Press Briefing

Laging Handa Public Briefing hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar & PCOO Undersecretary Rocky Ignacio with Bureau of Customs Spokesperson Jet Maronilla; PAGCOR Chairperson Andrea Domingo; and PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac; [via phone patch] PCSO General Manager Royina Garma & Philippine Airlines Spokesperson Cielo Villaluna

Event Laging Handa Public Briefing

USEC. IGNACIO: Mabuhay Pilipinas at magandang araw, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio. Mga kababayan at buong kapuluan natin ay apektado sa iba’t ibang pamamaraan sa patuloy po na pagkalat ng COVID-19. At dahil dito, minabuti ng PCOO na magbuo ng isang plataporma upang magkaroon ang publiko – ikaw, ako, kayo, tayo pong lahat ng pamamaraan na makapagtanong at ang pamahalaan naman, mabigyan ng pagkakataong magpahayag at magbigay-linaw patungkol sa mga hakbang na sabay-sabay natin ngayong tinatahak sa pagharap natin sa pandaigdigang pandemic na ito dito sa Pilipinas.

Every day, we are now gathering Filipinos across the archipelago, of representatives of relevant government agencies and of members of media on line, on air, on the phone and in studio. Dala po iyan, magkakasama, by the different arms of the Presidential Communications Operations Office led by the Peoples Television network alongside the Philippine Broadcasting Service and its Radyo Pilipinas network, the Philippine Information Agency, the Philippine News Agency, the Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, National Printing Office, APO Production Unit and IBC-13 in coordination with the Department of Health and in partnership with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), all working together as your nationwide crisis communications platform.

Welcome to Public Briefing #LagingHandaPH, para sa Pilipino saan man tayo sa ating kapuluan at sa buong mundo. Simulan na po natin ang Public Briefing on COVID-19.

At siyempre po makakasama pa rin natin si PCOO Secretary Martin Andanar – Secretary Martin…

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa iyo Rocky at magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig sa atin, nanonood sa atin dito po sa PTV, sa Radyo Pilipinas, sa lahat po ng social media pages ng ating pamahalaan, kasama na rin po dito ang ating mga partners, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Magandang umaga rin po sa ating mga panauhin ngayong umaga, salamat po at kayo ay nakikiisa sa ating pamahalaan para atin pong masolusyunan ang mga krisis, ang problema na ating kinakaharap.

USEC. IGNACIO: Secretary kumusta ka naman po, parang madaya ka ngayong araw na ito?

SEC. ANDANAR: Actually medyo late na natapos iyong meeting ng IATF kagabi, tapos nakita ko na [choppy] mga Secretary… medyo humihina na iyong resistensiya, medyo inaantok na at parang kailangan ay magreserba rin ng strength. Nakausap ko iyong isang Kalihim doon sabi niya, “Siguro Martin mag-practice ka rin ng work-from-home kahit isang beses sa isang linggo nang sa ganoon ay masiguro mo na ikaw ay nasa tip=top condition, dahil ito ay mahaba-haba pa itong krisis na kinakaharap natin, iyong kalbaryo na ating kinakaharap ay kailangan lahat ng mga Cabinet Secretaries, kailangan lahat ng kawani ng gobyerno ay healthy. We have to stay healthy, stay strong.” Kaya today, is a day for that, na kailangan mag-reserve kami ng energy para bukas naman, ikaw naman ang puwedeng mag-work-from-home.

USEC. IGNACIO: [Laughs] Okay, salamat – babalikan po natin si Secretary Andanar. At upang sagutin ang mga katanungan ng ating mga kababayan, makakasama po natin live dito sa studio sina Bureau of Customs Spokesperson Jet Maronilla; ang Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairperson Andrea Domingo, salamat po ma’am; PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac; at maya-maya po ay makakausap din natin via phone patch si Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma.

At mula naman po sa iba’t ibang sangay ng PCOO, makakasama rin natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat sina Alexia Tinsay ng Philippine Information Agency, si Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service, si Jay Lagang mula sa PTV-Davao, PTV Correspondent Patrick De Jesus.

Narito naman po ang update kaugnay sa bilang ng kaso ng COVID-19 as of 12 noon, March 20, 2020. Umabot na po sa 230 o dalawang daan at tatlumpu ang dami ng kaso na naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa. Samantala sa huling tala ng DOH kahapon, nasa labingwalo na po ang nasawi, habang walo naman po ang naka-recover sa COVID-19. Ilang araw matapos ang pag-anunsiyo ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, iba’t ibang mga katanungan po ang inilapit ng ating mga kababayan kaya naman po nagtalaga na po ang DOH ng COVID-19 Hotline kung saan po maaring idulog ang inyong mga concerns at emergencies. Tumawag lamang po sa (02)8942-6843.

Samantala, para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers maari ninyo pong i-dial ang 1555. Sa pamamagitan po ng linyang ito maari pong makapagtanong ang ating mga kababayan kung sa tingin po nila ay mga sintomas sila ng COVID-19. Puwede rin po kayong humingi ng assistance sakaling kayo po ay may kilalang na-expose sa mga confirmed cases or patients under investigation. Kaya huwag po kayong mag-atubiling tumawag, bukas po ito para sa lahat ng ating mga kababayan.

At upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa bansa, noong Marso 17, 2020, idineklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte and enhanced community quarantine sa buong Luzon. Kaugnay riyan, narito po ang ilan sa mga kabilang sa authorized persons outside residents o iyong mga pinapayagan lamang na lumabas, kabilang po diyan ang mga nagtatrabaho sa medical services, kasama na po riyan ang funeral services, emergency respondents at security services. Kasama na rin po sa exempted ang mga nagtatrabaho sa bangko, money transfer services, convenience store, public markets, drug stores at food chains.

Kabilang din ang mga nagtatrabaho sa mga manufacturing industries ng mga essential goods gaya ng food, hygiene at medical products, medicine at vitamins; maging ang mga nasa utility sector gaya ng telecommunications, energy companies, water companies at sanitation ay pinapayagan din pong lumabas. Samantala, narito naman po ang iba pang authorized persons: [VIDEO]

Para po sa mga katanungan, maari po kayong tumawag sa 0998-8490013 para sa Smart; para naman po sa Globe, 0917-5382495. Mayroon din po tayong landline na (02)8725-3176 o mag-email sa pnp2019ncovarropms@gmail.com at ncovmonitoring@gmail.com.

Ngayon naman po ay makakapanayam natin ang ating mga panauhin dito sa studio. Magandang araw po sa inyong lahat at maraming salamat po sa pagpunta ninyo dito sa studio, alam kong kahit papaano, busy pa rin po kayo. Para po kay BOC Spokesperson Jet Maronilla – patuloy pa rin po ba iyong operasyon ng paged-deliver ng packages?

BOC SPOKESPERSON MARONILLA: Yes, ma’am. Una, good morning po sa lahat ng nakikinig sa programa natin this morning. Patuloy pa rin po iyong aming operasyon ngayon although nasa skeletal workforce po kami pero dinitermine (determine) naman po ni Commissioner Ray Leonardo Guerrero na iyong skeletal workforce po na mai-schedule namin be an effective number para ho ma-facilitate pa rin natin iyong paglabas ng mga kargamento.

So far po, nami-maintain pa rin naman namin iyong mababang port utilization rate which means that nailalabas pa namin sa ngayon iyong mga kailangang ilabas na kargamento. Siyempre priority ho natin iyong mga essential goods na kailangang lumabas pati iyong mga PPEs and medical equipment po.

USEC. IGNACIO: Okay. Atty., makakasama rin po natin si Communications Secretary Martin Andanar – Secretary… para sa iba pang katanungan.

SEC. ANDANAR: Atty. Jet, iyon nga iyong concern ng ating mga kababayan lalong-lalo na iyong mayroong mga gustong i-donate sa ating gobyerno. Mayroon po ba tayong hotline, mayroon po ba tayong isang lugar na puwedeng puntahan ng ating mga good Samaritans na gustong mag-donate ng masks, gustong mag-donate ng alcohol or gustong magparating ng mga testing kits pero hindi nila alam kung papaano gagawin ito, sir?

BOC SPOKESPERSON MARONILLA: Good morning, Sec. Opo, mayroon po kaming hotline – ang hotline po namin, ito po, naka-post din po ito sa Facebook page namin at sa lahat ng social media accounts ng Bureau of Customs. Mayroon ho kami sa Instagram, mayroon kami sa Twitter, pati po sa Youtube mayroon kami. So ang number po na tatawagan ng mga kababayan natin na gustong mag-donate, iyong isa po, kontakin lang po nila si Mr. Eduardo Borje sa numerong 0967-2256871. Iyong isa naman po naming empleyado na naka-tasking din dito ay si Atty. Nick Quiamco sa numerong 0917-8322954. Tawagan lang po nila at i-a-assist po sila nitong mga empleyado namin sa kung anuman ang kinakailangan nila para maiparating itong mga donasyon po nila sir.

USEC. IGNACIO: Ang katanungan po, para naman po kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo. Paano po sinusuportahan ng PAGCOR ang DOH po at gobyerno sa gitna po ng COVID-19:

PAGCOR CHAIRPERSON DOMINGO: Magandang umaga sa iyo Rocky at kay Secretary Andanar. There are two ways, noong una nag-release na kami ng 2.5 billion pesos para sa pag-ayuda sa DOH at ng mga pangangailangan nila. At ngayon, sinulatan kami ni Finance Secretary Sonny Dominguez na kailangan kaming magbayad ng 12 billion pesos para sa dividends namin ng 2019 which means they will get all of our net income for 2019. Okay na rin iyon, ire-release namin sa March 24.

Iyong ibang tulong namin katulad halimbawa ng City of Dreams, magdo-donate sila ng 50 million pesos worth of food packs. Ang Resorts World, magdo-donate sila ng 50 million worth of equipment and supplies. Okada, ibibili ang PGH ng tatlong testing machines at saka mga test kits at mga supplies worth 50 million din. Ang POGO naman, the very popular POGO, nagbigay ng 150 million pesos; 90 million ibibili ng mga hospital and medical supplies; 60 million inilagay sa pagkain din. So by the middle of next week we will have enough food at least for the people who need it most for at least—I think for 2 to 3 weeks. PAGCOR itself has dedicated a P100 million for food assistance.

SEC. ANDANAR: Ma’am Andrea mayroon po tayong phone-in question, Rocky. Mula naman ito sa ating mga LGUs. Mayroon po bang linya ang LGU diretso sa PAGCOR or kailangan nilang dumaan ng DILG kung sila ay hihingi ng tulong. Dahil alam ko marami na rin sa ating mga LGUs ang nag declare ng community quarantine.

CHAIRMAN DOMINGO: Secretary Andanar, iyong mga binigay namin napupunta sa Office of the President or kaya sa National Treasury, that has to be accessed through the proper channels. Pero kami mayroon nga kaming sariling mga prepared na food packs and all of that, iyon naman tinatawagan namin ang karamihan ang mga mayors dito sa NCR at sinasabi namin na mga ganito ang ibibigay namin over the period of the quarantine. Iyong mga nangangailangan naman, puwedeng i-access, ang namumuno dito sa aming CRST, si Jimmy Bondoc, mayroon siyang FB at twitter, puwede ninyo siyang i-contact doon.

USEC. IGNACIO: Ang katanungan naman po para kay General Banac. Ano po ang pinaka-latest sa ginagawang operasyon ng PNP? Kasi I understand may mga matitigas pa rin ba ang ulo at siyempre iyon pong pangamba ng tao ngayon na mayroon daw po nananamantala na magsagawa ng hindi maganda dito sa mga nananatili sa kanilang mga bahay. Ano po ang ginagawa ng PNP dito?

PNP SPOX BANAC: Magandang umaga Usec. Rocky at kay Sec. Martin at sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon, magandang umaga sa inyong lahat. Ang atin pong situation ngayon ay napakaganda na, nakita natin na talagang nag-settle down ang lahat. Ang atin pong mga quarantine control stations ngayon ay napakaluwang na. At bilang na bilang na lamang ang mga sasakyan na dumaraan dito. At lahat ng mga delivery trucks, lahat ng mga basic commodities and emergencies ay tuloy-tuloy na po na nakakadaan.

At iyong bilang po ng mga pedestrians na dati nakita nating napakarami na nais tumawid, lumabas, ngayon ay talagang nabawasan na. Halos wala nga tayong nakikita na! So everybody has settled down at saludo po kami sa buong publiko, sa mamamayang Pilipino sa cooperation na pinapakita natin.

At dahilan nga riyan upang tayo po ay nag-shift naman ngayon bibigyan naman natin ng pansin ang ating maintenance of order sa lahat ng ating mga residential areas, mga commercial areas at nagkaroon nga nang mga ulat two nights ago ng mga iba’t-ibang mga post sa social media na ‘di umano ay may mga insidente ng social disorder sa iba’t-ibang bahagi ng Kalakhang Maynila.

At kaagad po nagpalabas ng pahayag si PNP Chief General Archie Francisco Gamboa at pinabulaanan po natin ang mga ulat na ito na wala pong katotohanan na may mga nangyayari, nagaganap na mga disorders sa mga residential areas or iyong mga umano’y pagtatangka ng ilang mga grupo na manloob, pasukin itong mga grocery stores ‘no. So wala pong katotohanan at tayo po ay muli nagbababala, nagbibigay po ng paalala sa ating publiko, Usec. Rocky and Sec. Martin na mahigpit—

SEC. ANANDAR: General Banac sir, nabanggit ninyo na moving na nga ang inyong concentration mula doon sa mga checkpoints, ngayon naman ay nandito na kayo sa mga kabahayan, sa mga kalye para panatilihin ang kapayapaan, law and order. Pero bukod po diyan sir, mayroon po tayong mga probinsiya tulad nang nabanggit ko kanina halimbawa iyong Cagayan De Oro City ay nasa under community quarantine na rin po and this is a city outside of Luzon. Ang tanong po, ano ho ang direktiba ng Philippine National Police para naman sa Visayas at sa Mindanao?

PNP SPOX BANAC: Yes, pareho din po ang direktiba ng ating PNP sa pangunguna ni Police General Archie Francisco Gamboa, na kinakailangan po ay makaraan ang lahat ng mga deliveries, mga trucks na for basic commodities lalo na iyong mga emergencies na wala pong harang o tuloy-tuloy po dapat iyan.

Maging iyong mga essential workers, dapat po ay tuloy-tuloy na makakadaan at iyon pong skeletal workforce na maaari nilang italaga ay kinakailangan din na makadaan ito ng hindi po maaantala o made-delay. So iyon naman po ay uniform na pinapatupad natin sa lahat ng mga lugar na under quarantine. At ang pagpapanatili pa rin ng peace and order sa mga nasabing mga lugar ay pareho din at mananatili at tinitiyak po natin sa ating publiko na ang PNP ay nakahanda pong tumugon. At in fact, ngayon po ay pinarami na po talaga natin ang atin pong mga patrol units, ang lahat ng mga police ay lumalabas ngayon upang bigyang katiyakan ang ating publiko na wala pong dapat ipangamba at tayo po dapat ay manatili lamang sa ating mga tahanan.

USEC. IGNACIO: May tanong po para kay General Banac. Sa DILG din po ito, pero, I think puwede ninyo rin pong sagutin. Mula kay Leila ng Daily Inquirer: Ano daw po ang ginagawa ng gobyerno, iyong concern ng meat processers who says that the raw material for their products such as cans and labels, bina-block daw po medyo nahihirapan sila. Papaano daw po ang ginagawa ng gobyerno – iyong ayusin iyong confusion about what are considered essential items in food manufacturing?

PNP SPOX BANAC: Well, ito po ay nabigyan na kaagad ng immediate action. Kahapon pa lamang ay nakita na natin na nasimulan na iyon implementation nito at naging maluwag na po, even now ay nakikita natin ay talagang wala na pong congestion sa lahat ng ating quarantine control stations, tuloy-tuloy po na nakakaraan ang mga ito. Ipakita lamang po ang inyo pong mga IDs at iyon pong inyong mga certificates, maging iyong inyo pong mga karatula, kung kayo po ay may mga tarpaulin na nakalagay sa harapan ng inyong mga sasakyan na sinasabi riyan na kayo po ay mga essential or basic commodities ay kaagad po talaga tuloy-tuloy na po iyan. Huwag po kayong mag-aalala ang atin pong mga PNP personnel na nakatalaga diyan ay nabigyan na po ng proper guidance at wala po tayong nais na made-delay po sa pagpasok o pagbiyahe ng inyo pong mga commodities.

USEC. IGNACIO: Salamat General Banac. Para naman po magbigay sa atin ng latest update, narito si PTV Correspondent Patrick De Jesus – live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ngayon naman po bibigyan daan natin ang katanungan nakalap ng Philippine Information Agency, makakasama po natin si Alexa Tinsay.

ALEXA TINSAY: Magandang umaga po, Usec. Rocky, Secretary Martin. Narito po tayo muli batid ang mga tanong ng publiko ukol sa isyu ng COVID-19. Magbibigay focus po tayo sa dalawang mahahalagang tanong na concern din po nang nakararami outside Metro Manila. Ang unang tanong po natin ay nagmumula kay Governor Dale Corvera ng Agusan del Norte. Ang tanong pong ito ay para sa PNP, panoorin po natin ito:

Magandang umaga po, Secretary Andanar. Ang probinsiya po ng Catanduanes ay isang isla, at isa po sa kinakatakutan talaga ng mga kababayan ko po dito sa probinsiya ng Catanduanes ay kung magkakaroon po talaga ng total lockdown ang mga nakapalibot sa aming probinsiya ay baka hindi na po makarating sa amin ang mga kinakailangan naming goods, maging mga medisina. Ano po kaya ang maitutulong sa amin ng national government upang masigurado na hindi po kami mawawalan dito ng mga supplies na kakailanganin po namin?

GENERAL BANAC: Maraming salamat po, Governor, sa inyong katanungan. Mula po sa Joint Task Force sa COVID Shield, ang mabibigay po natin na katiyakan na wala pong magiging dahilan upang hindi po makarating sa inyo ang lahat ng deliveries ng lahat ng mga basic commodities ay makakarating po. At iyon po ang aming ginagawa ngayon hindi lamang dito sa Kalakhang Maynila, ganoon na rin sa iba’t ibang mga panig ng Luzon na ang mga biyahe ng mga cargoes, deliveries ay makakatawid po sa lahat ng mga boundaries nang hindi po naaantala at dapat po ay makarating nga po iyan sa inyo pong lugar. Iyon po ang aming maibibigay na katiyakan, Governor. Maraming salamat po sa inyong katanungan.

USEC. IGNACIO: Okay, last question po sa PIA.

ALEXA TINSAY: Maraming salamat po. Ang tanong po na iyon ay nagmula kay Acting Governor Shirley Abundo mula sa Catanduanes. Ngayon naman po ang tanong mula kay Governor Dale Corvero ng Agusan del Norte. Para po ulit sa PNP, panoorin po natin ito:

The province of Agusan del Norte and even to include Caraga Region at this point, we have no single case of COVID-19, but there are lots of PUIs and PUMs. But we cannot determine if indeed they are affected by the virus or not if there will be no testing kits. That’s what we need in the region, particularly in our province. After testing, iyong mga swab results or samples, ang pagdala naman sa Manila kasi wala nang available na sasakyan.

Secondly, we need to have PPEs, iyong personal protective equipment for our frontliners. We have money to purchase it but there are no available supply. I hope Manila can help us with this problem.

USEC. IGNACIO: Si Secretary Martin po.

SEC. ANDANAR: Alam ninyo po, ang inyong Cabinet Officer for Regional Development and Security dito po sa … halimbawa para po sa Caraga, Governor Dale, ay si CabSec Karlo Nograles; ako naman sa Region X. Kami po ay naka-coordinate din sa inyo, all you need to do is inform us kung ano po ang kailangan ninyo sa inyong mga rehiyon.

Number two, kagaya ng nabanggit ni General Banac, kung anuman iyong ipinapatupad ng Philippine National Police koordinasyon at pagpapanatili ng ating peace and order and iyong unhampered supply of goods, unhampered transportation of goods sa iba’t ibang mga rehiyon ay ipapatupad po ng Philippine National Police.

I believe ay nag-usap na rin ang ating Department of Agriculture Secretary William Dar at PNP Chief Archie Gamboa na kailangan ay hindi po talaga pigilan ang pagpasok ng mga goods, mga pagkain, lalo na gamot lalo na, sa iba’t ibang mga rehiyon.

