Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (DZMM – Failon Ngayon)

Event Radio Interview

TED: Magandang umaga po sa inyo, Atty. Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga Manong Ted; at sa lahat ng nanunuod at nakikinig, magandang umaga po sa inyo.

TED: Opo. Attorney, unahin ko lang po sa ERC ha. Kasi mabigat po ang implikasyon po nito at bagamat they have – as you know being a lawyer – na sila po ay meron pa hong tiyansa to file some motion dito po sa kanilang suspension. But pending nga po ang resolution dito po ng hukuman na kanila pong pupuntahan and then the possibility po ‘no, na posibilidad ng mabilis po na pag-action ng Sandigangbayan sa kasong ito ay malaki po ang trabaho ng ERC.

Ano ho ang magiging diskarte po dito ng Palasyo sa usapin po ng pagpupuno sa mga kawalan po ng Commissioner po sa ERC?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, bagama’t lahat ng Commissioner bukod po kay Chairman Devanadera ay nasuspinde ng Ombudsman, nandiyan pa po si Chairman Devanadera. Ibig sabihin itong pang-araw-araw na pagtakbo ng ahensiya ay tuloy pa rin, dahil sa batas po na EPIRA, ang Chairman naman ang tumatayong CEO ‘no.

Pero totoo po magkakaroon po ng parang paralysis diyan, dahil pagdating sa polisiya ay hindi po sila makakagalaw dahil ang sabi ng batas ay kinakailangan na ang ERC ay pagbotohan iyong mga policies na iyan at sila po ay isang collegial body. Ibig sabihin po niyan ay hindi po puwedeng isang tao lang ang nagdedesisyon. Bagama’t ginagalang po natin itong desisyon ng Ombudsman at sa tingin ko naman ay tama naman po iyong desisyon na iyan na suspendihin sila ano.

Well, pinag-aaralan na po ng Malacañang ang option niya dahil hindi naman pupuwede na habang sila ay suspendido at habang nakabinbin ang mga kaso nila ay walang desisyon na mangyayari diyan sa ERC. So pinag-aaralan na rin po iyong aspeto ng administratibo kung ano ang pupuwedeng gawin ng Palasyo mismo para hindi po matigil ang operasyon ng ERC.

TED: All right. Well so meaning, ito po ay urgent matter para po aksyunan ng tanggapan ng Pangulo.

And also if I may inform you po Secretary ‘no, ang official pong statement ng ERC, if I may read, ito po ay maiksi po lamang, para ho ninyo mapagtanto: “Considering that the ERC is under the Executive Department, the Commission will be seeking guidance from the Office of the President relative to the recently released Ombudsman decision specially that this will help a significant impact not only to the electricity consumers but to the economy as well.” Iyan po ang kanilang statement.

So ipinapasa na nga po nila sa Executive Department, sa inyo po sa Malacañang, sir. Go ahead.

SEC. ROQUE: Meron pong mga option naman talaga ang Palasyo diyan. Meron po kaming opisina na talagang nagdidisiplina naman ng mga tao ng lahat ng ahensiya sa Ehekutibo at isa sa posibleng option – so hindi ko naman po sinasabing ito ang gagawin nila ‘no, dahil meron pa silang due process ‘no – ay iyong isyu na dapat bang manatili o hindi iyong mga na-suspinde nilang mga Commissioners ‘no.

Pero hayaan po natin na pag-aralan iyan, nung opisina sa ilalim po ni Executive Secretary Medialdea.

TED: Opo, sige po. So, siguro po aabangan natin nga kung ano po ang magiging desisyon dito ng Malacanang.

Sir, kahapon po narinig ko na po iyong inyong sinasabi tungkol po dito sa PCSO na kontrobersya po ngayon. So far ho ano ho ang reaskyon dito po ng ating Presidente. Ito ho ba ay naka-abot na po sa kanya itong isyu na ito?

SEC. ROQUE: Well, nasa Davao po ngayon ang Presidente at hindi ko pa po siya nakakausap ‘no. Pero ang track record po ng Presidente, lahat po ng nababalita na katiwalian sa gobyerno ay nakakarating sa kanya. I can assure you po na ang media monitoring at media reporting ng Presidente tatlong araw po iyan na—kada araw at nasisigurado ko pong nakarating na sa kanya. Hindi ko lang po pupuwedeng pangunahan po kung ano ang mga gagawin ni Pangulong Duterte; pero ang track record po ng Presidente, mabilis po ang aksyon ng ating Presidente.

TED: Opo. Ang Pangulo ho ba ay mag-i-stay na po sa Davao until Christmas?

SEC, ROQUE: Iyan po ang pagkakaalam ko po ano. At ang balik po niya ay—well, unang-una meron pong trip sa Marawi para po i-turnover iyong mga bahay para sa mga bakwit at pagkatapos po merong Rizal Day.

TED: Rizal Day… that will be here in Luneta?

SEC. ROQUE: Opo.

TED: I see. Okay sige po. Alam n’yo ho, di ba tayo nagkausap po Secretary kamakailan lamang tungkol doon sa telepono. Kung ang Pangulo po ba natin ay napuputulan din ng signal ng telco. Sabi nga po ninyo ay sigurado, kaya nga tinutupad iyong pangako niya para bumuti itong serbisyo ng mga telcos na ito sa atin. Kasi nga kinakailangan maranasan mo mismo iyong hirap na dinadanas ng iyong mga kababayan na itong pinaglilingkuran para ka talagang umaksyon ano.

Sana po, sir, mapansin lang po ni Presidente itong hirap po ng pagko-commute ng ating mga uuwi ng probinsiya sakay po ng land transportation. Kasi ano ho ito, Sec—I mean Attorney ‘no. Itong…alam n’yo ho iyon, iyong eksena kapag Undas, kapag Semana Santa, ngayon Pasko. Sa klaro ho na kakulangan ng masasakyan, dahil nga po sa problema ng mga lehitimong bus operators tungkol po, pati ho sa mga UV express etcetera sa kakulangan po ng prangkisa na for the longest time po, walang bago kaya ho ang bagal-bagal, sir. Ang bagal po ng pagproseso po nila dito po sa kinauukulang tanggapan po, sir, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, Kuya Ted ang masasabi ko lang ‘no, nung minsan na nagsalita ka na palpak ang mga telcom, araw lang ang binilang ay nagkaroon po siya ng order na mapabilis iyong proseso na makapasok ang isang third carrier; at ngayon nga po ay sinabi lang kailan ng Presidente na dapat iyong third carrier na iyan ay nag-o-operate na, nagbibigay na ng serbisyo bago matapos ang first quarter ng 2018.

So ganyan naman po kabilis iyong naging aksyon ng Presidente at sigurado po ako, gaya ng sinabi ko nung nag-uusap tayo tungkol sa telcom na nakikinig naman po ang Presidente sa inyong programa at tingin ko po ay nakakarating sa kanya ngayon iyong isinasangguni ninyong problema naman po sa problema ng mga land transportation. Mabilis po ang maging action ni Presidente diyan.

TED: Opo, sana po bilis-bilisan lang po habang wala pa ho iyong sinasabi na rationalization na iyan, iyon lang pong actual lang na mga kinakailangan pong aprubahan nila para po magkaroon po ng mga bagong bibiyahe sa mga probi-probinsya ay maaksyunan. Kasi po kagaya po kahapon nagpunta po diyan sa AFP Medical center di ba ang Pangulo?

SEC. ROQUE: Opo.

TED: So mismo nakita niya iyong dialysis machine, iyong pangangailangan doon na mga may problema. So kapag nakita mo kasi iyong problema, pag-actual iyong ramdam mo eh, ramdam mo mismo kaya iyong kilos mo mabilis. Kaya ho ganoon talaga ang kinakailangan, you have to be on the site, to be on the ground, para mo malaman iyong problema.

Well, you know, hindi naman sa tayo nag-aano dito ‘no…kinakailangan talaga ganoon, di ba. May kalamidad, may tumamang kalamidad, doon ka kaagad, para makita mo kung gaano kabilis ang aksyon ng gobyerno. Ganoon po talaga ang kinakailangan eh. We really appreciate that, Secretary.

SEC. ROQUE: Ay okay naman po, merong track record po ang Presidente. Eh siguro po hindi na ako magsasalita, abangan na lang po natin ang mga mangyayari dito sa sinanggunin ninyong problema sa mga prankisa sa land transportation. Mabilis naman gumalaw ang Presidente.

TED: Iyong lehitimo po ang binabanggit, iyong mga lehitimo. Salamat po, Sec. Harry at Maligayang Pasko po sa inyo, Sir, sa Malacañang.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po at Merry Christmas at Happy New Year.
###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource