Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon – Failon Ngayon

FAILON: Sec. Harry, good morning po, sir.

SEC. ROQUE: Good morning, Manong Ted. At good morning, Pilipinas.

FAILON: And thank you, thank you sa inyo pong panahon. Sec. Harry, ito lang po ‘no, itong isyu ng PhilHealth, alam ko pong ito ho’y baby ho din ninyo, itong usapin na ito.

Una, ang sabi po ng PACC, ni Ginoong Belgica, iyon daw pong report nila ay nasa Office of the President na. Ang sabi po ninyo, kung mayroong ebidensiya, the President will start firing people. So, sir, kumusta na po iyong report ng PACC, kung ito ba’y nabasa na po ng Pangulo?

SEC. ROQUE: Well, magkikita pa lang po kami ni Presidente sa Lunes, at isa po ito sa itatanong ko ‘no dahil kinakailangan ko talaga ng kasagutan; marami pong nagtatanong ng tinanong ninyo lamang ‘no. At nais po din nating malaman kung nasaan na rin po iyong imbestigasyon ni Usec. Quitain, so lahat po iyan ay itatanong natin sa Presidente sa takdang panahon po.

FAILON:  Okay. Sir, ebidensiya ng katiwalian sa PhilHealth. Sir, matanong ko lang po kayo ‘no, kayo ho mismo ay nag-imbestiga diyan. Ang sinasabi po ng mga—nag-presscon sila kahapon at iyong kanilang tweet noong isang araw, sinasabi nila, lahat ng bintang na ito ay walang katotohanan; lahat ng ito ay malisyoso; lahat ng ito ay paninira lamang sa amin. Puwede ho bang makuha ang inyong reaksiyon doon, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo napakahirap ng lagay ko ‘no, dahil noong ako ay kongresista ay ninais ko ngang buwagin na iyong PhilHealth at magsimula ng bagong opisina dahil alam ko po sa tindi ng korapsyon at problema diyan sa PhilHealth, parang mahihirapan talaga ma-implement iyong Universal Health Care natin kung hindi magbabago ‘no.

Pero noon at noon pa man, nakita ko na ang kamay, iyong tentacles kumbaga ng mga buwaya diyan kasi nag-succeed po sila na nabago nila iyong bersyon na na-approve sa Committee level; at pagdating sa floor, I had to defend the Bill na instead na nagkaroon ng bagong ahensiya, hindi na PhilHealth, pinalakas pa iyong kapangyarihan ng PhilHealth.

Kaya nga po sa mula’t mula, sabi ko, matindi talaga iyong mga sindikato diyan sa PhilHealth dahil nagawa nila iyon sa Kongreso ‘no. At noong ako ay nagwawala po doon sa plenaryo dahil ako dapat ang magdepensa ng Bill pero ibang-iba iyong Bill doon sa naaprubahan ng Komite, tinawagan na lang ako sa telepono ni then Deputy Speaker Pia Cayetano at sabi, “Huwag ka nang magwala diyan, ayusin na lang natin sa Senado.” Pero noon at noon pa rin, alam ko po, matindi ang problema diyan sa korapsyon dahil nagawa nila sa Kongreso iyon ‘no, napalitan nila iyong aprubadong bersyon sa Committee level ng bersyon na gusto nila na hindi sila binubuwag.

At mula po doon ay talagang … wala na ‘no, talagang kalbaryo na po ang dinaanan natin bilang awtor nga ng Universal Health Care Law. Pero sa ngayon po na ako’y Presidential Spokesperson, ang masasabi ko lang po, “Taumbayan, nakikinig po ang Presidente.” Sa dami po ng mga anomalya na pinagbigay-alam ninyo sa Presidente, mayroon naman pong aksyon ang ating Presidente. Siyempre po bilang isang abogado, sinisiguro lang niya na mayroong due process kahit papaano at tinitingnan po niya kung mayroong mga depensa nga na maiiprisenta itong mga taga-PhilHealth bukod doon sa sasabihin nilang walang katotohanan iyan.

FAILON: Okay. Sec., ihiwalay ko ho muna ang inyo pong pagiging tagapagsalita po ng ating Pangulo sa katanungan na ito. Nabanggit din po during the Senate hearing na more or less ay mga 15 billion ang nawala na ‘no sa ilang panahon sa PhilHealth on anomalies, anomalous claims, etc. Kayo rin po ay may pahayag na ganoon na ilang bilyon na ang nawala sa pera ng PhilHealth. Ano po ang inyong basis for saying that?

SEC. ROQUE: Well, kung—number one po, mayroon talagang taga-loob din na nag-supply ng impormasyon na iyan noong una pong pumutok ang WellMed. Ang sabi po nila, hundred seventy-four over a period of ten years which is around 17 billion – unang-una iyan.

Pangalawa, mayroon talagang assumption na 2% ng pondo ng PhilHealth ay mawawala sa fraud. Kapag ginawa mo iyong 2% ng 2o0 billion na kanilang budget ay talagang aabot po iyan ng … magkano po iyon ‘no, so bilyones din iyong assumed na nawawala talaga ‘no.

So kung titingnan mo pareho iyan, parang risonable. Pero siyempre ang kinakailangang isa-isahin ni Attorney Keith ay kung paano nawala itong 15 billion na ito. Pero sa akin po, dahil mayroon na akong naging source dati at saka mayroon talagang accounting assumption, parang kapani-paniwala po iyon dahil we’re talking about one year.

FAILON: All right, sige po. Sir, iyon pong WellMed issue na iyan, mayroon kayo ho diyang binabanggit po ‘no na isang abogado, ito ho ba iyong head ng legal sa PhilHealth na hanggang ngayon ay nandiyan pa rin at sabi nga ho ninyo, ito iyong may problema kasi sila iyong dapat na umaaksyon doon pa lang sa unang reklamo about WellMed, sir?

SEC. ROQUE: Opo. Well, iyong sinusulong po natin iyong Universal Health Care sa 17th Congress, sinabayan din natin ng imbestigasyon sa mga korapsyon sa PhilHealth. At ang naging conclusion ko mismo ‘no bilang awtor ng Resolution, ang problema talaga sa PhilHealth ay nasa legal department. Kasi nga doon sa batas na bumuo ng PhilHealth, iyong legal department ang siyang investigator, a fiscal, huwes at saka executioner. At dalawang taon ang nakalipas, iyong GCG, iyong parang nagbabantay sa mga government-owned corporation, binigyan ng ‘zero’ na grado ang PhilHealth kasi doon sa dalawang taon na iyon, sa dami-daming mga kaso na dapat naaksyunan, ‘zero’ ang output ng legal department.

So kung ikaw talaga ay magtatakip ng mga anomalya diyan, talagang ang—yayariin mo talaga, diyan sa legal department. At mula’t mula pa, bago pa si General Morales, sinabihan ko na siya na kinakailangan talaga linisin niya ang legal department na iyan dahil sila talaga iyong nagpo-promote ng accountability. At kapag hindi gumagana iyong legal department, wala talaga – puro korapsyon iyan!

FAILON:  So iyon pong binabanggit ninyo na taga-legal department, iyong head niyan ay nandiyan pa rin?

SEC. ROQUE:  Opo, siya pa rin po. Siya po ngayon ang head diyan. Siya po ay Senior VP at siya rin po ang gumawa o nagpa-file ng complaint laban sa WellMed na na-dismiss ng regional trial court; at sa aking tingin, mali. Kasi nga ang sabi niya estafa daw, eh ang tanong ko, bakit estafa eh hindi naman po pribadong pondo iyong pondo ng PhilHealth.

FAILON:  So can you name him, sir, please?

SEC. ROQUE:  Ito po si Atty. Jojo Del Rosario. Alam ko po siya talaga ang nag-file ng kaso sa WellMed kasi siya po iyong nandoon sa NBI noong kami po ay nagpapa-interview ng mga whistleblowers doon. At alam naman ng lahat na ito nga iyong naging basehan ng NBI para isampa ang kaso; at take one pa lang, na-dismiss na, na-dismiss po sa regional trial court. At hanggang ngayon po, iyong mga dokumento na hinihingi ko po para mai-file ang tamang kaso, pinagkakait pa rin po.

Ang unang sabi nila, dahil daw doon sa privacy law. Kung nag-isyu na po ng opinyon ang National Privacy Commission na hindi pupuwedeng i-invoke ang privacy kapag graft and corruption ang pinag-uusapan, hanggang ngayon po walang dokumento nang lumabas. So hanggang ngayon iyong tamang kaso po sa PhilHealth, hindi pa po nasasampa iyan. At, Manong Ted, this is after sinabi na ni Prosecutor General na kami na nga ang gumawa ng tamang complaint nang maremedyuhan. So hanggang ngayon po, iyong tamang complaint sa WellMed ay hindi pa rin po nasasampa.

FAILON:  Okay. Kung sa inyo pong pahayag, Secretary, na hindi nakikipagtulungan sa inyo itong PhilHealth sa usapin po ng WellMed at para nga po masawata ang korapsiyon na iyan, iyang bagay na iyan, hindi ba ninyo nabanggit kay Ginoong Morales na may problema kayo sa legal ninyo?

SEC. ROQUE: Binanggit ko po.

FAILON:  Ano sabi ni Ginoong Morales?

SEC. ROQUE:  Well, alam po ninyo, dalawang beses na nga po kaming nagka-meeting sa kaniya noong bago po siya, at dinetalye ko po kung ano iyong findings namin sa Kamara nga, kung ano iyong babantayan:  Ang number nga is legal; number two, iyong IT. Kasi alam mo, Manong Ted, mayroon pa akong isang kaso na hindi pa naisasampa. Pero mayroong dalawang malaking korporasyon, hundreds of millions, nagbayad. At doon sa accounting system ng PhilHealth, pumasok ang pera, pero in reality hindi natanggap ang pera ng PhilHealth.

So sabi ko, talagang malaki din ang anomalya diyan sa IT pagkatapos doon sa legal. So, ang buong akala ko naman ay makikinig si General Morales kasi nga ilang taon ko nang pinagbunuan itong PhilHealth, 2016 pa, mula noong pinayl ko iyong Universal Healthcare Law. So, medyo marami na akong alam diyan.

Pero nagulat na lang ako, kasi nga, wala namang naging imbestigasyon doon sa mga sinabi naming mga departamento na maraming iregularidad at saka nabalitaan ko na lang iyong kinasuhan pati ng NBI para sa WellMed, apat po iyan, ay na-promote pa.

FAILON:  Iyon nga po. Okay, so ito ho, Sec., ayaw ko po kayong ilagay sa balag ng alanganin, ito nga ‘ika ninyo ang problema ninyo. Kayo ang Spokesman ng Presidente, kayo po ay may adbokasiya kontra sa PhilHealth po para po masawata ang anomalya diyan. So ang tanong ko po ngayon, kayo din po ay abogado, so sa gitna ng lahat ng ito, ang taumbayan kasi, sir, naiinip na – hindi maitatanggi iyan – sa aksiyon ng ating Ehekutibo. Sabi nga ni Senator Lacson, ngayon po nasa kamay ni Presidente iyong paglilinis diyan, kung hindi gumagalaw. So kung hindi nagalaw si Morales hanggang ngayon despite ng inyong mga binabanggit na iyan, kayo ba, hindi kayo magkukusang kausapin si Presidente, sabihin na, ‘Boss, may problema tayo to-its’?

SEC. ROQUE:  Well, medyo ingat lang po tayo kasi, unang-una, nag-order na po siya ng imbestigasyon kay Usec. Quitain. At noong last time naman po siyang nag-order ng ganiyang bagay kay Usec. Quitain, naging dahilan para natanggal iyong dating Presidente at lahat iyong mga private board members. So, ako naman po ay kampante ako, bagama’t tahimik ang Presidente dahil umuusad naman ang imbestigasyon ni Usec. Quitain

Alam po ninyo, itong si Usec. Quitain ay dati niyang city administrator sa Davao, so pinagkakatiwalaan niya at hindi lang po ito ang naimbestigahan na ni Usec. Quitain. Kung babalikan po ninyo lahat ng nareklamo sa akin, noong unang beses na ako ay naging Spox, pinadala ko po sa departamento ng PMS, ay si Usec. Quitain talaga ang taga-imbestiga ni Presidente. So ang hiling ko lang po sa taumbayan, on the basis of the track history naman po ni Presidente, hinahayaan niyang magkaroon ng mabuting imbestigasyon. At kapag nandiyan na po ang ebidensiya, hindi naman po siyang mag-aatubili na sibakin at kasuhan.

FAILON:  Okay, sige po. So kami din po, ano po, na mga nagmamasid at nagbabantay din po sa isyung ito dahil tayong lahat ay miyembro ng PhilHealth, hihintayin po namin iyang inyong pong sinasabi na iyan na aksiyon ng ating Pangulo. At kayo ay nandiyan, Secretary, ‘di ba, para sa akin naman, baka naman one of these days ay tanungin ka, ‘Harry, ano ang tingin mo dito?’

SEC. ROQUE:  Baka hindi na po niya tatanungin dahil naririnig na niya mga sinasabi ko.

FAILON:  Salamat, Sec. Harry. Have a good weekend, sir. Thank you.

SEC. ROQUE:  Salamat po at magandang umaga po.

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)