Interview

Interview with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV – Tutok Erwin Tulfo)

Event Media Interview

TULFO:  Sir, kumusta na po kayo? I have been praying for you ha, sir, every day.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat naman po. Kahapon po was the end of my quarantine. I was hoping po na makakabalik Malacañang ngayon pero sarado pa po iyong aming tanggapan dahil nga marami sa amin ang tinamaan ‘no at iyong dalawa po ay itong linggo lamang. So nagdi-disinfect po kami kaya hindi tayo makabalik ng Malacañang, pero labas quarantine na po tayo.

TULFO:  Pareho tayo sa PTV ganoon din po, marami din pong nagka-positive po doon. Actually, tinulungan pa ninyo iyong isang kasama namin without mentioning his name. Salamat po pala, Secretary Harry ano po.

SEC. ROQUE:  Okay. Hindi ko na po imi-mention ang name, pero magkakamukha po tayong tatlo. 

TULFO:  Secretary, anyway, reaksiyon lamang po. Ayaw kong painitin ang ulo ninyo, pagaling po kayo. Pero gusto ko lamang ho eh makakuha ng sagot dito sa reaksiyon sa sinabi ni Supreme Court Retired Justice Carpio na parang itong mga bakunang ibinibigay ng China raw sa atin, lalo na iyong 400,000 vaccines pa mula sa Sinovac, ay parang kapalit daw nito para hindi tayo magalit dahil sa kanilang mga barko na nandiyan ngayon sa Julian Felipe malapit sa Bataraza, Palawan, Secretary?

SEC. ROQUE:  Naku, pasensiya na po kayo pero didiretsuhin ko kayo, guni-guni lang po iyan ni Justice Carpio. Alam ninyo po sa panahon ng pandemya na wala namang umasa na biglang magkakaroon ng ganitong pandemya ay importante po sa atin iyong pakikipagkapwa, iyong pagiging humanitarian. At naniniwala po tayo na itong donasyon galing sa Tsina ay kabahagi po ng humanitarian effort ng Tsina. At kung hindi naman po talaga dumating iyong mga bakuna ng Tsina, eh wala sana tayong napaunang nagamit na bakuna.

Ang katotohanan po eh ay isang milyon ng Sinovac ang ating unang ginamit at ito po ngayon ay pinakikinabangan ng ating mga kababayan. Huwag sana po lahat hinahaluan ng pulitika ng mga persona na desperado pong manalo sa 2022 at malayu-layo pa naman po iyan.         

TULFO:  Sir, ano na po ang nangyari sa Sinopharm at saka doon sa Russia, sir, na Sputnik V? What happened to that, sir, na inaantay natin, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, aprubado na po iyong EUA ng Sputnik V. So nakarating na po lahat ng donasyon ng Tsina sa atin, isang milyon. Sa biente nueve (29) po darating po iyong isang milyon na binili natin galing sa Sinovac at sa susunod na buwan po, mayroon tayong inaasahang darating na karagdagang Sinovac at saka sa Sputnik.

Mayroon po tayong apat (4) na milyon darating na bakuna sa Abril; pero itong Marso po, ang suma total na darating ay mga 3.5 million. At lahat po ito ay ibibigay natin sa mga medical frontliners muna at kapag natapos na po sila, pupunta po tayo sa mga indigent senior citizens.          

TULFO:  Mayroon na po bang strategy kung papano po para mapabilis ang pagbabakuna na may mga nagsa-suggest na gawing 24/7 daw po ang pagbabakuna para mabakunahan talaga ang sambayanan o iyong tinatawag na 75% ng ating populasyon, Secretary?

SEC. ROQUE:  Opo. Mayroon po tayong istratehiya ‘no, hindi na po natin aantaying matapos lahat ng frontliners isasabay po natin ang mga indigent elderly lalung-lalo na sa EUA ang Sinovac po ay hindi magagamit sa elderly.  So, habang dumarating po iyong iba pang mga bakuna gaya ng AstraZeneca at saka Sputnik, isasabay na rin po natin iyong mga indigent elderly, pagkatapos lahat ng elderly, tapos iyong mga may comorbidities, at lahat naman po iyan ay inaasahan natin na hindi na po magpapatuloy kung hindi baka matapos na po ang mga medical frontliners sa buwan ng Abril at inaasahan po natin na ang publiko ay magsisimula na tayo sa Hunyo matapos po ang mga seniors at saka ang may mga comorbidities.        

TULFO:  Panghuli na lamang, Secretary  Harry, na siguro pupuwede po ba… kasi po may mga nakakarating po sa akin na hindi naman reklamo kung hindi parang they were saying na kung pupuwede daw i-clarify sa mga LGUs pati sa PNP kasi may mga checkpoints daw, sir, lalo na iyong mga papasok sa mga probinsya na outside our bubble? Kagaya ng kaibigan ko pumunta  siya ng Bataan, mayroon daw po siyang ika nga swab saliva testing ng Red Cross, ayaw tanggapin daw po doon sa checkpoint ng Morong kasi hindi raw iyong swab testing, hindi  raw magpakapareho ho iyon. Paano po ba ito kapag ganito? Kailangan siguro linawin ng IATF na in place of swab testing, pupuwede iyong saliva testing ng Red Cross, Secretary?

SEC. ROQUE:  Actually, niri-require na RT-PCR at iyong ginagawa po ng Red Cross, RT-PCR din po iyan, pareho ng makina at ang ginagamit lang imbes na specimen sa ilong ay iyong saliva na nga lang po. So dapat po ang linawin sa mga checkpoint, pareho pong RT-PCR iyan, ang ginagamit lang ay iyong saliva at hindi iyong specimen na galing sa ilong.

TULFO:  All right. Secretary Harry Roque, sir, please get well soon. We need you for, ika nga, araw-araw sa mga briefing mo, Sec.

SEC. ROQUE:  Huwag po kayong mag-aalala hindi naman po tayo tumigil sa ating trabaho, pero siyempre kapag nakalabas na sila doon sa quarantine, naku, lagot na naman silang lahat. [laughs]

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)