Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque

Event Press Briefing
Location Ilocos

USEC. IGNACIO: Tunghayan naman natin ang isinasagawang press briefing sa Ilocos Norte ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

LAOAG GOV. MANOTOC: … entire Sangguniang Panlalawigan kasi sila po ang nagpasa ng lokal na ordinansa for the fine against iyong mga hindi po sumusunod sa mga minimum health standards na sinasabi po natin. In fact, I know si RD James nandito yata di, ang DILG is now ensuring di ba na lahat po ng mga LGUs ay mga may local ordinances regarding minimum safety protocols. And kami po dito sa Ilocos Norte, thanks to our good Vice Governor, we are the one of the first I think to fine, to include iyong mga local fines.

SEC. ROQUE: Okay. Magandang umaga sa inyong lahat Pilipinas. You just heard Governor Matthew Marcos Manotoc na nag-i-explain na ang kanilang minimum health protocols po dito sa Ilocos Norte ay ipinapatupad sa pamamagitan ng iba’t ibang mga ordinansa sa lebel ng probinsya at sa iba’t ibang mga bayan ng Ilocos Norte.

Magandang hapon po sa inyong lahat, narito po tayo ngayon sa Laoag, Ilocos Norte kung saan ating nasaksihan ang symbolic vaccination dito po sa solid north ng Ilocos Norte. Maya-maya po makakasama natin ang dalawang medical professionals na unang naturukan po ‘no at nasa ano lang po sila ngayon… observation pero maya-maya po ay isasalang natin sila.

Pero para po sa mga kaka-tune in lang, bukod po dito sa Laoag General Hospital mayroon din po tayong symbolic vaccination sa isa pang ospital dito sa Laoag at ang ating datos nga po ay halos kalahati na ng mga medical frontliners sa Region I at sa Ilocos Norte ay nabakunahan na.

At uulitin ko lang po, iyon pagpupulong kahapon ng IATF – sa balitang IATF – ay inaprubahan po ng IATF ang mga rekomendasyon ng Department of Health na palakasin ang pagpapatupad ng mga sumusunod na minimum public health protocols:

  • Iyong mga individual patuloy po ang mask, shield, hugas at iwas.
  • At kinakailangan din ang ipagpatuloy ng pagbigay ng tamang impormasyon ukol sa COVID-19.
  • Para po sa mga establishments, ang pagpapatupad ng mga risk mitigation strategies, iyong engineering controls, ventilation, contact tracing at ang pag-measure sa compliance at sa pag-establish ng baseline.
  • Sa mga LGUs naman po, kinakailangan ipagpatupad iyong COVID-19 Coordinated Operations To Defeat Pandemic or CODE sa pamamagitan ng pinalakas na mobilisasyon ng Barangay Health Emergency Response Team.
  • Kasama na po dito iyong paghahanap at pagtiyak ng lahat ng suspect cases na sasailalim po sa RT-PCR. Iyong tracing at pag-quarantine ng lahat ng close contact sa loob ng susunod na 24 oras, iyong testing ng close contact na nagkaroon ng sintomas gamit ang RT-PCR at ang pagsisimula ng contact tracing maging sa mga suspect cases. Kasama rin po dito sa CODE ang pagmo-monitor sa work places at iba pang close settings tungkol sa kanilang case data at pagsusunod sa minimum public health standards.
  • At pang-anim, ang pagtiyak sa tamang hand over sa LGUs ng mga returning Overseas Filipinos at mga papasok na international travelers para masiguro ang pagsunod at pagkumpleto ng quarantine or isolation.
  • Inaprubahan din po ng IATF ang rekomendasyon na payagan ang Subic Bay Metropolitan Authority na muling tumanggap ng lahat ng klase ng vessels para sa hot-warm layup bilang bahagi ng kanilang function ng crew change hub.
  • At para po magbigay linaw, ipatutupad po talaga ang staysafe.ph.

So iyan po ang pinagkaisahang desisyon ng IATF, ipatutupad po natin ang staysafe.ph na and end user na po ngayon ay DILG dahil sila naman po ang in charge sa contact tracing.

