Interview

Media Interview with President Rodrigo Roa Duterte following his attendance to the 41st Birthday Celebration of Congressman Karlo Alexie “Kaka” Nograles

Event 41st Birthday Celebration of Congressman Karlo Alexie “Kaka” Nograles
Location Mergrande Beach Resort, Bago Aplaya, Davao City

[recording starts]

PRESIDENT DUTERTE: ‘Yung kay Trillanes. Noon pa ‘yan, nung eleksyon, baka nakalimutan ninyo. Hindi pa ako Presidente, ‘yung anak ko pati ako, dinawit ng bilyon-bilyon. Eh p***, sabi ko, “Hanapin ninyo ‘yan. Kung meron, inyo na.”

I authorize you to examine the books of all rural banks. Pati rural banks diyan sa Jolo hanggang Batanes.

Sabi ko, “Tapos na ‘yan nung eleksyon kasi tapos na ‘yung eleksyon, nanalo na ako.”

Ito naman ngayon bago, ang sabi ko sa kanila ganito, nung unang… I told them the history of my son, ‘yung… He eloped with a Muslim lady tapos ang negosyo sa pantalan. Mga jars, mga… ‘yung buy and sell nila sa barter.

So diyan ‘yan siya natuto. Kung hindi lang sa Maynila, si Pulong noon pa, makikita mo doon sa… he was 18 years old noon. 18 years old lang ‘yung tao nung nagtanan sila kay Ms. Lovelie Sangkola, 24 years old lang.

Sabi ko ‘yan. Kung ’yang makita ninyo sa pantalan, palaging sa pantalan talaga. ‘Yan ang natutunan niya noong mga getting older siya, married life. ‘Yung ano.

Ito namang kay Mans, lawyering ‘yan. Wala, kapareho kami ng doctor, pati kaming mga abogado, wala kang… you cannot question that. Hanapbuhay namin ‘yang pagka-abogado.

There is absolutely nothing wrong if you take in a client who is… kung mahirap sa buhay o client mo na pinakamayaman sa mundo. You cannot question that, even among lawyers hindi kami mag-question.

And by this time, to just to educate them, wala kayong makuha diyan.

You cannot even ask the relationship between the lawyer and the client, if confessor and a priest, that’s another one. A husband and a wife during the marriage in… kung may nalaman sila sa isa’t-isa, hindi mo pwede ‘yan.

‘Yung doctor, hindi mo pwede tanungin ‘yung pasyente at doctor. Pasyente hindi mo mapilit sabihin kung anong sinbi ng doctor at anong sinabi ng…

Eh kasi walang alam sa batas eh. Wala kang makuha diyan. Lawyering eh ‘yung si Mans eh ang sabi niya, kanila daw kliyente ‘yang ano. Sabi ko, “Go ahead.”

Pero sabihin mo na, “Lakarin niya kasi son-in-law ko siya.” Alam naman niya ‘yan.

Ang offer nila noon was 3 billion, hindi namin tinanggap.  Iba ‘yung kay Lam ha. Baka ito laruin na naman ninyo ng… Iba ‘yung kay Lam. Three billion. Sabi ko, “Masyado maliit.” And the so many thousands of taxes that they evaded by using fake stamps.

‘Yun ‘yan. So hindi ako nakikialam sa trabaho ng abogado. Hindi ako nakikialam sa buhay nila, paano sila mabuhay, basta ‘yang abogado pati kliyente, kanila ‘yan.

And you cannot summon them in the Senate or in the courts. Even sa korte, hindi ka pwedeng magtanong because bawal talaga ‘yan sa rules of [unclear] and you can ask any lawyer.

Hindi na ako nag-offer because I said I’d be offering information. Why should I?

Ngayon kung sinabi nila na, “Kinuha ‘yung office,” that office is Bello, Bebot. Nagpapractice ‘yan sila eh. Even before I became — many years ago ‘yan.

Si Lucas, ‘yung tatay ni Mans, pati si Mans, pagka abogado niya. It was the law firm handling. And you cannot infer anything there unfavorable kung kunin nila ‘yung… nakatyamba sila ng malaking kliyente.

Pag magsabi siya, “Boss, attorney, tulungan mo ako sa kaso ko. Meron akong reserbang pera para pambayad sa iyo.” Maligaya man ang abogado niyan.

Q: [off mic]

PRESIDENT DUTERTE: On What ground?

Q: [off mic]

PRESIDENT DUTERTE: I would not want to talk about it, the case is already in court.

