Interview

Radio Briefing by Secretary Martin Andanar Presidential Communications Operations Office (Kaagapay ng Bayan with Mr. Leo Palo)

Mr. Palo: Secretary, good morning. 

SEC. ANDANAR: Good morning, Leo. Maayong buntag sa tanan sa nakikinig po dito sa inyong programa, “Kaagapay ng Bayan.” 

Mr. Palo: Eh kumusta? 

SEC. ANDANAR: Sa nakikinig ng Radyo Pilipinas at lahat ng mga kaibigan natin sa Malacañang Press Corps, good morning.

 Mr. Palo: Ayan. Secretary eh kumusta ka naman ngayon?

 SEC.ANDANAR:Maayos naman. Nagkaroon tayo ng isang mahabang meeting kahapon kasama ang ating mahal na Pangulo dito sa Davao City. 

Mr. Palo: Alright. Secretary, speaking of the President, pwede bang diretsa… unahin ko muna ‘yung tanong na ito. Ang Pangulo, kung hindi ako nagkakamali, kaninang madaling araw — kaninang madaling araw ba? Tama ba ako? Dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang?

SEC. ANDANAR: Oo, dumalaw ang ating mahal na Pangulo pagkatapos ng aming meeting.

Actually it was a briefing sa mangyayari ngayon ASEAN dito po sa bansa natin sa November 13.

Meron lang akong statement na babasahin sa’yo. 

Mr. Palo: Yes sir, yes sir. Go ahead, go ahead. Nakikinig ang ating mga kababayan at mga taga-Malacañang Press Corps today.  

SEC. ANDANAR: Ito po ay hinggil sa balitang mag-eextend si President Donald Trump sa bansa natin.

So the Palace welcomes the announcement of the White House that President Donald Trump would extend his stay in the Philippines to attend the East Asia Summit.

The President looks forward to engaging President Trump in the productive dialogue at the ASEAN-US Commemorative Summit and the EAS.

The Philippines, as host, Chair of 31st ASEAN Summit and Related Meetings, is set to welcome all foreign leaders and delegates and to ensure that they would experience Filipino hospitality at its finest.

Ang ASEAN, halos isang taon nang naghahanda ang ating National Organizing Committee, nagkaroon na tayo ng ating meeting nung first quarter of this year tapos nung 50th ASEAN, mid-year.

Nagkaroon na ng more than 250 meetings throughout the time na dito sa bansa natin ‘yung ASEAN.

At meron ding more than 50 document outcomes ang napirmahan and we are expecting at least one outcome document na mapipirmahan sa darating na 31st ASEAN Summit. 

Mr. Palo: Alright. Kasama niyan, Secretary, will the [inaudible] parang ibang mga activities, schedule ang darating na US President, would that be a state visit for him dito sa Pilipinas? Magiging ganun ba?

SEC. ANDANAR: Hindi… ang alam ko this will be an occasion for — 

Mr. Palo: For ASEAN lang?  

SEC. ANDANAR: Yes, to attend the ASEAN. One thing that is different this time sa ASEAN ay ‘yung Gala Dinner with the ASEAN leaders plus the other partner countries will actually happen night before the ASEAN 31st commences.

And ito ay dahil sa experience ng mga nakaraan na pag nilalagay mo sa dulo ‘yung Gala, maraming nale-late na pumupunta sapagkat sobrang hectic ng ASEAN.

Imagine mo, sa isang meeting pa lang — the first meeting, sunod-sunod ‘yan. More than 13 meetings sa isang araw na halos walang pahinga ‘yung mga leader. Sunod-sunod ‘yung meetings.

Merong 13 hours, umaabot ng 16 hours. So naturally pagdating doon sa dulo, syempre nawawalan na rin ng lakas kaya nale-late ‘yung iba.  Eh alam mo naman na pag nale-late magsimula ng dinner, sunod-sunod na ‘yan. Late na lahat.

So sa Sunday pa lang before the 13th ay meron nang ASEAN Gala na mangyayari. Kumbaga, fresh pa ‘yung mga leaders natin kasi kararating pa lang ng Pilipinas and nakapaghanda na rin ‘yung mga senior ministers days prior to that. So ‘yun ang isang pagkakaiba ng ASEAN. 

Mr. Palo: At syempre, ‘yung security na rin na nakalatag, magbabago ba lahat ng mga ‘yan? Dahil magiging dalawang araw na ‘yan? Mas lalo bang hihigpit?  

SEC. ANDANAR: Merong security. May show of force na mangyayari bukas, if I’m not mistaken. Invited lahat ‘no. the MPC dito sa may — it’s in the Quirino area — sa may Quirino Grandstand sa pamumuno ni General Nap Taas.

Ipapakita nila sa buong mundo ‘yung dami ng security na idedeploy nila.

So it shouldn’t be a problem, security shouldn’t be a problem.

Kumbaga, may napaghandaan the entire year. At since we are about to approach the culminating event of the 31st ASEAN, we will need to ensure the security of the ASEAN leaders plus the partnering countries.

Nandiyan kasi ang Amerika, nandiyan ‘yung Russia, China, Canada, New Zealand, Australia, India.

So napaka ano nito… napakalaking event na kailangan mapakita natin sa mundo, maayos ang Pilipinas and we know how to host [inaudible] 

Mr. Palo: Correct. ‘Yan ay sa kabila ng — isama ko na rin ‘yung tanong na ito kasi ‘yung mga travel advisories… like for example, the UK and Australia, nagpalabas kahapon ng kanilang travel advisory and this time around, makikita nila kung ano na talaga ang paghahanda ng ating bansa lalo sa ASEAN Summit na ito.  

SEC. ANDANAR: Tama ka, Leo. Tama ka. Of course, during that day or those days na meron tayo sa ASEAN, we also expect the cooperation of the public.,

We should show our best foot forward kasi ano ‘to eh this is the time that we can show the whole world that we are a very good country, a very nice country, disciplined people and we are very warm, alam na naman ng lahat ‘yan. And we are very orderly.

Just like the past ASEAN Summits, during the 50th, the one prior to that and napakita naman natin sa buong ASEAN na maayos talaga ang Pilipinas. So this is it, a new stage. 

Mr. Palo: Well, oo ‘yan ang, kumbaga pwede naman natin sabihin na we’re good to go na.  

SEC. ANDANAR: Oo, good to go na ito. So [inaudible] ASEAN. Of course being the chairman of the entire ASEAN, the President also is preparing himself.

Kasi lahat ng mga meetings doon na request nila or [garbled]. Siya ’yung magma-manage ng mga multilateral meetings na mangyayari. So… 

Mr. Palo: ‘Yan ang mga binabantayan natin, mga bilateral meeting at ‘yung mga resulta niyan, ‘yun ang mahalaga, mga leaders.  

SEC. ANDANAR: Oo. Tulad ng sinabi ko kanina, there’s been more than 50 outcome documents and we’re expecting one outcome document to be signed during the 31st ASEAN so ‘yun ang aabangan natin.

Of course, marami ding mga multilateral meetings na mangyayari during that time, bilateral meetings.

Kung ano man ang mga kahihinatnan ng mga meetings na ‘yun, it will really keep the media up on its toes, mga pag-uusapan, issues natin sa buong mundo.

This is the perfect time for ASEAN and the other partnering countries to resolve all of the issues and resolve the still unresolved issues that must be resolved.

Mr. Palo:  Correct. Well, ‘yun ‘yung isa sa mga malalaking balita na dapat nating tunghayan ngayong mga susunod pang linggo, mga kababayan. At siyempre dahil po tayo ang Chairman — ang Pangulong Digong po ang Chairman ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations. Anyway, Secretary, dito tayo sa baba ng konti. Kahapon ay you just texted us and ang PAL ay nagbayad pala ng ganun kalaki ha. 6 billion agad-agad.

SEC. ANDANAR: Oo, 6 billion ang penalties sa NAIA Terminal 2. S that is a very, very positive outcome na inaasahan din ng ating gobyerno, ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sapagka’t pinapakita natin sa publiko kung gaano ka-committed, kung gaano ka-sincere ‘yung Pangulo, ang ating Secretary ng DOTr Art Tugade, at ng, ‘yung Department of Finance na para habulin ang mga tao, mga kumpanya, na may pagkakautang sa gobyerno.

Itong anim na bilyong piso ay magagamit ito sa napakaraming priority projects ng ating gobyerno. And of course, this is the Filipinos’ money, kita.

Tax payer’s money ito. Maraming mga priority projects na kailangan pang lagyan ng pondo.

Mr. Palo:  Sec, saan mapupunta ‘yung 6 billion na ‘yan?

SEC. ANDANAR: Ay, ‘yun ang siguro trabaho na ng ating Finance at Budget team. Sila na ang mag-a-allocate ng pera na ‘yan.

Pero ang mahalaga dito ay merong paghuhugutan ng pondo ang ating gobyerno sa mga priority projects na ‘to. Ang daming priority projects ngayon.

Isa na diyan ‘yung sa Bangon Marawi. Isa na diyan ‘yung mga infrastructure projects na kailangan nang ma-implement sa mas lalong madaling panahon.

Nandiyan ‘yung mga — although it’s already ano, funded, subway sa buong Metro Manila. Remember the Japanese — Si Prime Minister Abe ay nag-commit na ng anim na bilyong dolyar para sa project na ‘yan at paulit-ulit niyang sinabi during the meeting in Japan na naka-attend tayo, partial operability.