As I mentioned earlier, from Metro Manila, unang pinag-uusapan natin ay social distancing; pangalawang pinag-uusapan natin ay itong sa mga curfew; pangatlong pinag-uusapan natin itong home quarantine na ipinapatupad ngayon ng mga barangay, ng mga pulis. At ngayon naman ay shifting na ang isyu sa mga probinsiya. So marapat naman siguro na iparating din ni General Banac sa ating Philippine National Police Chief na marami na rin sa ating mga governors at mayors ang nangangailangan ng gabay mula sa Department of Interior and Local Government at ng Philippine National Police.

But rest assured Governor, na kami po ay nandito lang bilang Cabinet officers for regional development and security.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat Secretary Martin, salamat kay Alexa Tinsay ng PIA. Samantala ay dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa mula naman po sa Philippine Broadcasting Service, makakasama po natin si Dennis Principe – Dennis…

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Samantala makakausap natin sa linya ng telepono si PCSO General Manager Royina Garma, magandang araw po. Good morning, GM.

May tanong lang po kami kay General Banac. Totoo po daw ba na nagpapairal ng window hours ang PNP? Ipapadala ko po sa inyo, pero basahin ko lang—mayroon dito—kasi hindi niya alam kung ito daw po ay totoo na galing sa gobyerno. Ang isa lang po nabanggit niya dito, 5AM to 8AM oras na puwedeng mamili o lumabas ng bahay. Marami pa pong oras iyong inilagay dito, totoo po ba na sa inyo ito galing?

PNP SPOKESPERSON B/GEN. BANAC: Maaaring mga local governments units ay may ipinapatupad na ganitong curfew hours. Pero po in so far as the Joint Task Force COVID Shield at ang ating PNP is concerned ay wala po tayong ipinalabas na ganitong time period nang paglabas o maging iyong curfew hours, wala po. Ang ibig sabihin, buong 24 hours ay supposed to be ay nasa bahay tayo lahat, naka-curfew po dapat ang lahat, kaya wala pong ipinapalabas po ang PNP ng ganitong period.

Subalit binibigyan po ng pagkakataon ang isang miyembro ng pamilya na lumabas ng kanilang bahay upang mamili ng mga basic goods, basic items na kakailanganin nila. Pero iyon pong specific na mga period na iyan, maaari pong ang local government units natin ang nagpapatupad. So kung saan po kayo ngayon naroroon, alamin po natin ito sa atin pong mga local chief executives kung sila po ang nagpatupad noong specific window hours na iyan. So maaring applicable lang po iyan doon po sa inyong lokalidad o kung saan po kayo naroroon. Pero, generally sa PNP po ay wala po tayong ganoong pahayag.

USEC. IGNACIO: Okay, salamat General Banac. Kay Chairperson naman po Andrea Domingo naman po – kailan daw po makakarating sa nangangailangan ang tulong ng PAGCOR na 12 billion pesos? Paano, na tiyak na sarado po iyong mga casino sa buong bansa?

PAGCOR CHAIRPERSON DOMINGO: Una iyong 12 billion pesos, mabibigay na namin sa National Treasury sa March 24, so sila ngayon ang magde-decide kung saan ilalagay ito dahil magiging pondo na nila iyon sa National Treasury. Iyong pangalawa, siguradong sarado kami sa casino sapagkat patuloy ang monitoring ng aming CMED o Monitoring and Enforcement Department. Ibig sabihin nito, iyong mga casino kasi may mga hotel iyon, halos doon na nakatira iyong mga monitoring skeletal systems namin para hindi na rin sila lumalabas. So sigurado ako, nagre-report nang every 12 hours iyong aming CMED officers na sarado lahat.

USEC. IGNACIO: May katanungan po si Secretary Martin sa inyo, Chairperson Andrea Domingo?

SEC. ANDANAR: Thank you, Rocky. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong opisina Chairman Domingo dahil kayo po ay on top of the situation at sa mga panahong ito ay kailangang-kailangan po talaga ng ating mga kababayan iyong tulong na manggagaling sa PAGCOR. At this point, tama po iyong inyong programa na talagang pagkain po talaga, dahil ayaw ho natin na magutom iyong ating mga kababayan, Chairman Domingo. So, itong mga food packs po na inihanda ninyo, can you repeat again, para lang po ba ito sa Metro Manila o puwede ring humingi iyong mga LGUs sa ibang probinsiya?

CHAIRPERSON DOMINGO: Initially, sa NCR muna, kasi dito muna pinakagrabe ang sitwasyon. Sa ngayon mino-monitor ko may 25,000 food packs na, na dumating sa aming bodega sa Nayong Pilipino at ito ay nire-repack na ng mga tauhan namin. Bukas idi-distribute na namin sa iba’t-ibang cities dito sa NCR.

Iyong mga malalaking donasyon, 125,000 packs from city of Dreams, 125,000 from POGO, ibinigay na namin iyong sa Office of the President kasi, mas magaling sila sa distribution ng massive scale na ganito. Iyon naman mga kailangan ng PPEs, mga gloves, ng surgical mask and all of that, ibibigay na rin namin sa Office of the President para maibigay sa DOH at ang DOH na ang siyang mag-apportion. I’m sure doon sa mga ipamimigay ng OP at ng DOH at ng DSWD kung gagamitin iyong distribution system, makakarating ang iba nito sa labas ng NCR.

SEC. ANDANAR: At para po doon sa mga LGU Chief Executive, Ma’am Domingo, puwede silang dumiretso sa inyo, puwede silang makipag-coordinate na lang po sa inyo o mayroon po kayong sistema na sinet-up na para sa kanila.

CHAIRPERSON DOMINGO: Hindi po, puwede na pong dumiretso sa PAGCOR, ang namamahala nga nito si Jimmy Bondoc at very active naman po siya sa Facebook, Twitter at saka YouTube. At saka po sa Viber, ako nasa Viber din, puwede rin naman nila akong tawagan doon o puwede silang mag-text at aasikasuhin po namin lahat ng mga legitimate at necessary requests.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ma’am Domingo. Rocky, mayroon lang mensahe na gustong ipadala si Secretary William Dar sa ating DILG at kapulisan, kung okay lang basahin ko. Nagpapasalamat po si Secretary William Dar sa efficient movement of cargoes passing through the police checkpoints, nagpapasalamat siya sa DILG at sa kapulisan. We have, as a requirement of those bring cargoes for food supplies and raw materials for food processing companies, to show their delivery receipts and upon their return, ipakita iyong kanilang sales invoice or stamp delivery receipt. We are also in the process of issuing food pass to the truckers which will be the additional document needed later after five days. Hope this will reach those police officers manning the checkpoints nationwide. God bless us all. Iyon po ay para sa inyo, General Banac.

PNP SPOX BANAC: Yes, Sec Martin.

SEC. ANDANAR: Hindi paalala lang po, iyon po ay paalala lang ng Department of Agriculture na kailangan ma-cascade lang po iyong impormasyon na ang kailangan daw po talaga ng driver o pahinante na isang nagde-deliver ng pagkain ay delivery receipt at pagbalik po nila ay isang return or iyong sales invoice or iyong stamp delivery receipt. Number one, delivery receipt, number two, iyong sales invoice na ipakita po sa ating mga pulis para payagan po iyong kanilang truck na bumiyahe to and from doon sa delivery point at iyon pong kanilang company na kung saan babalik po iyong truck nila.

