Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by George Bandola (DZXL – Straight to the Point)

GEORGE: Magandang umaga po Secretary Harry Roque, ang ating pong Presidential Spokesman.

SEC. ROQUE: Magandang umaga George, Straight to the Point. Nagpapasalamat po tayo kay Speaker Alvarez, pero ang katotohanan po ay nakatutok tayo dito sa ating bagong katungkulan na ang pagiging Tagapagsalita ni Presidente. Gagawin po natin ang lahat para tayo po ay maging epektibo bilang Spokesperson; at malayo pa po ang eleksyon so wala pa po iyan sa ating isipan at ngayon po ay dito muna tayo sa pagiging Spokesperson.

GEORGE: Talagang Spokesman nga po pala talaga kayo, kaya bumanat agad kayo ha [laughs].

Secretary Roque kamusta naman po iyong inyong posisyon ngayon bilang bagong Tagapagsalita ng Pangulo. Mahirap po bang maging speaker ng Presidente?

SEC. ROQUE: Mahirap po ‘no kasi tayo ay tagapagsalita sa buong bansang Pilipinas ‘no. Hindi lang po tayo tagapagsalita sa mga kaalyado, tagapagsalita rin tayo sa mga kalaban ‘no. At talaga namang dahil matindi ang iringan sa ating lipunan eh talagang hindi mo mapapaligaya ang lahat ng sektor sa ating lipunan.

GEORGE: Marami nga ho ang nagtatanong, marami rin ang nagtaas ng kilay – ‘bakit bigla bigla Harry Roque na ang Tagapagsalita?’

SEC. ROQUE: Well, ang katunayan po tanging Pangulong Duterte lang makapagsasagot niyan dahil nagulat din po tayo gaya ng sambayanan natin ‘no, kung bakit tayo natalaga rito. Pero dahil binigyan naman tayo ng pagkakataon, tinanggap po natin ang paghahamon at gagawin nating ang lahat ng magagawa natin para magtagumpay sa ganitong katungkulan.

GEORGE: Secretary Roque, alam po ninyo first time po ninyo sa Straight to the Point. Malaman po namin ang inyong mga programa at magiging pinaka focal issue na pupuwedeng ipagsigawan natin on behalf of the President.

SEC. ROQUE: Well, dalawa po ang layuning natin ‘no. Tinanggap po natin ito dahil naniniwala tayo na iyong karapatan ng mamamayan para makakalap ng impormasyon at mga bagay bagay na makaka-apekto sa kanila ay isang karapatang pantao. So iyan po ang pangunahing dahilan ‘no. Dahil importante na makakalap ng impormasyon, malaman ng taongbayan ang programa ng ating Pangulo.

Pangalawa po, ako po ay sang-ayon sa plataporma ni Presidente na simple lang naman po: kontra droga, kontra korapsiyon, independienteng panlabas na relasyon at federalism.

GEORGE: Alam po ninyo, iyan po yung isyu nagdala sa kanya sa pagka-Pangulo. Iyan din po ang isyung sinusuportahan ng sambayanang Pilipino hanggang sa ngayon kung bakit kayo po ang naitalaga bilang kanyang bagong Tagapagsalita.

Sa tingin ninyo po ba meron pa po bang mga kailangang baguhin mula sa mga naunang pahayag nung mga dating spokesman ng Pangulo pupunta sa ngayon?

SEC. ROQUE: Well, kinakailangan pong linawin na ang Presidente bilang isang presidente, bilang isang napakatagal na nanungkulan sa Davao City, isang abogado at isang dating prosecutor ‘no, fiscal ‘no ay nagpapatupad ng batas at malayo sa kanyang layunin na siya mismo ang lumabag ng batas ‘no, ito po iyong sa usaping extra legal killing.

Importante po itong laban natin sa droga, isa na po tayo sa pinakamataas na problema pagdating sa pinagbabawal na gamot. Kung merong napapatay, sinisiguro po ng Presidente na ito po ay dahil mga legitimate na mga police encounters at hindi po niya sinasanction ‘no iyong mga murders na pupuwedeng mangyari. At meron namang pong ilan-ilang kaso lamang na murder na pinag-aaralan na ni Presidente at inutos ni Presidente kay Bato litisin nga iyong kaso ni Kian ‘no.

So sa akin iyan ang pinaka-importanteng mensahe ng Presidente: Buhayin muli ang tiwala ng taongbayan doon sa tinatawag natin rule of law.

GEORGE: Tutal binanggit na po ninyo iyan Secretary Roque, eh wala po bang bagong pahayag ang Pangulo na ibabalik niya ang laban kontra droga matapos iyong nangyari rito – tinututukan po namin dito sa Straight to the Point – iyong nangyaring pagpatay at panggagahasa doon kay Mabel Cama sa Pasig City eh pinaniniwalaan na gawa po ito ng adik eh. Wala po bang bago mula sa kanyang mga pahayag na ibabalik na agad sa PNP ang laban?

SEC. ROQUE: Ay yeah. Tinitignan po at pinagmamasidan ng Presidente ang kasong iyan, pero ang report naman po nakukuha ay bagamat mas maliit po ang PDEA eh napakabuti naman po ng performance ng PDEA sa katunayan po eh parang nagkaroon na po tayo ng record pagdating sa iyong nakalap na pinagbabawal na gamot ‘no pagdating doon sa quantity niya ‘no sa ilalim po ng PDEA; so tignan pa po nating mabuti.

GEORGE: Doon po sa isyu naman Secretary Roque ng federalism, nasaan na ito at ano po iyong ginagawa ninyo para talagang madala sa taongbayan hanggang sa mga kasuluksulukan ng bansa iyong gustong palabasin ng Pangulo para sa kanyang ‘call for federalism?’

SEC. ROQUE: Iyon po ay hinihimay-himay na ngayon sa Mababang Kapulungan at iyong PDP-Laban naman po, iyong institute for federalism, wala pa po silang input ‘no para magkaroon ng impormasyon ang mga taongbayan tungkol sa dito sa federalismo.

GEORGE: Sir, balikan ko na iyong una naming tanong kanina. Eh baka naman may naiwan kayo doon sa Kabayan partylist tapos ngayon balak ninyo ng tumakbo sa Senado.

SEC. ROQUE: Ay gaya ng aking sinabi po ‘no, malayo pa po 2019, dito muna tayo sa ating bagong katungkulan. Ang dami pong paghahamon bilang isang Spokesperson at iyang eleksyon po ngayon ang pinakahuli sa aking isipan.

GEORGE: Ayon. So iyan po muna siguro. Secretary Harry Roque, maraming maraming salamat po sa inyong oras.

SEC. ROQUE: Salamat George, at alam mo naman dahil ang programa mo ay Straight to the Point tayo po ay straight to the point.

GEORGE: Hanggang sa susunod Sec ha. Okay.

# # # # #

Resource