Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque

Event Press Briefing
Location New Executive Building (NEB), Malacañang, Manila

SEC. ROQUE: Magandang tanghali po, Pilipinas. Humarap sa taumbayan muli po si Presidente kagabi para sa kaniyang regular Talk to the People Address.

Unahin natin ang mensahe ng pakikiramay ng Pangulo sa mga naiwang pamilya at mahal sa buhay ng pitong sundalong nasawi ng bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa Bukidnon.

Nagsabi ang Pangulo na gagawaran niya ng Order of Lapu-Lapu ang mga nasawi bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan. Sa pagkakataong ito, let us have a moment of silence for our fallen heroes.

Zero tolerance against corruption, ito ang mensahe ni Presidente kagabi. Siniguro ng Pangulo na walang katiwalian sa National COVID-19 Vaccination Plan ng pamahalaan. Sinalag ni Presidente Duterte ang mga akusasyon ng korapsiyon kaugnay ng presyo ng Sinovac na pinupukol sa ating Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez.

Dagdag ni Presidente, hindi maaaring sabihin ang exact price ng mga bakuna dahil sa non-disclosure agreement or NDA baka mapahamak pa ang darating na mga bakuna kung tayo ay hindi sumunod sa non-disclosure agreement. Pero oras na dumating na ang mga supply, sasabihin at sasabihin natin ang mga presyo ng bakuna dahil siyempre po ang pambayad diyan ay pera pa rin ng taumbayan.

Sa panig naman po ni Secretary Galvez, kaniyang sinabi na ang mga napagkasunduan sa pagbili ng bakuna ay malinis at sila ay sumusunod sa mahigpit na mga patakaran. Sabi pa nga po ni Vaccine Czar, dahil sa kanilang pakikipagnegosasyon sa mga vaccine manufacturers, nakatipid ang pamahalaan ng pitondaang milyong dolyar sa pagbili ng ating mga bakuna.

The national government has earmarked 82.5 billion for the vaccine procurement with 70 billion from loans, 2.5 billion from the 2021 General Appropriations Act, and 10 billion from Bayanihan II.

Tingnan naman po natin ang sumusunod na infographics. Ito po iyong mga bakuna na mayroon na tayong nilagdaan na term sheet; at iyong isa naman po, iyong Moderna, ay ang sabi ni Ambassador Romualdez ay pupuwede nang ianunsiyo.

So far po, tatlo ang napirmahan nating term sheets para sa 30 million doses ng Novavax, 25 million doses ng Sinovac at 17 million dose ng AstraZeneca. At sabi nga po ni Ambassador Romualdez, we can look forward to 20 million doses of Moderna. Hindi pa po kasama dito ang Pfizer dahil wala pa po tayong pirmadong term sheets sa Pfizer, bagama’t inaasahan natin sa Pebrero ay mayroon pong darating na kaunti dahil po sa COVAX facility.

Ini-report din po ng Pangulo ang walumpu’t siyam na barangay captains na sinuspinde ng anim na buwan dahil sa mga alegasyon ng iregularidad sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program o SAP.

Nagsalita rin po ang Presidente tungkol sa mga nag-a-apply ng mga prangkisa: Magbayad lang ng tamang buwis, huwag takbuhan ang obligasyon. Kasama ito sa isang kampaniya tungo sa mabuting pamamahala or good governance.

Samantala, sa House hearing kahapon, nagsalita ang ating tunay na eksperto sa bakuna tungkol sa vaccine efficacy. According to Dr. Edsel Salvaña of the DOH Technical Advisory Group na siya rin po ay taga-UP National Institute of Health, ‘AstraZeneca, Sinovac and Moderna prevent 100% of severe COVID-19. Pfizer prevents 89%,’ but difference in efficacy depend daw po on population selection, definition now of symptoms among others. Dagdag ng Technical Advisory Group, “Pfizer is known to have 95% efficacy to prevent the clinical disease, Moderna with 94%, AstraZeneca with 62 to 90% and Sinovac with 50 to 91% efficacy. Any vaccine that has the propensity to combat the disease will decrease the people who will die. But Pfizer, Moderna, AstraZeneca and Sinovac can be deemed effective so far in preventing severe infections.”

Tungkol naman po sa Pfizer, nagsalita na po ang FDA, and I will quote, “As we await the final report of Pfizer and national agencies in Norway, we can still change contraindications before we start our vaccination here now we know that patients with severe allergies is the contraindication.” Sabi rin po ng mga awtoridad sa Norway, baka hindi po nila ibigay doon sa mga masyadong matatanda at talagang frail of health ang bakunang Pfizer.

Ipinahayag ng Sinovac through their General Manager, Ms. Helen Yang, na nagsimula silang mag-manufacture ng vaccine in commercial use noong isang taon. Gumagamit sila ng inactivated vaccine – iyong sinasabi po ni Dra. Bravo at saka ni Dr. Solante na ginagamit na for the past 260 years ‘no – kaya ligtas daw ang kanilang bakuna, dagdag ni Ms. Yang.

Sang-ayon din sa Sinovac, walang severe adverse effect silang namu-monitor sa kanilang bakuna.

Walong milyon COVID-19 vaccine na ang na-rollout ng Sinovac sa China. Nagsagawa sila ng clinical Phase 3 trial sa Indonesia, Turkey at Brazil. Ito nga po iyong iba-ibang efficacy rate ‘no – sa Indonesia at Turkey, 91.25; at sa Brazil ay 50 to 60%. At itong Lunes ng gabi ay nakakuha na po ang Sinovac ng Emergency Use Authorization of EUA sa bansang Brazil.

Dito sa Pilipinas, naghahanda na ang Sinovac ng isang definitive agreement sa gobyerno ng Pilipinas kung saan kasama ang terms of acceptance. Sa ngayon, isinasapinal pa po ang isang non-binding term sheet with the Philippine government. Ayon sa Sinovac, hindi sila ang pinakamahal na brand.

Ipinahayag din ng Sinovac na kailangan maaprubahan muna ang kanilang bakuna ng Food and Drug Administration at kinukumpleto na nila ang mga kinakailangang dokumento ukol dito. Inaasahan na 25 million doses ang maidi-deliver sa Pilipinas ng Sinovac bago matapos ang 2021.

COVID update naman po tayo. Ito po ang global updates sang-ayon po sa Johns Hopkins: Mahigit 95.4 million or 95,488,424 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 2,038,477 katao naman ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na mayroong mahigit 24 million na mga kaso at 398,879 deaths; pangalawa po ang India; pangatlo ang Brazil; pang-apat ang Russia; at panlima pa rin po ang United Kingdom.

Dito po sa ating bayan, mayroon tayong 26,839 na mga aktibong kaso ayon sa January 18 datos ng Department of Health. Sa mga aktibong mga kaso, 91.8% ay mild at asymptomatic, samantalang 4.9% po ay kritikal; nasa 2.8 naman po ang severe. Nasa 465,988 na po ang kabuuang bilang ng mga gumaling or 92.7% recovery rate. Samantala, malungkot naming binabalita na nasa 9,909 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus, nasa 1.97% po ang fatality rate. Nakikiramay po kami sa mga nabawian ng buhay.

Makikita sa infographics natin ngayon ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset as of January 18, 2021. Nakita ninyo po na noong nakalipas…iyong last two dates ay nakita ninyo talagang mayroon pong pagtaas. At itong mga petsa po ay sakop po ng Pasko, ng Bagong Taon at pati na po ang Traslacion.

Ayon sa isang epidemiology experts, si Dr. John Wong na isang consultant din po ng IATF, nagkaroon nga po talaga ng surge. At pinapayuhan ang lahat na iwasan ang mga mass gatherings; uulitin ko po – MASK, HUGAS, IWAS.

Kumustahin naman po natin ang mga availability ng mga kama sa ating ospital. Nasa 59% available pa po ang atin ICU beds, 63% ang available na isolation beds, 72% ang available ward beds, at 78% pa po ang available ventilators.

