Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar (DZBB – Super Balita sa Tanghali by Orly Trinidad and Melo del Prado)

Q:                                                             Secretary Martin Andanar, magandang tanghali po sa inyo. Hello, Sec.?

SEC. ANDANAR:                              Magandang tanghali po sa inyo.

Q:                                                             Pasensya na kayo at naabala namin iyong pananghalian ninyo. Itatanong lang namin itong paghahanda para sa State of the Nation Address. Ano ho bang preparation ninyo at mayroon bang kakaiba? Mayroon ba kaming aasahan na kakaiba po sa SONA ni Presidente?

SEC. ANDANAR:                              Iyong ginawa lang natin ay naglagay tayo ng mga interpreter para sa diplomatic corps para kung saka-sakaling mag-off the cuff si Pangulo, out of the speech, tapos kapag nag-Tagalog o nag-Bisaya, madali pong ma-translate agad at maintindihan ng ating diplomatic corps.

Mayroon din tayong idadagdag na mga language input sa English. Malamang mayroon tayong Mandarin, mayroon tayong Niponggo, naglagay tayo ng French para doon sa diplomatic corps. At ano pa ba ang nalagay natin? Spanish, mayroon tayong Spanish doon.  And then mayroon ding sign language para sa mga deaf/mute natin na mga kababayan, para maintindihan nila kung ano ang sinasabi ng Pangulo.

And then, mayroon din po tayong brochure na mayroong photo narratives ng mga accomplishments ng Pangulo na ipamimigay natin sa gallery.

Q:                                                             Mayroon na kaagad na makikita ang mga tao. Iyong attire ng mga dadalo diyan, iyong mga mambabatas, mga Cabinet secretaries, mga ganoon, ano po ang mga suot?

SEC. ANDANAR:                              Parang last year po ay hindi natin sila ini-encourage na mag-fashion show sapagka’t ang ating Pangulo po ay simple lamang and we’re very sensitive sa masang Pilipino, at iyon ang ginawa last year.

Q:                                                             Dapat mayroong award na star of the night pero pinakasimple lang ang damit.

SEC. ANDANAR:                              At pinakamura.

Q:                                                             Oo, kabaliktaran ng Star of the Night.

SEC. ANDANAR:                              Dapat iyong hula, magkano iyong patahi nung damit na iyon. [Laughs]

Q:                                                             Oo, pababaan.

SEC. ANDANAR:                              Oo, pababaan.

Q:                                                             Siyempre ang ating inaabangan diyan ay iyong laman. Ano ang lalamanin ng SONA ni Presidente? Puwede na ba naming matanong iyan?

SEC. ANDANAR:                              Mahirap kasing sagutin iyan ngayon sapagka’t binubuo pa lang namin, hinihintay namin iyong report ng lahat ng mga ahensiya sa ilalim ng Executive branch para malaman natin kung alin iyong mga iba pang mga accomplishments ng gobyerno. The context, definitely magbabago sapagka’t noong unang SONA ay kakaunti pa lamang iyong naging accomplishment at ngayon, after one year, marami na pong accomplishments; so that in itself will change the entire context of the SONA this year.

So hindi ko masasabi sa inyo kung ang pag-uusapan ba ay kung ano iyong plano the next five years o ang pag-uusapan ba ay iyong mga government policies or legislative agenda na priority ni Presidente o kung babanggitin ba niya iyong mga naging accomplishments for the past year. Hintayin natin habang binubuo pa namin ito. And siguro by next Friday ay mayroon na po tayong konting idea kung ano talaga iyong magiging tema ng buong SONA. Pero, but then again, alam mo ang Presidente, ayaw naman niyang maging predictable iyong sinasabi niya so it’s best for us also to just wait and watch, to listen and to digest ang sasabihin niya on July 24.

Q:                                                           Opo. Sa larangan po ng peace and order, mababanggit po ba niya iyong nangyayari diyan sa Marawi, Secretary?

SEC. ANDANAR:                            Hindi ko masasabi kung babanggitin niya. But definitely, ito po iyong the biggest issue of the day – iyong issue po ng giyera diyan sa Marawi. So definitely, kung ang pagbabasehan po natin ay pag-uusapan ang pinakamalaking isyu ay iyong Marawi po ang one of the biggest issues at hand right now.

Q:                                                           Sa larangan po ng accomplishment, hindi ba ang slogan ng gobyerno natin ay ‘build, build, build’ ano po. Mayroon na ba tayong mga puwedeng mabanggit ni Presidente nag-umpisa na na mga malalaking imprastruktura?

SEC. ANDANAR:                            Iyong big infrastructure tickets kasi na projects talagang magki-kick in ito ng 2018 tulad ng Mindanao Railway at iyong iba pang mga railways dito sa Luzon at sa Visayas. Iyong subway naman, magpipirmahan pa lang this third quarter of this year, si Prime Minister Abe at si Pangulong Duterte. So kung ang pagbabasehan ay iyong budget na ginawa doon sa national budget na isinumite po ni Secretary Ben Diokno, kitang-kita naman doon na talagang pinakamalaking budget ay napunta sa infrastructure. Almost, I don’t know, one trillion pesos ang napunta sa infrastructure.

