daily lives.

As we mark this holy occasion, I ask everyone to promote solidarity among all Filipinos by manifesting faith through action and by fostering peace, hope and unity as we face the most challenging of times.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Kasama po natin ngayon ang ating NTF Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez; ang ating NTF Deputy Chief Implementer and Testing Czar Sec. Vince Dizon; at ang ating DPWH Secretary and Isolation Czar Mark Villar.

Unahin po natin si Secretary Galvez. Sec., ano po ang latest update pagdating sa ating mga bakuna? The floor is yours, Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Sa ngalan po ng bumubuo ng National Task Force Against COVID-19 at ng vaccine cluster, isang magandang tanghali po sa ating tagapanood at tagapakinig. At magsyi-share lang po ako ng mga slides.

Kagabi po ay nag-report po tayo sa ating vaccine rollout, at ito po ang ating ni-report po na—sa ngayon po, tayo po ay pumapangatlo na po sa buong ASEAN region. At mula nang Number 8 po tayo na nagsimula, nasabi nga ng iba na tayo ay nagsimula po nang medyo nasa bandang dulo, pero sa ngayon po ay nasa pangatlo na po tayo. At mayroon na po tayong 1.2 milyon na na-vaccinate na po. Mayroon na po tayong 1,202,297 na na-vaccinate po simula pa po nang nagsimula po tayo noong March 1 until na nagkaroon tayo ng April 12 po.

Dadako naman po tayo sa ating mga negosasyon:

  • Sa Sinovac po, tuluy-tuloy po ang pagdaloy po ng support ng Sinovac, 25 million po ang ating ongoing negotiation.
  • At sa AstraZeneca, mayroon po tayong 17 million at ito po ay darating this coming June. Moderna po, mayroon po tayong 13 million doses sa government procurement at mayroon naman po tayong seven million para sa private sector.
  • Ang Novavax, inuulit ko po, mayroon po tayong 13 million doses at mayroon po tayong ini-negotiate po ngayon na 15 million doses for private sector and LGU.
  • Sa Johnson & Johnson, mapipirmahan na po natin ang ating kontrata sa supply agreement sa six million doses.
  • At ang Gamaleya po, malapit na rin po tayong magkaroon ng pirmahan na 20 million doses.
  • At ang magandang balita po ay nagkaroon po tayong ng re-negotiation with Pfizer. Tinitingnan po natin na baka magkaroon po ito ng kaganapan dahil nagkaroon naman po ng favorable … tinatawag nating comment ang ating DOJ for the indemnification at saka [garbled] clause.

So naroon po, mayroon na po tayong ni-negotiate na more or less 20 to 40 million at kapag nagkaroon po ng magandang result ang bilateral agreement po natin ay mayroon po tayong more or less na 2.4 million na COVAX na ibibigay ang Pfizer. Isa po ito sa pinakamalaki na ibibigay ng Pfizer sa COVAX, at iyan ay magandang balita pong iyan na kapag once na nagkaroon po tayo ng magandang negosasyon sa bilateral.

At ngayon po ay ito ang status ng ating rollout and deliveries, at sinabi ko po kanina na mayroon na po tayong 1,053,000 na Filipinos who have already been vaccinated. And tuluy-tuloy po ang ating vaccination at mayroon na po tayo na mga second doses, at mayroon na po tayong mga na-vaccinate na mga senior at saka mga mayroong comorbidities.

Sa ating April deliveries, on time pa rin po ang two million na delivery natin. Dumating po last Sunday ang 500,000, at darating po sa April 22 another 500,000 from Sinovac; then April 29, mayroon po tayong another 500,000 to make it 1.5 million. And then ini-expect po natin na mayroon po tayong 500,000 na Gamaleya this coming April.

At sa May delivery, mayroon din po tayo na inaasahan na 4.19 million, at parating po ang Moderna. At mayroon na rin po tayo dito sa June, tuluy-tuloy na rin po, mayroon tayong steady supply until such time na mag-stabilize po at ma-secure po natin ang ating mga deliveries this coming July until December.

So ito po ang atin pong simultaneous vaccination na ina-administer po ngayon:

  • Sa Metro Manila po, ginagawa po natin ang A1 plus A2 and A3 starting pa ng March. And then, iyong ibang mga areas na binigay natin iyong 500,000, nagkaroon na rin po tayo ng tinatawag nating leeway o flexibility na ang mga LGUs ay magkaroon po ng tinatawag natin na simultaneous vaccination.
  • This coming May, inuulit po namin na baka magkaroon na po tayo ng tinatawag na additional vaccine rollout na idadagdag na po natin iyong A4 at saka iyong A5, kung mayroon po tayong mga succeeding na manggagaling sa COVAX. Just in case na magkakaroon tayo ng mga limitations, we will still continue iyong A1 plus A2 and 3.
  • And then coming July na magkakaroon na tayo ng secured and steady supply ay maaari na po nating bakunahan ang general public at saka mga adult population starting on July.

So, mayroon pong nagsasabi na talagang baka hindi na natin makaya dahil kasi, ang atin pong target, during our target sa July at saka sa August ay magkaroon po ng tinatawag nating weekly na one million to two million.

Ito po ay nakikita po natin na sa tulong ng ating mga private sectors at tulong ng LGUs at saka national government, kaya po natin iyan dahil nakikita po natin iyong model na ginawa po ng Boston Consulting Group ay magkakaroon po tayo ng mga mega vaccination site at saka mayroon tayong tinatawag na middle-size na vaccination site at saka mobile site.

