Press Briefing

Laging Handa Public Briefing hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio with Manila Mayor Isko Moreno, DILG Undersecretary Jonathan Malaya, PNP Spokesperson Bernard Banac and DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Event Public Briefing #LagingHanda
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Isang mapagpalang araw sa mga minamahal kong kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo, ganundin po sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radio at sa ating online streaming.

Muli nating sisikaping sagutin ang mga katanungan at agam-agam ng ating mga kababayan kaugnay sa sama-sama nating paglaban kontra COVID- 19.

Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at ang Radyo Pilipinas Network Nationwide, and Crisis  Communications Platforms ng Presidential Communications Operations Office, Radio Television Malacañang at sa pangunguna ng PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  At mula pa rin po sa PCOO, ako naman si Undersecretary Rocky Ignacio, kasama ninyong makikialam at makikiusisa sa mga pinakahuling balita tungkol pa rin sa COVID-19. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan nating nararanasan hindi lamang sa bansa, kung hindi po sa buong mundo.

SEC. ANDANAR:  Basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Kaya naman halina’t samahan ninyo kami muli dito sa Public Briefing #Laging Handa Ph.

Rocky, ngayong araw na ito ay siksik na naman ang ating pag-uusapan dahil napakadaming mga issues pa na kailangang malaman at masagot ng ating mga lider sa gobyerno.

USEC. IGNACIO:  Yes. Ang pangunahing tanong ay iyong pag-allow ng paggamit na ng test kits sa COVID-19. At siyempre iyong mga ginagawang pagkilos ng LGUs, ano daw ang mandato dapat nila, at alam ba nila kaakibat nito iyong kanilang responsbilidad at posibleng accountability talaga kapag hindi nila ginawa iyong kanilang mga tungkulin.

Samantala, alamin natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng  COVID-19  sa bansa  as of 4 P.M. ng March 24, 2020, mayroon na pong naitala ng 552 cases na nagpositibo sa COVID-19  sa  bansa; 20 sa kanila ang naka-recover mula sa sakit at 35 naman ang pumanaw. Ayon naman po sa John Hopkins University, mayroon nang 417,698 COVID-19 cases sa buong mundo kung saan 107,823 na ang naka-recover, habang 18,640 naman po ang nasawi.

SEC. ANDANAR:   Para po sa inyong katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari n’yo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya 02-894-26-843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribes, i-dial ang 1555. Maaari rin n’yo pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens.

Patuloy rin po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon  tungkol sa COVID-19, maaari pong bisitahin ang www.covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Samantala, kasama naman po nating kakalap ng mga pinakahuling katanungan at balita mula sa iba’t ibang panig ng bansa sina Alexa Tinsay mula sa Philippine Information Agency, John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service, Jorton Campana   mula sa PTV Cordillera, Regine Lanuza mula sa PTV-Davao at si Ryan Lesigues mag-uulat mula sa Quezon City. Maya-maya live via a phone patch si John Aroa mula sa PTV-Cebu.

SEC. ANDANAR: Live din tayo, Rocky, na mapapanood sa ating mga KPB partner stations, kasama din po ang mga non-KBP partners stations tulad ng DZBB, GMA 7. Nandiyan din po ang DZMM, ang ABS-CBN, DZRH, Bombo Radyo.

USEC. IGNACIO:  DZAS at ang DZEC, kasama po natin.

SEC. ANDANAR:  Okay. Ang UNTV radio at iba pang mga himpilan na babanggitin po natin maya-maya lamang.

Samantala, malaki po ang tungkuling ginagampanan ang ating mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga direktiba ng ating national government.

Kaya naman ngayong araw ay makakasama natin si Yorme Isko Moreno ng Siyudad ng Maynila, at si PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac. Maraming salamat po sa inyong dalawa at tinanggap ninyo po ang aming imbitasyon.

Maya-maya naman po ay makakasama natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, at si Usec. Maria Rosario Vergeire live mula sa tanggapan ng Department of Health.

Kagabi po ay pinirmahan na ni Presidente Duterte ang batas na tinaguriang ‘Bayanihan to Heal as One Act,’ kung saan sa loob ng tatlong buwan ay magkakaroon ng special powers ang Ehekutibo na harapang tugunan at labanan ang COVID-19 sa bansa.

USEC. IGNACIO:  Ilan po sa mahahalagang puntos ng batas na ito ay ang magpatupad ng mga hakbang para maiwasan at hindi na kumalat pa ang COVID-19 sa pamamagitan ng epektibong edukasyon, detections, protection at treatment; pabilisin at i-streamline ang accreditation ng COVID-19 testing kits; ang gastusin sa pagpapagamot ng COVID-19 patients ay dapat sakop ng National Health insurance program ng PhilHealth; magbigay ng subsidy na hindi bababa sa 5,000 at hindi tataas sa 8,000 kada buwan sa 18 million low income household sa loob ng dalawang buwan; bigyan ng COVID-19 special risk allowance ang lahat ng public health workers, bukod sa hazard pay; atasan ang PhilHealth na sagutin ang lahat ng medical expenses ng  public at private  health  workers kung ma-expose sa COVID-19 o iba pang work-related emergency; bigyan ng compensation na 100,000 ang public at private health workers na magkakaroon ng severe COVID-19 infection habang naka-duty at isang million naman para sa papanaw dahil sa COVID-19; pahintulutan ang LGUs na gamitin ang mahigit sa 5% ng kanilang calamity fund; at ipagpatuloy ang pagpapatupad  ng mga hakbang para protektahan ang publiko mula sa hoarding, profiteering, injurious speculations, manipulations of prices, product deception at cartel.

SEC. ANDANAR:  Nandiyan din po ang pagpapabilis ng pag-procure ng goods gaya ng personal protective equipments, surgical equipments at iba pang medical supplies at i-prioritize ang allocation at distribution nito sa public health facilities na itinalaga bilang COVID-19  referral hospitals at private hospital and laboratories na may kakayahan magbigay ng  support care at treatment sa COVID-19  patients.

Bigyan ng incentives ang pag-manufacture at pag-import ng critical at kailangang equipment at supplies; siguruhin ang pagkakaroon ng essential goods gaya ng pagkain, gamot at iba pang basic commodities at services; pahintulutan ang  alternative working arrangements sa mga empleyado at personnel ng Executive branch at kung kinakailangan ay maging sa iba pang sangay ng pamahalaan.

Iurong ang statutory deadlines at timelines ng pag-file at pagpasa ng mga dokumento, pagbabayad ng buwis, fees at iba pang charges; atasan ang lahat ng bangko at iba pang financing institutions na magpatupad ng minimum na 30-days grace period sa pagbabayad ng loans; magbigay ng 30-days grace period sa residential rents ng walang karagdagang interest at iba pang charges; ipatupad ang expanded at enhanced Pantawid Pamilya Pilipino Program; i-lift ang 30% cap sa pondong inilaan bilang Quick Respond Fund; at i-discontinue ang appropriated programs at activities ng mga ahensiya sa ilalim ng executive branch  kabilang ang mga GOCC at ilaan ang savings sa ibang programa ng ilang ahensya.

USEC. IGNACIO:  Alas-diyes kagabi ay muling in-address ng Pangulo ang publiko kung saan  ipinabot niya ang taos-pusong pasasalamat sa mga frontliners na sa kabila ng panganib sa kanilang buhay ay patuloy na nagtatrabaho para pigilan ng pagkalat ngCOVID-19 sa bansa. Nagpahayag rin ng pagkalungkot ng Pangulo sa pagkamatay ilang doctor dahil sa sakit kaya naman ayon sa Pangulo, sila ay mga tunay na bayani at sumasaludo siya sa mga ito.

