Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (Radyo Patrol Balita By Junry Hidalgo and Noel Alamar — DZMM)

Q:                                                           Good morning po sa inyo, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR:                            Hi, good morning po, Noel at Junry. Kumusta po kayo?

Q:                                                           Opo mabuti po. Okay, aabalahin namin ho ang inyong Linggo ano po, Linggong Linggo ay aagawin muna namin kayo sa pamilya, kaunti lang naman ito. Mr. Secretary, ano ho ang pagkakaiba… first question. Ano ho bang pagkakaiba ng unang SONA ng Pangulong Duterte noon at ngayon. Siyempre may mga accomplishment na po?

SEC. ANDANAR:                            Sa ngayon kasi Junry at Noel, napaghandaan natin iyong mga kaunting idadagdag natin na bago. Ito po iyong mga napagkasunduan natin doon sa Presidential Management Staff at Office of the President at ang PCOO. Ahh first, konti lang talaga iyong pinag-iba eh. Sa unang napagkasunduan ay kami ay mag-prepara ng isang parang brochure ba, na puro picture.

Alam mo iyong mga puro picture ng mga accomplishment ni Presidente and we will be distributing this visual aid in the form of a brochure in the gallery at number one; and then number two at visual ang PMS po ay nagpe-prepare ng isang booklet na naglalaan doon lahat sa mga accomplishment ni Presidente, nakasulat po doon and this is part of the post-SONA, post-SONA media collateral na ibibigay po ito after the SONA. Kasi alam ninyo po based on experience sa PMS usually iyong mga nagsu-submit ng kanilang mga accomplishment, mga ahensiya ay last two minute, nagbibigay.

So sabi nila ito po iyong karanasan nila for the past administration, ganoon talaga. So that’s why kung hindi kami makapagbigay noong booklet na mga nakasulat na mga accomplishment ni Presidente during the SONA, because hinahabol iyong iba. Iyong mga major to minor accomplishments pero during the SONA itself iyon doon sa napagkasunduan namin nga na magbibigay kami ng parang maliit lang na brochure with all of the memorable photo of the President.

At pangalawa pinag-iisipan ho namin na mag-hire ng mga interpreter pati iyong mga headset kung saan puwedeng makinig iyong ating mga Diplomatic Corps. Sapagka’t hindi po kasi lahat nakakaintindi ng Tagalog at hindi po lahat nakakaintindi ng Bisaya because, siguro napansin ninyo during the last SONA ay nag-o-off the cam si Presidente at minsan nagsasalita ng Bisaya, minsan sa salitang Tagalog. So that’s why we are thinking now of hiring an interpreter.

Q:                                                           Tsaka siguro, Secretary mai-suggest ko lang, iyon bang para naman sa mga audience na deaf mute, iyong mga sign language, iyong mga ganoon?

SEC. ANDANAR:                            Tama po kayo.

Q:                                                           Kasi usually kine-carry naman ng PTV 4 naman ito ng live. Eh siguro mayroon doon na… ano bang tawag doon sa ganoon?

SEC. ANDANAR:                            Opo.

Q:                                                           Para all sectors ng society eh nakakaintindi.

SEC. ANDANAR:                            Tama po kayo. Thank you for reminding me. So iyon sa napag-usapan namin ni Sec. Noel Puyat na magha-hire din kami ng isang magsa-sign language.

Q:                                                           Iyon.

SEC. ANDANAR:                            So para sa mga deaf mute. Tama po kayo so tatlo iyon, deaf mute, tapos iyong (overlapping voices), parang photo gallery ba, ipapamahagi natin sa mga bisita doon na nanunuod ng SONA doon mismo live. And then iyong interpreter, iyon pinag-aaralan natin kung ano iyong… of course iyong gastos ‘di ba kung magkano etcetera. So definitely we’re on the pipeline. Baka mayroon pa tayong mga development in the coming week, kasi halos every week po kaming nagmi-meeting tungkol dito.