So meaning, sa loob mismo ng termino ni Pangulong Digong ay ma-experience natin ang underground sa Metro Manila or ‘yung subway system.

Nandiyan din ‘yung mga linkages, highways from Metro Manila to the outskirts, provinces, the North to South railway. Ano pa lang ‘yan, Japan pa lang ‘yan. Wala pa ‘yung China.

So bukod diyan, of course, meron tayong mga [inaudible] para sa mga mahihirap nating kababayan.

‘Yung ano, ‘yung ating pondo para sa ating mahihirap, dagdag pang mga allowances para sa mga police, mga sundalo.

So this is really a positive outcome na nagbayad na ho ang grupo ng PAL ng anim na bilyon.

Mr. Palo:  Sabi ko nga, sa isang araw lamang na pagtungo ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Japan ay ganyan kalaki kaagad ang nakalap natin na pondo or grants and projects para sa mga kababayan natin dito at tiyak na magbibigay ng karagdagan na mga trabaho sa ating mga kababyang naghahagilap ng kanilang mga trabaho, ika nga.

SEC. ANDANAR: Oo, tama ‘yan. it’s really going to be a very dynamic 2018. Kasi tandaan mo, Leo, by 2018, ‘yung libreng tuition ‘di ba, state universities and colleges. Kailangan din ng pondo ‘yun, ‘di ba?

Mr. Palo: Correct.

SEC. ANDANAR: So it’s going to be a very dynamic, very exciting year for all of us Filipinos dahil sa napakadaming mga pagbabago na na-inject ng ating Pangulo sa ating bansa.

Mr. Palo: Sabi ko nga sa ating mga kababayan, lalong lalo na ang mga patuloy na nagdududa at kini-criticize ang mga ginagawa ng Pangulo para sa mga ordinaryong mamamayan. Hindi po ito ginagawa para sa mga mayayaman. Eh lagi kong sinasabi, kung sinasabi ninyong “to see is to believe,” let’s see kung ano ang inyong makikita at mararamdaman sa mga susunod pa na panahon dahil hindi naman ho by a blink of an eye eh nandyan na ang inaasam ninyo na pagbabago sa bansang ‘to. Totoong may pagbabago po.

SEC. ANDANAR: Tama ka, Leo, tama ka. Yes, go ahead.

Mr. Palo:  Alright, Secretary, medyo baba na ako ng konti ano. Sa Palasyo ng Malacañang, may bago nang tagapagsalita. Sabi ni Secretary Roque, the incoming Secretary na kung ‘di ako nagkakamali, Monday pa siya mag-o-oath take eh, pero still.

SEC. ANDANAR: Hello?

Mr. Palo:  Yes, sir. Ayan. Naririnig mo ba ako, sir?

SEC. ANDANAR: Ayan, medyo napuputol.

Mr. Palo:  Ayan. Ah, napuputol ba. Alright. may bago na tayong tagapagsalita, may — sabi nga ni Usec — ni Secretary Roque eh there will be a… sabi nga natin, magkahiwalay. Paano… ano ho ba ang ibig niyang sabihin dun na magkahiwalay ang OPS, Office of the Presidential Spokesman, and the PCOO?

SEC. ANDANAR: Ito naman talaga ang…

Mr. Palo:  Structure.

SEC. ANDANAR: Structure. Nung panahon pa ng… o nung nakaraang administrasyon, decision ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Prior to that, Presidential Spokesperson is really under the Office of the President. So we will keep it that way.

Secretary Roque will have his own office. And the PCOO also will have its own function. At ang function naman ng PCOO ay ‘yung ang media platform ng gobyerno, so it should be ready for a Spokesperson.

Lahat ng suporta kailangan niya. Content support, writing the message, support na ‘yun. ‘Pag-e-ere ng kanyang statements, nandiyan din ‘yun.

‘Yung briefing room na PCOO din ang nag-ma-maintain. Nandyan ang RTVM. So lahat. Secretary Roque and I have a few long hour conversation dito sa Japan.

Mga… I briefed him kung ano ‘yung mga ginagawa ng PCOO and well, we are just on standby kung kailangan niya.

So ‘yun. I think it’s going to be another, should we say, dynamic chapter of the Communications team.

Of course, after more than 15 months, ang PCOO was able to strengthen our media platform presence.

Social media, we have the Presidential Communications sa social media. Then we have Radyo Pilipinas, tuloy-tuloy ang improvement, pag-update ng equipment and also reprogramming PTV, Philippine News Agency, the PIA, Mula sa Masa Para sa Masa.

So lahat ng ito ay ginagawa natin ito para palakasin ang Presidenital Communications Operations Office.

Remember that we are strengthening this Department as an institution so that, not only during this term ay mapapakinabangan ng wasto, pati sa mga susunod na mga administrasyon.