Ito po ang slide ng total COVID-19 bed utilization rate: Ngayon pong araw, ang CAR ay umabot na po sa kritikal. Ulitin ko po—hindi naman po iyan kritikal, moderate. I stand corrected. Ang yellow – I stand corrected – ay moderate, so nasa moderate risk na po ang CAR. Kapag umabot po iyan sa pula eh doon po tayo magkakaroon ng posibleng change in quarantine classification. Pangalawa po sa CAR, nandiyan nga po ang Region XI, nasa 53% within shooting distance na po siya of moderate. Pero by and large, sapat pa rin po ang ating mga kama, ang ating mechanical ventilators as of January 17.

Now, bago po tayo magtapos ay mayroon po tayong sinabi kahapon tungkol doon sa mga hinahambing ang bakuna sa sabong panlaba. Para wala po tayong misunderstanding, hindi ko po sinabi na hindi pupuwedeng magsalita ang kahit sino – karapatan po iyan ng lahat ng Pilipino. Pero ang aking sinasabi lang, pagdating sa bakuna, sa panahon ng pandemya kung saan maraming natatakot, kinakailangan naman na ang pakinggan ng lahat ay ang eksperto sa bakuna.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Bago tayo pumunta sa tanong ng ating mga kasama sa Malacañang Press Corps, kausapin po natin walang iba kung hindi si Vaccine Czar, NTF Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez; at narito rin po ang NTF Deputy Chief Implementer at Testing Czar dito po s NEB si Secretary Vince Dizon.

So, unahin po natin si Secretary Galvez by Zoom. Sir, nasagot na po lahat ng tanong ng Senado at ng Kongreso, at pinanindigan naman po ng ating Pangulo ang inyong pagkatao at binigyan ng assurance ang bayan natin na wala pong korapsiyon sa pagbili ng mga bakuna. Moving on, ano po ang mga latest updates natin pagdating po sa vaccine acquisition. Secretary Galvez, the floor is yours.

SEC. GALVEZ: Isang magandang araw po sa ating lahat. Gusto ko pong ipaalam sa ating mamamayan na sinusunod po natin ang alituntunin ng ating pamahalaan sa lahat ng mga transaksiyon natin dito, lalo na sa pag-angkat ng bakuna ay ang prinsipyo ng transparency at accountability.

May karapatan po ang lahat ng mamamayan na malaman ang mga detalye ng mga transaksiyon na ipinatutupad at pinapasukan ng pamahalaan. Sa panig po ng negosasyon sa bakuna, ipinatupad po ng buong mundo ang policy po na tinatawag na pagpirma ng confidential disclosure agreement para protektahan ang mga bagay na nakasisira sa interes ng isang vaccine manufacturer at ang ating bansa.

Hindi lamang po ang isang vaccine manufacturer ang ating pinirmahan ng CDA kung hindi ang lahat ng ating mga kausap at sinisigurado ko po sa inyo na hindi po tayo papasok, ang pamahalaan, sa kahit anong negosasyon o pipirma sa isang kontrata kung tayo po ay madedehado. We will always try to negotiate for vaccine that are safe, effective and cost efficient.

On track po ang implementasyon ng ating Philippine National Vaccine Roadmap, in fact, magkakaroon po tayo ng dry run at saka inspection ng mga cold storage. Ganoon din po, na wala pong korapsiyon sa ating negosasyon. Inuulit ko po, wala pong korapsiyon.

Ang presyo ng ating mga binibiling bakuna ay saklaw po ng CDA (Confidentiality Disclosure Agreement) kaya po hindi po natin maaaring ilabas ang mga iyon sa publiko. Maaari pong mawala sa atin ang 148 million doses na nine-negotiate po natin sa vaccine companies kapag lumabag po tayo sa ating kasunduan. Ididetalye ko po ito sa mga susunod na slide.

Tungkol naman po sa mga diskriminasyon ng mga vaccine, nilinaw po ng ating mga vaccine expert ang mga detalye tungkol sa safety at efficacy ng mga bakuna. Muli po, hindi po tayo gagamit ng bakuna na hindi aprubado ng ating FDA. Mapapawalang-bisa ang anumang kasunduan sa mga vaccine manufacturers kapag hindi po sila nakapasa sa panuntunan upang magkaroon ng EUA (Emergency Use Authorization).

Gusto ko po din bigyang pagkilala si Finance Undersecretary Mark Dennis Joven na katuwang natin sa pagnenegosasyon sa mga vaccine manufacturers. Talaga pong mataas ang kredibilidad ni Usec. Joven dahil utos po ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangang walang bahid ng korapsiyon ang ating vaccination program. Mahigpit po rin na nagbabantay ang ADB na may 26 countries at ang World Bank upang masiguro na malinis at maayos ang funding scheme ng ating pagbili ng bakuna.

At ito pong issue po ng tinatawag na confidentiality agreement, nakita natin na nagkaroon din ng issue dito ang Malaysia at sinasabi nga po sa New Straits Times na: “Vaccine deal at stake if info revealed.” Ito po kapag binreak po natin ang non-disclosure agreement between the pharmaceutical companies and the government, ang atin pong deal ay hindi po natin masi-secure at magkakaroon po ng cancellation of delivery.

Ang NDA protection includes protecting medical trade secrets, special prices given to any particular country, the timeline of the vaccine, and any party involved in recommending or granting the deal or any other special arrangement. At pangatlo po, apart from the issues of damages and inability to obtain shipment of vaccine, there will also be an issue of credibility and reputation that may affect the government. Kaya po, kami po ay humihingi ng paumanhin sa ating mga publiko na irespeto po natin ang ating mga kontrata dahil dito po nakasalalay ang ating 148 na vaccine.

Maraming salamat po, over to you, Sir Harry.

SEC. OQUE: Maraming salamat, Vaccine Czar Secretary Galvez. Uulitin ko po, hindi naman po permanente iyang CDA na iyan. Kapag po dumating at kinakailangan nang bayaran ang mga bakuna, sang-ayon po sa ating Saligang Batas, talaga pong ilalabas natin sa publiko kung magkano itong mga bakunang ito.

Kasama rin po natin ang Deputy Chief Implementer ng National Task Force on COVID-19 at ang hepe po ng tinatawag nating Testing Czar para pag-usapan naman iyong rollout na plano ng gobyerno. Kasi po pagdating sa National Vaccination Plan mayroon po tayong dalawang aspeto niyan: iyong acquisition ng bakuna at kung paano po iro-rollout.

Si, Secretary Vince Dizon, ano po ang latest sa rollout, iyong plano ng rollout ng bakuna sa ngayon? The floor is yours, Secretary Dizon.

SEC. DIZON: Maraming salamat po, Spox Harry. Magandang hapon po sa ating mga kababayan.

Kagaya po ng sinabi ng ating Chief Implementer at Vaccine Czar, tuluy-tuloy po ang pagtatrabaho ng gobyerno para masigurado na mayroon tayong ligtas at epektibong mga bakuna para sa ating mga kababayan.

Kasama po sa napaka-importanteng kailangang gawin ng pamahalaan ay masigurado na maayos at mabilis ang rollout ng ating mga bakuna kapag ang mga bakunang ito ay dumating na sa ating bansa.

Ngayon po, ang unang-unang ginawa ng ating Vaccine Czar ay nakipag-coordinate po siya sa iba’t-ibang mga sektor ng ating bansa, ng ating ekonomiya. Nakapaloob na rin ito sa ginagawa ng ating gobyerno at inutos ng ating Pangulo na whole-of-nation approach, kung saan kailangang makipagtulungan ng national government sa ating mga LGUs at sa ating pribadong sektor.

Kaya po ngayon, ready na po sa mga susunod na araw ang pag-inspeksiyon ng mga iba’t-ibang facilities na gagawin po ng National Task Force sa pamumuno ng ating Chief Implementer sa mga iba’t ibang facilities na kailangang gamitin para sa rollout na magsisimula sa susunod na buwan.