Bukod sa mga health workers ay nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangulo sa AFP at PNP na siyang nagtitiyak ng siguridad at kaligtasan ng ating mga kababayan sa panahong ito. Kabilang din sa pinasalamatan ng Pangulo ang mga kababayan nating patuloy na nagtatrabaho para tugunan ang ating mga pangunahing pangangailangan gaya ng iba’t ibang government agencies, groceries, bangko, food establishments and delivery services at sa private sector na isinantabi ang kagustuhang kumita para magbigay tulong sa mga nangangailangan. Tiniyak niya na hindi sila pababayaan at patuloy ang suportang ibibigay sa lahat ng frontliners.

SEC. ANDANAR: Umapila naman si Pangulong Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na isantabi muna ang pulitika upang magkaisa sa paglaban sa krisis na dulot ng COVID-19. Binigyan diin ng Pangulo na kailangang tiyakin ng lahat ng opisyal ang transparency, integrity, accountability at responsiveness para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Ayon din sa Pangulo, ang pamahalaan ay on top of the situation at walang maiiwan sa laban na ito. Ang kaniyang apila sa publiko ay makiisa, maging mahinahon at makipagtulungan sa pamahalaan dahil walang tatalo sa nagkakaisang Pilipino.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa pagpasa ng batas na siyang magbibigay sa kaniya nang mas malawak na kapangyarihan para harapin ang krisis na dulot ng COVID-19. Una nang tiniyak ng Palasyo na gagamitin sa tama at mapupunta sa pinakanangangailangan ng pondo na ilalabas po ng gobyerno.

Matatandaan na nagpahayag din ng tiwala si Senator Christopher “Bong” Go sa kakayahan at katapatan ng mga opisyal ng pamahalaan. Sa naging pahayag na ito ng Pangulo ay binanggit niya ang pagkakaroon ng National Action Plan o NAP kontra COVID-19 na pangungunahan ng DND, DILG, katulong po ang DOH, DSWD, AFP, PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Maya-maya naman po ay idi-discuss natin in detail with DILG Usec. ang National Action Plan na ito at ang ilan pong salient points ng bagong batas na ito.

Samantala, kaugnay po ng kumakalat na balita na ang COVID-19 daw po ay airborne, ito po ay walang katotohanan ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, paulit-ulit po niyang sinasabi ito. Sa kaniya pong naging pahayag sa ginanap na Virtual Presser ng Kagawaran ng Kalusugan, binigyan diin ni Usec. Vergeire na ang COVID-19 po ay maaari lamang humawa sa ibang tao sa pamamagitan ng droplets mula sa pagbahing o pag-ubo, o di kaya ay aerosol na maaari namang makuha mula sa confined places gaya po ng ospital o di kaya ay ilang medical procedures ng suctioning at nebulizing.

Paalala po ni Usec. Vergeire bilang panangga ay panatilihing malinis ang ating mga kamay sa pamamagitan nang madalas na paghuhugas nito; siguraduhing takpan ang bibig gamit ang braso sa tuwing babahing o uubo; at panatilihin, at least, isang metro ang layo mula sa ibang tao.

SEC. ANDANAR: Isa pa pong kumakalat na balita online na ang old malaria drug na hydroxychloroquine ay makatulong daw sa paggamot ng COVID-19 gaya ng ginawa sa bansang China at France. Sa kasalukuyan po ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng DOH at ng iba pang mga eksperto ang effectiveness ng gamot na laban sa sakit. Kaya naman ang paalala ng Kagawaran ay hintayin muna ang kanilang advisory bago ito gamitin sa mga pasyente para maiwasan o mapigilan din ang posibleng side effect ng gamot.

Paglilinaw din ni Usec. Vergeire na hindi makakatulong ang anti-malaria drug kung ito ay gagawing prophylaxis para mapigilan o i-prevent ang pagkakaroon ng COVID-19.

Ang atin pong panawagan: Maging mapanuri at ugaliin po nating mag-fact check ng mga balita o impormasyong nababasa online; at magbasa, manood at makinig lamang sa mga mapagkakatiwalaang source ng information gaya ng covid19.gov.ph at doh.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Okay. Nais din nating pasalamatan ang TV5 at Radyo Singko.

Ngayon naman po ay muli nating silipin ang kasalukuyang sitwasyon at bigyang sagot ang katanungan ng ating mga kababayang OFW. Atin pong makakausap live via VMIX si Ms. Janine Llamzon ang assistant director ng Emergency Department of St. Joseph Health in New Jersey, kasama ang ilang Filipino nurses din na naroroon; at si Bea Almoite, isang student at OFW for more than a year sa Melbourne, Australia. Magandang umaga po sa inyo.

LLAMZON AND ALMOITE: Magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Kasama po natin si Secretary Andanar. As of yesterday po, March 24, 2020 ay naitala ng 1,914 cases na ng COVID-19 positive sa New Jersey kung saan dalawampu’t isa dito po ay namatay. How are you coping up with the—the third busiest ER sa buong New Jersey? Kumusta na po kayo?

JANINE LLAMZON: We’re very resilient. I have a group of very dedicated nurses. As you can see, they’re like Filipino nurses here. We’re a multi-cultural group. I have a physician here from the Philippines as well. And I think that what makes us… like overcome all of these challenges is the teamwork and collaboration, and the training talaga ng emergency preparedness. I think iyon iyong pinaka-importante.

USEC. IGNACIO: Yes. Kasama natin si Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Last time—this is a question for Melbourne ha, for Melbourne. Last time we checked ay umabot na sa 411 cases ng COVID-19 ang mayroon sa Melbourne, Australia. Kumusta na ang Filipino community diyan?

BEA ALMOITE: As of now, it’s 466 na po siya, Secretary.

SEC. ANDANAR: Oh, tumaas na, naku!

BEA ALMOITE: Talagang tumaas. Ngayon, Secretary, the situation is a bit troubling. Maraming mga estudyante ang unsure of their future and we are saying nga na many students will be homeless and jobless this semester, and it will only take few days or few weeks bago maubos iyong kaperahan nila. So it’s a bit troubling, talagang this is a plight of many OFWs and students. Nakakakaba ang future and we don’t know if there is still tomorrow, ika nga nila.

SEC. ANDANAR: Well, at least diyan sa inyo sa Australia, maganda ang inyong health care system at, you know, kayang-kaya ng gobyerno na tustusan ang pangangailangan ng bawat isang Australiyano based on your system.

Doon naman po tayo sa New Jersey, balikan natin si Janine. Talagang ano eh, talagang doble, triple, kwadruple iyong pagtaas ng mga biktima diyan sa New Jersey, New York area. Papaano po kayo nakaka-adapt sa situation? Papaano po ang inyong pamilya? Papaano po iyong ibang Pilipino? Papaano po iyong buong area ng New Jersey at New York?

JANINE LLAMZON: Ang pinakamaganda na nangyari dito is the silver lining that everyone in the community really helped us out. Maraming tao sa komunidad, iyong binibigyan kami ng pagkain, binibigyan kami ng atensyon; mga bata na nasa, you know, sa mga cub scouts, pinapadalhan kami ng video.

Ang pinaka-importante na kailangan namin ngayon really is PPE. We know that we are in the US but we are still going through a very hard time kasi very scarce iyong resources namin. So actually iyong ospital namin, humihingi rin kami ng donasyon para makuha namin iyong necessary equipment. They’re here to (signal not clear). You know, not being with their families, we’re here to sacrifice and be in the frontline. Pero what we would like for our community is to help us out with PPE. Iyon talaga iyong pinaka-importante.

USEC. IGNACIO: Si Pangulong Duterte, Janine, kinikilala nang hustong mabuti ang… sumasaludo siya sa mga health workers na katulad ninyo. Mayroon ba kayong nais na ipaabot sa pamahalaan, kasi napakalayo ninyo?

JANINE LLAMZON: We just want to say, thank you very much for your support. Even if we’re here in New Jersey, kahit malayo kami, alam namin na nandiyan kayo para suportahan kami. You know, we are here with the bunch of Filipinos and also from other nations. We have someone from Italy. We have someone from the Caribbean. We have someone from the Latin America. We feel your support. Thank you very much. And, you know, we will overcome this because we are a nation of people that are very resilient and it’s beyond us. Being Filipinos, I think this is something that, you know, the world needs right now is just embracing each other and loving each other.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Janine. Para po naman sa Melbourne, Australia. Kay Bea, mayroon ka bang panawagan dito sa Pilipinas, sa mga kamag-anak mo o sa mga Pilipino na dapat ito ay seryosohin dahil kayo mismo diyan sa Australia ay maganda na iyon inyong … kumbaga, first world ‘no. First world quality ang inyong health care diyan, isa sa mga tinitingala sa buong mundo pero ikaw ay nababahala pa rin. May panawagan ka ba sa ating mga kababayan?

BEA ALMOITE: Yes, Secretary. I just want to highlight that, that we have the first world—world class talaga iyong healthcare dito. But that isn’t the case for OFWs kasi iyong insurance nila, it does not cover just in case ikaw ay matatamaan ng COVID. So it’s still troubling kahit na world class iyong healthcare system dito. But what I could probably say towards the government is that, many international students are not eligible for coronavirus supplement eh 1,100 dollars iyong ina-allot ng gobyerno para sa mga PRs nila, iyong citizens; and we are not covered by that.

So, we struggle to make ends meet during this current crisis and we have few support options specially that we are losing part-time jobs.

So, what we could probably say is that, you know, at moments of crisis like this it’s important to look at our values and see where the gaps are in our current policies and I hope the government could offer whatever assistance the vulnerable may require and support strong yet humane policies and keep them safe. And also to our families, reach out, try to call us. Ito iyong best way for us to cope up with this crisis – to be with one another although virtual lang and to let us know that we are here for you. Kasi even if this year didn’t start well, remember that as long as the sun still rises and sets for us, there is still hope and it will be over inshallah.

That’s it, Secretary.

SEC. ANDANAR: Ipaparating natin iyan sa Australian embassy dito sa Pilipinas ang panawagan ninyo tungkol sa mga test kits na hindi pala kayo covered ng Australian government dahil marami sa inyo ay mga estudyante at OFW. Thank you at ingat kayo, Bea at Janine! Thank you!

Samantala.., Rocky!

USEC. ROCKY: Samantala, simulan na nating makibalita mula sa Baguio kasama ang ating PTV Cordillera correspondent na si Jorton Campana. Go ahead, Jorton.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Salamat, Jorton! Mula Baguio ay magpunta naman tayo sa Davao. Live na mag-uulat si Regine Lanuza. Regine, maayong buntag!

[NEWS REPORTING]

USEC. ROCKY: Salamat, Regine! Silipin din natin ang pinakahuling ulat mula sa Cebu. Live via phone patch si John Aroa mula sa PTV-Cebu.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Daghang salamat, John. Kasama rin nating makikibalita sa Quezon City si Ryan Lesigues – Ryan?

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Ryan. Naku, maraming nagtatampo sa atin, Rocky, hindi raw natin ina-announce iyong kanilang mga TV stations. ANC, live din tayo sa ANC ha; DZMM, Agila Radio – DZEC, nabanggit mo na kanina iyon; Philippine Investigative Media Alliance, ni Bernard Miñoza at DZME. Mayroon pa bang magtatampo sa iyo?

USEC. IGNACIO:  Wala. DZAS—FEDC iyon…

SEC. ANDANAR:  Oo. Bombo Radyo nabanggit na natin, DZRH.

Kagabi po ay binanggit ng Pangulo ang National Action Plan o NAP na pangungunahan ng DND at co-Chair ang DILG. Ano po ang nasasaad sa National Action Plan na ito?

Malalaman po natin mula sa ating mga panauhin ngayong umaga. Kasama po natin muli ang ating Brigadier General na actually host na yata ito ng ating Laging Handa eh [laughs] – si General Banac; Nandiyan din po ang ating pinakabagong guest ngayon, si Yorme Isko Moreno, of course ibibigay niya rin sa atin iyong updates, anong mga ginagawa ng City of Manila para paghandaan itong COVID-19; At si Usec. Jonathan Malaya.

Siguro unahin natin Usec., ano ba ang bilin? Ano ba iyong guidance pagdating sa NAP?

USEC. MALAYA:  Well, Sec., bago itong NAP. This is a new structure na binuo natin na inanunsiyo ng ating Pangulo kahapon. As you mentioned, it will be chaired by the Secretary of National Defense and Vice Chair ang Secretary of Interior and Local Government, ngunit ang talagang nagtitimon po talaga nito ay ang ating Pangulo.

So, the IATF is the policy making body of the NAP, and ang mag-iimplementa na ngayon ng lahat ng regulasyon na manggagaling sa IATF ay itong structure na ito which is the national task force. And this team utilizes the NDRRMC structure, so iyong mga clusters ng NDRRMC will be utilized here. So talagang kalamidad po ang approach ng ating pamahalaan. We are under a state of public health emergency. The President has already declared a state of calamity over the entire country, so we’re now utilizing the structure of the NDRRMC.

Siguro, Sec., in the next few days, mas maliliwanagan tayo tungkol dito. In the DILG, we’re also waiting for the guidelines to be issued and the executive order or memorandum issuance from Malacañan. Kasi bago lang nga po ito, kakaanunsiyo lang ng ating Pangulo kagabi.

SEC. ANDANAR:  So, kailangan makita natin iyong detalye.

Ano po iyong mga kailangan ngayon ng Lungsod ng Maynila, Yorme, ano po ba iyong talagang maitutulong ng national government sa local government?

MAYOR MORENO:  Well, napakalaki, Secretary, at napakahalaga ng direksiyon na puwedeng ibigay ng national government sa aming mga local government. At second, iyong on how to cushion iyong socioeconomic impact sa ating community and I’m grateful that, you know, there is a new law, we called Bayanihan Law, and kanina nakita ninyo kay Usec. Rocky noong nire-report niya, may mga financial assistance na ibibigay under that law at ito ay malaking bagay doon sa—iyong mitigation or cushioning the impact sa ating mga kabuhayan ng ating mga kababayan.

Now partikular naman sa Manila, ito importanteng-importante: You know, Sec., ang kailangang-kailangan namin ngayon – pagkain. True, ang Maynila, we were ahead of COVID and we wanted to defeat the COVID, hindi namin siya bibigyan ng pahinga, sort of saying. So the city appropriated X numbers of millions for food, but as you all know the snowball effect of quarantine affects everything: Iyan ‘yung supplies, food, production and so on and so forth.

So kami, I think, as we go every day, we have about between 8 to 11 thousand food packs na napo-produce sa Manila and wala pa kaming palya. But with this, I hope DSWD, through Secretary Bautista, should particularly look into Manila. I’m not only appealing for my people, but also I’m just trying to be very pragmatic ang practical in identifying demographics of Metro Manila.

You know Manila, walang subdivision! If we talk about social distancing, ang pinakamabisa diyan ay iyong ibang siyudad, kasi iyong ibang siyudad, marami sa composition ng kanilang geography ay subdivided or gated community. In the case of Manila, if you look at it deeply, Manila is about 44,000 per square-kilometer population or 111 thousand more or less per square miles ang populasyon, so makikita mo iyong dense. So kung social distancing at quarantine, chances are marami sa amin mga maliliit na bahay na may tatlo o apat ang pamilya. At sa liit ng bahay magkakainipan at patuloy na lalabas.

But I am grateful. Nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan sa Lungsod ng Maynila ay talaga namang—at least I can honestly say, about 98% of the population is following the direction of the national government and their local government. In fact Secretary and Usec., you can see, it was shown in the news last night that with the help of our Manila Police District General Rolly Miranda, City Engineering used to be a construction company/building company ng isang lokal… inano namin, binago namin as logistic group ‘no – kasi sayang, wala naman silang ginagawa, so we made them essential individual, kasi non-essential ngayon sila eh.

But we made them essential in such a way that we have a capacity utilizing them as logistics, same thing with DPS. Kasi nagbigay na ng guidelines si Secretary Año na itigil muna ang clearing, so those people who are involved in our daily clearing since July 1 were now converted into logistic group.

So, so far ang goal po namin is about 350,000 families and that’s about 1.8 million mouths we had to feed. Ngayon nakararaos kami pero siyempre hindi po ako komportable dahil sa iyong dating ng supplies sa kailangang numero – iyon ang challenge ngayon na kinakaharap. Kasi iyong unang challenge is okay, we provide meal but what about the policy of the national government? The direction is quarantine and social distancing, so we tried it in a small action; it was very effective with flying colors but the problem is the time in motion – mabagal.

So we immediately tested again bigger, mas bumilis, mas gumanda. Then we made biggest… every latag malaki iyan as long as nakikisama so far, so far… awa ng—sa mga kababayan naming nanonood sa Maynila, maraming salamat sa inyo. Basta katulad ng lagi naming sinasabi, basta nandiyan na iyong ‘chicha’ – stay home, kakatok kami sa bahay ninyo.

USEC. ROCKY: Okay. Mayroon po tayong ilang mga katanungan na para kay Yorme Isko. Mula kay, Jamella Alindogan ng Al Jazeera: What are your plans should there be a mass outbreak in the slum areas of Manila due to the relief operation?

MAYOR MORENO: Sa awa ng Diyos, huwag naman sanang loobin. Okay… but let me take this opportunity of our further plan. Initially, and—the thing speaks for itself. Wala ho kaming infectious disease center, wala po. But weeks before this, we came up with a plan to put up infectious disease control center for future virus.

So, we try to… you know, conceptualize that then it turned out nagkaroon ng COVID-19 na! Nagkaroon na sa Maynila. Nagkaroon na at lumaki na at naging—ngayon it’s being considered as a pandemic. Then we hurried up at it was built—and I was grateful to City Engineer Andres and to the—our employees and Dra. Padilla of Sta. Ana Hospital.

Then we had four, it became fourteen and Secretary and USec., sa awa naman ng Diyos, ngayon as we speak, bubuksan na naman iyong additional twenty-two room – three rooms are dedicated for decontamination and dressing and another facility, but we will have nineteen rooms available na for PUI with heavy symptoms and COVID-19 positive based on testing of the national government.

Now, iyong tanong ng ating kababayan. Halimbawa, pumutok na talaga, the entire Sta. Ana Hospital as medical institution will be concentrated, will be converted – in a worse-case scenario – na COVID-19 hospital. So, aalisin namin lahat doon, everything!  This is a ten-storey building, aalisin namin lahat doon.

Now, another buffer is we have evacuation center. Evacuation centers of Manila ay may kuwarto. As we speak, naglalagay na kami ng bed, kumot at unan for mild symptoms of PUIs as holding area.

Armageddon scenario, dumami talaga nang husto, hindi na kaya but we have to segregate the sick and the healthy, iyong immediate, kasi ang—nakita ninyo iyong sa amin iyong Code COVID-19? Code stands for ‘Contain and Delay’, iyon ang plano ng siyudad.

A week ago, nakiusap ako sa school board—during our emergency nagpatawag ako ng school board meeting at sa awa naman ng Diyos, napagbotohan sa board, napagbigyan ako. Now, if – huwag sanang loobin – dumami pa nang husto, hindi pa talaga kaya, another fallback—so, this is now the third fallback, we can make about five thousand rooms converting our public elementary and high school as quarantine area for mild PUIs. Ibig sabihin, mailayo agad. Kumbaga, iyong medyo may tama ilayo na kaagad tapos ilagay na namin sa isang area na maaari nilang magamit [bilang] pansamantala nilang tirahan habang binibigyan ng mabigat at tamang tugong pang-medikal iyong mga nasa ospital at as usual, “FIFO”, first-in, first-out.

Kumbaga, as we progress—in fact, sa awa ng Diyos iyong isa sa listahan ng national government—ng DOH na gumaling, bumuti na at napatunayan na kasi—para sa kaalaman ng ating manonood, ang ginagawa po ng pamahalaan, pagkatapos mong maging PUM, naging PUI ka, you will be tested if positive you will be COVID-19 virus carrier. Kapag bumuti ang kalusugan mo, ite-test ka ulit ng gobyerno, ang tawag naman ho doon reconfirmatory test ng DOH. Kapag napatunayang talagang wala ka ng virus, aalisin ka na sa isolation at pasilidad at nang sa ganoon ay ma-accommodate naman natin iyong bago. So, parang ganoon lang siya lagi.

SEC. ANDANAR: Mayor, mayroon pa tayong isang katanungan mula kay Paulene Sy mula sa Banawe.

[VTR] PAULENE SY: Ako po si Paulene ng Banawe at ang tanong ko lamang po para kay Mayor ay: As a responsible citizen, ano po iyong mga bagay na kailangan naming gampanan upang makatulong sa pagsugpo nitong COVID-19 virus bukod po sa pananatili sa loob ng bahay? At para naman po sa mga tao na may pass at talagang kailangang lumabas ng bahay, ano naman po iyong mga bagay na kailangan nilang gawin as a responsible citizen actively and intentionally para po makatulong bukod po sa social distancing? Iyon lamang po, maraming salamat.

MAYOR MORENO: Well, thank you, napaka-importante noong tanong. Ang una mong puwede mong maging partisipasyon, don’t share an information that will generate and add on to the anxiety of our people and community na walang basehan. Okay… importante po iyon. Ibig kong sabihin, may nakita tayong kagimbal-gimbal, may nakita tayong kagulat-gulat na balita, bago natin i-click and share, click – read, read then research. I-research n’yo, hanap kayo ng mga medical journal.

May mga plastada ho ngayon sa Google, marami hong mga medical journals sa buong mundo. Ito ho, sa mga doktor pa lang ho ito puwede na ho kaagad kayo makakuha doon kung totoo iyong sinasabi noong marahil kaibigan mo, kakilala mo at kamag-anak mo. Iyan ang madalas pag-share-an ng impormasyon na marahil sila’y naligaw din; or pinaka-importante, pinaka-mabisa – pumunta ka lang sa tatlong bahagi ng pagkukuhanan ng impormasyon sa sitwasyon na ito: Una, sa buong mundo – saan – World Health Organization; Pangalawa, sa bansa – sino itinalaga ng Pangulo na pinaka-pamunuan sa nagaganap para labanan iyong COVID-19 with regard to health – DOH; Pangatlo,  sino pa – lokal na pamahalaan, in our case MHD o ang inyong likod na talaga naman kami every twelve hours or every twenty-four hours in-update namin. Doon po—iyon, malaking tulong na iyon kasi kung mapapanatili natin ang damdamin ng tao na pumanatag, nakatulong na po tayo.

Pangalawa, ano pang puwede nating tulong? Kapag sinabi ng pamahalaan A is A, B is B. ibig sabihin, what is allowed it’s allowed, what is not allowed it’s not allowed. Let’s not waste our time for the government to create one law to another. This will take time, in this case the most expensive thing more than anything is time because of the exponential growth of the problem.

We are at war, nasa giyera po tayo. Mahirap sa giyerang ito kasi ang kalaban natin si COVID-19 na hindi makita, na cannot be seen.

USEC. ROCKY: Opo. Okay, salamat, Yorme!

MAYOR MORENO: So, importante na susunod tayo doon sa panawagan na iyon at maging malinis. Ayun hindi ba? Kasi walang gamit eh! So, social interaction, limit it. Maging disiplinado sa pagpo-post at saka personal hygiene. Ayun… Tingin ko po bilang mamamayan gampanan ninyo lang iyon; iyong the rest, hayaan na ninyo ang pamahalaan, in our own little way aakapin namin kayo and I promise you, kayo kung taga-Maynila kayo—

USEC. ROCKY: Okay, sala—

MAYOR MORENO: I will not leave you, we will be there. Magiging kaagapay ninyo kami 24 oras. Ayon lang ang isusukli namin sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Hayun. Malinaw ang sabi ni Yorme: Unang-una, no to fake news, huwag mag-share ng mga hindi mo na-verify, due diligence; Number two, sumunod lamang kung ano ang utos ng pamahalaan, stay at home; At pangatlo, maging malinis. O kay General Banac naman tayo, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ang PNP daw po ay bumuo ng isang task force para labanan ang pagkalat ng fake news. Please kuwentuhan ninyo po kami tungkol dito, General Banac.

