Interview

Remarks of Presidential Spokesperson Harry Roque following the bilateral meeting between President Rodrigo Roa Duterte and Chinese President Xi Jinping

Location Crowne Plaza, Da Nang, Viet Nam

Naging pranka ang usapan ng… ni President Xi at ni President Duterte. Dalawang punto ang napag-usapan. ‘Yung punto ng ano ang mangyayari doon sa Code of Conduct.

Ang sinagot ni President Xi ay nagkasundo na sa framework ng Code of Conduct at ipagpapatuloy ang usapin at inaasahan niyang matapos ito.

Nagkaroon din ng usapan tungkol sa anong dapat mangyari sa issue ng freedom of navigation.

Nilabas din ‘yan ni Presidente dahil kinakailangan na ‘yung lahat ng naglalayag galing Indian Ocean papunta ng West Philippine Sea ay magkaroon ng kalayaan ng paglalayag.

Ang sabi ni Xi ay walang banta sa freedom of navigation. Naririyan ‘yan. Wala silang pipigilan ‘no.

At pagdating naman doon sa usapin ng North Korea. Ang sinabi niya ay walang interes ang China na magkagulo sa Korean Peninsula.

Siguro daw ‘yung mga malalayong bansa merong ganyang interes pero sa PIlipinas — sa China, kinakailangan masolba ito nang mapayapa.

Kaya ang sabi ng Tsina ay… they are encouraging na mag-usap ang bansang Estados Unidos at ang North Korea ‘no.

Responsableng tao ang — Responsableng bayan ang Tsina. Member ng Security Council at ipapatupad ang mga Security Council Resolution.

Nagkasundo rin na magpapatuloy ang malapit na samahan ng bansang Tsina at Pilipinas. At ang usapan nila ay maging bilateral, hindi bilateral.

At
nanindigan din ang China na tuloy-tuloy ‘yung [Ha?] ang kanilang tulong na ibibigay sa Pipinas.

[Recording interrupted]

Sinabi rin ng Tsina na dahil President Duterte is leading by way of example, his relationship with ASEAN itself has been excellent.

And of course, because of the new and very strong relationship between China and the Philippines — economic, military, cultural, and other ties will be ever stronger ‘no.

Inimbitahan din niya si President Xi na bumisita sa Pilipinas. At inimbitahan muli rin ni President Xi si President Duterte na bumisita rin sa Tsina.

— END —

Resource