Press Briefing

Laging Handa Public Briefing hosted by PCOO Secretary Martin Andanar & Undersecretary Rocky Ignacio with Commission on Higher Education Chairperson Prospero De Vera; Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval; Department of Interior And Local Government Undersecretary Jonathan Malaya; and PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac

Event Laging Handa Public Briefing

SEC. ANDANAR:  Mabuhay Pilipinas at magandang umaga, maayong buntag – ito si PCOO Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Mga kababayan at buong Pilipinas, tayo po ay nandito para sa mga apektado pa rin sa iba’t ibang paraan, ay patuloy po ang pagkalat pa rin ng COVID-19.

SEC. ANDANAR:  At dahil dito, minabuti ng PCOO na magbuo ng isang plataporma na magkaroon ang publiko – ikaw, ako, kayo, tayong lahat – ng pamamaraan na makapagtanong at ang pamahalaan naman ay mabigyan ng pagkakataong magpahayag at magbigay-linaw patungkol sa mga hakbang na sabay-sabay natin ngayon ay tinatahak sa pagharap natin sa pandaigdigang pandemic na ito dito po sa Pilipinas. Welcome to Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  Every day we are now gathering Filipinos across the archipelago of representatives of relevant government agencies and members of media – online, on air, on the phone and in studio.

SEC. ANDANAR:  All brought together by the different arms of the Presidential Communications Operations Office led by the Peoples Television Network alongside the Philippine Broadcasting Service and its Radyo Pilipinas network, the Philippine Information Agency, the Philippine News Agency, the Office of Global Media Affairs, Bureau of Communications Services, the National Printing Office, APO Production Unit and IBC-13 in coordination with the Department of Health and in  partnership with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), all working together as your nationwide crisis communications platform.

USEC. IGNACIO:  Para sa Pilipino saan man tayo sa ating kapuluang at sa buong mundo, simulan na po natin ang Public Briefing on COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Mga kababayan, makakasama po natin live dito sa studio ang ating mga resource persons na sina Chairman Prospero ‘Popoy’ De Vera III ng Commission on Higher Education; Spokesperson Dana Sandoval ng Bureau of Immigration; Jonathan Malaya, DILG Undersecretary; at PNP Spokesperson Bernard Banac, Brigadier General.

Samantala makakasama rin po natin sa pagbibigay ng balita ang iba pang mga kasamahan natin, sina; Alexia Tinsay ng Philippine Information Agency; PTV-Cordillera Jorton Campana mula sa Baguio City; Dennis Principe ng PBS; Regine Lanusa mula sa Davao City; Stephanie Sevillano mula sa NLEX; at makakapanayam din po natin mamaya via phone patch si Bea Bernardo, PTV Correspondent.

USEC. IGNACIO:  Secretary, parang hindi talaga maputol iyong daloy ng mga pagdala sa atin ng mga tanong: Ano ba talaga, mayroon kasing mga lugar na talaga bang lockdown na, ilang barangay ito at ano ang kanilang mga dapat gawin.

SEC. ANDANAR:  Kaya importante talaga na tumutok tayo dito sa ating Laging Handa Public Briefing, Monday to Sunday, 11 to 12 noon. Samantala, narito po ang mga detalye at ilang paalala para sa mga kasamahan natin sa media, ang mag-i-issue po ng special media pass para sa mga journalists, PCOO through the International Press Center. For those interested, please send through email: intlpresscenter@gmail.com or ipco182@gmail.com. Ang requirements po: letter of request from your respective media agencies at isang passport size photo. Wala na pong nag-iimprenta ngayon ng litrato kaya puwede pong soft copy. You may also contact Lorina Delos Reyes at 0918-9792861 or 533-6095.

USEC. IGNACIO:  Samantala iyon naman pong latest natin sa sitwasyon pa rin ng COVID, as of 12 noon, March 18, 2020 umabot na po sa 202 ang dami ng kaso ng naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa buong bansa. Samantala, umabot na po sa labingpito ang pumanaw habang pito naman po ang bilang ng mga naka-recover ilang araw matapos ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at isailalim sa state of calamity ang buong bansa.

Kabi-kabila po ang mga katanungan ng ating mga kababayan kaya naman nagtalaga na po ng COVID-19 Hotline ang Department of Health, bukas po ito sa lahat ng caller nationwide. Maari po kayong tumawag sa (02)8942-6843; para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscriber, i-dial lamang po ang 1555.

Samantala, tunghayan naman po natin ang iba pang kaganapan sa Baguio City. Kasama natin si Jorton Campana mula sa PTV-Cordillera.

JORTON CAMPANA/PTV CORDILLERA:  Naimbag nga agsapa Secretary Martin Andanar at Undersecretary Rocky Ignacio. Sa ikatlong araw ng umiiral na enhanced community quarantine, lalong hinigpitan ang isinasagawang checkpoint at pag-iikot ng mga awtoridad sa buong Baguio City upang maipatupad ang 24 hours curfew at home quarantine. Sa iniutos ni Mayor Benjaming Magalong, hindi na papayagang makapasok ng lungsod ang non-residents ng Baguio City sa lahat ng major entry points simula ngayong araw.

Naglabas din ang City Health Office ng mas mahigpit na guidelines sa temperature checking sa mga checkpoints. Dahil sa problema sa mga sasakyan, inayos ngayon ng mga barangay officials ang ipapatupad na public transportation scheme para sa mga residente at empleyado na magtatrabaho sa mga frontline services at sa mga magpupunta ng public market, supermarket at groceries. Magkakaroon din ng special taxi service ngunit para lamang ito sa mga emergency cases.

Kasabay nito, mahigpit na ipapatupad ang ‘no facemask’ at ‘no ride’ policy at ang social distancing sa mga sasakyan at sa mga drug stores. Inatasan ang Baguio City Police Office na tulungan ang mga barangay officials na magpapatupad ng 24 hours curfew sa lahat ng residente at 9 P.M. curfew sa mga food services habang exempted sa curfew ang mga medical at health workers.

Magandang balita naman sa mga residente ng Baguio City dahil extended nang isang buwan ang bayarin sa kuryente at tubig para matulungan ang mga residente na hindi muna makapagtrabaho sa loob ng itinakdang quarantine period. Sa ngayon, itinaas na sa Red Alert Status ang Operation Center ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council para matugunan ang pangangailangan ng publiko Kasabay ng idineklarang enhanced community quarantine.

At may katanungan lamang ang mga kababayan natin sa Baguio City. Ang una kay Ma’am Irene Dumlao po ng DSWD at kay Undersecretary ng DILG, si Sir Jonathan Malaya. Ang una po sa DILG: Paano daw po ang pagpipili sa mga mabibigyan ng food assistance maliban sa mga 4Ps beneficiaries? At dahil isang buwan ang quarantine period, ilang beses po magbibigay ng food assistance ang DSWD? Ang karagdagang tanong sa DSWD ay: Paano po ang cash grant ng mga 4Ps lalo na sa mga liblib na lugar na wala pang cash cards?

At sa DILG naman po, nakausap namin ang ABC President ng Baguio City at sinasabing kahit gagamitin nila ang kanilang quick response fund ay kulang daw po para matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan. Paano po natin ito matutugunan partikular na po sa local government unit.

SEC. ANDANAR:  All right. DILG…

USEC. MALAYA:  [off mic]… natin na tumugon doon sa pangangailangan ng food assistance doon sa ating mga kababayan. Kaya po kailangan po kayong dumulog sa inyong higher LGU, meaning sa lungsod ng Baguio.

Ang Lungsod ng Baguio po ay isa po iyan sa mga mayamang lungsod sa ating bansa. It’s a highly urbanized city, ibig pong sabihin, may sapat pong pondo iyan under the Quick Response Fund. Dahil nga po nadeklara na ang buong Luzon at ang buong bansa bilang calamity area, puwede na pong magamit ng ating LGU iyong Quick Response Fund.

Pangalawa po, kung kakapusin naman po ang lungsod ng Baguio ng QRF, puwede naman po silang mag-realign. Ipatawag lang po ni mayor in a special session ang kaniyang konseho at i-realign. Iyon pong mga beautification projects po natin, iyong mga concreting, puwede po nating i-realign muna po iyon dito sa pangangailangan ng pagkain ng ating mga kababayan ‘no – ito po iyong kailangan nating tugunan right now. So umaapila po kami sa LGUs na gawin kaagad itong realignment na ito para po hindi mahirapan ang ating mga kababayan sa panahon ng quarantine.

Kami naman po, mayroon na po kaming coordination with the DSWD. Dito po sa Metro Manila noong isang araw, nag meeting po ang MMDA, DILG at ang DSWD para nga po  ma-coordinate na iyong pagbibigay nang tulong ng national government sa ating mga LGUs. At ang napag-usapan po sa meeting na iyon ay ngayong linggong ito, ang reresponde sa pangangailangan ng pagkain ng ating mga kababayan ay ang barangay at ang munisipiyo o lungsod. Iyong dalawang lebel po iyon kung sino po ang handang magbigay ng pagkain.

After this week, papasok na po ang DSWD para mamigay din ng kanilang tulong through the Technical Assistance And Resource Augmentation Program ng DSWD. Sa ngayon po, nag-iimpake na po ang DSWD ng mga pagkain.

So ito pong dalawang ahensiyang ito, the LGU and the DSWD, magpapalit-palitan po para masiguro na mayroon tayong tulong na maibibigay para sa ating mga indigent families na nangangailangan ng pagkain sa panahon nitong quarantine.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Usec. Jonathan Malaya. Salamat din Jorton Campana ng PTV Cordillera. Sa puntong ito ay balikan po natin ang ating mga panauhin: Si Chairman Prospero De Vera ng Commission on Higher Education, Spokesperson Dana ng ating Bureau of Immigration. At kasama rin po ang ating Undersecretary ng DILG, Jonathan Malaya; and of course si General Banac po ng PNP.

So ang unang katanungan natin ay—

USEC. IGNACIO: Secretary, mayroon lang pong galing sa tanggapan ni Senator Bong Go. Agreed in principle, ito ang sinabi ni Senator Christopher Bong Go sa kaniyang apila. Kasi good news po ito eh, sa Department of Finance and sa Internal Revenue or BIR na palawigin po ng isang buwan ang pagbabayad ng buwis o ITR. Sa isang pahayag sinabi ni Senator Go na matapos po itong mag-usap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III kung saan po ay nagkasundo aniya ang mga ito na palawigin ang tax payment nang hanggang May 15 imbes na April 15 po ngayong taon. Maglalabas po ang BIR ng kaukulang guidelines para sa nasabing extension na magbibigay ng pagkakataon po sa publiko na tutukan po ang kapakanan ng kanilang pamilya sa kasalukuyang sitwasyon.

Matatandaang sinabi ni Senator Bong Go na ang pagpapalawig sa pagbabayad ng buwis sa BIR ay para tiyakin na maisasaalang-alang ang kalusugan at buhay ng mga Pilipino sa harap pa rin po ng krisis sa COVID-19. Iyan po ang pahayag mula sa office ni Senator Go.

SEC. ANDANAR: Malaking tulong iyan, Rocky, kasi imbes na April 15 ay napalawig na nang May 15. Iyan ang panawagan ni Senator Bong Go noong nakaraang araw sa Department of Finance at sa Bureau of Internal Revenue.

I understand mayroon pa siyang isang panawagan. Itong panawagan naman para sa mga senior citizens, iyong assistance para sa mga senior citizens. Sabi niya, “Handa po akong tumulong kung anuman ang kailangang gawin o mga proseso na dapat padaliin para maibigay ng DSWD at ng ibang mga ahensiya ng gobyerno ang tulong para matugunan ang mga pangangailangan ng taumbayan, gagawin ko.” So ito po ay iyong panawagan ni Senator Bong Go sa Department of Social Welfare and Development and other concerned agencies and local government units to implement the services directed to provide additional support for senior citizens.

The Senator cited, “Government data indicating that majority of COVID-19 fatalities are elderly because of their weak and compromised immune systems, they are more prone to respiratory infections, so ang priority ko ay to include the welfare of one of the most vulnerable sectors in the society. At nanawagan sa DSWD to implement social welfare and social protection program and services by prioritizing the provision of the social pension for indigent senior citizens. As well as providing assistance to individuals in crisis situation, distribution of food and non-food items and sustainable livelihood programs to vulnerable sectors most affected by the enhanced community quarantine.”

Alright. Samantala, sa gitna po ng banta ng COVID-19, isa ang pag-aaral ng mga estudyante, particular na mga nasa Luzon ay lubhang naapektuhan matapos ang pagpapatupad ng isang buwan community quarantine.

Linawin po natin, Chairman, sa Luzon lang po ba ang tigil klase? Ano po ang mangyayari sa kanila ngayon?

CHAIRPERSON DE VERA/CHED:  Maraming salamat Secretary Martin. Dahil sinimulan muna sa good news, good news din iyong aking sisimulan. Makatapos kong ilabas ang Advisory #5 ng CHEd noong isang araw pagkatapos sa deklarasyon ng Presidente, naglagay tayo ng monitoring system para sa mga complaints on the ground at monitoring system para mag-report iyong mga universities and colleges sa CHEd.

So unang magandang balita, kahapon ay umabot sa akin ang balita na mayroon daw private universities na nangongolekta ng tuition ngayong buwan na ito at nahihirapan ang mga estudyante at magulang na magpunta doon. So ako ay naglabas ng pakiusap at naglabas ako ng press statement na nakikiusap sa mga private universities kung puwede na wala munang koleksiyon ng tuition for this month, at kung puwedeng i-stagger iyong payment ng tuition sa mga susunod na buwan para hindi mahirapan ang ating mga estudyante.

At natutuwa ako dahil agad-agad na nag-respond ang University of Perpetual Help System – nagpapasalamat ako kay President Tamayo for their very quick response. At iyong Immaculate Conception Institutions nagsabi kaagad na sila ay susunod doon sa ating pakiusap. At kagabi, nakausap ko ang PAPSCU, ito iyong association ng private universities, mga halos isandaang private universities ito sa ilalim ni President Almeda Sese na president din ng COCOPEA – ito iyong pinakamalaking association ng private schools. Sila daw ay tutulong na hindi mangolekta ng tuition for the ‘one month quarantine’ and also staggered payments for the subsequent months.  So iyan ang unang magandang balita.

Ang ikalawang na-monitor natin kahapon ay mga estudyanteng na nagrereklamo sa online classes. Dahil sa enhanced quarantine, iyong mga estudyante na mahina ang signal, walang signal sa kanilang mga bahay at hindi makapunta sa mga internet café dahil mayroong transportation limitation ay nakikiusap at nagrereklamo na hindi sila makapag-comply. So ako ay naglabas ng advisory kahapon na pinagsasabihan lahat ng pamantasan na i-review iyong kanilang delivery system ng online, at marami nang universities ang nag-a-adjust dito. Ang mensahe ko sa kanila, hindi naman open distance learning lang ang paraan para ipagpatuloy ang pag-aaral. Puwedeng magbigay ng assignment, puwedeng magpasulat ng papel, puwedeng mas low-tech na paraan ng communication sa mga estudyante, and then after one month, saka i-assess ito. At maraming universities ang nag-comply na. Although may balita ako na mayroong mga universities na medyo mabagal pa rin: Itong nababanggit online ay iyong Centro Escolar University at College of St. Benilde. So ako’y nakikiusap ulit sa mga presidente at mga pamunuan ng mga public, private universities to exert extra leniency to the students to adjust the delivery mode without compromising standards para itong isang buwan na ito ay magamit natin nang tama.

At iyong pangatlong magandang balita, nabalitaan ko kahapon na mayroong labing-anim na estudyante ng  Ilocos Sur State Polytechnic College na galing ng Boracay, nag-OJT, naipit sa Clark International Airport, kaya minobilize natin ang Region I at saka Region III office ng Komisyon kasama nang Ilocos Sur State Polytechnic College, nagpadala tayo ng bus.

Nakuha na po ang mga estudyante kahapon. Nagpapasalamat ako sa Provincial Government ng Ilocos Sur at ng Pampanga at Clark Development Corporation. Ang mga bata po are safe in their houses and undergoing self-quarantine. So pinapakita nito na buhay na buhay ang bayanihan spirit; kapag nagtulung-tulungan lahat, napakabilis – noong nalaman iyong problema, within 3 hours nakapagpadala ng sasakyan. Nagpapasalamat din ako doon sa mga nagbigay ng pagkain sa mga estudyante.

Mayroon pa kaming nakukuhang mga balita, may mga dadating na estudyante galing sa Japan, galing sa Aklan State University at huwag ho kayong mag-alala doon sa mga magulang ng estudyante ito, hindi ho pababayaan ng Komisyon ang inyong mga anak. Sisiguruhin nating sila ay safe at makakarating—o kung hindi man mag-quarantine sa Manila, makakadating sa inyong mga bahay.

USEC. IGNACIO:  Okay, salamat po. Para naman po kay—sa Bureau of Immigration, kay Ms. Dana, ito po ang tanong: Anu-ano daw po ang travel restriction na puwede ninyo ibahagi sa amin at ano po iyong protocol na sinusunod ngayon sa mga paliparan sa bansa sa kabila ng banta ng COVID-19? Kasi mayroon po kaming mga litratong natatanggap Ms. Dana na doon pa lang sa airport parang hindi na nao-observe iyong social distancing – dikit-dikit pa rin sila, Ms. Dana?

BI SPOKESPERSON DANA:  Yes, opo. As of yesterday po, lifted na po iyong 72-hour ban, restriction po iyong window natin for departing passengers. So iyong mga previously implemented po na travel restrictions still remain in effect. So sa kasalukuyan po, ang ating mga travel restrictions for arriving passengers are for passengers coming from China, Macau, Hong Kong, North Gyeongsang, Daegu and Cheongdo of South Korea, pati po Iran and Italy.

So iyong mga nanggagaling po sa China, Macau, Hong Kong, North Gyeongsang… kailangan po kapag mayroon po silang travel history dito sa mga bansang ito within the last 14 days, hindi po sila papapasukin dito sa Pilipinas. Kung ang pasahero naman po ay galing sa Iran and Italy within the last 14 days, ang ire-require po natin sa kanila is a medical certificate saying that they are COVID-19 free issued within the last 48 hours po.

So bukod po dito, ang mga exempted po sa mga restriction na ito ay iyong mga Pilipino, iyong mga asawa po nila, mga anak, saka mga foreigners po with Philippine permanent resident visas and holders of 9E diplomat visas issued by the Philippine government. But still po, they will still be referred po to the Bureau of Quarantine subject po sa assessment kung kinakailangan po nilang mag-undergo ng quarantine procedures.

Ngayon sa departure naman po, ang advice po sa atin ng IATF is ang non-essential travel po ng mga Filipino citizen ay ipagpaliban po muna, so kasama po dito iyong mga turista. Ang pinapayagan lang po natin ngayon dito po sa ating bagong resolution, mga Overseas Filipino Workers, balikbayans at saka mga foreign nationals po. So lifted na po iyong 72-hour timeframe, they can leave anytime po during the quarantine period.

Sa ngayon po, we are implementing po iyong social distancing sa airport although during the 72-hour period nakita po natin na nagkaroon po ng difficulty diyan dahil nagkaroon po ng marami, bumuhos po iyong mga gusto pong lumabas ng bansa. But little by little, we’re seeing po na lumuluwag na rin po iyong ating mga airports following the lifting of the 72-hour travel restriction kaya po nai-implement na po natin nang maayos iyong social distancing. Pati po iyong mga airlines natin and mga airport personnel po, na-advice na rin po sila to implement strictly, tulung-tulong po tayo sa pag-i-implement nito sa ating mga airports.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval. Dumako naman tayo sa Department of Interior and Local Government. Usec. Jonathan Malaya, sir pakibigyan ninyo po kami ng detalye tungkol sa ceasefire na idineklara ni Pangulong Duterte.

USEC. MALAYA:  Opo. Maraming salamat po, Sec. Kagabi po nagdeklara ang ating Pangulo ng unilateral ceasefire. Ibig pong sabihin, on the part of government lang po ito, wala po itong kasunduan with the Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front. Nagdesisyon po ang Pangulo na magkaroon po ng ceasefire para po iyong ating kapulisan at ating military ay makapag-focus 100% dito sa COVID response.

Kasi nga po ang ating kapulisan, nandito nga po si General Banac, ang ating Spokesperson, ako’y natutuwa na nakikita ko siyang alive and very well ‘no. Sila po talaga iyong napakaimportanteng halaga ng kanilang ginagawa ngayon: Una, sila iyong nagbabantay ng mga checkpoint; sila iyong nagpapasok ng pagkain. Tapos sa distribution ng pagkain, General Banac, ay hihingi din ng tulong ang mga local government units. So kung ang mga kapulisan po ay nakikipaglaban pa rin sa NPA, ay hindi po makakapag-focus ang ating mga kapulisan para sugpuin ang problema ng COVID.

Ngunit ito lang po Secretary ‘no, nakakalungkot na ang naging tugon naman po ng Communist Party of the Philippines ay wala pa daw basehan para sila din ay magdekalara ng ceasefire. So ito na naman, lumalabas po sa kanilang mga aksiyon na wala po talaga silang pakialam sa sitwasyon na kinakaharap ng ating bansa ‘no. Lumalabas po na makasarili lamang sila, kasi ito na po ngayon ang gobyerno na nanawagan ng tigil-putukan at nag-issue na po si Secretary Año ng suspension of offensive police operation; at ito naman iyong Communist Party, New People’s Army ay ang tugon naman ay, “Wala pa, hindi pa puwede kasi ang kondisyon ay wala pa diyan.

So well ang atin pong kapulisan, ready naman iyan kung sakaling sila ay tirahin ng mga New People’s Army, lalaban sila ngunit sana naman po, huwag naman po sanang—sana po ilagay naman ang national interest above their own interest. Ang buong bansa po ay nasa state of calamity, ngunit kung ang tugon po ng kaliwa ay ganito, lumalabas lang po ang tunay nilang mga kulay – wala po silang pagmamahal sa ating bansa at ang gusto lamang nila ay pabagsakin ang gobyerno kasama na rin ang taumbayan.

USEC. IGNACIO:  Usec., may pahabol lang pong tanong. Kamusta daw po iyong enhanced community quarantine, iyong assessment po ninyo, iyong pakikipagtulungan po sa inyo ng LGUs.

USEC. MALAYA:  Well, malaki pong hamon ito. Ako na po ang magsasabi na napakalaking hamon po ito sa DILG at sa ating mga local government officials, pati na po sa Philippine National Police. Ngunit for the past several days po na mayroon tayong total lockdown, iyong mga problema na ating hinarap ay dahan-dahan na pong nasosolusyunan.

Unang-una po, ang report po for example ng San Miguel Corporation sa amin ay nakakadaan na iyong mga trucks ‘no sa mga checkpoints natin ‘no. So iyon pong mga konting problema, humihingi po ulit kami ng paumanhin sa ating mga kababayan. Hindi lamang po ang Pilipinas ang ganito, sa Malaysia ang traffic po sa border, tatlo-apat na oras. Sa Europe, ganoon din po ang problema sa mga borders dahil nagsasarahan po lahat ng bansa ng kanilang mga borders.

So konting pasensiya na lang po ‘no at gaya nga po ng sinabi ko, malaking hamon po ito sa mga local government units. So nananawagan po muli ang DILG sa mga LGU, ito na po ang panahon para ipakita ninyo ang inyong galing ‘no. Mayroon pong pondo na nandiyan, sana po gumawa po tayo ng sistema para iyong pagkain ay makarating sa ating mga kababayan. Mayroon po kasing nakarating sa aming report, for example sa isang LGU ay namigay ng pagkain, wala namang sistema. Dahil walang sistema, ‘ayun, wala tuloy social distancing.

Ang pinakamaganda pong sistema diyan ay ginagawa ng ibang LGU, ayoko na lang pong magbanggit kasi baka magkainggitan pa, is dalhin natin iyong pagkain sa barangay at ang barangay ang mag-distribute house-to-house. Ganoon po talaga ang the best! Kung ang gagawin po natin ay papipilahin natin iyong ating mga kababayan sa munisipyo, magkakagulo po. Nandiyan po, sistema po ang kailangan natin; sistema para po iyong ating mga kababayan ay manatili na lamang sa bahay, ihatid na lang natin iyong pagkain sa kanila or gumawa po tayo ng sistema na hindi made-defeat ‘no, matatalo iyong purpose natin kung bakit tayo nag-quarantine.

Nag-quarantine tayo to limit the movement of people, pero kung ang sistema natin ay hindi naman natin sila pinipigilang lumabas, bagkus ay pinapalabas natin sila, eh pinapalala lang po natin ang problema. So iyan po ang malaking hamon ngayon sa ating mga local government units. Malalaman po ng taumbayan kung sino po ang magaling at sino po ang hindi.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sunod na tanong po para po kay Usec. Malaya and kay General Banac din po mula pa rin kay Alexie Romero ng Philippine Star at ni Christina Maralit. Mayroon daw pong kahilingan si Mayor Vico Sotto na payagan kahit tricycle dahil kailangan daw po talaga ito lalo na kailangang magdala ng may sakit. At sinasabi po ni Ace Romero ng Philippine Star na ano daw po gagawin ng PNP kung papayagang daw po—hindi daw pupuwede ang tricycle at saka ang Grab pero iyong military truck. Pero hindi daw po nao-observe iyong social distancing.

USEC. MALAYA: Okay, Usec., naiintindihan po namin iyong—kung bakit humihiling si Mayor Vico Sotto ng Pasig ng exemption ngunit—unang-una po kasi… let me emphasize na ang mass transportation po talaga ay bawal kapag may quarantine dahil ang mass transportation po ang nagdadala ng virus paikot at palayo sa mas madaming tao.

Every person is a potential carrier, so, kaya po wala tayong mass transportation mula tricycle hanggang bus. Ngayon po, humihingi po siya ng exemption dahil ang sabi niya para daw sa mga health workers. Sa monitoring po namin sa Pasig, hindi lang naman po health workers ang sumasakay, lahat po ng tao sumasakay.