Kapag na-combine po natin iyon ay kayang-kaya po natin na magkaroon po tayo ng vaccination all throughout the Philippines, magkaroon tayo ng vaccination na 500,000 a day considering that we will be activating more or less 4,000 to 4,500 vaccination sites and we will activate more or less twenty-five to fifty thousand po na mga vaccinators.

So, ang ano po ng ating initial na limang major hospitals, sila po ay magdi-dedicate ng seventeen private sector vaccination sites sa NCR and also, they will dedicate thirty-two teams and all in all they are promising to have 100,000 jabs in first thirty days. Sa limang ospital po ito. Kung magkakaroon po tayo ng mga tinatawag nating mga hundred hospitals nationwide, lalaki po iyong ating volumes na magkakaroon ng vaccination.

Iyon lang po Spox at marami pong salamat. Over to you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Galvez. Puntahan naman natin si Deputy Chief Implementer and Testing Czar, Secretary Vince Dizon. Sir, naipatupad na po ba natin iyong mas pinaigting nating testing na gamit din po ang antigen? At paano po iyon, kapag ginamit na natin ang antigen, integrated lang ba ang resulta ng antigen doon sa total positive cases natin o magkakaroon po tayo ng hiwalay na bilang? The floor is yours, Secretary Vince Dizon.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Spox Harry! Secretary Galvez, Secretary Villar.

Opo ano, unang-una po, gusto ko lang pong i-report na kaninang umaga kami po ni Secretary Greg Honasan ng DICT ay nasa San Juan para i-launch iyong ating integrated system for vaccination. Ito po ay sinimulan natin sa bayan ng San Juan at ipinakita po kung gaano kabilis at gaano ka-integrated na iyong sistema. Sinabi nga po ni Mayor Francis Zamora na iyong dating twenty minutes bawat tao para mabakunahan, eh dahil po sa sistemang ini-install po ng DICT, ito po ay nakalahati po naging sampung minuto na lang.

At ito po ay mga ehemplo noong mga dashboard o mga report na ipinakita na rin ni Spox Harry. Ito po ay updated as of April 13, 9 AM, ngayong umaga po, umabot na po ng 1.203683 million ang total doses administered at kagaya po ng sinabi ni Secretary Galvez eh lumampas na po ng isang milyon ng ating mga kababayan ang nabigyan ng at least one dose.

Kung titingnan po natin iyong dashboard po para sa health care frontliners, iyong A1 health frontliners as of 9 AM din po, ngayon ito, mahigit one million doses na po ang na-administer kasama na po diyan ang first and second dose. Ipinapakita po talaga na napaka-importante ng ating mga A1 health frontliners.

Nangunguna po, makikita din po ng mga kababayan natin ang data per region, nangunguna po ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at siyempre Visayas. At ipinakita din po to kanina, mga LGU naman po sa NCR as of 9 AM today, almost 300,000 na po ang na-administer ng ating mga LGUs sa Metro Manila. Nangunguna po ang City of Manila, Quezon City, Caloocan, Parañaque.

Sa testing naman po, Spox Harry, importante po makita natin na talagang nira-ramp up po talaga natin ang testing natin lalo na sa NCR Plus. Ito pong nakaraang limang araw mula April 6 hanggang April 10 eh nag-average na po tayo ng mahigit 60,000 tests per day. Ito ay PCR test lang po. Ito po ay mahigit sampung libo na ang itinaas from the previous average of mga 50,000 per day.

So, pinipilit po natin talagang i-ramp up pa pero kagaya po ng sinabi mo kanina, Spox Harry, ay magdi-deploy po tayo ng 500,000 tests sa NCR+, kasama na rin ang Batangas at Pampanga. Ito po ay idi-distribute, makikita po natin ang distribution list dito ng 500,000 antigen kits na gagamitin po sa mga ospital na nangangailangan talaga ng mabilis na test para sa kanilang mga pasyente at gagamitin din po natin sa mga LGUs.

Ito po ay guide na ipinamigay natin sa mga LGUs sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Batangas. Ito po makikita nila, simpleng-simple lang po, sino ang mga dapat i-test, sino ang maaaring magsagawa ng test, saan dapat gawin ang antigen testing, at iyong pag-report po na napaka-importante dahil ito po ay idadagdag natin sa mga ginagawa nating PCR lalo na dito sa NCR+.

Pero ie-emphasize po natin nang paulit-ulit na sinasabi ng ating mga eksperto na kailangan po talaga risk-based at targeted ang ating testing at kailangan talaga na iyong mga tini-test natin, iyong mga nararapat i-test base sa advice ng mga eksperto. Bawat po LGU ay bibigyan natin nito at ipamimigay po nila ito sa kani-kanilang mga BHERTs at kanilang mga barangay health care workers na magsasagawa nitong antigen tests.

Magpapahabol lang po ako, Spox Harry, ako po ay inatasan ni Secretary Galvez na sabihin din po ang mga kailangan nating gawin habang nandito tayo sa ECQ at MECQ at ang unang-una po na iri-report po nang detalyado ni Secretary Villar iyong pag-expand po natin ng ating health care capacity.

Pero dahil nga po sa ginawa ng ating Pangulo na pagtulak sa PhilHealth natin na bayaran ng substantial amounts ang ating mga ospital pati ang level 1, level 2, at level 3 hospitals sa NCR+. Dahil po diyan nakapagdagdag po ang ating mga ospital ng 171 ICU beds, magdadagdag din po sila ng 1,245 moderate and severe beds at tutulungan po sila ng ating DOH sa pagdagdag ng staff. At ito po ay dahil sa napakalaking bayad na ibinigay ng PhilHealth na humigit-kumulang mga 9.5 billion sa NCR, Region IV-A, at Region III.

Ikalawa po, ang ating mga LGUs po, ang mga hospital na under sa ating mga LGUs ay naglabas na rin po ng kanilang commitments. Nanguna po ang QC, Taguig, Caloocan, Manila, Pasay, Valenzuela, San Juan, Navotas, Makati, Muntinlupa, at Malabon. At sila po ay nag-commit ng additional 35 ICU or critical beds at additional 1,350 regular COVID beds para sa moderate, mild and asymptomatic.

Iyon lang po, Spox Harry. Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec. Vince Dizon. And finally, the man of the hour. Hindi po tayo posible sanang bumaba sa MECQ kung hindi po natin nadamihan ang ating health care utilization. So, Secretary Mark Villar, please brief the nation kung ano po iyong mga nadagdag na mga bed capacities natin at kung saan-saan po ito. The floor is yours, Secretary Mark Villar.

SEC. VILLAR: Maraming salamat po, Secretary Roque, Secretary Galvez and Secretary Dizon.

At ngayon po ay magbibigay ako ng update sa ating mga quarantine facilities at ang ating mga modular hospitals.

Ngayon, ito po iyong nagawa na natin by April. So, mayroon ding mga ongoing pero by the end of April, mayroon nga po tayong modular hospitals na 15 units na may 516 bed capacity. Magkakaroon din tayo 634 quarantine isolation facilities – ito po ay nationwide – with a bed capacity of 23,284. Mayroon po tayong off-site dormitories na 60 for 1,456 dahil importante rin na may access po ang ating mga frontliners sa hospital kaya gumawa rin kami ng mga off-site dormitories at mayroon din po kaming technical assistance. Ito po ay para sa mga existing buildings ng DOH na kinonvert (converted) para magkaroon din tayo ng additional capacity, that’s a [inaudible] na 1,003. So by the end of the month, mayroon po tayong 720 units and with a bed capacity of 26,259.

So nakita po natin iyong pinaka-recent, it’s the modular hospital sa QI with 110 bed capacity at kumpleto po para sa mga severe and ICU patients, may sariling oxygen supply and designed po talaga siya para sa treatment ng ating mga COVID patients.

Ito po ay updated reports sa ating mga mega quarantine facilities:

  • So, sa NCR po we have 1,543 bed capacity at sa ngayon 61% ang occupancy rate natin.
  • Mayroon din tayong mega quarantine facility sa Region III which is 1,047 na may 77.94% occupancy.
  • Mayroon din tayo sa IV-A sa Calamba which is 401 na may 71% capacity
  • And sa Cebu City mayroon din tayong 130 bed capacity na may 4.62% occupancy.

Ito po iyong nationwide ng ating bed capacity kasama na po iyong ginawa po ng mga LGUs, so ang total bed capacity natin nationwide is 128,037; ang occupancy rate nationwide ay 17.4%. Pero kung titingnan po natin ang chart, makikita po natin na 66% na ang capacity sa NCR. So ang pinakamataas na capacity ay nasa NCR, out of 6,985 total beds, may occupancy na 4,622. Medyo dito kami nakatutok dahil sa NCR po ang pinakamataas na occupancy rate.

So, ito mga pictures po iyong nagawa natin. Makikita ninyo po dito iyong sa—ito iyong mga mega quarantine facilities. Iyong kinonvert natin iyong sa Laguna iyong Alonte Sports Complex, iyong PICC, at Rizal Memorial. Ito po iyong mga existing na kinonvert at ito po iyong isa sa mga recent na ginawa natin sa may Diokno Boulevard sa Pasay City, ito ay standalone quarantine facility using container vans.

Ito po iyong mga dormitories. So, makikita ninyo po kumpleto po iyong mga facilities ng dormitories which is nationwide nakagawa na po tayo ng 1,456. So, kumpleto po ang facilities, ito po ay para sa ating mga frontliners. Siyempre iyong iba hindi nakakauwi so may need talaga na gumawa ng mga off-site facilities para hindi rin sila mahirapan. Kita ninyo po kumpleto, may kitchen and of course may entertainment facilities also.

And of course, ito iyong mga nagawa ng modular hospitals, ito po ay nasa Batangas may ginawa kaming modular, made using container vans at ito po ay negative pressure, may sariling oxygen, may sariling private room. So, it operates as a hospital at makakadagdag ito sa ICU capacity and of course sa moderate to severe case.

Ito po ang picture recently na operationalize, ito po ay sa Quezon Institute. So, you can really see it’s a fully operating hospital complete with ICU facilities and already it’s being utilized by the DOH.

So, ang natapos na po iyong binanggit ko po kanina: iyong five units sa Quezon Institute na 110; mayroon po tayong isang unit sa Lung Center na completed na with 16-bed capacity; mayroon din sa Jose Rodriguez with 22-bed capacity. Mayroon kaming ongoing na matatapos within the month, isa sa NKTI for 60-bed capacity; dalawang unit sa Batangas City for 44.

So, iyon po ang madadagdag sa existing capacity at mayroon tayong magsisimula at tatapusin po namin by next month. So, ang magiging additional capacity natin ay:

  • 44 sa Quezon Institute;
  • 110 sa Lung Center;
  • mayroon po tayong 44 sa Southern Philippine Medical Center;
  • 22 sa Quirino Medical Center;
  • 22 sa Ospital ng Maynila
  • at 22 sa Pasig City General Hospital.

