Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo – Sa Totoo Lang, PTV4

ERWIN TULFO: Magandang gabi, Pilipinas pansamantala po muna nating hindi makakapiling ang Pangulong Duterte sa programang ito dahil tutok siya sa pagsasaayos ng sistema at pagpapabuti pa sa ating bayan. Pero nangako naman ang Pangulo na muli siyang haharap sa bayan para sagutin ng diretsahan ang mga isyu at magbigay ng ulat sa programa ng pamahalaan. Abangan ninyo po iyan, Bayan! Pero bilang kahalili naman ng Pangulo, makakapanayam natin ngayon sa panibagong edisyon ng ‘Sa Totoo lang’ ang hepe ng Presidential Communications Operations Office. Walang iba kung hindi si Secretary Martin Adnanar. Magandang gabi po, Mr. Secretary!

SEC. ANDANAR: Magandang gabi, Erwin at magandang gabi sa lahat ng mga nanonood ng inyong programa ‘Sa Totoo Lang’.

ERWIN: Mainit po iyong isyu tungkol doon sa video ng Reuters News Agency ano po. Ano po ang reaksiyon ninyo, Secretary mula—muli na namang nasangkot ang mga pulis partikular na ang pulis Maynila matapos ilabas nga ng Reuters ang isang video kung saan sinasabi na biktima umano ng EJK ang tatlong suspek na napatay?

SEC. ANDANAR: Alam mo iyong timing kasi ng paglabas ng istorya is very suspect ‘no sapagka’t alam naman natin na ang ating mahal na Pangulo ay ibinalik sa Philippine National Police ang kampanya laban sa iligal na droga. Hindi natin sinasabi na mali iyong istorya, hindi natin sinasabi na mali iyong video, kailangan din itong i-vet ng Philippine National Policy, i-check iyong veracity ng video, kung iyong video ba talaga ay bona fide na video. Pangatlo, ang Reuters, gaya ng iba pang News Agencies or Newspapers or Broadcasting companies ay may kaniya-kaniyang istilo iyan ng pagsulat ng kanilang Istorya eh. So sa palagay ko, iyan ang istilo ng Reuters so wala tayong magagawa kung ano iyong kanilang… it’s their prerogative to write the story however they want to write it. Ang mahalaga dito, ang hinihingi lang natin iyong patas na pamamahayag at pagsulat. Dapat bigyan din ang Philippine National Police ang pagkakataon na sagutin ang mga tanong.

ERWIN: Napansin po ng ilang manonood, Secretary na mukhang iyong video ay hindi raw kung hindi mukhang mga—mukhang edited po iyong ipinalabas po ng Reuters. Anong masasabi ninyo doon?

SEC. ANDANAR: That’s exactly the reason na kailangan itong ma-vet ng maayos ng Philippine National Police. Dapat maimbestigahan ito ng maayos para malaman natin kung ang video na ginamit ng Reuters ay talagang CCTV video at hindi tampered. Iyon lang naman iyong sa atin.

ERWIN: Sir, ano ho sa tingin ninyo ang motive ng Reuters? It’s a foreign News agency, a wire service, sa pagpapalabas ng naturang video?

SEC. ANDANAR: Ayaw ko namang pangunahan ang Reuters. Ayoko namang sabihin na kaduda-duda talaga at mayroon silang motive na pahiyain ang Philippine National Police. Pero ang sa akin lang ay siguro let’s give the Philippine National Police the benefit of the doubt. Let’s check the veracity of the video and at the same time, let’s give a fair chance for the Philippine National Police to explain and also to investigate the CCTV video.

ERWIN: I’m sure sir, noong kayo ho ay journalist din mayroon din po kayong mga naipalabas na mga expose. Pero sa tingin ho ninyo, tama bang i-edit ang mga CCTV footages na mga ganito, parang…. Para sa consumption ‘ika nga ng public?

SEC. ANDANAR: Alam natin na iyong Reuters ay napakalaking kumpanya, News agency, kilala sa buong mundo, respetado ito at very influential. So sa palagay ko kapag mayroon pong mga CCTV video na inilabas ang isang newswire agency, dapat po ay ipakita lahat, lahat po ng raw footage. Dapat po hindi ito edited. Kung edited man ito dapat mayroon pong choice iyong viewer na mapanood iyong talagang buong video.

ERWIN: Alright. Secretary, moving to another issue, sir other than ito pong sa Reuters nga na video. Pinag-uusapan din for several days now ito pong pagkansela na ng Pangulo sa peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF noong November 23 sa pamamagitan ng Proclamation number 360 kung saan inutos po ng Pangulong Duterte na itigil na ang peace talks sa komunista. Ano po ang naging dahilan o naging batayan ng Pangulo sa kaniyang naging desisyon na kanselahin ang peace talks?