PNP SPOX BANAC: Tama po iyon at iyon po ay tinitiyak natin na sa lahat ng ating mga kapulisan na lahat po sila ay bigyan ng ganitong advisory at makita po talaga natin ngayon, ngayong araw na ito ay napakaluwag na po ng daloy ng mga lane na iyan, dahil ito nga po iyong pinapakita ng ating mga truck drivers, mga delivery vans at iyon po ang katunayan lamang na kailangan na sila po pinag-deliver, paglabas naman po nila ay kaagad naman ay ipakita lamang iyong mga delivery invoice, mga receipts na patunay na sila po ay nag-deliver lamang.

Ganoon na rin para sa mga bumabiyahe po patungo sa mga airports, ipakita lamang po ang kopya ng inyong itinerary o kaya iyong ticket, photocopy. At pagdating po ninyo sa airport ay naroon naman po iyong ating mga kapulisan, ipakita lang din po doon, para po malagyan nila ng note, na kayo po ay naghatid lamang. So pag-uwi po ninyo dadaan po muli kayo sa mga quarantine control points natin, ipakita ninyo po muli doon na kayo po ay naghatid lamang ng inyong pasahero.

USEC IGNACIO: Salamat po, General Banac. Samantala balikan po natin sa linya ng telepono si PCSO General Manager Royina Garma, magandang araw po. Isa po sa mga tanong na gustong iparating sa inyo, anu-ano daw po iyong mga programa ng PCSO ang suspendido dahil sa Enhanced Community Quarantine?

GM GARMA: Yes, Ma’am ang mga activities po na suspendido, particularly po sa charity programs po ng PCSO ay ang apektado po ay ang Luzon area. Pero iyong funds po namin sa charity ay idinagdag po namin para po papunta po sa Malasakit Centers na naka-establish po dito sa Luzon area kung saan mayroon pong anim, na naglagay po kami ng 3 million per day para po gamitin for financial assistance po once na napunta po sa ating mga hospital: Katulad po ng Lung Center of the Philippines kung saan isang milyon sa isang araw po ang naka-allot po para doon; Philippine Children Medical Center – 400,000, Philippine General Hospital – 1.5 million, Philippine Heart Center – 500,000, Rizal Medical Center at Taguig-Pateros – tig-400,000. A day po iyan!

So ito po iyong distribution na inilagay po namin sa mga hospitals na may Malasakit Center dahil po ang medical assistance program po namin sa Lung Center ay suspendido na po since po noong March 17. So ang pondo po dinistribute lang po namin.

Now with regards naman sa impact niyan sa Visayas, Mindanao, mayroon din pong 14 hospitals kung saan dinagdagan din po namin ang pondo. Subalit po, 8.4 million a day po ang idinagdag naming pondo sa Malasakit Centers kung saan 20 hospitals po iyong sakop at ito po ay malalaking hospitals sa buong Pilipinas po. Makikita po nila sa website po namin na nai-post po naming kung anu-anong hospital po ito para maka-access po sila ng PCSO funds. Aside from this po, mayroon po tayong 1.42 billion pesos na nakalaan din po para po dito sa pagsugpo po natin dito sa sakit na COVID po. So, we are just waiting kung saan po namin i-endorse iyong pondo which was already approved by the Office of the President.

USEC. IGNACIO: Ma’am, I understand napakalaking tulong po PCSO particular dito sa mga mahihirap pero hindi po natin alam kung kalian po matatapos itong problema natin sa COVID-19. Ano po ang inihahanda ninyong hakbang para po magpatuloy ang tulong ninyo sa mga mahihirap sa gitna pa rin po ng COVID-19?

GM GARMA: Yes po, Ma’am, in fact alam naman natin na ang opisina namin ay nagkakaroon lang kami ng pondo kung may palaro pa tayo. Kaya nga po Ma’am, noong sinuspend po ang Luzon, iyong laro po namin sa Visayas at Mindanao, particularly STL, ay hindi po namin sinuspinde, pero depende na rin po ito kung ide-declare po ng provincial government o majority of the mayors within the area ay idedeklara po na totally i-suspend lahat o kumikita pa rin po tayo doon kaya mayroon pa tayong pondo. In fact po, nawalan nga tayo ng around… mga three billion sa isang buwan dahil po dito. Pero rest assured po na may pondo pa po ang PCSO para po makatulong pa rin po tayo sa mga nangangailangan po ng tulong lalo na sa medikal na aspeto po.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po GM Garma. Aasahan po namin iyan at maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyong interview sa amin.

GM GARMA: Yes, po. Welcome po, ma’am. Good morning.

USEC. IGNACIO: Ang tanong naman po ay para kay Atty. Maronilla: Paano raw po at saan maaaring makipag-coordinate ang mga nais magpadala ng donation, relief consignments mula sa ibang bansa?

SPOKESPERSON MARONILLA: Ma’am, iyong kanina hong nabanggit namin na numbers na binanggit namin sa simula ng programa, dedicated po iyon para sa mga donations. Maaari po silang makipag-ugnayan doon; Available din ho ngayon iyong mga online facilities namin; nandiyan po iyong BOC Cares system namin. Mag-email lang ho sila sa boc.cares@customs.gov.ph; Open pa rin naman po ang customer care service center namin; at lahat ho ng mga social media accounts namin, puwede ho silang mag-private message at mayroon ho kaming mga taong nagreresponde doon.

USEC. IGNACIO: Okay. Si Secretary Martin po ay may katanungan sa inyo, Atty. Secretary…

SEC. ANDANAR: Yes, salamat, Rocky. Attorney Maronilla, para po doon sa mga nagdo-donate at kailangan i-shift dito sa Pilipinas iyong mga donations, mayroon po bang tax exemption iyon?

SPOKESPERSON MARONILLA: May rule ho tayo sa tax exemption; naka-post na rin ho iyan doon sa social media accounts namin at sinerkyuleyt [circulate] na rin ho namin. So kung magdo-donate ho kayo, gusto ninyo tax free, ang advice ho sana namin ay i-consign ho natin doon sa mga government entities natin na may tax-free privilege.

Sa ngayon po, pinakamaganda ho kung naka-consign sana sa Department of Health o kaya sa DSWD para ho iyong tax exempt status ng dalawang government agencies na iyon ay ma-avail ho iyong tax exempt privilege. Pero maaari naman ho kung iyong mga consignees ninyo ay mas tax exempt privileges lalo na sa panahon ng calamities, mayroon ho kaming ini-establish na mga one-stop-shops at in close coordination ho kami sa Department Finance which issues the tax exempt certificate pati na rin ho sa Department of Health at saka sa Food and Drug Administration, sir.

USEC. IGNACIO: Okay. May tanong po ako kay Chairperson Andrea Domingo. Kasi hindi po talaga maiiwasan na magkaroon ng epekto sa PAGCOR ang COVID-19. So ano po iyong inaasahan natin na magiging hakbang ninyo pa na para magpatuloy… katulad nang natanong ko rin kay GM Garma, napakalaki po kasi ng tulong ninyo sa mga mahihirap.

