Interview

Radio Briefing by Secretary Martin Andanar Presidential Communications Operations Office (Kaagapay ng Bayan with Mr. Leo Palo)

Mr. Palo: Advance Happy New Year and belated Merry Christmas.

SEC. ANDANAR: Advance Happy New Year, Leo at Marie, at sa lahat ng nakikinig ng inyong magandang programa dito sa Radyo Pilipinas 1.

Mr. Palo: Ayon. Maraming salamat, Secretary. Baka meron kang mensahe na nais iparating sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Malapit na ang New Year’s Eve so kailangan nating sundin lang ‘yung Executive Order ng ating mahal na Pangulo na umiwas sa mga bawal na paputok at kailangan sundin natin ang ating Philippine National Police at ang kanilang mga kasamahan sa barangay.

Doon sa mga designated firecracker display area, kailangan doon lang tayo para makaiwas tayo sa disgrasya at para tayo ay makapag-celebrate ng New Year nang masaya at buo ang ating mga daliri.

Mr. Palo: ‘Yun ‘yung narinig namin kanina sa public service announcement mo, Secretary. Eh dapat lang paulit-ulit natin ‘yan para sa ating mga kababayan na mag-selebra ng pagsalubong ng Bagong Taon nang ligtas at buong-buo pa.

SEC. ANDANAR: Correct. Correct. Correct, oo.

Mr. Palo: Secretary, hindi na ako paligoy-ligoy pa. Maraming mga issues today. Although hindi naman talaga malalaking issue pero may mga katanungan na agad ang ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps. Diretsuhin ko na from Inquirer.net. Sabi niya dito: Reaksyon lang daw po sa Palace regarding OCCRP “Person of the Year” award to President Duterte. The award according to the OCCRP is given by the group to an individual who has the done the most in the world to advance the organized criminal activity and corruption. Ano daw po ang reaksyon ng Palasyo ng Malacañang?

SEC. ANDANAR: Paki-ulit. Itong awarding body na ito ay ano ‘yung binibigay na award kay Pangulo?

Mr. Palo: Person of the Year.

SEC. ANDANAR: Bakit daw Person of the Year? Sa anong larangan?

Mr. Palo: Nakalagay dito, according to the OCCR, ito po’y OCCRP, ito po ‘yung based diyan sa US of A. Nagbibigay sila sa mga grupo o sa mga indibidwal na nakagawa po ng the most in the world to advance organized criminal activity and corruption.

SEC. ANDANAR: Teka muna, parang kabaliktaran ata.

Mr. Palo: Parang ano ‘no…

SEC. ANDANAR: Parang kabaliktaran ata dahil ang ating Pangulo ay ginawa naman niya lahat para kalabanin, para labanan ang organized crime para mapuksa ang [inaudible] drugs, ipinagbabawal na gamot, para matigil na ‘yung drug trafficking dito sa ating bansa at para mahinto ng gawin nilang transshipment ng droga ‘yung ating bansa.

At the same time ay nilalabanan po ng ating mahal na Pangulo ang corruption. Marami ho siyang mga tinanggal na, na mga kasamahan during the campaign na nasangkot sa corruption at meron na rin siyang mga natanggal din recently na mga opisyales ng gobyerno dahil sa sobrang pag-biyahe sa ibang bansa na walang paalam sa Executive branch.

So if I got your question right and if I got the gist of the award correctly, parang mali ata ‘yung award nila.

Mr. Palo: Parang ganun nga ho. Parang sabi ko nga, parang panunuya ang dating.

SEC. ANDANAR: Oo. So mali ho. Mali ho ‘yung award na ‘yun. Hindi ho tama ‘yun.

Mr. Palo: Alright. Ilang groups nga daw po — Ano naman ‘to… Ito naman ‘yung sa Mandaluyong concern. Sabi ni Hannah Jane ng DZAR: Sir, ilang groups po ang nag-express ng concern na baka magkaroon po ng whitewash sa investigation ng Mandaluyong shooting probe. May mga bagong directives po ba ang Pangulo tungkol dito? Or may natanggap na po siya na bagong updates?

SEC. ANDANAR: Makakasiguro po ang sambayanan na wala hong whitewash na mangyayari. Ito na nga ay nag-order na si General Albayalde na i-relieve or ni-relieve niya na ‘yung mga pulis na sangkot dito.

If I’m not mistaken, 10 or 11 ‘yung… kasama ‘yung opisyal na na-relieve dito. Ang mahalaga ho dito ay magkaroon tayo ng isang impartial, isang patas na imbestigasyon na hindi lang ho doon sa mga pulis, kung ‘di dapat kasama ‘yung mga nag-tip.

If I am not mistaken, ‘yung mga tanod ata ‘yung nag-tip [garbled]. So dapat pati sila kasama sa imbestigasyon dahil parang domino effect ‘yan Leo eh.

Mr. Palo: Correct.

SEC. ANDANAR: Siyempre ang kapulisan umaasa ‘yan sa mga taong nasa pinakababa. Eh sino ba ‘yung nasa pinakababa? ‘Di ba barangay? Barangay… mga barangay tanod. Sila ho talaga ‘yung mga nasa purok eh. So once na nagbigay ng impormasyon ‘yan ay siyempre susundin ng Philippine National Police ‘yan, lalong-lalo na —

Mr. Palo: Ang tanong pa diyan, Secretary. Ang tanong pa diyan, eh baka may napaulat na pati ‘yung mga barangay officials or mga tanod, may mga baril, nakipagbarilan ‘din ba or what. ‘Yan ‘yung mga tanong diyan eh.

SEC. ANDANAR: ‘Yun ang mga tanong diyan. Alam mo naman, Leo, tayo naging police reporter tayo eh.

Mr. Palo: Yes.

SEC. ANDANAR: And we know that ang pinaka-asset talaga ng mga pulis sa ibaba, ay ‘yung mga nasa barangay. Hindi ho ba? Bukod doon sa talagang mga police asset na naghahanap ng mga illegal na droga, drug pusher para hulihin.

Eh ‘yung pinaka-basic diyan na asset nila, ‘yung mga nasa baba, ‘yung mga barangay tanod. So therefore, ang imbestigasyon diyan ng Philippine National Police at ng DILG should be up to the barangay level para malaman talaga ‘yung problema, mula barangay all the way to the chief of the Mandaluyong police.

Mr. Palo: Kawawa naman ang police, agad-agad nasibak lahat. Mahigit sampu yata sila, kasama na ‘yung hepe nila dahil sa pangyayaring ito na para bagang… basta walang pakundangan na nakipag-barilan na lamang ng walang kalaban-laban ‘yung pinagbabaril nila.

SEC. ANDANAR: Ay talagang dapat managot ang may sala dito. Eh dalawang buhay. Eh biro mo nasayang lang nang walang katuturan. Nasayang lang. At ‘yung ginawa pa nila ay para dalhin ‘yung nabiktimang binaril doon sa ospital, ‘di ba?

Mr. Palo: Grabe.

SEC. ANDANAR: Tapos sila pa ‘yung…

Mr. Palo: Niraratrat.

SEC. ANDANAR: Niratrat. Diyos ko po, ‘no. Kung meron mang pinakamapait na kaso bago matapos ang taon, siguro ito na ‘yun.

Mr. Palo: Correct. Ito banta daw ng CPP… CPP-NPA na ngayong 2018 daw nila aba’y pababagsakin daw ang Duterte administration. Anong quick reaction mo diyan, Secretary?

SEC. ANDANAR: Well, kung ‘yun ang pagbabanta ng CPP-NPA-NDF, then it only goes to show, Leo, that they are really enemies of the state.

Kasi alam mo naman na kung ang isang grupo na organisado ay gustong pabagsakin ang gobyerno ay ibig sabihin hindi lang ho ‘yung Pangulo ‘yung nilalabanan nila kung di ‘yung buong sambayanan na bumoto doon sa Pangulo, ‘di ba?