SEC. ANDANAR: Ang naging problema kasi dito, Erwin ay iyong sincerity ng armed component ng CPP-NPA. Ang nakikita po natin ay tuloy-tuloy iyong kanilang paghasik ng lagim, violence laban po sa mga inosenteng mga kababayan nating Filipino, iyong patuloy po na pagkolekta ng revolutionary tax. Iyong patuloy po na pagpatay, pag-atake sa ating mga kasundaluhan, kapulisan. So that really showed iyong hindi sincere iyong armed component ng CPP-NPA.

Now, kung hindi sincere iyong armed component at sinsero naman iyong… halimbawa iyong mga negotiators, wala hong balance na sinasabi kung talagang gusto po ng CPP-NPA-NDF na makipag-usap sa ating pamahalaan at maging matagumpay po itong usapang pangkapayapaan ay dapat ho hindi lang iyong negotiators, dapat din ho ay iyong armed components because the armed component really is, it is the most important part—

ERWIN: Sa tingin ninyo ho ba na magbabago pa ang desisyon ng Pangulo because everybody na—are really looking forward na baka puwede pang magawan ng paraan na gawin ng kabilang grupo para mabago ang desisyon ng Pangulo because sa pananalita ng Pangulo with finality na ‘stop it’, well upon signing of this proclamation. Do you think mababago pa ito?

SEC. ANDANAR: The President has already mentioned and already stated his policy na titigil na ang usapang pangkapayapaan. So for now, iyon po ang ating polisiya ng ating gobyerno, ang sinabi ng ating Pangulo. But let’s continue to pray. Let’s continue to pray na ma-enlighten iyong armed component ng CPP-NPA-NDF na hindi na sila maghasik ng lagim, hindi na sila mag-terrorize kasi malapit na silang ilagay doon sa listahan ng mga terorista ng ating Presidente.

ERWIN: Alright. Sa panghuling katanungan na lang po before we go on a break. Sa tingin ninyo ho ba na sinsero ang CPP-NPA na ibaba na ang kanilang armas forever?

SEC. ANDANAR: On one hand, sasabihin ng mga opisyales, mga miyembro ng Execom ng CPP-NPA na they really want peace. On the other hand mayroon ka namang… iyong mga tauhan nila na magra-rally, may dalang mga streamer, sasabihin na despot si Presidente, siya ay fascist, etcetera. On the other hand mayroon ka namang arm component sa CPP-NPA-NDF na patuloy ang pag-atake sa mga pulis, patuloy sa pag-atake sa ating mga kasundaluhan pati bata naapektuhan, patuloy ang kanilang ‘pagkubra ng revolutionary tax. So where is the sincerity? Iyan ang sinasabi—mayroon man sigurong mga miyembro na sinsero pero mayroon ding hindi. The question is, mayroon bang control ang pamunuan ng CPP-NPA sa baba, sa mga miyembro nila? And I think it looks like walang control.

ERWIN: Sa aming pagbabalik po pag-uusapan iyan namin ni Secretary Martin ito pong nangyayaring impeachment hearing diyan po sa Kongreso laban po kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Diyan lamang ho kayo bayan.

(Commercial)

ERWIN: Nagbabalik po ang ‘Sa Totoo Lang’, kasama pa rin natin ngayon si PCOO Secretary Martin Andanar. Sir, iyon hong impeachment na nangyayari ngayon diyan sa Kongreso, itinuturing na unprecedented daw ang pagdalo ni Associate Justice Teresita De Castro sa pagdinig. Ito ang kauna-unahan kasing pagkakataon na humarap sa hearing sa Kamara ang isang mahistrado ng Korte Suprema at sa isang impeachment hearing pa ng Chief Justice mismo. Ano po ang reaksiyon po ng Palasyo dito?

SEC. ANDANAR: Nakakalungkot na nangyayari ito sa isang co-equal branch of government tulad po ng Korte Suprema. But I would like to tell you that gusto naming dumistansiya dito sapagka’t mayroon silang sarili nilang independence, we want to respect that independence as a co-equal branch of government and we hope and pray that maayos nila ang kanilang problema diyan sa Korte Suprema.

ERWIN: Pero kamakailan sir, I think yesterday mukhang nag-iikot na itong si Chief Justice Sereno sa mga speaking engagement at mukhang nakakanti po niya ang ‘ika nga Executive branch. Parang pinapalabas niya po sa kaniyang mga talumpati na may kinalaman dito ang administrasyon. How will you react to that, Mr. Secretary?

SEC. ANDANAR: Nakita naman natin sa Congress, sa Lower House kung papaano lumabas si Justice De Castro at ang nagsalita doon it only goes to show na mayroon talaga silang sarili nilang skirmish sa loob ng Korte Suprema. So I would still ano, I would still distance the Executive branch from whatever is happening sa loob ng Korte Suprema. Ito po ay under investigation na diyan sa Kongreso. So let us just wait for the procedure to flow at mahirap kasing mag-judge eh.

ERWIN: Will it matter ba, Secretary if new Chief Justice, sitting Chief Justice is kaalyado ng administrasyon?

SEC. ANDANAR: In our constitution, mayroon tayong co-equal branches of government. There are three branches of government, the… in Lower House, in Upper House, one Congress. You have the judiciary which is the Korte Suprema. And you have the Executive and all of these branches of government, ito ay ginawa mismo ng frameworks of our Constitution at to check and balance each other. Mayroong kang Congress which has the power of the purse, para bantayan ang pera ng bayan bago mag-approve ng isang national budget eh dapat sila iyong bumusisi diyan.

Mayroon kang Executive Department na nagpapatakbo ng buong gobyerno at mayroon ka ring Korte Suprema na sila naman ang nag-i-interpret ng batas. So if you base it on that argument, dapat talaga walang nakikialam eh. Kasi checks and balance eh. Papaano ka magche-check and balance kung kayo-kayong lahat eh nagkukuntiyambahan. So ako—the Palace, lalo na ang ating mahal na Pangulo, prosecutor, man of the law. At siya ay naniniwala diyan sa prinsipyo na iyon.

ERWIN: Ito hong problema natin ngayon ho sa traffic. Unahin na po natin itong sa traffic nga. Sabi po ni Senador JV Ejercito, kailan na raw ng emergency powers ng Pangulo para maresolba ang problem sa traffic. Sa tingin ninyo po ba sir kailangan na ba talaga ito?

SEC. ANDANAR: Ako ay naniniwala na kailangan ng emergency power. Alam mo, alam na natin kung anong solusyon dito sa napakatinding traffic sa buong Metro Manila. At itong mga motorista, number of vehicles in Metro Manila will only increase. Kita mo naman iyong report ng Bloomberg noong sinabi nila—eh tayo ang pinakamabilis na ekonomiya sa buong South East Asia, one the fastest in the world at our economy is growing twice as Malaysia.

Now! ang ibig sabihin niyan maraming bibili ng sasakyan, ibig sabihin niyan maraming negosyo ang pumapasok, maraming investment, so ang traffic lalala nang lalala. We know the solution on traffic. We know na kailangan na ayusin iyong mga Skyway, tapusin na iyong mga Skyway. May mga problema tayo sa mga right of way. Alam natin na kailangan na—alam natin na subway ang solution dito at may problema din sa—marami ring nagrereklamo din kasi dadaanan daw ng subway iyong kanilang mga building etcetera. Alam din natin na kailangan iyong airport natin dito sa NAIA 1, 2, 3 ay ma-de-congest natin ang mga private planes but hindi magagawa ito kasi wala namang emergency powers. We know the solution, ang problema lang kasi ay mayroong mga nakasaad sa batas na nagpapahirap sa gobyerno na tapusin at solusyunan ito. That’s why we need these emergency powers.

ERWIN: Hindi lang ho diyan sa traffic kung hindi pati lalo na itong issue sa MRT, ano pong masasabi ninyo diyan, Sec.?

SEC. ANDANAR: Ginagawa naman na ito ng solusyon itong MRT. Unang una ay sinubukan ng pamunuan ng DOTr sa pangunguna ni Secretary Art Tugade na tingnan itong tren na binili noong nakaraang administrasyon. Pero talagang hindi puwedeng ikabit eh kasi napakabigat, ‘pag nilagay mo iyan doon sa riles eh magigiba iyong riles, hindi tatakbo iyong tren. Number two, eh kinasuhan na iyong mga operator ng MRT at nagtungo na si Secretary Tugade sa Japan para kausapin muli ang Sumitomo-Mitsubishi na sila, na bumalik sila at sila ang mag-operate. Nandiyan na rin iyong accountability na nilalagay ng DOTr. This is—this problem is not a problem that we can solve overnight. Nakita naman natin iyong Skyway papuntang Maynila at didiretso—

ERWIN: From South Expressway to North Expressway—

SEC. ANDANAR: Oo, eh mabilis na ang ang konstruksyon ngayon. Kita naman natin na mabilis natapos iyong Skyway dito sa may Airport, iyong nagdudugtong sa NAIA 1, 2 and 3. There is really no silver bullet solution. Alam natin kung anong dapat gawin, ang problema kasi ay maraming mga nasa batas na nagpapahirap na gawin lahat ng dapat gawin para mapabilis iyong—iyon nga sinabi ko iyong—the right of way is a big problem. Hindi ka naman basta puwedeng i-bulldoze mo na lang iyong isang village para gumawa ng malaking highway doon o malaking Skyway. So kailangan talaga ng lahat ng emergency powers ng ating gobyerno para mas lalong bumilis ang ating solusyon dito sa problema ng trapiko sa Metro Manila.