Ngayon, kung ang purpose po natin ay health workers, sana po tingnan ng Lungsod ng Pasig iyong ginawa ng ibang lungsod. For example po, sa Parañaque. Sa Parañaque po humiram sila ng bus mula sa Okada at sa City of Dreams at sa Solaire at lahat ng bus na ito gumawa sila ng ruta, doon nila pinapasakay iyong kanilang mga health workers. Ang Parañaque ba ay pinayagan ang mga tricycle, hindi! Sa Quezon City ba pinayagan ang mga tricycle? Hindi rin! So, ang hindi ko po maintindihan, kung nagagawan po ng paraan ng ibang LGU na makagawa ng sistema ng paghahatid ng mga health workers sa kanilang pupuntahan, bakit hindi po magawa ng Pasig?

So, of course, we respect the opinion of Mayor Vico Sotto in Pasig. Ngunit pasensiya na po, Mayor, hindi po talaga namin kayo puwedeng pagbigyan. Kasi po if we allow mass transportation in Pasig mamaya po magre-request na ang Valenzuela; magre-request na ang Cabuyao; magre-request na po ang lahat. Kapag ginawa po natin iyan, we give an exemption, it will defeat the entire purpose of the quarantine. Huwag na lang po tayo mag-quarantine kung ganoon. At sana po maintindihan ni Mayor kung bakit po naging ganoon ang posisyon ni Secretary Año, ng IATF, ng ating Pangulo – ito po ay para din para sa ating lahat.

So, again, I appeal to Mayor Vico, suportahan ninyo na lang po itong ating ginagawa, mag-provide po ang LGU ng mga sasakyan—madami pong sasakyan ang Lungsod ng Pasig, i-pullout ninyo po ang ibinigay ninyong sasakyan sa DepEd, iyong ibinigay ninyong sasakyan sa COA, i-pullout ninyo lahat iyan, lahat ng drivers ninyo gawan ninyo ng ruta para makarating ang mga health workers ninyo sa kanilang mga ospital gaya ng ginagawa ng ibang local government units.

SEC. ANDANAR: Malinaw na malinaw, Usec. Jonathan. Para naman kay General Banac. Naku! Ito po iyong tanong mula sa Daily Tribune: May we request to facilitate the list of IDs, IDs daw mula sa PCOO, pero iyong checkpoints are a challenge kasi kahit na hindi pa ho paso iyong deadline ay hindi na ho pinapapasok ng ibang mga pulis iyong mga miyembro ng media. Sir, baka puwede pong sagutin iyon?

P/BGEN. BANAC: Yes, tutugunan natin iyan, Secretary Martin at Usec. Rocky. Ang lahat po ng mga kasama natin sa media, lahat ng mga kagawad ng media ay pinapayagan naman po na dumaan sa lahat ng ating mga quarantine control points, mayroon nga lamang ibinigay tayo na deadline, ito ay hanggang March 21.

So, tayo po ay nananawagan din sa lahat ng kooperasyon na kung maaari po ay makipag-ugnayan kaagad sa Office of the Presidential Communications Operations Office nang sa gayon po ay mabigyan kayo ng kaukulang permit ninyo at kung sakali man talaga na kinapos at napadaan kayo sa ating mga control points, maaari po ninyong ipakita ang inyong company ID at ang inyo pong certificate, company certificate na kayo po ay otorisado ng inyong company na kayo po ay lumabas at kumuha ng mga reports sa field at ipakita po ito sa ating mga kapulisan doon sa naka-duty sa mga control points at ipaliwanag na lang po ninyo ang inyong situation dahil talagang ginagawan pa rin naman ng paraan nang lahat ay mabigyan talaga ng kaniya-kaniyang IDs.

Pero, in general, ay—ang media, lahat po ng mga kasama natin sa media ay maaari pong dumaan sa mga control points natin.

SEC. ANDANAR: Yes, sir… kasi palagay ko nagkakaproblema siguro iyong ilang pulis ay pinapapasok iyong mga reporter, iyong mga kilala, pero iyong mga nasa likod po ng mikropono, iyon pong mga nasa transmitter, iyon pong nag-iimprenta, iyong mga technical po sir siguro pagbigyan ho kasi kailangang klaruhin talaga na hindi lang ho reporter kung hindi all media workers dapat i-cascade doon sa pinakababa, hanggang PO1, na puwedeng papasukin. Sa palagay ko po sir, doon nagkakaproblema kasi ang mga reklamo na natatanggap ko ay mostly from those media workers na nasa likod ng camera, likod ng mikropono, likod po ng—wala pong mga byline sa diyaryo.

P/BGEN. BANAC: Tama iyon, Secretary Martin at well noted po ito at ipaparating kaagad natin ito sa lahat ng ating mga personnel na nakatalaga sa lahat ng community quarantine points natin.

So, wala po dapat ipag-aalala ang ating mga kasama sa media, kasama po kayo sa mga papayagan na dadaan po.

SEC. ANDANAR: Thank you, sir. Rocky, you have additional question?

USEC. ROCKY: May tanong lang po si Kristina Maralit ng Daily Tribune: Kung nagkaroon na daw po ng protocol ang PNP doon sa pagdi-disclose ng alleged police na may COVID-19, General Banac?

P/BGEN. BANAC: Ah, yes, tama po, Usec. Rocky. Tayo po ay sumusunod doon sa protocol na pinaiiral po ng Department of Health patungkol po sa identity ng lahat ng mga posibleng nahawaan ng COVID-19 at ito po ay strictly na gagawin natin upang maging uniform po ang lahat ng treatment pagdating po sa pagbibigay ng information.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, General Banac. At mayroon din po tayong mga nakalap na mga katanungan mula sa ating mga kababayan sa buong Pilipinas po. Nandito na ang ating representative ng Philippine Information Agency, makakasama natin si Alexa Tinsay.

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Narito po tayo muli, marami pong tanong ang publiko at upang makatulong ay naglikom po tayo ng kanilang mga query ukol sa COVID-19. So, ang unang tanong ay mula sa mga seaman. Tanong po nila: Paano na ang allotment para sa aming pamilya kung hindi pinapapasok ang mga empleyado sa aming mga kompanya sa Pilipinas, walang magpo-process ng aming papers? Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: So, sino ang puwedeng sumagot doon sa ating mga panauhin? Paki ulit iyong tanong, Alexa.

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Tanong po nila: Paano na ang allotment para sa aming mga pamilya – ito po ay tanong ng mga seaman – hindi po pinapapasok ang mga empleyado sa aming mga kompanya sa Pilipinas, walang rin pong magpo-process ng aming papers?

SEC. ANDANAR: Okay, the question is for the Department of Labor and Employment. We will forward that question to Secretary Bebot Bello. Pero again, para po sa mga kababayan natin na nangangamba dahil sila ay nawalan ng trabaho, kung kayo po ay nawalan ng trabaho, mayroon pong emergency employment program ang DOLE na bibigyan po kayo ng trabaho pero ito lang nga, minimum iyong suweldo, but that’s better than having nothing at all.