Importanteng-importante po, last year, nakipag-usap na po si Secretary Galvez, ang ating DOH, sa iba’t-ibang mga logistics companies at cold storage providers, kagaya po halimbawa ng Orca, Royal Cargo, Zuellig at iba-iba pa na nakikita natin ngayon sa screen. Sa kasalukuyan po, 28 cold chain providers na po ang nakausap at mayroon pa pong limang kinakausap sa kasalukuyan.

Ang importante pong maintindihan natin na very special po ang kinakailangang mga facilities para sa mga bakunang padating. Ito po ang tinatawag nilang pharma-grade cold chain facilities or pharma-grade cold storage facilities at ito pong mahigit na 30 na ito ang mga pinakamalalaking mga kumpanya na mayroong ganitong capacity.

Pero kahit na po nakausap na itong mga mahigit 30 na kumpanya na ito, kakausapin pa rin po ng ating Vaccine Czar at ng Department of Health ang iba’t-iba pang mga kumpanya at mga association tulad ng Cold Chain Association of the Philippines, lalung-lalo na po para sa mga area sa ating mga probinsiya.

At para i-anunsiyo lang po natin, simula po bukas mag-iikot po ang ating Vaccine Czar kasama ang Secretary of Health at ang iba pang mga members ng NTF Vaccine Cluster para tingnan po ang mga iba’t-ibang mga facilities, katulad halimbawa nitong facility ng ORCA, sa Royal Cargo at ang isa sa mga pinakamalaking mga pharmaceutical company sa buong mundo, ang Zuellig Pharmaceuticals.

Magbibigay po kami ng mga regular update kung ano na po ang status ng ating preparasyon para sa deployment sa mga susunod na linggo.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Testing Czar at Deputy Chief Implementer, Secretary Vince Dizon. Pumunta na po tayo sa ating open forum with our Malacañang Press Corps. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque. Good afternoon, Secretary Galvez and Secretary Vince.

Question po from Leila Salaverria of Inquirer: Does Malacañang support the DND’s decision to unilaterally end the 30-year-old deal that bars the police and military from entering UP campuses without notifying university officials? Did the Palace or the President have a hand in this move?

SEC. ROQUE: Eh si Secretary Lorenzana po is an alter ego of the President, of course, the President supports the decision of Secretary Lorenzana. Pero personally po, ako po ay labinlimang taong nagturo, sampung taon nag-aral sa UP… eh iyong 25 years ko po sa UP, hindi ko po naranasan na nandoon ang pulis. Pero tingin ko naman noong pag-aaral ko sa abroad, wala naman pong special police sa mga campuses sa Amerika at sa Inglatera, at lahat po sila ay sakop din ng mga pulis.

Pero pagdating sa kontrobersiyang ito, kinakailangan po ang pakinggan natin ang UP President, si President Danilo Concepcion. So lahat po iyong mga damdamin ng mga alumni gaya ko, I think it will be expressed by President Danilo Concepcion.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: How will the Palace address concern that this move is just meant to stifle dissent in the guise of fighting against communist insurgency?

SEC. ROQUE: Well, gaya ng sinabi ko po ‘no, dalawampu’t limang taon akong nandiyan sa UP pero nagtatlong taon din ako sa Amerika, isang taon sa Inglatera – iyong sa Amerika po at sa Inglatera, mayroon din pong pulis sa mga campuses. So hindi naman po siguro dahil hindi lang naman UP ang pamantasan na mayroong academic freedom. Sa buong mundo po mayroon iyan at sa buong mundo, sakop naman po sila ng kapulisan.

USEC. IGNACIO: Third question po ni Leila Salaverria: How can officials say academic freedom is not endangered by the AFP move when soldiers and police can enter the university premises at will?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po lalung-lalo na sa Inglatera, wala pong distinction between a campus and the city – na ang campus is very much of the city. At sa buong Europa po, ibig sabihin ang pulis eh naruroon din po sa lahat ng mga campuses at wala naman pong paglabag sa academic freedom.

Nasa mga taga-UP rin po iyan, ang tingin ko naman po dahil napakatagal kong nagtagal diyan sa UP, labinlimang taon, hindi po nila papayagan na mabale-wala at malabag ang kanilang karapatan sa academic freedom.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang fourth question po ni Leila Salaverria: The President mentioned more than once the report that 25 people died after being given the Pfizer vaccine in Norway. How will this affect the Philippines’ decision to purchase Pfizer vaccines? Will it still continue to do so? Is the President saying the Pfizer vaccine should not be trusted unlike Sinovac?

SEC. ROQUE: Wala naman pong epekto iyan sa pagkuha natin ng Pfizer ‘no at nagsalita na po si Director General ng ating FDA at ang sabi po niya nakipag-ugnayan sila doon sa counterpart nila sa Norway para pag-aralan kung anong contraindications ang dapat ibigay sa Pfizer ‘no. At nagsalita na rin po ang mga otoridad sa Norway na sinasabi nila, baka hindi na po nila ibibigay ito sa mga napakatatanda at saka mga frail ‘no dahil ito po iyong mga namatay.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Oo. Susunod na question ay kay Melo Acuña. Melo Acuña, please.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Yes. Good afternoon, Mr. Secretary. My question is for you and for Secretary Galvez. I came across an article by The Washington Post which says that there is a black market for illegal coronavirus vaccines thriving in the Philippines. Ano po iyong efforts natin para maiwasan kung may katotohanan man ang ganitong balita? Secretary Harry and Secretary Galvez, please.

SEC. ROQUE: Melo, this was asked and answered yesterday. Ang sagot po natin kahapon pareho pa rin ngayon – iniimbestigahan na po iyan.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Okay. And the efforts to prevent, would we have any specific approach para maiwasan ang pagpasok ng mga ganitong sistema? Secretary Galvez, please.

SEC. GALVEZ: Ang ano po natin ay nakipag-coordinate na po tayo sa mga ahensiya na talagang dapat magkaroon tayo nang stricter control on these illegal drugs, kaya po nakita po natin, nakipag-usap po tayo kahapon, na-meet natin si Custom Commissioner. Magpupunta po ako sa kaniya para at least makapagkaroon po kami ng tinatawag na dialogue so that we can increase iyong ano po natin kasama po ang FDA.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Yeah. Secretary Galvez, magkano po kaya ang nailaan nating salapi para sa pag-rollout ng mga bakuna lalo na na gagamit tayo noong mga makabagong sistema para mapanatiling mabisa ito segun sa temperaturang kailangan?

SEC. GALVEZ: Nagkaroon na po tayo ng presentasyon na 82 billion pesos ang ano po natin at ako po rito’y sinabihan ni Secretary Avisado na mayroon po siyang nakuha na savings na another 5 billion. So more or less po, after we have acquired all the vaccine, more or less ang nakita natin sa mga logistics at saka mga cold chain, more or less ang ano po natin baka kaya po natin iyong 17 billion; mayroon po tayong nakalaan.

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Maraming salamat po Secretary Galvez at Secretary Harry.

SEC. ROQUE: Melo, maraming salamat. Pero para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, uulitin ko po bagama’t mayroong 29 na namatay at ang hinala po nila ay dahil sa Pfizer – ang katotohanan naman po ang Pfizer is 95% effective sa pag-prevent po ng pagkakasakit; ang Moderna ay 94% effective; ang AstraZeneca ay 62 to 90%; at ang Sinovac ay 50 to 91. Pero lahat po ng bakuna, ulitin ko po sabi ni Dr. Salvaña, iyong AstraZeneca, Sinovac, Moderna – sila po ay nagpi-prevent 100% nang severe na kaso ng COVID-19. Kaya nga po paulit-ulit nating sinasabi: Basta aprubado po ng FDA, ligtas at epektibo.

Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Yes Secretary, question for Secretary Vince Dizon from Mikhail Flores from Agence France: Is President Duterte encouraging the rich hospitals to buy their own vaccines as long as they have permission from the FDA? How is this possible given the fact only EUAs are given to vaccines at this stage and FDA has explicitly stated the vaccines approved under EUA are not for commercial use? Is the President now allowing the private sector to buy on their own but with FDA approval? Sinabi daw po iyan kagabi.

SEC. DIZON: Kagaya po ng nasabi ni Secretary Galvez, ang ating Vaccine Czar, ang private sector noong nakaraang taon pa eh kasama na ng ating National Task Force at ng ating national government sa pagpaplano at pagbibili ng mga bakuna para sa ating mga kababayan. Napakalaking tulong po ng private sector simula pa lang noong ating laban sa COVID-19 at dito sa bakuna ay kasama din natin sila. At inaprubahan ang participation ng private sector ng ating mahal na Pangulo noon pang late part of 2020.

Ngayon ang kanilang paraan na na-develop ng ating Vaccine Czar at ng ating DOH para bumili ng mga bakuna ay iyong tinatawag nating agreement kung saan kasama ang private sector company, ang vaccine company at ang national government represented by Secretary Galvez and Secretary Duque, our Secretary of Health. So iyon na po ang ginawa at milyun-milyon na pong mga bakuna ang mga—nakapagpirmahan na po para sa milyung-milyong bakuna ang ating private sector with the national government and the pharmaceutical company AstraZeneca.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Vince and Secretary Galvez, basahin ko lang po iyong sinabi daw ni Presidente kagabi, I quote: “Ngayon kung kayong mga hospital, mga doktor o kung mayaman gusto ninyong magbili ng inyo, go ahead. Do not wait for us. If you have the money, buy it but dumaan ka lang sa FDA, hindi dito kay Secretary Galvez. Huwag na sa kaniya, doon kayo sa FDA and finally doon sa Secretary of Health. Iyong pirma ng pinakamataas importante, iyan ang totoo diyan so make no mistake about it.” Secretary Vince…

SEC. DIZON: Tama po iyan ‘no, tama po iyan ‘no. Kailangan po lahat ng mga bakuna ay dumaan sa FDA ‘no dahil hindi ka puwedeng mag-administer ng bakuna na hindi nabibigyan ng Emergency Use Authority ng FDA.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: President Duterte said the earliest that we can have the vaccine is about 2 months from now. Secretary Galvez is saying we might have the first batch by next month already. When are we really expecting the first batch of vaccines to arrive in the country? Ito po daw ang sinabi ni Secretary Galvez, ganito ang bakuna, the earliest that we have is about two months from now. Iyong iba diyan, walang pera, wala pa sila. For Secretary Vince Dizon.

SEC. GALVEZ: Ang mga report po natin sa ating presentation ang pinaka-earliest rollout po natin is this coming February. Alam po natin iyan na baka mamaya dumating din po iyong ating COVAX vaccine na puwede po iyong Pfizer at darating din po iyong ating isang vaccine from China, iyong Sinovac.

SEC. DIZON: Nasagot na po yata ni Secretary Galvez, Usec. Rocky.

SEC. ROQUE: Okay, tawagan natin si Trish Terada, please?

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, good afternoon po. Sir, doon lang sa nabanggit ng Pangulo kagabi doon sa opening niya na parang he is challenging the Senators, na bibili siya Pfizer vaccines for them. Senators reacted right away and most of them were asking where the President got the idea or information that they want the Pfizer vaccine?

SEC. ROQUE: I think the President was reading from reports.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Ang paliwanag po ni Senator Lacson [unclear].

SEC. ROQUE: I think the President had with him reports and he was reading them verbatim and he singled out, I think Senator Riza Hontiveros, among others. But I did not hear the President mentioned Senator Lacson said that he preferred Pfizer. Wala naman pong ganoon kay Senator Lacson.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: But into his defense, sir. To the defense of the Senate in general, Senator Lacson was saying that the hearings are there to seek responses for future reference in legislative work and they deny any political agenda hounding these hearings. So Senator Lacson also ask, isn’t this how the legislative and the executive work together as a team in fighting corruption?

SEC. ROQUE: Hindi lang po maisip talaga ng Palasyo kung ano iyong gagawin nilang batas para rito ano. Kung tutol po sila sa CDA baka gumawa sila ng batas na ipinagbabawal ang CDA, kapag nangyari po iyon wala nang magbebenta sa atin ng gamot sa Pilipinas ‘no. So, gusto ko rin pong marinig at ng taumbayan kung ano iyong lalabas na batas sa resulta ng imbestigasyon na ito, dahil iyan po iyong dahilan kaya ang tawag sa imbestigasyon na iyan in aid of legislation. Pero sa Presidente po, iyong pagpapatupad ng National Vaccination Program, iyan po talaga ay trabaho ng Ehekutibo. Nakikipag-cooperate po ang executive at ang sabi nga ng Presidente ay patuloy pa ring mag-a-attend ang ating mga Kalihim doon sa mga pagdinig ng Senado, sagutin ang kanilang mga tanong, pero kung binabastos sila, mag-walkout. So, iyon lang po ang ating tatanungin sa Senador, matapos itong napakahabang mga hearing na ito, anong batas po ang isasampa nila?

TRICIAH TERADA/CNN P HILS: Sir, nakausap po ba ninyo last night si Pangulo during the meeting and if he will be willing to take the first shot from Sinovac?

SEC. ROQUE: Opo. And his answer was no problem, I will take the vaccine as soon as it is available, dahil siya nga daw po ay talagang kailangan niyang magkaroon ng bakuna. Pero ang sabi niya hindi na kinakailangan ipakita ito sa publiko. He is taking the route of the British Sovereign ano, dahil naging desisyon po nila Queen Elizabeth at ng kaniyang asawa na pribado iyong pagtuturok sa kanila.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, dito lang po abrogation of the UP-DND accord. Of course, since Secretary Lorenzana was also present in the meeting last night, I was wondering if he was able to discuss this with the cabinet or with the IATF officials and the President. Why hasn’t the government all of a sudden decided to do this after 31 years? May nakikita po bang threat sa UP students and does the government see any urgent concern that needs to be averted right away with this move?

SEC. ROQUE: It wasn’t discussed. Although, I found out about it because I overheard Secretary Lorenzana telling his staff what to do about the release on this. Pero in today’s newspapers, nandiyan naman po iyong dahilan na sinabi ni Secretary Lorenzana, marami pong mga komunista, CPP-NPA, na nagri-recruit sa UP. Pero kagaya ng sinabi ko po ay talaga naman pong alter ego si Secretary Lorenzana, suportado po iyan ng ating Presidente. As to iyong side ng UP, tanungin na lang po natin ang UP President, Danilo Concepcion.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Spox. Spox, just a few questions for Secretary Galvez and Secretary Dizon.

SEC. ROQUE: Yes, ma’am, go ahead please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi, Secretary Galvez! Sir, with the President’s directive last night to proceed with the roadmap or iyong sa procurement plan po, would you still be participating in the investigations in Congress, particularly po doon or magpu-push through pa po ba iyong hinihingi ninyong executive session to discuss the prices of the vaccines?

SEC. ROQUE: Sec. Galvez po or Sec. Dizon. Sec. Galvez, ano po ang desisyon ninyo sa darating na hearing sa Biyernes?

SEC. GALVEZ: Ang inaano ko po ay baka magpulong po kami, gusto ko po sana magkaroon ng pagpupulong muna para at least malaman po natin at alam po namin ang request ko po, nag-text po ako kay Senator Panfilo Lacson na puwede po munang mag-report para at least po kung ano po, magkaroon po kami ng tinatawag na labelling of information at magkaroon po kami ng tinatawag na harmonization kung ano iyong mga information na nakita naming magkaiba sa mga impormasyong nakukuha nila at saka sa atin. Ang ano po namin ay talagang magkaroon po ng tinatawag na conciliation at magkaroon po ng tinatawag na pagbuo ng magandang tinatawag nating relasyon sa ating mga taga-Senado. Dahil kasi nakita po natin na sa pandemic po na ito kailangang-kailangan po natin ang kooperasyon po ng Senado at saka ng Ehekutibo para magkaroon po tayo ng tinatawag na whole of nation, whole of government approach.

So, I’m willing to reconcile with the Senate on the same case kung ano iyong susunod na ipagawa po sa atin, pero ang ano ko lang po sa kanila na sana huwag po nilang i-violate ang tinatawag non-disclosure agreement and we can have iyong tinatawag nating executive session matingnan po natin kung ano po ang gagawin po natin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, last week po na-approve iyong clinical trial ng Sinovac, how will this affect the rollout on February 20 or is there any effect?

Iyong clinical trial ng Sinovac, na-approve na rin po ng FDA, how will this affect the rollout on February 20?

SEC. GALVEZ: Mayroon po tayong mga clinical trial na gagawin, hindi pa po natin alam iyong development ng program ng WHO. But definitely, ang ano po natin kung magkaroon po ng … aaprubahan po ng FDA ang clinical trial ng other vaccines dito po sa Pilipinas, kasama po ang Sinovac ay puwede po nating ipagpatuloy po.

SEC. ROQUE: If I could add, Trish ‘no. Wala pong epekto iyan doon sa paggamit natin ng Sinovac kasi kung magagamit po iyan, kinakailangan maisyuhan muna ng Emergency Use Authorization. But the clinical trial will be still useful for purposes of the general use authorization ng Sinovac.

TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Thank you, Secretary. Salamat po.

SEC. ROQUE: Thank you, Trish. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Secretary, question from Jam Punzalan ng ABS-CBN Online: Nasa 400 pesos ang kada kilo ng baboy, 380 ang baka, 180 ang ampalaya. Kung minimum wage earner ka na kumikita ng 540 kada araw, mabigat daw sa bulsa kung bibilhin ang mga ito at iba pang pangunahing pangangailangan. Ano po ang ginagawa ng pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga bilihin at gaano kabilis ito mararamdaman ng mga consumer?

SEC. ROQUE: Sa lalong mabilis na panahon nag-aangkat po ang ating Department of Agriculture ng baboy galing po sa Visayas at Mindanao at iba pang mga ASF-free areas ng Luzon. Nagbebenta po sila ng baboy sa mga Kadiwa in partnership with hog raisers, sa federations, kagaya ng Propork. Nag-i-import po sila ng baboy ngayon sa bansa na ASF-free at tinataasan po iyong volume ng pork imports the MAV o minimum access volume.

Sa medium term po, pinapatupad po nila iyong Bantay ASF sa Barangay o iyong BABay ASF, at ito ay nagnanais na ma-prevent at makontrol ang ASF in partnership with the LGUs, private sector veterinary groups, hog raisers and traders. Iyong massive repopulation in ASF-free areas or green zones, iyong quick speedy indemnification doon sa mga may-ari ng baboy na napatay. Ngayon, mayroon ding provision para sa P30, 000 – zero interest, no collateral, 10 year to pay livelihood loans to displaced backyard hog farmers.

Para naman po sa gulay at sa mga prutas, ang immediate steps po iyong enforcement ng SRP – suggested retail price; intensify po natin ang vegetable and fruit production; expand Kadiwa ni Ani at Kita.

Tapos magpapadala pa po ang mga rehiyon nang mas maraming gulay at prutas sa Metro Manila, sa NCR. I-expand po natin ang urban agriculture, iyong Gulayan sa Paaralan at Barangay. Nagdi-distribute na rin po nang mas maraming mga seeds at planting materials ‘no.

Sa medium term po, magpapatayo po ng mga processing facilities at magbibigay po ng mga support vans, warehouses, cold storage.

Sa isda naman po, mag-i-expand tayo ng aquaculture lalo na sa tilapia at sa bangus, magri-regulate po tayo ng import at magkakaroon po tayo ng joint fishing of commercial and municipal fisherfolks. I hope that answers your question, Jam.

USEC. IGNACIO: Okay. Second question po niya: UP is asking the government to reconsider its junking of the pact preventing the troops into the university’s campuses. How likely is the government will heed this call?

SEC. ROQUE: Well, papakinggan naman po iyan pero kinakailangan magsalita pa po nang mas malinaw si President Danilo Concepcion nang malaman ang kaniyang paninindigan at kung ano iyong mga dahilan kung bakit dapat ma-reconsider iyan.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Joseph Morong, please.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Good afternoon.

SEC. ROQUE: Good afternoon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, let’s stay on the subject of UP. Ano ba iyong gustong gawin ng AFP sa loob ng university, sir?

SEC. ROQUE: Well, itanong na lang po iyan kay Secretary Lorenzana ‘no. I think he spoke on it and I think the Defense Press Corps should address that question to Secretary Lorenzana.

JOSEPH MORONG/GMA7: Yes, sir. You’re a lawyer, you’re a UP professor that makes it difficult for you to answer probably the question. But in terms of consequence, for example, if the abrogation is finalized, that happens, can the AFP go into the university and arrest people in rallies?

SEC. ROQUE: Hindi po ‘no kasi ang AFP ay malinaw po ang kaniyang mandato ‘no – it is for defense purposes. Iyong drugs po, that’s a police matter.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Can they do surveillance work inside the university?

SEC. ROQUE: They can do surveillance in the whole Philippines ‘no. Ang hindi po pupuwede is to intrude into protected rights.

JOSEPH MORONG/GMA7: Such as?

SEC. ROQUE: Iyon lang po. Kung ano po iyong karapatan ‘no. Kung surveillance, hindi naman po ipinagbabawal iyan ‘no. Pero iyong mga kidnapping, iyong mga ganiyan, iyan po ang mga pinagbabawal… o iyong wiretapping na walang court order, iyan po mga puwedeng ipagbawal.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, ikaw, as a UP alumni, you’ve said na defer tayo sa statements ng UP President, but doesn’t make you … does it not make you comfortable kasi you’re a professor once?

SEC. ROQUE: As I said, ten years as a student, 15 years as a professor, 25 years. Ang problema ko po, hindi ko naranasan na nasa loob ng UP ang sundalo at pulis so kung hindi ko po alam kung ano iyong magiging resulta niyan. Pero sa aking karanasan po sa pag-aaral naman abroad na total of four years sa dalawang lugar ay ang pulis naman po talaga ay kabahagi ng pamantasan. Ang sabi ko nga po, sa Europa, wala silang campus dahil ang kanilang campus ay ang buong siyudad. Dahil ang konsepto sa Europa ay ang mga paaralan, mga pamantasan ay kabahagi po ng lipunan, at nandoon din po ang mga pulis.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, do you think iyong event that precipitated the 1989 Accord, do you think that will happen? That can happen again?

SEC. ROQUE: In 1989, the 1989 Accord, I was a third-year law student. Hindi ko talaga maalala kung ano iyong event na iyon ‘no. But I was—

JOSEPH MORONG/GMA7: A student leader was abducted and was forced to allegedly to own up to a killing of a… I think, a soldier. Do you think that can happen?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, mayroon naman tayong batas ngayon na mga bago na nagpaparusa sa mga ganiyang bagay. Iyong pagdudukot po, pupuwedeng maging kidnapping iyan, pupuwedeng maging desaparecido ‘no kung hindi ma-recover iyong katawan ng tao ‘no; bago po iyong batas ng desaparecido na iyan. At siyempre po, mayroon na rin tayong IHL ‘no na nagpapataw ng parusa sa mga sundalo kung sila po ay lalabag sa International Humanitarian Law. Iyon po iyong mga pagbabago since 1989 and today.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyon pong sa DOH, iyong sa 500,000 doses ng vaccine from China, when is it due?

SEC. ROQUE: There is no other details released by either Chinese or Philippine authorities. Bit what is clear is they promised 500,000 free and that we have ordered 25 million from Sinovac. So hindi ko lang po alam if that will definitely be applied to our order or it can be applied to future orders. Let’s wait for further details po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, kasi FDA said that we can, the DOH can receive it and use it at their discretion without the approval of the FDA. Are we going to use the 500,000 donation without the FDA approval?

SEC. ROQUE: I do not think the FDA actually said that because the law is clear. Kung mayroon kang special use authorization, pupuwede iyong tingi; but 500,000 is not tingi, that’s intended for 250,000 people. So that definitely requires an EUA or general use authorization.

JOSEPH MORONG/GMA7: So we will have … we will ask the FDA to issue an authorization?

SEC. ROQUE: I believe so because that’s what the rules provide.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Can I go to Secretary Galvez, please?

Hi, sir! Welcome to your nth briefing and hearing. Sir, with regard to Sinovac and Sinopharm, have we signed the deal with them?

SEC. GALVEZ: Wala po kami sa Sinopharm. Sa Sinovac, mayroon po tayong term sheet na na-sign-an.

JOSEPH MORONG/GMA7: Term sheet only not supply agreement?

SEC. GALVEZ: Yes.

JOSEPH MORONG/GMA7: So ibig sabihin, sir, hindi pa talaga puwedeng ma-break iyong CDA because the government is saying—at what point are we going to disclose the prices of Sinovac vaccine, sir?

SEC. GALVEZ: Nandoon po sa kontrata natin na during the negotiation and also after the signing and also at a time na ongoing pa iyong programa. Mayroon itong tinatawag na it will become a public domain if both parties agree to disclose it.

JOSEPH MORONG/GMA7: And government level, when do you want to disclose this because you want to be transparent, right?

SEC. GALVEZ: Yes. Sinabi na namin nila Spox na nakita natin na very transparent naman iyong ating negosasyon kaya lang mayroon tayong tinatawag na limitation considering that the CDA really conducts o iyong tinatawag natin na iyong ilang nagli-limit ng ano natin so that the different negotiating terms will not be unnecessarily disclosed to the public.

So ang ano po natin iyan is, once the program is completed. And just in case na talagang ano natin, na nagkaroon ng tinatawag na arrangement between two parties na i-disclose it. Similar to what happened nung AstraZeneca, when we signed it, na-disclose na natin iyong volume and also the prices.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, program of vaccination, you mean at the end of all …after using all of these Sinovac vaccines, doon pa lang, sir, natin idi-disclose iyong price?

SEC. GALVEZ: No, maybe after the signing or maybe on the time that we feel that it is necessary to be disclosed.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay, sir. Sir, just one last question. February 20 is coming up, can you share with us the step by step process that we’re going to do with Sinovac when we deploy it? You said February 20, that’s the delivery date ‘no? Can you just walk us through the plan?

SEC. GALVEZ: Ang ano natin, kasama iyong tinatawag na parallel pathway sa regulation. So noong nagkaroon tayo ng signing ng term sheet, we advised Sinovac to process iyong kanilang tinatawag na EUA, at the same time, we are processing iyong payments with ADB and also with AIIB and other banks that we will be having the loan.

So after that, magkakaroon tayo ng tinatawag na supply agreement. The supply agreement tells the nitty-gritty on when the purchase will be arriving and iyong time and motion, now, from the airport where it will go and then afterwards it will be inspected for, more or less, three to five days for its authenticity and also for the delivery of the product. And then afterwards, we will connect with the different LGUs that will be receiving these vaccines. So more or less, siguro after arrival, it will take five to ten days to process [garbled] for the inoculation.

JOSEPH MORONG/GMA7: So February [unclear] ang arrival. Sir, just—may naalala lang ako, you said 700 million dollars iyong savings po natin. And if we have that savings, can you share with us the total amount that we’re going spend for the vaccines? Because naka-compute na po kayo ng savings sa 700 million dollars eh.

SEC. GALVEZ: Yes, ang ano po natin, nakita po natin iyong ating budget from our multilateral loans and also bilateral sa mga bangko is 72.5 billion. Now, ginawa po namin, iyong pitong aming ini-negotiate, we looked at the ano, we looked at the tinatawag nating market price and also iyong negotiated price. And then when we negotiated, nagkaroon kami ng tinatawag na halfway agreements, at nakita namin na napakalaki ng na-save natin sa ibang mga various vaccine.

Noong kinumpyut namin po iyon, noong kinumpyut ko po iyon, nakita natin na more or less, 700 million dollars ang ating na-save. That’s why makikita natin it only also see na iyong 70 million na doses natin na target for 35 million kung makikita mo, Joseph, hindi ba iyong ating priority target is only 30,000 kasi iyon ang nakasulat na talagang kaya lang namin for 2021. Kaya nag-target kami ng – medyo nakaluwag kami nang kaunti – na maging 35, so naging 70 million doses.

But apparently when we’re already negotiating nakita namin na tumaas iyong doses that we can allocate with the available money that we had, so from 70 million naging 148 million doses.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, if the savings is US$70o-Million, how much is the total cost that we’re going to spend for all the seven portfolio vaccines?

SEC. GALVEZ: Ang talagang cost natin is 82-Billion including iyong tinatawag natin na incidental expenses.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay.

SEC. GALVEZ: Kasama ang freight, kasama iyong storage, kasama iyong needles at saka iyong tinatawag nating mga syringes and there are also agreements, like for example iyong Sinovac, mayroon pong end to end po iyon, may kasamang syringes na po iyon.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Thank you, sir for that. Secretary Roque, thank you for your time.

SEC. ROQUE: Thank you, Joseph. Thank you, Secretary Galvez. We’ll go to Usec. Rocky again.

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, from JP Soriano ng GMA 7, for Secretary Vince Dizon: There are reports daw po abroad na nasira ang mga na-acquire na COVID-19 vaccines because there were changes in the required temperatures. Secretary, can you share daw to the public ano po ang ginagawa at gagawin ng gobyerno na hindi masira or masayang ang mga bakunang darating, lalo pagdating sa transportation ng mga ito mula sa arrival hanggang sa pagdadala sa mga cold storage facilities?

SEC. DIZON: Maraming salamat, JP. Hindi tayo aware doon sa balitang iyon na galing sa abroad, pero closely coordinated tayo sa iba’t-ibang mga vaccine companies as to kung ano ang kinakailangan para i-preserve natin ang mga vaccines once na dumating sila dito sa Pilipinas at closely coordinated din si Secretary Galvez at ang vaccine cluster natin sa iba’t-ibang mga kumpanya sa pribadong sektor na marunong nang mag-handle nitong mga ganitong klaseng sensitibong gamot.

Kagaya noong sinabi kanina, mahigit 30 na ang kinakausap ng pamahalaan na mga iba’t-ibang mga pribadong kumpanya na handa na tanggapin ang mga bakunang ito at mayroong pharma-grade capacity to store at nakikipag-coordinate din tayo sa mga iba’t-ibang pharma companies tulad ng Unilab, ng Zuellig, para sa tamang pag-transport at pag-handle nitong mga bakunang ito. Kaya sama-sama lang at tulung-tulong lang, Usec. Rocky, JP.

USEC. IGNACIO: Okay. Question for Secretary Galvez from Sam Medenilla ng Business Mirror: Mayroon na po kayang na-finalize na supply agreement ang government for the purchase of COVID-19 vaccines? If yes, for what vaccines na po kaya mayroong supply agreements, at puwede na po kaya ma-release sa public ang copies nito?

SEC. GALVEZ: Iyong lahat po ng kontrata hindi po puwedeng i-release po iyan, kasama po sa CDA iyan. At sa ngayon po, ongoing po iyong ating mga supply agreements at iyong sa supply agreements po kasi nandoon iyong tinatawag natin na ano eh… iyong financial terms at saka iyong delivery. So, iyon po, matatapos po siguro iyan, ang inaano po namin ay matapos po namin this coming January.