Once they take over, maganda ‘yung latag ng Communications group. That’s why I was telling Secretary Harry na ano, na ngayon, pagpasok niya ngayon, he is very fortunate kasi nandyan na eh. Buo na ‘yung [inaudible]

Mr. Palo:  Correct. Konting ano nalang, konting kembot nalang ho. Actually, kaya po — Ito, narinig tayo ng mga taga Malacañang Press Corps at sa lahat ng mga kasamahan natin sa pamamahayag. Kaya ho nananahimik bahagya si Secretary Mart Andanar, dito ko na sasabihin sa Radyo Pilipinas ‘to, kasi nakatutok ho siya ng husto sa lahat ng nasasakupan niyang departamento sa pagpa-moderenize lahat. Actually, kaya ako narito, to… gusto kong makita lahat. Eh mukhang talagang malaki ang pagbabago lalo na sa Radyo ng Bayan na ngayon ay Radyo Pilipinas 1 sa channel 4. Napakaraming pagbabago at sa mga ibang mga lalawigan, actually, ‘di ko pa naiikot pero maiikot ko rin ‘to, so… 

Oo. In fact, nandiyan si Leo, they witnessed the upgrade of the equipment sa Radyo Pilipinas.

Mr. Palo:  Yes.

SEC. ANDANAR: Of course, ‘pag may equip — ang ginagamit ni Leo na console ngayon ay really for international standards na ‘yan.

Mr. Palo: Wala na nga akong masabi eh. Parang ayaw ko nang hawakan, baka marumihan.

SEC. ANDANAR: [Laughs]  ‘Yan ay… we are doing this for the entire Philippines, for the Filipino.

Mr. Palo:  Yes.

SEC. ANDANAR: At makikita niyo, like for example, pagpasok natin sa PCOO, kumpara noon, ngayon, they only have less than 10,000 followers sa Facebook.

So right now, you have 1.2 million followers with a very high engagement na pwede nang sumabay sa mga private companies.

‘Pag nagsalita ang Presidente, we are available right away on Facebook.

Mr. Palo: Oo nga. Speaking of Facebook, hindi po muna kami nag-Facebook baka makita ako eh, kaya ito nalang. Sa mga susunod, ayan.

SEC. ANDANAR: Ito ah, ito ah. So like for example, so nabanggit ko na ‘yung ano Facebook, Presidential Communications.

At kung ano man ‘yung mga dati na nakasanayan ng ating mga kaibigan sa MPC, for the website, email, so nandyan pa rin ‘yan.

Nandyan na ‘yung viber, nandyan na ‘yung Facebook. Ngayon, ‘pag nagsalita ang Presidente, you can watch him readily on Facebook.

With 1.2 million followers and growing by about more than 10,000 a week.

Mr. Palo:  Yes, totoo ‘yan.

SEC. ANDANAR: Ganun din sa… ‘yung PTV ganun din. When we came in, it had 30,000 followers. Ngayon, after 12 months, ngayon mga 1.2, mag-1.3 million na ang ating followers on PTV.

Even ‘yung Radyo Pilipinas, Leo, where you are right now. Wala namang activity ng Facebook niyan dati. Ngayon, lumalakas na. Para nang nagkakaroon na ng…

Well, most of our anchors nagfe-Facebook Live diyan sa Radyo Pilipinas. And number two, soon we will curate all of the audio content of Radyo Pilipinas.

And to our Malacañang Press Corps friends, if you have time, dial in or check the dial 87.5 FM which is FM 1.

Nagsimula na po ‘yung test broadcast ng FM 1 doon sa — First time in history that the Philippines, the Philippine government is actually using the frequency 87.5.

Mr. Palo:  Millennial ‘yan. Sabi ko nga, “Kapanahunan ko ito.”

SEC. ANDANAR: Oo, siyempre naman. [laughter] Eh para…

Mr. Palo:  ‘Yun ang gusto ko sa’yo eh. Naniniwala ka sa ganun kahit na ano, hindi totoo.  

SEC. ANDANAR: Hindi ba 1990 ka pinanganak?

Mr. Palo:  ‘Yan, ‘yan ang gusto ko sa’yo. [laughter] 

SEC. ANDANAR: Nung pinanganak ‘yung anak mo? [laughter] 

Mr. Palo: Hindi. Kidding aside, hindi po joke na… ang sabi ko nga… sabihin na natin na kahit paano, ‘yung nakaraang administrasyon baka sabihin naman nila binalewala natin ‘yung kanilang modernization sa channel 4. But still, dito sa mga… sa Radyo ng Bayan, sa lahat ng estasyon sa… lalo na ang PNA. Nagulat ako sa PNA ng makita ko ang newscast. Wow. Sabi ko nga, “international ba ang style ng pag-re-reporting dito? Kailangang English-speaking, at the same time eh, ganun talaga kailangan ka-ganda ang…”

SEC. ANDANAR: Ganito Leo. ‘Yung Philippine News Agency, I would like to also ask the help of our friends in the Malacanan Press Corps to also promote it kasi atin naman lahat ito, eh.