Magpapatuloy po tayo ng atin pong open forum. Babalik po tayo kay Ina Blanco ng PIA para sa karagdagang tanong galing sa local media at maya-maya po tatanggap na tayo ng question galing sa Malacañang Press Corp. Go ahead please.

MODERATOR: Maraming salamat, Secretary Harry Roque. Ang ating katanungan po from the local media, Ms. Monica Kamile(?) from Radyo Pilipinas.

MONICA/RADYO PILIPINAS: Good afternoon, sir. Question po for Sir Harry Roque: One year na po since naideklara ang lockdown dito po sa Pilipinas, ano na po iyong status ng our country in this fight against COVID-19 po?

SEC. ROQUE: Well, sinasabi ko nga po paulit-ulit that we have managed the crisis very well. We have limited the total number of cases to the point na number 30 lang po tayo in terms of total cases; in terms of active cases, kung nandiyan po si Jovan, we are number 40 plus po and in cases of iyong COVID cases per 1 million, nasa 133rd spot po ako kung hindi nagkakamali and the most important of course is we have limited iyong ating deaths ‘no to 2.09 of all those na nagkakasakit.

Gayun pa man nakikita po natin na tumataas ang mga kaso, siguro po dahil nga ito doon sa napapagod na iyong tao sa minimum health standards at saka iyong pagpasok na rin ng mga new variants at ito naman po ay karanasan hindi lang ng Pilipinas kundi ng halos ng buong daigdig.

Kaya nga po ang kasagutan natin mas paigtingin pa ang minimum health standards sa level ng indibidwal, sa level ng mga establishments at sa level po ng local government units, ito po iyong mga inaprubahan kahapon ng IATF.

MONICA/RADYO PILIPINAS: One more question, sir: Any update po regarding sa resumption of face-to-face classes now that we have COVID-19 vaccines, sir?

SEC. ROQUE: Ang Pangulo naman po nangako, nais lang niyang mapatupad nga itong vaccination at papayagan niya hindi lang pagbukas pa… na mas bukas pa ang ekonomiya kundi ang pilot ng face-to-face. So hayaan po muna nating umusad itong pagbabakuna at ito po ang dahilan kung bakit narito ngayon tayo sa Ilocos Norte.

MONICA/RADYO PILIPINAS: Thank you, sir.

MODERATOR: Last local media to ask question, Sec. Harry – Ranzel Bonillio(?) of Bombo Radyo.

BOMBO RADYO: Good afternoon po. Sec., may schedule na po ba kung kailan mababakunahan si Presidente Rodrigo Duterte, sir?

SEC. ROQUE: Wala pa po. He has expressed for a preference na dumadaan pa po sa proseso ng approval ng EUA.

BOMBO RADYO: Okay. Thank you, sir. To Dr. Bello, sir. Sir, masasabi po ba natin na mabagal o mabilis iyong vaccination rollout po dito sa Pilipinas, sir?

DR. BELLO: Sa ngayon kung ikumpara natin sa ibang bansa ay mabilis naman tayo sa pagbibigay ng bakuna dito sa Pilipinas lalo na sa mga health worker, more than 50% na dito sa Ilocos Region ang ating nababakunahan and hopefully ‘pag dumating ang mga bakuna ay lalong mapabilis ang ating pagbibigay ng bakuna sa buong populasyon. Thank you.

SEC. ROQUE: Well anyway bago po tayo magpatuloy, gusto kong tawagin po si Dr. Eliezer Asuncion, Hospital Administrator ng Laoag City General Hospital. Sir, if you can take the microphone… Sir, kayo po iyong kauna-unahang nabakunahan dito po sa Laoag City General Hospital. Bakit po kayo nagpabakuna? Ano ang binakuna sa inyo at ano po ang pakiramdam ninyo ngayon?

DR. ASUNCION: Well, sir, the purpose is para lang makatulong naman nang kaunti sa gobyerno na mahikayat na the vaccine is safe and I’m asking everybody to do the same when the vaccines is already available for all. As of now, sir, wala naman po akong nararamdaman na kakaiba. It’s the same. So I don’t think may side effect on me, the vaccine has a side effect on me.

SEC. ROQUE: Kayo po ay senior kaya AstraZeneca ang binakuna sa inyo.

DR. ASUNCION: Yes, sir.

SEC. ROQUE: Nagpabakuna kayo despite the fact na may mga ilang bansa sa Europa na itinigil ang AstraZeneca, bakit po?

DR. ASUNCION: Well, siguro naman, sir, it’s not true to everybody. Everybody has a difference in body constitution to accept the vaccine. Pero sa tingin ko mas marami iyong makakakuha ng benefits out of it kaysa doon sa may magkakaroon man ng… kung magkakaroon man ng side effect.

SEC. ROQUE: Your advice, Doctor, doon sa iba pang mga medical frontliners na nag-aalinlangan pa na magpabakuna.

DR. ASUNCION: Hinihikayat ko po silang kunin na iyong bakuna. Take the chance; wala po akong nakikitang masama. Iyon na nga, kukonti lang siguro iyong percentage na magkakaroon ng adverse effect.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Dr. Asuncion. Nagpabakuna rin po kanina si Maria Eufrosina Ruby Blanco(?), Administrative Assistant II at ang ginamit sa kaniya ay Sinovac. Ma’am, pinili ninyo ba ang Sinovac na gamitin sa pagbabakuna ninyo?

MS. BLANCO: Actually, sir, hindi ko po naman pinili. Kung ano po iyong mayroong dumating dito sa Ilocos, kukunin ko po.

SEC. ROQUE: Hindi ba kayo nag-alinlangan kasi marami dito sa Pilipinas, sabi nga ni Dr. Lulu Bravo ha, hindi ako nagsabi nito pero maraming—mayroon daw ginagamit ang pulitika at prejudice laban sa mga Chinese vaccines. Bakit naman po kayo nagpaturok ng Chinese vaccine?

MS. BLANCO: Nagpaturok po kasi gusto ko pong magkaroon ng proteksiyon para sa akin at para sa aking pamilya po. So hindi po ako nag-aalinlangan.

SEC. ROQUE: Maraming salamat. Oo. Ano pong masasabi ninyo sa mga kasama ninyong mga medical frontliners na hindi pa nagpapaturok?

MS. BLANCO: Sa mga kasamahan ko po, let’s get vaccinated. Wala naman po akong nararamdaman, okay pa naman po ako, kakain na po ako mamaya. [laughs]

SEC. ROQUE: Ay, thank you at sana isalo mo ako sa pagkain dahil mahilig akong kumain. Maraming salamat, lalung-lalo na kung mayroong bagnet at siyempre iyong walang kamatayang pinakbet na puro bagnet.

Okay. Tuloy po tayo sa questions from the Malacañang Press Corps or local media pa rin?

MODERATOR: Sec. Harry Roque, kasama na po natin si Dr. Lulu Bravo sa Zoom.

SEC. ROQUE: Ay, Dr. Lulu Bravo! Ma’am, thank you very much for joining us. Alam ninyo naman ikaw ang aming suki pagdating sa mga tanong sa mga bakuna. Naiulat po sa pahayagan na mayroong mga ilang mga bansa na pansamantalang itinigil po ang AstraZeneca. Eh ginagamit na po natin ngayon ang AstraZeneca para sa ating mga medical frontliners. Ang naiulat na balita ay dahil daw po mayroong kinalaman sa mga blood clotting. Ma’am, dapat bang ipagpatuloy natin ang paggamit ng AstraZeneca at kayo ba ho, ngayong nandito na AstraZeneca, nakapagbakuna na ba ho kayo ng AstraZeneca? The floor is yours, the better version of Dr. Fauci, Dr. Bravo. Go ahead, ma’am.

DR. BRAVO: Wow! Maraming salamat Secretary Roque at ito ay talagang pinag-uusapan namin at [noisy background] kami ng maaari naming tingnan, mga [noisy background] dapat alalahanin ang ating mga [noisy background] hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ito ay nakita natin at [noisy background] tinanong natin sa ating mga eksperto kung ito ay concerning or talaga bang ito ay something that will tell us tumigil tayo ng pagbabakuna.

Ang common item po galing sa mga eksperto at galing din sa WHO ay hindi dapat tayo matakot doon sa nabasa natin na mayroong mga nagkaroon ng thromboembolism doon sa Denmark kasi iyong thromboembolism nangyayari din po iyan sa mga tao maski hindi bakunado. Kaya ang importante po ay mag-iimbestiga kung iyong dami ng nagkaroon ng thromboembolism sa mga bakunado ay mas marami kaysa doon sa mga hindi bakunado. Kasi nangyayari din po iyan eh, iyon ang importante sa ating adverse event following immunization. Iyon po ang ating tinututukan lagi.

Kasi hindi naman po komo nabakunahan kayo, eh talagang wala na pong puwedeng mangyari anumang sakit. Nangyayari po iyan, iyong tinatawag po nating thromboembolism, nangyayari po iyan maski na walang bakuna. So, ang importante po ay maimbestigahan kung iyon pong lugar na iyon ay mayroon pang ibang nagkakaroon ng thromboembolism. Pero hindi po iyan puwedeng maimbestiga in just one day or two days, kailangan din pong tutukan. So, ang sinasabi po natin sa ibang parte, sa Inglatera, sa UK na marami na po, almost 11 million na yata ang nabakunahan ng AstraZeneca, hindi po nila itinigil ang pagbabakuna, ganoon pa man at nabalitaan na rin din po na mayroon talagang nangyaring ganoon sa Denmark at sa ibang parte.

Pero kung ang nangyari pong iyan, ay na nga, isa, dalawa, tatlo kailangang pong ipakita muna ang tunay na pangyayari doon sa mga hindi rin nabakunahan. Kagaya po halimbawa, iyon pong tinatawag nating heart attack, hindi po ba iyang heart attack ay nangyayari maski walang bakuna at lalo po kung sa matatanda, mayroon po tayong mga kaso na bigla-bigla nagha-heart attack. Eh hindi ibig sabihin noon, kung siya ay nabakunahan at nag-heart attack ay dahil po sa bakuna. Iyon po iyong kailangang tingnan ng ating mga eksperto.

At ang masasabi ko po sa ngayon, eh maganda naman po at talagang tinututukan, iyan po ang sistema ng pag-aaral at pananaliksik tungkol sa mga adverse event. Kailangan po talagang tingnan nang mabuti iyan, kasi hindi lang po iyong tinatawag nating thromboembolism. Iyon din pong mga tinatawag nating pagbaba ng platelet, thrombocytopenia, iyon pong tinatawag na TBA, iyong nagkakaroon ng stroke. Nangyari din po iyan, natatandaan ninyo iyong sa Norway? Noong sinabi nila itinigil daw, pero actually hindi po itinigil iyon, tinuloy pa rin po nila maski na maraming nakita na namatay dahil mayroon silang mga existing disease na maaaring iyon po ang naka-cause ng pagkamatay nila, hindi po dahil sa bakuna.

So, sa ngayon po, Secretary Roque, huwag po tayong mag-alala, tuluy-tuloy pa rin po according to our experts, according to our WHO, tuloy pa po ang AstraZeneca na pagbabakuna at iyon pong dalawa ngayon na binibigay, Sinovac, Astra at nakatutok naman po ang ating mga eksperto diyan. So kung anuman po ang makikita natin na concerning safety, eh sigurado naman po na sasabihin natin at ipaparekomenda natin kasi ang amin pong talagang pakay ay mabigyan ang ating mga Pilipino ng ligtas na bakuna at effective. So, iyon lang po, maliban doon, importante po makinig tayo sa ating mga eksperto.

SEC. ROQUE: Ma’am, according to Governor Matthew, you are the better looking, younger and smarter version of Dr. Fauci. Hindi yata nakuha ni Doktora, mas maganda daw po kayo at mas bata kaysa kay Dr. Fauci at mas madaling paniwalaan. Okay, Ma’am let’s go the question of Malacañang Press Corp. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Unang tanong ni Cedric Castillo ng GMA News: Secretary, gaano daw po kakumpiyansa ang Palasyo sa imbestigasyong gagawin ng Inter-Agency Committee on extra-legal killings sa madugong police operation sa CALABARZON, considering na 13 out of 385 cases lamang ang conviction rate nito mula 2012, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Kampante po kami diyan, dahil nakikita naman po ninyo, no less than Justice Secretary Meynard Guevarra wants to get hard answers from our law enforcement agencies. Outspoken po ang obserbasyon ng ating Justice Secretary na may mga pagkakataon na hindi sumusunod sa SOP ang ating PNP personnel at nagpapakita po iyan na magiging patas, magiging thorough at magiging makatarungan ang imbestigasyon na ginagawa po ng AO35 Inter-agency committee.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary, ang susunod pong magtatanong ay si Mela Lesmoras ng PTV.

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good afternoon, Secretary, my question lang po is, una, about sa bagong IATF classification. I understand may mga arrangement po tayo na mga minimum public health standards ngayon, pero when it comes to implementation, paano po ba natin maa-assure na talagang susundin po ang pagpapatupad nito?

SEC. ROQUE: Well, garbled ka, pero kung ang tanong ay assurance doon sa mga magpapabakuna sa AstraZeneca, napakahaba po ng sinabi ni Dr. Lulu Bravo. Dr. Lulu Bravo again, ano po ang masasabi natin para magtiwala pa rin ang ating taumbayan na magpabakuna using AstraZeneca? Dr. Lulu Bravo, please.

DR. BRAVO: Medyo mahina, Sec.

SEC. ROQUE: May problema tayo sa audio. Dr. Bravo, can you answer now the question, how can we assure them that AstraZeneca is safe?

DR. BRAVO: Ang ating laging sinasabi ay makikita nila iyong mga datos, kung iyong thromboembolism ay talagang marami or iyan ay part lang noong regular na nangyayari doon sa bayan nila. Sabi nga natin, ang assurance natin, tinigil muna iyon, dahil gusto nilang mag-investigate and that is good. Because that will actually, alam natin na ginagawa ang dapat gawin para makita iyon, di ba.

So, ang importante rin is to really makinig sa datos at ang WHO says, no worry. Ang UK, ang Inglatera, tuluy-tuloy ang pagbabakuna, 10 million na or more ang nabigay nilang bakuna ng Astra. Ang also, take note, di ba na iyong during the clinical trial, iyong Astra itinigil din pansamantala, kasi tinitingnan nila, mayroon bang transverse, natatandaan natin iyon, transverse myelitis, pagkatapos may isang nakita at tinuluy-tuloy din iyong bakuna after malaman nila na hindi naman pala concerning o hindi naman nakakabigay ng anxiety, walang kinalaman iyong bakuna doon sa pagkakaroon ng transverse myelitis.

So what we need to really look at is pakihintay na lang po at kung mayroon talagang concerning doon sa safety ay talaga pong ipapatigil kung talagang kailangan. Pero huwag naman po tayo na magdya-jump agad sa conclusion, dahil mahirap po iyan, ang dami nating kailangang bakunahan para mailigtas ang buhay. Ang bakuna po ay para mailigtas ang buhay ng ating mga mamamayan at makapaghanapbuhay din tayo. So, hindi po tayo agad-agad na magbibigay ng ganitong conclusion kung hindi naman po nararapat. Makinig po tayo sa mga eksperto. Marami po tayong eksperto na tumitingin sa mga datos na iyan. At sa ngayon po ay wala pa tayong dahilan para ipatigil ang ating pagbabakuna.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat, Dr. Bravo. Si Testing Czar at Deputy Chief Implementer, mayroon yatang idadagdag.

SEC. DIZON: Opo. I think very clear naman po ang sinasabi ng ating mga eksperto. Kailangan natin ng sapat na datos galing sa ating experience dito at galing din sa mga eksperto at mga datos sa ibang bansa kung saan niro-rollout ang mga bakuna hindi lang AstraZeneca kung hindi lahat ng bakunang gagamitin natin.

So siguro po importante po iyong sinabi ni Dr. Bravo na iyong lagi nating sinusukat ang risk versus sa benepisyo. At sa ngayon po, napakalaki po ng benepisyo ng mga bakunang ito dahil proven po sila hundred percent na mapipigilan ang malubhang pagkakasakit at ang pagkakamatay. Kaya po kailangan lagi lang tayong makikinig sa ating mga eksperto tulad ni Dr. Lulu.

