Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Arnold Clavio (GMA 7 – Unang Hirit)

Event Media Interview

CLAVIO:  Pakipaliwanag lang ha, two-week growth rate at daily attack rate, ito iyong naging desisyon daw po. So, ano po ito, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, dati-rati po ang ginagamit natin ay iyong case doubling rate – gaano  kabilis magdoble ang kaso ng COVID-19. Ngayon po, dalawa ngayon ang ating criteria ‘no. Iyong isa nga po ay iyong growth rate na tinatawag, expressed in terms of percentage per 100; at iyong isa po ay average daily attack rate per 100,000 population. So ang ibig sabihin po niyan, parehong kinukonsidera pero ang tinitingnan na po ngayon eh iyong kinukumpara iyong figures every two weeks. Iyong daily attack rate po, ilan ang nagkaroon per 100,000. At iyong growth rate ay ilan, iyong gaano kabilis nadoble din iyong mga kaso ‘no. So, nandoon pa rin po, importante pa rin iyong doubling rate. Pero ang tinitingnan po kasi rito, pupuwedeng hindi lang magdoble ng 100%, pupuwedeng mag-200%.

So ang basehan po ngayon, kapag ang growth rate ay less than 200%, it is moderate; kapag 0%, it is low; kapag more than 200%, it is high. At kung ikukumpara mo iyan sa daily attack rate, makikita mo na kung less than one (1) iyong average daily attack rate, magiging ano ka diyan ‘no, tapos kung ang attack rate ay less than one (1) pero ang growth rate ay 200, magiging ECQ iyan.  Pero kung less than one naman ang average daily attack rate at nasa zero to 200% naman ang growth rate, iyan ay MGCQ. Pero kung wala talagang kaso, iyan po ay minimal o iyong tinatawag na new normal.

CLAVIO:  So medyo mataas pa tayo kasi na-maintain sa Metro Manila ang GCQ.

SEC. ROQUE:  Mataas pa po, ibig sabihin po niyan medyo ang ating growth rate ay nasa high at bagaman ang daily attack rate po natin ay pupuwedeng bumaba na. Pero iyon nga po ang dahilan kung bakit tayo nasa GCQ, ang ating attack rate po ay nasa moderate at ang ating two-week growth rate po ay nasa moderate din.

CLAVIO:  Pero, Secretary, kung nanatiling high o moderate ang GCQ, pero ito bumabalik na unti-unti iyong sa transportation – provincial bus bukas – tapos ang DTI gusto 100% na rin po ang working capacity ng ilang sector, so papaano po natin babalansehin iyon?

SEC. ROQUE:  Ang babalansehin natin po dahil tinitingnan din iyong critical care utilization rate at ang Metro Manila ay ibig sabihin po niyan, bagama’t moderate nga po tayo in terms of growth rate and average daily attack rate, eh nasa ilalim naman po tayo ng critical at kaya pa nating alagaan, ang ibig sabihin, ang magkakasakit ng severe hanggang critical.

CLAVIO:  Opo, sa pagsimula ng provincial bus na bumiyahe bukas, hindi po ba sabi ng ilan eh masyadong maaga o baka dumami daw iyong mga kaso sa probinsiya bunsod ng magiging labas-masok na po ang biyahe sa NCR, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, alam po ninyo, ang mga biyahe naman ay tatlong probinsiya lamang. Ang Batangas po ay naka-GCQ pa rin, tapos nandiyan din ang Cavite at ang Laguna. Although ngayon sila ay MGCQ, kung maaalala ninyo eh iyong mga nakalipas na classification ay GCQ rin siya. So, kumbaga halos GCQ to GCQ po ang ginawang pagbibiyahe ng mga provincial buses at tingin ko po walang masyadong malaking banta iyon dahil pareho lang naman po, more or less, ang level ng mga kaso sa mga lugar na ito.

CLAVIO:  Oo, bawal magpunuan. Okay, tungkol naman sa balik-eskuwela at online learning. Papayagan na rin po bang magbukas iyong mga computer shop na gagamitin po sa darating na October 5, Secretary?