O bakit siya English, diba? Bakit English ang newscast? Kasi… kasi — it’s a news wire, it’s a service. Gusto natin na ‘yung ating mga partner na wire agencies around the world can also download the video and watch it, can use the video, can use the newscast.

So, for the first time, the Philippine News Agency now has an actual news cast na mapapanood hindi lang sa facebook pati sa Channel 4.

Mr. Palo: Tsaka hindi siya newscast katulad ng — parang TV din ang dating.

SEC. ANDANAR: Oo, it’s a very sober newscast. They are very traditional. Mabagal ‘yung basa, mas madaling maintindihan. It’s in english para maintindihan ng lahat, hindi lang Pilipino but buong mundo [inaudible]. Para mainitindihan nila ‘yung newscast — alam nila ‘yung balita sa Pilipinas.

And this is an innovation actually by PNA para mas lalo itong mapalapit sa mga kababayan natin at sa ibang mga dayuhan din.

At makikita mo Leo, kung may time ka, bisitahin mo ‘yung PNA Office.

Mr. Palo: Oo, Bababa nga ako mamaya.

SEC. ANDANAR: Puntahan mo kasi nire-repair namin ‘yung newsroom. O, kung ano man ang maliit na budget namin ginagawan namin ng paraan. And also go to the theater, may theater diyan sa tabi ng radio station.

‘Yung theater under construction ‘yung theater na ‘yan. And we are planning to build than and make the theater a, at least world-class theater para, at least, pwedeng magamit ng lahat ng departamento na gustong gumamit.

At kayo sa NPC kung gusto niyong gamitin kung meron kayong mga seminars, et cetera. So, we really want a Presidential Communications Office to be able to represent this country proudly. Kasi maganda ‘yung radio natin, maganda ‘yung TV natin.

By the way, PTV by mid-year next year, we are hoping even before that, we would be transmitting at 120,000 watts.

Mr. Palo: Wow! Sumasabay — sasabay na talaga sa mga naglalakihan, ah. 
SEC. ANDANAR: 
Well, you know, the Filipinos, the taxpayers deserve what they deserve. And they deserve the best state- television, public TV.

So, at least at 120,000 watts will be clear in Metro Manila. And by the way, as we speak right now, inahanda na ng PTV Davao ‘yung rollout ng digital television here in Davao.

Mr. Palo: Wow, really. May ano magfifinance?

SEC. ANDANAR: Hindi. This is part of the project of PTV and…

Mr. Palo: Ah, okay.

SEC. ANDANAR: So, this is part of the rollout of the Digital Terrestrial Television Broadcasting (DTTD). Now, parang ABS-CBN plus. Meron kang box and then pwede kang manood ng TV and then you will have these four channels of PTV.

First channel will be the main channel that will give you more channels. So, ito ‘yung mga pagbabago.

Mr. Palo: Uy, pwedeng ano ipasok diyan kahit audio lang ng Radyo Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Yes. Pwede, pwede.

Mr. Palo: Lahat. Pati FM.

SEC. ANDANAR: Definitely. And we’re talking about high-definition television. High Definition.

Actually, ‘yun din ang gagawin natin sa Metro Manila. Meron tayong high-end na digital. Basta, we’re doing this as fast as we can because napakatagal po nating naiwan. And we want to be able to deliver you this on kung kaya nga 2019 tapos na lahat ng trabaho. At makakahabol na ‘yung…

Mr. Palo: Kaya. Kaya basta suportado lamang at mapondohan lamang nang tama, bakit hindi. Pero parang tingin ko parang ang liit ang pondo ng PCOO.

SEC. ANDANAR: Well, maliit siya pero we are doing everything we can to maximize the resources that we have and konting pasensya lang ang hinihingi natin sa mga kababayan natin. But definitely, what I can say is that we are delivering more than what we are promising.

Mr. Palo: Correct. Secretary, maganda na ‘yung gagawin mo pagbabago sa lahat pero ito ang tanong. Para ‘to sa ating mga kasamahan na nagtatrabaho sa gobyerno. Dito ba sa baba nito, may mga pagbabago din ba sa mga empleyado ng PBS, ng TV 4, lahat ng nasasakupan mo?
SEC. ANDANAR: 
‘Yung pagbabago sa capacity ng ating mga kasamahan, of course, ‘yan ay tuloy-tuloy. Mayroong mga trainings sa ating mga kasamahan sa PBS, PTV, PNA, PIA.

