Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (PTV 4 – Tutok Tulfo)

Event Media Interview

TULFO:  Sir, kumustahin ko lamang, kagabi nga sabi ng Pangulo ay inilalagay na ang buong Luzon under state of calamity, Secretary?

SEC. ROQUE:  Tama po iyan. Ibig sabihin po niyan na ngayong nasa state of calamity ang Luzon, mayroon po tayong price freeze sa mga indispensable na ating mga binibili ‘no, pagkain at iyong iba pang necessities. At ito po ay tutukan ng Department of Agriculture para sa pagkain at Department of Trade and Industry [garbled].

TULFO:  All right. Secretary, papaano po iyong hinihingi naman na academic break ng eskuwelahan – pero baka hindi yata pumapayag – sang-ayon ba kayo? Dati kayong professor, so do you agree na magkaroon ng break itong panahon ng delubyo?

SEC. ROQUE: [Garbled) dahil maraming lugar ang nabaha, maraming estudyante ang nawalan ng kuryente at marami po ngayon ay naglilinis ng bahay. Pero ang sabi nga po ng CHED ay ang pupuwedeng gawin ay isuspinde ang klase habang naglilinis ang ating mga estudyante, pero ang gagawin ay magkaroon na lang ng extension bago matapos ang semestre.

So hindi naman po kinakailangan kasi ng academic break dahil wala namang pong face to face classes din. Ang importante lang ay iyong mga nabaha ay makabangon muli at pagkatapos po niyan ay tuluy-tuloy po ang ating edukasyon.

TULFO:  All right. Secretary, panghuli na lamang. Aba ay talagang ang Pangulo po walang preno kagabi, talagang diretsahan, rektang sinabi, huwag kang magsinungaling, si Leni Robredo, sinabihan niya dahil sabi niyang nasaan ang Pangulo. Does this mean, Secretary, siya ba iyong … sa tingin ng Pangulo nanggaling kay Leni Robredo itong #NasaanAngPangulo? Parang ganoon po ang tono ng Pangulo kagabi, na huwag siyang gagawa-gawa ng kuwento na nawawala ang Pangulo.

SEC. ROQUE:  Well, Pareng Erwin, ang tingin ko ay may basehan naman po ang ating Presidente para sabihin na talagang ang nagkakalat ng nasaan ang Pangulo noong panahon ng ASEAN at ng kalamidad ay walang iba kung hindi si VP Leni ‘no. So, mabuti naman po iyan para masabihan na iyong mga iba pang mga sinungaling na tumigil na sila; at sa akin naman ‘no ito po iyong isang trait ng ating Presidente na talagang dahilan kung bakit sinusuportahan siya ng taumbayan, he says what he want says and he means what he says.

TULFO:  Panghuli na lamang, Secretary. May mga nagtatanong ho sa akin, may sapat pa ba ang national government na supply na pagkain, na pondo para sa mga nasalanta dahil sabi ng PAGASA, mayroon pang darating na mga bagyo? Do we still have enough o talagang very thin na ang, ika nga, itong ating supplies, Secretary?

SEC. ROQUE:  Hindi po, sapat-sapat naman po ang ating pagkain. Sa ating bigas, mayroon pa po tayong 90 days supply, at iyong nawala po sa atin ay six days lamang. Kahit papaano pampalubag loob po noong dumating po iyong mga malalakas na bagyo, tayo po ay naka-ani na so hindi po masyadong naapektuhan iyong ating pag-ani bagama’t ngayon ay kinakailangan magtanim uli ang ating mga magsasaka.

Pagdating naman po sa pondo, hindi pa nga po natatapos ang 2021 budget, kaya nga po tingnan muna po natin kung ano ang aaprubahan ang Kongreso at kung kulang po iyong aaprubahan ng Kongreso eh pupuwede naman tayong magkaroon ng Bayanihan 3. Wala pong problema.

TULFO:  All right, Secretary, Harry Roque. Maraming salamat. Please stay safe, Secretary.

SEC. ROQUE:  Stay safe din po. Maraming salamat. Magandang umaga.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)