Para sa mga magka-quarantine po nang fourteen days, ipinapaalala mo ni Secretary Bebot na kailangan ho ay makipag-usap iyong employer sa DOLE kung iyong magpa-self-quarantine ay wala na hong leave credits na natira dahil ang sasagot po niyan ay ang Department of Labor and Employment. Next question, Alexa?

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Maraming salamat po. Ang pangalawang tanong ay mula kay Leslie from the Royal Caribbean Ship, ang tanong niya: Do we still need to be quarantined as soon as we get home even if we are healthy onboard? Thank you very much.

SEC. ANDANAR: Depende ho iyan. Kung talagang mayroon hong pasyente sa loob ng barko ay you really need to go on quarantine. Lahat ho ng mga kababayan natin na galing po sa Hong Kong, sa Macau, sa China, you need to go on a quarantine sa isang quarantine facility pero kung kayo po ay—ito po ay barko na galing sa ibang bansa, you still need to do a self-quarantine, fourteen days. Iyan po ay para lang masiguro na wala po kayong sakit. Alexa?

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Mayroon pa ho tayong dalawa pang tanong. Ang tanong po na ito ay nagmumula kay Daisy Bautista mula sa San Pablo, Isabela. May video po tayo ni Daisy, panoorin po natin ito.

[VTR]

DAISY BAUTISTA: (NO AUDIO)

SEC. ANDANAR: Hindi marinig.

ALEXA TINSAY/PIA CORRESPONDENT: Tanong po ni Daisy: Paano po raw silang mga estudyante ngayong wala na ang klase?

SEC. ANDANAR: All right. Siguro ang makakasagot niyan ay si Chairman Popoy – Chairman?

CHAIRPERSON DE VERA: Iyong binitawan nating advisory number 5, dahil pinalawak sa buong Luzon ang Enhanced Quarantine, inaatasan nito iyong mga pamantasan na unang-una, siguruhing walang klase at ang mga estudyante ay dapat nasa bahay. Ikalawa, siguruhin na ang kanilang mga faculty ay mag-work from home. Ikatlo, siguruhin na linisin nila iyong premises ng eskuwelahan, siguruhin na i-cancel lahat ng OJT classes, lahat ng mga ginagawa ng mga estudyante. So, ito iyong utos at sinusunod ito.

Sec. Martin mabanggit ko lang, kasi mayroong lumalabas na fake news. May lumalabas na fake news na sinabihan ko daw na itigil na lahat, wala nang requirement, pasado na lahat ng mga estudyante  kung ano iyong na-submit nila by March 11, iyon na – fake news po iyan.

Iyong advisory po natin ay sinasabihan ang mga universities na mag-adjust doon sa isang buwan. Ibig sabihin, puwedeng ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante, kaya lang nga, hindi na sa eskuwela. Puwedeng bigyan ng assignment, puwedeng bigyan ng papel na isusulat at ia-assess sila pagkatapos. Huwag po kayo maniniwala dito sa fake news na kumakalat na inutusan ko na graduate or tapos na lahat as of   March 11 ang mga estudyante.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Chairman Popoy. Mayroon tayong huling tanong mula po naman sa PIA. Alexa?

ALEXA  TINSAY: Maraming salamat po. This is also in relation to classes. Ang ika-apat na tanong ay nagmumula kay Marielle Varela, isang estudyante sa Concepcion, Tarlac.

(VTR)

MARIELLE BARELA:  Knowing that this school year has not formally ended.  Will the next school year be moved as well to give way for the continuation of this school year, after the state of public health emergency is lifted?

CHAIRMAN DE VERA: Yes, naglabas na ako ng advisory the other day na nire-relax na iyong regulations, kasi dati lalona sa mga private schools, bago nila puwedeng i-adjust iyong academic calendar nila, ay kailangan silang humingi ng prior approval ng commission. Waived na po ng commission iyan, ayaw natin na iyong mga regulasyon ng pamahalaan ay makakapagpahirap sa mga eskuwelahan. So private schools can adjust their academic calendar; they can adjust their semester; they can move their requirements in the following months as needed. Hindi na po nila kailangan ng permiso ng komisyon. Ang nire-require natin sa kanila ay i-inform iyong commission in writing para alam namin kung paano sila tutulungan. So, puwede pong i-move, puwedeng pahabain iyong semester, madami pong mga eskuwelahan sa kanilang reports, ganyan ang gagawin nila, iyong iba hindi na magsa-summer class para itong second semester ay mapapahaba. Discretion na ho ng mga pamantasan iyan, depende doon sa pangangailangan nila sa local area kung paano nila ia-adjust iyong kanilang academic calendar, iyong kanilang school year, iyong kanilang requirements, iyong kanilang classes.

USEC IGNACIO: May pahabol lang po na tanong bago natin puntahan iyong ating reporter sa labas. Siguro si General Banac ito, tanong ni Joseph Morong: Kung darating daw po iyong protection equipment para sa ating mga health workers at sabi daw po—may lumalabas online na Pagcor daw po is issuing certification sa POGO to allow work from home.

GENERAL BANAC:   Well, pagdating naman po sa Personal Protective Equipment, ang lahat po ng mga equipment ay naiparating na natin sa ating mga kasama. Lahat ng PNP personnel, AFP personnel, base doon sa mga deliveries at iyong mga donations na nakarating sa atin, nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga nag-donate, sa publiko na mga mabubuting loob, talagang sinuportahan nila ang lahat ng ating mga frontliners at malaki po talaga ang naitulong nito para po bigyan din ng proteksiyon ang atin pong mga proteksiyon ang atin pong mga kapulisan, mga health workers at mga kasundaluhan na nasa frontline natin.

Pagdating naman sa implementation ng no operation laban sa mga POGOs nariyan po ang PNP, patuloy po na nagbabantay at alerto para sa mga operations na ganito. Ang PNP po ay patuloy na nagro-roving, may mga patrols tayo para po ma-implement strictly ang mga provisions and mga policies na ito. So, iyon po ang ating tinitiyak na wala pong mangyayaring mga operations na iyan habang isinasagawa natin ang enhanced community quarantine.

USEC. IGNACIO:   Salamat, General Banac. Samantala makibalita naman tayo sa ating PTV correspondent na si Stephanie Sevillano mula sa NLEX.

[NEWS REPORTING FROM PTV DAVAO BY REGINE LANUSA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Regine Lanusa. Secretary, may isang tanong si Tuesday Niu: Totoo po daw ba na nag-self quarantine na si Health Secretary Duque?