Hindi naman tayo hihinto sa pagti-train sa kanila. I think we have shown already our political will to — the entire organization of PCOO at ‘yan ay mahalaga na makita nila, we are really committed to change the entire organization for the better at you know tayo’y makakapanilbi in a way that we also inspire the entire country.

Siyempre, maganda ‘yung broadcasting, maganda ‘yung tunog, maganda ‘yung itsura ng broadcast. Ang sa akin lang dito ay — sa kakaikot ko naman sa ating mga ahensya, I can see that they are really inspired.

Meron… Of course, merong mga mishaps along the way. Merong mga — wala namang organisasyon na perpekto, Leo.

Mr. Palo: Totoo yan.

SEC. ANDANAR: So, meron talagang mga, you know, syempre ‘yung mga bulok na mansanas, ganun.

Mr. Palo: Na kailangan tanggalin.

SEC. ANDANAR: Tanggalin. But I always try to give them a second change and always try to impart to them the message that kailangan ng pagbabago dahil ‘yun ang gusto ni Presidente eh.

Mr. Palo: Parang ano lang ‘yan eh, as long as you’re capable, good enough to work bakit hindi, ipagpatuloy. At kung makakatulong sa pagpapalago at pagpapaganda ng isang katulad ng government station, bakit hindi. Manatili ka diyan. Pero kung ika’y pabigat na, alam mo na.

SEC. ANDANAR: Well, of course we are following — meron naman tayong Civil Service Code.
Mr. Palo: 
‘Yun naman ang pinaka-proteksyon, eh.

SEC. ANDANAR: Proteksyon naman ‘yan. Ang sa atin lang is that just go with the flow. Kung mabilis ang agos ng tubig ngayon, mabilis ‘yung pagbabago eh makisabay tayo. Kailangan sumabay tayo sapagkat hindi naman ‘yan para sa PCOO eh, para sa taxpayers ‘yan eh. Para once and for all, they will really see the difference.

Mr. Palo: Yes, kailangan maging credible eh dahil once na makinig ang isang tao o ang isang ordinaryong mamamayan makikinig sa radyo, manonood sa TV, whatever, manood sa social media at sinasabing, “Ah, ganito ba kabulok? Ay, bakit pa ako dito? Makinig na lang ako sa kabila. Makinig na lang ako sa malalaki.” Parang ganun.

SEC. ANDANAR: And timely also, Leo that — siyempre [unclear] sa MPC, nakikita niyo ‘yung mga — kung paano ang changes sa ano.

Mr. Palo: Yes, ang ganda ng briefing room namin.

SEC. ANDANAR: Antayin niyo ‘yung inyong ano, ‘yung inyong press working room. ‘Yun ang antayin ninyo.

Mr. Palo: Yes. Parang — kailan mo ba kami palalayasin pansamantala doon? [laughs]

SEC. ANDANAR: Ah, kailangan natin planuhin nang maayos. Kasi once you move out, kailangan trabaho agad. Talagang walang tigil ang trabaho.

Mr. Palo: Totoo. Pwede naman kaming… Pwede naman kaming lumipat muna sa 3rd floor. May nag-ooffice doon, eh.

SEC. ANDANAR: Sabay-sabay tayo. You’re all welcome in my office.

Mr. Palo: Speaking of ano ah, tinatanong ni Dexter Ganibe ng DZMM, eh nasabi kasi ni Secretary Roque nung Thursday na doon lang daw siya tumatambay sa resto sa tapat ng NEB. Wala raw siyang opisina pa. Mayroon ba? Saan ba siya mapupunta? Saan siya mapupwesto diyan?

SEC. ANDANAR: Hinahanapan na si Secretary Roque ng kanyang opisina. Hinahanapan siya ng OPS. [inaudible]

Mr. Palo: So wala pa… wala pa so far… wala pang ano kung saan?

SEC. ANDANAR: He should —  yeah wala pa. But he should have an office very very soon. Syempre, trabaho ng  Presidential Spokesman. Lagari ‘yan eh. Lagari ang trabaho.

So but — ang PCOO naman ay nandito at well, to give Secretary Roque all the support that he needs, even a table. He can use my… He can use my table, we can share an office.

Mr. Palo: Mas mahal doon sa tapat ng NEB kung doon siya mag-oopisina. Mahal ang kainan doon.

SEC. ANDANAR: Doon siya mag-opisina sa opisina ko.

Mr. Palo: Ah talaga ha. Secretary Roque, doon daw. [laughs]

SEC. ANDANAR: Oo, pwede kaming magkatapat doon, pwede kaming magkatabi. [laughs]

Mr. Palo: Pero speaking of Secreaty Roque eh diretsong tanong ito. May mga — ang daming lumulutang na katanungan. Secretary Roque daw ay nabanggit niya ‘yung concurrent as Secretary or adviser, eh mukhang mapupunta daw siya bilang adviser ng Presidential Legal — Presidential — Chief  Presidential Legal Counsel at ang Chief Legal Counsel mapupunta sa COMELEC, how true is this?