ERWIN: Sabi nga noong isang kumpanya, ‘dadaloy din ang ginhawa.’ Kailan po itong ginhawa na sinasabi? Is it this administration na mararamdaman ng… the Filipino people or after this administration has gone?

SEC. ANDANAR: Noong ASEAN eh nagkapirmahan po ang ating gobyerno at ang gobyerno ng Tsina dito sa grant o donasyon na ibinigay po ng Tsina para dagdagan iyong bridge dito sa Pasig. So one is from Intramuros to Binondo and the other one eh dito sa Estrella papuntang Mandaluyong. Isa sa mga—isa lang iyan sa mga solusyon. Nag-exchange notes na rin ang Japan at ang Pilipinas doon sa first phase ng subway construction. Now, kagagaling ko lang ng China, ng Shanghai at doon sa Shanghai sinimulan nila iyong subway project 1989, natapos 1993 iyong isang line. So ang ibig sabihin niyan ay posibleng matapos ang subway project kahit isang linya lang within 4 years. Ganoon din po sa Suzhou, China, I’m very optimistic na once masimulan na itong subway project ay magtutuloy-tuloy na. In fact itong railway mula sa Tutuban hanggang Clark ay sinisimulan na rin. We just have to be patient and we have to trust and believe the government.

ERWIN: Bayan, huwag po kayong bibitiw dahil sa aming pagbabalik ni Secretary Martin ay pag-uusapan ho natin naman itong iba pang mga issues tulad po ng ‘ika nga nangyayari diyan ngayon sa Marawi, iyong rebuilding and at the same time iyong nabanggit ni Secretary Martin iyong tungkol sa pabahay daw para sa mga media men and women. Sa amin pong pagbabalik.

(Commercial)

ERWIN: Kayo po ay nakatutok pa rin dito sa ‘Sa Totoo Lang’ Kasama pa rin natin ngayon si Secretary Martin Andanar. Sir, reaksiyon lang ho ninyo na naaprubhan na po sa Senado iyong Tax Reform for Acceleration and Inclusion or iyong tinatawag na TRAIN Bill at nangyari pala ho diyan sa labing walo na senador na present doon labing pito ang bumoto na bapor sila. Eh ito naman iyong hinihingi ni Pangulong Duterte na wala ng tax kapag 21,000 pababa. Hindi nabubuwisan ano po. Pero mayroong isang kumontra pa rin na Senadora na hindi raw ito pro-poor.

SEC. ANDANAR: Ang target po nitong TRAIN ay para bumaba iyong poverty rate ng bansa natin mula 21 percent noong 2015 ito po iyong pinakahuling datos at ibaba ito ng 14 percent by 2022. So tayo po ay nagpapasalamat sa Senado sa kanilang kooperasyon at of course for doing the nation a favor ng bansa.

ERWIN: Pero ang tingin po kasi, Secretary ng mga kalaban ng mga oposisyon like Senator Hontiveros ‘pag ginawa mo ito na tatax-an iyong mga maliliit iyong mga sumasahod ng 20—21,000 pababa eh baka kapusin ika nga, magkakaroon tayo ng budget deficit. Pero sabi naman po ng ilang mga mambabatas, Secretary, na marami namang puwedeng i-tax iyong kagaya noong sa mga soft drinks and other—

SEC. ANDANAR: Sigarilyo—

ERWIN: Oo sa mga sigarilyo iyong mga sin taxes, puwede namang bawiin doon.

SEC. ANDANAR: Alam mo para sa isang mahirap na pamilya. Kapag nakapag-ipon sila ng 1,000 to 2,000 pesos napakalaking bagay na iyan eh para sa kanila. Now iyong inipon naman nilang pera ginagastos din naman nila iyan eh—

ERWIN: Alright.

SEC. ANDANAR: ‘Di ba? Therefore kapag ginasta iyan ng isang pamilya, isang libo, dalawang libo, babalik iyan sa ekonomiya, iikot ang ekonomiya. Iyong koleksiyon diyan ng gobyerno dito sa TRAIN system or tax system na bago ay magpapataas ng collection system, aabot ng ilang bilyong piso. Ito rin ay gagastusin sa mga infrastructure projects. Kapag ito ay ginastos sa infrastructure projects kapag may pera ka sa pagpapagawa ng sabihin na natin isang Skyway, you need to employ people. So iyong mga walang trabaho mabibigyan ng trabaho—

ERWIN: Alright.

