Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Leo Palo III (Cabinet Report sa Teleradyo-Radyo Pilipinas)

LEO:  Nasa linya natin ang ating partner, ang isa po sa pinaka-heartthrob Gabinete ng Pangulo…                       

SEC. ANDANAR:  Secretary Martin Andanar po… hindi ako iyong heartthrob [laughs]. Baka sabihin ng mga listeners, ang kapal ng mukha nito [laughter]… Pero, magandang tanghali po sa lahat ng mga nakikinig sa atin sa Cabinet Report dito sa Radyo Pilipinas nationwide, at lalung-lalo na kay Leo Palo at si Vinci Beltran…

DIR. VINCI:  Hello po… 

SEC. ANDANAR:  Kay dating SAP Bong Go at dating Secretary Francis Tolentino… at sa lahat po ng mga nakasabay ko sa Cebu Pacific kaninang madaling araw galing Davao pauwi ditong Maynila.

LEO:  Sec., last na lang ito ha, habol lang ito kasi personal ito.                       

SEC. ANDANAR:  O sige, okay…

LEO:  Gaano katotoo: ‘ikaw daw ang papalit kay CabSec o kaya naman papalit kay Secretary Tolentino – which is which?’                       

SEC. ANDANAR:  Easy, easy, easy lang… Eh sabi ni Presidente just stick around, so ididikit ko lang iyong sarili ko around. Stick around eh [laughs]…

LEO:  [Laughs] Eh malapit na ang EO, is it going to be signed para magiging Office of the Press Secretary na ang PCOO; sino ang hahawak nito – ikaw rin daw; ano ba talaga?                       

SEC. ANDANAR:  Wala pa, wala pa… Eh ‘antayin natin ang magiging desisyon ni Presidente Duterte dahil nga ayaw ni Presidente iyong napapangunahan siya. Saka hindi pa kami nag-uusap ni Presidente about it ha, wala pa kaming pinag-uusapan. At ako nama ay—at hindi naman din makapal ang mukha ko para kausapin ko siya dahil ayokong iprisinta ang sarili ko.

LEO:  Yes… Well good luck sa iyong endeavor Secretary, at maraming salamat din sa pagkakataong ito. Nasa iyo ang pagkakataon at i-announce ang ating next week episode, it will be in Boracay!                       

SEC. ANDANAR:  Boracay… Announce ko lang ha, mayroon kaming concert, iyong mga Cabinet Spouses, sila iyong nag-arrange nito – concert ito. Concert on October 23, 2018 at 7 P.M. at the PICC Reception Hall.

LEO:  Magkano ‘yan?                         

SEC. ANDANAR:  Iyong magko-concert, iyong mga asawa ng mga Cabinet spouses…

LEO:  May tiket ba ‘yan?                         

SEC. ANDANAR:  Ililibre na kita… pati si Vinci, pati si Weng, pati iyong mga ‘jacket boys’ diyan.

LEO:  With that Secretary, thank you so much for your time.                       

DIR. VINCI:  Maraming salamat po… 

SEC. ANDANAR:  Salamat po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource