Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Tony Velasquez and Danny Buenafe (DZMM Teleradyo – On the Spot)

Event Media Interview

Q: Anyway, kaya napatawag kami ni Pareng Tony, sir, dahil siyempre nakausap namin kanina iyong Pulse Asia, gusto naming … galing na rin sa inyo, napakataas ho ng approval rating ni Presidente, 91%. Ano ho ba ang tingin ninyo ang naging batayan dito at ganito kataas pa rin ang kaniyang rating?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, tayo po ay namigay ng record breaking ‘ayuda’ na 200 billion sa lahat ng mahihirap, at patuloy pa rin po iyong ating 4Ps.

Pangalawa,  napakadami pa hong iba pang government interventions. Nandiyan po iyong Small Business Wage Subsidy, nandiyan iyong AKAP ng DOLE, nandiyan iyong TUPAD, nandiyan iyong CAMP. So sa kauna-unahang pagkakataon, napakalaki talagang halaga na galing sa kaban ng bayan ang binigay natin sa ating mga kababayan sa panahon ng pandemya.

Alam mo, ang Pilipino, napakagaling po niyang tumanaw ng utang na loob, sa tingin ko po isa iyan sa pinakamalaking dahilan.

Pangalawa po, psychologically, sa panahon ng pandemya, talagang gusto nilang tumingala sa isang lider na malakas, sa strong leader. At ayaw nila iyong wishy-washy kumbaga. Ang gusto nila, isang direksiyon lang at binibigay na nila iyong pananampalataya nila sa lider nila na gagawin ang dapat na gawin para maisalba nga sa kahirapan na dulot ng pandemya.

At pangatlo, tingin ko, nakikita naman ng mga taumbayan na ang Presidente ay nakatutok sa COVID. Kasi alam ninyo, si Presidente naman ay talagang totoo iyan eh, wala iyang manufactured charisma, wala iyang manufactured personality. Nababahala siya sa COVID dahil unang-una, ayaw niya ang iba ay magkasakit, ayaw niyang magkasakit ang mahal niya sa buhay, kasama iyong mga bata niyang anak at mga apo. At tingin ko, nakikita nga ng taumbayan iyong sinseridad ni Pangulo na gawin ang lahat para maprotektahan hindi lang ang kaniyang sarili at kaniyang pamilya, kung hindi ang buong sambayanang Pilipino.

BUENAFE: Okay. Tatlo ang dahilan niya.

VELASQUEZ: Secretary Harry, siyempre nabanggit mo na nga na iyong pagiging decisive, ano ho ang sa tingin ninyo ang isa sa mga kinikilala ng ating mga kapamilya na dahilan para bigyan siya nang mas mataas pa na grado dito sa nakaraang survey. Pero sa isyu nga ng pagiging decisive – maiba lang ako ng issue, pero sa pagiging decisive pa rin – si Pangulong Duterte ba ay nakapagdesisyon na kung sino talaga ang dapat maging Speaker ng Kamara de Representante dahil balita namin ni Pareng Danny, nakipagkita raw si Pangulong Duterte—

BUENAFE: Kagabi.

VELASQUEZ: Kay Lord Allan po. May balita po ba kayo tungkol doon?

SEC. ROQUE: Well, hindi naman po kasi presidente ng pumipili ng Speaker; talagang mga miyembro pa rin ng Kamara de Representante ang pumipili diyan. Siguro po may punto na sa simula ng Kongreso, hindi pa magkakakilala ang mga kongresista lalo na dito sa kongresong ito na ang mayorya ay mga first termer ay pupuwedeng maging influential ang Presidente.

Pero nakasaad po sa Saligang Batas, talagang desisyon po iyan ng Kamara de Representante ‘no. Wala po ako sa meeting kahapon. Iyan po ay naganap matapos ang meeting ng Presidente nga with the IATF, iyong select members ng IATF at saka iyong kaniyang ulat sa bayan ‘no. So, actually late na po iyan at talaga namang gustuhin ko man na mag-stay ay ang problema po talaga, galing pa ako ng Boracay kahapon ‘no – talagang pagod na pagod. Pero mamaya pong tanghali sa aking press briefing, tayo po ay mag-uulat kung ano ang naganap sa pagpupulong.

Q: Sir, totoo ba na talagang ano siya, kasi ang lumilitaw at lumulutang na balita ay parang hands off na siya – policy, hands off in terms of choosing or influencing the Speakership? Ito ba ay ipinapaubaya na lang niya sa Kamara de Representante ho o gusto pa rin niyang masunod iyong 15/21?

SEC. ROQUE: Tama po iyang sinabi ninyo kasi dalawang beses pong nagsalita ang Pangulo tungkol rito. Una ang sinabi niya, sana matupad ang kasunduan, pero kung walang numero si Lord Allan Velasco ay wala siyang magagawa. At ang pangalawa po ay matapos nga po iyong pagbotohan sa Kamara na binasura iyong proposed resignation ni Speaker Alan Cayetano, ang sabi niya labas tayo diyan, hands-off tayo diyan, no comment diyan. Iyan ay purely internal matter of the House of Representatives. So iyon po iyong dalawang beses na sinabi na narinig ko mismo sa sariling tainga ko na nanggaling mismo sa bibig po ni Presidente. So, in the end po, bagama’t mayroong kasunduan sa panig ng dalawang tao, eh siyempre po Kamara naman po ang magdedesisyon.

Q:  Eh kasi parang ang gustong palabasin ngayon ng kampo ni Congressman Velasco ay tila lumilipat na iyong bilang sa kaniyang panig at parang nagsi-shift iyong support.

Q:  Parang nagdi-dwindle na daw iyong numero ni Speaker Cayetano, pero hindi natin alam talaga iyon. So, ang inaabangan ng lahat, kasi iyong si Presidente rin iyong nag-broker eh, iyong term sharing. So, umaasa iyong iba na baka mayroong impluwensiya pa rin na manggaling kay Presidente.

SEC. ROQUE:  Ulitin ko lang po iyong sinabi ni Presidente, purely internal matter of the House, hindi po kami magkukomento, kung may numero si Lord Allan Velasco, kasi iyon naman po ang sinabi ni Presidente talaga. Kung wala siyang numero, wala akong magagawa.

Q:  Ito, numero pa rin ang pag-uusapan natin, Sec. Harry. Numero naman ng inflation. Dahil ang balita, eh bumaba pa daw ang inflation at ito daw ay naitala sa isang four month low nitong Setyembre na 2.3%. Eh 2.3% napakababa magmula po doon sa nakaraang buwan na 2.4, eh noong nakaraang taon ng September, ito ay 0.9. Ito po ba ay talagang nagpapakita na maganda pa rin ang takbo ng ekonomiya natin, sa kabila nga ng pagsara ng maraming mga businesses dito sa pandemic?

SEC. ROQUE:  Opo, iyan po ay magandang balita, ibig sabihin po, talagang hindi nawawalan ng balor iyong ating pera na ginagastos, pero at the same time po,  bagama’t hindi ko pa nakikita iyong mga datos tungkol dito ano, eh kinakailangan din tayong mabahala, dahil iyon daw, inflation ibig sabihin kaunti rin ang nabibili ng ating mga kababayan. So, tingnan lang po natin kung ano pa iyong datos na naririyan, sa totoo lang po, hindi ko nakita iyang latest figures na ni-release yata ng Philippine Statistics Office. So, maya-maya lang po titingnan natin, bubusisiin natin.

Q:  Sir, nabanggit na rin ninyo kanina na galing kayo sa Boracay. So far, ano po ba ang feedback? Safe na safe na po bang pumunta sa Boracay? Kasi ang alam ko diyan lang po sa mga kalapit na lugar ang allowed na pumunta diyan.

SEC. ROQUE:  Hindi po, lahat na po ng lugar pati nasa GCQ, pati po Metro Manila ay pupuwede na pong pumunta, magpi-fill up lang sila ng health declaration form doon sa Aklan Provincial webpage, isa-submit iyan kasama iyong kopya ng kanilang PCR test na dapat kinuha within 48 hours bago dumating po ng Boracay. Walang kasing ganda po ang Boracay ngayon. Ako po ay 1987 pa, eh pabalik-balik na diyan sa Boracay, halos lahat ng mga resorts po diyan ay naging kliyente ko noong ako ay nagpa-practice pa ano. At iyong gandang nakita ko po ng Boracay ngayon, kasing ganda noong 1987. Medyo nalungkot nga lang po kasi kaunti pa rin talaga ang bumibisita sa Boracay, bagama’t ang panawagan po ng Presidente ngayon, is kaya naman nating mabuhay sa kabila ng COVID-19. Kinakailangang pangalagaan lang po natin ang ating buhay para tayo po ay makapagtrabaho at kung hindi po tayo bibisita sa Boracay, number one, mami-miss natin ang World’s Best Tropical Beach at number two, wala pong hanapbuhay iyong mga taga-Boracay. P30,000 po iyong dating nagtatrabaho sa Boracay, ngayon po wala pa pong 5%  ang nakakabalik sa trabaho.

Q:  Ganoon ba? So ano nakapag-swimming kayo kahapon, okay naman.

SEC. ROQUE:  Opo, record time na one hour, 30 minutes akong nag-swimming kahapon ng umaga. Kaya lang not my choice kasi napakakalma ng alon, pero langoy lang ako nang langoy, hindi ko nararamdaman dahil walang current. Napakalayo ko na, so sinave po ako ng lifeguard, maraming salamat sa lifeguard.

Q:  How about, Secretary, iyong number of tourist. Marami po bang turista iyong mga galing sa ibang bansa?

SEC. ROQUE:  Kakaunti pa lang po talaga, kaya nga po nakakalungkot.

Q:  Nag-iingat talaga.

