Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III (DZME – Palong-Palo sa Umaga)

LEO: Magandang araw po, Secretary Mart?

SEC. ANDANAR: Good morning Leo.

LEO: Kumusta po kayo, sir?

SEC. ANDANAR: Okay naman. Ito papunta na ng Maynila galing kami ng Cordillera.

LEO: Ibig sabihin nasa probinsya pa lang kayo, Secretary?

SEC. ANDANAR: Opo, dahil nagpunta po tayo ng Pangasinan noong Biyernes, tapos Sabado kinausap natin ang mga Cordilleran Information Officers, tapos ngayon pabalik na kami, papunta na kami ng Maynila at didiretso kami sa Philippine News Agency, para kausapin lahat ng mga empleyado doon.

LEO: Mukhang iyon ang target mo ngayong araw na ito, Secretary ha.

SEC. ANDANAR: Kasi naman hindi naman maganda ang ginagawa ng ilan sa mga tao doon; pero kailangan malaman natin ang puno’t-dulo nito. Kailangan maimbestiga ng maayos, kailangan ma-remind natin sila kung ano talaga iyong kanilang tungkulin. Sapagkat ang Philippines News Agency ay nagiisang news wire agency ng bansa. Ang hindi ko maintindihan dito, kung bakit ganoon ang asta ng ilan diyan sa kabila ng attention na binibigay natin sa ahensiyang ito. Isa pa ito sa mga ahensiya na napabayaan talaga for the past few years. Kaya nga lahat ng mga training na ibinibigay, binibigay natin sa kanila. Binago natin iyong kanilang lumang website, binigyan natin ng mobile site, binigyan natin ng application. Ngayong September meron silang sarili nilang online newscast at in the future iyong virtual television. So alam naman nila iyan na binibigyan ko sila ng attention dahil dapang-dapa ang Philippine News Agency noong ako po ay pumasok diyan.

LEO: Secretary, nabanggit mo na ‘past.’ Meaning ba until now may mga matagal na diyan na nagsilbi sa PNA or sabihin na natin sa trabaho as a government side, sa Office of the Press Secretary, under sa PNA nandiyan pa rin until now? I mean, mga luma na, matatagal na?

SEC. ANDANAR: Lahat po ng empleyado sa Philippine News Agency ay minana natin. We inherited all of the manpower there sa Philippine News Agency. Noong tayo ay pumasok ayaw po nating…guluhin—

LEO: Tanggalin?

SEC., ANDANAR: Hindi mo rin naman puwedeng tanggalin dahil nasa Civil Service Commission, Civil Service Code ay marami diyan iyong regular. So ngayon pagpunta ko doon malalaman ko kung sino iyong mga responsible, iyong editor, iyong writer, alin din iyong regular, alin doon iyong hindi. Iyong hindi regular ay hindi na natin ire-renew. Iyong mga regular naman tingnan natin kung meron silang mga administrative cases na kailangan nilang harapin. Ang Philippine News Agency ay nasa ilalim po ng News and Information Bureau.

LEO: NIB.

SEC. ANDANAR: Oo, NIB, na pinamumunuan ni Acting Director Gigi Agtay. Kaya silang lahat mula NIB, maging Philippine News Agency ay kakausapin ko mamaya.

LEO: Secretary, may kahilingan o may panawagan si kaibigan natin, si Congressman Ben Evardone, na dati ring mamahayag din naman at broadcaster eh, hinihiling na sibakin na ang mga taong nanabotahe diyan or nanadya diyan sa Philippine News Agency. Ano po ang inyong sagot dine?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Leo, tama si Congressman Evardone. Kung hindi ka nararapat sa trabaho at pinapahiya mo lang ang administrasyon, pinapahiya mo iyong bansa eh, kailangan talagang managot, hindi ba? Pero but then again, kailangan ring sundin ang proseso, kailangan ay maging ah… follow lang tayo ng kung ano man iyong nasa Civil Service Code, sapagkat karapatan din ng empleyado iyan eh. Pero…napakalaking kapalpakan at kasalanan.

LEO: Sobra.

SEC. ANDANAR: Oo. Sapagkat iyong imahe ng buong bansa ang sinisira.

LEO: Ito nga ang catch diyan eh, kung saan mo pinaganda ang PNA. Kailan lang nag-launch ang PNA ng new website and so on and so forth, meron na ngang newscast and so on and so forth. Bakit naging ganito pa, imagine mo tatlong beses na nagkamali at grabe iyong nangyari nitong pinakahuli ngayon, itong sa DOLE, di ba?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko, Leo, noon kasi wala nang nagbabasa niyan eh, PNA. Unang-una, iyong website nila napakagulo noon.

LEO: Yes.

SEC. ANDANAR: Wala nang nagbabasa, wala nang gustong gumamit ng istorya nila eh. Tapos pangalawa wala silang social media presence, wala noon. Eh ngayon maganda na iyong website, may mobile site na. Tapos maganda pa iyong social media presence kaya napapansin siya ngayon. Palagay ko mapapansin na iyong mga shortcomings noon.