Q:                                                           Dugtungan ko lang iyong tungkol sa Marawi, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Opo.

Q:                                                           Dahil ang pinakamalaking balita diyan ay nag-decide ang Supreme Court sa botong labing-isa yata iyon, tatlo ang conditional, eh pinaburan ang Martial Law. Tapos napag-uusapan, baka umabot ng 2022. Iyon ay parang assumption lang naman iyon ano. Mayroon ding sinasabi na malapit nang matapos. So papaano ba ang report na gagawin po ninyo ng Malacañang? I-i-extend po ba ito? Hihilingin ba ito ng extension, pinag-uusapan na ba iyan ngayon, Secretary?

 

SEC. ANDANAR:                            Hindi pa ho napag-uusapan iyan sapagka’t hinihintay natin iyong assessment ng Armed Force of the Philippines at sila lamang ang makapagsasabi kung tapos na iyong Marawi o hindi pa, o papunta na ba tayo doon, kailangan ba ng extended o hindi. I understand na si Speaker Alvarez ay pabor siya doon sa limang taon. Pero sa Palasyo po, we will stick by the rules and also the standard operating procedure na kailangan ay AFP talaga ang magsabi kung kailangan ba ito o hindi.

But for now, kung anuman iyong nandiyan, kung hanggang July 23, then hanggang July 23 lang siya.

Q:                                                           Okay, sige. Sabi ninyo nga, depende iyan sa mga sundalo ano po. Papaano ho iyong balita ngayon na mukhang pinaalalahanan po yata ang mga Gabinete na maghinay-hinay sa paggamit ng special plate. Bakit, naaabuso na ho ba itong mga ano, number—ano bang number ng Cabinet?

SEC. ANDANAR:                            Number 6 po.

Q:                                                           Number 6, oo. Naaabuso na ba ang numero sais?

SEC. ANDANAR:                            Bawal ho eh. Bawal ho talaga. Wala hong puwedeng gumamit ng special number plate at iyon po iyong utos ni Presidente simula noong siya ay naluklok sa puwesto na bawal po kaming gumamit. Ako, wala po akong number 6 plate.

Q:                                                           At kung mayroon man, iyong iba ay hindi yata gumagamit ng six pero nilalagay ‘Duterte for President’ pa rin. Hindi pa rin ho iyon dapat ano, hindi pa rin makakalusot po iyon?

SEC. ANDANAR:                            Hindi dapat eh. Kasi iyon nga, sabi ni Pangulo ay kailangan normal plate ang gagamitin. Kailangan po talaga ay sumunod—

Q:                                                           Sumunod sa number coding, sumunod sila?

SEC. ANDANAR:                            Opo, opo. Kasi siya mismo, wala ho siyang number one na plaka.

Q:                                                           Oo, hindi niya yata ginagamit.

SEC. ANDANAR:                            Opo.

Q:                                                           Si Direk Brillante Mendoza ba ay muling gagamitin sa SONA po ng Pangulo?

SEC. ANDANAR:                            Opo. Nagpahayag po si Direk Brillante Mendoza ng interes na tumulong muli, iyon. Tapos sabi ko nga sa kaniya, we cannot afford it, kasi the last time ay libre po. Pero nagpahayag ng interes na gagawin ulit. I haven’t talked to him about kung libre ba o hindi, pero feeling ko hindi siya maniningil eh.

Q:                                                           Siguro baka marami siyang i-a-adjust kasi napuna kasi iyong mga anggulo niya noon na mukhang hindi magandang tingnan sa telebisyon, lalo na iyong naka-tilt up iyong camera. Baka siguro gusto niyang i-perfect kaya …

SEC. ANDANAR:                            Mayroon namang mga suggestions din ang Palasyo na gustong sabihin kay Direk Brillante.

Q:                                                           Okay, sige po. Secretary, bago pa ang SONA puwede magbalitaan ulit tayo dahil alam ninyo po, marami pong gustong iparating ang ating mamamayanan na sakaling maging laman ng SONA lalo na po iyong usapin ng pabahay, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Opo, sige po, let’s exchange notes. Siguro one week before, I will update you kung ano po iyong mga bago na mapag-uusapan namin, kasi tuloy-tuloy pa naman ang pag-meeting namin ng PMS at saka Office of the President.

Q:                                                           Lalo na ho si Melo, puwede kayong mag-text sa kaniya kapag umaga.

SEC. ANDANAR:                            Oo naman. Oo naman, walang problema. Kailangan ko iyong number ni Melo, baka puwedeng i-text sa akin iyong number ni Melo.

Q:                                                           Sige po ibibigay ni Orly maya-maya po. Thank you so much po, Secretary.

SEC. ANDANAR:                            Mabuhay po kayong dalawa, Melo at Ka Orly, at mabuhay po ang DZBB. Salamat po. Thank you.

##

Resource