So, minimum we’ll be delivering within this month additional 104 rooms; by next month, in NCR we’ll be delivering additional 201 rooms. Hindi pa po kasama iyong mga binanggit ni Secretary Vince Dizon kanina, iyong mga facilities that are in private iyong enhancement dahil sa pag-release ng funds ng PhilHealth. And pati iyong mga facilities ng DOH na io-operationalize nila sa mga existing hospitals.

So, aside from the modular we would also be utilizing existing facilities and upgrading them to increase the bed capacity. So within this month and next month malaki ang madadagdag po sa ating ICU and of course moderate to severe hospital bed capacity.

So, ito po ay mga plans, siguro we can… ipakita na lang. Ito po iyong mga site plans ng ating mga gagawing mga modular facilities.

So, iyon lang po. Marami po ang madadagdag po sa mga modular facilities natin. Ito po ay minimum. So we will continue to identify new areas and within the month and next month we will see a very significant increase in our hospital and ICU capacity.

Maraming salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Secretary Mark Villar. Simulan na po natin ang ating open forum with the Malacañang Press Corps. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque, at sa atin pong mga bisita.

From Leila Salaverria of Inquirer: Based on the President’s statements on Monday, does he no longer plan to be vaccinated against COVID?

SEC. ROQUE: Well, panandaliang sentimyento po ni Presidente iyong sinabi niya kahapon na habang hindi pa sapat po ang mga bakuna, hahayaan na muna niya na mauna ang ating mga kababayan bago siya ‘no. So I hope that will change po dahil parating naman po iyong mas maraming mga supply lalo na sa mga buwan ng Mayo at ng Hunyo.

USEC. IGNACIO: What happens daw po now to the plan for him to get the shot publicly in order to boost public confidence in vaccination? Is this no longer a government priority? Similar question po ito ni Kris Jose ng Remate, Llanesca Panti ng GMA News Online at ni Pia Rañada ng Rappler.

SEC. ROQUE: Importante naman po talaga ang vaccine confidence pero nakikita po natin ngayon ‘no, dahil limitado rin ang ating supply, hindi po problema ngayon ang vaccine confidence ‘no. So siguro po ‘pag talagang dumagsa na iyong ating supply at kinakailangan madaliin na talaga ang pagbabakuna sa lahat, eh iyon po iyong panahon na magpapabakuna ang ating Presidente.

USEC. IGNACIO: What does the Palace say about speculations that the President has already been vaccinated in private?

SEC. ROQUE: Well, hanggang speculation lang po iyan.

USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon daw po sa SWS survey na 65% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang state of health ni Pangulong Duterte ay public matter, kailangan na ihayag o ipabatid para malaman po ng publiko.

SEC. ROQUE: Iyan po ay isang lumang study ‘no, 2019/2020 po iyan. Gayun pa man ay nakasaad na po iyan sa Saligang Batas, pero ang sabi po ng ating Saligang Batas isasapubliko lamang ang kaniyang medical condition kung ang kaniyang karamdaman po ay malala. At sa ngayon po, sabi ko nga kahapon kaya walang medical bulletin kasi wala naman pong sakit ang Presidente at nakita ninyo na po ang ebidensiya kagabi.

USEC. IGNACIO: From Llanesca Panti of GMA News Online: Why is the President saying that he gave an early warning to the country about nCoV ending up in a pandemic? When he said in February 3, 2020 speech that the nCoV will die in natural death, why such dissonance?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung kailan sinabi ni Presidente iyang natural death ‘no. Pero ako po naaalala ko, ako po’y kaka-recover ko lang doon sa aking heart condition at naalala ko nagsabi ang Presidente noong mga panahon na iyon na bagama’t wala pang deklarasyon ng pandemya eh baka nga magkaroon po ng pandemya na nagkatotoo nga po – iyan po iyong sinasabi ng ating Presidente kagabi.

USEC. IGNACIO: Why is he not aware that senior citizens like him are second in the priority list of the COVID-19 vaccination program?

SEC. ROQUE: Alam po niya iyon kaya lang sinasabi nga niya igi-give up na niya iyong slot niya muna dahil mas importante na iyong ating mga kababayan ang maunang magkaroon ng bakuna.

USEC. IGNACIO: From Hannah Sancho of SMNI: Magsasama-sama daw po ang mga senador para hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang Executive Order 128 na nagpapababa sa taripa ng karneng baboy. Ikukonsidera ba ito ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Nakikinig naman po ang Presidente sa lahat lalung-lalo na kung magsasama-sama ang mga senador. Noong minsan po kasi napag-usapan itong issue ng MAV importation sa Gabinete at naalala ko nagsalita po ako doon, ang sabi ko siguro po hindi muna magkakaroon ng debate kasi pinag-uusapan lang doon ay iyong increased importation. So lahat naman ‘ata agree na dahil ang problema ay kakulangan ng supply, kinakailangan talagang mag-angkat ‘no – kung hindi sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, then sa abroad.

Pero ang pinagtatalunan po ngayon ay iyong pagbaba ng taripa kasi ang sinasabi ng marami, kasama na mga senador na 40% tariff mababa pa rin po ang presyo ng landed cost ng pork at hindi naman po bumababa ang presyo ‘pag binibenta sa publiko. So hindi nila maintindihan kung bakit kailangan ibaba pa ang taripa na hindi rin naman magriresulta sa pagbaba ng presyo ng baboy sa ating palengke. So tingin ko naman po makikinig po ang ating Presidente sa ating mga senador dahil pinakikinggan naman po ang lahat.

USEC. IGNACIO: Question from Pia Gutierrez of ABS-CBN: Sir, you said, asking how you were able to secure a hospital room for your COVID-19 treatment was unchristian. But can you please be transparent and respond to allegations that you have been given special treatment by the Philippine General Hospital in getting a room there?

SEC. ROQUE: Alam mo, Pia, kaya siya unchristian, para bagang ‘pag ika’y nakakuha ng kuwarto sa panahon ngayon ay mayroon kang ginawa, na nang-isa ka sa kapwa mo. Pia nasa PGH po ako, ang PGH kabahagi po iyan ng University of the Philippines. Wala pong pagkakaiba ang UP-PGH sa UP Diliman, hindi po pupuwede ang palakasan dito.

Noong ako po’y pinapasok ng aking mga doktor, it was because the condition merited admission at mula po noong nagkaroon pa ako ng sintomas Lunes pa, bagama’t ako’y nag-test positive ng Tuesday, pinagbigay-alam ko na po sa mga doktor ko – lahat po sila taga-rito sa PGH. Lahat po ng nag-aalaga sa akin ay taga-PGH, mga kasama ko sa faculty, mga faculty po sila ng College of Medicine at matagal ko na po silang mga doktor sa mula’t mula pa ‘no. At malalim din po ako sa PGH dahil dito ako pinanganak, miyembro ako ng asosasyon ng mga pinanganak rito na tumutulong sa PGH.

Pero I can assure you po gaya ng lahat ng ibang hospital, ang basis for admission po kinakailangan moderate at severe cases. Sa aking kaso po, I was in bad shape when I was admitted pero iyon nga po ‘no, by Sunday I was better because of Remdesivir. So iyon lang po iyon.

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Can you assure the public particularly the families of COVID-19 patients who died after they have been turned away by several hospitals already overwhelmed with the cases that you did not use your status and influence in getting ahead of them in line?

SEC. ROQUE: Bago pa po ako naging Spokesperson, ang mga doktor ko po sa PGH ay doktor ko na. Bago pa po ako pumasok ng gobyerno in fact, doktor ko na po sila. Iyong nagpanganak po sa akin dito sa PGH 54 years ago, naririto pa rin po sa PGH so ganiyan po ako kamatagal nang pasyente ng PGH. At kakaiba po dito sa PGH kaya nga po sinabi ko kahapon na sa administrasyon ni Presidente Duterte, walang tinatanggihan. Dahil dito po sa PGH iyan po ang patakaran – wala pong pasyente na tinatanggihan dito sa PGH. Lahat po iyan gagamutin, kung wala pang kuwarto, sa ER pero nagkakakuwarto naman po iyan dahil karamihan po nagpupunta rito ay charity patients para sa mga wards.

USEC. IGNACIO: From Pia Rañada of Rappler para po kay Secretary Galvez: Any update on whether AstraZeneca doses will arrive in time to be given as the second dose of people who were already given a first dose? What are our options if these doses do not arrive on time?

SEC. GALVEZ: We can assure the public that iyong second dose po ng AstraZeneca darating po iyan. Nangako rin po ang COVAX na by end of April mayroon po tayo. May ginagawa po tayong mga contingencies just in case but definitely mayroon po tayo; huwag po kayong mag-alala, mayroon po tayong second dose.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque: Has Presidente Duterte asked Congress for Bayanihan 3? Will he certify it as urgent?

SEC. ROQUE: Wala pa po akong impormasyon at ang alam ko po ay ang ginagamit natin ngayon ay ang ating budget for 2021.

USEC. IGNACIO: Opo. From Tina Panganiban-Perez ng GMA News for Secretary Dizon: LGUs have devised a system of registration for the COVID vaccination but many are complaining about walk-ins. Should walk-ins be allowed? If so, should they be accommodated at the end of the day when all those with appointments have been vaccinated? If not, what about possible vaccine wastage?

SEC. DIZON: Unang-una po ‘no, ang policy po ng NTF at nga vaccine cluster ay iiwan sa mga LGU kung ano ang pinakamaayos at pinakamabilis na sistema para sa pagbabakuna. Ngayon may mga LGU na pinapayagan ang walk-in pero higit sa karamihan ay hindi pinapayagan ang walk-in. Ang dahilan dito is importante kasi iyong pre-registration at para masigurado na talagang sumusunod ang lahat sa prioritization natin.

Iyon naman sa vaccine wastage, alam mo sinisigurado ng mga LGUs iyan ‘no na walang masasayang dahil nga mayroon silang substitution list. Pero iyong substitution list, kailangan din iyon i-inform prior bago pumunta.

USEC. IGNACIO: From Mela Lesmoras ng PTV: May we know the schedule of President Duterte this week? Sa pahayag daw po si Senator Bong Go, sinabi niyang may nakatakdang pag-uusap sina Pangulong Duterte at Russian President Vladimir Putin, kailan kaya ito at sa paanong paraan? Can you please elaborate kung ano po ang inaasahang tatalakayin nila, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Well, since nanggaling na rin naman kay Senator Bong Go, paunawa po kasi po ang schedule talaga ni Presidente classified as secret, pero since sinabi na rin naman ni Senator Bong Go, I can confirm may usapan po sa telepono ang ating Presidente at ang Presidente ng Russia. So, iyon lang po ang aking masasabi. I cannot even say kung kailan po, pero that is because it was previously mentioned already by senator Bong Go.

USEC. IGNACIO: Ano ang mga gagawing hakbang ng gobyerno para mas mapabilis pa ang pamamahagi ng ayuda sa NCR Plus? Posible kaya ang house to house distribution?

