Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Rene Sta. Cruz (DZBB – Special Coverage)

Event Media Interview

STA. CRUZ:   Nasa linya po natin, Presidential Spokesman Harry Roque. Okay. Magandang hapon po, sir!

SEC. ROQUE: Magandang hapon po; at magandang hapon Pilipinas!

STA. CRUZ:   Opo, opo. Siguro naman ay na-monitor ninyo iyong botohan dito sa Kongreso. Lumitaw na iyong pag-aalok ng resignation ni Speaker Cayetano ay tinanggihan po ng majority, 184 po iyong bumoto, iyong ayaw tanggapin ang kaniyang resignation; one lang po ang bumoto ng ‘no’; at siyam ang nag-abstain. Your reaction please from Malacañang, sir.

SEC. ROQUE:   Well, sa totoo po, hinihintay ko po ang tawag ng ating Presidente para kung ano talaga ang kaniyang saloobin. So sa ngayon po, hindi muna ako magkokomento pero siguro hindi naman po mali na sabihin na talaga namang ang nakasaad sa Saligang Batas na ang mga miyembro ng Kongreso ang siyang hahalal ng kanilang lider.

At noong minsan po narinig ko na rin sa bibig mismo ng Presidente at ngayon hindi po ako nagkokomento kung hindi talaga galing sa bibig ng Presidente. Tinanong po kasi si Presidente noong kami ay nagpulong sa Davao, ‘paano kung walang numero si Congressman Lord Allan Velasco?’ Ang sagot po ng Presidente, ‘wala akong magagawa kung wala siyang numero.’ Iyon lang po ang narinig kong personal na nanggaling sa bibig ng ating Presidente.

STA. CRUZ:   Opo. Ang mainit pong usapin tungkol dito ay iyon pong sinasabing—iginigiit ninyong ‘gentleman’s’ agreement, iyong lalaking kasunduan tungkol doon sa term sharing. Parang mababalewala na po ba ito, Sec.?

SEC. ROQUE:   Well hindi po ako nagsasalita as presidential spokesperson kasi alam ninyo po itong usaping ito parang hindi dapat ako magkomento as presidential spokesperson. Kasi pati po si Presidente, siya naman po ay nag-broker ng gentleman’s agreement na hindi binanggit ng Presidente kung hindi isang lider ng partido at ng alyansa na sumusuporta sa administrasyon.

So kumbaga, hindi po ako spokesperson sa mga bagay-bagay na iyan dahil talagang pulitika po iyan. Pero ang masasabi ko lang po ay narinig ko rin naman po na tumupad naman  po itong si Congressman Alan Cayetano nag-resign kaya lang ang problema po hindi tinanggap ng Kongreso. So, hindi ko po alam kung nalabag ba ang agreement na iyan o hindi kasi 180 something yata ang bumoto na tinatanggihan—

STA. CRUZ:   184 po.

SEC. ROQUE:   Oo—tinatanggihan iyong resignation niya ‘no. So, parang ako noong nagtalumpati si Speaker Cayetano eh narinig ko naman talaga na nag-resign siya hindi nga lang tinanggap.

STA. CRUZ:   Bilang isang abogado po at dati rin po kayong mambabatas, wala ho bang nilabag na rules iyong nangyari ngayon sa plenaryo?

SEC. ROQUE:   Wala naman po akong nalalaman, kasi talaga naman ang resignation ay dapat tinatanggap pero kung nagbotohan sila at hindi tinatanggap iyan eh wala pong bisa iyong resignation na iyan. Lahat naman po kasi dinidesisyonan ng Kongreso doon po sa plenaryo. So, kung ano man iyong napagkasunduan sa plenaryo, iyan po ay legal.

STA. CRUZ:   Okay, okay. Well, pero hanggang ngayon po, uulitin natin, ay wala pang word from the President na natatanggap po kayo?

SEC. ROQUE:   Wala po, wala po at ang pangako ko po as soon as matanggap ko po ang saloobin ng Presidente magpapatawag po ako ng press briefing siguro po sa PTV 4 nang maisapubliko po kung anong paninindigan ng ating Presidente.

STA. CRUZ:   Opo. Ang napakahalaga po ngayon ay iyon pong pagpasa ng ating budget na mukhang maaapektuhan. Hindi ba masyadong concerned din ang Malacañang para dito?

SEC. ROQUE:   Iyan po talaga ang concern ng Presidente ngayon, hindi masyado iyang liderato dahil ang kinakailangan niya itong COVId-19 budget niya for 2021 ay maaprubahan. At nagkaroon na tayo ng mapait na karanasan na hindi naipasa on time ang budget, nagkaroon tayo ng re-enacted budget.

Hindi natin kaya na magkaroon na naman ng re-enacted budget dahil iyong budget natin sa taong nakalipas, wala pa pong COVID noon. So, kung mare-re-enact iyon mawawala talaga iyong ating COVID response budget. Iyon ho talaga iyong number one na nasa isipan ng ating Presidente na maipasa ang kaniyang COVID-19 budget.

STA. CRUZ:   Okay… Ito ho concern kasi sa ngayon. Anyway, any moment siguro magkakausap na kayo ng Presidente at siguro makarating din naman sa amin kung anong naging reaksyon ng Presidente dito.

SEC. ROQUE:   Well, okay. Inaasahan ko po na any moment nga po ay malalaman ko ang saloobin ni Presidente. Mayroon po siyang tatlong pagpupulong ngayon sa Malago – isang six, isang seven, isang eight, tatlo po iyan at dahil 5:29 na, inaasahan ko na anytime lalabas na siya ng kaniyang tirahan para pumunta sa Malago at baka magkaroon na po kami ng pagkakataong makapag-usap.

STA. CRUZ:   Okay. All right! Secretary Harry Roque, sir, maraming-maraming salamat sa panahon po ninyo. Thank you very much po!

SEC. ROQUE:   Maraming salamat po at magandang gabi po.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)