GEN. BANAC:  Tama iyan, Secretary Martin at Usec. Rocky. Kaagad po na nagpalabas ng kautusan ang ating PNP Chief, Police General Archie Francisco Gamboa nang pagbuo ng isang task force para labanan itong pagkalat nga ng mga fake news na ito. At itong task force natin ay binubuo ng ating mga Cyber Patrollers ng Anti-Cybercrime Group, maging ang ating mga kasamahan sa CIDG para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga mapapatunayan na naging source or nagpapakalat nitong mga fake news na ito.

At lahat po ng mga kumalat namang iyan ay nagbigay na po tayo ng mga pahayag, pinabubulaanan po natin mula po doon sa umano ay ‘may eroplanong magpapasaboy ng pesticide’ ay pinabulaanan na po natin iyan at maging iyong mga sumunod pa na mga fake news na iyan ay muli, ay sinasabi natin fake ang mga ito. So muli, ang lahat po ay maging responsible sa paggamit ng social media. Alam po natin, naghahanap po tayo ng aliw sa ating mga bahay ngayon dahil wala pong magawa, ang ating social media ang ating napagdidiskitihan, Mayor Isko.

Kaya nga po nagpapaalala tayo, mag-ingat sa pagsasagawa ng ating mga usapin o usapan diyan sa mga chat groups na iyan dahil kapag iyon pong ating conversation ay na-screenshot at naipasa naman sa iba, at may ilalagay pa tayo doon, “Totoo po ba ito?” Iyan ‘no, maging maingat po tayo riyan dahil iyan po ang nagiging simula ng pagpapakalat ng napaka-milyun-milyon na mga fake news at mga maling mga viral information na iyan!

So tayo po ay mananagot sa batas kung sakali mang mapapatunayan po na tayo ang source ng mga fake news na ito under the Republic Act 10175 or iyong ating Anti-Cybercrime Law, iyong pagpapakalat ng false information na nagdudulot ng takot at pangamba sa ating publiko. So iyon po ang ating patuloy na paalala.

SEC. ANDANAR:  All right. Thank you, General. Live na rin nating makakasama mula sa tanggapan ng DOH si Undersecretary Maria Rosario Vergeire – Ma’am, magandang umaga po. Napansin po natin ang exponential na pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa. During your virtual press briefing noong Lunes, you mentioned na ito ay ‘artificial rise’ – ano po bang ibig sabihin nito, ma’am?

USEC. VERGEIRE:  Yes, good morning, Secretary. And good morning, Undersecretary. Ito pong sinasabi nating artificial rise in our cases currently ay dahil po nagkaroon tayo ng pagsasaayos ng ating mga proseso sa ating laboratoryo at saka na-extend po ang ating capacity ng ating laboratories; plus the additional kits na dumating sa atin na mas nagkaroon tayo ng capacity para ma-reduce natin po iyong mga backlog na nagkaroon tayo for these past weeks. Kaya ngayon po, iyong mga pumapasok na mga resulta na nailalabas natin sa publiko, maaari ay hindi timely. Kumbaga, baka dati pa ho sila at atin lang hinahabol sa ngayon. Kaya sinasabi natin, it might be an artificial rise.

Kaya ang binibilin din natin sa ating mga kababayan, huwag po kayong magulat. But in these coming days kapag natanggal na po natin lahat ng backlogs, makikita na po natin ang totoong mga numero sa pagtaas o hindi kaya pagbaba ng ating kaso dito sa ating bansa.

SEC. ANDANAR:  Ma’am, curious lang po ako, Usec. Ano po ang ibig sabihin ng red band na suot ninyo po sa inyong braso, ano po iyan?

USEC. VERGEIRE:  Ito po, sir, ay isang senyales ng pagsuporta po natin, lalung-lalo na po sa ating mga healthcare workers, lalung-lalo na doon sa ating mga namatay na doktor at doon po sa ating lahat ng healthcare workers na sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaban, inaalagaan po ang ating mga pasyente sa lahat ng ospital dito sa Pilipinas. Ang puso po namin at ang aming suporta ay nasa inyo at patuloy ho namin kayong susuportahan. This red band, hinihikayat ko po lahat na magsuot nito para ipakita po natin ang suporta natin sa kanilang lahat.

USEC. IGNACIO:  Opo. May tanong po tayo mula kay Tuesday Niu: “Ano daw po ang nagpi-prevent sa DOH para payagan ang Marikina LGU na gamitin iyong kanilang COVID testing facility?

USEC. VERGEIRE:  Yes, Usec. Hindi po sa ayaw natin payagan, gusto ho nating linawin ito. Gusto nating linawin na bukas na bukas po tayo para magkaroon ang halos—kung sino po ang may capacity para gumawa nito para matulungan ang gobyerno! Ngunit sa ngayon po, ang kailangan lang ho natin ay maisaayos natin; kinakausap po natin sila, tutulungan po natin sila. We will provide any assistance possible para maka-comply.

But we are a regulatory agency – ang Department of Health po, at katungkulan namin masiguro ang safety at health ng community natin. Ang atin pong mga ginagawang proseso para ma-test ang acting COVID-19 sa isang laboratoryo is highly technical. It has bio-safety issues and it has bio-safety risks, so gusto lang ho nating siguraduhin na maka-comply po ang ating mga laboratory, kasama na po ang ating City Government of Marikina sa ating mga pamantayan. At pagkatapos noon, maaari na po silang mag-operate kung makaka-comply na po sila.

SEC. ANDANAR:  Ma’am, mayroon po tayong tanong mula sa LGU ng Libacao: “Puwede patanong kay Usec., kung mawalan na ng isolation room, puwede po bang magamit ng LGU ang mga eskuwelahan para doon mag-stay ang mga PUM at PUI?” Nabanggit ito ni Mayor Isko kanina. Mayroon na po ba kayong ugnayan sa DOH tungkol dito kung puwede gamitin iyong eskuwelahan?

USEC. VERGEIRE:  Mayroon na ho tayo ngayong mga tinitingnang mga pasilidad para tawagin nating mga community quarantine facility. Sa ngayon nga po, tayo po ay nakikipag-usap na sa pamunuan ng Quezon Institute, sa Philippine Red Cross para po makapag-umpisa tayo ng isang malaking community quarantine facility kung saan puwede po nating ilagak ang ating mga mino-monitor o ‘di kaya mga patients under investigation; o kaya iyon pong ating mga pasyente na positibo na ating pinapauwi dahil mild lang ang sintomas o walang sintomas.

Iyang layunin po ng ating gobyerno ay para po hindi maghalo ang ating mga severe at critical with our mild and asymptomatic. And also of course to decongest our hospitals para naman po hindi ma-exhaust ang ating system at magkaroon po tayo ng ibang option for this.

So ang atin pong DPWH ay nag-o-offer na ng 125 evacuation centers across the country. Ang atin pong mga LGUs hinikayat na natin po na magkaroon ng mga community quarantine facilities katulad ng ginagawa po ng City of Manila, City of Quezon at iba pang karatig-pook.

Iyan pong mga evacuation centers natin sa eskuwelahan, titingnan din po natin how we can properly and appropriately na magamit ng mga pasyente base sa pamantayan ng isang standards for a community quarantine facility.

USEC. IGNACIO:  Opo. Usec., paki-linaw din ito, iyon daw pong report na iyong peak daw po nito, ng COVID-19 mangyayari between mid-April to June sa tatlong public hospitals sa—Yes, Usec.

USEC. VERGEIRE:  Yes, Usec. Ito pong sinasabi natin, this is a modeling estimate. Noong sinabi ko ho ito, this is about two weeks ago na sinasabi natin—pinalabas po ito kasama ng DOH at saka WHO na inestima natin based on assumptions, scientific assumptions kung ilan po iyong dadating tayo doon sa peak na ito in two months to three months. Iyon po iyong sinasabi ng mga eksperto kung hindi tayo gagawa ng stringent measures, iyon po iyong sinasabi natin.

So sa ngayon po, gumagawa uli tayo ng estimates, mino-model uli dahil mayroon na ho tayong pinatutupad na mga measures or interventions katulad nitong enhanced community quarantine para makita po natin at maestima kailan tayo magkakaroon nitong peak na sinasabi natin; mangyayari pa po ba ito o kung hindi man mangyayari, gaano po katagal magtatagal itong pagtaas o kaya ay kailan po bababa ang ating mga kaso.

USEC. IGNACIO:  Opo. Last na lang po, Usec. Vergeire, ano daw po ang guidelines ng DOH pagdating sa blood donation?

USEC. VERGEIRE:  Ah yes, ma’am. Isa po iyan sa challenge natin ngayon ‘no, kasi siyempre bawal po ang mass gathering, bawal po ang congregation ng mga tao kaya ang nangyayari po, iyon pong mga nagdo-donate po ng ating dugo medyo nabawasan dahil nga po hindi tayo magkaroon ng mass blood donations, especially in our local government units. So ang ginagawa po namin ngayon ay nagkakaroon tayo ng mga purposive na mga activities para tayo ay makakolekta ng mga required na dugo para po mabibigyan natin ng supply ang ating mga kababayan.

So ngayon, humahanap po tayo at naumpisahan na natin na mga focused na mga grupo para puntahan at para makahingi tayo ng suporta katulad po ng ating mga uniformed personnel, katulad po ng ating mga ka-partner sa private organizations. Don’t worry po, we ensure there is physical distancing, there is schedules; hindi po tayo nagsasama-sama sa isang lugar. Ang layunin lang po ay ma-continue natin at masustena ang pagkokolekta ng dugo para mayroon po tayong sustained na blood supply for the rest of the country.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Usec. Vergeire. Bigyan din natin ng daan ang ilang mga katanungang nakalap ng Philippine Information Agency mula sa ating kasamang Alexa Tinsay. Alexa?

ALEXA TINSAY: Magandang tanghali po. Mayroon po tayong VTR question mula kay Xiara Tapang. Siya ang SK Chairman ng Sta. Lucia, Bulacan.

XIARA TAPANG: Secretary Andanar, alam naman po natin na may mga LGUs na maliliit ang calamity fund. Dahil po ang buong Luzon ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, iyong mga ka-barangay ko po ay matatagalan bago makabalik sa kanilang mga trabaho. Ano po ba ang inaasahang tulong na makakamit namin na manggagaling sa national government, partikular na po sa DSWD, kung mauubos na po ang calamity fund ng aming LGU?

SEC. ANDANAR: Kay Usec. Jonathan.

USEC. MALAYA: Maraming salamat, Sec. Tamang-tama po iyong tanong ninyo kasi kagagaling ko lang sa DSWD kaya medyo na-late ako dito sa ating public briefing. Pinag-uusapan po ngayon doon iyong pag-implementa ng iba’t ibang social amelioration programs na ibibigay ng ating pamahalaan alinsunod na rin doon sa batas na pinirmahan kagabi ni Pangulong Duterte, iyong Bayanihan To Heal As One Act. Kaya I can assure the public at kasama na rin si Mayor Isko ‘no, kasi kahit hindi pa ho napapasa itong batas na ito, nakarating na sa Maynila iyong mga DSWD food packs ‘no, at dini-distribute na po nila ito for the past several days.

Ngayon, dito naman po sa bagong batas na ito, we will make available some 275 billion na pondo para ma-augment natin iyong sinasabing kakulangan ng ating mga LGUs dahil nga iyong kanilang quick response fund or calamity fund ay paubos na.

So there will be a major announcement, hopefully tomorrow, maganda ma-monitor iyan ng ating PCOO about this. Mas magandang ipaliwanag nang tama sa atin ng DSWD mismo, si Secretary Rolly Bautista at ni Secretary Bello ng DOLE kasi sila iyong dalawang ahensiya na magbibigay ng tulong sa ating mga kababayan.

Ngunit I’ll take this opportunity, Sec., na din ano na umapila sa ating mga kababayan na—sa Facebook Page po kasi at saka sa text messages na natatanggap ng DILG, lahat po ng mga tao nagsasabi doon … may mga nagsasabi pala, sorry, na hanggang ngayon ay hindi pa po kami nakakatanggap ng tulong. Ngayon, ang ginagawa po ng DILG, pinaparating po iyan sa inyong LGU para mapuntahan po kayo at madala iyong tulong sa inyo.

Ngunit, let me just emphasize, iyong iba po naman na maganda naman ang buhay, huwag na po tayong maghintay ng tulong sa gobyerno kasi po maganda naman ang buhay ninyo. For example, iyong lahat po ng government employees, kung minsan po ay sila pa ang nangunguna, eh bayad naman po tayo – whether tayo ay work from home, we are paid. So bakit may ganoon? Iyong mga nasa subdivision, nakatira naman tayo sa subdivision, bakit pa po tayo hihingi ng tulong mula sa gobyerno?

Hindi po tayo mayamang bansa. Limitado lang po ang pondo ng ating pamahalaan. Ang inuuna po ng gobyerno ay iyong mga isang kayod, isang tuka – iyong mga arawan na hindi makapagtrabaho; iyong mga nasa toda; iyong mga nagtatrabaho sa palengke na hindi makapasok, iyon po ang inuuna namin.

So sana po ay maintindihan natin ‘no na sa kalamidad na ito, lahat po tayo ay magtulungan ngunit ang prayoridad po ng gobyerno ay iyong mahihirap, at sila po ang tutulungan natin. And we have the funds, and we have the machinery and we have the support of all local government units. Makakarating at makakarating po iyong tulong doon sa mga mahihirap na pamilya.

SEC. ANDANAR: Alexa, go ahead with your next question.

ALEXA TINSAY: Ang pangalawang tanong ay magmumula kay Leo Angelo Ensinas. Siya ang chairman ng Bugas, Borongan, Samar.

CHAIRMAN ENSINAS: Hanggang kailan mayroong stock sa siyudad ng Borongan para makapamili ng kanilang mga basic needs or makakain? Kasi kung hindi ako nagkakamali, hanggang April 12 pa itong lockdown.

SEC. ANDANAR: Okay, Usec.

USEC. MALAYA: Hindi ko po alam specifically iyong sitwasyon sa Borongan, Samar, at hindi ko rin po alam kung naka-Enhanced Community Quarantine ang inyong lugar. Kasi kung nagdeklara na po ang inyong gobyerno, ang inyong local government na Enhanced Community Quarantine, ibig sabihin wala nang pasok, wala nang trabaho, wala na, diyan po papasok … ipa-prioritize po kayo ‘no.

So ang priority po natin ay iyong buong Luzon dahil nga po iyong buong Luzon ay nilagay sa lockdown, at iyong mga lugar sa Visayas at Mindanao na nasa lockdown na rin. Iyong mga hindi po nasa lockdown, pang-second priority po kayo kasi nga may trabaho pa naman doon, may pasok pa rin naman so mayroon pong pagkakakitaan iyong ating mga kababayan.

Ngunit doon po talaga sa mga naka-lockdown, those are the areas na sisiguraduhin po ng inyong pamahalaan na makakarating iyong tulong mula sa national government.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Alexa Tinsay mula sa Philippine Information Agency. Samantala, alamin naman natin ang mga katanungan ng ating mga kababayan mula sa iba’t ibang panig ng bansa kasama si John Mogol ng Philippine Broadcasting Agency.

JOHN MOGOL: Maraming salamat, Usec. Rocky at Sec. Martin. Ito po ang mga katanungan para kina Mayor Isko Moreno at DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Yorme, magandang tanghali po. Ang tanong po para sa inyo ay nanggaling kay Mang Ronald Gonzales na isa pong magkakahoy ng Barangay 105. Ito po ang kaniyang katanungan, Yorme.

RONALD GONZALES: …iyan namang binibigay niya sa Barangay 105, kalahating kilong bigas lang, wala pang mga delata.

JOHN MOGOL: Tiga-saan ho ulit kayo?

RONALD GONZALES: Barangay …[signal cut]

MAYOR MORENO: Well, hindi pa ho kayo nabibigyan. Kung mayroon mang nagbigay sa inyo eh pasalamat po kayo sa Diyos, siguro may nagmagandang loob sa inyo. Pero iyong katabi ninyong barangay, 101—ganito po iyon ‘no para magka-idea iyong ating manonood: 129, 128, 101, 105.

129, kanan ng Smokey Mountain; 128, Smokey Mountain; 101 is the Katuparan at iyong temporary housing. This is the northwest of Manila na high density ng mga mahihirap nating kababayan.

Ngayon, nakapagbigay na tayo sa 101, sa 128, sa 129, iyong katabi niya, nabigyan na. Ang hindi na lang nabibigyan, 105, Barangay 20, Parola, District 1; Barangay 275, Parola, District 3; at pagtawid mo ng ilog, ang Baseco na District 5. So kapag napunan na namin iyon, one of the biggest … ito po iyong biggest chunk ng density in terms of sukat ng lupa, iyon madadali na namin.

That’s why kahapon, nakikisuyo ako talaga kay Secretary Bautista na bigyan ka nang talagang volume because—I’ll give you some numbers, 275 is about 3,000 families; Barangay 20 is about, more or less, 10,000 families; Barangay 105 is about 4,000 families; Baseco is about 12,000 families. So iyong isang supply lang namin, for example, iyong sinabi naming isang supply namin sa isang araw sa production na kinuha ng City of Manila hindi magsapat sa isang barangay. Eh ang ayaw naming mangyayari, ito po ‘no para wala tayong back job or repeat order because time is an essence, ang gusto namin, halimbawa kapag ikaw ay po-sam, ang bigay namin sa inyo ay po-sam para next na kami. Kaya iyon ang talagang pinakikisuyo namin sa DSWD na aryahan ninyo na kami nang konti tapos maibibigay na namin dito, then we continue to address other cities.

So far, Manong, eh una, naku kung sinuman ang naging mabuting loob sa inyo, binigyan kayo ng isang kilong bigas o isa’t kalahating kilong bigas, naku masarap pong magpasalamat sa Diyos ‘no. Pero, Manong, huwag kayong mag-alala, nabalitaan ninyo na eh, katabi ninyo lang eh, katabing-katabi ninyo lang ‘no na nandoon na iyong gobyerno. At pipilitin namin, Manong, talaga abutin namin kayo sa takdang panahon, Manong.

SEC. ANDANAR: Salamat, Yorme. At salamat din kay John Mogol n PBS.

Kahapon po ay naglabas ng isang public advisory ang Philippine Airlines tungkol sa temporary suspension ng kanilang mga flights dulot ng COVID-19. Para klaruhin po ay makakapanayam natin via phone patch si Cielo Villaluna, ang spokesperson ng PAL. Magandang umaga po sa inyo, Ma’am Cielo.

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Magandang umaga sa iyo, Secretary Martin and USec. Rocky and Mayor Isko and USec. Malaya! Magandang umaga po!

SEC. ANDANAR: Kasama rin po natin si General Banac, ma’am, spokesperson ng PNP.

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: [OFF MIC] Yes, General Banac, good morning!

SEC. ANDANAR: Will all flights of PAL be temporarily suspended?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Yes. You are correct, Secretary Martin. All flights effective March 26 hanggang April 14 ay suspended. Ito po ay temporary suspension, Sec. Martin. Napagdesisyunan na po ng pamunuan ng Philippine Airlines na itigil muna ang operasyon ng international flights namin mula March 26 hanggang April 14.

Kung inyong maaalala, noong March 17 itinigil na po namin ang aming domestic flights kaakibat ng unang deklarasyon ng quarantine. So, ito pong March 26 to April 14, in effect it covers all flights already ‘no.

Ang kadahilalan: una, bumaba po ang travel demand due to the existing travel restrictions sa iba’t-ibang bansa at pati na rin iyong mga agam-agam ng ating mga kababayan, mga mananakay hinggil sa COVID-19.

So, base sa forward booking nakikita natin – and passenger behavior – minarapat na po natin na itigil muna ang operasyon at ang aming goal, Sec. Martin, is to restore flights by April 15.

SEC. ANDANAR: April 15.

USEC. ROCKY: Okay. I understand, ma’am Cielo, last flight ng PAL papuntang Los Angeles tonight po ba ito?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Yes, that’s correct. March 25, that’s tonight, PR 104. So, tuloy-tuloy po iyong ating mga mga trans-Pacific flights na aalis, hindi lamang mula sa Pilipinas sapagka’t siyempre, pagdating sa Estados Unidos halimbawa, USec. Rocky, iyong March 25 nila that’s local date, aalis din po iyan ng March 25 US time at ang lapag ng PR 103, halimbawa would be on March 26 so, that will be accepted still. We will be landing our PR 103 on March 26. On March 27, USec. Rocky, we are also going to land our flights from New York, Los Angeles and San Francisco and other regional operations too.

SEC. ANDANAR: Ma’am, bukas po ba iyong mga call center ninyo para sa mga gustong magpa-rebook o iyong mga naka-book na?

PAL SPOKESPERSON VILLALUNA: Okay. Sec. Martin, iyong ating call center ay bukas, uulitin ko po ang numero. Ito po ay PAL hotlines 8855-8888. Bukas rin po iyong aming NAIA Terminal 2 ticketing office, ito ay bukas ala-singko ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.

Humihingi po kami ng pang-unawa sa aming mga pasahero, iyong mga gustong mag-book because nakaka-encounter po sila ng deluge of calls and nagka-clog periodically ang aming mga linya pero may mga nakausap rin akong mga pasahero na nakapag-book and they easily went through the lines.

So, we would like to advise our passengers: Kung hindi naman po urgent iyong travel ninyo at iyong rebooking date is on a forward date, malayo pa, kapag nag-normalize na po iyong operations, kung kailan bukas na po lahat ng ticket offices sa Metro Manila at karatig lugar at mas gagaan po iyong flow, inflow of calls sa aming hotline, puwede ipag-ubaya na po nila at the later time, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, ma’am Cielo Villaluna ng Philippine Airlines. Para po sa ating mga panauhing, any message o paalala sa ating manonood. Mayor Isko?

MAYOR MORENO: Una, thank you po, Secretary, Undersecretary, sa lahat ng staff ng PTV, ng ating istasyon.

Mga kababayan, mayroon po kaming ginagawang… tinatawag na health survey. This health survey is—all you have to do is sabihin ninyo lamang sa amin iyong katayuan ninyo sa kalusugan. Go to our page, my page, just press the ‘send message button’, click it then ire-redirect na kayo noon.

As of now for the past four days, about 37,000 Manilans who answered already the surveys. At ano po ang importansiya noon? Ito po iyong sinasabi ng pamahalaan – at ginagawa rin ng mga ibang bansa sa buong mundo – iyong mas madali nating malaman ang katayuan ninyo sa kalusugan, mas magiging episyente ang pamahalaan partikular na ang health sector to address you. We will call you, we will be there. all you to do is to be honest enough – huwag kayong mahihiya alam ko minsan nahihiya tayo baka pandirihan tayo ng kapitbahay, baka kamuhian tayo ng kapitbahay – o, sige, dahil ayaw ninyong pa-check dahil sa ganoong sitwasyon binigyan namin kayo ng opportunity.