SEC. ANDANAR: Mayroong kaming IATF ngayong hapon – alas dos, wala pa akong update kung ito ay matutuloy. Pero sa tanong ni Tuesday, siguro we defer to the Department of Health kasi siyempre sila iyong maglalabas ng statement kung anuman ang present na situation o kalagayan ni Secretary Duque.

USEC. IGNACIOL: Okay. May tanong din kay General Banac si Francis po ng Daily Tribune: Ano daw po ang gagawin ninyo sa mga LGUs na hindi susunod sa mahigpit na babala ni Pangulong Duterte tungkol sa social distancing?

GENERAL BANAC: Well, bahagi po ng mandato ng PNP ang makipag-ugnayan sa ating mga local government units, sa mga local chief executives, at hangga’t maaari po ay maganda po ang ating magiging coordination at ugnayan. Kung sakali naman talaga na makitaan natin kulang, may kakulangan sa kooperasyon, ipapaabot natin ito sa atin pong mga nakakataas na opisyal natin upang sa ganoon ay maipa-abot sa ating DILG Secretary. At narito naman ang ating kasamang si Usec. Jonathan Malaya, ang ating DILG Spokesperson. So ganito, hangga’t maaari ay maiwasan natin na talagang dapat lahat ay full cooperation ang bawat isa.

USEC. IGNACIO: Usec. Malaya, saan daw po pupuwedeng magsumbong o mag-complain?

USEC. MALAYA: Opo, Secretary. Mayroon po kaming hotline kung tatamad-tamad po ang inyong mga local government officials. Puwede po kayong tumawag sa aming Public Assistance and Complaint Center – 89250343, at idagdag ko na lang doon sa sinabi ni General Banac. Doon po sa mga barangay officials or local government officials na magpapabaya at mapapatunayang magpabaya, based sa report sa amin sa sa DILG ay puwede po kaming magsampa ng kaukulang kaso sa inyo – gross negligence or gross neglect of duty or insubordination – dahil nga po maliwanag po ang tugon at mandato ng ating Pangulo na kailangan manguna ang ating barangay at ang mga mayor sa pagpapatupad ng mga protocols or ng mga measures para labanan ang COVID. Ito po ay hindi lang naman dahil utos ng Pangulo; ito po ay dahil ito po ay sa kapakanan ng inyong mga constituents.

So once again, nakikiusap po kami sa mga mayors at sa mga barangay officials na huwag na po sana tayong makarating sa punto na magsasampa pa ang DILG sa inyo ng kaso. Sana po ay gawin natin ito as part of public service, kasi dito po masusubukan ang galing ng ating mga local government officials!

SEC. ANDANAR: Isang question pa, Usec. Jonathan. Linawin lang po natin, dahil kanina may kausap ako sa Zamboanga City at may kausap din ako doon sa Butuan, at ang pakiramdam nila ay kasama sila dito sa enhanced community quarantine.

Linawin lang po natin iyong mga panuntunan po na nilalabas ng ating IATF: Ito ho ba ay para sa Luzon lang o ito ho ay applicable sa buong bansa dahil state of calamity po iyong buong bansa?

USEC. MALAYA: Well, karamihan po sa mga regulasyon sa IATF ay applicable lamang sa Luzon. Ngunit mayroon din po siya, iyong siyempre social distancing measures para sa rest of the country.

Ngayon po, kung sa tingin ng ating mga LGU officials doon sa kanilang lugar outside of Luzon na kailangan nilang mag-implement ng similar action, ang pakiusap lang po namin sa kanila ay makipag-ugnayan sila sa DOH. Kasi po kailangan po kasi, evidence-based ang kanilang desisyon. For example, kung magkakaroon po sila ng parang lockdown-style na labas naman ng Luzon, it would be best ‘no kung makikipag-ugnayan sila sa DOH para mabigyan sila ng tamang advice.

Noong nagdesisyon po ang ating pamahalaan na ilagay ang Luzon on lockdown or enhanced community quarantine, this was upon the recommendation of Secretary Duque. So ganoon din po sana sa LGUs, sa baba. If we are to impose a similar lockdown, kausapin po muna natin ang DOH Regional Director na nakakasakop sa inyo para po mabigyan kayo ng tamang advice.

Ngunit hindi po kayo pinipigilan ng DILG. Maliban na lang po kung minsan kami ay tumatawag sa inyo but kung ano po ang sa tingin ninyo na kailangan ninyong gawin based on the advice of DOH, nakasuporta po kami sa DILG.

Ngayon po, Secretary, may I also take this opportunity habang nandito na ako sa inyong napakagandang programa to announce to the public na ang DOH po and the DILG have already launched a hotline, an emergency hotline. Ito po ang 1555 or ang 02894COVID. Inuulit ko po, ito po iyong hotline 1555 or 02894COVID or 0289426843. Ito po ay isang partnership between the DILG, the DOH, and PLDT and Smart Communications. Ngayon, ano po ang puwede nating makuha dito sa hotline na ito? Kung kayo po ay may tanong medically, medical questions po ‘no, hindi po ito ibang bagay, hindi po puwedeng tungkol sa checkpoint dito or magtanong tungkol sa biyahe ‘no – medical po. Kung mayroon po kayong tanong tungkol sa COVID-19, gusto ninyong humingi ng emergency assistance, sa tingin ninyo po ay may sintomas kayo at gusto ninyong malaman ang mga regulasyon, tumawag po kayo sa number na ito: 1555  or 02894COVID.

Ngayon po, ito pong mga sasagot sa inyo ay mga taga-DILG na trained po ng DOH. So lahat po ng impormasyon kapag emergency cases ay ipapadala po namin sa DOH COVID-19 Emergency Operations Centers para po maaksiyunan kung kailangan pong aksiyunan.

So ito pong collaboration na ito ay kasama sa mga ginagawa ng DOH, ng DILG para mas mapalaganap natin ang tamang impormasyon sa panahon ng info-demic na ito. So mas maganda po kaysa po sa internet kayo tumawag, kasi mayroon kayong hinihingi na medical advice, dito na lang po kayo tumawag sa hotline na ito.

At finally, Secretary, kami po kasi sa DILG ay napupuno ng mga prank calls, so pakiusap po natin sa ating mga kababayan, sana po huwag tayong tatawag sa number na ito kung magpa-prank call or tatawag lang po tayo para mang-inis. Ito pong number na ito ay para sa mga nangangailangan s0 sana po ay huwag po tayo tumawag kung hindi naman po talaga kailangan.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Usec. Jonathan. Para po naman kay Spokesperson Dana, mayroon po ba kayong mga pahabol na announcement bago po tayo magtapos?