Because ang ating Pangulo po ay elected. Democratically elected at nanumpa bilang Pangulo ng ating bansa supported by the entire nation.

So, kung gustong pabagsakin ng CPP-NPA-NDF ang ating Pangulo, pinapabagsak din nila ang gobyerno, ibig sabihin they are really enemies of the state and they are enemies of the people.

Mr. Palo: So, walang puwang. Eh kung ‘yan ang gusto nila. “Sige ibigay natin sa kanila.” Parang ganun?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo naman na nagsabi na ho ang Pangulo natin na sila po ay maituturing na terorista at hinihintay na lang natin ‘yung pasya ng korte ‘di ba? Na sila po talaga ay maging ganap na isang terrorist organization.

Then, itong sinasabi na nila na pinapalabas sa kanilang press release na pababagsakin nila ang ating bansa, ang ating gobyerno. So siguro hindi na mahihirapan ang korte na i-proklama o i-deklara silang terorista talaga.

I’m not certain kung naglabas sila ng desisyon, Leo eh. Hindi pa ata naglalabas ‘yung korte.

Mr. Palo: Wala pa. Wala pa.

SEC. ANDANAR: Wala pa.

Mr. Palo: Related to that. Actually, hindi man related. Merong ano dito, pinagkokomento na raw ng Supreme Court ang administrasyon naman sa petisyon kontra Martial law extension sa Mindanao.

SEC. ANDANAR: Kasama naman talaga ‘yan sa proseso, Leo. May karapatan naman talaga si Congressman Lagman na kwestyunin ‘yung proseso ng pag-deklara ng martial law. But then again — O pag-deklara ng extension ng martial law.

But then again, you have the majority of the Lower House and the majority of the Senate approving the extension of martial law. And we must keep in mind na itong mga congressmen, itong mga senador, sila po ay meron po silang mga malaking constituency.

Every congressman represents a particular district and they have their own constituency. Now, if the majority the congressmen approved the extension of martial law and if the majority of the Senate approved the extension of martial law, then we are talking about the majority of our representatives who represent the majority of the people, basically approves the extension of martial law.

So, sa palagay ko hindi naman mahihirapan na ano… ang ating mga mahistrado na desisyunan ito.

Mr. Palo: Secretary, may patanong si… kay Aileen Taliping. Sabi niya rito: Patanong po kay Sec. Tuloy-tuloy… Tuloy na tuloy na po ba ang jeepney modernization ngayong Enero? Gagawin ba talaga ni Pangulong Duterte ang banta na guguyurin ang mga bulok na jeep sa kalsada? May pangamba ang mga commuters na baka naman maubos ang mga PUJ sa kalsada at wala silang masakyan dahil halos karamihan ng mga jeep eh bulok talaga.

SEC. ANDANAR: ‘Yun po ang sinabi ng ating mahal na Pangulo. ‘Yun po ang polisiya ng gobyerno. ‘Yan po ang polisiya na ibinigay sa ating Pangulo ng Department of Transportation.

It’s — You know, isipin po natin ganito. It is not the phaseout of the jeepney per se, the jeepney as a vehicle, as the concept of ano… of a commuter vehicle.

It is the phaseout of the old model. Okay? Mananatili po ‘yung jeepney, ‘yung jeepney na konsepto na sinasakyan po natin. Papalitan lang ho ng mas bago.

Imo-modernize lang ho para hindi na siya maging pollutant. Hindi na siya ‘yung maging maingay. At ito po ay mas magiging energy-efficient.

So, we are not phasing out jeepney. We are just phasing out the models na ginagamit ho. Parang wala hong pinagkaiba ‘yan sa — Halimbawa nasa bahay ka, sa kusina. Eh luma na ‘yung ano mo, ‘yung iyong stove o ‘yung gasul mo, ‘yung tangke mismo, eh hindi mo ipi-phaseout ‘yung gasul. Tatanggal… Papalitan mo lang ‘yung tangke ng bagong tangke. Ganun lang ho ‘yun. Hindi… We are not — Kasi pinapalabas ho kasi ng mga ibang—

Mr. Palo: Transport group.

