Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo Live (Erwin Tulfo – Radyo Pilipinas)

SEC. ROQUE:                                   Magandang hapon po.

ERWIN:                                              Live po tayo sa Radyo Pilipinas sir, live din po tayo sa Facebook nationwide and worldwide.

Sec, reaksiyon ninyo lamang po. Kahapon nag-file po ng kaso si dating Congressman Paras at saka isang grupo ng mga abogado laban kay Senador Trillanes, ang kaso inciting to sedition, proposing to commit coup d’etat at graft, Sec. Ano ho ang reaksiyon ninyo rito, Secretary?

SEC. ROQUE:                                   Well alam ninyo naman po ang polisiya ng Malacañang ‘no, talagang trabaho ng Ehekutibo na ipatupad ang batas. Kung talagang mayroon pong nangyaring paglabag sa batas, eh umaasa po kami na ang proseso ay uusad at mapapanagot ang mga nagkakasala.

ERWIN:                                              Uhum. Uhum. So hands off ang Malacañang po rito, Sec.?

SEC. ROQUE:                                   Well kami po ay umaasa naman na dahil mayroong complaint na na-isampa—

ERWIN:                                              Opo.

SEC. ROQUE:                                   …ang ating Department of Justice, iyong mga piskalya na magko-conduct ng preliminary investigation ay gagawin ang trabaho nila. At kung mayroon talagang probable cause eh magsasampa ng kaso.

ERWIN:                                              Alright.

SEC. ROQUE:                                   Hayaan po natin na ang proseso ay umusad. Pero ang lahat po ng mga reklamo, ang sinisiguro ng Presidente patas po na mareresolba iyan ng DOJ.

ERWIN:                                              Alright. Sir, maiba tayo. Si Senadora Grace Poe, ang Committee chair ng Transportation, iminumungkahi niya na itigil muna talaga ang operasyon ng MRT totally para ma-check, ma-i-ayos, hindi iyong kaunting oras tatakbo, kaunting oras lang tatakbo. Eh talagang totally, talagang igagarahe para masilip, maayos. Ano po ang paningin ninyo rito, pananaw dito po ng—since ang DOTr is under the Executive. Ano po ang basa ninyo rito? Sang-ayon po ba dito ang Pangulo?

SEC. ROQUE:                                   Alam ninyo po unang una malaki talaga ang problema sa MRT at sa LRT—

ERWIN:                                              Opo.

SEC. ROQUE:                                   Hindi po tayo naghuhugas kamay pero ito po ay napakalaking problema na ating namana doon sa nakalipas na administrasyon ‘no.

ERWIN:                                              Exactly.

SEC. ROQUE:                                   Kinakailangan mapanagot po iyong mga responsable sa napakabulok na serbisyo ngayon sa LRT at sa MRT. Gayon pa man eh bigyan lang po ng kaunting panahon pa ang ating administrasyon at talaga naman pong ginagawan na ng solusyon iyan. Unang una po ‘no, eh sinipa na po natin iyong Busan na talagang palpak na nagme-maintain ng MRT at LRT na iyan at gumagawa na tayo ng paraan para kumuha ng kapalit para mapaandar ng mabuti iyang MRT at LRT na iyan ‘no.

Pangalawa, may mga bago na tayong mga linya na ginagawa ‘no. At inaasahan natin na hindi gaya sa mga MRT na itinayo ‘no, ang itatayo nila eh iyong tamang train at ang gagamitin nila eh iyong mga tamang mga bagon ‘no. Ang problema kasi talaga, mali talaga iyong sistema na ginamit noong nakaraang administrasyon kaya talagang—talagang napakahirap na mapagana iyang MRT at LRT na iyan ‘no.

So gayon pa man, ang prinaprayoridad po ngayon ng gobyerno ay iyong kaligtasan ng ating mga mamamayan. Kung hindi naman po ligtas iyan sa ating mga mananakay, ay ititigil naman po ang MRT, LRT. Pero ang tingin po nila eh pupuwede pa rin pong mag-operate ‘no. Kasi napakadami naman po talagang mape-puwerhisyo kung biglaan nating ititigil, ang operasyon ng MRT, LRT.

