Press Briefing

Laging Handa Public Briefing hosted by PCOO Secretary Martin Andanar & Undersecretary Rocky Ignacio with Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, Department of Agriculture Secretary William Dar, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire and PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac

Event Laging Handa Public Briefing

SEC. ANDANAR:  Mabuhay Pilipinas. Welcome to Public Briefing #LagingHandaPH, a special daily gathering of Filipinos across the archipelago, of members of the media and of representatives of relevant government agencies online, on air, on the phone. Sa ngalan po ng Peoples Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service and its radio—or Radyo Pilipinas Network at ang crisis communications platforms natin, Radio Television Malacañang, kasama rin po ang Presidential Communications Operations Office, Bureau of Communication Service at iba pa. Ito po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  At mula pa rin sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Lahat po tayo ay makialam sa mga pinakahuling balita tungkol sa COVID-19. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na mailahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan nating nararanasan hindi lang po sa bansa kundi sa buong mundo. Secretary…

SEC. ANDANAR:  Basta’t sama-sama, Rocky, at laging handa, kaya natin ito. Kaya naman bayan, halina at samahan ninyo po kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  I understand, Secretary, kasama ka doon sa Inter Agency meeting kahapon. Marami na kasing mga nagtatanong, lalo bang lumalala ang sitwasyon; ano na ang dapat gawin ng mga tao ngayon. Maraming katanungan… sa pagkain, sa gamot, sa pagkilos, sa trabaho… ano nga ba talaga?

SEC. ANDANAR:  As a matter of fact, inabot kami ng late night, mga alas diyes na ng gabi. Kasama nga natin si Secretary William Dar doon sa meeting na iyon na makakasama natin maya-maya lamang at iba pang mga kasamahan natin sa gobyerno na nandoon din sa IATF.

USEC. IGNACIO:  As of 11 A.M., Secretary, March 18, 2020, may kabuuang 193 kompirmadong kaso ng COVID-19 na sa buong bansa. Samantala, tatlo (3) po ang bilang ng mga naka-recover mula sa sakit at labing-apat naman ang pumanaw na. Kahapon din ay idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity sa buong bansa. Nagtalaga na rin ng COVID-19 hotline ang Department of Health – bukas po ito sa lahat ng caller nationwide. Uulitin po natin, nationwide! Tumawag lang sa (02) 8942-6843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscriber, i-dial lang ang 1555.

SEC. ANDANAR:  All right. So mayroon tayong hotline. At babatiin din po natin ng magandang umaga ang ating mga kasamahan sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas na naka hook-up sa atin ngayon, napakadami nila – DZRH, nandiyan iyong DZMM, nandiyan iyong Bombo Radyo at iba pang mga kasamahan natin sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Maraming salamat po mga sirs at ma’am, at kayo po ay nakiisa sa gobyerno.

Samantala, makakasama din natin sa pagbibigay ng balita ang iba pa nating mga kasamahan – sina Alexia Tinsay ng Philippine Information Agency; nandiyan din si PTV Cordillera Correspondent Eddie Carta mula sa Baguio City; Jay Lagang mula sa Davao City; Allan Francisco mula sa San Mateo, Rizal; Ryan Lesigues na nasa Makati ngayon; at, si Dennis Principe mula po naman sa Philippine Broadcasting Service.

Atin ding makakasama live ang ating mga resource person – si Usec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health, live po mula sa tanggapan ng DOH sa Maynila; Philippine National Police Spokesperson Brigadier General Bernard Banac; Department of Agriculture Secretary William Dar at si Cabinet Secretary Karlo Nograles.

USEC. IGNACIO:  Yes. Importante ring malaman natin kung ano naman po ang nangyayari sa labas ng Metro Manila. Una nating alamin ang pinakahuling ulat mula sa Baguio City kasama si Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera.

EDDIE CARTA/PTV CORDILLERA:  Yes, maraming salamat, Usec. Rocky. And naimbag nga bigat, Secretary Martin. Patuloy po ang mga hakbang na ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa Cordillera bilang pagtalima sa enhanced community quarantine na ngayon pong umiiral sa buong Luzon.

Sa katunayan ay naglaan na ang DSWD-Cordillera ng mga family food packs para sa mga apektadong pamilya. Ipinaliwanag ni DSWD-CAR Regional Director Leo Quintilla na magsisilbing augmentation ang kanilang ibibigay na food assistance. Ang sistema, per province and distribution para sa mga beneficiaries sa pamamagitan ng mga production at food hubs. Tiniyak pa rin ni Quintilla na may nakalaan para sa mga LGUs na hihingi ng ayuda sa kanila.

DSWD-CAR RD QUINTILLA:  [VIDEO] “Iyong ating mga barangay officials would identify most affected families sa kanilang mga barangay and this will be forwarded to the LGUs or the city mayors and they’re going to request for augmentation.”

EDDIE CARTA/PTV CORDILLERA:  Samantala, Tiniyak ni DILG-CAR Director Marlo Iringan ang pagtutok ng mga LGUs sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin at ang kanilang partisipasyon sa enhanced community quarantine. Sa Lungsod ng Baguio, halos 90% na sa mga establisyimento ang nakasara pero nananatiling nakabukas ang mga drug stores at supermarkets. Maigting din na naglilibot ang kapulisan sa mga parke at barangay. Hinikayat naman ng ama ng lungsod ang mga barangay officials na aktibong makibahagi at tumupad sa mga alituntunin.

DILG-CAR DIR. IRINGAN: [VIDEO] “Our health authorities are very active. Our police authorities are always out there in the field doing everything to make sure na hindi po mag-panic ang tao. We’re giving an assurance na we are on top of the situation.”