CHAIRPERSON DOMINGO: Masuwerte ang PCSO, puwede silang … pinayagan silang magtuluy-tuloy iyong STL nila sa Visayas at Mindanao. Sa amin, in-order lahat na magsara. Sana nga lang iyong IATF, aralin din kung iyong windows of opportunities na kung saan pa puwedeng mag-generate ng revenues nang hindi naman makaka-contribute sa problema ng COVID at makakatulong pa.

Una, dito sa industry namin, may tatlong areas na puwede pa talaga sanang kumita ng revenues at high earning ito: Una, iyong mga junket at e-junket ng mga malalaking casino. Iyan, segregated iyan, puro foreigners ang naglalaro at kung minsan ay sa telepono lamang; Iyon namang mga VIPs, minsan dalawa sa isang table lang so may social distancing at very hygienic naman lahat ng areas;

Iyong pangatlo, iyong work from home sana sa POGO kasi mga BPOs din ito eh, katulad din ng mga BPOs na in-allow nila. Kapag itong tatlong larong ito umandar, at least mga 50 to 60% ng aming income ay mababalik at maibibigay na naman ulit na pangtulong para sa mga nangangailangan.

USEC. IGNACIO: Okay. Si Secretary Martin po ay may katanungan kay Ma’am Andrea – Secretary?

SECRETARY ANDANAR: Wala na ho tayong question kay Ma’am Andrea ano. Malinaw ho na pupuntahan lang natin si Sir Jimmy Bondoc kung mayroon pong mga kahilingan ang ating mga kababayan, iyong LGUs na mga food packs mula po sa PAGCOR. Ang akin lamang pong panalangin, you stay strong and you stay healthy, Ma’am Andrea, dahil kailangang-kailangan ka po ng ating bansa sa mga panahon ng pangangailangan, tulad po ngayon.

CHAIRPERSON DOMINGO: Maraming salamat Secretary Andanar, and keep safe too.

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroong katanungan po para kay General Banac. Taga-Rizal, Montalban – ayaw nang pa-mention ng name. Ano daw po iyong gagawin ninyong … hindi naman parusa, aksyon dito sa mga pasaway po talaga na lumalabas pa rin daw po ng bahay at saka talagang nagkalat sa kalye. Ang titigas daw po ng ulo!

GENERAL BANAC: Well, actually, ang nararanasan o hindi naman masyadong problema na ito. Pero iyong nangyayari pa rin sa ating mga quarantine control stations ay iyong patuloy na paliwanagan at diskusyunan dahil nga may mga ilan pa rin tayong mga kababayan na nagpupumilit pa rin talagang dumaan sa mga quarantine control stations natin na alam naman hindi naman talaga dapat silang lumabas na.

So iyong ganitong mga diskusyunan, paliwanagan ay nagdudulot pa nga ng pangamba doon sa iba pang mga nakakakita. So patuloy po tayong nakikiusap, kapag alam naman natin na hindi po tayo kabilang doon sa mga exempted na lumabas ay huwag na lang po talagang lumabas. At dahil nga po insisting, nagpupumilit po ang ilan nating mga kababayan, may siyam na po kaming sinampulan at inaresto po ang siyam na ito sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila at sa iba pang panig ng Luzon. Inaresto po sila sa salang disrespect and disobedience to authority under the Revised Penal Code 151. So sila po ay … wala tayong magawa, talagang matigas ang ulo, insisting at gumagawa na ng eksena doon po sa mga quarantine control stations natin. So dinala na po sila sa presinto upang magpaliwanag at sasampahan na po natin sila ng kaso sa piskalya.

So paalalang muli, kapag hindi ka po kabilang sa mga exempted na iyan, non-essentials ka po ay huwag na lang po talagang lumabas at huwag na pong magpumilit at makipagdiskusyunan sa atin pong mga kapulisan.

USEC. IGNACIO: Pero, General Banac, kapag dinala sila sa presinto at … hindi naman po sila ikukulong ano po? Nandoon lang talaga sila bago ba sampahan ng kaso? Kasi baka mamaya magdikit-dikit naman po sila sa kulungan?

GENERAL BANAC: Opo, kaya nga po s0 far ay talagang siyam pa lang ang ating mga naaresto at nasa custodial investigation ngayon at sasampahan sila ng kaso. Nakahiwalay naman sila, nakabukod! Ang ayaw nating mangyari ay talagang napakaraming aarestuhin at dadalhin sa presinto. Wala tayong paglalagyan naman at maba-violate natin iyong social distancing.

So hangga’t maaari po ay talagang makipag-cooperate lang. At saludo po kami sa inyo dahil sa ipinakita ninyong kooperasyon. Makikita po natin sa araw na ito, talagang tumigil halos ang ating mga kababayan sa kani-kanila pong mga bahay.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, General Banac. Balikan po natin si Secretary Andanar – Secretary?

SECRETARY ANDANAR: Maraming salamat, Usec. Rocky. Nanawagan nga si Senator Bong Go na kailangan na magkaroon tayo ng unified approach, lalung-lalo na sa ating mga ospital. Senate Committee on Health and Demography Chair Christopher “Bong” Go said on Friday, March 20, “That it is important to identify and capacitate select hospitals that can exclusively handle COVID-19 cases in order to have a more unified approach. Maximize limited resources, protect health workers and avoid exposure of patients with non COVID-19 health concerns.” Sabi ni Senator Bong Go, “Mahirap kung kalat-kalat sa iba’t ibang mga ospital ang mga pasyente na positibo o posibleng may COVID-19. By designated specific hospitals it would be easier for the government to monitor the progress of the patient and in positioning logistic and resources. It also lessens possible exposure of COVID-19 positive patients to other non-infected individuals in hospitals.” Iyan po ang panawagan ni Senator Bong Go – Rocky?

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary Martin. Dahil daw po sa banta ng COVID-19, apektado na ang industriya ng transportasyon, maging ang aviation. Marami po ang nagtatanong at dumadaing kaya naman po para sagutin ang ilang mga katanungan tungkol sa mga flights at proseso po ng rebooking—naku, ang daming nagtatanong niyan—makakasama po natin sa linya ng telepono si Ma’am Cielo Villaluna mula sa Philippine Airlines. Kumusta na po ang operasyon ng Philippine Airlines, ma’am?

CIELO VILLALUNA: Magandang umaga sa inyo, Secretary Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio. Yes, ang ating mga domestic flights ay patuloy pa ring cancelled ‘no, has been canceled since March 15 and we will re-open hopefully mid-April.

Iyong ating mga international flights ay nag-resume. However, the flight schedule that is being followed is not 100% normal. Mayroon din po tayong reduction in flight frequencies because nag-reduce din po iyong demand dahil po sa agam-agam ng maraming pasahero hinggil sa COVID, Undersecretary.

USEC. IGNACIO: Ulitin ko lang, mayroon po kayong mga flights palabas ng bansa at pabalik din, paano po ang proseso?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Can you make it louder, please?