SEC. ANDANAR: Mabibigyan ng suweldo. ‘Pag bigay ng suweldo may panggastos—so iikot na ekonomiya.

ERWIN: Alam ko isa kayo diyan sa naatasan ng Pangulo na silipin iyan at makialam din diyan sa rehabilitation ng Marawi, ang PCOO. Kumustahin ko lang po iyong rehabilitation. Nasaang phase na ho tayo? Lalo na po iyong mga pabahay na sinasabi po ng Pangulo na temporary shelter, sir?

SEC. ANDANAR: Alam mo binisita natin iyan even before na natapos ang gulo diyan sa Marawi. At nakita natin kung gaano kawasak talaga itong area, ilang ektarya ng business district ng Marawi. And we—nasaksihan din natin iyong mga internally displaced people sa iba’t ibang shelters ‘no. At I’m very happy to say that from that time until today eh nasa mga 70,000 na ng mga displaced—internally displaced people ang nakauwi na sa kanilang mga tahanan. Mahigit 19 barangays na ang ngayon ay buhay na buhay na, na bumalik na iyong population doon at simula na po ang kalakalan. Iyong mga pabahay na ipinangako ng ating gobyerno ay nandiyan na po, tinatayo na. In fact by this December daang-daang bahay ang ma-i-de-deliver na, ang maibibigay na sa mga kababayan natin doon.

ERWIN: So hindi—what you’re saying Sec., hindi matutulad ito doon sa nangyari po sa mga nabiktima ng Yolanda kung saan eh hanggang ngayon iyong mga pangakong pabahay noong nakaraang administrasyon ay hindi pa po nade-deliver, Secretary? Will this be different? Ano po ang guarantee na hindi na po mauulit iyong naulit doon—sa bagay ibang gobyerno—na hindi na po ito mauulit sa panahon na ito?

SEC. ANDANAR: Definitely not eh finorward ko nga iyong report mo na iyong bahay mismo na—iyong halaga ay—

ERWIN: 200,000.

SEC. ANDANAR: Ay 200,000 at ikukumpara mo doon sa bahay na—doon sa Yolanda na 900,000 ba iyon—?

ERWIN: 800.

SEC. ANDANAR: 800,000. Doon pa lang sa presyo ay kitang kita natin na wala hong ano, wala hong patong, wala hong dinaya, wala hong na-argabyado at kita naman natin na iyong isang bahay eh kayang itayo in one day, the product, the houses will speak for itself. At kita naman natin na na-deliver na nga iyong mga bahay and based on the latest survey na 77 percent na mga adults ay satisfied with how the government is responding to the problems in Marawi specifically itong Bangon Marawi which was signed as an Administrative Order number 3 by the President.

Iyong pagpasok ng gobyerno, mayroong limang bilyong piso for this last quarter alone na gagastusin sa Marawi sa construction, hanap buhay ng mga tao. That’s a sizeable really a substantial amount of money na binuhos—ibubuhos pa dito sa Marawi hanggang December. By January ibang budget naman ang pinag-uusapan natin. So ang ating tututukan dito ay kung papaano ito gagastusin. So—kaya mayroon tayong Task Force Bangon Marawi sa pangunguna po ni Secretary Del Rosario. Nandiyan din po ang ARMM na katuwang. Nandiyan din po iyong Mayor ng Marawi. Nandiyan din po iyong mga non-profit organizations. Para siguraduhin na itong pera na ibubuhos sa Marawi ay maayos. Now with that amount of money, it’s impossible na hindi sisigla ang ekonomiya ng Marawi.

ERWIN: Bayan, abangan po ang isinusulong na mga taga suporta ng Pangulo na revolutionary government, ating tatalakayin kasama pa rin po natin si Secretary Martin Andanar. Diyan lang ho kayo.

(Commercial)

ERWIN: Kayo po ay nakatutok pa rin dito sa ‘Sa Totoo Lang.’ Kasama pa rin natin ang atin pong special guest ngayong gabi na si Secretary Martin Andanar. Sir, may mga grupong nagsusulong pala ng revolutionary government. Pero mismong ang Pangulo na po ay klinarify niya na hindi niya po ito gagawin at hindi niya rin ito susuportahan maging ang mga kaalyado ng Pangulo dahil tingin din po ng iba eh mukhang hindi po ito naaayon sa batas, Secretary?