Idadagdag ko lang po iyong kay Sec. Vince Dizon. Alam ninyo po, excited na po iyong ating mga LGU. Alam po natin na iyong tinatawag natin na very sensitive na mga bakuna, iyong Pfizer at saka Moderna. At iyon na nga po, nagkaroon po kami ng meeting even with sir Enrique Razon, isa ring maano sa cold storage na talagang iyong mga private sector at saka iyong ating LGU nagpri-prepare kung how they will preserve iyong mga bakuna.

Alam po nila na talaga iyong mga bakunang ito ay napaka-sensitibo at nakikipag-coordinate na po kami sa mga supplier at ang maganda po katulad po ng Pfizer, ang ganda ng supply agreement niya na ibibigay niya po iyong bakuna doon sa vaccination center, meaning pati iyong syringes na special syringe na gagamitin niya para iyong limang dose ay maging anim na dose ay ibibigay rin po ng ating mga supply agreement natin dito sa mga sensitibo na mga vaccines.

SEC. ROQUE: Okay. Alam mo—

USEC. IGNACIO: Second question—

SEC. ROQUE: USec., sandali. You know, to clarify all these, ‘no, hindi po natin sinasabi sa gobyernong ito na ang desisyon, whether not to release it, is a matter of executive decision, hindi po. Ang karapatan ng taumbayan para sa ganitong mga kaalaman ay nasa Saligang Batas at sinabi po ng Korte Suprema sa Chavez vs PCGG, kailangan talaga malaman ng taumbayan iyong mga bagay-bagay kagaya ng presyo at quantity pero mayroon din po tayong tinatawag na executive privilege na habang ongoing ang negosasyon hindi pa dapat ilabas iyan dahil makakaapekto po iyan at lahat po ng ating mga binibili ay government-to-government, which means it is akin to diplomatic negotiations at kasama po iyan sa executive privilege.

So, lilinawin ko lang po, habang nagni-negotiate pa, bagama’t ang term sheet agreement ay isang binding obligation already, ay hindi pa po iyon pinal na agreement. Ang pinal na agreement ay supply agreement. Habang nasa negotiation pa hindi pa po talaga dapat ilabas iyan at iyan po ay sakop na ng desisyon ng Korte Suprema sa Chavez vs PCGG. That’s for the knowledge and information of everyone. Wala pong itinatago, bakit? Dahil ang Saligang Batas sinigurado po, hindi matatago ang mga bagay-bagay na iyan pero dapat ilalabas po sa tamang panahon.

USEC. IGNACIO: Second question po para pa rin po kay Secretary Galvez: Ano po kaya ang magiging audit mechanism after mapirmahan na po ang supply agreements to verify na wala pang irregularities sa pag-purchase po ng vaccines?

SEC. GALVEZ: Sinabi ko na ho sa inyo na napakaraming level ng stricter accounting dahil nakita po natin na iyong kontrata na pipirmahan ko po at saka ni DOH, dadaan po iyan kay Secretary Dominguez. Kilala ninyo po si Secretary Dominguez, grabe ang pag-scrutiny niya sa mga tinatawag nating onerous na mga contracts. Nakita natin na talagang iyong kaniyang team doon sa DOF ay napakatibay at napakatigas.

Dito po sa ano natin, papasok po iyan sa stringent regulation ng tinatawag nating Asian Development Bank at saka World Bank. Iyon lang po, sa accounting lang po noong dalawang bangko po na iyon napakahirap po tayong makalusot. So, ibig sabihin, iyong credibility at saka iyong tinatawag nating transparency at saka iyong anti-corruption policy po ng ADB napakatibay, at saka ng World Bank. Iyong kaniya pong standard napakataas.

USEC. IGNACIO: For Secretary Roque from Sam Medenilla: May desisyon na po kaya si President Duterte regarding telcos after getting the reports and recommendation of NTC?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po, wala pong nasasabi po sa akin ang ating Presidente, pero I acknowledge po na nangako ako na dapat himay-himayin natin iyan. Sa Thursday po talaga natin gagawin iyan, pero ngayon po talaga, usaping vaccine. Para naman tayong detach from reality kung iba ang ating pag-uusapan. Thursday po, dedetalyehin ko iyan and I will follow-up kung ano po ang desisyon ng ating Presidente.

Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Then, we have Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hello, sir?

SEC. ROQUE: Yes, go ahead.

PIA RAÑADA/RAPPLER: I have questions for you and for Secretary Galvez. First, for you sir, very quickly lang. Sir, when you mentioned that the President will prefer a private vaccination, sir, can I just clarify, you mean na wala lang cameras, hindi lang siya live but the Palace will inform the public immediately before or after the President get vaccinated?

SEC. ROQUE: Tama po iyon. Iaanunsiyo po natin kung siya ay nagpabakuna na.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. And then, sir, doon po sa UP accord. Sir, si UP President Danilo Concepcion already responded or had his insights about what happened and he was saying that the move by DND is unnecessary and unwarranted and that it sows confusion and mistrust. I just want to focus on the unnecessary. Sir, could you cite an instance when the UP accord prevented the law from being enforced? Is there a reason for abrogating or terminating the accord because UP for example blocked policemen or law enforcers from arresting someone?

SEC. ROQUE: I don’t think I’m in a position to answer. You should ask both Danilo Concepcion and Secretary Lorenzana, because I’m not party to the agreement. Accord po iyan, kontrata – kontrata sa panig ng UP at ng Defense Department. Ang lumagda, ang UP President at ang Secretary ng DND, so lahat pong katanungan tungkol diyan pakitanong po sa kanila.

PIA RAÑADA/RAPPLER: But you just said earlier that the President supports the move, so I mean, Malacañang should also be able to explain why the accord needs to be terminated at this point.

SEC. ROQUE: All I’m saying is we support the agreement but for details such as this, I defer to Secretary Lorenzana.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, is there a way for the DND to work with the accord given that it provides naman ng mechanism for law enforcement will still happen because the accord naman says puwedeng makapasok iyong law enforcers basta ma-notify ang UP. I mean, this isn’t a very onerous provision, can’t Malacañang recommend for example, to the DND to consider this provision and still pursue with the accord given naman na may ganoong provision?

SEC. ROQUE: Possibly, but this has to be discussed between President Concepcion and Secretary Lorenzana.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And lastly, sir, for you. Can we expect to see soldiers present during every UP rally? Is this something we will see from now on because of this?

SEC. ROQUE: I don’t think policemen were barred from the area of the UP because even recently, even during the time of pandemic, I saw policemen in the vicinity of the campus.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So that raise the point nga, sir, na wala namang reason for the accord to get in the way of law enforcement, right?

SEC. ROQUE: I’m not debating with you; I’m just saying ask the right people for their responses.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, can I go now to Secretary Galvez?

SEC. ROQUE: Please do.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Secretary, could you walk us through lang po iyong process that a Filipino citizen will go through to get a vaccine like from the way they are notified that the vaccine for them is ready to the day their vaccination. And then after anong mangyayari when they get the jab? Do they get a document? Can you just walk us through what people can expect to experience on the level of individuals on their vaccination day, sir?

SEC. GALVEZ: Sa atin pong directive, mayroon po tayong tinatawag na master list ng prioritization. So from that point, alam po natin na kung tayo’y nasa LGU, alam po natin na mauuna po iyong healthcare workers.

So pagka po may dumating na bakuna, ang mauna pong babakunahan ay iyong lahat po ng nasa ospital at saka iyong tinatawag nating mga city at saka municipal health workers. At the same time, susunod po doon iyong mga tinatawag nating mga vulnerable people at saka po iyong tinatawag nating frontliners.

So from there, alam na natin po na from the time in-announce na po na ang bakuna ay nandito na po sa warehouse at ito po ay, for example, pupunta po sa mayor ng Manila, magkakaroon po kami ng more or less tinatawag nating 1 or 2 days coordination at the same time na while we are inspecting iyong tinatawag nating technical ano ng vaccine. While we are doing that, magkakaroon tayo ng parang dry run, ng rehearsal na kung sinu-sino—iyong tinatawag natin na magiging priority for vaccination.