EDDIE CARTA/PTV CORDILLERA:  Sa Mountain Province naman, pagtugon din sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maigting na pagpapatupad ng provincial task force checkpoint sa 7 major entry at exit points dito. Pangunahing panawagan ni Gov. Bonfacio Lacwasan, Jr. ang pananatili po sa loob ng bahay at sundin ang social distancing para masiguro na COVID-free ang nasabing lalawigan. Kaparehas po ang ipinatutupad ng mga awtoridad sa Kalinga Province.

Samantala Usec. and Secretary, mayroon pong apela ang mga vegetable truckers dito sa Benguet. At para po kay Secretary William Dar po ang katanungan na ito at apela na rin kay Mayor Isko Moreno ng Metro Manila.

[VIDEO] “Sana i-allow niya na magbenta ang mga tindera kahit sa daytime. Kasi sa ngayon, sa kasalukuyan, sa daytime walang nagbebenta ng gulay lalo na sa may Recto. So kapag i-allow niya na magbenta sa araw, malaking tulong iyon para makabenta ng gulay.

EDDIE CARTA/PTV CORDILLERA:  So iyan po, Secretary, ang katanungan at concern ng atin pong kababayan dito sa Benguet Province. At iyan po ang pinakahuling balita mula dito sa PTV-Cordillera. Eddie Carta para sa bayan.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Eddie Carta. So bigyan natin ng pagkakataon si Secretary William Dar na masagot ang tanong ng ating kababayan mula po naman sa Benguet. Sec…

SEC. DAR:  Thank you, Sec. Martin, Usec. Rocky. Ang katanungan ay kung puwede ba magtinda pa rin sa mga merkado diyan sa Baguio. I think doon sa nilabas po na circular ay kasama po nito iyong basic necessities. So basta pagkain at tungkol sa health and medicine ay ito po iyong tuloy na tuloy na mga serbisyo. Pero palagi natin susundin din iyong social distancing po, iyon po ang number one na patakaran para mai-manage na natin, masugpo natin itong COVID problem na ito.

SEC. ANDANAR:  Mayroon ding karagdagang tanong, Secretary Dar, ang mga kababayan natin na galing Benguet. Sabi niya baka puwede daw magtinda ng araw iyong mga nasa Recto—dito sa Metro Manila. She was actually referring to our market vendors dito sa Metro Manila kung puwedeng magtinda ng araw para daw mas tumaas pa iyong kanilang kita doon naman sa Benguet.

SEC. DAR:  Tama po. Doon sa mga public markets dito sa Metro Manila, nakikipag-ugnayan po kami na dapat tuluy-tuloy doon sa pagtitinda ng gulay at iba’t ibang prutas o produkto na galing Benguet. Kasi alam natin 80% iyong kailangan ng Metro Manila ay galing Benguet, so dapat makarating itong mga vegetables na ito para iyong requirement po ng metropolis ay nandiyan palagi.

SEC. ANDANAR: Alright. Thank you, Secretary Dar. Rocky?

USEC. IGNACIO:  Kasi may katanungan din tayo para kay Secretary Dar. Secretary, from Ian Cruz ng GMA 7: Ano po ang gagawin ng gobyerno kapag hindi na kaya ng mga supermarket na magbukas?

Kay Tina Panganiban Perez din po ng GMA 7: Secretary, reaction po sa United Broilers Raisers Association, nagrereklamo dahil sa magulong checkpoint; hindi daw sila makalusot.  At in place na daw po ba ang food lanes, na nai-implement na po ba ang color coding? In case po iyan  sinasabing magkaroon ng shortage sa pagkain.

SEC. DAR:  Ang usapan po natin doon sa IATF kahapon, nandiyan si Sec. Martin, iyon pong mga supermarkets, iyong mga areas na markets for fruits, vegetables, pagkain in general ay tuluy-tuloy po iyon. At sana nga itong mga checkpoints ngayon ay mag-adjust na. May usapan na rin kami kagabi, at ang decision ng IATF ay … ang tawag po nila ay random checking sa mga checkpoints. At sana mas mabilis na iyong mga cargos, iyong mga movement of cargos.

At mayroong instruction po ang IATF kagabi – and let me read for the general public: The PNP, that’s the Philippine National Police, is instructed to allow the unimpeded movement of cargos subject to its authority to conduct random checking in checkpoints for the purpose of ensuring that protocols on the strict home quarantine are observed.  For this purpose, Memorandum Circular Number 7, issued on March 17, 2020 by the Department of Agriculture is hereby adopted.

Now, gusto ko ring banggitin kung ano itong Memo Circular Number 7 na inisyu ko po kahapon at pina-adopt ko nga sa IATF kahapon. At ang sinasabi ko po dito ay lahat po ng aktibidades or mga inputs in relation to agricultural production, agriculture and food production, kasama na ang processing and marketing, including that of the delivery or movement of these cargos or products ay talaga dapat unrestricted. At mayroong mga detalye ng mga items na ito dito sa Memo Circular Number 7 at binigyan po namin ang Secretariat, of course, ng IATF, including that of the PNP Chief Archie Gamboa.

USEC. IGNACIO:   Okay. Ang alam ko, Secretary, may apila na po si Senator Bong Go sa Department of Finance na sana daw po i-extend iyong pagbabayad ng income tax. Sabi po niya kasi … sinabi niya sa kayang statement, sa panahong katulad nito dapat nagtutulungan tayo upang mapagaan ang pasakit ng taumbayan. Magmamalasakit po tayo sa bawat Pilipinong apektado at ito po ay koneksiyon na rin doon sa ginagawa nang pagkilos ng gobyerno laban po sa COVID-19.