USEC. IGNACIO: Mayroon kayong mga flights palabas ng bansa, ang Philippine Airlines?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Yes, patuloy po iyong ating mga flights palabas ng bansa. Nag-reduce lang po ng frequency sa iilang mga ruta pero we would classify it as a calibrated normalization, Undersecretary.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong sa rebooking, may nagtatanong din sa amin, papaano daw po ang proseso ng pagpa-rebook? Kasi may ilan diyan na nasa probinsiya, hindi sila makapunta dito sa Metro Manila at nahihirapan daw po ang internet. Papaano po ang magandang advice ng Philippine Airlines sa kanila?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: All right. Nag release po kami ng mga procedures ‘no, iyong updated procedures hinggil sa rebooking. Unang-una sa lahat kung ang flight ninyo ay nakapaloob sa March 15 all the way up to April 30; kung ang flight ninyo ay kanselado sa loob ng period na iyan; kung ang flight po ninyo ay hindi kanselado pero ayaw po ninyong lumipad dahil sa agam-agam, anxiety at worry and you want to delay your flight, ito po iyong ating mga procedures:

Maari pong mag-rebook ang ating mga mananakay: They do not have to rebook, they do not have to worry about the cancellation of your flight. Mayroon po tayong rule na you have to cancel not less than 24 hours before your flight. So they can already cancel that even after the critical period. Pag-resume na ng normal operations, they can do the cancellation after the lifting of the domestic flight suspension or even after the period ‘no, they don’t have to follow the 24-hour rule for cancellation.

Iyong mga flight po na, kunyari economy class passenger ka and you rebook on the same cabin class even if it’s a higher fare class, iwi-waive po namin iyong fare difference. Our rebooking fees are waived. Now the only time we charge fare difference, if you are, let’s say rebooking from the economy fare class to a business class fare that is the only time we collect fare difference. But as a general rule, rebooking fees are waived.

So iyong mga tao sa probinsiya, iyong ating mga nakatira sa outskirts ng Manila and have a hard time na—are worrying that they have to come to Manila to cancel their flights, we are liberalizing the rules and they can do the rebooking, refunding and travel voucher options even after this critical period, Undersecretary.

USEC. IGNACIO: Basta ang malinaw Ms. Cielo, ang rebooking fee waived, pero ‘pag cancellation, wala talaga?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Yes, okay. Undersecretary I hardly can’t hear you, but based on what I can hear… unang-una sa lahat ang rebooking fee ay waived because this is a forced majeure cancellation. Iyong lumalabas po na ibang mga report na nagcha-charge po kami ng rebooking fee, hindi po totoo iyan. Ang tsina-charge po ay fare difference. Fare difference is the difference kapag economy class fare ang hawak mong ticket and you are rebooking to a higher fare class which is business class or let’s say from economy fare you are booking to premium economy, iyan po iyong tinatawag na fare difference. Okay?

So we would like to make that clear that iba po ang ibig sabihin ng fare difference and rebooking fee because rebooking fees are waived.

USEC. IGNACIO: Okay. Saan naman po daw sila puwedeng tumawag; mayroon po ba kayong hotline? At saka ano po iyong proses na binibigay ninyo sakaling makapunta naman sa opisina ninyo? Bukas po ba kayo o talagang telepono lang po ang koordinasyon ninyo talaga?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Okay. Dalawa iyong pamamaraan sa kasalukuyan. Kami po ay humihingi ng pang-unawa sa ating mga patrons, our passengers, sa flying public. Dalawa po iyong modes na naiiwan ngayon: one is to call our hotline number, ito po iyong 8855-8888 which is the PAL hotline number. We are seeking their understanding sapagkat maghihintay po sila ng iilang minuto because of the deluge of calls ang nangyayari. Pangalawa, the only open ticket office now that can process is the NAIA ticketing office in Terminal 2 ‘no, NAIA PAL, NAIA ticketing office that is in Terminal 2.

Now ang panawagan po natin, they can wait ‘til the lifting of the suspension of flights sa domestic sector to carry out the rebooking, because we will be very understanding, we will apply humanitarian approach in this endeavor because we understand the limitations of the situation, Undersecretary.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat Ms. Cielo Villaluna, ang Spokesperson ng Philippine Airlines.

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Thank you very much.

USEC. IGNACIO: Okay. Puntahan naman po natin ang Philippine Information Agency, si Alexa Tinsay.

ALEXIA TINSAY/PIA: Magandang tanghali pong muli, ako po si Alexa Tinsay from the Philippine Information Agency. Mayroon lang po tayong karagdagang tanong, ito po ay naka-address kay Ma’am Andrea Domingo. Ito po ang tanong: Kahapon ang sabi ni Asec. Tony Lambino, nakahanda naman daw ang mga charitable institutions na magbigay ng ayuda sa higit na nangangailangan. Ano po ang mga programa na inihanda ng PAGCOR para po rito? Maraming salamat po!

PAGCOR CHAIRPERSON DOMINGO: Mayroon ho iyong mga—una, nagbigay nga kami ng another 12 billion pesos sa ating gobyerno over and above iyong 2.5 billion pesos na binigay na namin before para din ito sa pagsugpo sa COVID. Sa amin din, mayroon kami ngayong inihahandang mga 125 thousand food packs na ipamimigay through the local government units. But aside from that, tumatanggap din kami sa mga stakeholders namin. Katulad nga ng POGO, nag-donate ng 150 million na ginawa namin ay 90 million ipinambili ng mga hospital and medical supplies at iyong 60 million, pinambibili ng pagkain.

Pagkatapos, iyong mga malalaki naming mga casino na IRs ang tawag; ang City of Dreams, nag-donate din ng 125 packs of food at iyon ding Okada nag-donate sa PGH ng tatlong testing machines at mga test kits at mga office supplies na ang total ay 50 million din. At iyong Resorts World, nagbigay din sa mga iba-ibang ospital sa Parañaque, sa PGH at sa Pasay City ng mga kinakailangan nilang mga PPEs, gloves, etcetera na nagkakahalaga din ng 50 million pesos.

Sa PAGCOR naman, sa amin sa main, hindi kasi kami pinapayagang mag-opisina kundi skeletal force lang. Pero patuloy kaming magpo-procure for as far as iyong procurement law emergency requirements will allow us para sa ganoon ay tuluy-tuloy ang pagbibigay namin ng pagkain.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa aming kasamang si Alexa Tinsay ng Philippine Information Agency. May tanong po kay General Banac, doon daw po sa airports kasi sinabi na nga ni Ms. Cielo, may mga flights pa rin sila palabas pero hindi daw po nao-observe iyong social distancing. Ano po ang ginagawa ng PNP dito, iyong pakikipagkooperasyon ninyo o koordinasyon ninyo sa ating management ng paliparan?