BI SPOKESPERSON DANA:  Siguro po, lagi naming inuulit-ulit sa Bureau of Immigration, just a reminder po sa ating traveling public, even po parte po kayo nang mga classes na puwede pong bumiyahe, ang suggestion po namin is ipagpaliban po muna ang inyong travel kung non-essential po ito. Of course mahalagang-mahalaga po ang social distancing, maiwasan po natin ang pagkalat ng sakit na ito through pag-iingat po sa ating mga sarili. So kung hindi po mahalaga ang inyong travel, it’s best po na ipagpaliban po muna. Iyon lamang po, salamat po!

SEC. ANDANAR:  At kay Chairman Popoy, sir, mayroon po ba kayong pahabol na announcement?

CHAIRPERSON DE VERA:  Alam mo bilib na bilib ako sa bilis ng response after ng aking statement. Mayroon akong natanggap dito na sabi nagkakaproblema iyong collection sa Lyceum. Tumawag na po si President Peter Laurel ng Lyceum – wala hong koleksiyon ng tuition fee for the whole 30-day period ‘no. Sinabi ko din kanina iyong College of Saint Benilde, nag-text ho sa akin ang kanilang Dean at sabi na ina-adjust ho nila iyong kanilang system, iyong kanilang online system. Huwag daw ho kayong masyadong magproblema.

At ito ang pinakamagandang balita, nag-text sa akin ang President ng CARD CMDI College, President Alip Aris, iwi-wave daw ho nila iyong tuition ng mga estudyanteng nahihirapan dahil iyong kanilang mga magulang ay nahihirapang magtrabaho. So mabuhay ka President Alip Aris

Iyong huling-huli, mayroon hong complaint doon sa Philippine Merchant Marine Academy na eskuwelahan dahil ayaw daw paalisin iyong kanilang mga estudyante. Ang PMMA ho ay tulad ng PMA, nakatira sa barracks ang mga estudyante. Talaga po silang hindi pauuwiin for their safety. Pero huwag ho kayong mag-alala, lahat ho ng safety measures ay ginagawa ng eskuwelahan – iyan ho ang report sa akin ng Presidente ng PMMA.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat, Chairman Popoy. Mayroon po tayong isang magandang balita rin dahil nananawagan si Senator Bong Go once again. Amid the ongoing enhanced community quarantine imposed in Luzon to contain the further spread of Coronavirus 2019, umapela po si Senator Bong Go sa Department of Social Welfare and Development and other concerned agencies and local government units to implement the services directed to provide additional support, for senior citizens po ito.

The Senator cited government data indicating that majority of COVID-19 fatalities are elderly because of their weak and compromised immune systems they are more prone to respiratory infection. Handa po si Senator Bong Go tumulong kung anuman ang kayang gawin o proseso na dapat padaliin para maibigay ng DSWD at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang tulong para matugunan ang mga pangangailangan ng taumbayan, gagawin po ni Senator Bong Go – ayon po sa kaniyang statement.

Go, whose priorities include the welfare of one of the most vulnerable sector of society would like the DSWD to implement social welfare programs/services by prioritizing the provision of the social pension for indigent senior citizens, as well as providing assistance to individuals in crisis situation, distribution of food and non-food items and sustainable livelihood programs to vulnerable sectors most affected by the enhanced community quarantine. This is an addition to the sustained provision of food assistance and non-food essentials to the most affected families and individuals.

Go reiterated, the government advisory list on Wednesday that those who are most vulnerable particularly citizens 60 years old and above, those with preexisting medical condition like cardiovascular disease, hypertension, diabetes, COPD, cancer and others, as well as pregnant women should not go out of their homes. The monthly social pension amounts to P500 per indigent senior citizen to augment the daily subsistence and other medical needs. Considered as indigent senior citizens are those who are frail, sickly or with disability and without pension or permanent source of income of regular support from their relatives to meet their basic needs.

USEC. IGNACIO:  Okay. Nais din pong ipaalala ni Senator Bong Go sa lahat iyong magandang balita na agreed na po in principle iyong apela niya sa Department of Finance at sa Bureau of Internal Revenue o BIR na palawigin po ng isang buwan ang pagbabayad ng buwis o ITR. Sa isang pahayag, sinabi po ni Go na ito’y matapos ngang mag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III, kung saan po nagkasundo na palawigin po ang tax payment hanggang May 15 sa halip po na April 15, iyan po.

SEC. ANDANAR:  All right. Maraming salamat po sa ating mga panauhin ngayong umaga na talagang napakasipag lalong-lalo na mula sa DILG, sa PNP, at of course iyong pinakabago nating bisita, siguro araw-araw na rin ‘to, si Chairman Popoy at ganoon din po kay Spokesperson Dana. Maraming salamat po sa inyong panahon.

USEC. IGNACIO:  Opo. Isang araw na naman po ng pagtugon sa mga katanungan ng ating mga kababayan ang nagdaan. Ilan lamang po iyan sa ating mga nakalap na katanungang nabigyang kasagutan ng ating mga mapagkakatiwalaang resource persons. Secretary…

SEC. ANDANAR:  All right. Muli maraming salamat sa pagpapaunlak po sa aming imbitasyon, sa aming mga bisita. Ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  At ito nga po nagtatapos ang ating Public Briefing #LagingHandaPH.

SEC. ANDANAR:  And for all Filipinos across the archipelago, representatives of relevant agencies and members of media online, on air and on the phone and on studio ay upang magkaroon po ng public—publiko, ikaw, ako, tayong lahat sa pamamaraan na makapagtanong at ang mga pamahalaan po natin, mga miyembro po ng ating government agencies, mabigyan ng pagkakataong magpahayag at magbigay-linaw patungkol sa mga hakbang na sabay-sabay natin ngayong tinatahak sa pagharap natin sa pandaigdigang pandemic na ito dito po sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO:  Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ng Peoples Television Network (PTV), in partnership with the Philippine Broadcasting Service and its Radyo Pilipinas network, the Philippine Information Agency, the Philippine News Agency, ang Office of Global Media Affairs, Bureau of Communication Services, National Printing Office, APO Production Unit and IBC-13 in coordination with the Department of Health and in partnership with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR:  All working together as your nationwide crisis communications platform #LagingHandaPH para sa Pilipino, saan man tayo sa ating kapuluang at sa buong mundo. Hanggang bukas, muli ito po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  Mula rin po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Mga kababayan, sabay-sabay nating hinaharap ang virus na corona—o COVID-19. Tayo po ay magtulungan, magtanong, makialam at i-share ang tamang impormasyon lamang!

SEC. ANDANAR:  These days, we are all media. These days, our friends and family look to us for information. Only like, share, repost and retweet what is right and what is true. May God bless our families, our country and the whole world, hanggang bukas, muli ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH!

###

 

 SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)