Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Vic Lima and Dexter Ganibe (Special Coverage – DZMM)

SEC. ROQUE: Good afternoon, Dexter. Good afternoon, Vic. Magandang hapon po.

Nagagalak naman po ang Presidente sa suporta na ibinigay ng Kongreso dito sa pagpapalawig ng martial law ‘no. Ito po ay nagpapadala nang napakalinaw na mensahe sa lahat ng kalaban ng gobyerno na nagkakaisa po ang gobyerno para matalo na po nang tuluyan ang puwersa ng kadiliman sa ating lipunan.

LIMA: Mr. Secretary, ang karamihan ho sa nagiging basehan ng mga kumontra sa extension ng martial law ay they keep on comparing iyong martial law ng Marcos at martial law ngayon sa Mindanao. What can you say about that, Mr. Secretary?

SEC. ROQUE: Napakalaki po ng pagkakaiba ‘no. Ito po ay bukas ‘no, ang mga hukuman ay bukas at patuloy po ang ating demokrasya; ang ating Saligang Batas ay umiiral pa rin. At nakakapagsalita sila ng ganiyan samantalang nung mga… iyong naunang martial law ay wala pong puwedeng magsalita laban sa administrasyon.

LIMA: At iyong kanilang pangamba na ito’y intended din para patahimikin ang mga left-leaning na mga grupo lalung-lalo na siguro iyong mga nasa lansangan araw-araw, iyong mga nagpuprotesta. Iyon daw ay aimed at them para sila’y patahimikin?

SEC. ROQUE: Well, linawin natin ‘no. Ang mga tumututol po sa martial law ay mga taga-Luzon. Eh hindi naman po under martial law ang Luzon, so puwede pa rin po silang magsalita hanggang gusto nilang magsalita.

LIMA: All right, well said. Secretary Roque, maraming salamat. Thank you for your time, sir.

GANIBE: Secretary, pahabol lang na katanungan. May binabanggit si Pangulo Rodrigo Duterte kagabi na kung hindi naman aabutin ng December 31, 2018 iyong retention o kung maagang matapos iyong mga problema sa Mindanao ay anytime naman puwede itong i-lift.

SEC. ROQUE: Tama po iyan. At alam ninyo ang Presidente ay taga-Mindanao naman so alam naman niya kung kinakailangan o hindi ng Mindanao ang martial law. So bigyan po natin nang sapat na tiwala ang Presidente na kung hindi naman kinakailangan na ay maili-lift na rin nang mas maaga itong martial law na ito.

GANIBE: Okay, maraming salamat, Presidential Spokesperson Harry Roque. Maraming salamat sa inyong oras.

##

 

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

 

Resource