SEC. ANDANAR: Ang mahalaga dito, Erwin ay nirerespeto ng ating gobyerno ang karapatan ng ating mga kababayan na mag-assemble peaceably at maglabas ng kanilang mga hinaing o kung ano ang kanilang paniniwala sa pagpapatakbo ng gobyerno. At ito naman ay nakasaad din sa batas, karapatan naman ng ating mga kababayan na… to express whatever they think and feel. Now the same way na pinapayagan po ng ating Pangulo ang oposisyon at iba pang mga grupo na hindi sang-ayon sa ating administrasyon ay pinapayagan din ng ating Pangulo, ng ating gobyerno. Iyong mga kakampi naman natin sa gobyerno na mayroong sariling solusyon. So wala namang ano dito, monopolya kung ano iyong solusyon na dapat na para sa ating bayan. But what is—what should really stand out is the Constitution. Kaya nga, sundin natin ang Constitution, ayusin natin ang gobyerno, patakbuhin natin kung ano man iyong nakasaad sa Constitution. Let’s do our best and I am very optimistic that by 2022 talagang bababa iyong poverty rate to 14 percent.

ERWIN: Sir, pero push comes to shove isa pa ito sa mga options na tinitingan ng Pangulo because the President threatened na ‘pag ginulo nang ginulo ang gobyerno at wala na siyang… ‘ika nga the government’s back is on the wall. Do you think the President—ito ang isa sa mga option ng Pangulo to declare a revolutionary government?

SEC. ANDANAR: Lahat ng ginagawa ng ating Pangulo, ng ating gobyerno ay para sa pagbabago na ipinangako ng ating Pangulo noong kampanyahan. It’s the duty of the President to protect his people and to preserve his nation.

ERWIN: Nagsalita na po ang Pangulo, maging ang kaniyang mga kaalyado, they will not support that, pero ano ho ang mensahe talaga ng Pangulo? Mayroon hong nagra-rally na sinasabi na they support revolutionary government, inuudyok ang gobyerno na revolutionary government na lang tayo, Mr. President. Iyong mga supporters niya. Pero ano talaga ang mensahe ng Pangulo sa kanila?

SEC. ANDANAR: Iyong mga nag-rally dito sa…

ERWIN: Mendiola.

SEC. ANDANAR: Mendiola para sa revolutionary government, mayroon silang mga ipinaglalaban. They are also as frustrated as maybe the millions of motorists, mga commuters na nata-traffic dito sa Metro Manila. At sa palagay nila revolutionary government is the way to solve all of this problems na mabilis na hindi ka na dadaan sa mga proseso na mayroon tayo in this form of government that we have. So I don’t blame them.

Para—pero para sa akin, makita natin na buhay na buhay ang demokrasya sa ating bansa, nagsasalita iyong oposisyon, magsasalita iyong mga kakampi natin about rev. gov., sasabihin ni Presidente, sasabihin ng mga kakampi niya, we don’t agree to the revolutionary government. So buhay na buhay ang demokrasya. It only goes to show that we have a participatory type of government na iyong mga tao na hindi nagtatrabaho sa gobyerno, they’re politically active na sinasabi nila sa gobyerno kung anong dapat gawin. And the government is ready to listen to all citizens of this Republic.

ERWIN: Marami ang natuwa tungkol doon sa anong gusto ninyo na—plano ninyong pabahay para sa mga media men and women. Sino-sino po ba—ano po ba ang requirements? Marami po akong mga kaibigan na nagtatanong, ‘Pareng Erwin, pakitanong kay Secretary ano bang mga requirements diyan. Eh sabi niya media men.’ Alam ninyo naman ho at ramdam mo—mukhang ramdam din ninyo dahil naging mediaman ho kayo before iyong problema ng mga kasamahan natin sa hanap buhay?

SEC. ANDANAR: As a former media man at ako ay umiikot din sa buong Pilipinas, dahil nakita ko talaga na ang problema natin hindi lang sa Metro Manila maging sa probinsiya, shelter and health. So sabi ko doon sa PIA since gagawa naman tayo ng village, pabahay para sa mga kawani ng PCOO kasama iyong PIA, PNA lahat. Let’s offer it also to the members of the media. Wala namang pilitan ito pero kung gusto ninyo na magkaroon ng bahay, gagawa tayo ng paraan para makabili kayo ng bahay. Eh mayroong mga nagsasabi na this is a form of corruption, of corrupting the media or bribing the media. Ganito lang ho iyan eh. Kung maayos ho talaga iyong media industry sa buong Pilipinas, dapat ho lahat ng mga miyembro ng media ay mayroon hong pabahay, mayroon hong security sa trabaho at dapat ho ay mayroon ding healthcare benefits. Pero magtanong ho kayo sa lahat ng mga media and I can guarantee you that not even more than 80 percent. Baka wala pa ngang ano eh, baka wala pang more than 30 percent ng mga kababayan nating mamamahayag na i-secured iyong kanilang future.

So that’s why—that is why the government comes in to offer solutions and to also show the media owners, the media moguls of this country na alagaan ang bawat media man. Otherwise hindi naman kailangang pumasok ng gobyerno kung naaalagaan talaga ng husto.