Now, the people behind it are professionals – doctors and professionals. At alam po ng ating mga kapitbahay na tumugon partikular na, segmentized po iyon, pag-ubo, nagtatae, may sipon, may lagnat, nahihirapan huminga, napansin po ninyo ang unang mga tinawagan iyong pagsikip ng dibdib – iyong paghinga. Natawagan natin, ang dami nating natawagan. It turned out may hika lang pala kayo, parang ina-asthma lang kayo, mayroon naman talaga lagnat.

Ibig kong sabihin, mas madali nating maa-identify ang bawat isang mamamayan at kapag na-identify natin, kayo ay naging PUI, possible PUI and PUM, tutulong po ang gobyerno ng Lungsod ng Maynila, mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at sana maipanalangin din natin ang ating mga frontliners sa health sectors na maging ligtas po sila. Maraming salamat sa mga frontliners, sa health sectors.

SEC. ANDANAR: Thank you, Yorme! General Banac?

PBGEN BANAC: Maraming salamat, Secretary Martin, USec. Rocky, USec. John ng DILG at Yorme Isko! Muli ay nagpapaalala tayo sa lahat ng mga nagpapakalat ng fake news. Katuwang po namin dito ang Department of the Information and Communications Technology at tayo ay nagpapasalamat at kausap ho natin si Undersecretary for Operations, si Usec. Eliseo Rio Jr., at tutulungan po nila tayo dito sa paghahanap noong mga nagpapakalat ng fake news.

At mula po sa pamunuan ng Philippine National Police sa pangunguna ni Police General Archie Francisco Gamboa, ang PNP po ay patuloy na nagpapaalala sa lahat: Manatili po tayo sa ating mga bahay at ayaw po namin na kayo pa ay masita at mapahanay pa roon para po ilista ang inyong mga pangalan na lumalabag sa ating 24-hour curfew.

At magtulong-tulong po at ipanalangin natin ang lahat ng ating mga frontliners, mga pulis na ilan na may iilan na ring nagkakasakit at sa ating pong mga doctors, nurses, at lahat ng healthworkers na nariyan po; at sa lahat ng mga Filipinong nanonood ngayon, nakasubaybay saludo po kami sa inyo! Manatili po kayo sa ating mga bahay at tanging lamang po iyong mga maaaring lumabas ay iyong otorisado at exempted po sa ating paggalaw.

Lahat ng kasama natin sa ating media ay allowed po na dumaan sa ating mga quarantine control points, lahat po ng mga deliveries and trucks ng mga pagkain, agricultural products at basic goods and commodities ay dapat po tuloy-tuloy na nakakadaan sa ating mga quarantine control points.

At paalala muli sa ating mga barangay sa malalayong lugar na rehiyon ng Luzon, Visayas at Mindanao, ang dapat po lahat ng pagkain ay makarating po sa ating mga kababayan at tayo po ay tumulong para tuloy-tuloy po ang daloy nito.

So, maraming salamat po at magandang tanghali, Sec. Martin, USec. Rocly!

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, General Banac. And speaking of media, pinapaalalahanan po ng IPC lahat po ng ating mga media workers na hanggang ala-una lang po ang pagtanggap nila ng mga pangalan para mabigyan ng ID, para mabigyan po ng pagkakataon na ma-imprenta po dahil bukas na iyong deadline, on Thursday. Ano ba ngayon? Nakalimutan ko—

USEC. ROCKY: [March] 25 ngayon.

SEC. ANDANAR: Nawala na ako sa petsa… nawala na tayo sa petsa. Okay, USec. Jonathan Malaya, sir?

USEC. MALAYA: Again, thank you for having me here in your show, Secretary nakapaganda ng show ninyo.

Let me just emphasize po, may report na nakakarating sa DILG na ang iba daw nating mga LGU ay humihingi ng voter’s ID. At humihingi ng listahan na kailangan ikaw ay botante para mabigyan ka ng tulong. Naku po, bawal po iyan. Panahon po ngayon ng tulong, panahon po ngayon ng magandang pamamahala at magandang leadership, hindi po panahon ng pulitika ngayon. Hindi ko po maintindihan bakit iyong ibang mga kapitan natin ay ganoon.

At hindi po individual ang tulong, per household. So, kung ang mga LGU po natin ay gumagawa ng food packs, hindi po iyan pang-isang tao, pambahay. So, ang kailangan lang pong identify ninyo [ay] kung ilang households mayroon diyan at iyong food pack, kailangan po ang food pack na ibibigay ninyo na ginagawa rin ng Lungsod ng Maynila at ng DSWD, should be good for some three to four days para hindi po kayo pabalik-balik. So, hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan malaman ng kapitan kung botante ka o hindi.

Ngayon, kung mayroon pong mga ganoong kapitan na pasaway, again, mayroon pong number ang DILG. Alam ko po maraming nagsasabing, “hindi kayo makontak.” Pasensya na po, ang daming reports sa buong Pilipinas pero i-try ninyo lang po, i-text iyong number na iyon at aaksyunan po namin ang reklamo sa inyong barangay kapitan.

Maraming salamat po ulit, Secretary!

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, USec. Jonathan Malaya.

Isa pong pagpupugay para sa ating mga frontliners sa loob ng ilang araw, na patuloy na pakikibaka ng ating bansa laban sa bantang panganib dulot ng COVID-19.

Sa loob ng ilang araw na tayo ay napilitang manatili sa loob ng ating mga tahanan para sa ating sariling kaligtasan at ating pamilya; sa loob ng ilang araw na nananatili tayong nakatutok sa telebisyon, radyo at mga babasahin online, ito po ang mga araw na binubuwis nila ang sarili nilang mga buhay para mapanatili ang kaayusan sa ating mga kalsada; para maihatid ang tama at tunay na impormasyon tungkol sa hindi nakikitang kalaban; para tulungang sugpuin ang sakit na nagpapahirap sa ating mga kababayan; para gamutin ang karamdamang maging sila ay mismo maaaring mahawaan; ito rin po ang mga araw na pinili nilang pansamantalang mapalayo sa sarili nilang pamilya para paglingkuran ang ating bayan.

Alam natin lahat na hindi madali at hindi magiging mabilis ang giyerang kasalukuyang hinaharap ng buong mundo.

Kaya para sa inyo at inyong mga sakripisyo, katapangan, at kabayanihan, taos-puso po ang aming pasasalamat para sa mga tinatawag nating frontliners – mga doktor, nurse, at iba pang health workers; mga kasundaluhan, kapulisan at enforcers; sa ating mga kapatid sa media at sa iba pa na tuloy-tuloy ang pagseserbisyo sa gitna ng krisis na ating pinagdaraanan – kami po ay nagpupugay at sumasaludo sa inyong marubdob na pagmamahal at malasakit para sa bayan.

USEC. ROCKY: Maraming salamat po sa ating mga nakasamang panauhin ngayong umaga! DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, Yorme Isko Moreno mula sa siyudad ng Maynila, Police Brigadier General Bernard ng PNP at kanina po, live sa kaniyang tanggapan sa DOH, spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nakasama rin natin kanina ang Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service, PTV Cordillera, PTV Davao, PTV Cebu at ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Nais din nating pasalamatan ang Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Manatiling nakatutok sa mga pinakahuling balita patungkol sa COVID-19 sa bansa gayundin po ang walang tigil na pag aksyon ng inyong pamahalaan upang masugpo ang krisis na ito. Ako po muli ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. ROCKY: Ugaliing magtanong, makialam sa ating mga talakayan tungkol sa COVID-19 at tandaan, atin pong iwasan ang paniniwala at pagkalat ng fake news. Mula rin po dito sa PCOO, ako naman po si USec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas po muli dito lamang sa Public Briefing…

SEC. ANDANAR & USEC. ROCKY: #LagingHandaPH

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)