SEC. ANDANAR: Transport group na pini-phaseout ‘yung jeepney, ‘yung buong jeepney. Hindi. Hindi ho eh. It’s just the model that we are phasing out because we believe, the government believes that the riding public deserves better, more energy-efficient and less pollutant jeepneys plying the streets of Metro Manila. ‘Yun lang po ‘yun.

Mr. Palo: Ang sabi ko nga diyan eh, mas gugustuhin niyo pa ba ang usok na maitim na malalanghap ninyo araw-araw? O ‘yung wala ka ng maamoy o makikitang usok sa kalsada sa pagbabago ng panahon? ‘Yun lang naman ‘yun eh.

SEC. ANDANAR: Alam niyo, alam niyo si Secretary Tugade po talaga ay advocate po siya ng malinis na paligid, malinis na hangin, less pollutant na mga sasakyan. Sapagkat nung si Secretary Tugade ay mahirap pa lamang sila, nagsisimula pa lang sila ng kanyang pamilya ay ‘yung isa sa kanyang mga anak ay namatay dahil sa pollution.

Mr. Palo: Naku, ‘yun pala ‘yun ‘no.

SEC. ANDANAR: Namatay ‘yung isang anak ni Secretary Tugade dahil sa pollution. May hika tapos, of course, ‘yung kanilang bahay ay nasa, you know, ‘yung pang-karaniwang working class na hindi naman gated subdivision. Sila’y nagko-commute.

So ‘yung anak ni Secretary Tugade ay namatay dahil sa pollution. So I understand Secretary Art Tugade. At ilan pa bang mga kabataan, ilan pa bang mga Pilipino ang hihintayin natin na mamatay dahil sa polusyon ng sinasakyan, dahil sa jeepney na mausok or dahil sa bus na mausok.

Dapat ho talaga ‘yung mga sasakyan natin ay energy efficient na at mas ano po, mas less po ‘yung kanilang paggamit nitong mga… mga fossil fuels ‘no na nakakasira po ng ating environment.

And we are really working hard that to, at least, get to that point na malinis ho ‘yung ating hangin sa Metro Manila and one way to do that is to modernize our transport sector.

Mr. Palo: Punta lang kayo sa Lung Center, napakaraming may sakit ng TB dahil sa polusyon eh. Anyway…

SEC. ANDANAR: Oo.

Mr. Palo: Oo. Ilang supermarket daw nagtaas na agad ng presyo, wala pang TRAIN implementation. ‘Di ba next year pa ‘yun, pero ngayon pa lang nagtaas na sila. Kagaya ng Puregold, almost 200 increase per rim sa yosi. Thanks. Patanong po ng editor ni Ms. Aileen Taliping.

SEC. ANDANAR: Ay dapat ho talagang tutukan ‘yan ng Department of Trade and Industry at ipaparating ko ho ‘yan kay Secretary Mon Lopez para sila po ay makapag-inspect kaagad para ma…

Hindi naman pwedeng ano, hindi namang pwedeng pagsamantalahan ang ating mga kababayan diyan sa pagtaas ng presyo kahit wala pa ho ‘yung 2018. Wala pa ho ‘yung — Well, wala pa ho ‘yung — Kasi kailangang i-publish ‘yan eh, ‘yung batas na ‘yan.

Mr. Palo: Oo. 90… 60 days o 30 days.

SEC. ANDANAR: [unclear] days.

Mr. Palo: Oo.

SEC. ANDANAR: And then after that meron pang —

Mr. Palo: Tsaka lang i-implement… IRR…

SEC. ANDANAR: IRR. So kailangan hintayin muna natin ‘yung IRR.

Mr. Palo: Correct.

SEC. ANDANAR: So ‘pag ‘yan po ay napatunayan, kung meron po kayong mga pruweba na meron ngang mga supermarket na nagtaas ng presyo, kailangan ho i-report niyo agad ‘yan sa DTI.

Mr. Palo: Puregold daw. Nagtaas kayo kaagad ha. Ano… Attention BIR, mukhang may nauna. Ganun eh no. Anyway, Secretary. Last na lang. Merong five pillars na binabanggit mo doon sa… ‘yung year ender sa administrasyong Duterte. Ano-ano ito na masasabi nating natupad, na-achieve at gagawin pa ng Pangulong Duterte?

SEC. ANDANAR: Well, nandiyan na nga. Panuorin niyo ‘yung video na naka-post po sa Facebook. Pinapalabas din po sa PTV at sa Radyo Pilipinas. Of course, unang-una diyan ‘yung peace and order.

Kita naman natin na bumaba talaga ‘yung crime rate sa bansa natin. Marami hong mga drug pusher ang nahuli. Marami hong mga drugs ang nahuli din, nasamsam ng gobyerno. More than 18 billion pesos.

Of course, nandiyan din po ‘yung disaster resilience. Nandiyan din po ‘yung sa’ting povery cluster, food security.

So ito pong yearender na ito ay kung ano po ‘yung mga five pillars na binabanggit po ng ating Office of the Cabinet Secretary na tinututukan ng ating Pangulo, doon po talaga tayo nag-concentrate sa ating year ender, Leo.

Mr. Palo: Well, last na lang, Secretary. Kani-kani lamang bago ka… bago tayo nagka-niig eh. Ulat po ng Pag-asa ay mukhang unang araw, January 1 mismo papasok sa Philippine Area of Responsibility, kung magiging tropical depression man siya ay tatawagin siyang Agaton na bagyo. At ‘yan ay tatama na naman sa bahagi ng ka-Mindanaoan at ka-Bisayaan. Ano ang panagawan niyo diyan?

SEC. ANDANAR: Ang panawagan lang po natin ay paghandaan ho natin ano mang bagyo, ano mang low pressure na papasok po sa ating bansa.

We just have to listen to our weather bureau. We should listen to the NDRRMC. Pakinggan po natin ang ating mga local authorities. At alam naman ho natin kung ano ‘yung mga, ‘yung mga dapat nating gawin at dapat na paghandaan natin. Ano ‘yung meron tayo sa bahay natin.

Pumunta lang po kayo sa Facebook page ng Laging Handa ay nakalagay ho dun ‘yung mga first aid kits na kailangan natin, kung ano ‘yung mga essentials na dapat meron tayo kapag tayo po ay dinaanan ng delubyo.

At ang mensahe po natin sa ating mga kababayan is that we should also extend our help. Be ready to extend our help to those who are [inaudible].

Salamat, Leo. At let me just remind everyone that starting January 7 ‘no…

Mr. Palo: 6, 6.

SEC. ANDANAR: Sorry. January 6, 2018 ay magre-reformat na ho itong programa ni Leo at ni Marie. So ako po ay magiging kabahagi na ng programang ito. Magiging Cabinet report sa teleradyo, ‘di ba? Parang ‘yun ho ‘yung magiging title natin. Marami ho kayong aasahan sa programang ito, lalong-lalo na sa pagbibigay ng impormasyon, mga updates po na nangyayari sa Executive branch ng ating gobyerno.

Maraming salamat at Happy New Year.

Mr. Palo: Happy New Year din Secretary. At ingat-ingat. Happy New Year sa buong pamilya at sa lahat ng mga taga-subaybay, eh maraming-maraming salamat po sa pagkakataong ito, Secretary at sa pagtugon mo sa aming tawag. Thank you so much.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka, Leo. Mabuhay, Marie. Mabuhay po ang Radyo Pilipinas 1.

— END —

source: PCOO-PND (Presidential News Desk)

Resource