Interview

Live announcement of Presidential Spokesperson Harry Roque

Event announcement of Presidential Spokesperson Harry Roque

Magandang hapon Pilipinas.

Kapapasok lang po na balita, nadesisyunan po ng IATF ngayong hapon na iyong mga health professionals na mayroon na pong mga papeles, ibig sabihin iyong OEC na issued ng POEA at iyong employment contract na verified as of March 8, 2020 ay pupuwede pong lumabas ng bansa.

Uulitin ko po: Iyong mga health professionals na mayroon na silang mga OEC issued po ng POEA at iyong mayroon na pong verified employment contract as of March 8, 2020 ay pupuwede pong lumabas ng bansa. Puwede rin pong lumabas ng bansa ang mga balik manggagawa o iyong mga nagbabakasyon lamang sa Pilipinas at matagal na pong nagtatrabaho sa abroad.

Sakop pa rin po ang pagdi-deploy abroad ng lahat ng mga health professionals kung wala po silang dokumento on or before March 8, 2020.

Iyon lang po at magandang hapon po sa inyong lahat.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)