Sabi po niya pinakikiusapan po natin ang taumbayan na tulungan ang gobyerno, tulungan din po natin silang mabuhay at maging ligtas sa panahong ito. Bigyan po natin ng palugit, ayon kay Senator Bong Go, ang ating mga kababayang apektado ngayon. Maraming halos wala nang kita o kabuhayan ng isang buwan; hindi alam paano papakainin ang pamilya; hindi alam hanggang kailan magtatagal ang krisis, tapos dadagdagan pa natin ang iniisip at aasikasuhin dahil sa tax na requirements.

Ang request po ni Senator Bong Go, at least kahit isang buwan o i-determine kung ano pa ang mga magiging development pa ng pangyayari. Ayon sa kaniya, bilang isang legislator daw po, ay kaniyang tinitingnan na maging balanse para sa lahat ang pagkilos ng gobyerno ganundin po ang kapakanan ng taumbayan.

SEC. ANDANAR:   Mahirap din, partner, na ang ating mga kababayan ay nag-iisip din na papano iyong income tax returns natin, magbabayad tayo? Eh napapanahon lang iyong panawagan ni Senator Bong Go na ma-extend ng at least one month. Knock on wood ‘no, kung ito ay tumuloy pa, itong COVID-19 natin, ay dapat more than one month ang extension.

USEC. IGNACIO:   Pero ang alam ko, Secretary, nasa batas kasi na dapat April 15 nagbabayad. So tingnan natin po kung ano ang magiging … ng ating mga magigiting ng mambabatas tungkol diyan.

SEC. ANDANAR: Iyon. So very good, at least marami sa mga kababayan natin ang matutuwa sa balita na iyan at lalung-lalo na kung pumayag ang ating Bureau of Internal Revenue, which I’m sure they will.

Samantala, mga kababayan, makakasama natin sa public briefing din si Usec. Maria Rosario Vergeire ng Department of Health live mula sa DOH mismo. At kasama rin po natin ang ating Philippine National Police Spokesperson Brigadier General Bernard Banac. Magandang umaga po sa inyo, sir.

At mamaya sasamahan din tayo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles. Magandang araw po sa inyo, Secretary Nograles, sir.  Mayroon tayong question for the DOH.

USEC. IGNACIO: Mayroon po tayong tanong sa DOH. Nandiyan na ba si Usec. Vergeire?

SEC. ANDANAR:  Kaya unahin muna natin si General Banac.

USEC. IGNACIO:  General Banac, kumusta na po kayo? Ang alam po namin, iyong kamakailan na aksidenteng nangyari sa inyo. So ano na po iyong mga ginagawa ngayon ng PNP? Alam ko po na busy kayo and, at the same time, iyong pag-asikaso n’yo pa rin ni PNP Chief Archie Gamboa na kasama n’yo doon sa helicopter pa rin.

GENERAL BANAC: Well, maraming salamat, Usec. Rocky. At binabati ko rin si Secretary Martin at Secretary William, kasama natin ngayon.

Salamat sa lahat ng inyong mga panalangin at suporta, at lahat po ay nagre-recover. At mayroon pa po tayo kasama na nagpapagaling sa hospital kaya patuloy pa rin po natin silang ipanalanganin. Sila po iyong nakasama namin during helicopter crash noong March 5.

At ngayon nga po ay umaarangkada ang ating second day of implementation ng ating Enhanced Community Quarantine, hindi lamang dito sa kalakhang Maynila kung hindi sa buong kapuluan ng Luzon.

At nagkaroon na tayo ng mga adjustments ngayon, Usec Rocky. At nakita natin na base sa ating pag-iikot ngayong umaga ay nagkaroon na talaga ng significant reduction ng pag-galaw ng ating publiko at iyong bilang ng mga sasakyan, mga pribadong sasakyan ay kumonti na rin. Malaking bagay na ipagpatuloy pa rin natin iyong pagsasagawa ng mga controlled points o iyong mga checkpoints natin.

At base sa mga observation noong first day, noong Martes, ay nagsagawa na nga ng adjustment iyong ating Inter-Agency Task Force. At ang pinakaimportante dito na pinapatupad natin ngayon sa mga checkpoints ay iyong paghihiwalay, ng separate lane para po sa mga cargos, mga delivery trucks at hindi na po maantala ang paghatid, pagpasok ng mga gulay, mga agricultural products papasok ng Kalakhang Maynila.

So as of this time, base po sa pinakahuling ulat na natanggap natin, Secretary Martin at Usec. Rocky at kay Secretary William, ay naihiwalay na po ang lane para po sa mga agricultural products sa North Expressway at ganundin po sa South Luzon Expressway. At inaalam na lang natin kung ganoon na rin ang situation sa McArthur Highway at iba pang major arteries leading to Metro Manila.

So iyon po ang maibibigay natin na assurance na bibilis po ang daloy ng trapiko, maging lahat ng mga pedestrians na pumapasok ngayon sa Kalakhang Maynila at iyong mga lumalabas; ganoon na rin para sa iba pang mga kailangan talagang gumalaw at bumiyahe para sa mga essentials at iyong mga lilipad papalabas ng NAIA. So tuluy-tuloy po ang ginagawa natin ngayon, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan pong tanong na iyan din ay galing kay Manny Vargas ng DZBB. Kasi mayroon daw pong mga nagrereklamo na cargo mula dito sa Batangas. Kasi iyong area ng Batangas nagkaroon ng report na may nag-positive doon. So papaano po iyong coordination ninyo doon sa mga nagdi-deliver ng mga pagkain sa loob ng Metro Manila?

GENERAL BANAC: Well, pagpasok naman ng Metro Manila ay wala naman na tayong gagawin na mga karagdagang pang checking. So ang lahat ay puwede nang tumuloy sa kani-kanilang mga destination. Doon lamang talaga sa ating mga controlled points diyan sa North Luzon Expressway at saka South Luzon Expressway ay asahan natin na may konting delay pa rin kasi alalahanin natin, kapag tayo ay nasa highway, di ba kung may mga aberya minsan, may maantala na isang sasakyan sa harap, nagkakaroon siya ng domino effect ‘no; tumatagal, nagde-delay iyan hanggang sa likod. Medyo mayroon pa rin tayong dapat na pagpapasensiyang gagawin. Hindi naman ibig sabihin na talagang nagkaroon nang separate lane ay talagang ito ay 100% na tuluy-tuloy na pumapasok kasi mayroon pa rin tayong ginagawang quarantine check. Iyong mga drivers, mga crew at mga helpers nila ay kailangan pa rin nating i-check iyong kanilang mga body temperature. At mayroon tayong gamit diyan na mga thermal scanners para po ma-ensure pa rin na ang lahat na pumapasok ay hindi po positibo sa COVID-19.

At iyon naman pong pag-check ng mga bagahe, mga cargoes sa likod, sa loob, ay random na lang po iyan na ginagawa at hindi na iyong masusing na katulad noong nakaraang araw.

USEC. IGNACIO: Yes, humihingi po nang pang-unawa ang Philippine National Police sa publiko na alalahanin din po na mahirap na trabaho ang ginagawa ng ating mga PNP diyan sa area na iyan.

GENERAL BANAC: Opo, iyon nga, humihingi rin tayo ng pasensiya at paumanhin, lalo na tayo po ay napagbubuntunan ng galit ng publiko. Iyong mga pulis po natin ay nagiging shock absorber. So okay lang po, tanggap naman natin na ganoon, gampanan pa rin natin ang ating trabaho alang-alang po sa public health.

USEC. IGNACIO: Okay, babalikan po natin si General Banac maya-maya lamang. Sa puntong ito, puntahan naman natin ang ating kasamang si Alan Francisco, live mula po sa San Mateo, Rizal.

ALAN FRANCISCO: Usec. Rocky, Secretary Martin, sa mga sandaling ito ay nandito kami sa border ng Quezon City at sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal kung saan, tulad po nang nakikita ninyo ngayon sa aking likuran ay may checkpoint para sa mga papasok at lalabas ng Quezon City at ng San Mateo, Rizal.

Kanina nga ay nagsagawa ng disinfection ang mga miyembro ng Philippine National Police o PNP. At kanina nga rin Usec Rocky at Sec. Martin, galing kami sa Commonwealth Avenue, Quezon City kung saan kapansin-pansin na kumonti na o nawala na ang mga pasahero na naghihintay ng masasakyan.Kahapon kasi sa pag-iikot namin sa Quezon City, maraming mga na-stranded na pasahero dahil sa walang masakyan.

Kasunod nga iyan ng implementasyon ng enhanced community quarantine kung saan suspendido po ang mass transportation.

Sa bahagi ng Philcoa, may drugstore doon na lilimitahan na iyong pagpasok ng mga customer. Kumbaga, kada limang customer lamang ang papasok para hindi anila magsiksikan sa loob ng drugstore. Ang drugstore kasi ang isa sa mga establishments na hindi dapat magsara ngayon na may health concern na pinagdaraanan ang bansa. Kaugnay nito, sabi ng ilang taga-Quezon City nang tanungin ko sa pamamagitan ng social media iyong tungkol sa kanilang immediate needs ay ang pagkain at iyong pagbili ng Vitamin C dahil nagkakaubusan na, anila sa mga drugstores.

Samantala, Usec. Rocky, Sec. Martin, isang residente ng Quezon City ang nakausap ko via phone patch at ini-raise niya iyong kaniyang concern. Nagtatrabaho siya sa isang supermarket dito sa San Mateo, Rizal. Ang supermarket ay hindi dapat magsara ayon sa pamahalaan. Ang problema, itong nakausap ko via phone patch ay nahihirapang pumasok sa trabaho dahil wala ngang masakyan. Aniya, ilang araw na siyang naglalakad mula Philcoa hanggang sa isang supermarket dito nga sa San Mateo para lang makapasok. Minsan ay mayroon ding aniyang mga habal-habal na sobrang mahal maningil. Aniya, hindi rin naman siya puwedeng umabsent dahil kuwento niya, wala ring ipangsusustento sa araw-araw na gastusin kaya tinitiis niya iyong mahigit na three to four hours na paglalakad mula Philcoa, Quezon City hanggang sa supermarket dito nga sa San Mateo.

Kaya ang kaniyang panawagan, sana makausap ng pamahalaan aniya iyong malalaking supermarket dito sa Rizal at iba pang supermarket sa bansa na sunduin naman nila iyong kanilang mga empleyado sa kanilang mga bahay para hindi mahirapang pumasok.

At bukod diyan, Usec. Rockey at Sec. Martin, may mga nag-message din sa akin na via Facebook ‘no, ang kanilang kahilingan naman ay sana makausap anila ng Quezon City government iyong mga malalaking negosyante na nagpapaupa sa mga small entrepreneurs ‘no. Ang kanilang kahilingan, sana ay gumaya anila sa Manila City government na kung saan winaive [waived] ng mga malalaking negosyante iyong paupa sa mga maliliit na negosyante.

At iyan ang balita mula rito sa border po ng San Mateo, Rizal at Quezon City – Alan Francisco para sa bayan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Alan Francisco, live mula sa San Mateo, Rizal. At this point ay makakasama din natin live mula sa tanggapan ng Department of Health, si Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang umaga po sa inyo, ma’am!