ERWIN: Sir mayroon din ho kayong… iyong sinasabi na aside po dito sa pabahay, inaayos na rin daw ho ninyo iyong sinasabing kasunduan sa iba’t ibang mga pagamutan, iyong sinasabi ninyo nga agad ang shelter, mayroon pa kayong health benefit, medical assistance po sa mga mamamahayag at ang kanilang pamilya. Is it true?

SEC. ANDANAR: Opo, tama po ito at ito po ay sa pakikipagtulungan sa Chinese General Hospital at mayroon din po iyong mga ospital na pagmamay-ari ng MVP group of companies na gusto pong tumulong sa media. So this is really an effort of private corporations to help the media men. Kasi ang dami pong problema ng mga kasamahan natin na ngayon eh may sakit sa ano—may sakit sa—

ERWIN: Diabetes.

SEC. ANDANAR: Diabetes—

ERWIN: High blood.

SEC. ANDANAR: Bato, high blood, nagpapa-dialysis na walang pambayad. Si Mon Dacawi na taga Baguio kilalang-kilala, eh dalawa—tatlong beses nagpapa-dialysis sa isang linggo, walang pambayad. So kawawa ang media men. Do you know after they have serve the country by giving the news, by disseminating what is happening to society tapos makikita mo na lang they exit, tiptoe out of society na wala man silang pampagamot sa kanilang sarili. So talagang nakakaawa iyong ating mga media men. At ang ating Pangulong Duterte ay naniniwala na napakahalaga na alagaan natin ang isa sa pinakamalaking estate ng bansa natin, which is the Fourth Estate.

ERWIN: Sir, kailan ho mare-realize ito kasi marami na—a lot have been are excited, you announced this last week and now they are saying, kailan kaya ito Pareng Erwin, ‘Tol Erwin itong sinasabi ni Secretary, baka ito ay Ningas Kugon etcetera.’ Sabi ko, ‘No, I know the Secretary’— pero when do you think sir na magiging available itong Housing, itong medical assistance?

SEC. ANDANAR: Sa Housing as we speak ay tinitingnan na po iyong legalities ng ating PCOO legal, ng Philippine Information Agency at ng NHA iyong limang ektarya ng lupa ng PIA dito sa Bulacan. Dati ho kasi 50 hectares iyan eh so as the years went by nabawasan nang nabawasan. Sabi ko sa PIA Director-General Clavite aba’y pagawan mo na ng pabahay iyan ng isang village kasi mauubos iyan eh. So iyon titingnan niya iyong—as we speak tinitingnan niya iyong legality niyan. Doon naman sa mga nagpapagamot na mga kasamahan natin na humihingi ng request ay tuloy-tuloy na po iyan sa Chinese General Hospital.

We are just waiting for the MVP Group of Companies to come up with their proposal. Ito naman ay between MVP Group of Companies and the National Press Club. So wala hong ano ito, walang gobyerno. Tinulungan lang ho natin sila. We just bridged companies na gustong tumulong po sa mga media men. So huwag po kayong ano, huwag po kayong masyadong maging impatient, na ito po ay mangyayari. Sisiguraduhin po natin na mangyayari ito.

ERWIN: Sir on the lighter note, congratulations ho pala ha dahil balita namin nasa number one na sa listenership ang 104.3 FM iyong FM2 ninyo at pumasok na rin sa Top 10, nasa number 7 po yata iyong Radyo Pilipinas 1 po ninyo, 738 AM based po on a recent survey. Tapos ito pong PTV news eh nasa third spot on viewership sa social media. Bakit nagkaganoon iyong turn around in one year’s time?

SEC. ANDANAR: We thank the President for giving us the leeway, the elbowroom to work to improve government media. Number two, the men and women of PTV, the men and women of the Philippine Broadcast Service, Radyo Pilipinas at—and of course we thank the listeners and the viewers. Pero overarching this ay iyong ating dedikasyon, sincerity na baguhin ang sistema ng government media for a long-long time na napabayaan po iyong government media na wala pong masyadong nanonood ay sabi ko noong tayo po ay nasa private pa na puwede namang baguhin ito. We can—nothing is impossible especially government radio. Ang government radio does not have commercial.

ERWIN: Or do you attribute this Secretary, itong listenership suddenly influx because naririnig siguro nila ang Pangulo that they’re saying na—at ang pinagkakatiwalaan na lamang itong government station pagdating sa mga news sa Pangulo because puro banat kay Pangulo and sabi nga namin dito sa PTV news, ito lang ang makatotohanan at makabuluhang mga balita, Sec., do you think kaya dumami ang listenership, iyong trust ng tao because they’re being trust the President.