Q:                                                           Secretary inaasahan namin na siyempre kasama na po sa babanggitin ng Pangulong Duterte, is iyong kaniyang mga naging ambag sa ekonomiya, ano po. Mababanggit din ho kayo ng Pangulo iyong exact figure po ng mga tao po, mga third personalities na alam ninyo na, iyon pong kumbaga ay nakipagbarilan sa mga pulis? Kasi po hanggang ngayon po ay nagtatalo ang—hindi naman nagtatalo pero hindi malinaw kung anong ahensiya talaga ang magbibigay ng exact figure ng mga drug personality na  natumba, namatay ano ho, dahil sa pakikipaglaban umano sa mga pulis. Ang sinasabi kasi noong isang reporter namin sa Crame eh PDEA na ang magbibigay—

SEC. ANDANAR:                            Opo.

Q:                                                           Pero minsan naman nagbibigay ng figure iyong PNP. Isasama ho ba ng Pangulong Duterte ho iyong kumbaga eh mga drug personalities na nanlaban po sa mga pulis, iyong mga natumba?

SEC. ANDANAR:                            Actually, Noel at Junry, iyong sinasabi ninyo na magbibigay ng numero iyong PDEA at iyong PNP. Ang napagkasunduan kasi diyan ay mayroon kaming maliit na grupo na nagche-check lahat noong mga numero. Ang tawag namin doon real numbers, weekly mayroon po tayong updates at iyong mga miyembro po ng grupong ito ay kasama iyong PDEA, [inaudible] DILG, Department of Health, DSWD. So ang nag-a-announce lang talaga niya eh iyong PDEA. Kasi maalala ninyo po noong mga nakaraang buwan lalo na last year ay kaniya-kaniya silang report.

So, we have to consolidate the report para hindi nga po magulo, para hindi po iyong ibang mga numero kumbaga what we want the public to know is only the real numbers. Ngayon pagdating po doon sa i-a-announce ng Presidente or babasahin niyang speech, hindi ko pa masasabi kung anong babasahin niya kasi iba nga ay ginagawa pa lamang at iyong mga accomplishment ay pinapasa pa lang ng mga departamento and of course it will be the Presidential Management Staff, Office of the President and PCOO ang magde-decide kung alin don ang talagang masasabi nating major accomplishment.

But then again, hindi ko rin masasabi kung babasahin iyon kasi remember mayroon pa tayong limang taon. We don’t know if the President will read all of his accomplishment last year or the first year or kung mag-fo-focus siya sa kaniyang programa for the next five years. At, I will be able to tell you that after this week kasi magmi-meeting pa kami kung ano ang lalamanin ng speech ng Presidente.

Q:                                                           Siguro isa rin ho sa mga interesadong mapakinggan ng taong bayan eh iyong sinasabi kasi lagi ni Presidente na mayroon siyang parang listahan ng mga government officials na nasasangkot sa droga lalo na iyong barangay captain, iyong mga Local Government Executives. Eh siguro eh mas magandang mas interesado iyong kababayan ano, Junry, Secretary na maka-sample ulit na sino ba ulit—kasi namimiss ng tao iyon eh, iyong papangalanan si Congressman Tarpulano, si Mayor ganito, iyong ganoon ba baka maibulong ninyo, isundot uli ng kaunti.

SEC. ANDANAR:                            May listahan talaga niyan at least ‘di ba nakita ninyo naman iyong makapal na listahan na pinapakita ni Presidente pero hindi ko lang alam kung iyan ay kasama doon sa babanggitin niya pero iyong suggestion ninyo po ay ipaparating ko sa PMS at sa Office of the President. Titingnan natin kung maisasama iyon kasi sobrang dami kasi eh—

Q:                                                           Oo nga eh, iyon pa namang mga government agencies eh pag nabanggit sila sa SONA eh parang masayang-masaya na ‘no—

Q:                                                           Kung mabanggit, parang papuri—

Q:                                                           Parang papuri. Pero kung may pahiwatig iyong Pangulo na may sisibakin siya doon sa agency eh mangangatog ang tuhod ng mga iyan. Secretary ano pala, ilang oras ho iyong inaasahang speech ho para sa kabatiran ng lahat? Sa tingin ninyo?

SEC. ANDANAR:                            Wala ho—

Q:                                                           Wala pa. Wala pa.

SEC. ANDANAR:                            Wala pa ho talagang draft eh kasi pinag-usapan, pero just like the past SONA’s ‘di ba usually ang maximum 40 minutes ‘di ba?

Q:                                                           Forty five to one hour eh. Tapos po nakakailang revision na po ng script ang Pangulong Duterte? Binabasa naman ba niya iyong halimbawa iyong mga panahon ng mga kopya. Binabasa niya ho ba iyan?

SEC. ANDANAR:                             Siguro masasabi ko lang iyong last year kasi iyon pa lang po iyong naging experience natin. Siguro—I think more than 10 revisions iyong last year.

Q:                                                           At inaasahan po mga 10 din dito sa second SONA niya?

SEC. ANDANAR:                            Well alam ninyo naman ang Presidente talagang hands on eh pagdating sa speech o… At tingnan natin kung magugustuhan niya lahat pero which I think eh talagang binabago niya talaga pati mga words na ayaw niya pinapalitan niya—

Q:                                                           Ah binabago niya?

SEC. ANDANAR:                            Oo binabago niya so we’ll see. Kasama iyan sa ire-report ko sa inyo sa SONA.

Q:                                                           Baka next week ho may ano na pagbabago na—

SEC. ANDANAR:                            Opo kasi up to the last minute po eh may revision eh—

Q:                                                           Nagbabago?

SEC. ANDANAR:                            Oo halimbawa nag-practice na kami ngayong gabi tapos kinabukasan may bago na naman, so hindi talaga masasabi na kung ilan.

Q:                                                           Tapos Secretary noong isang—nitong nakaraan lang na mga araw ay may pahiwatig na po iyong Malacañang na na-aprubahan na ng Pangulong Duterte iyong request for—budget po for 2018 na mas higit ng 14 percent ang taas sa kasalukuyang budget. Ano pa ho iyong mga priority bills na kumbaga ay hihilingin ng Pangulong Duterte sa Kongreso po?

*MORE*

SEC. ANDANAR:                            Actually kung titignan mo talaga yung national budget, yoong malaki talagang hina-hack na budget ay yung DPWH.Q:                                                           DepEd?

SEC. ANDANAR:                            Well DepEd talagang number 1 yan in terms of percentage na mataas po yung tinaas na budget ay yung Department of Transportation pati yung DPWH. Kasi nagkakahalaga ng halos isang bilyong piso yung sa infrastructure eh. But then again ayoko naman pangunahan diyan ang ating Budget Secretary. Lalong lalo na ang Kongreso pag sila yung magpapasa nito. So I will defer to them so I can only give you the broad stroke of the budget. Ito ay nag increase ng halos ano ba ito more than…

Q:                                                           14 po.

SEC. ANDANAR:                          Actually 12.4 percent.

Q:                                                           okay 12.4 percent pala.

SEC. ANDANAR:                            Under 2017 budget. Tapos nasa 21.6 percent ito ng ating GDP. So pagdating doon sa detalye pasensya na po but I will be defer to Congress kasi sila ang nag-aaral nito.

Q:                                                           Okay lang ho. Pero yung follow up ko po doon yung mga priority bills  po na hihingin po ng Pangulong Duterte sa Kongreso po.

SEC. ANDANAR:                            Sa palagay ko itong federalism will be one.

Q:                                                           Federalism, sinusulong pa rin yan.

ASEC. ANDANAR:                        Sapagkat during the last meeting ay binanggit po ng Presidente. Tinanong niya pa, kung kami mga Cabinet members, what we think kung simulan na itong commission, yung i-aappoint na if I am not mistaken 25 man plus woman committee. Na pag-aaralan itong Constitution and nag-agree naman ang lahat na kailangan nang simulan. Tapos base na rin sa sinabi ni Senate President Koko Pimentel na isa itong kanyang priority na agenda sa susunod na Kongreso. Kaya palagay ko ito ay magiging isa sa mga priority itong Federalism.

Q:                                                           Federalism ano po. Doon po ba sa Marawi mababanggit po ba ang Pangulo doon, na sa may sa Martial Law, yung kita ho ba ng Pangulo na ano na by SONA day tapos na yung Marawi attack

SEC. ANDANAR:                            Well alam naman natin na si Pangulo, actually talagang nasasaktan siya doon sa nangyari sa Marawi at during the last Cabinet meeting, na binanggit nga niya na 20 to 25 bilyon pesos ang ilalaan niya dito.