SEC. ROQUE: Next question, Mela.

MELA LESMORAS/PTV: Yes, Secretary Roque, iri-reiterate ko lang po iyong question kanina. Do you hear me, sir? Secretary Roque, iyon tanong ko lang po about the IATF resolution. I understand, nai-reiterate natin iyong minimum public health standards, paano naman po kaya sa implementation? Paano natin matitiyak na mahigpit din talaga itong maipapatupad, now more than ever, na mayroong COVID-19 spikes?

SEC. ROQUE: Lahat po ngayon halos na mga lokal na pamahalaan ay mayroon pong mga ordinansa na nagpapataw ng parusa sa paglabag sa minimum health standard. So habang dumarami po ang kaso ng COVID-19 ngayon, mas importante po na mapatupad natin itong minimum health standards para sa indibidwal, para sa mga establishments, at siyempre iyong pagtugon ng mga LGUs sa kanilang mga katungkulan sang-ayon po doon sa CODE na ating tinatawag.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And Secretary Roque, kahapon po ay nabanggit din ni Pangulong Duterte na he is eyeing to re-open further the economy sa loob ng ilang linggo. May I ask for further details? Kailan po kaya iyong tinutukoy ni Pangulong Duterte?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo naman po ang ating classification ay para po sa isang buwan. So I think ang tinitingnan natin ay kung pupuwede na tayong lalong magbukas pa ng ekonomiya pagdating po ng buwan ng Abril, dahil ngayon po ay kalagitnaan na ng buwan ng Marso.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And my last question lang po, Secretary Roque, maybe Secretary Dizon can answer: Ano po kaya iyong update sa negotiation with Secretary Galvez sa India and kailan po siya babalik?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po, isang linggo iyong trip niya. Umalis po siya nang Tuesday, so babalik siya next Tuesday. Pero perhaps—this weekend na pala siya babalik ‘no – si Secretary Vince Dizon must be more up to date ‘no kung anong nangyayari sa India ngayon.

SEC. DIZON: Si Secretary Galvez po ay babalik ngayong weekend, at tingin ko po ay napakaganda ng balitang ibibigay niya sa buong bansa pagbalik niya. Pero huwag na po nating pangunahan siguro, hintayin po natin siyang bumalik at mag-anunsiyo ng mga magagandang balitang ibabalita niya sa ating lahat.

SEC. ROQUE: Oo, without preempting him though, bago pa siya umalis, ang plano natin ay makakalap ng minimum ‘no 40 million dosage galing po sa Serum Institute of India. At tingnan natin kung ano ang magiging mabuting balitang dala-dala ni Secretary Galvez. Okay?

Next question is Joseph Morong.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, may question is for you—all right. So iyong OCTA is saying that 13 cities in Metro Manila ‘no, out of 17 iyan I think, are on the upward trend and we are tracking at 1.8 na reproduction rate. When we had that 1.8, we are looking at 4,000 new cases per day at the end of the March. So what is the attitude of the IATF towards that trend, sir?

SEC. ROQUE: Binabantayan po natin ang healthcare utilization rate dahil ang ating quarantine classification ay nakadepende po sa two-week average attack rate, sa daily average attack rate at saka sa healthcare utilization rate. Ang importante po, hindi ma-overrun ang ating mga ospital ng mga taong nagkakasakit nang seryoso.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, you mentioned kanina iyong interventions that the IATF has decided on: Number one, iyong strengthening iyong mga personal hygiene and iyong BHERT papalakasin, and then mag-contact tracing. That sounds like the status quo. Hindi ba, sir, tayo naghahanap ng tighter control to arrest iyong increase maybe due to the UK variant? For example, will the IATF talk about reducing again mass gathering from 50 to 30%, imposing liquor bans. And if these proposals have not been discussed or adopted, why?

SEC. ROQUE: Wala pa pong review of the 50% limitation on mass gathering. Although, lahat naman po nang pinapatupad ng IATF is without prejudice sa mga hakbang na ginagawa ng ating mga LGUs. Dahil talaga namang trabaho ng LGU for instance iyong pag-i-impose ng uniform curfew ngayon sa Metro Manila na magkakaroon na tayo ng curfew beginning – if I’m not mistaken – on the 15th ‘no hanggang end of the month, at it will be uniform now from 10 to 5. Pagdating po sa mga liquor ban, may mga iba’t ibang liquor ban naman po ang ating mga lokal na pamahalaan ‘no.