SEC. ANDANAR: Yeah of course number one—

ERWIN: Totoong balita iyong hinahanap nila.

SEC. ANDANAR: Well number one talaga is our—the face of PTV and the face of Radyo Pilipinas is President Duterte. Number one iyan eh, so sa 80 percent na naniniwala po sa ating Pangulo, talagang natural lamang sa kanila na manood ng PTV at makinig ng Radyo Pilipinas. Mahalaga din dito iyong reprogramming natin dito sa pagpapatakbo natin ng government channel, sapagka’t tayo ay naniniwala na kaya talaga. Bakit sa UK, BBC ang number one? Bakit sa Australia, Australian Broadcasting Corporation ang gobyerno? Bakit sa Canada ang number one nila ay government channel? Sapagka’t ang binibigyan nila ng pagkakataon na mag-shine ang kanilang mga empleyado sa gobyerno.

And it’s really a true blue broadcast media service. Mayroon po tayong direksiyon, as a matter of fact para po sa mga taga PTV dito at Radyo Pilipinas, tayo po ay seryosong tinitingnan natin iyong posibilidad ng satellite broadcasting sapagka’t matagal pa po iyong digital dahil matagal ho iyong approval ng JICA pero mayroon hong mga companies—satellite companies who are willing to give their services at no cost to the government. So iyong mga hinterlands, islands mapapanood po iyong PTV sa pamamagitan ng satellite broadcasting. And we are looking into that possibility so that for the next year mapapanood na tayo sa buong Pilipinas, the whole archipelago. And by the second half or the first half of next year, from 55,000 watts ang broadcasting ng PTV ay magiging 120,000 watts na po ang broadcasting ng PTV sa buong Mega Manila. And we will be working on being watched, there being able to be viewed in 10 of the biggest provinces of this country.

ERWIN: So malaki hong… ika nga pagbabago? I mean pati dito sa—

SEC. ANDANAR: PTV—

ERWIN: Sa PTV—

SEC. ANDANAR: Well sabi nga—

ERWIN: ‘Ika nga, ‘Change is here’

SEC. ANDANAR: Tinud anay na serbisyo sa Bisaya. Talagang—

ERWIN: Which is sa Tagalog?

SEC. ANDANAR: Tunay na serbisyo lang talaga iyong gusto nating mangyari.

ERWIN: Sir, I’d wanted to ask you this, maging noong magkahiwalay tayo na naiwan ako sa kabilang istasyon at kayo ay naging Secretary. Ano ho ang pinagkaiba ng trabaho mo noon sa ginagawa mo noon sa radio, sa TV and dito sa PCOO? Parang napansin ko, Sec., mukhang naging seryoso ka dito, lalong dumami iyong linya sa ulo mo?

SEC. ANDANAR: [laughs]. Oo dumami iyong—

ERWIN: Is it iyong load ng—o kailangan mo talagang maging seryoso pagdating dito sa—may mga panahon na seryoso ka?

SEC. ANDANAR: Hindi siyempre maraming problema ang gobyerno at PCOO maraming problema. Of course maraming napabayaan, marami tayong gustong baguhin at iyon lang naman talaga ang gusto kong gawin eh. Hindi naman ako—what I have with me is really the sincerity to make things better for Philippine media, to make government media relevant, to make tax payers money worth it for those tax payers by giving them quality broadcasting whether TV or radio or quality news to the Philippine News Agency. Iyon lang naman eh, wala namang iba eh. We just want to build up government media para sa mga susunod na henerasyon para iyong susunod na administrasyon na papalit sa atin ay hindi na ho mahirapan.

ERWIN: Alright.

SEC. ANDANAR: And they will only just work, build on the gains that we have built.

ERWIN: How hard is it? I mean as a PCOO?

SEC. ANDANAR: Honestly, I feel fulfilled everyday that I work, when I work as it’s my last day in—

ERWIN: In the office.

SEC. ANDANAR: In the office, at work. At it’s not hard, it’s not difficult to defend a principal that you believe in—at ako ay naniniwala sa ating mahal na Pangulo. So—

ERWIN: Marami po, labing anim na milyon ang naniniwala sa Pangulo. [laughs].

SEC. ANDANAR: 80 million na nga ‘di ba kasi 80 percent. So alam ko naman na ang ginagawa ko bukod sa pagdepensa nga sa ating mahal na Pangulo ay iyong pagpapatakbo ng mga ahensiya under PCOO at alam ko naman na most of you here believe and are also appreciative of the changes that we have been doing here sa broadcasting natin. At kita ninyo naman sa rating ‘di ba? So let the success speaks for itself.

ERWIN: Sec., maraming salamat po for your time with us this evening—

SEC. ANDANAR: Salamat.

###

 

Resource