Q: Mayor, bakit hindi tanungin si Trillanes saan galing ‘yung kanyang funds ‘no? In his fishing expedition without his personal knowledge, he will —

PRESIDENT DUTERTE: ‘Yang problema, parehas sila ni Alejano. They file cases without really knowing the law.

‘Yung kay Trillanes naman, ABC, sinabi ni B na si C daw ang nagsabi sa kanya. That’s not evidence, ‘yung pasa-pasa. “Ah sinabi ni ano na ‘yun raw siya.”

But they persist because either they’re dedicated to their ignorance o… ito si [Trillanes], political ISIS. Wala man siyang talent. He will not… he does not even know between a democrat and a member of a party. How can I expect — kasi kulang. Actually kulang ‘yung nalaman niya sa buhay.

But we have to forgive him. Hindi niya alam ang ginagawa nila eh. Pagka ‘yung inaway niya si Gordon, ganun, insisting on something which cannot be done legally, that’s in the … sa conduct nila, it’s unruly behavior. And they can always be punished for that and even ousted from the Senate.

Ipipilit mo ‘yang illegal na… hindi naman talaga pwedeng gawin.

Q: Mr. President, former House Speaker Nograles apologized sa inyo kanina?

PRESIDENT DUTERTE: Hindi naman kailangan ‘yan because actually, ano lang ‘yan, ‘yung… magkalaban kami sa pulitika but eventually sinuportahan niya ako kasi it was to the best interest of Davao. Siya ‘yung Congressman pati ‘yung mayor eh tumakbo ako ng Presidente, so suportado.

Pero ‘yung… balik ako kay Trillanes, ako instead of… pati ‘yung tawag sa akin na m****. Alam mo, these are the guys who really do not know anything in life except to just to kunwari to be [unclear].

I never said that… malaki pa ‘yan. Kung totoo ‘yan, if there is really sincerity in everybody’s heart, we have to start with Congress.

You know, Congress was authorized. Then it should be the Central Bank of the Philippines and the Secretary of [inaudible]. Ang kayang mahilap kasi nito knee-jerk. ‘Yung mag-react pa kunwari na ano, wala namang alam.

The President cannot… it has to be a law. And the law must come from Congress, not from me.

I cannot say with finality na “ito, ito ang mangyari” because there will be so many stages ‘yan.

If it’s an arbitration kasi areglo, it could go, undergo an arbitration kung totoo talaga.

But Congress must authorize because that is money to be recovered by the Government of the Philippines and that was the offer. That was the rationale of the governor when he offered.

I accepted na the explanation na gusto na namin na matapos. Eh dumating itong isa, tinawag akong m**** eh p***** i** mukhang pera talaga pala ‘to.

Narinig lang niya na may areglo na, nagwala na.

And so I cannot help you guys. It’s not that easy. Just because I was listening, I accepted her explanation na kung bakit gusto na niya — it’s high time that these things are…

If the government decides to pursue, prosecution [inaudible]. That’s… that would… that realm would belong to the Secretary of Justice.

Maybe there would be a compromise, kung wala, then you proceed. But then if you proceed, bakit hanggang ngayon, itong si Carranza hambog ng hambog, bakit meron pa palang isinauli, so anong ginawa ninyo?

Ngayon, tinitignan ko ‘yung PCGG, hindi lang ‘yan… just because you recovered a few millions there, sasabihin mo na nagtrabaho na kayo. Kulang ang trabaho ninyo. Eh bakit hindi ka nakita nito ngayong ino-offer nga ni Imee ngayon na ibigay?

He’s not ready to announce na ninakaw ‘yung pera. Misis ‘yung pinagdudahan, pag-usapan. That, I accepted. But when the proceedings should begin, they should start with Congress.

Q: [off mic]

PRESIDENT DUTERTE: Well, it’s the people who will decide it through the representatives, and then the representatives should — kaya sila called “representatives” because they represent the people, because we should be deciding our own fate.

But since not all the people can be accommodated in one building, you only send representatives. Kaya tawag nga sa congressman, “Representative.” Marami pa kasi ‘yang… Akala ko kasi itong mga edukado, mga pretending to know.

Eh kita naman niyang when I said that I accepted the ano… he called me a m****. Idioto ka pala ‘eh.

He must be — so from a m**** to an idiot, I’m telling you, you are an idiot. Because you pretend to just blurt out anything without using your… the gray matter between your ears, and that is the brain.

Wala ka niyan. You must have an IQ I think of  — the normal is I think [64?] Ang IQ niya siguro mga sais lang, syete. Bubuga ng bubuga ng ano, he’s calling people by names. Hindi ko naman inisip na wala kang pinag-aralan pala.

 Q: Hi sir. Sir, can you expound more on the ano sir [inaudible]

 PRESIDENT DUTERTE: Ah… Meron dito, so to ease the pressure, meron nang skirmishes everyday and I don’t know how this thing developed but [inaudible] anyway I have that by the end of the year to contain all of these things.

But kung… I would like to report to you officially that we will be pursuing the… ‘yung MI pati MN peace talks.

Ang sabi ko na nga sa buong bayan, ako na ‘yung Presidente magsasabi sa inyo. If we cannot reconfigure a political structure to suit everybody’s needs and fulfill their demands because it is really valid, Mindanao will be at war for all times.

And I hope it will not. With the coming of the ISIS, just like itong si… si Trillanes nga poilitical ISIS eh. Walang alam, basta gusto, bira lang ng bira, akala niya, tama siya. Ang… ang nakakatawa diyan, kasi when he talks, it is as if talagang alam niya ang batas.

Sinong tatawagin niyo? Ako, ang advice ko kay Pulong? “Punta ka doon, then pagdating mo and he questions, sabihin mo lang na, “I will not answer you, I’m invoking my right of silence kasi nung eleksyon pa, hindi pa Presidente ang tatay ko, binibira mo na kami.”

So if you want evidence, Mr. Trililing, do not get it from the mouth of other people. Go somewhere else. ‘Yung tinitira mo, gusto mo ring ipitin.  Hindi ka abogado, hindi ka marunong niyan.

Ang isagot sa iyo, “I will refuse to answer your questions because it will intend to incriminate me.” Why? Because sa election pa lang, binibira mo na ako.

You have already assumed that I am a [inaudible]. So what’s the point in answering you?

So you might as well invoke the right to silence. Eh di pareho sila ni Faeldon, magtinginan na lang kayo diyan.

You cannot punish a person or take any inference ‘yang magsabi, sabi, “Silence is… means [inaudible].”

 When a person invokes a constitutional right, you cannot infer anything from them. Perfectly alright, and you cannot force a person [inaudible]

Huwag mo gamitin ‘yang contempt, contempt. Hindi ‘yan… kasi hindi mo… Ang tao, pwedeng hindi talaga.

So kayong mga next batch sa ano, kay Trillanes na subpoena, all you have to do is to send a letter, “We are not answering your questions. I will not submit to an investigation.”

For what? You are on a fishing expedition. Kaya kung may gusto kang malaman, huwag mong kunin sa bunganga ko. G*** ka pala. ‘Di maghanap ka kung saan-saan mo hanapin. Kung totoo talaga ‘yan.

So that is all there is to it. So why bother asking a lawyer and asking a plain citizen, or Vice Mayor for that matter, na in-assume mo na na sila publicly, ‘yun ang behind Davao group? Sino pa may gusto na magsagot sa iyo? Eh ‘di sabihin mo na lang, “The right to remain silent is really [inaudible]”

So, anong — for what purpose? For harassment. Eh kung pang harassment, eh huwag mo na lang… Sabihin mo sa…

Kaya, ang problema niyan, the processes of the Senate has been degraded, parang it looks cheap now.

Ako ang padalhan mo ng subpoena, sabihin ko, “S***.” What’s the purpose? To investigate? Kayong — kayong tatawagin na, “Halika,” all you have to do is to say, “No. We will not answer you. I will not answer you. I will move the right to remain silent. Period.”

So ‘yan, narinig na ninyo ‘yan, nalaman na ninyo. Maski sinong kriminal, kunyari sagit — sagot, na-l**** na ‘yung… Na-cheapen ‘yung… Wala na kayong makuha.

After this, my advice to all? If you are called to the Senate, do not [inaudible]. Sign it, ‘pag na-contempt ka, then you go to court. And you will say, “I have the right to remain silent. I will go there, but that’s it.”

Huwag kayong sumagot. Sabihin lang ninyo, “Eh, baka makulong kami. Malay ko na —

Mag-[inaudible] ka diyan ng affidavit na naman, tapos ipitin mo ako, file-an [file] mo ako ng kaso. You tend to incriminate me. Instead na wala, hindi ako kriminal, gawain mo akong kriminal.” Eh kalokohan ‘yan.

Most of all, you are famous for fabricating and there’s a crime na subornation of perjury. Then you ask people to execute an affidavit, which is a lie. Ganun ‘yan.

Kaya maniwala kayo, kasi ako, abogado at ako ang Presidente ninyo, ako ang legal adviser ninyo.

Hayaan mo ‘yan si — ‘yung mga… Do not be afraid ‘yung contempt-contempt ni Trillanes. Pumunta kayo. Tiningnan — Tingnan mo siya sa mukha, tapos sabihin mo, “What do you want from me? Answer? About what? Ay, oo nga ‘no. Marami ‘yan. Droga…” Basta ‘yan ang sagutin ninyo, wala nang magawa ang Senado.

That is why — dapat hindi ko sabihin — but as a lawyer, I suppose I can advice citizens of this Republic that when you are cited to appear in the Senate, you may want to appear to avoid itong mga aresto-aresto, contempt.

But sabihin lang ninyo, when the question starts pouring in, sabihin mo, “I will not answer you. Not because your charges are true, but malay ko, your questions are crafted to suit an affidavit, which you…” Mag-gawa ka ng affidavit ng isang Juan dela Cruz, tapos i-suit mo — tapos i-question mo, pilitin mo ‘yung tao, “answer” You cannot do that.

That is my advice to the people of the Philippines. Na ‘yang — huwag kayong matakot ‘yang contempt-contempt sa Senate. Wala ‘yan.

‘Pag kayo pinatawag, maghingi kayo ng tulong sa akin as President, tutulong ako. I will send lawyers. I have to say that I represent the person cited to appear, and my answer to him is, “Shut up.” Tapos.

So henceforth, wala na tuloy makuha ang Senado. I said because they have cheapened the image of the Senate as an oppressor — hindi naman lahat. Ganun ‘yan. Huwag kayong matakot ‘yang tanong na ‘yan, wala ‘yan.

Siya ang dapat managot kasi ‘yung nag-mutiny, sabi nga ni Gordon. Patapang-tapangan, ngayon mo na ipakita ‘yung tapang mo, bakit ‘di mo tinuloy? Sinampal ka lang ng [inaudible], nag-iyak ka pa, nag-surrender ka.

Ang nakuha mo sa ‘yung mutiny, ‘yung mga plato pati kutsara ng… Pati ‘yung mga kumot ng — ubos, dinala ninyo — Peninsula Hotel. Hindi mo pa nabayaran ‘yung damage.

And here you are, nag-martsa-martsa, akala mo sino, hindi naman si Bonifacio. Hindi naman mukhang Aguinaldo. Tsaka you cannot so be.

Kayong mga critics, may nagsabi na m****nic ako, ikaw ang idiot. And I would say, “Your IQ is about four or five.”

Hindi mo alam na the President cannot — on his own — negotiate with a… It has to be Congress.

Congress must pass a law then provide the steps of how to recover. Then after that, may appoint pa ako, kung bigyan ako ng power — wala. Kung sabihin nilang, “We’ll give you the…” Sigurado akong Central Bank, Secretary of Finace, BIR, pati [inaudible]. ‘Yun lang.

So, huwag kayong masyadong pabilib. Kaya si Alejano, alam mo, pabilib lang. Gusto niya tanggapin [inaudible]. Kaya siya minura ni Fariñas eh. Eh nagpapaka-abogado ka, wala kang alam. Eh bakit ka pa nag-military? ‘Di kumuha ka na sana ng law diyan sa… Ewan ko kung papasa ka sa entrance exam.

Bakit kasi ilayo sa akin? Syempre ako, palapit ako, alangan naman… ‘Di ka marinig. Kayo, makinig kayo ha.

Sige ano pa — habang — ano pang misgivings niyo about it?

Q: [off mic]

PRESIDENT DUTERTE: Wala. Hindi kami nagkita. Ayaw niya ako kausapin. Matagal na ‘yan. Matagal na. At tsaka hindi ako magbigay ng advice. Alam niya ‘yan, kung nakinig siya, may idea na siya kung anong gawin niya.

Kung gusto niya, pumunta siya doon. Ang problema, magkahiyaan. [inaudible] “Bakit summon mo ako? Where’s your evidence? Bakit mo ako pinatawag? Diyan sa newspaper na grupo ng — ano ‘yung? Davao group? Ito lang ang ebidensya mo? Tapos tatawagin mo ako, gagastos pa ako ng eroplano para lang makinig itong isang…”

They are terrorizing the people. Kaya I’m forced to — to tell, to give you the advice. One day, pati media you might be cited as… Kung pagtingin mo nasa alanganin, huwag. You can go to court if you want.

Q: ‘Sir, ‘yung warning niyo kanina na the next big problem siguro is about the ISIS problem, can you give us some idea kung gaano na ba kalawak or katindi ‘yung recruitment nila tsaka ‘yung…

PRESIDENT DUTERTE: Look, I’ve been explaining to you. The ISIS are being — the ISIS is being cornered into the coastal towns of Syria. Natutulak na sila sa Syria. Once they lose mass base, wala na silang mapunta — papatayin talaga sila. Alam mo na ang Arabo, they will be executed. Sisibat na ‘yan. And then because they have access in some countries, bigla na lang sisipot kagaya nung sa Marawi.

Q: Pero anong mode ng recruitment nila sa… dito sa Pilipinas?

PRESIDENT DUTERTE: I don’t know how fast. But I have to talk to the… President Widodo. We have agreed that we will talk — the three of us, si Najib, sa Malaysia. So naghintay lang kami ng timing.

It can be near the Philippine shore. Sabah might be a good avenue or Jakarta. But it could be a long haul actually.

Q: Probably, what could be the area of discussion?

PRESIDENT DUTERTE: In probability, a joint ano ‘yan… In all probability, it will be a joint — parang task force. And I will open my borders to the Malaysian authorities and Indonesian authorities, and I am — they’ll be given access.

Kung may hinahabol kami, tapos sabihin, malakas ‘yan, wala nang panahon, tirahin mo na lang siya. Even if it’s a Filipino, sabihin mo doon sa [inaudible], “Tirahin mo na.” or Indonesian dito, they will [inaudible] banatan mo.

Q: How soon will be the discussion?

PRESIDENT DUTERTE: I have yet to… But they are doing it already. But to formalize an agreement, we have to meet face to face and agree on an agenda for the talks.

But I said I can only maybe, be there for about a day or two. At this time, I cannot — I do not have the luxury of time because I have a serious problem here. And I have to — I’ve been to Marawi several times. I intend to go there hanggang matapos ‘to.

[inaudible] after that, in terms of money, marami ako sundalo napatay, pati pulis. Sa drug war, the other day, I said everyday I lose a policeman or a military man connected with violence, connected with drugs. The other day, I lost three.

Q: Ang recruitment niya almost — almost the rest of Mindanao na ba?

PRESIDENT DUTERTE: Ang?

Q: Sa ISIS, na recruitment nila?

PRESIDENT DUTERTE: Lahat na. Lahat na sa… Lahat na sa… They would be most active in Muslim cities.

Wala na? Ikaw ma’am? Sagutin na lang kita, ma’am.

Q: [off mic]

PRESIDENT DUTERTE: Sinong sasagot sa… He cannot… Sabi ko sa kanya, if it comes to lawyering, hindi siya pwedeng magtanong. Bawal ‘yan.

And I say bawal, because — kasi ditong kagaya ng Bautista. What’s the use of proceeding against him if the wife cannot testify on the matter that she is… Because it’s not allowed. Sabihin lang sa court… Then, sabihin mo na lang na, “I do not want to answer your question kasi it might tend to incriminate me.”

They have been active since time immemorial, long before I became… Alam mo si Trillanes, kung may hard evidence, matagal na ‘yan sumisigaw. ‘Pag nagsabi na hard evidence, nag-ano  ‘yan psywar. Eh, hindi naman ito ‘yung kalaban mo sa gyera — abogado ito eh, buang. Huwag kang magpa-ano-ano diyan, [pamaro?]

What if kung i-confront mo, sabihin ng tao, “Ilabas mo ‘yung abogado.” Ba’t mo pa i — kasi nga — sinali niya ‘yung lawyering ng son-in-law ko. Sabi niya, “Tinuro mo lang kami. Kami pala ang Davao group. So bakit pa ako sasagot?”

‘Pag sabi niya, “Ito ba ‘yung ebidensya mo?” “Ewan ko, saan mo nakuha ‘yan?” that’s the [inaudible]

Sabi ko nga, ang mahirap kay Trillanes, sabihin mo, wala ka kasing alam. Pinipilit mo ang mundo na umikot doon sa tinuturing mo. Eh, hindi ganun ang mundo. Huwag kang mag-superstar sa publiko kasi itong mga kaharap mo, hindi ito mga bugok.

Pati si Alejano. Tingnan mo, impeachment-impeachment, puro hearsay. Ibig mong sabihin, i-impeach mo ako, patawag mo ako with that garbage? Eh ‘di sabihin — magle-lecture ako ng — kagaya ng nagle-lecture ako, magle-lecture ako doon sa puro abogado na mga congressman pati senador.

 

—END—

 

Resource