SEC. ROQUE: Well, nakiusap na po ang ating Presidente sa ating mga mayor. Ang importante po dahil hindi nga nakakapagtrabaho ang ilan sa ating mga kababayan, sana po mapabilisan hangga’t maaari ang pagbibigay ng ayuda, bagama’t naiintindihan din ni Presidente ang mga pagsubok diyan dahil nga po iniiwasan natin ang pagtitipun-tipon ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: From Ivan Mayrina ng GMA News. For Secretary Villar: One of the strategies to decongest hospital is by utilizing TTMFs for mild and asymptomatic which comprises the bulk of our cases. What is the current status daw po ng TTMFs in terms of conduciveness for mild and asymptomatic to seek them? Are there enough, are they equipped and properly manned?

SEC. VILLAR: Opo, marami po kaming mga facilities ngayon at ito po ay mina-manage kung hindi ng LGUs, mayroon din iyong iba managed ng AFP, ng PNP depende po. Pero sa ngayon mino-monitor namin iyong occupancy rate sa lahat po ng ating mga pasilidad at binanggit ko po kanina sa NCR medyo mataas ang 66% pero tuluy-tuloy naman ang pagtayo namin ng mga facility. So, tataas at tataas iyong capacity natin lalo na po sa ating mga modular hospitals. Binanggit ko po kanina na by the end of this month mayroon na tayong 512 and by next month, we will be building additional, at least nationwide additional. Almost 300 ang magiging operational by next month, more than 300 additional. So, malaki po ang magiging improvement sa ating critical utilization [capacity] and hindi kami titigil sa pagtatayo ng mga modular facilities.

USEC. IGNACIO: May nakausap daw po sila na COVID survivor, residente ng Malabon, magkakasama sila buong pamilya sa isa daw pong isolation facility sa Nasugbu, Batangas. Nagsimula sila na asymptomatic until the husband quickly deteriorated and died on the eighth (8th) day in isolation. During all that time, hindi natingnan ng doktor daw po ang pasyente. How are we addressing these scenarios na apparently nagkaroon po ng pagkukulang sa monitoring sa pasyente at paano kung from mild ay mag-deteriorate like what happened on this case?

SEC. VILLAR: Kaya mayroon po tayong One Hospital Command na in-augment ng DOH para magiging mas malaki ang capacity nila and karamihan po ng mga facilities natin ay managed by the LGU. So kailangan talaga ng coordination sa LGU para mapabilis ang response time. So mayroon kaming mga nagawa na para ma-address itong sitwasyon at siguraduhin na makakakuha ng care ang lahat ng naka-isolate sa mga quarantine areas.

SEC. ROQUE: Ang pagkakaintindi ko diyan, Usec. Rocky, iyong ating mga TTMFs, iyong mga Temporary Treatment Monitoring Facilities ay mayroon din pong mga nakatalagang mga doktor. So nakikiramay po kami doon sa kasong sinabi ninyo, pero sana po ito ay na-monitor ng isang health professional diyan sa TTMFs.

USEC. IGNACIO: From Melo Acuña of Asia Pacific Daily for Secretary Galvez: How many days should a person wait for his second jab? With the global shortage in vaccines, how optimistic are you that Filipinos could have their second jab?

SEC. GALVEZ: Normally po ang ginagawa ng DOH ay kapag nag-deliver po tayo, nandoon na po iyong second dose, lalo sa Sinovac na ang spacing niya is only four weeks, sinasama na po iyon. Ang ginawa lang po natin sa AstraZeneca, because this has a special condition na mayroong commitment ang COVAX na mayroon pong darating this coming April ay ginawa na po natin ang first dose. Pero as a rule, ang ginagawa po ng ating DOH ay kasama na po ang second dose kapag nag-deliver po sila.

USEC. IGNACIO: For Secretary Villar: Wouldn’t you consider building your isolation facilities in open spaces. Say bus parking lots near MOA, where water and electricity could easily be installed and patients could enjoy the morning sunlight?

SEC. VILLAR: Mayroon na po tayo sa MOA, sa tabi ng MOA mismo mayroon na po tayo. Kami naman open naman kami sa lahat ng areas, nakikipag-coordinate kami sa mga LGUs kung may magbibigay ng open areas sa amin, kayang-kaya naming tayuan ng mga quarantine facilities. Ngayon, sa mga modular hospitals siyempre mas preferred ng mga hospital na nasa tabi ng hospital na mismo para may access iyong mga doktor sa facilities ng main hospital. Kaya ang ginagawa namin ngayon, nag-a-identify kami ng mga lote sa tabi ng mga ospital, para lagyan ng mga modular hospitals. Pero pagdating sa quarantine, basta may open space, kami naman ay nakakapagtayo na kami sa maraming open spaces at willing pa kaming magtayo pa kung may mag-o-offer sa amin ng areas.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque: The latest figures on new COVID-19 cases recoveries and fatalities are not encouraging. Don’t you think the MECQ declaration was a bit premature?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, dahil ang tiningnan natin iyong improved health care capacity natin. Iyan po iyong isang factor that would merit escalation, but that would also merit a de-escalation kung dumami po iyong ating health care capacity na dumami naman. At kampante po tayo na dahil tayo po ay nag-ECQ makikita talaga natin ang resulta ng ECQ kung hindi itong linggong ito, iyong susunod na linggo.

USEC. IGNACIO: From Dano Tingcungco of GMA News: May we clarify policy on dates due for loans, credit cards, utilities and rent, etcetera under this year’s ECQ and MECQ. BSP said the law directing grace period for loans lapsed June 2020 and that’s the March 28 Omnibus guidelines by the IATF do not extend a grace period for this time.

SEC. ROQUE: Tama po ang BSP. Kinakailangan po natin ng bagong batas kung kinakailangan natin ng iyong mga relyebo or assistance diyan sa mga pagkakautang, batas po ang kailangan diyan.

USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong pa rin po iyong iba. Tanong po ni DZRH Henry Uri: The list sub-groups for priority group A4, economic frontline workers, has been released. It did not include workers daw po in manufacturing for basic non-food products such as laundry detergent, bath soap, and toothpaste. These workers po required to continue going to work even during ECQ due to the essential nature of the industry. May they be included in the sub-group A4.3 public and private wet and dry market vendors? Frontline workers in groceries and supermarkets, delivery services or A4.4 workers in manufacturing for food, beverages, medical and pharmaceutical products?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, ang paniniwala ko, iyong inilabas ng NEDA hindi pa po pinal iyan, kasi hindi pa po naaprubahan ng IATF. So pupuwede pa po nating ihabol kung iyong mga gusto nating ihabol, isa na po iyong sinabi siguro ni Henry. Ako naman po ang hinahabol ko at saka ni Senator Bong Go ay iyong mga mamahayag na makasama rin sa priority. So hintayin po natin iyong susunod na pagpupulong ng IATF at ako na po ang maglalabas nitong sinabi ni Henry, kasama na rin po iyong klasipikasyon ng mga mamamahayag.

USEC. IGNACIO: From Vivienne Gulla ang ABS-CBN: At what stage are we in your negotiation with the seven vaccines manufacturers in the government’s portfolio, with which vaccine manufacturer? Have the government signed the final contracts for procurement of COVID jabs? At ilan daw po, from what brands iyong nabili na talaga? Lack na iyong supply for the Philippines and idi-deliver na, kailan daw po ang delivery?

SEC. GALVEZ: Sa Sinovac po, 25 million na po ang ating napirmahan sa ating supply agreement at ongoing na po iyong mga payments natin. Sa AstraZeneca napirmahan na po ang agreement ng LGU. 17 million po iyon, 11 million for LGU at 6 million for private sector. So darating na po ang first dose noon, more or less 1.3 million this coming second quarter.

And then Moderna, napirmahan na rin po natin ang supply agreement at darating po ang first doses this coming May, 194,000 – 13 million sa government at saka seven million sa private sector. Ano po natin, ikorek po natin kasi ang akala po ng mga iba ang Moderna po ay sa buo sa private sector: Thirteen million po ang government bilateral agreement at seven million po ang private dose.

Iyong Novavax po mayroon po tayong 13 million, na sealed na po iyong ating supply agreement, mayroon na lang po tayong inaayos sa financing. And then also, mayroong 15 million na inaayos po tayo sa private sector at saka LGU.

Ang Johnson & Johnson, more or less five million po ang makukuha po natin; single dose po ito at ito po ay magkakaroon na po kami ng signing, more or less this week po.

Ang Gamaleya po ay may 20 million na po, at natanggap na po namin ang supply agreement and we are about to sign this agreement for 20 million.

And then iyong ano po, iyong Pfizer, napirmahan na po namin iyong COVAX indemnity clause, kami si Secretary Duque, si Secretary of Finance – si Secretary Dominguez – at saka ako po, napirmahan na namin po ang COVAX indemnity clause. And then we are still negotiating for 25 to 40 million sa Pfizer.

Maganda naman po ang kinakalabasan ng negotiation, so all in all po mga more or less mga 148 million po lahat ang doses po natin na makukuha.

At ito pong delivery:

  • Ang pinaka-earliest po na sinasabi po kanina, ongoing po ang delivery ng ating Sinovac – 1.5 million po this coming April at saka two million this coming May. Marami po tayong makukuha, 4.5 million sa June and then so forth, hanggang December.
  • Ang AstraZeneca po, mag-start po ang delivery nang June and then tuluy-tuloy na po iyon hanggang maka-deliver po sila hanggang first quarter po ng 2022.
  • Then Moderna, nagsimula po sila ng delivery, as I have said, this coming May. And then, ang karamihan po ng kaniyang delivery is sa third quarter at saka sa fourth quarter po.
  • Ang Novavax, third quarter at saka fourth quarter po ang kaniyang delivery.
  • Ang Johnson & Johnson, ganoon din po, third and fourth quarter.
  • Ang Gamaleya po, magdi-deliver na po sila ng 500,000 ngayon. At simula po hanggang May hanggang August ay magdi-deliver po sila ng 20 million.
  • Ang Pfizer po ay third quarter and fourth quarter po ang delivery.

Iyon lang po, Spox. Over to you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Sec.

Usec., bago ang susunod na tanong: Kakapasok lang po na impormasyon, finorward ko po kay Sonny Dominguez ng Finance iyong tanong kung hiningi na raw po ng ating Presidente sa Kongreso ang Bayanihan III. Ang sagot po niya, “No. We told Congress that together we should identify sources of additional funds for Bayanihan III so our fiscal deficit will not exceed the estimates of 8.9% for 2021.” Kapapasok lang po iyan galing kay Secretary Sonny Dominguez.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

Ang second question po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: How much of the money from government loans to purchase COVID vaccines have been used so far?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, malapit na pong ibigay po natin sa Moderna kasi malapit na po ang Moderna. At ang ano po, naka-allocate po sa atin is $1.3 billion. So iyon po lang po ang pinaka-first na allocation po natin na ibibigay po natin sa loans natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Apart from the one million doses of Sinovac’s COVID vaccine from China and the 44 million doses from the COVAX Facility, are there any other donations Philippine is expecting? When are these expected to arrive?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po, wala pa po tayong indications ng donations. But we will be happy kung magkakaroon po ng donation ang mga other countries po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Trish Terada of CNN Philippines: What are the President’s thoughts about the recent development in the West Philippine Sea? For Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Well, hindi po nagbabago ang paninindigan ng ating Presidente. Kinakailangan maresolba po ang hindi pagkakasunduan diyan sa West Philippine Sea sa pamamagitan po ng UN Convention on the Law of the Sea. Nandiyan po ang desisyon ng ating UN Tribunal for the Law of the Sea na nagsasabi na walang basehan ang tinatawag na historic claims to waters at kinikilala po na ang malaking bahagi ng West Philippine Sea ay kabahagi ng ating Exclusive Economic Zone. Umaasa po tayo na magkakaroon tayo ng Code of Conduct nang maiwasan ang hidwaan diyan sa lugar na iyan, at inaasahan natin mariresolba po ito nang mapayapa sa panig ng mga magkakaibigan.

USEC. IGNACIO: From Trish Terada pa rin po: Will the IATF adopt the strategy of Marikina and Mandaluyong that are currently doing reverse isolation?

SEC. ROQUE: Well, I think, nagsalita na po ang DOH tungkol diyan ‘no. Ang importante po talaga ngayon ay kung pupuwede ay lahat po iyong mga asymptomatic ay maka-stay po sa mga Oplan Kalinga Center. At mas kakaunti pa rin iyong ganoong istratehiya po ‘no, pero tingnan po natin talaga, tingnan natin iyong eksperimentong ginagawa po ng mga LGUs na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sam Medenilla ng Business Mirror for Secretary Roque or Secretary Galvez daw po: Ano na po ang existing utilization rate ng existing large quarantine facilities like the Rizal Memorial Sports Complex facilities? May projection po kaya ang government kung kailan mapupuno ang existing quarantine facilities kung magpapatuloy po ang over 10,000 new daily COVID-19 cases sa coming days?

SEC. ROQUE: Sino kaya ang may datos nito? Parang may datos na pinakita kanina si Sec. Mark.

SEC. VILLAR: Ulitin ko ho iyong prinisenta ko po kanina, iyong sa ating mega quarantine facility. Sa ngayon, ang namo-monitor namin na 61% ang capacity dito po sa NCR. At kami naman po, marami po kaming naka-line up na quarantine facilities at modular hospitals. So tataas din ang capacity natin. At kahit na tumaas iyong rate ng COVID, magtatayo pa rin kami ng maraming facilities over the next months. Kaya nakatutok kami dito sa occupancy, at asahan ninyo naman po na walang tigil ang aming pagtatayo ng additional capacity.

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque: May another round po kaya ng assistance na ipu-provide ang national government sa areas covered by MECQ? If yes, magkano po ang budget for this at saan po kukunin ang funding for this?

SEC.ROQUE: Ang sabi nga po ni Secretary Dominguez, humahanap pa po tayo ng potential sources of funding para hindi po masyadong tumaas iyong ating deficit, iyong ating budget deficit. Ang gusto po natin ay magkaroon ng fiscal deficit na hindi po lalampas ng 8.9% for 2021. Humahanap pa po ng pondo.

USEC. IGNACIO: For Secretary Galvez po: Na-finalize na po kaya ng government ang negotiation with Gamaleya for the purchase of COVID-19 vaccines? If yes, magkano po ang gagastusin ng government for the said purchase at kailan po ito expected ma-deliver?

SEC. GALVEZ: Sa ano po natin, baka this coming two to three days ay mapipirmahan na po natin dahil po kasi naibigay na po iyong format na supply agreement. Ibig sabihin, na-clear na po doon sa Russian Direct Investment Fund. And nakita po natin iyong delivery niya ay mag-start po ngayon 500,000, and then it will continue until such time na magkaroon po tayo ng full deliveries.

So ang ano po natin iyong sa price, very ano po, very affordable po ang price. Nakikita po nasa ano siya, iyong tinatawag po natin na majority ng mga vaccine po natin ay nasa within 10 to 12 dollars po, nandoon po siya. Hindi ko po maano ang exact ano po natin dahil kasi iyan po naman ay nakaano po kami ng CDA. Hindi po namin pupuwedeng maibigay po iyong exact cost at saka iyong date ng deliveries at saka iyong exact [unclear].

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Galvez. Secretary Roque, thank you. Secretary Vince, Secretary Villar, salamat po.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat. Dahil wala na po tayong mga katanungan, maraming salamat po kay Secretary Carlito Galvez, Secretary Vince Dizon, Secretary Mark Villar. At Usec. Rocky, maraming salamat at maraming salamat sa ating mga kasama dito sa Malacañang Press Corps.

Siguro po konting update lang sa ating kundisyon. Sinabihan na po ako that I should arrange for a TTMF beginning Wednesday. Naging very epektibo naman iyong Remdesivir sa akin. Pero ang binabantayan po talaga nila ngayon, and I’m wearing for 24 hours an ECG machine, ay iyong epekto ng Remdesivir sa puso. But other than po, we are fit to transfer to a TTMF.

Anyway, sa ngalan po ng inyong Pangulo, Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabi: Pilipinas, kakayanin natin itong COVID-19. Hindi tayo magpapatalo sa COVID-19. Magandang hapon po at hanggang sa Huwebes – Spox Harry Roque po.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center