SEC. ROQUE:  Oo, kapag hindi po tayo bumisita ng Boracay, unang-una iyong mga eroplano po, hindi na siguro kakayaning lumipad ng walang laman kasi ang mga numero po ay mga 12, 17, 55 ganiyan lang po iyong mga  bumibisita sa isla ‘no. At kapag nangyari po iyon lalong ma-isolate ang Boracay, iyong kaunting mga establishment na bukas na po – lima lang po iyong restaurants na nabilang kong bukas – eh baka magsarado na rin. So, ang panawagan po natin, eh talaga naman pong panahon na para tayo magkaroon ng break sa quarantine. Alam naman po natin na mayroon din tayong mga kababayan na mayroong mga naiipon, importante po sa ating wellness na magkaroon ng bakasyon at gawin na po natin iyan sa World’s Best Beach kasi nga po,  marami rin po ang naghihirap doon dahil wala pong hanapbuhay.

Q:  Kasi, Secretary, partner Tony ‘no, dahil isa sa mga nagiging problema din po diyan, medyo magastos din pong magpa-swab test kung buong pamilya kayo, di ba? You have to be cleared di ba, medically?

SEC. ROQUE:  Opo, ang sinabi naman po ng mga taga-Boracay, lalo na iyong governor at iyong ating inisteyan (stay) po na Hennan, sila po ay nag-o-offer ngayon ng 75% off. So, mababawi naman po iyong cost ng PCR doon sa diskuwentong binibigay ng mga hotel rooms.

Q:  Ah, doon na mismo ang test?

SEC. ROQUE:  Ang PCR po bago po sumakay ng eroplano, dapat mayroon na po.

Q:  Dapat 48 hours before di ba.

SEC. ROQUE:  Pero mababawi nila iyong halaga kasi nga po napakalalaki ng diskuwentong binibigay ng mga hotels pagdating sa kanilang room rates. 75% po diyan sa Hennan. Tapos bukod pa po diyan inaantay din natin iyong resulta ng pilot testing ng paggamit ng antigen  test sa Baguio at kapag naman po napatunayang accurate at specific po ang resulta ng antigen, antigen na rin po ang pupuwedeng gamitin diyan para lalo pang maengganyo ang ating mga kababayang bumisita ng Boracay.      

Q:  Nabanggit ninyo iyong salitang pilot testing, pero ito hindi ito pilot testing ng COVID test. Ito po ay mga piloto mismo ng airline at iyong iba pang mga empleyado ng Philippine Airlines  ay balita namin ay napakalaki daw ng isasagawang layoff dito sa Philippine Airlines at halos 35% daw ang isasagawang retrenchment, eh napakalaking epekto po din nito, ito na naman mawawalan na naman po ng mga trabaho ang ating mga kapamilya. Ano po ba sa tingin ninyo ang magiging tugon pa ng administrasyon dito sa nangyayaring ito sa ating airline industry?

SEC. ROQUE:  Well, iyan po iyong pinag-aaralan ngayon ng Department of Finance, kasi siyempre inuuna nating bigyan ng ayuda iyong pinakamahihirap. Pero alam din po natin na ang aviation ay isang industriya na mayroong strategic importance sa ating bayan, dahil tayo po ay isang arkipelago. Kung titigil po ng lipad iyan, naku, malaking danyos po iyan sa ating ekonomiya. So, pinag-aaralan po ngayon ng ating Department of Finance, kung ano ang tulong na maibibigay pa sa kanila, dahil alam naman po natin sa buong mundo, talagang hardest hit po talaga ang turismo at ang aviation.

So hayaan po ninyo patuloy pong nag-iisip ng mga pamamaraan ang ating gobyerno para matulungan ang ating mga airlines, dahil alam natin maraming nagtatrabaho at kung titigil lumipad ang mga airlines sa isang archipelago, dagok po iyan sa ekonomiya natin.

Q:  All right, nagpapasalamat kami ni Pareng Danny kay Secretary Harry Roque. At sana, Secretary Harry, sa susunod huwag kayong lalayo sa pampang ha, baka matangay kayo ng alon eh.

SEC. ROQUE:  Before we end, I’d like to thank Danny and to tell him that we missed him.

Q:  Swak na swak hindi talaga nakakalimutan ang London.

Q: Your British accent is spot on, Secretary Harry.

SEC. ROQUE:  Kailangan may British accent.

Q:  Tamang-tama Harry nga eh, parang Prince Harry.

SEC. ROQUE:  Ipasubok mo naman iyong English accent mo, Danny.

Q:  Hindi ano talaga,  kasi puro Pilipino din ang kausap ko doon eh. Napa-English lang ako ng grabe iyong kay William at saka kay Kate Middleton noong ikinasal, di ba.

SEC. ROQUE:  kita mo naman iyan, imbitado ka pala doon ah, ikaw talaga.

Q:  As one of the media persons.

SEC. ROQUE:  Danny Bueanafe – alamat!

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)