LEO: Kaya ito, gusto kong itanong sa ito direktamente ano, bilang under mo lahat itong mga ito eh. Gusto kong malaman direktamente sa inyo, Secretary. Napapabayaan mo ba talaga sila, dahil sabi nga nung iba eh mukhang iba daw ang inaasikaso ng isang Secretary Martin Andanar?

SEC. ANDANAR: Hindi po, hindi po totoo iyan. In fact, doon nga ako nakatutok sa pagreporma ng mga ito eh. Kaya siya napapansin ngayon – iyong mga kapalpakan – dahil nga maganda na iyong social media presence; maganda na iyong website; maganda ang mobile site; may application, kumpleto. So kung meron silang mga gagawin na hindi tama, mapapansin talaga ng publiko, unlike before. Nakatutok po tayo diyan sa retraining ng manpower ng PNA. In fact, iyong studio nila na gagawin para sa newscast na ilalagay sa online at sa virtual TV ay kasama rin sa plano, by September ilo-launch na ito. Itong mga lapses, ngayon lang natin nakikita kung sino talaga iyong mga competent diyan at hindi. Kasama po iyan sa reorganization.

LEO: Pero personally, Secretary, what do you think, may nabotahe ba talaga, may nanadya ba dito dahil tatlong beses na nangyari ito, ano sa tingin ninyo?

SEC. ANDANAR: I want to give them the benefit of the doubt kaya nga meron tayong imbestigasyon. Mamaya kakausapin ko sila at kung ano iyong kakalabasan doon sa show cause order, malalaman natin kung may nanabotahe o talagang purely incompetence, iyon naman ang kuwan doon eh. Kung purely incompetence, then maybe aalisin natin sila sa kanilang posisyon, ililipat natin sila sa ibang trabaho, kailangang mag-retraining ulit, iyong mga ganoon ba. It’s time to go back to basics. So maybe, sila na mismo, mag-isip-isip na rin siguro sila kung ito ba talaga iyong trabaho na gusto nila.

LEO: Correct.

SEC. ANDANAR: Because ang tao naman, kahit magaling ka, Leo, kung wala ka namang commitment doon sa ginagawa mo at wala doon ang puso mo sa ginagawa mo, you are really bound to fail, di ba?

LEO: Tama. Sabi ko nga diyan eh, hindi ko kailangan maging matalinong-matalino, kailangan ko lang dito common sense sa pagtatrabahong ito. Mantakin mo magkamali ka ng logo, sa paglagay, simple as that.

SEC. ANDANAR: Iyon nga, ultimo grade six eh alam kung ano logo ng Labor and Employment. Saka kapag ginogle mo iyong Department of Labor and Employment nandoon lalabas. So siguro naman naggo-grocery din iyong mga nag-upload ng logo, nakikita niya kung ano ang Dole Philippines, di ba?

LEO: Eh, sabi ko nga baka habang kumakain yata ng salad ito eh saka nailagay ito kaya ganoon eh.

SEC. ANDANAR: Sabi ko nga baka possible, baka iyong kanyang kinakain Del Monte, hindi niya alam kung ano ang Dole. So, iyong para sa akin ba, napaka-common sense eh. Iyong ginawa nila na pagkakamali, iyong repercussion ganito – sa akin, pati ako mismo—Alam mo maraming layers iyan eh – from the NIB Director; to NIB Executive Director; tapos meron kang Editor-in-Chief ng PNA; tapos may mga editors ka; may mga writers, tatlong layers ho iyan eh, dinadaanan eh, tapos ganoon pa ang nangyari di ba.

I would just like to put this on record, itong lahat po ng ito. Tayo organization the Philippine News Agency, the same organization during the past administrations – during the administration of GMA, during the Erap – it is the same. Wala ho tayong ginalaw diyan, kasi nga nirerespeto natin iyong demokrasya ng gobyerno. Number two, hindi mo naman puwedeng galawin lang ganoong and you have to give them the benefit of the doubt ngayon na nireporma natin.

LEO: And yet ganyan pa ang nangyari ano.

SEC. ANDANAR: Oo. Hindi ko naman inakala na iyong editor natin hindi alam kung anong logo ng DOLE. So napakasama ho talaga. That’s why I am going to see them today.

LEO: Actually, Secretary, dito meron kaming IT dito ang pangalan—sa amin dito ang expert namin dito ay si Gerald Oliño. Ang tinatanong ko nga actually, since ang gusto kong itanong sa kanya kanina eh naupo lang ako kasi bigla dito. Napakasimple lang kasi, kahit ako kung ako ang maglalagay niyan, hindi ako puwedeng magkamali, kaya sabi ko nga sort of, baka ano, inaantok ba ito, baka daw may distributor, distribution of work. Ano ang ibig mong sabihin, distribution of labor, nagkamali? Parang ganoon eh, sabi ni Gerald Oliño. Kasi simple arithmetic lang daw ang gagawin eh nagkamali pa siya.