ERWIN:                                              Moving on to another… to our last topic, Secretary. Kahapon po nag-usap na ho tayo dito about Oplan Tokhang and you were saying na iyan po ay mananatili sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Pero sir ngayong umaga, kahapon ho yata isa na namang ama na adik, pinatay ang kaniyang dalawang paslit na anak pati ang misis dahil akala niya raw ay demonyo. Eh ito nga po, at mga kababayan natin ever since kahapon pa po they are saying na ibalik na ang Oplan Tokhang. Tapos sabi ni Secretary Andanar—tinatanong ni Secretary Andanar ngayon bakit nananahimik ang Commission on Human Rights dito, iyong mga kritiko ng Pangulo.

Ano po ang reaksiyon sir? May probability kaya at mapag-uusapan ninyo kaya, mapaparating ninyo kay Pangulo na ito po iyong hinihingi ng mga kababayan natin, ng mga supporters niya na ibalik na ang Tokhang, tumulong na ang PNP sa PDEA dahil mukhang sunod-sunod na naman, Sec., itong heinous crime, Seretary?

SEC. ROQUE:                                   Well kagaya ng sinabi po ng Pangulo, hindi naman permanente itong pagtatalaga sa PDEA at tinitingnan po kung kakayanin at kung hindi talaga kakayanin, ibabalik naman po iyan sa PNP.

Pero ngayon po ang isa pang pinag-aaralan eh iyong palawigin iyong numero ng PDEA at kung puwede naman pong kumuha ng mga personnel galing sa PNP at iba pa… pati nga po sa AFP ‘no para mapalaki iyong puwersa ng PDEA. So tingnan lang po natin ito.

Ang Presidente naman ay talagang pinag-aaralan kung anong pinakamabuti na paraan para isulong na mas mabuti itong laban natin sa ipinagbabawal na droga.

ERWIN:                                              (overlapping voices). Secretary Harry Roque maraming salamat sir magandang hapon, mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ROQUE:                                   Erwin, sandal lang po, nabanggit ninyo iyong CHR ‘no. Mabuti naman binanggit ninyo po iyan—

ERWIN:                                              Opo. Opo.

SEC. ROQUE:                                   At kung ano-ano na naman ang naririnig natin sa CHR na nagrereklamo, nagbibigay daw ng special treatment doon sa mga Ruso ‘no—

ERWIN:                                              Iyon, iyon, iyon.

SEC. ROQUE:                                   Well ang masasabi ko lang po eh dapat naman magsalita rin ang CHR doon sa special treatment na ibinibigay kay Leila De Lima ‘no. Dapat nga kung ilalagay sa mga Ruso na ito Pasay City Jail, eh dapat ilagay rin siguro si Leila De Lima diyan sa Muntinlupa City Jail.

Ang akin lang po eh respetuhin natin iyong prerogative ng Presidente bilang isang arkitekto ng foreign policy. Iyong offer po ni Presidente na ilagay sa separate na detention facility iyong mga Ruso ay ginawa po niya na isang diplomatic na pag-uusap at kung ito po ay kaparte ng panlabas na relasyon ng ating Pilipinas, respetuhin po natin at tanging si Presidente lamang ang magsasabi na kung paano iyang relasyon na iyan ay dapat isulong.

ERWIN:                                              Kasi iyong sinasabi po ng kampo ng kalaban, ng oposisyon eh dapat si De Lima ay hindi po ihalo sa ordinaryong mga preso dahil naging DOJ Secretary daw po siya at siyempre marami siyang mga naipakulong. Do you believe in that statement, Sec.?

SEC. ROQUE:                                   Ang sa akin po eh selective talaga ang CHR. Kapag ka may oportunidad na puluan ang gobyerno, eh pupulaan ‘no. Eh kung talagang dapat walang special treatment, unahin nilang pulaan ang ibinigay na special treatment kay Leila De Lima.

ERWIN:                                              Alright. Secretary Harry Roque, maraming salamat po, sir, once again, mabuhay po kayo!

SEC. ROQUE:                                   Salamat po.

###

source: PCOO-NIB (News Information Bureau)

Resource