Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Weng dela Fuente – Erwin Tulfo Live, Radyo Pilipinas

SEC. ROQUE:                                   Magandang hapon Weng, at sa inyong mga tagapakinig. Magandang hapon po.

WENG:                                                                Alright, salamat ho sa panahon ninyo Secretary. Ngayong hapon, eh mayroon ho kayong nailabas ho na pahayag para doon—ano ba ang puwede ninyong sabihin doon sa mga kinukulayan ito pong revolutionary government issue na sinabi naman ng Pangulo na hindi niya ho idedeklara ‘yan dahil ayaw ng militar ‘yan. Kumbaga eh modern times na ho tayo, hindi na ho uso iyong talagang parang martial law-martial law ang dating noong panahon ng Marcos regime. Oo…

SEC. ROQUE:                                   Oho. Ang—medyo mahirap ho ‘tong isyung ito, kasi mayroon din tayong mga kaalyado na nagsusuporta sa revolutionary government para nga mapabilis iyong proseso ng pagbabago ‘no. Pero malinaw po ang sinabi ng Presidente, na magdedeklara lang siya ng revolutionary government kung naghihingalo na ang gobyerno ‘no, dahil nga sa mga pagtangka ng kaniyang mga kalaban na patalsikin sa puwesto. Eh wala naman po ‘yang ganiyang kondisyones, kaya paulit-ulit ngang sinasabi ni Presidente, hindi naman siya magdedeklara ng revolutionary government – pero ginagamit din ng oposisyon para takutin din ang taumbayan.

So malinaw po ang deklarasyon ng Presidente, tatlong beses na po niyang sinabi ‘yan na itong nakalipas ng linggo, hindi po siya magdedeklara. Ang tsismis, kahapon daw po dapat nagdeklara ng revolutionary government – hindi po nangyari iyan. So ang aking sinasabi, move on na tayo; sa oposisyon, maghanap na kayong ng bagong issue. Sa mga kaalyado, eh talaga naman pong kapangyarihan ‘yan ng Presidente kapag talagang sila’y pinagtangkaan na tanggalin si Presidente sa posisyon ‘no. So pero for now po, move on na ang lahat.

WENG:                                                                Pero ano ho ang mensahe naman ng Pangulo doon sa mga kuwan… sa mga sumusuporta sa kaniya, iyong mga nag-pro-rev gov pa kahapon sa mga rally?

SEC. ROQUE:                                   Oho, nagpapasalamat ho talaga ang Presidente sa walang hupang pagsuporta ng taumbayan ‘no. Pero sa ngayon po, hindi kinakailangan ng Presidente ang revolutionary government, siya po’y halal ng taumbayan, siya po ngayon ay tanggap ng taumbayan, napakataas ng acceptance rating ni Presidente, gumagalaw naman ang mga repormang nais gawin ni Presidente, sinisibak niya sa puwesto ang mga corrupt. Ang ekonomiya naman eh, balita ko ngayon ay isa sa pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa buong Asya, so everything under control. Hindi pa po kailangan ni Presidente ng emergency powers, at hindi pa kailangan ni Presidente ng revolutionary government. Kapag kailangang-kailangan naman talaga ay unang-unang pupuntahan namin ang mga supporters.

WENG:                                                                Kayo, bilang human rights lawyer Secretary, ay ito pong revolutionary government, will this somehow, if ever lang na aabutin tayo sa ganoon… marami nang manggugulo siguro if ever, sana’y wala. Will this somehow abuse human rights kahit papaano?

SEC. ROQUE:                                   Ay… well, ang revolutionary government naman po, sang-ayon sa Supreme Court ‘no noong panahon ni Cory Aquino ay legal kung suportado ng taumbayan. So naalala ninyo, eh kinailangan mag-revolutionary government si Tita Cory kasi hindi naman siya nadeklarang panalo ng Comelec ‘no. Pero si Presidente nadeklarang panalo, panalo ng Kongreso ‘no, napakalaki ng agwat sa pangalawang kandidato at napakataas ng acceptance rating. So bagama’t legal ang revolutionary government sang-ayon sa Korte Suprema noong panahon ni Cory Aquino, hindi na po kinakailangan ngayon ‘yan.

 

WENG:                                                                Alright. Secretary ito lang pahabol, last lang. Baka may abiso na ho kayo, Monday may transport strike. May anunsiyo na ba ho puwedeng ilabas ang Malacañang kung may pasok ba?

SEC. ROQUE:                                   Well, wala pong anunsiyo na walang pasok – so may pasok po ‘no. Anyway, ang Piston lang naman po ang palaging nagdedeklara ng tigil-pasada, at binalaan na sila ng LTFRB, labag po ‘yan sa kanilang prangkisa kapag sila’y sumasali sa tigil-pasada at hindi po mag-aatubili ang gobyerno na i-revoke lahat ng prangkisa ng sasali diyan sa tigil-pasada na ‘yan.

WENG:                                                                Alright. Secretary, salamat ho ng marami sa inyong naibigay na panahon sa Erwin Tulfo Live ngayong hapon. Secretary Harry Roque, sir thank you.

SEC. ROQUE:                                   Maraming salamat po.

WENG:                                                                Si Presidential Spokesperson Harry Roque…

###

source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

 

Resource