Interview

Interview with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Alex Tinsay (DWFM – Punto Asintado)

TINSAY: Good morning, Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig ngayon.

TINSAY: Yes, sir. Tamang-tama, kakakausap lang natin sa Mayor ng Marawi, at sabi nga po niya ay sila po’y confident doon sa extension ng martial law sa kanilang bayan na malaking tulong po ito, sir.

SEC. ROQUE: Well, sa katotohanan lang ‘no, pinaka-importante ang martial law sa Marawi, kasi sino namang contractor ang gagawa para bumangon muli ang Marawi kung walang martial law ‘no. Iyong perception lang na walang katahimikan kung walang martial law diyan sa Marawi ay isang dahilan kung baka maantala iyong pagbabangon ng Marawi.

So ako’y nagagalak ‘no, na with this extension at ang suporta na pinakita ng ating Kongreso ay tayo po ay nagpapalabas ng mensahe na nagkakaisa ang iba’t ibang sangay ng gobyerno para supilin ang terorismo at supilin ang lahat ng kalaban ng ating gobyerno.

TINSAY: Okay. May sagot po ba kayo doon sa mga kritiko ng naging resulta ng botohan diyan sa Kongreso?

SEC. ROQUE: Puwede naman po silang dumulog sa Korte Suprema. Pero gaya ng dalawang desisyon na ng Korte Suprema, naniniwala po ako na lahat ng sangay ng gobyerno pati hudikatura ay nagkakaisa at nakikita nila na talagang mayroon tayong kalaban ngayon, at iyan nga iyong mga dayuhang mga terorista.
TINSAY: Iyon pong mga iba na sinasabi nila ay naaalarma sila sa posibleng pag-abuso sa mga human rights lalung-lalo na po iyong mga Lumad diyan po sa Mindanao. Ano po ang masasabi ninyo?

SEC. ROQUE: Medyo matagal na rin po ang ating martial law sa Mindanao, wala naman tayong nakakalap na mga reports na talagang matinding paglabag sa karapatang pantao. In fact, iyan po ang napakaganda dito sa mga pangyayari, hindi po gaya nung martial law noong panahon ng Presidente Marcos – bukas ang Kongreso, bukas ang pamahalaan at patuloy na umiiral ang Bill of Rights. So wala po dapat ikabahala ang taumbayan.

TINSAY: Okay. Dito naman po kay PNP Chief ‘Bato’ Dela Rosa. Bakit po siya ang napili na magiging BuCor Chief?

SEC. ROQUE: Well, gaya nang sinabi ng Presidente ‘no, napakadami ng mga BuCor Chief ang… kumbaga eh sumemplang para talaga repormahin ang BuCor na iyan. At naniniwala siya na isang pulis na pinagkakatiwalaan niya, gaya ni General ‘Bato’ Dela Rosa, ay baka naman magkaroon ng pagkakataon na talagang magkaroon ng tunay na pagbabago diyan sa BuCor.

TINSAY: Pero maliit lang po iyong teritoryo o boundary ng BuCor. Bakit hindi po sa Customs inilagay si General Bato?

SEC. ROQUE: Mayroon naman pong pinagkakatiwalaan na nakaupo ngayon sa Customs si Presidente. Ang wala po siya talagang pinagkakatiwalaan ay para dito sa BuCor.

TINSAY: Ngayon naman marami po ang nagtatanong, bakit kailangan po siyang i-extend, iyong kaniyang term ng two to three months? Ano po ang paliwanag ng Palasyo?

SEC. ROQUE: Alam ninyo, discretion naman ng Presidente iyan eh. So pagkatiwalaan na lang po natin na ang ating Presidente dahil ang power of appointment ay nasa kaniya naman, ito ang mga dahilan ‘no. Pero ang tingin ko, ang gusto niya ay magkaroon ng transition kasi ang tingin niya ay napakabuti ng naging serbisyo ni General ‘Bato’ Dela Rosa na hindi pupuwedeng kaagad-agaran palitan ang pamumuno ni General Dela Rosa.

TINSAY: Okay. Ano naman po ang sagot ninyo dito po sa obserbasyon o pananaw ng mga tao sa mga headlines sa mga pahayagan na ang nakalagay ay “Duterte won’t rule out nationwide martial law”?

SEC. ROQUE: Well, talaga naman pong posibilidad iyan. Pero kung ninanais ng Presidente na palawakin ang martial law, siguro po ay ginawa na niya iyan ‘no at hindi lang humingi ng pagpapalawig ng panahon ng martial law sa Mindanao kung hindi sa buong bansa.

So sa akin po, huwag na tayong maghaka-haka. Nakikita naman natin, malinaw ang mga ginagawa ng ating Pangulo habang wala pong paktuwal na basehan para mag-martial law sa buong Pilipinas, hindi naman po niya gagawin iyan.

TINSAY: Kaya lang po, ang sinasabi ng iba ay nakakatulong po ba na ito ay talagang ipahayag ng Pangulo o kaniya pong audience dito ay iyong mga puwersang nagbabalak laban sa kaniyang administrasyon?

SEC. ROQUE: Ang sinabi lang naman ng Presidente, kung kumalat ang gulo, eh di nandiyan pa rin iyong kapangyarihan ng martial law; so talaga naman pong hindi imposible, kung mayroong dahilan.

TINSAY: Okay. Mayroon pa po ba kayong gustong sabihin, Secretary Roque?

SEC. ROQUE: Well, nagpapasalamat po kami sa patuloy na pagsuporta ng taumbayan kay Presidente. At mayroon na naman pong bagong survey ngayon na nagpapakita na tuluy-tuloy ang tiwala po ng ating taumbayan. Mamaya po sa ating eleven o’clock briefing ay tatalakayin po natin iyan.

TINSAY: Sa mga hearing ng mga nakasalang po, mayroon po ba kayong masasabi lalo na dito, iyong sinasabing katiwalian doon sa vaccine, doon sa Dengvaxia vaccine?

SEC. ROQUE: Well, nagsalita na po ang Pangulo tungkol diyan sa dengue vaccine na iyan. Ang sabi niya, kung mayroon talagang katiwalaan, pananagutin. Pero sa ngayon, ang sabi ng Presidente, hindi niya sinisisi iyong mga dating opisyales noong pinatupad nila ang Dengvaxia dahil marami talagang namamatay sa dengue; at ang Sanofi naman siguro, hindi para gumamit ng isang vaccine na ikasisira ng kaniyang pangalan.

So mahinahon po, humihingi ng paghinahon ang Pangulo sa lahat. At napakalinaw naman po ng kaniyang deklarasyon: Hindi po siya naninisi; ang importante po ang kalusugan ng ating mga kabataan.

TINSAY: Maraming salamat po sa inyong mga paglilinaw sa mga isyu na kinakaharap ng ating bansa. Thank you so much, Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po.

###

Source: PCOO – NIB (News Information Bureau)

Resource