SEC. ROQUE:  Bukas naman talaga naman iyong mga computer repairs.  Ang binigay na po sa mga kapangyarihan ng mga mayor dito sa Metro Manila ay iyong mga internet café. Pero ever since po iyong mga computer shop bukas po iyan.

CLAVIO:  Pero iyong gagawin silang learning facility, okay ba iyon?

SEC. ROQUE:  Well, okay po sana iyan, kaya lang hindi naman ganiyan iyong negosyo ng internet café talaga, pang-gaming po iyan at saka pang-social media ‘no. At ang problema nga po diyan ay maliliit iyang mga internet cafés na iyan na nasa ating mga barangay dahilan kung bakit nagiging, kumbaga, concerned iyong ating mga mayor sa Metro Manila kung sila ay papayagang magbukas. So, nasa kamay na po iyan ng mga lokal na pamahalaan kung papayagang magbukas.

CLAVIO:  Secretary, iyong pahayag ng Pangulo tungkol sa Facebook. May mga pag-uusap ba sa gobyerno at sa Facebook?

SEC. ROQUE:  Well, ang alam ko po dati pa nangyari iyon, wala pong pag-uusap ngayon. Pero ang sinasabi lang niya ay bakit po tatanggalan iyong mga pages na sumusuporta naman sa agenda ng gobyerno. Ang sabi lang naman niya, kinakailangan pag-usapan ito. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, pero ang sabi talaga niya ay huwag mong ipagbawal iyong mga pages na nag-a-advocate ng mga interest ng gobyerno.

CLAVIO:  Opo. Kaugnay naman ng PhilHealth, medyo dalawa iyong nabanggit ni Pangulong Duterte kagabi: Buwagin at simulan ang reorganization niya ngayong araw yata. So, Secretary, alin doon ang direksiyon talaga natin sa PhilHealth?

SEC. ROQUE:  Binigyan naman po hanggang Disyembre si bagong President, Atty. Gierran ‘no. Pero ang sabi nga niya, hindi lang siya mag-aatubili na talagang buwagin iyan dahil papalitan naman po natin ng bago. Alam ko nagkakaisa po kami ni Presidente diyan dahil noong sinulong ko iyong Universal Healthcare, iyan po iyong aking proposal na buwagin na lang para madaling matanggal iyong mga bulok diyan sa PhilHealth. Pero matindi talaga iyong PhilHealth, iyong kamandag nial. Na-approve po iyan sa committee level, pero noong dinidepensahan ko na sa plenaryo, for the first time nakita ko, hindi nabuwag ang PhilHealth; lalo pang pinalakas.

CLAVIO:  Isa na lang, last na ito. Alam mo ba iyong alok na pagbibitiw ni Pangulong Duterte dahil sa korapsiyon?

SEC. ROQUE:  Well, dati na po niyang nasabi iyan ‘no. Ang sinasabi, sa katagal-tagal niya sa gobyerno, palagi niyang binibigyan ng prayoridad ang laban sa korapsiyon pero parang walang nangyayari. Ang konteksto po nito, again ha, well, mayroon po kasi akong nabanggit dati, pero anyway tapos na iyon ‘no. Kinakailangan iyong mga nagbibigay ng mga permit na wala namang dapat discretion, iyong permits para sa telco, mga permit para sa rehistro – hindi iyan dapat pinatatagal. Dahil kapag iyan ay pinapatagal, isa lang ang ibig sabihin, humihingi po ng tongpats. Kaya nga po sabi niya, ay naku, binibigyan ko na kayo ng kaunting leeway pero kinakailangan matigil na iyan. But at the same time, inaamin ng Presidente na napakahirap nang laban dahil parang napakadami nilang mga kurakot.

CLAVIO:  Siguro iyong mamamayan na rin makiisa. Salamat po, Secretary.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po, Igan. Magandang umaga po.

 

###

 

News and Information Bureau-Data Processing Center