And from there, pagka-ready na iyong isang municipality or city or ang mayor for example sa Manila, doon po natin—magkakaroon po tayo ng time and motion na ia-assimilate po muna natin. At saka pati po iyong magbabakuna at saka iyong babakunahan parang magda-dry run po tayo.

So ganoon po ang gagawin po natin and from there pagka once na nakita natin na iyong—for example iyong Pfizer, dapat sa Pfizer kailangan pagka lumabas po kasi iyan sa warehouse, kailangan po gamitin po lahat. So for example kung mayroon kayong mahigit na 200 na Pfizer na ilalabas, kailangan iyong babakunahan ninyo na nakapila ay mahigit na 300 para at least kung mayroon mang magkaroon ng tinatawag na wala o nag-no show, maibabakuna po natin lahat iyong ating mga vaccine. So ganoon po ang gagawin po natin para hindi po masayang iyong pag-alis doon sa storage at pagdating po doon sa vaccination center ay hindi po—iyong tinatawag nating talagang calculated natin iyong tinatawag na amount na gagamitin po natin.

Sa ngayon nga po, this coming Friday magkakaroon po ng dry run ang Quezon City. Alam ko rin po ngayon po ang Manila nagkakaroon din po ng dry run.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, paano manu-notify iyong isang tao if for example ready na iyong vaccine niya? Iyong notification niya ba 5 days before the actual vaccination—his actual vaccination and paano iyon, may e-mail po ba?

SEC. GALVEZ: Mayroon tayong tinatawag na manual at saka tinatawag tayong mayroong ano—pero karamihan dito sa Metro Manila at saka sa mga ibang mayroong matataas na internet connection, ginagawa po nila QR code at the same time mayroon po silang tinatawag na information mechanism o iyong tinatawag natin iyong war room na iyong dissemination drive nila naaabot hanggang barangay.

So for example, kung darating po—kunwari example, February 20 dadating po ang bakuna, alam po natin na mayroong 5 days na allocation para magkaroon po ng ano, so 25. So ang gawin natin 25 ang magiging pag-aano ng bakuna, February 10 pa lang po nagri-rehearsal na iyong nandoon po sa ano. Ibig sabihin binibigyan po ng notification ng barangay at saka ng municipality at saka city na iyong mga babakunahan, iyong mga priority ito iyon. So magkakaroon po ng tinatawag nating widest dissemination within the ample time before the arrival of the vaccine.

PIA RAÑADA/RAPPLER: And lastly, sir. Ano po iyong ID na kailangan i-present ng isang citizen to make sure that he can get the vaccine when they arrive at the vaccination site?

SEC. GALVEZ: Mayroon na pong pinapalabas ang nga different ano po natin at ginagawa na rin po ng DICT iyong tinatawag na QR coding at saka iyong ID system. And also, ang NEDA talagang tumutulong din po sa PhilSys para maihabol po iyong ating system po natin.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Pia. Back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Celerina Monte, iyong ilang bahagi po ay nasagot na rin ni Secretary Galvez pero gusto lang po niya mag-follow up din na kaugnay pa rin po noong statement ni President Duterte, iyong allowing hospital to buy their own. Does that mean hospitals will be allowed the commercial use of the vaccines? Baka lang daw po may dagdag si Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Nakita po natin, sinabi po ng ating FDA DG Eric Domingo na dahil ang ating ano pa lang po, approval is Emergency Use Authorization, hindi pupuwedeng maging commercial po ang vaccine.

Kung ang ospital ay talagang bibili po ay talagang dadaan po muna siya sa tripartite agreement or kung just in case na ano po, doon po sa LGU po siya magpapaalam.

Ang nakikita po natin, sa akin, ang akin lang pong paalala na iyong talagang vaccine ay hindi po talaga puwedeng i-commercialize; kailangan po talaga ito po ay pangalagaan ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Ace Romero para po kay Secretary Roque: Was the President referring daw po to ABS-CBN when he talked about the need to pay the right taxes to secure a franchise? It was not mentioned in the public address but he may have stated something more specific given that the speech was edited para po maiwasan ang interpretations at speculations.

SEC. ROQUE: Wala pong edit doon sa portion na iyon ‘no. Wala pong ibang sinabi ang Presidente and you know the rule – a Spox cannot add, cannot deduct from what the President said. Lahat po iyan ay addressed sa mga nag-a-apply ng prangkisa and in so far as ABS-CBN is one of them ‘no, I guess it is a safe conclusion, it is also applicable to ABS-CBN but it applies to all those who want a franchise.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Is the President now setting conditions for the approval of ABS-CBN franchise? What taxes should the owners pay?

SEC. ROQUE: As I said ‘no, it is definitely applicable to ABS-CBN, was not referring specifically, so I cannot answer that question.

USEC. IGNACIO: From Kit Atienza of Business World, question for Secretary Dizon: What’s the level of the government’s negotiation with cold storage operators?

SEC. DIZON: Yes. Very advanced na po ang negotiations ni Secretary Galvez at iyong task group on cold chain and logistics. Kaya nga po simula bukas ay mag-i-inspect na po si Secretary Galvez, si Secretary Duque at iba pong mga members ng National Task Force sa mga iba’t ibang cold chain facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: Will the national government financially assist LGUs that cannot procure their own cold storage facilities?

SEC. DIZON: Simula po noong laban natin sa COVID-19, whole-of-nation approach po ang tinutulak ng ating Pangulo at siyempre po iyong mga LGU na mas kakaunti ang resources ay tutulungan po kagaya na rin ng ginawa po natin noong nakaraang taon na tulung-tulong po tayong lahat para labanan ang COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Roque: Is the scrapping of the UP-DND accord final? Will the government consider holding a dialogue with UP to consider their concerns on suppressing academic freedom, stifling dissent?

SEC. ROQUE: Well, ang sabi po ni President Concepcion, he is moving for reconsideration so dapat po mag-usap si President Concepcion at saka si Secretary Lorenzana.

USEC. IGNACIO: Opo. And question galing po iyan kay Kyle Atienza. Ang susunod pong tanong, from Genalyn Kabiling—I’m sorry, iyon pala iyong tanong kanina ni Genalyn Kabiling, Secretary.

From Jam Punzalan ng ABS-CBN: Just in case lang po, can we please get more details on the 20 million vaccine doses from Moderna? Did we get any discount for these, like in the case of vaccines from China and when do we expect them to arrive? For Secretary Galvez po.

SEC. GALVEZ: Kanina po nagkaroon po tayo ng negotiation at iyon nga po ang inaano po natin na dapat po magkaroon po ng early delivery. Dahil po ang initial negotiation po natin, dahil ang Moderna po ang isa sa pinaka-most sought na vaccine, ang ano po niya is September po. Pero kami po ay humingi po ng tulong na kung puwede po ma-advance po iyon kasi kailangang-kailangan po natin ng tinatawag na vaccine. So iyong inano po natin, ang pangako niya po magbibigay po ng ilang mga vaccine sa May po so napa-advance sa later ng second quarter.

At iyong ano po nito, ito po ay libre po ito. Nagtulong po ang national government at saka po iyong private sector at saka iyong LGU na parang nagkaroon po ito ng tripartite agreement din kasi nakita po natin na iyong vaccine po na ito, ito po ang isa sa pinakamataas ang presyo at kailangan paghatian po ng private sector at saka ng business para po makuha po natin iyong 20 million.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Galvez, Secretary Roque, Secretary Dizon. Salamat po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat sa inyo. Dahil wala na po tayong katanungan, nagpapasalamat po kami kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez; kay Testing Czar and Deputy Chief Implementer NTF, Secretary Vince Dizon. Maraming salamat, Usec. Rocky. Maraming salamat as usual sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang Spox Harry Roque’ng nagsasabi: Pangako po ni Presidente darating ang bakuna. Magkakaroon din ng katapusan itong pandemyang ito. Walang iwanan, walang maiiwan!

Magandang hapon po sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)