USEC. VERGEIRE: Maganda umaga po, Secretary Andanar and Undersecretary Rocky.

SEC. ANDANAR: Okay. Napakadaming questions mula sa ating mga kababayan, ladies first – Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Iyong mainit na isyu ngayon, Secretary, na allegedly po ay airborne na daw po itong coronavirus, na nagtatagal daw po ito sa ere ngayon. Ito ay batay na rin po sa World Health Organization. Usec.?

USEC. VERGEIRE: Yes. Usec., kahapon po ay naglabas ng parang statement ‘no galing sa isang article from the World Health Organization na sinasabi nila na it can be transmitted  sa … may airborne na transmission. Pero i-qualify po natin ito para maintindihan po ng ating mga kababayan: Ito po ng artikulong ito ay tinutukoy nila ay mga settings ng isang ospital. Katulad po ng lagi nating sinasabi ‘no, ang sa atin pong ebidensiya pa rin hanggang sa ngayon at ang atin pa ring nakukuha base sa ating mga experts, ito pong sakit na COVID-19 is still transmitted through droplet infection and close contact. So iyong airborne po na sinasabi, it’s in a confined hospital setting.

SEC. ANDANAR: Okay, sa latest or recent forecast po ng Department of Health ay posibleng umabot sa 75,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa in a span of three months – ano po ang ating basehan dito, Undersecretary?

USEC. VERGEIRE: Yes, Sec. Andanar. Ito po ay isang modeling estimate na ginawa po ng ating mga eksperto kasama ang WHO, ang ating mga epidemiologists din po dito sa ating bansa. At sinasabi po na ang 75,000 ay aabutin natin kung hindi tayo maglalagay ng interventions na appropriate. Ito po ay nakuha natin base po doon sa statistics na mayroon tayo ngayon among all cases across the globe na sinasabi po na puwedeng magkaroon ng reproductive rate ang ating virus ng one person can transmit it to two persons in just one sitting. So isang interaction po ng isang tao might be able to transmit the virus sa dalawang tao. Tapos nilagay po natin ito na … iklinasipay [classified] ho natin iyong populasyon natin na according to the age group, kung sino po iyong mas naaapektuhan, kaya we reached this 75,000.

Ang ibig sabihin po nitong 75,000 na ito, that in two to three months, it can reach that peak kung saan 75,000 ang puwedeng magkaroon ng impeksyon. Pero ang sinasabi naman ho natin, we can flatten this curve. Ibig sabihin, puwede ho nating i-prevent na mangyari na mag-peak ng ganito ang ganitong numero. So ibig sabihin po, puwede ho nating i-spread across many months iyan if only we can implement stringent measures po katulad nitong social distancing na sinasabi natin.

SEC. ANDANAR: All right. Mayroon po tayong bulletin na galing po sa DOH kahapon na may mga naka-recover, may bagong naka-recover sa sakit na COVID-19. So can you tell us more about this, Undersecretary Vergeire, ma’am: Ano po ba iyong kundisyon ng pasyente, papaano siya naka-recover? Mayroon na ba kayong maibigay sa publiko na impormasyon kung pare-parehas ba iyong mga gamot na ininom ng mga biktima na naka-recover?

ASEC. VERGEIRE: Yes, sir. Unang-una po, gusto nating klaruhin sa ating mga kababayan na dapat po lagi nating tandaan wala pa hong nadidiskubre na gamot para sa COVID-19. So, kung sino man po ang mga naka-recover sa atin, they were only provided in the different facilities that they were admitted to ng supportive treatment po para sa kung ano man iyong kanilang nararanasan o nararamdaman during the time they were admitted.

So, wala pong naging special formula para naka-recover itong mga taong ito – itong mga may COVID-19 at na-discharge sila. Nagkataon lang po tayo ng impormasyon na ito pong mga nag-recover ay started off with mild symptoms at saka po wala po silang underlying conditions.

USEC. ROCKY: Usec., kasi ito, malimit itong itinatanong sa atin ano maski dito sa ating mga kaibigan sa media, iyon daw pong naunang report na nakakatulong daw po sa paglaban sa coronavirus ang pagkain ng saging pati po iyong ating coconut oil, iyong VCO. Ano po ang update dito at may katotohanan po ba ito?

ASEC. VERGEIRE: Ito pong mga lumalabas, Usec. Rocky, marami hong lumalabas na sa ngayon na mga iba’t-ibang gamot o hindi kaya ay mga pagkain na sinasabi na maaaring makatulong o hindi makakatulong sa ating kaso ngayon ng mga COVID-19.

Unahin po natin iyang saging, sinasabi po nila it can help prevent COVID-19. Wala pa hong ebidensiya, wala pa hong masusing pag-aaral na makapagbibigay ng hard science or ebidensiya para sabihin na talagang bananas will prevent the transmission or prevent a person from having COVID-19. Pero ang sinasabi naman ho natin lagi, ang saging naman po ay mabuti sa katawan, so hindi naman po natin ipagbabawal na huwag nilang kainin. Huwag lang nilang iisipin na hindi po sila magkakaroon nitong sakit na ito dahil kumakain sila ng saging.

Pangalawa po, iyong virgin coconut oil. Dati pa ho iyang pinag-uusapan, about a month ago, at ito po ay nakarating na I think sa Office of the President where CabSec. Nograles has provided assistance to our local scientist para mailabas po natin ito at magkaroon tayo ng partnership with a university in Singapore I think, para mas mapag-aralan pa ho ang epekto nito sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Alright. Maraming salamat, Usec. Vergeire. Balikan po namin kayo, ma’am in just a bit pero bigyan muna natin ng daan ang mga katanungan na nakalap ng Philippine Information Agency para sa ating mga resource persons. Makakasama natin si Alexa Tinsay.