PNP SPOKESPERSON B/GEN. BANAC: Opo. Katulong po, katuwang ang ating PNP-Aviation Security Group upang maipatupad po ng management ng mga airports ang social distancing. So ang atin pong mga personnel diyan, Aviation Security personnel ay naabisuhan na po na gawin nila ito at hilingin ang atin pong mga passengers – outbound passengers na makipag-cooperate at bigyan po ng distansya ang bawat isa lalo na doon po sa pagpasok na doon sa mga entrances. Ginawa pa rin naman natin iyong mga standard na checking ng mga pasahero at ng kanilang mga baggages ‘no doon sa initial entry points at katuwang po ang PNP riyan. Kaya po tayo’y nagpapaalala din sa lahat na makipag-cooperate po para po ma-maintain natin iyong social distancing.

USEC. IGNACIO: Opo, at mahigpit ang babala ni PNP Chief Archie Gamboa naman sa mga gumagawa ng—sa fake news sa social media.

PNP SPOKESPERSON B/GEN. BANAC: Yes, opo. At nagpahayag na nga po si PNP Chief General Gamboa ng statement na pinabubulaanan po natin iyong mga kumakalat nga po na mga post sa social media na umano ay may mga disorder sa iba’t ibang—o sa mga piling dako ng Kalakhang Maynila. At base po sa mga patrol units na dinispatch nga po natin two nights ago ay wala naman pong mga ganoong mga insidente.

Kaya po nagpapaalala tayo sa lahat, iwasan po ang magpakalat, mag-share ng anumang mga unverified, unconfirmed na mga reports at ang gumagawa nito ay maari pong managot sa batas. Alalahanin po natin, umiiral po iyong Republic Act 10175, iyong anti-crime law, kaya ingatan po natin na huwag po ang social media ang mapagdiskitahan natin, habang tayo po ay naghahanap ng makakaaliw sa atin habang nasa bahay tayo. So, huwag po ang social media ang inyong gamitin para magpakalat ng mga maling impormasyon!

USEC. IGNACIO: Salamat General Banac. Last words po kay Atty. Maronilla, ano po ba talaga iyong dapat ninyong kailangan pang maibigay sa inyo, para mas maayos po iyong pagde-deliver ninyo ng services lalo na sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.

BOC SPOX MARONILLA: Maayos naman po iyong coordination namin sa ibang agencies natin. At sa monitoring po namin maayos naman iyong paglalabas. Mananawagan lang ho siguro kami sa ating mga kababayan. Marami rin ho kasing kumakalat na text at marami kaming natatanggap na mga text galing sa mga, tulad ko, sa mga kaklase ko, may nagsasabi na mayroon daw pong naka-pending na ganito karaming shipment sa Bureau of Customs at naiipit po, pero kapag hinihingan po naming ng detalye para ma-proseso namin, biglang hindi na po makapagbigay ng detalye.

Karamihan ho iyon nagpapakalat lang ng disinformation, kasi mayroon hong minsan nagte-take advantage sa sitwasyon para manghingi kunwari ng pera sa isang tao, para mag-invest sa isang negosyo na nagpaparating ng medical equipment pero wala naman po talaga.

So, mayroon po kaming mga hotlines, mayroon po kaming online accounts mag-inquire lang po kayo sa amin, ang pinakaimportante po kunin ninyo ang detalye, ibigay lang ninyo sa amin at kung talagang nasa amin iyan ay iyan naman po ilalabas namin. Mahigpit po ang direktiba ni Commissioner Guerrero at lahat ho kami sa upper management ng Bureau of Customs ay nakatutok sa mabilis na pagpapalabas ng lahat ng emergency supplies at medical equipment para sa krisis na ito.

USEC. IGNACIO: Salamat, Attorney. Si Chairperson Andrea Domingo po?

CHAIRPERSON DOMINGO: Magtiwala po tayo sa ating pamahalaan. Magtiwala po tayo sa ating Presidente. Kasi po lahat ng ginagawa nila ay para sa kabutihan natin at para malabanan at matalo na natin itong si COVID. Kaya po sumunod tayo: Let us stay home, keep safe, lagi hong maghuhugas ng kamay at lagi po lamang na kung puwede social distancing hanggang sa inyong bahay. Kami po talagang lahat sa amin sa PAGCOR, iyan po ang aking bilin at iyan po ay aming gagawin. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Salamat po Chairperson Andrea Domingo. Si General Banac po?

PNP SPOX BANAC: Maraming salamat po Usec Rocky at Secretary Martin. Mula po sa hanay ng Philippine National Police sa pangunguna ni Police General Archie Francisco Gamboa, ang PNP po ay sumasaludo sa mamamayang Pilipino sa inyo pong kooperasyon na pinapakita ngayon sa ating Enhanced Community Quarantine. Manatili po tayo sa ating mga bahay, stay home, save lives at alalahanin po natin, PNP kakampi mo at Pilipino laban natin ito. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Si General Banac. Muli maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo sa aming imbitasyon at pagtugon sa mga katanungan ng ating mga kababayan. Marami naman pong katanungang nabigyang kasagutan kaya naman muli maraming salamat sa pagsama ninyo dito sa amin. At siyempre kay Secretary Andanar – Secretary Andanar, ako po ay may tanong sa inyo, Secretary. May patanong po iyong ilang kasamahan natin sa trabaho. Iyon daw pong mga DJ sa FM stations kailangan pa daw po bang kailangan pa daw po bang bigyan ng PCOO ID or nire-require pa rin silang kailangang pumasok din?

SEC. ANDANAR: Yes, kailangan nila ng special ID na magi-isyu ay International Press Center sa News and Information Bureau para sila ay tuloy-tuloy ang kanilang pag-serbisyo sa ating mga kababayan. Napakahalaga ng role ng mga Frequency Modulation Band o FM sa mga panahong ito, dahil nasa mga tahanan, most of us also, apart from the news, we would like to listen to good music para ma-entertain po tayo sa ating mga bahay. Let me just remind everyone, Rocky na mayroon po tayong website na ginawa, ito po iyong pinakabagong website about COVID-19, pumunta po kayo sa covid19.gov.ph para sa latest na mga balita tungkol po sa COVID dito po sa bansa natin.

USEC. IGNACIO: Secretary, maraming salamat din sa iyo. Alam ko din po talaga na napakasipag din po ninyo dahil maya’t maya din po iyong meeting ninyo sa inter-agency. Magpahinga rin po kayo at magkita pa rin tayo sa mga susunod na panahon at nagpapasalamat po kami sa ating mga opisyal ng pamahalaan sa patuloy na paglilingkod sa taumbayan sa panahon po ng krisis na ito – Secretary?

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Rocky. Basta laging handa, sama-sama kaya natin ito.

USEC. IGNACIO: Salamat Secretary Martin, Pilipinas dito po nagtatapos ang ating public briefing, ikaw, ako, kayo, tayong lahat ng pamamaraan makapagtanong at ang pamahalaan naman mabigyan ng pagkakataong magpahayag at magbigay linaw patungkol sa mga hakbang na sabay-sabay din natin ngayong tinatahak sa pagharap natin sa pandaigdigang pandemic na ito dito sa Pilipinas.

###

News and Information Bureau-Data Processing Center