Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Deo Macalma & Henry Uri (DZRH – Damdaming Bayan)

Event Media Interview

URI:  Secretary, ano ho iyong rekomendasyon ng IATF sa Pangulo regarding doon sa distancing na nais ipairal ng DOTr sa MRT?

SEC. ROQUE:   Naku! Ito po ay rekomendasyon lang kay Presidente at mas mabuti pong si Presidente na ang mag-anunsiyo kung ano ang kaniyang desisyon. Kung maaalala ninyo po matindi talaga iyong debate tungkol dito sa pagbabawas ng social distancing sa public transportation.

Kahapon po mahigit anim na oras ang pagpupulong ng IATF tungkol lamang dito at pinakinggan naman po ng IATF ang mga doktor. Nandoon po si Tony Dans na nagsasabi na hindi dapat bawasan. At nandoon naman po si dating Secretary Manuel Dayrit na kasama po ni dating Health Secretary Esparanza Cabral at ni Doctor Minguita Padilla.

Mayroon silang paper na sinabing pupuwede naman basta mayroon pong paggamit ng mask, ng face shield, magkakaroon po ng disinfection sa mga tren, magkakaroon ng mabuting ventilation, wala pong asymptomatic na sasakay sa tren at bawal po ang magsalita at gumamit ng cellphone.

So, ang naging rekomendasyon naman po ng IATF ay base rin sa mga expert opinion ng ating mga doctor at matapos nga po nang napakahabang diskusyon, nagkaroon po ng botohan at ipinauubaya na po ng IATF sa ating Presidente kung anong gagawin sa rekomendasyon ng IATF.

URI:  All right. Deo?

MACALMA:   So, Secretary, sir, kailan dedesisyunan, kailan ilalabas ng Pangulo ang kaniyang ‘Solomonic’ decision, Secretary Harry Roque sir, sa isyung ito?

SEC. ROQUE:   Inaasahan naman po natin na hindi lilipas ang bukas at magkakaroon na po ng desisyon ang ating Presidente.

MACALMA:   Pero kayo personally, Secretary sir, narinig po namin iyong sagutan ninyo ni Secretary Duque. Pabor po kayo doon sa ano, hindi po ba, iyong bawas ng agwat sa physical distancing, Secretary Roque, sir?

SEC. ROQUE:   Ako po personal huh, personal po, ako po ay… ang aking punto naman ay inaprubahan po iyon ng IATF. So, hindi ko po maintindihan bakit biglang all of a sudden kinukwestyon samantalang iyong pagpupulong po eh… alam ninyo naman ang secretariat ay DOH, marami pong mga DOH representative, wala nga po noong mga panahon na iyon dahil nasa Kongreso si Secretary Duque pero kung mayroon po silang mga opposition ay dapat nabanggit na.

Pero kagaya ng sinabi ko po, nandoon din po kahapon si Doctor Manuel Dayrit at kasama po niyan, mayroon po silang isinumiteng position paper, si Doktora Esperanza Cabral at iba pang mga dalubhasa na kasama na iyong ating mabuti, napakalapit na kaibigan na si Doktora Minguita Padilla.

MACALMA:   So, Secretary—

SEC. ROQUE:   Kaya naman po basta mayroong mask, face shield at disinfection, walang salita, walang cellphone at mayroong proper ventilation.

MACALMA:   Doon ba sa meeting nang naaprubahan itong bawas ng physical distancing, agwat ng physical distancing, Secretary Roque, wala ba doon si Secretary Año at saka Secretary Tugade? Kasi sila naman iyong nagpapalitan ng opinyon na hindi daw aprubado ng IATF iyong rekomendasyon ni Secretary Tugade.

SEC. ROQUE:   Well, nandoon po, nandoon at ako naman po ay nagsalita rin. Sabi ko, narinig ko po talaga iyang 0.75 na iyan sa IATF bagamat marami tayong ginagawa habang nakikinig ng meeting. Ako naman hindi na ako masyado nakikidebate sa kanila kasi bilang tagapagsalita, ako ang taga-anunsiyo, ako ang taga-depensa, so hanggat maaari ayaw kong magkaroon ng napalakas na posisyon for either any resolution lalo na kapag kontrobersiyal.

MACALMA:   Opo.

SEC. ROQUE:   Pero ako ay nakikinig, nagno-note at nagmamasid at nang ma-explain ko sa taumbayan iyong konteksto ng mga desisyon.

MACALMA:   Secretary, isa pa. Iyong isyu kay Secretary Duque sa PhilHealth. Ano po ang reaksiyon ng Pangulo dito at hindi po nakasama sa unang kakasuhan sa Ombudsman si Secretary Duque, Secretary?

SEC. ROQUE:   Wala naman po. Binasa naman po ni Presidente iyong rekomendasyon ng task force na nagsasabi na dapat magkaroon ng admonishment ang chairman at members of the board na dapat mas matindi ang pangangalaga sa kaban ng taumbayan.

So, binasa naman po ni Presidente iyon at ang sabi nga ng report, kaya naman—bagamat mayroong kapabayaan eh mayroong mitigating circumstance dahil nga pinagtaguan sila ng mga papeles ng miyembro ng execom ‘no, so hindi sila inirekomenda na kasuhan dahil mukhang hindi nila alam ang lahat ng puno’t dulo ng mga kontrata na pinapa-approve sa kanila dahil nga nagkaroon ng material concealment hindi umano, sa panig ng mga miyembro ng executive committee.

MACALMA:   Ayan. Isa pa Secretary sir, iyong usap-usapan sa Kongreso ngayon, sa Kamara, ano ang sabi ng Pangulo, tuloy ba iyong ‘gentleman’s’ agreement nina Speaker Alan Peter Cayetano at Congressman Lourd Allan Velasco tungkol doon sa term sharing ng speakership?

SEC. ROQUE:   Wala po tayong kinalaman diyan bagamat ang paghalal ng Speaker ay desisyon po iyan ng mga miyembro ng Kamara, so hindi po nanghihimasok diyan ang Presidente sa ngayon.

MACALMA:   Ayun. Secretary Roque, sir, saan daw nabibili iyong face mask mong may air condition ba iyan? May air ano… pasukan ng hangin, breather?

SEC. ROQUE:   Bigay po sa akin iyon ni Councilor Niña ng City of Cebu, at maraming salamat po sa kaniya… binigyan din po niya ang Presidente bagamat naintriga si Presidente. Sabi niya, ano ba iyan? Ikaw ba ay naka-ventilator na at bakit ganiyan ang suot mo? Pero alam ninyo naman po napakasarap noon kasi malamig iyong hangin, ang problema lang nakakaantok dahil para kang naka air conditioning maski ikaw ay nasa labas.

MACALMA:   Ganoon ba? So, hindi ka kakapusin ng hininga, Secretary, sir?

SEC. ROQUE:   Hindi po, hindi po at malamig.

MACALMA:   Saan daw nabibili iyan, Secretary? Maraming nagtatanong.

SEC. ROQUE:   Si Councilor Niña Mabatid ng Cebu po.

MACALMA:   Anyway, Secretary Roque, sir, maraming salamat. Good morning!

Henry?

SEC. ROQUE:   Salamat po at natutuwa naman ako doon sa sinabi ninyo.

URI:  Secretary, isang tanong lang. May mga pagbabago na sa inbound flight? I think mayroong announcement ang IATF just recently, Secretary?

SEC. ROQUE:   Saan po? Sa..?

URI:  Iyong pagbabago sa inbound flights mukhang mayroon pong sinuspinde ulit, tama ba?

SEC. ROQUE:   Well, hindi po. Ia-anunsiyo ko po maya-maya lang sa pamamagitan ng statement na lifted na po iyong moratorium. So, mayroon pong mga lifted moratorium doon sa mga areas na dati rati po ay mayroong temporary moratorium dahil nag-expire po iyon September 14, two weeks. So, maya-maya lang po mag-iisyu tayo ng statement kung ano iyong mga lugar na pupuwede na pong bumalik ang mga LSIs.

URI:  Opo. Pero initially, anu-ano pong mga lugar ito, Secretary?

SEC. ROQUE:   Wala po sa akin ang aking kodigo baka magkamali, mahirap, so, mag-ii-statement na lang po ako, siguro po in about an hour’s time.

URI:  All right. Thank you so much, Secretary Roque sa inyo pong pagtanggap sa aming tawag. Maraming salamat po!

SEC. ROQUE:   Maraming salamat po. Magandang umaga po…

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)