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT:  Magandang umaga po, Secretary Martin at Usec. Rocky! Narito po tayo muli, marami pong katanungan ang ating publiko at dahil po gusto nating makatulong, naglikom po tayo ng mga query mula sa iba’t-ibang rehiyon ukol sa COVID-19.

Mayroon po tayong tanong dito mula kay Jhie Vargas, siya ay nagmumula sa Legazpi City. Ito po ay tanong para sa DoH. Tanong po ni Jhie: Are there hospitals in the Bicol Region that have medical or testing kits for COVID-19? Panoorin po natin si Jhie.

(VTR)

Jhie Vargas: Are there hospitals in the Bicol Region that have medical or testing kits for COVID-19?

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT:  Bigyan po natin ng tugon ang tanong po ni Jhie Vargas.

SEC. ANDANAR: Alright.

USEC. ROCKY: Ang tanong ba niya ay tungkol doon sa mga testing kits ba iyong narinig namin, Ms. Alexa?

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT:  Are there hospitals in the Bicol Region that have medical or testing kits for COVID-19?

SEC. ANDANAR: Sige, balikan natin si Usec. Vergeire. Puwede bang sagutin ni Usec. Vergeire iyong katanungan ni Alexa Tinsay. Ma’am?

ASEC. VERGEIRE: Yes, Secretary and Usec. Rocky. I think napaka-importante pong tanong ito kasi ngayon po kumakalat na sa lahat, sa buong bansa… ang ating mga kababayan iniisip po nila mayroon na hong nabibili na mga testing kits sa iba’t-ibang outlets natin.

Gusto ho nating iparating sa ating mga kababayan wala pa ho tayong testing kits na available sa market na maaari nilang bilhin. Ang atin pong testing for COVID-19 ay ginagawa po lahat sa ating Research Institute for Tropical Medicine. So, kailangan lang po ay kumuha kayo ng impormasyon sa amin para kayo ay nabibigyan ng guidance.

Iyon pong mga nasa market ngayon, kung sakaling mayroon, hindi pa ho iyan rehistrado ng Food and Drug Administration. So, huwag ninyo po silang tangkilikin, makinig lang po kayo sa amin. Lalabas na po iyong ating mga clearances for various testing kits in the coming weeks. We just need to wait and we just need to be informed.

SEC. ANDANAR: Alright. Maraming salamat po, Usec. Vergeire. Balik tayo kay Alexa. Alexa, do you still have other questions?

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT:  Yes po, maraming salamat. Ang sumunod na tanong ay nagmumula kay Mervin Mercado. Mayroon din po tayong video ng kaniyang tanong. Panoorin po natin ito.

(VTR)

Mervin Mercado: Sapat ba ang pasilidad ng mga provincial hospital ngayong dagsaan ang mga taong umuuwi galing Manila?

SEC. ANDANAR: Sapat ba ang mga pasilidad ng mga ospital sa mga probinsiya? Balikan natin si Usec. Vergeire, ma’am?

ASEC. VERGEIRE: Yes, sir. Klaruhin po natin, hindi po lahat ng magkakaroon ng COVID-19 ay mao-ospital, unang-una na po iyon, let’s be clear on that. Mayroon tayong assessment na ginagawa, it’s like triaging, kung sino lang po ang dapat ma-ospital para sa COVID-19 na mga kaso.

Pangalawa po, ang buong gobyerno po ay nagtutulong-tulong ngayon para ma-accommodate natin at ma-manage po natin ng maayos ang ating mga taong may COVID-19. So, hindi lang ho natin binibilang ngayon ang provincial hospitals, binibilang ho natin lahat ng gobyernong ospital para mamapa natin kung ano po ang inventory ng ating resources. At sa katunayan po, ang private sector, the private hospitals are very much willing to help us this time.

SEC. ANDANAR: Salamat po, Usec. Vergeire at maraming salamat po sa ating kasamahan sa Philippine Information Agency, si Alexa Tinsay.

Samantala, makakasama rin po natin ang ating Cabinet Secretary Karlo Nograles.

SEC. NOGRALES: Magandang umaga po inyong lahat! Good morning po!

SEC. ANDANAR: Good morning, Sec. Karlo! Mukhang mula kagabi, sunod-sunod ang iyong press briefings, so, I understand mayroon kang iaanunsiyo in quite a bit or ngayon na?

SEC. NOGRALES: Yes! Opo! Mula kay Pangulong Duterte po, narito po iyong mga Dos and Don’ts po natin para sa ating mga kababayan:

  1. Mandatory home quarantine for everyone. Ang purpose po is to contain the spread of the virus, prevent the virus from transferring from one place to another through a mobile host or carrier.

Dos:

  • Everyone must stay at home.

Don’ts:

  • No classes at all levels.
  • No reporting for work in government and private sector except for some exemptions.
  1. Who may go out of their homes?

Dos:

  • Only one person per household would be able to buy or access basic necessities. Barangay captains must check for compliance.
  • Employees of establishments involved in the production, processing and distribution of basic necessities such as food. Sa mga supermarkets, groceries, convenience stores at wet markets, pharmacies and drugstores, and banks or remittance centers.

Sino po ang puwede?

  • PNP, AFP and other uniformed personnel.
  • Personnel involved in health work, border control, emergency and other mission critical services.
  • Media with the authorization from PCOO.

Paalala lang po, always bring and present the following at designated checkpoints: identification card, proof of residence, certificate of employment, delivery receipt for those transporting goods to and from the quarantine area and authorizations or certifications.

Don’ts:

  • Those who are at high-risk of infection should not go out. Sino-sino po ang mga ito?