Q:                                                           Rehabilitation ano po?

SEC. ANDANAR:                            Opo, opo sa rehabilitation nga ng Marawi, kasi nga nangako siya na it will be a prosperous city once again. So sa palagay ko possible pong mabanggit itong Marawi sapagkat ito po talaga yung burning issue ngayon sa ating bansa lalong lalo na if we look at the latest SWS survey mataas parin yung rating ng ating pangulo.

Q:                                                           Mataas parin.

SEC. ANDANAR:                            I think 78 no? 78 yung… I don’t have exact numbers pero mataas yung survey but on the other hand yung issue po kasing pinag-uusapan ng taong bayan itong Martial Law.

Q:                                                           Oo Martial Law, oho isa pa rin yan.

SEC. ANDANAR:                            So and the President always remind everyone na nasasaktan siya sa nangyayari doon sa Maranao at in fact nag sorry siya sa mga Maranawan sa Marawi kaya there’s a big possibility na mababanggit po ang Matial Law.

Q:                                                           Expected ho pa ng Malacanan na mataas na mapapanatili ni Presidente yung ganoong kataas na survey.

Q:                                                           Oo taas ng survey.

Q:                                                           Expected niyo ho?

SEC. ANDANAR:                            Alam mo Junry, Noel, we are working hard na ma-maintain at mapataas ang rating ng Pangulo. Sapagkat mahalaga po sa administrasyon ang suporta na ng taumbayan lalong lalo na Presidente Duterte na napansin natin, saksi tayo sa napakadaming institutional reform at yung mga executive order, mga ginawa niya na kinailangan talaga ng political will. So, Halimbawa itong mga ‘firecracker’ na E.O, itong Anti-Smoking E.O, tapos yung Martial Law. Kailangan talaga ng suporta ng taumbayan. Then now, we need to maintain the support of the people para mapagpatuloy natin yung mga reporma na gusto ng Pangulo para sa pagbabago tulad ng Federalism. Now remember ginamit po namin na barometer ang mga nakakausap ko sa communications yung kay dating Pangulong FVR po halos dalawang taon niya po na maintain  yung kanyang popularity saka yung approval rating ng mga tao. After 2 years bumaba ito noong nagkaroon ng El Niño, naalala niyo?

Q:                                                           Oho.

SEC. ANDANAR:                            Tapos kinulang tayo ng bigas diba? Kung naalala niyo yun.

Q:                                                           Tama.

SEC. ANDANAR:                            So pinag-aralan namin yan at base sa pag-aaral namin mahalaga talaga yung pagkain ng tao, yung bigas.

Q:                                                           Stable food, oo.

SEC. ANDANAR:                            Oo yung food for everyone. Lahat yan ay pinag-aaralan natin and at the same time we are to focus on delivering all of the promises of the President. Kasi ayun po talaga yung barometer, kung ano yung ipinangako ni Presidente noong election kung ano yung nabanggit niya noong nakaraang SONA ay chini-check namin yung mga na-accomplish because alam naman natin na somehow there are people who prayed for that.

Q:                                                           Siya nga pala Secretary sorry ano. Yoon pong issue ng Martial Law talagang ano…kasi may binanggit si Senador Drilon, na kung halimbawa ay kailangan ng Martial Law extension ay kailangan na ng basbas ng Kongreso yun. Hindi yung deklarasyon ng Pangulo. Ano na ho ba ang latest diyan, magdedeklara ho ba talaga ang Pangulong Duterte ng Martial Law extension o hihintayin po ng Pangulong Duterte na bigyan siya ng kapangyarihan ng Kongreso?

SEC. ANDANAR:                            Sa palagay ko hihintayin ni Presidente yung development dito sa Marawi.

Q:                                                           Ah okay.

SEC. ANDANAR:                            kapag natapos yung sigalot diyan sa Marawi that will be a very big factor sa decision.

Q:                                                           Sa decision.