SEC. ANDANAR: Hindi ko pa alam ang balita na ‘yan, Leo.

Mr. Palo: May napili na bang COMELEC Chair si Pangulo?

SEC. ANDANAR: Honestly wala pa akong information kung may napili na ba at wala rin akong information kung ano ‘yung concurrent work na ibibigay kay Secretary Harry.

But I’m sure kung ano man ang ibibigay sa kanya, he could be very — he would be ready to do anything that is given to him. I’m sure, ito rin ay nababagay sa kanyang — sa kanyang expertise.

Mr. Palo: Expertise? Expertise niyan legal, eh.

SEC. ANDANAR: Legal tapos — alam natin na si Secretary Roque is one of the original advocates of human rights. So, pag pumunta ka ng Europe, pumunta ka ng America, Secretary Roque is a very respected human rights advocate and also fighter for freedom of the press, freedom of expression.

Siya ay naging abogado ng mga biktima ng Maguindanao Massacre. Alam natin ito, diba. Tignan natin, who knows, kung ano ang ibibigay kay Secretary Roque.

Pero ang mahalaga dito, he is on board, he is with the administration and we can definitely use his expertise sa mga bagay na kailangan namin ng tulong. Ang sumunod matagal — si Harry matagal na natin nai-interview, Leo. Matagal na natin nakakausap si Harry.

Mr. Palo: Oo naman.

SEC. ANDANAR: Bago pa naging Congressman si Harry…

Mr. Palo: Yes.

SEC. ANDANAR: And he has a very good rapport with the media.

Mr. Palo: Eh paano ba naman hindi siya maga-ganun ng rapport sa media bukod sa marami siyang kaibigang media eh ‘yung kanyang maybahay ay dating media. [laughs] Makakalusot ka pa ba doon?

SEC. ANDANAR: Dati ngang reporter ng Senado.

Mr. Palo: Oo.

SEC. ANDANAR: Ng Malacañang. Oo, talagang — talagang hindi na tayo dapat magtaka kung bakit.

Mr. Palo: Well, si Undersecretary Abella, saan daw siya mapupunta, tanong ni Kris Jose?

SEC. ANDANAR: Si — first of all tayo ay nagpapasalamat sa serbisyo ni Ernie sa PCOO. He’s really been a [unclear] to reckon with sa PCOO.

‘Yung kanyang naging kontribusyon ay hindi mo naman mabilang. You cannot measure it sa laki ng naitulong ni Ernie. We’ve learned a lot for the OSEC. Now, kung saan siya ilalagay ng ating Pangulo ay naka’y Pangulo ‘yun. Ayaw ko naman pangunahan.

Mr. Palo: Pero as of now connected pa rin siya sa PCOO?

SEC. ANDANAR: Well, as we speak he is an undersecretary under PCOO. If he will be transferred to a new department or he would be appointed to a new designation, that would be the President’s prerogative.

Pero what I’m trying to say is that what is important is we have Undersecretary Abella in the administration and we can still use or make the most out of his expertise niya. At darating din ‘yung panahon na ia-anounce din ng ating Pangulo.

Mr. Palo: May balita ako diyan, eh. Ambassador daw?

SEC. ANDANAR: Anything is possible.

Mr. Palo: Alright, Secretary. Si Asec. — ah no, no — Undersecretary din, Lorraine Badoy would serve for ano, bilang spokesman ba talaga ng PCOO? Or ano ang kanyang magiging eksaktong papel? Kasi mukhang last na nakausap namin si Usec. Lorraine eh mukhang wala pa raw at pag-uusapan pa nang mabuti kung ano ang kanyang gagawin?

SEC. ANDANAR: She is the head of new media of PCOO. So from —

Mr. Palo: And under her is Asec. Mocha, right?

SEC. ANDANAR: Under her would be pcoo.gov.ph website, the PCOO social media, which is Presidential Communications Facebook page, andiyan rin po ‘yung Twitter tsaka po ‘yung…

Mr. Palo: Ah, so not directly under si Asec. Mocha. May sariling mundo si Asec. Mocha?

SEC. ANDANAR: No, tapos po — of course since soc med is under new media. Media is the — it’s the over — it’s an over-arching department and tradition. So under that would be social media and all forms of media na bago.

So for example, kung ano man ‘yung maisip ni [garbled]. So ‘yung pagpaplano, content distribution, trafficking of the content but all those of — all of those media platforms will go to Lorraine. ‘Yun ang magiging trabaho niya. ‘Yun ang final na trabaho niya.

Mr. Palo: So talagang kailangan interconnected ang lahat frm the PCOO towards Spokesperson Harry Roque para hindi magkagulo-gulo. Sana this time around ay tama na ang sistema.

SEC. ANDANAR: Basta, ganito lang ‘yun ‘no. Support group ang PCOO ni Harry. Hindi lang ni Harry but lahat ng Cabinet officials, lalong lalo na ng Pangulo. Diba?

So, President and the Spokesperson kung ano ang kailangan. Para maintindihan ng mga kababayan natin, under po ng PCOO ‘yung RTVM, ito po ‘yung Radio Television Malacañang.

Sila po ‘yung nagcocover kay Presidente, sila po ‘yung nagdodocument, nagsi-stream ng live, sila po ‘yung nagbobroadcast pagpuntang — our broadcast pool.

Pwedeng mag-tap ‘yung private, government, lahat. So, that is under PCOO; the Presidential News Desk; the Bureau of Communication Services which prints the pamphlets of the President, the news materials of the President. So lahat ‘yan under ng PCOO ‘yan. Kasama PTV, Radyo Pilipinas.

Now, we support the entire Executive Department, the entire Government for that matter. So whatever we have, available ‘yan para kay Spokesperson.

Mr. Palo: Secretary, may out-of-the-blue question si Ate Vanz Fernandez dito. Mga komunistang rebelde daw na tinawag ‘yung effort ng Duterte administration to pursue local peace talks as “waste of time daw and money” amidst calls by the President for leftists to surrender kahit na may local peace committee at wala ding mangyayari. Reaksyon daw po?

SEC. ANDANAR: ‘Yung — kasi iba-ibang grupo ‘yan diba, ‘yang mga nag-rereact, iba-ibang grupo sa left. Mayroon din namang mga grupo naman sa left na they whole-heartedly accept it. For example here is Davao City, they appreciate the policy of Mayor Sarah Duterte. So they are entitled to their own opinion.

And everyone can just express their opinions. But one thing is definite, the government will continue to work for the progress of this country.

Mr. Palo: Alright. And with that Secretary, baka mayroon kang parting words? Parang ang bilis ng oras ko? Napansin ko yata natapos na pala ako. Sabi ni John, ‘yung aming kasamahan dito. Anyways, parting words, Secretary.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Leo. And congratulations on your new show, this Radyo Pilipinas 1. And I am most certain na mga kasamahan natin sa Radyo Pilipinas One are very happy to see you.

Mr. Palo: Hindi nga, eh. Para ngangang sama ng tingin sa akin ni Johneh. [laughs]

SEC. ANDANAR: And then, you know, exciting things will happen for Radyo Pilipinas 1 and I’m happy that you’ll be part of the changes that — that we will be experiencing for the next few weeks, months and that please do listen to 87.5 sa mga kasamahan natin sa MPC.

Kung mayroon kayong mga — kung mayroon kayong mga kasamahan na mayroon ng anak na millennial ‘no, please please try to listen. Even yourself ‘no.

Mr. Palo: Nakinig ako Biyernes, Sabado, ang galing eh. Sabi ko, “parang gusto kong i-record lahat.” Pwede bang i-record ‘yan? [laughs]

SEC. ANDANAR: Ay, ba’t hindi mo ni-record? Pwede ‘yan.

Mr. Palo: Well again Secretary, thank you for your time. At this is the first time na ako ang nag on-board dahil wala po ang Ate Marie. Mayroon — hindi pa tapos ang kanyang birthday bash kay Jill, ang kanyang unica hija.

SEC. ANDANAR: Ahhh, birthday ni Jill?

Mr. Palo: Oo ni Jill. Yes.

SEC. ANDANAR: At ano, after your board work, puntahan mo ‘yung SM Mall, SM.

Mr. Palo: Sure. Tamang tama andito si Boss Macky.

SEC. ANDANAR: Oo. Ikamusta mo ako sa kanya.

Mr. Palo: Walang problema, sir. Ayan. Again, thank you for your time, Secretary. At ingat-ingat po diyan sa inyong lugar at pakikamusta na lang din sa mga kaibigan natin diyan. Thank you so much.

SEC. ANDANAR: Dapat itong programa na ito. Anong title nito?

Mr. Palo: Kaagapay… Kaagayap ng Bayan.

SEC. ANDANAR: Kaagapay ng Bayan. So, Kaagapay ng Bayan? KNB. Dapat dito, L and M o M and L.

Mr. Palo: Pwede. Pwede. Pwede. Ayos ‘yan, ah. [laughs]

SEC. ANDANAR: Kung mag-iisip ako L and M, Leo And Martin. So, this is our maiden show every Saturday. Mabuhay kayong mga taga MPC. Salamat.

Mr. Palo: Maraming salamat din, Secretary. 

—END—

Resource