Seniors – sixty years old and above; those with preexisting medical condition like cardiovascular disease, hypertension, diabetes, COPD, cancer and others; at lalong lalo na po pregnant women.

  • Do not ask non-exempted individuals to accompany you to your workplace.
  • Do not loiter.
  • Do not intimidate or resist persons in authority. Always remain calm and respectful.
  1. What other establishments are open?

Dos:

  • All basic utilities should continue to operate: water, electricity, internet, telecommunications.
  • Other critical services should remain open: garbage collection, funeral and interment services, gasoline stations.
  • Capital markets to open today, March 18; and
  • Business Process Outsourcing (BPO), IT and export-oriented establishments as long as they are provided temporary housing/shelter by their companies.

Don’ts:

  • Casinos, gambling places including POGOs, close po iyan.
  • Hotels, close din po. Hotels shall not accept any new bookings.
  1. Regarding mass public transportation.

Dos:

  • LGUs and employers should provide point to point transportation for people authorized to report for work specifically health workers.
  • Transportation from the airport may be provided by the DOTr or OWWA para sa ating mga kababayang OFWs.
  • Walking or biking is allowed.

Don’ts:

  • All public transportation are not allowed to operate such as tricycles, pedicabs, taxis, Grab, jeepneys, buses, including MRT and LRT.
  1. Para naman sa flow of goods.

Dos:

  • Movement or cargo via air, land and sea shall be unhampered.

Don’ts:

  • Cargo trucks and vans should not be blocked from entering the ports, expressways or highways.
  1. Para sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Dos:

  • Employers are encouraged to adopt a work arrangement that will not require physically reporting for work.
  • Employers should extend financial help or assistance to their employees; may grant prorated 13thmonth pay.
  • DOLE and DSWD will provide social amelioration packages for those affected by the work stoppage.

Don’ts:

  • Unless the company is engaged in basic necessities or services, employers should not require their employees to report for work.
  • Employers should not terminate their employees by reason only of not reporting for work because of the COVID-19 situation.
  1. Para naman sa mga empleyado na nasa government sector.

Dos:

  • Employees in the Executive Branch should work from home except those rendering emergency frontline services.
  • Those authorized to work should maintain only a skeletal force.

Don’ts:

  • No travels, no events, no trainings will be allowed.
  1. Para naman sa travel in and out of the Philippines.

Dos:

  • Filipinos abroad can return to the Philippines anytime including their foreign spouse and children. Other permanent residents of the Philippines may also return.
  • All returning Filipinos and permanent residents from China, Hong Kong and Macau shall be subjected to a 14-day quarantine in a quarantine facility. All other returning Filipinos and permanent residents arriving in Luzon shall comply with mandatory home quarantine.
  • OFWs, balikbayans and foreign nationals will be allowed to leave the Philippines at any time as long as their departure is 24 hours from the time they leave their homes or hotels.

Don’ts:

  • Filipinos who will go out as tourists to any destination shall not be allowed to leave the country.
  • No send-off party will be allowed to accompany departing passengers.

SEC. NOGRALES: Mga kababayan, kung magkaniya-kaniya po tayo, hindi tayo magtatagumpay. ‘Ika nga ni Pangulong Duterte: “Together we can beat COVID-19, together we heal as one.”

Maraming salamat po!

USEC. ROCKY: Secretary, mayroong kaagad pong nagtanong dahil sa binasa ninyo. Mayroon daw po kasing mga private companies na may policy daw po na ipinalabas na hindi daw po ita-charge iyong kanilang pag-stay home sa mga leave. Parang iko-consider daw po silang absent. Humihingi po sila ng guidance, tulong sa government.

SEC. NOGRALES: Opo. Kung may ganiyan pong mga reklamo paki relay na lang po sa Department of Labor and Employment. Kagabi po nakasama ko po si Secretary Bello sa mga announcements na ibinigay po namin kagabi at bukas po ang tanggapan ng DOLE para tanggapin po ang mga reklamo ng ating mga empleyado.

Palagay ko naman po sa ngayon, not to defend anybody, but sa ngayon siyempre lahat po tayo ay—both employers and employees ay nag-a-adjust po sa sitwasyon ngayon so, clarifications lamang po siguro ang kinakailangan nating gawin maging sa empleyado, maging sa mga employers po natin.

So, bukas po ang tanggapan ng DOLE para magbigay po ng mga clarifications para po sa inyo.

USEC. ROCKY: Iyon daw pong online classes kung isu-suspend din ng—

SEC. NOGRALES: Hindi po, online is fine. Wala namang problema sa online

USEC. ROCKY: Salamat, Secretary. Samantala, silipin na rin natin ang mga kaganapan ngayon, sa Davao kasama si Jay Lagang. Jay?

(NEWS REPORT FROM PTV DAVAO CORRESPONDENT JAY LAGANG)

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Jay. Samantala, makibalita tayo mula sa lungsod ng Makati kasama si Lesigues. Ryan?

(NEWS REPORT FROM PTV CORRESPONDENT RYAN LESIGUES)

SEC. ANDANAR:  Mayroon tayong karagdagang tanong po naman para kay General Banac. Sir, iyong pabalik-balik na tanong at halos kada oras ay matatanggap akong reklamo na isang health worker, isang nurse, iyong mga frontline agencies natin, sa frontline industries natin na sila ay patuloy pa rin na hinaharang ng ating mga kapulisan. So ano po ba ang ginagawa ng ating pamunuan para talagang ma-inform ang ating mga PO1, PO2 na itong mga frontliners na ito ay hayaan na lumusot, hayaan na bumiyahe? Kasi iyong isang technician na gumagawa ng trabaho para sa mga nagda-dialysis, ito po ay kailangan po talaga, sir.