SEC. ANDANAR:                            Kasi alam po natin na July 23 ito mag-e-expire di ba? Yung period ng Martial Law. So kami naman nagdadasal kami na matapos na ito sa mas lalong madaling panahon dahil alam naman natin na kailangan natin na i-rehabilitate na yung Marawi kung puwede. Kasi habang tumatagal mas matatagalan tayo.

Q:                                                           Mas kawawa yung mga kababayan natin doon.

Q:                                                           Siyanga pala Secretary bago ka namin bitawan ha. Yoon bang director nitong sa second SONA ay siya parin ba yung director noong una? Sorry po ha natatandaan po natin na medyo naging kontrobelsyal yung unang SONA ng Pangulong Duterte may shot na pataas eh parang….

SEC. ANDANAR:                            Direk Brillante Mendoza.

Q:                                                           Yun nga ho, nasan na yun?

SEC. ANDANAR:                            Well tignan natin kung… kasi noong unang SONA kasi hindi naman siya naningil. Si Direk Brilyante alam natin na talagang may presyo yan, si Direk Brillante mahal  yan.

Q:                                                           Oo sikat yan

SEC. ANDANAR:                                            Ngayon kung makakaya natin, ma-afford natin eh why not? Kung hindi naman naka stand by naman yung mga director natin sa RTVM.

Q:                                                           Oo, nandiyan naman kayo, kayang kaya niyo yan. Saka Secretary, sana before SONA bigyan niyo kami ng kopya ng speech para iyong ano namin yoon pong mga gamit namin dito maihanda po kasi naman. Alam niyo naman ang mahal na Pangulong Duterte pag ginanahan kailangan namin ng ganito. Hindi na raw palakpak ang binibilang ngayon.

SEC. ANDANAR:                            Para sa buong kapuluan.

Q:                                                           Secretary mensahe po niyo?

SEC. ANDANAR:                            Ang mensahe ko po ay maraming salamat mga kababayan natin na patuloy na nagtitiwala sa ating Pangulo napakataas po ng kanyang rating sa SWS. Lately ito ay patunay na lahat ng progragama ng ating Pangulo ay sinusoportahan ninyo at kayo po ay naniniwala sa pagbabago na ipinangako ng ating pangulo at patuloy po nating dini-deliver sa ating publiko. Ipagdasal po natin na matapos na ang giyera sa…..

Q:                                                           Oo nga ho, sa Marawi.

SEC. ANDANAR:                            Para young ating progress mas malakas pa talaga. Tataas pa young ating pag asenso, yung mga investment natin sa Mindanao. Because talagang undeniable na meron talalagang mga turista na hindi tumuloy because nga sa naririnig nilang Martial Law. Kaya nga kami sa Gabinete we always think courage people to go to Mindanao kasi yung sa Marawi po ay isolated lamang, doon lang sa area na iyon. But the rest of Mindanao is okay.

Q:                                                           Oo nga ho

SEC. ANDANAR:                            Galing ho ako sa Siargao ngayon.

Q:                                                           Ibang klaseng Martial Law nga yung martial law sa Mindanao eh, di ba? Ibang klase.

SEC. ANDANAR:                            Talagang gusto ng tao. So iyon po ako ay galing Mindanao galing Siargao  dahil chini-check po namin young bagong Provincial Communication Officers’ Network, PCONet. Sapagkat the last time na na-convene po lahat ng PIO sa probinsya was 2004, panahon po ni Presidente Arroyo.

Q:                                                           Oo tama

SEC. ANDANAR:                            Ito po ay ni re-convene namin para matulungan din ang Presidential Communications…….

Q:                                                           Naalala ko yoon Joel naging ano ako doon isa sa mga resource speaker, speaker pala.

SEC. ANDANAR:                            Baka puwede kang mag resource speaker ulit sa convention natin?

Q:                                                           Magusap po tayong dalawa. Secretary Martin Andanar salamat po sa oras ninyo.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayo…..

Q:                                                           Kinukumusta po kayo ni Bambie Purisima

SEC. ANDANAR:                            I-regards niyo po ako sa kanya. Salamat po. Mabuhay po kayo.

Q:                                                           Thank you mabuhay ka.

 

###

Resource