So ibig sabihin po, the IATF has provided policies pero ang mga lokal na pamahalaan are also providing further steps para po mapababa rin iyong pagkalat. At talaga naman pong bayanihan sa panig ng mga LGUs at ng IATF itong laban natin sa COVID-19.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, it seems to me that iyong mindset ng IATF is that the present protocols are okay and we’re still looking, as you said kanina, at re-opening the economy by April. Hindi ba, sir, parang we’re kind of disconnected to what is really happening on the ground because of all the statistics and we’re just maintaining what we are implementing now?

SEC. ROQUE: Let’s just say, Joseph, na after one year, alam na natin ang anyo ng ating kalaban at alam na natin kung paano tayo mabuhay sa kabila ng COVID-19. Dahil ang katotohanan niyan, iyong further lockdown ay talagang mas mahirap para sa ating mga kababayan. Ang sinasabi lang natin is we are living the new normal, nagpapaigting tayo ng minimum health standards. Alam natin na lalong nakakahawa ang sakit. Pero habang handa tayong magbigay ng tulong sa mga seryosong magkakasakit, tuluy-tuloy po ang hanapbuhay ng ating mga kababayan. Kaya po natin ito, ingat-buhay para sa ating hanapbuhay.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, just one last question on contact tracing and isolation. You mentioned yesterday that the weak part of our response, one of the weakest, is the contact tracing. And even si Mayor Magalong is saying na kahit siya ay nahihilo because we have the national government StaySafe, and then you have the LGUs. And you mentioned that StaySafe will be the primary?

SEC. ROQUE: Talagang wala na pong pagbabago diyan, we will implement StaySafe once and for all! And the end-user will now be DILG, because DILG in the first place is in charge of contact tracing. So iyong ating pinapaigting pa na 1:36 Magalong formula will now be complemented on a nationwide basis by StaySafe. At iyong mga iba’t ibang local government units na mayroon ng sariling apps, mayroon naman pong requirement na kinakailangan magkaroon ng inter-operability or compatibility between these individual tracing apps with the national StaySafe app.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, kay Sec. Vince. Iyong statistics isolation?

SEC. DIZON: Thank you, Joseph. So, the statistics right now in NCR where the spikes are mostly coming from, ang ating isolation facilities ay nasa 60% right now and ang ating critical care utilization natin ay nasa, I think, a little below 60% in NCR.

So, mataas dahil nga as you’ve said, tumataas ang mga kaso pero okay pa iyong level natin at manageable pa. Ang ikinaganda naman, Joseph, is a vast majority of the new cases are either mild or asymptomatic. Meaning kahit initially sila sa ospital, after checking ng kanilang mga symptoms sila ay inire-refer sa mga isolation facilities natin kaya napaka-importante talaga na ready tayo with sufficient isolation facilities in case na magkaroon ng mga spikes sa cases tulad ng nakikita natin ngayon.

JOSEPH MORONG/GMA 7: All right. Sir, thank you for your time and stay safe there.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Joseph. Next one is Pia Ranada from Rappler.

PIA RANADA/RAPPLER: Good afternoon.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

PIA RANADA/RAPPLER: Hello?

SEC. ROQUE: Go ahead, please. We can hear you.

PIA RANADA/RAPPLER: Sir, just on what you mentioned, on stricter implementation of health protocols, may we know what is the concrete manifestation of this? Do you mean that we will be deploying more military or police, for example, in public areas to enforce social distancing, mask wearing, etc.?

SEC. ROQUE: Kasama po natin ngayon ang regional director ng DILG. Ano pong utos ng DILG sa ating kapulisan pagdating po sa pagpapatupad po ng minimum health standards? And we are joined by Director James Fadrilan, DILG Region I.

DILG DIR. FADRILAN: Ang ating mga kapulisan po ay inatasan, specially sa areas of concern, na may nakita tayong mga surges like Metro Manila, iyong presence po, iyong visibility nila ay dinagdagan. Especially nakita po natin sa Pasay, Pasay City requested for more elements from the PNP, and the PNP acceded to the request.

And this is true to all other LGUs na mayroong surges lalo na po iyong mga areas na mayroong cases, pinababantayan po talaga. And it is also being augmented, sir, by the barangay tanods of the barangay where the cases are in at ipinatutupad po, binabantayan ang iyong mga mass gatherings. At ang mga nakikita po nila ay pinapayuhan na bawasan ang pagkakaroon ng mga gatherings, pag-observe ng proper social distancing and wear masks and face shields properly.

SEC. ROQUE: Next question.

PIA RANADA/RAPPLER: So, Sec., can we say that this is a nationwide or at least an NCR-wide directive coming from Malacañang or the national DILG for this added presence of police/military in light of the new surge and cases?

SEC. ROQUE: Of course, it is, a national policy now. It is a directive issued by the DILG which must be implemented by the PNP nationwide in light of the new COVID cases.

PIA RANADA/RAPPLER: And sir, just on the face-to-face classes but specifically for higher education institutions, because I read in the Omnibus guidelines that actually sa MGCQ dapat puwede na iyong face-to-face classes for HEIs (higher education institutions) at least limited amount [number] because those are low transmission area supposedly. But the President has said that no face-to-face at all until there’s a vaccine. Are there any discussions on IATF to at least begin this pilot for higher education institutions before that standard operation na dapat two million vaccines are in the Philippines before face-to-face for the lower level of schools?

SEC. ROQUE: Pia, we have had authorization to conduct face-to-face classes among sa medical schools and allied medical professional schools. And I’m happy to report that UP-PGH was the first na pinayagan nating mag-face-to-face and as of the last time na nagkausap kami ni CHED Chair Popoy eh wala naman pong nagkasakit doon sa mga medical students ng UP-PGH.

So, let’s just say that we are in the process of piloting limited face-to-face among higher learning institutions and so far it has given rise to very good results, pero at the same time we also have to monitor this sudden increase in number of COVID cases. So I think iyong future of immediate face-to-face will also depend on what will happen in the near future.

PIA RANADA/RAPPLER: And, sir, last question. Sir, earlier you said that it’s best to focus on the pandemic and not politics. How can you reconcile your statement when it’s the President himself who is floating possible presidential candidate and does this mean that the President is distracted by early campaigning from the pandemic which is the more urgent issue?

SEC. ROQUE: Hindi naman po because ang primary thrust pa rin ng gobyerno is this pandemic and that is why all members of the Cabinet were given the mandate to go and support the vaccination program of the government.

Okay. Thank you, Pia.

PIA RANADA/RAPPLER: All right. Thank you, Sec.

SEC. ROQUE: Thank you.

MODERATOR: Balik po tayo kay Usec. Rocky Ignacio po.

SEC. ROQUE: Balik tayo kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good afternoon ulit, Secretary Roque. Tanong po mula kay Leila Salaverria: May nakikita bang hadlang ang government sa paggamit ng StaySafe app? May reports na hindi pa ito na-turnover sa gobyerno?

SEC. ROQUE: Wala na pong problema sa StaySafe app. As of yesterday, lahat ng gusto naplantsa na. Full implementation of StaySafe app within ten days.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Next question, please. Okay. Punta naman tayo kay Melo Acuña. Okay, wala na yata. Wala na yatang tanong. Dahil wala na pong tanong, we would like to thank are very gracious host Governor Matthew Marcos Manotoc; Vice Governor Araneta Marcos; si Mayor Marcos Keon; kasama rin po natin si Dr. Bello at si Director Fadrilan.

Maraming salamat po dito sa Laoag General Hospital; maraming salamat sa ating mga kapatid na mga Ilocano! Ilocos, I love you! At Pilipinas hanggang sa Lunes, ito po ang inyong Spox Harry Roque, sa ngalan ng inyong Presidente Rodrigo Duterte nagsasabing, we will heal as one. Bayanihan, kaya natin ito. Matatalo natin ang COVID-19.

Magandang hapon Pilipinas!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center