GENERAL BANAC:  Well, at this time, Sec. Martin, talagang nagkakaroon naman tayo ng adjustments ano.

This is the second day at lahat ng ating mga personnel na nakatalaga sa mga quarantine control stations ay well informed naman na ang kanilang tungkulin na gagawin. Iyon naman talaga at humihingi pa rin tayo ng kaunting paumanhin at pasensiya dahil kapag dumaraan po tayo sa quarantine control stations natin ay nagkakaroon po talaga ng delay. Alam naman natin na nagdo-domino effect iyong delay niyan ‘no. Bawat isa kasi na dumaraan diyan ay kinikunan natin ng body temperature, iyong thermal scanning at pagkatapos noon inaalam natin saan ka papunta, nasaan ang identification mo. So iyon ay umaabot ng ipagpalagay natin 15 seconds pinakamabilis na, 15 to 30 seconds, lahat na check na, na interview.

Imagine na lang, bawat isang iyon iinterbyuhin natin at nandoon pa iyong galit na naibubunton sa ating mga personnel. Pero okay lang iyon, talagang trabaho, tungkulin ng kapulisan, mga sundalo.

Pero iyong domino defect ng delay ay talagang hindi natin maiwasan pero malaki na po ang improvement. Nitong second day na ito, nakita natin na almost nag-stabilize na siya at iyon na lamang talagang dumaraan sa mga quarantine control points natin ay iyon na lang talagang mga essentials. At talagang nakita din naman natin ang cooperation ng public na nag-stay indoor na, stay at home for those na wala talagang lakad. At itong nakikita natin ngayon sa mga control stations natin ay iyon na lamang talagang essentials na talagang kailangan bumiyahe. So kaunting pasensiya lang po.

The following day, magkakaroon muli ng assessment ang Inter-Agency Task Force at mayroon nanaman tayong adjustment na gagawin diyan, Sec.  Martin at Usec. Rocky. So day by day ay mayroon po tayong progress, mayroon po tayong improvement, at makakaasa po ang lahat na talagang iigi din ito at bubuti iyong ating kalagayan alang-alang po sa public health. So laban natin ito, kayang-kaya natin ito, tulung-tulong lamang po.

SEC. ANDANAR: Alright. General, bago tayo tumungo sa tanong naman ng DZRH at ng KBP. Linawin lang po natin: Anong lanes po ba ang aasahan, anong special lanes po ba ang dapat asahan ng publiko? Mayroon tayong lanes para sa pagkain, mayroon tayong lanes para sa health workers? Paki-paliwanag lang po sa amin, sir.

GENERAL BANAC: Sa ngayon po ang naihiwalay natin ay iyong pong para po sa delivery ng mga foods and cargos, iyon po ang nakahiwalay na iyon. So medyo talagang bibilis na,   kumpara nung the other day. Doon pa rin iyong mga motorist at iyong mga commuters ay doon pa rin sa dating lanes.

So dito sa North Luzon Expressway ay naihiwalay na; at ganundin po sa South Luzon Expressway ay naihiwalay na rin. And maybe in the coming days ay more lanes will be opened for different kind of sectors, different kind of groups. So, as we go on magkakaroon pa rin tayo ng mga adjustments. So kaunting pasensiya lang talaga from the public.

SEC. ANDANAR: Siguro, sir, para talagang mas malinaw o mas madaling intindihin ng publiko: Lanes para sa pagkain, sa kaliwa;  lanes  para sa mga health workers, sa ginta; at lanes sa  kanan, iyong iba naman.

Kasi ang problema natin ngayon, sir, ay siyempre ang daming highway eh, hindi natin alam kung may kakayanan po iyong buong PNP na gumawa ng signage na tig-iisa. But if we can deliver the message on air, if the PNP can decide which lanes on the left would go for or para kanino ito or which lanes on the center, para kanino at sa right, sir. Siguro mas madali, sir, pag ginawa nating ganyan.

GENERAL BANAC:  Tama, iyon, Sec Martin. We will take note of that. At maganda po iyong idea na iyan na talagang we’ll make public na kung ano po iyong lane na para sa ganito, sa mga deliveries at para sa commuters ay ma-inform natin ang public. Gagawin po natin iyan as soon as possible.

SEC. DAR: Siguro, Sec. Martin, dagdagan ko lang na suggestion kay General Banac. Tama po iyong suggestion po ninyo na sana may lane for cargos, may lane for health workers, idadagdag na natin doon iyong mga skeletal workers sa bawat department, kasi ang dami ring na-trapik. So iyong iba, iyong commuters na.

USEC. IGNACIO:  Saka, Secretary, mayroon ding nagsabi dito na kung pupuwede daw po like iyong mga may tumatawag daw na tulong sa ating mga departments, ang sinabi dito kasi DSWD na kasi wala daw sumasagot, allegedly.

SEC ANDANAR:  Well, again these are birth pains. So maraming salamat po sa ating mga panauhin. Salamat po kay Secretary William Dar. Salamat po kay Cabinet Secretary Nograles – at hihingi po kami ng kopya, sir, nung binasa ninyo para amin pong magawan ng infographics. At salamat po, General Banac. Salamat din po kay Undersecretary Vergeire ng DOH.

USEC. IGNACIO: Ay, siyempre kasama po natin si Director Pebbles Duque na nandito rin ngayon.

SEC. ANDANAR:  Bureau of Communications Services, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service, salamat sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas sa iyong pakikiisa po sa ating pamahalaan. Ito po si Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office.

USEC IGNACIO:  Maging marunong at maingat po tayo sa pagharap sa suliraning ito. Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)