SEC. ANDANAR: Iyon nga eh, talagang ano eh…kung anuman iyong leniency at anumang equipment na binigay ko sa PNA, because I give them the benefit of the doubt—

LEO: Ito may inaano si Gerald dito, sabi niya baka daw iba iyong gumagawa ng script at ng logo or sa quality assurance baka nagmadali.

SEC. ANDANAR: Hindi eh, parang ano eh…kumbaga, naka-apat na sila.

LEO: Grabe naka-apat na, hindi biro iyon.

SEC. ANDANAR: Iyong in-upload nila na picture doon sa Marawi – Vietnam War. Number 2, iyong doon sa istorya nung kay Asec. ng DILG; tapos nag-upload sila noong sa China na hindi nila binasa.

LEO: Yes, sa Xinhua.

SEC. ANDANAR: Tapos pang-apat itong Dole. Eh palagay ko talaga marami talagang mistakes diyan eh. So, of course I will talk to them.

LEO: All right lastly na lang, Secretary, medyo nagkakagulo na ang mga netizens at mga blogger, social media user and maging ang mainstream. Ano ang take mo dito dahil sabi nga talaga bang i-a-accredit ba lahat ni Secretary Martin Andanar?

SEC. ANDANAR: Alam mo kasi, the President wants to include the bloggers and the netizens na nagba-blog, social media practitioners. Pero meron nga tayong panuntunan sinusundan at itong panuntunan ay interim. So ang mangyayari dito tatanggapin natin iyong magiging suhestiyon ng Malacañang Press Corps; kasi wala pa ho kaming natatanggap na suggestions sa Malacanang Press Corps and we will see kung saan natin puwedeng baguhin iyong polisiya. As I said interim ito, so for the time being na wala pang consultation iyong ibang sectors of society. Pero let me put on record na before we do this eh naka ilang consultation na po and we also in fact, called for an all media ph summit dito sa UP, which was not so well attended by some sector of society. So, now, alam ninyo na po, na seryoso talaga ang administrasyon na maging inclusive, I hope na you join the process of creating the social media policy for the President.

LEO: Ayan sabi dito, kahit ba sino puwedeng ma-accredit, sir? Kasi sa dalawang araw lang daw puwede hong magpa-boost ng FB, aabot agad ng 10,000 ang likes?

SEC. ANDANAR: Hindi ho, hindi ho lahat. Kasi kailangan din maging committed din po sa pagsusulat at iyong consistency din ng blog mo, consistency ng mga entries ay nandoon.

LEO: At saka ang sabi ko nga, sa madali’t salita sa sinabi mo kanina, Secretary. Sa madali’t salita dadaan pa rin sila sa butas ng karayom sa accreditation, hindi basta-basta.

SEC. ANDANAR: Tama po, dadaan po sa butas ng karayom. In fact, iba po iyong proseso ng bloggers, iba po iyong proseso ng mga journalist. Sa journalist po ay naka-imprenta na iyon eh, institutionalized na iyon. Isang application lang pag na-accredit ka, hindi mo na kailangang bumalik para magpa-accredit; hindi tulad ng sa bloggers na per event kailangan kayong mag-apply.

LEO: Correct. At saka kailangan daily basis iyang report mo, hindi puwedeng ganoon-ganoon lang. Lastly lang Secretary. Lastly na lang. Ipaabot ko lang ito dahil isa sa mga kasamahan natin sa pamamahayag, actually dalawa na eh binabantaan po ng netizens dahil sa napanuod iyong briefing with Asec. Kris Ablan at binabantaan na pati na buhay nila na kapag ano, hindi tumigil ay ganoon. Iyong mga bloggers na mismo ang nagbabanta para tigilan na, kung hindi dadaan din kayo sa ano, parang ganoon eh. Binabantaan n’yo—to be exact si Bella at saka si Joseph Morong. Ano po ang take ninyo dito at nasaan inyo ang pagkakataon para panawagan na rin sa ating mga bloggers at sa Malacañang Press Corps ang inyong mensahe?

SEC. ANDANAR: Alam mo ang gobyerno ho natin ay hindi po ine-encourage iyong mga ganyang klase…ganyang klaseng mga patutsada, ganyang klaseng attitude, behavior na bayolente. Kaya nga po ang PCOO is the number advocate at champion media security, kaya nagkaroon tayo ng Task Force on Media Security. So ang advise ko ho para sa mga manunulat na meron pong banta ay kausapin po si Usec. Joel Egco na siya pong itinalaga ng ating Pangulo bilang Undersecretary at Executive Director ng Task Force on Media Security.

LEO: Oo. Iyon ang gumagawa ngayon. Anyway, Secretary, alam kong busy at alam ko bumibiyahe ka na, ingat, ingat po sa pagbiyahe, maraming-maraming salamat po sa panahong ito na ipinagkaloob mo sa DZME. Nawa’y narinig tayo ng Malacanang Press Corps, ng lahat ng mga mamamahayag at maging ng mga bloggers this time around, Thank you so much, Secretary.

SEC. ANDANAR: Mabuhay ka Leo, mabuhay po ang DZME.

##

Resource