Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Aljo Bendijo (Radyo Pilipinas – Radyo Pilipinas News Nationwide)

Q:  Pinagbitiw na umano ni Pangulong Duterte si Tourism Secretary Wanda Teo. Sec., ano po ang update po tungkol riyan?

SEC. ROQUE:  Wala pa po akong impormasyon tungkol dito. Dahil kahapon po matapos ang Cabinet meeting ang makukumpirma ko lang ay nagkaroon ng one-on-one meeting itong si Presidente at si Secretary Teo. At nakita naman po ng lahat iyong one-on-one meeting na iyan kasi doon din po iyan sa Aguinaldo State Dining Room ‘no. At mukhang seryosong-seryoso naman po ang Presidente at si Secretary Wanda Teo sa pagpupulong na iyan.

Hindi ko na po naantay ang pagtapos ng meeting na iyan at ako po ay umalis na ‘no. Pero ang nangyari po ay habang ako pauwi na, pinabalik sana ako ng Presidente sa Palasyo. Pero hindi na rin po ako naka-abot dahil ang sabi ng PMS ay siya ay umuwi na po sa Bahay Pangarap.

Q:  May balitang lumabas na pinasa-submit daw ng courtesy resignation ng Pangulong Duterte si Secretary Teo. Ito ang kumalakalat na balita ngayon sa radyo at ganundin sa pahayagan, Sec?

SEC. ROQUE:  Wala po akong impormasyon. Pero—dahil wala po akong impormasyon I cannot confirm nor deny po iyan.

Q:  Okay, iyon din pong kaso ni PhilHealth Office-in-Charge Celestina Maria Jude Dela Serna, pinaiimbestigahan na rin ng Pangulo. Nasaan na po tayo doon, Sec?

SEC. ROQUE:  Meron naman pong nag-i-imbestiga diyan. Kakalabas lang naman po ng balitang iyan. So, hayaan lang po natin na umusad ang imbestigasyon.

Q:  Okay, thank you so much, Secretary Harry Roque. Good morning again.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource